Second Time Around • SB19 Ken...

By Nahhhlia

39.1K 1.6K 3.3K

As a combative return to her cheater ex-fiancé, she sent him a video of herself shaking sheets for the first... More

Second Time Around
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51

CHAPTER 37

680 22 86
By Nahhhlia

Chapter 37

? POV

"Anong ayaw? Akala ko ba nung nakaraan na a-access niyo?!" Bulyaw ko sa dalawang lalaking nakaharap ngayon sa mga laptop nila.

"Yes, ma'am. Na a-access po namin nung nakaraan. Pero–"

"Ayoko ng pero pero! Ayusin niyo 'yan! Pilitin niyo!" Sigaw ko ulit.

"Yes, ma'am."

I have planned this and I won't let it fail.

"Ma'am, pasensya na po, ayaw po talaga." May bahid ng takot sa boses niya pero wala akong pakialam!

"What?!"

"May pumipigil na po sa access namin, unlike before na visible pa yung IP address–"

"So ano? Hindi niyo na magagawan ng paraan?"

Hindi sila sumagot, sa halip ay umiwas lang ng tingin at yumuko.

"Walang kwenta!" Sigaw ko.

"Ma'am, susubukan po ulit–"

"Get out!"

They just stared at me, looking scaed.

"Get the fuck out! Out!" Turo ko sa pinto.

Nagmamadali nilang kinuha ang mga gamit nila at tuluyan nang umalis.

"AAAHHHH!" I shouted while gripping on my hair. "Stupid little guys! Mag ha-hack lang ng account, hindi pa magawa! Mga tanga! Inutil! AAAHHHH!" I grabbed the glass pencil holder and smashed it on the ground, making it break into pieces.

My plan is ruined! Fuck! Pinag isipan ko 'yon ng ilang araw tapos mawawala lang ng ganito kabilis? I just wasted my money on those stupid people! Fuck this!

It was a beautiful plan! After having an access to their accounts, I will compile a lot of screenshot of evidence that will prove that Mika Ella bitch is bitching around Ken. I'm sure his fans would be furious! Masisira ang pangalan ng malanding 'yon at mawawala na siya nang tuluyan sa landas ni Ken. Magiging akin na ulit siya. Akin lang.

Not only that, malalaman ko rin ang location ni Ken ngayon. I've been having a hard time locating him because there's a lot of condo buildings around Manila. Tangina, mababaliw na ata ako dahil hindi ko na siya nakikita araw-araw. But that will end soon, dahil tuluyan na siyang magiging akin.

As I was walking back to my unit, I saw a familiar girl walking towards my opposite direction. I smirked inside my mask and approached her.

"Uhm, hi, ate! Pwede po ba magtanong?" I asked nicely.

"Oh, sure. Ano 'yon?"

"Bale naghahanap po kasi yung friend ko ng unit na malilipatan dito. Uhh, may alam po ba kayong unit na pinarerentahan by any chance?"

Kumunot ang noo niya at nag isip. "Uhm, actually may unit ako dito sa floor na 'to and pinapaupahan ko siya. Iyon nga lang, may nakatira na kasi eh. Sorry ha."

"Ayos lang po if roommates,"

"Sige, susubukan kong tanungin, ha?"

I nodded. "Salamat po! Kailagang kailagan na po kasi bago mag pasukan."

She nodded with a smile too.

"Ano po pala ang pangalan niyo, ate?"

"Nadia na lang," she offered her hand. "Ikaw?"

I smirked and shook her hand. "Gail po,"

"Nice meeting you,"

"Nice to meet you rin po. Uhm, pwede ko po bang makuha yung number niyo or kahit name niyo na lang po sa FB para may contact po ako sa inyo?"

"Sure, sure."

I was smirking the whole time without her knowing. While talking to her, a lot of ideas were formulating inside my head.

...

