Senior High School Series #5:...

By LadyLonelySadness

89 13 2

Ever since a kid, Chase Clomid Einstein and Dhairy Clea Mcllister are bestfriends as if it was already writte... More

COLLABORATION
DISCLAIMER
EPIGRAPH
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4

CHAPTER 1

10 0 0
By LadyLonelySadness

🍩🍩🍩

"Mom, bakit po ba kasi kailangan nating lumipat ng bahay?" Rinig kong usisa ni Vlaixe habang nasa daan kami patungo sa bago naming bahay, lumapit pa siya sa pagitan ng upuan nila Mommy saka inilinga-linga ang ulo sa mga magulang namin habang naghihintay ng sagot.

"Basta, hindi niyo maiintindihan." Tipid na sagot ni Daddy kaya't napabalik na lamang ng upo si Vlaixe sa tabi ko habang nakasimangot, masyadong mausisa ang kapatid ko kaya't hindi uubra sa kanya ang ganoong sagot lamang.

Kung ako lang ay sasabihin ko sa kanya ang totoo ngunit kabilin-bilinan ng mga magulang namin na huwag ipagsasabi sa kahit na kanino ang nalaman ko, kung tutuusin ay hindi dapat itago iyon bagkus ay dapat na ihingi ng tulong pero ewan ko ba kung bakit ayaw nilang sabihin sa iba.

Napatingin ako sa katabi kong bintana ng dumaan ang sasakyan namin sa isang arko, sinundan ko ng tingin iyon hanggang sa malinaw kong mabasa ang nakasulat doon. Welcome to Heal Heights. Iyon ang eksaktong mga salita na nakasulat sa arko na ikinakunot ng noo ko, sa pagkakaalam ko'y isang malawak na probinsya ang Heal Heights, naroon pa nga ang kilalang lungsod ng San Lazarus kaya't paanong dito kami lilipat gayong nasa siyudad na kami. Mula sa siyudad ay lilipat kami sa isang probinsya? Napakalabo naman ng lahat, pakiramdam ko'y kahit alam ko ang dahilan ay hindi pa rin iyon nagkakaroon ng sense dahil sa nangyayari.

Halos tatlong oras pa ang lumipas bago tuluyang huminto ang sinasakyan namin matapos makapasok sa isang subdivision. Huminto iyon eksakto sa pagitan ng dalawang bahay na magkaharap, unang bumaba si Mommy na agad na nag-doorbell sa isang bahay bago sumunod naman si Daddy kaya't bumaba na rin kami ni Vlaixe upang malaman kung anong mayroon.

Ilang minuto lang ang lumipas bago lumabas ang isang babae na agad napangiti ng makita kami, tuwang-tuwa iyon na yumakap kay Mommy na para bang sobrang sya niya sa pagkikita nilang iyon.

"Mabuti naman at narito na kayo! Nako, matutuwa si Tinne at Wendel na makita kayo!" Masayang sabi nito.

"Narito ba ang dalawang iyon? Ang huling balita ko nasa ibang bansa ang dalawa." Usisa ni Mommy.

"Nako, kauuwi lang noong nakaraang taon. Madalas nga ay ang dalawang anak lang ng mga iyon ang nariyan." Sagot ng ginang, "Oh siya! Gusto niyo ba munang tumuloy sa loob o dumiretso na tayo sa bahay niyo?"

"Nako," napatingin sa amin si Mommy, "Pwede bang dumiretso na muna tayo sa bahay? Paniguradong napagod sa byahe ang mag-aama ko e, mamaya na lamang tayo magkwentuhan."

"Sure! Halika!" Pagpayag ng ginang saka naunang lumakad patungo sa isa pang bahay na kaharap lamang ng bahay na iyon.

Sumunod sa kanya si Mommy kaya't napasunod na lamang din kami, pumasok kami sa loob ng bahay at animo'y nag-tour ang ginang kung ano ang mayroon doon.

Napabuntonghininga na lamang ako saka nagpaalam kay Mommy na maiiwan na lamang muna ako sa kwartong itinuro nilang para sa akin. Inilibot ko ang tingin sa kabuoan ng kwarto bago ako lumapit sa malaking kurtina na naroon, hinawakan ko ang kalahati at hinawi iyon. Awtomatikong napakunot ang noo ko ng makitang may bintanang katapat ang bintana ko at napataas ang kilay ko ng mapansing may tao sa kabilang bintana, abala iyon sa pagliligpit ng kung ano sa loob ng kwarto nito.

"Win!" Rinig naming sigaw kaya't nagulat siya at napalingon dahilan para magtama ang mga mata namin, kumunot ang noo niya saka lumakad palapit, "Naiwan ko ata yung sapatos ko dyan! Pahatid dito!" Muling dagdag ng sumigaw kanina kaya't napatingin na ako sa gawi no'n.

Muling kumunot ang noo ko ng makitang may isang bintana pa hindi kalayuan sa katapat kong bintana, binuksan ko ang bintana upang tingnan kung mayroon ding katapat iyon  at hindi nga ako nagkamali, katulad ng sa akin ay mayroon ngang katapat na bintana iyon.

