Gangsta Vampire

By AnelSenyorito

2.3K 125 70

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng m... More

CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15

CHAPTER 03

259 10 10
By AnelSenyorito

Di ko alam kung matutuwa ba ako dahil wala nang manggugulo pa sakin o kakabahan dahil may kasama akong bampira.

Agad naman niyang binuhat ang bangkay ni juls at tinapon sa basurahan, tsaka siya tumingin sakin.

“Bakit?“ Bigla kong sabi.

Sumagot naman siya.

“Ano na ang gagawin natin ngayon?“ Tanong niya.

Biglang kumunot ang noo ko.

“Anong natin? Tsaka hindi ako sasama sayo no!“ Sagot ko.

Ngumiti naman siya at sumagot.

“Wala naman akong sinabi na sasama ka sakin eh, (sabay ngiti) ako ang sasama sayo.“ Sabi niya.

Dahil dun ay bigla akong nagulat.

“H-hindi! Hindi pwede! Hindi ka pwedeng sumama sakin lalo na't ganyang ang hitsura mo!“ Sagot ko.

Napailing namn siya at sumagot.

“Bakit, natatakot kaba?“ Sabi niya.

Agad naman akong sumagot.

“Oo malamang! Kahit sinong makakakita sayong ganyan ay malamang matatakot!“ Sabi ko.

Agad naman siyang sumimangot at sumagot.

“Ganun ba, papatayin nalang kita.“ Sabi niya.

Dahil dun ay bigla akong kinabahan.

“O'sha! Sge na nga! Isasama kita papunta sa apartment ko, pero hindi pwedeng ganyan na hitsura mo habang maglalakad tayo sa daan.“ Sabi ko.

Dahil dun ay agad naman siyang natuwa at nagsalita.

“Sino bang nagsabi sayong maglakad tayo?“ Tanong niya na ikinabigla ko.

“H-ha? Anong ibig mong sabihin?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Saan ba ang apartment mo?“ Tanong niya.

Dahil dun ay tinuro ko ang Villa Nueva Hotel.

Agad naman siyang nagulat at nagsalita.

“Wow! Ang yaman mo palang tao.“ Sabi niya.

Natawa lang ako sa reaksyon niya at sumagot ako.

“Baliw, sa gilid nyan. Jan ako nakatira, tinuro ko lang ang villa nueva hotel dahil sikat at sa tingin ko ay alam mo.“ Sabi ko.

Napatango nalang siya at nagsalita.

“Lika, sumakay ka sa likod ko.“ Sabi niya.

Dahil dun ay bigla akong na excite.

“Lilipad ba tayo?“ Tanong ko.

Sinapak naman niya ang ulo ko.

“Hindi, tatakbo ako. Sabi mo hindi pwedeng makita ako ng mga tao na maglalakad ng ganito ang hitsura diba?“ Tanong niya.

Tumango lang ako at kahit subrang baho niyang babae ay sumakay pa rin ako sa likod niya, mas mabuti na'to keysa mamatay.

“Kumapit ka ng maigi.“ Sabi niya at biglang tumakbo ng napakabilis.

Sa sobrang bilis ng pagkakatakbo niya ay halos masusugatan na ako ng hanging sasalubong sa mukha ko. Ilang segundo lang ang nakalipas ay nakarating nga kami sa apartment ko.

Dahil dun ay agad akong nahilo.

“Grabe naman, paano mo nagawa yun?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Normal na kakayahan lang yan naming mga bampira ang tumakbo ng mabilis.“ Sabi niya sabay tingin sa gilid ng villa.

“Yan na ang apartment mo?“ Sabi niya.

Tumango lang ako at aakmang maglalakad pero bigla siyang nagsalita.

“Ang pangit naman.“ Pagrereklamo pa niya.

Dahil dun ay agad akong sumigaw.

“Heh! Mas mabuti na yan keysa humiga ka doon ulit sa basurahan!“ Sabi ko.

Ngumiti naman siya at sumagot.

“Hehe, tama ka nga.“

Agad na kaming pumasok sa apartment ko.

Pagpasok niya ay tumambad sa kanyang harapan ang kama.

