What's your deal Mr. Troublem...

By kathdy8

1K 88 16

Troublemaker Series #1 Once a Troublemaker, always a Heartbreaker. Nagising ka na lang isang araw. May kumala... More

Totoo Lang
Trio
Pagkikita
Past
Hero o Piligro?
Poblacion
Poblacion 2
Confrontation
A troublemaker's deal
Ang isang Kenneth Yu
Settled
This is War
Caregiver
Ang Alaga ni Hades
Selos
True colors
Unexpected Guest
Misteryo
Judgemental

You Don't Know Me

43 4 0
By kathdy8

Nang makatulog ang hari ng mga tarandtado na si Hades.




Lumabas na ako sa kwarto niya at nagpaalam kay kuya Toni na may pupuntahan ako. Kailangan ko kasing isubmit yung resume ko doon sa convenience store na pinag apply-an ko.



Malapit na rin kasi yung bayarin ng tuition fee. Ayoko naman hintayin pa dumating 'yon. Para madagdagan na rin yung allowance ko sa gastusin ko sa school at araw araw.



Malapit lang yung convenience store na paga applyan ko kaya naman nang makarating ako ay agad lang ako nakipag usap sa manager about sa patakaran, mga do's and don't s, about sa pagpapanatiling malinis ng store, yung attitude at iba pa. After niya basahin yung resume ko ay humingi lang siya ng copy ng I.D ko at yey! Pwede na raw ako magsimula bukas.



Night shift nga pala ako, pero pwede 'yon mapalitan. Depende sa circumstances. Nag pasalamat lang ako at akmang paalis na.



"Ito, boss." biglang turo sa'kin nang hindi ko kilalang lalake.



Sa hitsura palang, halatang hindi na mapagkakatiwalaan, mukha silang manggaganchong tatlo.



"Sumama ka sa'min." hila sa'kin nung isa.



"T-Teka! Sino ba kayo!" hindi nila ako sinagot, nagpumiglas ako kaso nakaladkad pa rin nila ako sa labas.



"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!"


"Tumahimik ka kung ayaw mong tamaan." napalunok ako sa banta niya.


"S-Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sa'kin?" medyo nanginginig na ang boses ko.



"Sayo wala, pero yung boyfriend mong hambog na taga Saint Benilde mayron."


"Ha? Wala akong boyfriend!" baliw na ba 'tong mga 'to? Ni wala pa ngang nakakahalik sa'kin e.



"Kunwari ka pa, alam naming babae ka nung Hades na 'yon." napatigil ako tapos..



Tumawa ako nang malakas, yung parang nababaliw na. Nagpapatawa ba sila? Ako? Babae ni Hades? Parang gusto ko masuka!




"H-Huy! Nababaliw ka na ba? Bakit ganyan ka makatawa?" sabi nung ugok.



"Nako, manong. Mali ho kayo nang nakuha. Hindi niya ako girlfriend." natatawa ko pa ring sabi.




"Anong manong? Studyante palang kami, gusto mo bang tamaan?" napatigil naman ako tapos tumingin sa 'kanila.




Sinuri ko yung mga mukha nila. Ano raw? Studyante? Eh, bakit ganoon ang hitsura nila. Parang mga matanda na, mas mukha pang bata si kuya Allen ko e.



"Hoy, mga grupo nang tsonggo." napatingin kami sa harap namin.





S-Si.. Nate?! Anong ginagawa niya rito?




"Pati walang kamalay-malay na babae dinadamay niyo. Ganyan ba talaga kababaw yung utak niyo?" hala, parang galit siya.



"Tumahimik ka Nate! At buti naman, sa wakas, nagpakita ka na rin. Hindi ka na sumasama sa mga tropa mong ungas ah." sabi nung isang nakahawak sa braso ko.




"Tsk, wala kasi akong oras para mag aksaya sa grupo niyong patapon at lahi ng mga unggoy." pinigilan ko yung tawa ko sa sinabi niya.



See? Kaya nga nagulat ako nung malaman ko na magkaka edad lang pala kami, amp.




"Bastos yang bibig mo ah."



Lumapit yung isang lalaki sa'kanya. Natakot ako bigla, anong laban niya sa tatlong 'to? Baka basagin nila yung napaka gwapong mukha ni Nate? Huhu! Hindi ako papayag!




Kinagat ko yung kamay nung nakahawak sa'kin.





"Aray!" daing niya sabay tinulak ako.




"Aghh!" napaupo ako sa sahig kaya naman sumakit yung pwetan ko.



Nagulat naman ako nang biglang sugurin ni Nate yung tumulak sa'kin tapos sinapak 'yon. Tinulungan niya ako tumayo kasi ang sakit sa pwet.




