Thirst Under The Wild Spell (...

imstilltyping द्वारा

452 49 129

GL अधिक

Prologue
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15

02

27 3 16
imstilltyping द्वारा

02:

I can feel like smirking the whole day because of what i’ve seen. I admit she’s good in half ponytail and even extremely fine without her glasses, takot ba siyang i-bubully ko siya? Pero pake ko ba sakanya? Hell, I don’t care if she looks like a damn nerd with her style. Coward.

Half day lang ang classes ngayon sa buong senior high department at wala ’atang exemption na strand dahil lahat maglilinis sa field. I immediately fixed my high ponytail and even fixed my shirt. Mabuti at pinayagan kaming mag palit ng damit dahil nauumay na talaga ako sa uniform. Bukas ay maglilinis din kami pero sa kabilang field na, parusa ’ata ’to sa mga senior high dahil bago pa nga ang klase ay madami na ang mga nangyayari at sunod sunod na ang senior high students na labas-pasok sa prefect.

Bumaba agad kami lahat. Lahat ng strands at mga sections ay may iba’t ibang task dahil malawak ang field. I just rolled my eyes when my sweats started to fall down, hindi ko pa nga nasimulan ang maglinis pero Ito ako ngayon. Kinuha ko ’yong dahon ng marang tree dahil malaki ’yon at pinaypay sa sarili ko, some even imitate me.

“Sana pala ay nag apply nalang ako bilang janitor! Bakit pa ba ako nagpa-enroll?!” Rinig ko ang malakas na sigaw ni Maria. Everyone heard that kaya lahat sila tumawa. Nandoon sila sa gitna ng field nag linis habang kami ay dito lang malapit sa mga buildings ng senior high department.

Umiling agad ako dahil panay reklamo si Maria at ’kala mo naman hindi siya maririnig! Rinig ’ata ng mga professor mga reklamo niya! I’m glad that Ezra immediately covered her mouth using her hands, naiinis na ’ata si Ezra at hindi na matiis at tinakpan na ito.

“Your friends?” someone approached me. I squinted my eyes and looked at his id lace. Perhaps, he’s from another strand? Nilingon ko ang tinuro niya at umiling ako bago tumawa. “Really? They kept mentioning your name though, they said that you’re having a hard time here and anytime soon you’re going to faint.”

I rolled my eyes. Insulto o hindi kaya asar lang ’yan! Bakit pinabango pa at parang pinamukhang concern sila sa akin? As if naman na may pake ang mga ’yon sa akin. I immediately hold the hose tightly, diniligan ko ng maayos ang garden doon habang ’yong lalaki ay nasa gilid lang.

I shifted my gaze, “Ano pala kailangan mo?” I said not sounding disrespectful at all. Kinuha niya ang hose sa kamay ko at mabilis niya agad nilipat sa isang pot. Who’s this guy anyway? I don’t even know him. Is he hitting on me?

“Ano pala kailangan mo?” ulit ko, ngayon ay nakayuko na siya at may inayos na isang pot. He didn’t respond at all that’s why I sighed secretly waiting for him to speak. Or else i’m going to assume that he likes me!

I crossed my arms while looking each of his every move. He did the work effortlessly, mga sira na tanim ay inayos niya agad ’yon. I can feel that he’s a gardener in his past life. I just chuckled and shrugged my shoulders of what I think. Napaangat siya nung nakita niya akong tumawa, I raised my brow.

“Hindi mo ba ako tutulungan?” he said and smiled.

I scoffed, “Kinuha mo nga sa akin ’yang trabaho ko?”

He immediately chuckled, “I’m helping, Rei. Hindi ko kinuha.”

Napatingin ako sa damit ko kung may suot ba akong id pero binalik ko ang tingin sakanya nung nakita na wala naman akong suot! I squinted my eyes getting suspicious of him pero napa face palm nalang ako dahil siguro ay binenta na nila Ezra pangalan ko!

“Ezra kept mentioning your name. . .” he shrugged his shoulders.

“Nireto ka ba niya sa akin? Too bad, you’re not my type.”

“What’s your type then?” he said smirking.