“Ang liit pa lugar, wala ka bang ibang nahanap? yung malaki-laki naman.“ Ika pa niya.

Ngumiti lang ako at sumagot.

“Kung hindi lang ako palaging sinisingil ng mga gag*ng yun ay sana nakalipat na ako sa mas maayos na apartment, kaso wala eh. Kulang ang pera ko.“ Sabi ko.

Hindi na siya sumagot tsaka siya lumabas at nagpunta sa gilid ng bahay, may cr kasi dun. Di ko alam kung ano ang gagawin niya pero narinig ko nalang na nakabukas na yung gripo at may mga patak ng tubig.

“Maligo ka lang jan.“ Sabi ko at nagluto ng kanin.

Nang maluto na ang kanin ay tsaka lang ako lumabas ng bahay at nagpunta ng tindahan, bumili ako ng noodles dahil 10 pesos lang tsaka ako bumalik sa bahay.

Pagkarating ko ay nadatnan ko ang babaeng nakasout na ng boxer at ginawa pang bra ang brief ko.

“H-hoy!“ Sigaw ko sabay lapit sa kanya.

Agad naman siyang napalingon sakin kaya aakmang pagagalitan ko sana pero nang makita ko ang mukha niya ay agad akong napahinto at napanganga.

“W-wow…” nauutal kong sabi.

Agad naman siyang nagtaka tsaka bakat na bakat ang ut0ng niya sa brief kong ginawa niyang bra.

“W-wala…” kunti kong sabi at biglang namula ang aking mukha.

“Okay.“ Kunting sagot niya at nagpatuloy na sa pag bibihis.

Agad akong lumingon sa labas at pagkatapos niyang magbihis ay tsaka lang niya ako pinalingon sa loob.

“Gulat ka no?“ Sabi niya at nagsalita pa.

“Di mo inakala na ganito ako kaganda.“ Dagdag pa niya.

Well, tama naman siya.

Tsaka hindi ko makalimutan yung ut0ng niyang bumakat, grabe ang babaeng to. Bukod sa maganda ay malaki pa yung hinaharap. Di ko lubos maisip na ganyan pala ka ganda at ka sexy ang mga bampira.

Agad kong niluto ang noodles na dala ko at pagkatapos ay kumain ako ng hapunan habang ang babae ay nakahiga lang sa kama.

Nang matapos na akong kumain ay agad kong hinugasan ang plato tsaka ako nagpunta sa kama para magpahinga.

“Nga'pala, anong pangalan mo?“ Tanong ko.

“Lucinda, ikaw ba?“ Tanong niya.

“Lazarus, pero tawagin mo nalang akong laz.“ Pagpakilala ko pa.

Ngumiti naman siya at hindi sumagot, dahil dun ay natahimik kami ng ilang minuto tsaka ko naisipang tanungin kung ilang taon na ba ang babaeng to, dahil bukod sa napakaganda  niya at makaluma yung pangalan ay sobrang luma rin ng style ng pananamit niya.

“Tagasaan ka ba talaga? Tsaka ilang taon kana?“ Sabi ko.

Sumagot naman siya.

“Taga Abrenica ako, at 450 years old na ako.“ Kunti niyang sabi.

Agad akong nabilaukan sa laway ko at tumingin sa kanya.

“S-seryoso? 450 years kana dito sa mundo?“ Tanong ko.

Ngumiti lang siya at sumagot.

“Yup, nagulat kaba? Ganyan talaga kaming mga bampira, hindi na tatanda.“ natatawa niyang sabi.

Alam ko namang 500 years silang tatagal dito sa mundo pero hindi ko alam na hindi na pala sila tatanda.

“Grabe naman, pero bago ka pa naging bampira. Ilang taon ka nun?“ Tanong ko.

Ngumiti naman siya at kinindatan ako.

“Oyyy, interesado siya.“ Palambing niyang sabi.

Dahil dun ay biglang namula ang buo kong mukha tsaka siya nagsalita.

“24 pa naman, bakit? Nainlove ka sakin no?“ Tanong niya.

Well, nakakahiya mang aminin pero oo. Nainlove ako sa kanya.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 467K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
35.3K 1.8K 72
[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...