Kael's POV

Nawala ang antok ko at napalitan ng takot at pag aalala. Kahit na alam kong nasa kalagitnaan ng performance si Ken ay hindi ko na napigilang mag chat sa kaniya, tinatanong kung ayos lang ba sila at kung ano ang nangyari. Of course I wasn't expecting a reply from him, but since I see photos and clips of him performing, I assume that he's safe. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon.

Babi🐥
Pauwi na

It was past eleven when he messaged me. Nasa sofa lang ako, naghihintay. When I heard the smart lock rang, I quickly stood up. Kasama na naman niya si ate Leah at ilan pag mga staff na may bitbit na mga gamit at regalo na binigay sa kaniya.

Pinapasok muna namin sila saglit. Binati ko sila isa-isa, yumakap pa ako kay ate Leah. I noticed the gauze on her left hand.

"Anong nangyari sa kamay mo, ate?" Tanong ko. "May nakita akong video kanina sa X, nabasag daw yung windshield ng van niyo, totoo ba 'yon?" Hindi ko na napigilang magtanong.

Nagkatinginan sila ni Ken saglit.

"Ayos lang kami. And yes, it was us." Kalmado niyang sagot. I was about to say something when she spoke again. "But don't worry, na-handle na namin yung situation, nakipag cooperate na rin kami sa mga authorities. They're doing their best to catch the culprit."

I sighed and nodded.

"Basta yung lagi kong bilin sa inyo ha? Mag doble ingat palagi, kahit triple pa. Make sure to lock your doors and wipe the fingerprint scanner before entering. Be cautious on your surroundings din. Tsaka isa pa, wag muna kayong kakain ng mga foods na ibinibigay sa inyo, kahit na from fans pa, sayang pero mahirap na. Always double check the gifts that you receive, Ken, use a hidden camera detector."

Tumango naman si Ken.

Pagkaalis nina ate Leah ay yumakap agad ako kay Ken. He hugged me back and buried his face on my neck.

"Ayos ka lang?" Tanong ko.

"Okay lang ako, si ate Leah lang ang nasugatan sa amin."

I sighed deeply when our hug loosened.

"Kinabahan ako sa inyo, akala ko kung napano ka na." My voice were filled with worry.

"I'm fine, we're fine." He said with assurance. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ang noo ko bago ako muling yakapin. "I'm just tired."

"Then rest for a bit and take a shower first, para makatulog na tayo. Kumain ka na ba?"

Hinintay ko siyang matapos para sabay kaming matulog. Nakaunan siya sa dibdib ko at nakayakap sa akin. Nakapatong pa ang binti niya sa hita ko. Marahan kong hinahaplos ang buhok niya.

"Babi?"

It took him seconds to respond. "Hm?"

"Ay, sorry. Natutulog ka na ba?"

"Hindi, okay lang. Ano ba 'yon?"

"Wala... I just want to remind you to be careful, lalo na tuwing may event kayo kasi mas malapit siya sa'yo nang hindi siya napapansin." I tightened my hug around his back. "Stay safe always, hm? For me. Lagi mong iisipin na may naghihintay sa'yo na umuwi."

He chuckled slightly. "That's sweet. Noted, Ai."

I smiled before kissing the top of his head.

I'm glad they're okay. But it's not enough for us to stay calm. Kailangan na talagang mahuli ng hayop na babaitang 'yon. Sumosobra na siya, nakakasakit na siya ng tao. Kailangan na ata niyang ipa-mental eh. Wala na siya sa sarili.

Dahil sa nangyari, mukhang mas lalo na akong hindi mapapakali tuwing nasa labas ang isa sa amin ni Ken, lalo na tuwing may sched siya na kailangan puntahan. Tangina kasi nung babaeng 'yon eh.

I hope she gets a big ass karma after everything she has done.

Pause muna si Ken sa mga events matapos ang nangyari. Their management released a statement regarding what happened, they confirmed the incident but assured everyone that no one got harmed. Pinayuhan din nila na mag ingat at maging alerto ang lahat.