Inangat ko ang tingin ko para mag-isip at nakita ko agad kung sino ang nasa second floor habang ang tingin ay nasa akin. I raised my brow when I met her eyes on her big glasses with her furrowed brows. Bakit hindi ’to nag-lilinis? Wala naman sigurong exemption ’no? I keep raising my brow at nakipag paligsahan pa ako sakanya kung sino ang bibitaw ng tingin, she immediately shifted her gaze and looked at the other side of the building.

“Siguro ’yong matalino at pogi. . .” I said shrugging my shoulders. Kinuha ko agad ’yong hose nung natapos na siya at tumalikod na para ibalik ’yon sa faculty room pero sunod nang sunod pa rin ang lalaki.

“Edi pasok ako sa standards mo.”

I chuckled sarcastically. Standards? Bro, you can’t reach my standards. Umiling lang ako at sinabihan siya na hindi ako interesado but that motherfucker kept asking my socials, wala akong nagawa kundi ibigay ’yon.

Nag pirma agad ako sa logbook na hawak hawak ng secretary namin hudyat na tapos na ako gumawa sa tungkulin ko, I was about to close the book when I got curious for a bit. Hinanap ko ang kanyang pangalan at doon ako na pa tawa nung wala akong nakita roon. Pumunta ako sa comfort room para mag ayos bago pumunta sa classroom namin at naka-salubong ko agad ang tingin niya.

She’s reading a book right now at siguro ay nakita niyang papalapit ako sakanya kaya napa-angat siya ng tingin. I raised my brow, “Hindi ka nag lilinis, ah? Exempted?”

Ibabalik na sana niya ang libro sa kanyang bag at mabilis kong kinuha ’yon at inangat. I chuckled and looked at her when I saw her frowning because of what I did. Inayos niya ang kanyang salamin at tumayo na, I parted my lips because I forgot that she’s much taller than me! Binaba ko agad ang libro at tinago sa likod ko.

“Akin na. . . Rei. Uuwi na ako.”

“So hindi ka maglilinis? Ang unfair naman ’ata n’yan! We’re doing our job out there yet you’re here having the best life?” I said exaggerating.

Pinasadahan niya ang kanyang buhok sa kanyang mahabang mga daliri. She then glared at me and I smirked with that. She's pissed? Oh god, i’ve been dying to see that face of her.

Umiwas agad siya ng tingin at parang may sinabi na hindi ko narinig kaya linapit ko ang sarili ko. “May sinabi ka Zowen?” I tilted my head.

She hissed. “Hindi ka nga naglilinis do’n. . .”

“Ano?”

“Hindi ka naman naglilinis do’n. . . we’re just the same,” she said in a thick voice.

Halos napintig ’yong tainga ko sa narinig ko. She said what? Tumalikod agad siya at inayos ang kanyang bag, mabilis ko kinuha ang kwelyo niya at ngayon ay naka harap na siya ngayon na naka angat ang kilay. Hinigpit ko ang hawak do’n sa uniform niya kaya nakaka-sisigurado ako na ma-lulukot na ’yon.

“Ang yabang mo. . .” I hissed. Linapit ko ang sarili ko papunta sa tainga niya, “I don’t care if you have my mom’s trust but that doesn’t mean you can act superior unto me. One wrong move, Zowen. . . hindi mo malalaman anong magagawa ko sa ’yo.”

Binitawan ko agad ang kanyang kwelyo bago napangisi. I can’t help to mouth the word ‘coward’. Bumaba na ako dala-dala ang bag ko at tinapon kahit saan ’yong hawak na libro ko kanina. Pinalabas ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato si Maria na hawak ’yong dalawang trash can, I chuckled loudly and uploaded it to my socials with the caption: pwede na maging housewife.

I was bombarded with many messages after. Madalas na nag message sa akin ay ’yong mga lalaki na nagka gusto kay Maria at nanghingi pa ng tulong para makuha ang number niya, I rolled my eyes, ano ba ang meron sa babae na ’yan? Ang dungis dungis na nga.

Maria Ylona Galleto: @Reina Ashley Castillo potangina mo sana papasok ang earth worm sa puday mo bukas kung maglilinis ka ulit sa field

Napatawa agad ako ng malakas dahil sinend niya ’yon sa group chat kung saan nandoon lahat ang mga senior high students. I reacted ‘haha’ to her message.