"Ate barbs! Ang ingay mo!" Saway ng babae na mula sa katapat kong bintana, nakapamewang na siya habang nakaharap sa gawi ng bintana ng sumigaw kanina.

Imbis sumagot ang babaeng sumisigaw kanina ay nag-peace sign lang iyon, tahimik na pinagmamasdan ko lang sila hanggang sa isang lalake ang sumulpot, lumakad iyon sa isang bridge na nagdurugtong sa dalawang magkaharap na kwarto.

"Kuya Winston! Sasama ka sa liga?!" Rinig kong tanong nung babaeng katapat ko.

Napahinto ang lalake at napatingin, hawak nito sa isang kamay ang isang pares ng sapatos na mukhang iyon ang isinisigaw ng isa pang babae kanina.

"Hindi ko sigurado," tipid na sagot ng lalake saka akmang papasok na sa kabilang kwarto ng may lumabas mula sa pinto sa ibaba.

"Ano ba naman kayo! Ang iingay niyo!" Inis na saway nung babaeng kanina ay kausap ni Mommy.

Sabay-sabay kaming napatingin sa ibaba at halos matawa iyon ng makita kami.

"Mari!" Sigaw na tawag nito kay Mommy, "Tingnan mo! Ang cute ng mga bata!"

Napakunot ang noo ko at saglit na pinasadahan ng tingin ang ibang naroon, hindi ko makita kung ano ang sinasabi niyang cute dahil halos pare-parehas kaming apat na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.

Lumabas naman si Mommy at ng makita kami ay napangiti na lamang siya bago hinatak ang kaibigan niya kaya nagkanya-kanyang pasok na sa loob ng kwarto ang tatlo at naiwanan akong nakatayo pa rin malapt sa bintana.

Pagsapit ng lunch ay napatayo ako mula sa pagkakaupo ng may kumatok sa pinto, lumapit ako doon at binuksan iyon.

"Kuya, kakain na daw." Bungad ni Vlaixe kaya't lumabas ako ng kwarto saka isinara ang pinto bago sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa labas ng bahay ay bumungad sa akin ang isang malaking mesa habang abala silang magparoo't-parito dala ang kung ano-anong mga bagay.

"Chase, anak, kumuha ka ng mga baso sa loob!" Rinig kong utos ni Mommy.

"Ilan ho?"

"Labing-dalawa!" Sagot niya kaya't lumakad ako pabalik sa loob ng bahay at kumuha ng iniuutos niya. Pagbalik ko sa labas ay naroon na silang lahat kaya't inilapag ko sa tabi ng water jug ang mga baso saka tumabi kanila Mommy dahil sa Vlaixe ay naroon na sa kabilang side habang may kausap na mukhang kasing-edad niya lamang.

"Nasaan si Vlaixe?" Rinig kong tanong ni Mommy kaya't itinuro ko iyon. "Nako, masyado atang friendly ang anak ko?"

"Mommy! Mabait siya!" Sagot ni Vlaixe na itinuro ang batang katabi.

"Mukhang hindi na ata natin sila kailangang ipakilala sa isa't-isa?" Sambit nung isang babae.

"Bahala na sila sa buhay nila? Malaki na ang mga 'yan." Sagot naman nung isang lalake.

"Kayo lang," kontra nung isa saka humarap sa amin, "Fuestinne, tawagin niyo na lang akong Auntie Tinne." Nakangiting pakilala niya.

"Uncle Wendell," tipid na dagdag nung katabi niyang lalake.

"Winston Salem," pakilala nung lalakeng may bitbit na sapatos kanina.

"Bella! Ako po si Bella Cardacia Oregon!" Segunda ng batang katabi ni Vlaixe.

"Okay, Tita Pau na lang ang itawag niyo sa akin!" Nakangiting sabi nung isa pang babae na sumalubong sa amin kaninanung dumating kami.

"Tito Stordy na lang," singit nung katabi niyang lalake.

"Barbie Fenix, ate barbs na lang." Nakangiting sabi nung babaeng sumisigaw kanina.

"Dhairy Clea," supladang sambit naman nung babaeng katapat lang ng bintana ko ang bintana.

"Auntie Alice," sambit ni Mommy saka iminuwestra si Daddy na nasa tabi niya, "This is Uncle Clim, and my oldest son, Chase Clomid."

"Vlaixe po pangalan ko!" Sigaw naman ni Vlaixe na tumayo pa mula sa pagkakaupo.

Natapos ang pagpapakilala ay pumuwesto na ang lahat upang magsimula na kaming kumain.

"Never thought na magagawa nating possible ang ganito," nakangiting sabi ni Auntie Tinne.

"Isa na lang ang kulang," dagdag ni Mommy at nag-ngitian silang tatlo na animo'y may binabalak na masama.

Napailing-iling si Daddy ng mapansin iyon, "Hayaan niyo ang mga bata, hindi nila kailangang sundin ang ganyan." Sabi niya na ikinasimangot nila Tita Pau at Auntie Tinne samantalang napatango-tango si Mommy.

