HIStory Series #2 : Frosty Te...

By ShylessPen

1.6K 39 7

BABALA || R-18 || MATURE CONTENT Dominic Steele would rather want to go old like a monk in his barracks and s... More

Synopsis
DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Prologue

228 4 0
By ShylessPen


TIRIK na TIRIK ang araw nang marating ni Kathria ang Bagum Bayan na lugar kung saan gusto niya magtukod ng branch ng business niya

Hindi ito ganon ka boom tulad ng sa Cebu or sa Metro Manila pero maganda rin ang nasabing lungsod.

Ibinaba niya ang kanyang sunglasses at bumaba sa kanyang sasakyan. Naglakad siya paakyat sa Municipality ng nasabing lungsod.

Sinalubong siya ng gwardiya at tinanong

"Saan po ang sadya maam?" tanong pa nito

"Sa Mayor's Office po" sagot pa niya

"Ay ma'am wala po rito si Mayor, sinugod po sa hospital. Pero yung anak niya po muna ang hahalili rito kaso wala pa po." sabi pa ng gwardiya

OMG! Wrong timing yata ako. What an irony! Sayangsa gas tapos ang init pa sa isip-isip pa ni Kathria at binigyan ng pilit na ngiti ang gwardiya.

Nagmamartsa siyang naglakad pabalik sa kanyang kotse.

"God! Ang init pa naman!" reklamo pa niya

Despite of her complain may nakasalubong siyang lalaki na tumatakbo paakyat. Gusto niya sanang sabihin na wala doon ang mayor but she didn't do it.

Damay-damay na ito and with that she walk down and get inside her car then open the aircon


"Good morning sir! Nadala na po sa hospital papa niyo" bungad agad sa kanya ng gwardiya

Habol pa niya ang kanyang hininga dahil tinakbo niya ang paakyat na Munisipyo.

Kung bakit naman kasi nasa tuktok ang opisina ni Papa reklamo na saad ni Dominic sa kanyang isipan

"Sino yung babae? Anong sadya non?" tanong pa ni Dominic habang nakatukod parin ang kanyang mga kamay sa kanyang tuhod.

Haciendero siya pero hindi pa rin siya sanay sa mga paakyat na hagdanan. Mas gugustuhin pa niyang magbilad sa init kaysa ganon.

"Si mayor po hanap sir"

"AH okay, so saang hospital siya dinala?"

"Sa Central Hospital ng Bagum Bayan sir"

Nang makabawi na ng hininga si Dominic ay agad siyang bumaba naman pero napatigil siya sa kalagitnaan at tinugunan ang guwardiya.

"Paki sabi sa babae kanina kung babalik man siya, na sa susunod na araw na bumalik"

Tumango naman ang guwardiya at mabilis siyang naglakad pababa habang nasa ulo niya ang kanyang kamay nakapandong dahil maiinit.

Pagkababa niya ay nakita pa niya ang sasakyan ng babae. Kinatok niya ito sa bintana nito. Binaba naman iyon ng at sumalubong sa kanya ang mukha nitong walang emosyon. Bigla namang kinabahan si Dominic sa tinuran nito.

"Ahm, I am the son of the Mayor. If you have appointment please leave your number so that we can reschedule your meeting, our meeting rather" pilit na pinakalma na saad ni Dominic sa kanyang boses

The f8ck! Why I feel edgy

Tinaasan lang siya ng kilay nito. He raise his hands as a sign na wala siyang balak na kung ano.


"I have no other agenda, but if you dont want too I will not insist" saad ng binata at maglalakad na sana since sobrang init na rin sa labas


"Wait, give me your phone" tipid na sagot ni Kath

Binigay naman agad ni Dominic iyon. Kathria type her number on Dominic's phone. After that ay inabot niya ito pero binawi agad

"What?" Dominic asked

He had goosebumps ng sinamaan siya ng tingin nito. Tila nagsitayuan ang balahibo niya sa sama ng tingin ng babae.

What the hell?!

"Don't you dare text me for nonsense" malamig na tugon ni Kathria

Nilamig naman bigla si Dominic kahit pa tirik na tirik ang araw. Napatango na lang siya agad-agad. At inabot na ni Kathria ang cellphone niya. 


Agad namang umatras si Dominic dahil sinirado na ng babae ang window nito at pinaandar ang makina nito. Umalis na rin siya sa pwesto niya at mabilis na pumasok sa kanyang sasakyan. Kailangan niya pang pumunta sa hospital


Ano yun?


Nagtataka man ay agad namang pinaandar rin ni Dominic ang kanyang sasakyan at pinasibad iyon papunta ng hospital.


Napaupo sa visitors chairs si Dominic ng makarating siya sa hospital dahil nasa ICU na pala ang kanyang ama. Sinalubong rin siya ng kanyang inang lumuluha. Agad naman na inalo ni Dominic ang kanyang ina.