Ezra Virtudazo: Sana mamili ng maayos ang earth worm kung saan siya papasok mas maganda pa naman puday ko 😞

Napa face palm agad ako at umalis nalang doon sa application lalo na nakita kong mag memessage na rin si April. Ayokong makita mga kalat at humor nila na napaka unhinged. I was about to close my phone when my phone beep. Napakunot ang noo ko sa nakita ko sa notification.

zowennabiste sent you a message.

I clicked it immediately and smirked when I saw her message.

zowennabiste: where’s my book

itsreiII: ??? oops, hindi mo nakuha? I threw it around sa hallway or maybe nung pababa ako :D

Hindi na niya ako nireplyan at sineen lang ako, I shrugged my shoulders and closed my phone to sleep. Kinabukasan, nag suot ako ng dirty white cold shoulder sweater at pinarisan ko ng blue leggings ko. I wore my white nike shoes. As usual, I put my hair on a high ponytail, mabilis ko agad nilagyan ang lips ko ng moisturiser at napag-isipan na roon nalang sa school mag make up.

Nakapunta ako sa school ng maaga tutal maglilinis lang naman kami ngayon. Nag punta ako sa comfort room bago pumunta sa itaas, habang naglalakad ako ay nakita ko ro’n ang libro na tinapon ko kahapon.

I sighed, I was about to pick it up when I heard footsteps — napalingon ako roon at nanlaki ang mga mata nung nakita si Zowen paakyat na. Hindi ko na inabala na kunin ’yong libro at deritso lang ang lakad papunta sa classroom. As what as I expected, nakuha na nga niya ang libro at pumasok na siya sa classroom habang ako ay sinunod ko ng tingin ang bawat galaw niya.

She then looked at me and that’s when our eyes met, I smiled at her but she didn't bother to reciprocate.

Napabuga ako sa hangin nung umupo na siya at nagbabasa na ng libro. Naalala ko kung bakit nangyari ang pambubully sakanya dati. Maria’s insecurities acting up that time, siya talaga ’yong puno’t dulo bakit nangyari ang mga ’yon.

I just got curious at her that time — she never showed her emotions. Kahit na nabuhusan nang juice ay nanatiling kalmado ang kanyang mukha and that pissed me off. If I were in her shoes, imma going to slap the hell out of Maria. I tried pissing her back then pero kahit ni-isa ay hindi niya ginawang mag pakita ng kahit anong emosyon kaya hinayaan ko si Maria sa mga ginagawa niya dati at minsan naki sabay pa ako. At mas nadagdagan lang ang inis ko nung nalaman ko na boyfriend na ni mama ang tatay niya.

I can’t understand my mom sometimes. Sabi niya dati na ang rason kung bakit nag divorce sila dalawa ay hindi naman daw sila nagmamahalan, they tried but it didn’t work, so that means i’m not made with love? Pero kahit ano pa ang rason sa paghiwalay nila. . . sana ay namili naman si mama ng maayos na lalaki.

Wala naman din akong pakialam sa paghihiwalayan nila. I rarely converse with them dahil wala naman sila lagi sa bahay, maybe one of the reason they fell out of love is they failed to make time.

“Bababa na raw. . .” napalingon agad ako sa pintuan nung umusal ’yong kaklase namin. Tumango ako at tumayo na, Zowen also stood up and fixed her PE uniform. I tilted my head, I haven't seen her wearing civilian clothes.

Hinayaan ko siyang umuna bumaba at sumunod nalang ako. Tinignan ko ang bagong sapatos niya at hindi ko mapigilang hindi mainis nung nakita ko kung gaano ka magkapareho ’yong sapatos namin ngayon! The nike shoes I wore today was my mom’s gift on my birthday last year at nakaka-sisigurado ako na itong suot ni Zowen ngayon ay galing kay mama!

Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang mga kamay ko. Fuck, mom should’ve know how to control herself when she’s in love! I gritted my teeth, binilisan ko ang lakad ko at binangga si Zowen — I looked at her face to at least see a reaction from her pero wala siyang pinakita kaya mas lalo akong na inis.

“HUMSS one, two, three, and four. Sa gymnasium kayo mag linis ngayon.” one of the professor instructed us. I rolled my eyes and jogged immediately towards to the school gymnasium. Nawalan agad ako ng gana dahil itong suot ko na sapatos ngayon ay isa sa pinaka paborito ko tapos may kapareho pala ako?!