"Babi, where's my charger?"

Ken was laying on the sofa while playing on his phone. Kanina ko pa hinahanap ang charger ko sa lagayan ng mga gamit ko pero hindi ko makita. I remember he used it last night.

"Uhm, baka nasa kabilang kwarto." Aniya matapos mag isip ng ilang segundo.

I went to the other room to find it. I searched every cabinet, every corner, but found nothing.

Padabog akong lumabas at pinagkrus ang mga braso sa dibdib. "Wala naman eh,"

Tumingin siya sa 'kin saglit bago muling tumingin sa phone. "Huh? Diyan lang yun. Baka nasa cabinet."

"Wala nga, tiningnan ko na."

"Eh hindi ko alam."

Mabibigat ang hakbang ko na naglakad tsaka naupo sa sofa.

"Ikaw huling gumamit eh. Low batt na yung phone ko oh, shut down na." Reklamo ko.

"Wait," tanging sagot niya lang. I heard the sound of guns from his phone that made me more irritated.

I rolled my eyes and went to the bedroom instead. I intentionally closed the door a bit loud to make him feel my irritation. Maingat kong binagsak ang katawan sa kama dahil baka pumaling yung napkin ko. It's the fifth day of my period so it's not that painful but I still release a lot of blood. Siguro dahil ilang buwan akong hindi nagkaroon.

A few minutes later, I heard him enter the room.

"Ai," he called in a soft voice. "Eto na yung charger," naupo siya sa tabi ko at nilagay ang charger sa kama.

Hindi ko siya pinansin at nanatili lang sa pwesto.

"Nasa TV rack pala. Eto na oh. Asan ba phone mo? Charge ko na."

Nang hindi ko pa rin siya pansinin ay humaplos na siya sa likod ko.

"Ai," naglalambing niyang tawag. "Sorry na, eto na oh." Nahiga siya sa tabi ko at yumakap. Sininghot pa niya ang buhok ko. "Babe,"

"Pagkatapos mo kasi gamitin, ibalik mo sa pinagkuhanan mo." Pagalit ko pa sa kaniya.

"Opo, sensya na po. Charge ko na phone mo, asan ba?"

"Wag na, ako na."

Nagmamadali akong bumangon bitbit ang phone at charger tsaka ko iyon chinarge at pinatong sa side table. Ken stood up and went behind me, yumakap siya mula sa likod ko at pinatong ang baba sa balikat ko.

"Kainis," bulong ko.

"Sorry na," malambing niyang saad.

"Maglaro ka na do'n." Taboy ko sa kaniya.

"Tapos na,"

"Maglaro ka ulit."

"Ayoko na," he kissed my shoulder. "Sorry na, ibabalik ko na agad next time, promise."

"'Di lang naman yun yung nakakairita eh." Kunot noo kong sabi.

"Ano? Anong ginawa ko?" Taka niyang tanong.

"Talagang uunahin mo pa yung laro mo." May inis kong saad.

"Sorry na, 'di na mauulit. Lagi na kitang uunahin." Pambobola niya. "Sorry na, para kang si ate eh."

"Ate talaga ako, Ken. Ganyang ganyan din sa'yo yung bunso kong kapatid. Makukurot din kita, sinasabi ko sa'yo." Banta ko pa.

Imbis na matakot ay natawa pa siya. "Kaya nga bagay tayo eh, kasi ate ka, bunso naman ako. Balance tayo."

I rolled my eyes while shaking my head, but I wasn't irritated this time.

"Sorry na, galit agad eh." He kissed my cheek twice. "Kagwapa, laging galit. Smile na."

Pilit kong itinago ang ngiti ko. "Wag mo kasi akong ginagalit!"

"Hindi na nga,"

"Ken!"

I squealed when he suddenly carried me bridal style. Hindi ko na napigilang humagikgik. Lumabas kami sa kwarto at doon siya naupo sa sofa. Pinanatili niya ako sa ibabaw niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. I closed my eyes and let him caress my back.