Humarap si Nate ron sa dalawang nakatayo, tapos yung isa nasa sahig napaupo dahil sa sapak niya.




"Hindi ba kayo naturuan gumalang sa babae? Kaya ba pinalaki kayong panget ng mga nanay niyo?" paga angas ni Nate. Ngayon ko lang siya nakitang ganon, pati yung pagsasalita at boses niya nag iba. Nakakatakot siya pero ang cool niya pa rin tignan para sa'kin.




"Tumayo ka na nga, tara na!" sabi nung isa pang kasama nila tapos inalalayan nila yung isa, sabay tumakbo.




Tanggal pala mga angas nila e, partida mag isa lang si Nate. Tinulungan lang ako tumayo ni Nate kaso medyo na out balance ako. Napansin ni Nate na may sugat ako.



"Anong nangyari d'yan?" alalang tanong niya.



"Ah.. eh.. nadaplis lang." ayoko na siya pag alalahanin, 'saka baka magalit rin siya kay Hayley pag nagkataon.



Tumango siya at tumalikod. Nagtaka naman ako nang tumingin siya sa'kin na parang gusto akong buhatin.



"Sige na, sumakay ka na. Ipi-piggy back na kita, alam ko namang nasaktan ka." nakangiting sambit niya.



Nahihiya man, pero sumampa ako sa'kanya. Gusto ko rin naman e, hehe. 'Saka, once in a lifetime lang mangyari yung ganito. Ang swerte ko talaga at may isang Nate Ramos na kagaya niya sa buhay ko.


Kahit ako nagtataka bakit ang bait niya sa'kin. Hindi ko tuloy mapigilan minsan na mag assume, kaso nauudlot naman dahil naalala kong may girlfriend nga pala siya. Siguro pinalaki lang talaga siya na may respeto sa babae. Naalala ko si Hades.


Ano kayang ginagawa non ngayon? Siguro umuusok na yung ilong niya dahil tinakasan ko siya at wala man lang paalam. Bakit ba naman kasi need ko magpaalam sa'kanya? Hindi ko naman siya boyfriend no, 'saka kasing labo nang pag bait niya ang magkagusto ako sa'kanya no.




Malayong malayo siya sa ideal type ko. At, si Nate 'yon.



Mga ilang minuto pa nakarating na kami sa tapat nang gate nila. Napansin kong hapon na, nako gising na ang halimaw. Paniguradong sermon 'to.




Binaba na ako ni Nate at inalalayan, pinagbuksan naman kami ng gate after niya mag doorbell. Pumasok lang kami tapos dumiretso sa kwarto nung mokong.



Bungad sa'ming dalawa ang nakaupo sa higaan at salubong na kilay niya habang nagve-vape.



"Hoy chipipay, saan ka galing? Basta basta kang umaalis nang walang paalam ah? At ikaw, Nate, anong ginagawa mo rito? Bakit magkasama kayo nang panget na 'yan?" literal na umuusok yung ilong niya dahil sa vape. Para tuloy siyang toro na handang sumugod.




"Nakita ko kasi 'tong si Ally sa labas ng convenience store. Tapos yung grupo ni Bruno pinagtutulungan siya kanina. Kaya ayon."




Bigla namang sumeryoso yung mukha niya na may halong inis.




"Sila na naman? Hindi pa rin ba naalog ang utak nila? Baka gusto nilang hindi na sikatan ng araw." kita kong napahigpit yung hawak niya sa kumot.



"Don't worry, I already take care of them. Right, Ally?" sabay kindat sa'kin ni Nate.




"Psh. Anong akala mo, hindi babalik yung mga ungas na 'yon? Kating kati na siguro sila makaganti sa pagbasag ko ng mukha nila." sus, ang yabang.





Siya nga 'tong naapakan lang ng babae pero kung umasta ngayon akala mo sobrang lakas. Tsk.





"Oh siya, mauna na ako Hades, Ally." paalam niya at nginitian ako. Pagtapos ay lumabas na siya ng kwarto ni Hades.




"Hoy." napalingon naman ako sa boses niya.



"Bakit na naman?" sagot ko.



"Aba, ang angas mo rin e no. Kamusta ang date niyo?" sarcastic niyang sabi.


"Anong date ang pinagsasabi mo?"



"Advice lang chipipay, lumayo layo ka kay Nate. Una, malabo yang pagpapantasya mo na magugustuhan ka non. Second, may girlfriend yung tao, ganyan ka ba ka desperada sa lalake? And last, you don't even know what kind of a man he is. It's better to back off habang maaga pa." sabay hipak niya sa vape.