"Its gonna be okay mom. Malakas si Daddy" pagpapatahan pa ni Dominic habang hinihimas ang likod ng kanyang ina para kumalma

"Iyang daddy mo rin kasi eh, sinabi nang wag abusuhin ang sarili. Ano napala niya? Edi na hospital?" konsumisyonadong saad ng kanyang ina

"Shhh... Its okay Mom, alam mo namang mahal ni Dad ang trabaho niya. Doon siya masaya. Ano namang gusto mo gawin niya? Mas lalong tatanda ng maaga si Daddy pagnasa bahay lang siya. Supportahan na lang natin siya" pang-aalo niya sa kanyang ina

"Isa ka pa eh! Kaya lalong tumitigas ang ulo ng Daddy mo" mataray na sabi ng kanyang mommy at umalis sa kanyang yakap.

Pero nakita niyang kumalma na rin ito habang pinupunasan ang luha nito sa mata. Kinuha ni Dominic ang dala niyang bote ng tubig at inabot iyon sa kanyang ina.

"Uminom ka muna Mom para tuluyan kang kumalma"

Napalingon sila dahil bumukas ang pintuan ng ICU at lumabas doon ang doctor at nurses.

"Sino dito ang pamilya ng pasyente"

Agad naman tumayo si Dominic at ang kanyang mama

"Kami po doc" sagot ni Dominic

"Good news, your father is in good condition. Mamaya ay ililipat na siya sa kwarto niya"

Agad napayakap ang ina ni Dominic sa kanya. Masaya rin si Dominic dahil sa balita na narinig

"Please excuse us" sabi ng doctor

"Thank you Doc" sabi pa ni Dominic "I told you mom, Daddy will make it. Malakas si Dad" saad pa ni Dominic sa kanyang ina

Tumango-tango lang ito habang yakap niya. Maya-maya pa ay lumabas na sa ICU ang kanyang ama. Sumunod naman sila Dominic at ang kanyang ina sa kwarto na pinaghatiran ng kanyang ama.

Ilang araw namalagi si Dominic para magbantay sa kanyang ama. Ayaw niya ring mapagod ang kanyang ina dahil may edad na rin ito. Habang pinupunasan ang kamay ng kanyang ama na ilang araw nang tulog ay gumalaw ang mga kamay nito. Akala niya namalikmata lang siya ngunit gumalaw ito ulit at unti-unting dumilat ang mata nito.

Agad niyang pinindot ang alarm button ng kwarto ng kanyang ama at di nagtagal may pumasok na nurse at doktor.

Lumapit ang doktor sa kanyang and they check the vital sign sa kanyang papa. 

"He is okay, he recovered already" sabi pa ng doktor

"Maraming salamat po doc" 

The doctor just nod at lumabas sa kwarto. Di kalaunan dumating din ang kanyang ina. Mabilis nitong niyakap ang asawa

"Mom calm down, baka mapano si Dad. Kakagising pa lang niyan" 

Umatras naman ang ginang at lumayo. Pero nagulat siya sa walang pasabing paghampas nito sa kanyang ama.

"Mom!!" medyo may kataasan na boses na saad ni Dominic

"Tumigil ka diyan Dominic" nakaturo na sabi ng kanyang ina habang matalim ang tingin sa kanya.

Natahimik na lang siya. Ayaw niya magsalita kapag sumplada ang kanyang ina. Mas lalo itong magbubunganga

"Oh Ano ka ngayon Chris, edi nasugod ka sa hospital. Tigas kasi ng ulo mo, abusado ka masyado sa katawan mo"

Nagsimula na namang maglitaniya ang kanyang ina. Nakayuko lang si Dominic. Habang nakikinig sa binabatbat ng kanyang ina. Nakita niya ang kanyang nakangiti lang. Ganon ang ama niya kapag pinagsasabihan ito ng asawa. Lagi nitong sambit Pabayaan mo na ganon naman magmahal Mommy mo kaya siya naman ay hindi na nangingialam.

Ilang minuto bago natapos ang mahabang speech ng kanyang ina. Habol pa nito ang hininga matapos ang pagsasalita.

"Honey, kalma, baka mamaya ikaw pumalit sa akin dito niyan" nakangising saad ng kanyang ama.

Inirapan lang ng kanyang ina ang sinabi nito. Natawa na lang din si Dominic sa eksenang nakita niya. Ganon na talaga ang kanyang mga magulang. Parang aso't pusa kung mag-away pero nagkakaayos na rin pagkatapos.

Bigla namang naging seryoso ang mukha ng kanyang ama at diretsahang tumingin sa kanya. Muntikan pa siya malaglag sa kinauupuan niya sa pagkakatitig nito.


"Dominic, I guess you are ready" bungad ng kanyang ama

"Chris, seryoso ka?" nakahawak na saad ng ina sa braso ng kanyang ama

Nagtataka naman si Dominic sa pinagsasabi ng kanyang magulang.

What the hell is happening?