I opened my eyes when I suddenly remembered something. "Oo nga pala, may ibibigay ako sa'yo."

Pumunta na agad ako sa kwarto at hindi na hinintay ang sasabihin niya. I took his motorcycle key and went back to the living room. Nahiga ulit ako sa dibdib niya. Kinuha ko ang kamay niya at doon iyon pinatong.

"Ano 'to?" Tanong niya habang sinusuri iyon. "Susi ng motor ko?"

I nodded. "Tingnan mo yung keychain."

He took the wooden keychain with a short message carved on it.

"Drive safely, someone is waiting for you at home." Basa niya doon. "Ai," below is his endearment for me.

Nang tingalain ko siya para makita ang reaksyon niya ay malawak ang ngiti niya.

"Thank you, Ai." Yumakap ulit siya sa 'kin at humalik sa sentido ko. "I love it. Ang sweet."

"Sus, kilig ka naman." I giggled. "Hindi lang sa pagmamaneho ha, basta mag ingat ka palagi. Hinihintay ka namin ni Kuro."

"I will, promise." He held my hand and kissed the back of it. "Ikaw din," he hugged me from behind and kissed my neck.

"Ken, yung balbas mo, nakakakiliti." I said while giggling.

"Akala ko ba gusto mo yung balbas ko?" Mas lalo pa niya iyong dinikit sa balat ko.

"I do! But not on my neck! Nakakakiliti."

"Saan mo ba gusto?"

I grinned while looking at him, he gave me the same malicious look that made us both laugh.

The next morning, Ken was talking with someone via Zoom. Nandoon siya sa kabilang kwarto kaya hindi ko na muna siya inistorbo. I believe it's about a song or an event again.

Busy akong nanonood sa TV nang umilaw ang phone ko. I just received a message from Nads.

Nads🍺
Hey

Busy?

Me
Uy musta

Di naman, why ba?

Nads🍺
Nangangamusta lang😊

Are you with Ken right now?

Kumunot ang noo ko sa tanong niya, hindi tuloy agad ako nakasagot. I suddenly felt something weird while looking at her messages.

Me
Why?

Nads🍺
Kita naman tayo oh, tagal na nung huli tayong nag bonding

Gusto mo bar tayo?

Or your place?

Huh, biglaan naman ata?

Me
Pwede naman

Nads🍺
Are you safe outside? Sa public places?

Diyan na lang kaya tayo sa place mo?

Can you send me the full address? Pinagawa ko kasi yung car ko eh, mag co-commute lang ako

Sa halip na mag reply ay tinitigan mo muna ang chat niya. I have this feeling inside me that makes me feel uneasy. I don't want to doubt my friend but it felt like it wasn't her.

Mas lalo akong nagtaka nang bigla na lang siyang tumawag sa number ko. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko iyon. Nang pindutin ko ang answer button ay hindi agad ako nagsalita.

[Hello? Dumb bitch?]

It was Nads' voice.

"Nads," may gulat at pagtataka sa boses ko.

[Hello? Clear ba ako? Naiintindihan mo? Hindi choppy?]

"Hindi, malinaw."

[Mabuti. If ever na may nag chat sa'yo gamit yung account ko, wag ka mag respond ha? Na-hack kasi yung account ko, 'te. Ewan ko ba, hindi ko ma-retrieve! Kairita!]

Natigilan ako saglit. I was right. My feelings were right. Sabi ko na nga ba at hindi siya 'yon.

"Buti sinabi mo. May nag chat sa akin gamit yung account mo. Sabi niya gusto mong makipagkita sa 'kin dito sa place ko. Tinatanong mo pa nga yung full address kasi pinagawa mo raw yung kotse mo eh." Kwento ko.

[Ay, ganon? Hala...] She was speechless. [Basta hindi ako 'yan. Yung kotse ko nandito lang sa bahay. I-block mo na lang.]