Tinignan ko siya habang nasa malayo ang tingin niya.



"Naririnig mo ba ang sarili mo, Aids? Kung husgahan mo siya parang hindi mo siya kaibigan? 'Saka please lang, bago mo siya pag salitaan. Tumingin ka sa salamin, mas malala ka pa sa'kanya e. At least siya, may respeto sa babae, mabait at-"



"You are so dumb. Hindi mo pa rin nage gets? The attitude you're seeing from him is his way of getting you played. In short, he's a manipulator player. Stupid."




"And yes, we've been close since elementary days, how 'bout you? You don't even know the difference between enlightenment and judgement. Tss." dagdag niya pa.



Ganyan ba talaga siya pag naiinis? Napapa english nang malala? Inirapan ko nalang siya. Panghuhusga pa rin 'yon no, wala ka naman sa katayuan ni Nate.



"Teka nga, bakit ka ba nangingielam? 'Saka ano naman sayo kung masaktan nga ni Nate yung feelings ko? Nagseselos ka ba?" reklamo ko.



Ika-ika siyang tumayo at lumapit sa'kin. Ngumisi siya habang nakatitig sa mata ko.
Iniwas ko yung mata ko, para kasi akong mapupuwing.



"What if nagseselos nga ako? Anong gagawin mo?" acckkk, nababaliw na ba siya?!



Tumingin ako sa 'kanya kaso bigla niyang niyuko yung mukha niya palapit sa'kin. Halos amoy ko yung flavor ng vape sa hininga niya sa sobrang lapit.



"A-Ano bang sinasabi mo? Tumigil ka nga!" tinulak ko siya pero hinawakan niya lang yung dalawa kong kamay at nilagay sa likod ko na parang naka posas.



"H-Hades! Bitaw!" paglaban ko. Anak nang tipaklong! Bakit ba niya ginagawa sa'kin 'to?



Akma niya naman akong hahalikan kaya napariin ang pikit ko.


Maya maya pa, nakarinig ako nang malakas na tawa, napansin kong wala na ring nakahawak sa'kin. Pagdilat ko, nakaupo na si Hades sa gilid ng kama niya habang nakasandal yung magkabilaang kamay niya sa higaan.



"No wonder why Nate has been messing up with you. Ang dali mong mauto at makuha."



Lumapit ako sa'kanya at sinamaan siya ng tingin. Aba, anong akala niya na papayag akong maliitin lang? Napalunok ako at napasara ng kamao.



"Para sabihin ko sayo, hindi ako madaling makuha-" natawa siya habang nakatingin sa'kin.



Yung tingin na nandidiri.



"We both know, Ally kung anong past ang mayron ka. There's a proof kung gaano ka kakati at nakakadiri."


"And you're telling me, hindi ka easy to get?" akmang sasampalin ko siya pero napigilan niya 'yon.


Hinila niya ako at pinahiga sa kama niya. Napaibabawan niya tuloy ako. Ramdam kong nangingilid yung luha ko pero sinubukan ko pa rin manlaban at itulak siya.



"Stop playing victim, wala ka sa posisyon para magpa awa." parang nanlilisik yung mga mata niya habang pinagmamasdan ako.


"Kung alam mo lang.." mahinang sambit ko pero hindi niya narinig at hinila ako patayo.



"I don't care whatever you do, but still, you have to fulfill our agreement. At pagkatapos non, pwede na tayong mawala sa buhay nang isa't- isa."




Hindi siya nakatingin sa'kin nang sinabi niya 'yon. Bakit ganon? Bakit parang may kirot sa puso ko? Bakit napakadali sa kanya kung husgahan ang pagkatao ko? Hindi niya alam ang mga pinagdaanan ko pero ang dali lang para sa'kanya mag desisyon kung anong klaseng babae ako. Kung gaano ako kababa sa paningin niya..




Tumalikod ako para hindi niya makita na tumutulo ang luha ko.




Wala rin namang mangyayare.



Iisipin niya lang na nagpapa awa ako, kung tutuusin hindi ako humihingi ng simpatya at awa niya. Naging mahirap ang pinagdaanan ko pero kahit na kailan at kahit na sino, wala akong taong hiningian nang tulong.



Dahil ayokong makita nila akong mahina, ayokong isipin nila na hindi ko kaya. Ayoko na kaawaan nila ako dahil ganito lang ang buhay ko.


Continue Reading

You'll Also Like

19K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
1.8M 60.8K 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only o...
19.6K 625 61
Hi welcome to my imagination ♡ I just want to tell to everyone, who will read this. (if there is any) that Im not an author and I dont expect of peop...
182K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...