Inabot ko agad ’yong walis at pumunta sa itaas na bleachers. Narinig ko na nag assign na ang mga president each class kung saan kami maglilinis pero hindi na ako bumaba pa.

“Reina! Sa cr daw tayo!” sigaw ng kaklase ko.

Bumaba agad ako roon at dumiretso na sa cr at kumuha ng balde para lagyan ng tubig. I’m not in the mood right now but that doesn’t mean that i’ll not going to clean this fucking mess! Kinuha ko agad ang mop at linunod ko agad ’yon sa balde na linagyan ko ng tubig. Pumasok ang mga kaklase ko para kukuha rin ng mop at nag assign na naman sila kung sino mag linis sa mga cubicles kaya napasinghal ako roon habang nag momop.

“Zowen at Reina. . . Kayo dalawa dito sa sink at sa sahig. . .” napintig agad ang tainga ko nung narinig ko ang mga salita na galing sa president namin. I raised my brow and immediately growl secretly. Fuck that woman.

Mabilis kumuha si Zowen ng basahan para linisan ang malaking salamin at ang sink pero nung umatras siya ay bigla niyang na i-tumba ang balde na nilagyan ko ng tubig  kanina kaya nagkalat ulit ang mga dumi at umabot agad ’yon sa puting sapatos ko. I gritted my teeth angrily, bilis ko kinuha ang kwelyo niya, rinig ko agad ang malakas na singhap ng kaklase ko at bigla bigla kaming inawat.

“Rei. . . tama na. . .” sabi ng president namin dahil kulang nalang ay patayin ko na si Zowen sa sakal.

And what pissed me off more when she looked unbothered! Wala siyang reaksyon sa ginawa niya at sa ginawa ko! This heartless damn woman! Binaba ko agad ang kwelyo niya sabay tulak. Mabuti naman at hindi siya natumba.

“Akin na ’yang sapatos mo. . .” I said with an authority.

Biglang tumahimik ang lahat. I said each of the words precisely! Hindi naman siguro siya bingi pero ang tagal niyang gumalaw at naka tingin lang sa akin!

“Zowen. . . Ibigay mo na,” usal ng isang kaklase ko. Lahat agad sumang-ayon at sinabihan agad si Zowen na ibigay ang sapatos niya. Siguro ay wala na siyang magawa at pumunta siya sa labas para hubarin niya sapatos niya, sumunod agad ako.

Nasa backstage naglilinis sila Maria at Ezra kaya nakita nila ang ginawa ko. I saw them smirking while urging me to something I don’t know. . . siguro gusto nila upakan ko ’to.

Inabot agad ’yon ni Zowen ang sapatos at kinuha ko agad ’yon at sinuot agad. Nung nakita ko na pareho kaming sukat sa paa ay umalis agad ako roon at dumalo kila Maria na nagtatawanan na ngayon. Lumingon ako pabalik nung nakita ko na linapitan na siya ng mga kaklase ko at parang binigyan ng tsenilas o sapatos. I smirked sarcastically and shrugged my head right after.

“Ayan na ang demonyo. . .” Ezra said whispering.

I rolled my eyes dahil narinig ko naman ’yon.

“That’s my girl!” Maria immediately hugged me. “Akala ko retired kana. . . may nag recruit ulit sa ’yo para i-bully siya?” she smirked.

Tinampal ko agad ang balikat niya at tumingin sa paligid. Baka akalain ng mga kaklase niya na nambubully ako! Known pa naman ’to si Maria na mataas ang sungay sa classroom nila.

Lumapit si Ezra sa amin dalawa ni Maria na nag uusap tungkol sa nangyari, bigla niya akong siniko at may tinuro siya kaya napalingon ako roon at nakita ko si Zowen na parang binagsakan ng langit at lupa dahil sa mukha niya.

“Iiyak na ’yan. . .” napatawa agad si Ezra sa gilid ko.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

69.7K 1.4K 12
A young woman, filled with courage and determination, decided to take a bold step and propose to her female professor. She had always admired her pr...
1.7M 95.3K 87
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
12.8K 1K 30
Cale Henituse, the first born son to the prestigious Henituse Family line, the richest family in South Korea, was practically born with a golden spoo...
35.9K 1.8K 11
"Anak ng tatay mo ka! I'm a digital marketer here. Hindi ako ang personal assistant at slash secretary mo Miss Buen. Mag hire ka ng iba kung sawa kan...