"Hmm, sige, I will." I sighed. "Hindi kaya pakana na naman 'to nung babaitang 'yon?"

[Actually, 'yan din ang nasa isip ko. Hindi ko tatanungin ang address ng tinutuluyan mo kasi alam ko naman kung saan.]

"I know. Iba rin yung choice of words nung hacker eh, kaya nakaramdam agad ako. Isa pa, may nag ta-try din mang hack sa mga account namin nung nakaraan, pati sa mga kagrupo ni Ken. Feeling ko yung babaita rin yun."

Huminga siya ng malalim. [Sorry ha, basta i-block mo na lang yung account. Pag hindi ko na talaga na-retrieve, magsasabi ako para ma-report na yung account. My gosh, pati talaga ako dinamay ng hayop na 'yon. Mabuti na lang pala tinawagan kita.]

"Okay lang, not your fault. Ingat ka ha, alam niya kung saan ka tumutuloy."

[Hm-mm, lalo na kayo. Balita ko naaksidente yung van nila Ken nung nakaraan. Ingat kayo, dumb bitch. Secure mo rin yung account mo ha. Eto, pag hindi kita tinawag na dumb bitch sa chat, ibig sabihin hindi ako yung kausap mo. Tandaan mo ha? Bye!]

"Sige, noted. Ako rin, baka kasi lokohin ka rin nun. Bye, salamat."

Pagkatapos ng zoom call ni Ken ay sinabi ko agad sa kaniya ang nangyari, agad din naman namin iyong ibinalita kay ate Leah. Akala ba niya maiisahan niya kami?

...

? POV

"Na-access na po namin, ma'am."

Nagmamadali akong tumingin sa laptop na ginagamit niya para kumpirmahin ang sinasabi niya. Unti-unting pumorma ang ngiti sa labi ko nang makita na naka log in na ang account ng babaeng 'yon.

Fuck yes! Why haven't I thought of this before? Edi sana matagal ko nang alam kung saan lumipat si Ken.

"Hindi na niya mabubuksan ang account niya?" I asked.

"Yes, ma'am. Pinalitan na po namin yung password."

"Good. Alis," taboy ko sa kaniya at ako ang naupo sa upuan.

Hinanap ko agad ang convo nila ni Mika Ella bitch. Dumiretso agad ako sa media, mamaya na ako magbabasa ng mga pinag usapan nila. I might find something useful with their photos.

Wala akong nakikitang pictures dito bukod sa mga papeles na ginagawa nila sa school at mga litrato nilang dalawa. Until I saw a group photo that catched my attention because of the familiar people on it. It was a group photo of them together with Ken's group and their friends, even their manager is here. That bitch is holding a cake, seems like it was her birthday.

Nangingigil ako to the point na gusto kong suntukin ang screen ng laptop na 'to. I hate seeing her happy, I hate her smile! Kinalma ko ang sarili ko dahil may iba pa akong kailangan gawin.

"Send the copy of these photos on my account." Utos ko sa kanila.

"Yes, ma'am."

Nang wala na akong makitang kapaki-pakinabang sa media ay pumunta na ako sa mismong convo nila. I searched for Ken's name on their conversation to find out if they are talking about him. Yes, they do, but her friend is only teasing her with Ken while she's denying that they're together.

My teeth were gritting in annoyance as I read their conversation. She's so annoying. She thinks that she's so amazing just because she's living on the same roof as Ken huh? Stupid bitch. Sulitin mo na 'yan dahil hindi ka na magtatagal diyan.

There aren't any interesting conversations about these two. They didn't even mention anything about Ken's address or whatsoever!

"Can you retrieve their deleted chats?" I asked.

Tumango sila. I let them do the work while closely monitoring them.

"Eto po, ma'am." Umalis na siya kaagad sa upuan kaya hindi ko na siya pinlayas doon.