Kung ano man iyon ay paniguradong matagal na nilang plinaplano iyon, malinaw ko pang naaalala ang kwento ni Daddy tungkol kanila Mommy, ayon kay Daddy, lahat daw ng bagay ay nais ng tatlo na planado kaya't hindi na raw nakapagtataka na nagawang isakatuparan ng mga ito na magkaroon ng bahay na halos magkakatabi lamang. Siguro ganoon talaga kapag magkakaibigan, ayaw nilang maghiwa-hiwalay hangga't maaari.

Pagsapit ng mga sumunod na araw ay nag-aya sila ng mga gala, mamamasyal raw ang lahat ngunit dahil naiilang pa rin akong makihalubilo sa kanila ay mas pinipili ko na lang na magpaiwan, hindi naman ako katulad ni Vlaixe na agad-agad ay nakipagkaibigan na kay Bella at ayon, palagi na silang magkasama sa kahit saan. Samantalang si Kuya Winston at Ate Barbs ay halata namang matagal ng magkaibigan kaya't madalas ang naiiwan ay kami na lamang ni Dhairy dahil kami lamang ang hindi nag-uusap.

Mahirap naman kasing timplahin ang ugali ng babaeng iyon, hindi siya madaling kaibiganin kaya't madalas ay tahimik na lamang ako sa isang gilid kaysa subukang kausapin siya.

"Magpapaiwan ka na naman, kuya?" Tanong ni Vlaixe ng naghahanda na silang umalis para mamasyal na naman.

Tumango lamang ako bilang sagot kaya't tumakbo na siya palabas ng kwarto ko, sa sunod na pagbukas ng pinto ay si Mommy na ang pumasok.

"Nak, hindi ka na naman sasama?" Tanong niya saka lumapit sa kama ko dahilan para bumangon ako.

"Hindi po, wala naman akong gagawin doon e."

"Ang binata ko naman, nahihiya ka ba sa kanila?"

Umiling ako, "Wala naman po kasi akong gagawin e, tatahimik lang din naman ako doon." Katwiran ko.

"Sige, dalhan ka na lang namin ng pasalubong." Pagbibigay niya, "Sure ka bang okay ka lang dito?"

Tumango ako bilang pagkumpirma ng hindi na siya mag-alala, "Opo, ayos lang ako dito." Sagot ko kaya't sa huli ay hinayaan na lamang din ako ni Mommy, ilang minuto pa ay wala na akong narinig na kahit na anong ingay kaya't tumayo ako at sinilip ang labas mula sa bintana, wala ng kahit ano sa ibaba, mukhang nakaalis na silang lahat.

Napabuntonghininga ako saka bumalik sa higaan, nakaidlip ako at ng magising ay napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng tili mula sa kabilang bahay. Kunot ang noo na lumapit ako sa bintana at tiningnan iyon ngunit wala akong nakitang kahit ano.

Akmang babalik na ako sa kama ng muling marinig ang matinis na tili hanggang sa may nabasag mula sa kabilang bahay, dali-dali akong bumaba at lumabas saka tinungo iyon. Pumasok ako sa bahay nila Tita Pau at agad na hinanap ang ingay, napahinto lang ako ng makita ang magulong ayos ng kusina.

"Dhairy!" Sigaw ko ng makitang nakahandusay sa lapag ang babae, agad akong lumapit sa kanya saka chineck kung buhay pa siya at ng maramdamang humihinga pa siya ay ginising ko siya.

Sa pagmulat ng mga mata niya ay agad na napakunot ang noo niya ng makita ako saka nagmamadaling lumayo sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?!" Eskandalosang tanong niya na halos sumigaw pa.

"Narinig kitang tumili, anong ginagawa mo?" Kunot ang noo na tanong ko pabalik.

"Nagluluto!"

"May nagluluto bang nakahiga sa lapag?" Muling tanong ko saka tumayo, "Ginulo mo ang buong kusina."

"Nahimatay lang ako kasi nasugatan!" Depensa niya, "Bakit ba nandito ka? Napaka-chismoso mo!"

"Pasalamat ka nga't pumunta agad ako para i-check kung patay ka na."

"Edi salamat!" Inis na sabi niya, "Umalis ka na nga!"

"Ewan ko sayo, maldita!" Ismid ko saka iniwanan na siya, sa lahat ng anak ng mga kaibigan ni Mommy, si Dhairy talaga ang may pinaka-mahirap timplahing ugali, hindi katulad ni Ate Barbs na sobrang bait at ni Bella na sobrang sweet naman, naiiba siya, sobrang maldita niya.

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 908 25
an epistolary ; serenity and caesar
88.1K 7.7K 15
One House. 17 contestans. All eyes on them. When everyone discovers who these celebrities struggling for their place in house every week are, these...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
Daisy By <3

Teen Fiction

11.3M 316K 34
He continues to stare as the young girl hums quietly, while keeping her eyes locked on the book in her hands. At the sound of his footsteps, she sudd...