I scrolled through their deleted messages, it wasn't many, at hindi rin mapapakinabagan. Putangina! Why?! Imposibleng hindi nila pinag uusapan si Ken! Do they have another account? A fucking secret account or something? O baka naman ibang app ang ginagamit nila sa pag uusap?

This bitch is really getting on my nerves.

A notification popped up on the screen, a message from the bitch.

Els🍺
May alam pala ako na coffee shop🤩

Teh kape kape muna tayo dito, aga pa oh.

G ka?

Pahatid ako hehehehe

My lips slowly formed a smile like an evil.

Me
Sureeee! Coffee na lang

Isasama mo rin ba si Ken? Baka may makakilala sa kaniya

Els🍺
2 pm, kita tayo, send ako loc hehe

Els🍺 sent a location.

Basta papahatid lang me. Ingat ka ha

"Yes," I whispered in victory. "Finally,"

...

Kael's POV

"Ano na naman ba yung gagawin niyo? Nung nakaraan lang naaksidente yung van nila Ken ah? Hindi ba delikado?"

Isang pamilyar na lalaki na naman ang inimbitahan namin dito sa condo ni Ken.

"Importante 'to, Josh. May possibility na mahuli na natin yung babaeng 'yon after this." Sagot ni ate Leah kay Joshuel. Yep, it was Joshuel.

"So... Sabi niyo last time hindi niya kayang saktan si Ken 'di ba?"

Pare-parehas namin siyang tiningnan na walang kasiguraduhan.

"Safe pa naman ulit ako... 'di ba?" Umaasa niyang tanong.

Ate Leah shrugged. "Safe tayo as long as hindi siya makakatunog sa plano."

Joshuel sighed and scratched his neck. "Kung 'di lang talaga kita tropa," aniya kay Ken.

Ate Leah already made a plan right after we told her about Nad’s hacked account. Mayroon daw kasing café na malapit sa police station. Instead of Ken, I'll be going out with Joshuel. Mabuti na lang at pumayag ulit siya kahit na medyo delikado. Ang swerte talaga ni Ken sa mga tropa niya.

Pag dumating na kami doon ay isasama ko si Joshuel sa pagpasok sa café. Alam ko namang hindi mapapapunta nung babaitang 'yon si Nads para makipag kita sa amin kaya wala talaga kaming kikitain. Nakipag coordinate na rin kami sa mga pulis. The plan is to search for her, corner her, and direct her to the police station. If ever naman na makatunog siya na alam naming siya talaga 'yon, aalis na agad kami at didiretso sa ligtas na lugar. If ever she entered the café and she caused a scene, the authorities disguised as civilians are also ready to protect us and capture her.

"Sama ako, ate." Pagpupumilit ni Ken.

"Delikado nga, Felip Jhon!" Iritadong sagot ni ate Leah. Kanina pa kasi niya pinipilit si ate eh. "Tsaka wala ka namang gagawin dun, hindi ka rin pwedeng lumabas at magpakita, baka may mga alipores siya dun at ipadampot ka pa."

Napakamot si Ken sa ulo, halatang ayaw pa rin magpaiwan. Kaya ako na ang lumapit sa kaniya. I pulled him inside his room to talk to him in private. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay.

"Babi, kami na ang bahala. Dito ka na lang, hintayin mo na lang kami. Delikado ka dun." Kalmado kong pakiusap.

"Delikado din kayo," may pag aalala niyang sagot.

"We'll be fine, baby boy. Ikaw ang pakay niya. Tama si ate Leah, pag nalaman niya na nandoon ka, baka ipadampot ka nun sa mga alipores niya." Humakbang ako paait sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "We don't want that to happen."

Lumamlam ang kaniyang tingin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Ingat kayo. Update me." Mahina niyang saad.

I smiled. "I will. Ingat ka rin dito, hm? Wait for me."

He nodded. Yumakap kami sa isa't isa. Mahigpit ang yakap niya sa 'kin, halos ayaw na akong bitiwan. While me, I assured him with my embrace.

Nang magparte ang katawan namin ay hinawakan naman niya 'ko sa pisngi at hinalikan sa noo sa loob ng ilang segundo. He also kissed me on my lips with full of emotion.

"Wag kang lalayo kay Joshuel." Bilin niya.

Tumango ako.

Pagkalabas namin sa kwarto ay may kakaibang tingin at ngiti sa amin yung dalawa.

"Oh? Nag usap lang kami." Sabi ko agad.

"Wala naman kaming sinasabi." Ate Leah said, she even shrugged.

Natawa si Joshuel kaya natawa na rin si ate. Napailing na lang ako habang si Ken ay naka krus lang ang mga braso at bahagyang nakayuko.

Nang makaalis na kami ay nag chat ako sa account ni Nads na papunta na ako. Kami lang ni Joshuel ang nasa kotse, si ate Leah ay kasama si kuya Yani na nakikipag coordinate naman sa mga pulis.

Joshuel and I were both wearing a mask, pero hindi ko masyadong tinago ang sarili ko unlike Joshuel. Pagpasok namin sa café, umakto kaming normal at umorder. Naupo na kami sa table na pang apatan tsaka ko lang ulit chinat ang account ni Nads, inupdate ko na rin si Ken.

I sighed deeply. I hope everything goes well.

...

? POV

I didn't come empty-handed, of course, nag plano ako. Bago pa mag alas dos, naka park na ako sa 'di kalayuan sa café na sinasabi niya, sa lugar na hindi ako masyadong mahahalata. Today might be my lucky day because she's with Ken.

Ang tanga talaga ng isang 'yon. Mabuti na lang at kumagat siya sa patibong ko.

With my binoculars, I checked every person that enters the café. There was a dark colored car that parked in front of the café, sumeryoso ang tingin ko doon at tinitigan nang mabuti ang taong lalabas. My houry pounded like crazy when Ken went out of the driver's seat!

"Yes..." I whispered.

I took note of the car model and plate number since it was different from Ken’s car. Of course, hindi ko naman talaga sila kikitain. Instead, I will wait and make an excuse that I'm not going to make it. And once they decide to go home, I will follow them.

Els🍺
San ka na? Nandito na 'ko. Umorder na rin.

Me
Wait lang ha may biglaang emergency kasi dito sa bahay pero ssubukan kong humabol

Sorryyyy

Els🍺
Okay lang take your time

May kasama naman ako hehe

Me
Si Ken?

Els🍺
Di mo sure HAHAHAHAHA

"Fuck you. Napaka arte mong hayop ka." Bulong ko.

Iyon ang madalas niyang sagot sa kaibigan niyang 'to, napaka walang kwentang kausap. Well, kahit i-deny niya, hindi naman maidedeny na si Ken talaga ang kasama niya. Ahh, I missed my baby.

I waited for a couple of minutes to chat with her again to make my excuse look convincing, it's been almost thirty minutes guess.

Els🍺
Anue na teh? Punta ka pa ba? Ubos na namin yung pagkain HAHAHA

Me
Uy sorry hindi na ata ako makakapunta😭 si nanay kasi

Bukas ba, okay lang?

Els🍺
Sureee subukan ko bukas, chat kita.

Sabihan mo 'ko if need mo ng tulong ha

I smirked. Now, we wait.

They are having too much fun talking with each other. What if I make a scene and then abduct Ken? No, no, baka madehado ako. I have to plan for it first.

I waited for almost an hour inside my car, tsaka lang sla tumayo. Hinanda ko ang sarili ko para sundan sila. My eyes widened when a police officer suddenly approached my car and knocked on my window. Tinago ko lahat ng gamit ko sa sahig ng backseat, nagsuot ng mask at umaktong normal.

I smiled. "Good afternoon, sir. What's the matter?" I greeted politely.

"Good afternoon, ma'am. Ah, bale no parking space po kasi dito sa pinag parkingan niyk. So pasensya na ma'am if may ilang tanong ako sa inyo, para lang po sa violation. Sumusunod lang ho tayo sa batas." Naglabas siya ng papel at ballpen. "Pwede po bang makuha ang pangalan niyo?"

"Po?" Naguguluhan kong tanong. "But, there are other cars parked here."

"Exclusive parking lang po kasi ang space na 'to para sa building. Since hindi po registered sa list ang plate number ng kotse niyo, hindi po kayo pwede dito." Paliwanag niya. "Pangalan niyo po? Pakilabas na lang din po ng lisensya at register ng sasakyan."

Fuck this. I have my fake license, but I don't have a fake register for this car ready! This car isn't even mine!

"Uhm, hiram lang po kasi 'tong kotse ko." Rason ko. "Pero may lisensya po ako."

"Hiram, ma'am? Kanino po?"

"Uhh, sa kuya ko." Pagsisinungaling ko.

"Ano po ang pangalan ng kuya niyo, ma'am?"

Hindi agad ako nakasagot nang mapansin ang kotse ni Ken na umaatras na sa parking. Shit! Epal naman kasi ng pulis na 'to eh!

"Sorry, kuya, pero may kailangan po kasi akong puntahan. Magbabayad na lang po ako para sa violation ko."

"Pasensya na rin po pero hindi po pwede yun, ma'am."

This fucker is getting on my nerves.

I received a message from my phone. The number wasn't registered but I remember who is the owner of this.

Unknown number
Balak ka nilang hulihin, planado ang lahat. Umalis ka na agad diyan, ako na ang bahala sa mga pulis.

I smirked. The good thing is some are still easily bribed with money.

I looked at the police officer. "Get out,"

"Ma'am–"

"Aalis ka o sasagasaan kita?" Taas kilay kong tanong.

"Ma'am, pwede naman tayong mag usap nang–"

"I don't want to talk!" I shouted.

Napunta ang tingin ko sa kotse ni Ken na kumakaripas ng takbo. Nag panic agad ako. I noticed the police grabbed his radio and tried to talk with the other policemen but before he even got to do that, I turned on the car and bumped him, making him lose balance and drop to the floor.

"Sagabal ka!" Sigaw ko.

Mabilis akong luminga sa paligid para hanapin ang kotse ni Ken habang nagmamaneho, pero nawala ako sa focus nang makarinig ng sirena ng mga pulis. When I looked at the rearview mirror, there were multiple police cars following me. Bullshit!

Imbis na hanapin at sundan ang kotse ni Ken ay pilit akong lumiko kung saan-saan para mailigaw ang mga pulis. Akala ko ba yung general na 'yon ang bahala sa mga pulis niya?! Isa rin paa siyang tanga!

Because of my reckless driving, I caused traffic, pero wala na akong pakialam doon. I have to escape this fuckers ad that's my goal. Wala na rin akong pakialam kung may mga nabubunggo man ako o ano.

I got trapped inside a small street with nowhere to go. Wala na akong choice kaya ibinangga ko na lang ang kotse sa isang poste at kinuha ang mga gamit bago ako lumabas. I ran as fast as I could to hide.

Hinihingal ako dahil sa pinaghalong pagod at galit. "Fine, Mika Ella bitch. You want to play? Game on."
____________________

Wow, mag 40 chaps na pala tayo guiz.

- Nath(Nahhhlia)

Continue Reading

You'll Also Like

74K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
30.4K 919 32
After Justin got married, an unexpected accident occured that made him lost contact with his wife for several years. One day at their fanmeeting even...
My Sunshine By Zy

Fanfiction

43.3K 1.8K 55
Azie's dark and lonely world became his permanent world after she decided to separate herself from her family from Bicol. At a young age, pinakiusapa...
785 57 7
❛❛Love can surprise and change us. I don't know why, but I have loved you since the day that I fell into you.