Nakatingin pa rin siya sa mga magulang niya nag-uusap hanggang ngayon. Nang tumigil ito ay nagulat siya sa mga katagang binitawan nito.



Tulalang naka-upo si Dominic sa kanilang barn. Nadatnan siya ng kanyang mga kaibigan na ganon ang sitwasyon. Inakbayan pa siya ni Kao

"Uy, is Haciendero is here. Himala napadpad ka rito" natatawang saad nito

Uminom ulit si Dominic ng alak na pinaikot ikot niya sa baso kanina. Magsasalin pa sana ulit siya ngunit kinuha na iyon ni Max

"Oii! Tama na yan. Kung may problema ka ilabas mo iyan. Wag mong solohin" sabi pa ni Max

"Tss!" 

"Uy! First time ito ah. Your face look agitated. Ano bang nangyari? Minsanan ka nga lang pumunta dito problemado ka pa" napapailing-iling na sabi ni Max

Inagaw niya ang hawak nitong alak at nagsalin muli sa baso. Inisang lagok niya iyon bago nagsalita.

He tell all the details sa kanyang mga kaibigan and napatango-tango ito na tila ba naiintindahan ang kanyang sitwasyon.

"What's the matter with that? Ayaw mo non magiging mayor ka na?" sabi pa ni Kao na ngayon ay nagsalin rin ng alak sa baso

"Sana nga ganon lang kadali eh, pero hindi meron pang isang hiling si Daddy"

Napatingin naman ang kaibigan niya sa kanya naghihintay ng sasabihin niya.

"He want me to get...married"

"Eh??"

"Oh tapos? Anong sinagot mo?"

Napailing-iling siya. "Wala akong sinagot bigla na lang akong tumayo at lumabas ng kwarto ni Daddy. Hanggang sa dinala ako ng aking sasakyan sa barn natin" sabi pa ni Dominic na lumagok uli ng alak. Matapos ang kanyang pag-inom ay tumayo siya bigla muntikan pa siyang bumagsak dahil tinamaan yata siya ng alak.

Naglakad siya papunta sa isang sofa at pabagsak na inihiga ang kanyang sarili. Wala na ring masabi ang kanyang mga kaibigan. Hindi nila gustong panghimasukan ito lalo pa tungkol ito sa pagdedesisyon.


Kinaumagahan nasapo ni Dominic ang kanyang ulo. Sinipat niya ang kanyang cellphone at meron siya message doon. Umupo siya at isinandal ang kanyang ulo sa sofa. Pansin niya rin ang iba niyang kaibigan na nasa ibang sofa. Sinamahan pala siya ng mga ito na matulog doon.


Ng tingnan niya ang message. Napamura siya bigla nang makita kung kanino nang galing iyon. It was from the Kathria. Ang babaeng hiningan niya ng number kahapon


The hell man! Anong katangahan naman ang ginawa mo?

Napansin niyang galit tono ng pagkakasabi nito sa bawat message. Tumayo siya at ginising ang mga tulog mantika niyang kaibigan. Lalo na si Kao na nakanganga pa matulog na animo hindi artista sa porma ng pagkakahiga

"Max, Kao, Gumising kayo. Huy!!" pangyuyogyog niya sa kanyang kaibigan

Nang maimulat nito ang mga mata ay agad niya hinarap sa mga ito ang cellphone niyang naglalaman ng message

"Aanhin ko iyan?" medyo ma alimpungatan na sabi ni Kao

"What is the meaning of this?" pagtatanong niya

Tumingin ulit si Kao sa cellphone na nasa harap niya at inilayo iyon pagkatapos

"Hindi mo maalala? Tinawagan mo iyan kagabi?" sabi pa ni Kao at yinakap ang unan na naabot nito

"Nagulat nga kami dahil kung ano-ano ang pinagsasabi mo sa katawag mo. Hanggang sa narinig na lang naming humihilik kana" sagot pa ni Max na sinisipat ang kanyang mata kung may morning star (muta) iyon.

"SHIT!!" napa face palm na lang si Dominic.

Napaigtad pa nga siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya iyon and it was came again kay Kathria

Kathria: Ewan ko kung anong nangyari sayo. I hate people disturbing my beauty rest. Pero papalampasin ko ito Mr. Steele dahil lasing ka. Sa susunod na tumawag ka ng lasing at dis-oras pa ng gabi. Asahan mong mata mo lang ang walang latay kapag nagkita tayo 😒

Iyon ang message na nabasa niya. Nangilabot pa siya sa huling sinabi ng mensahe. Lalo na ang emoji na ginamit nito. Hindi niya alam pero parang ibang kilabot ang nararamdaman niya

Mabilis siyang lumabas at kinuha ang kanyang susi na nahulog sa sofa na kanyang nakatulugan.

"Mauna na ako sa inyo. I need to go home" paalam niya sa kanyang kaibigan

Sumaludo lang ito sa kanya at nahiga muli.

Mabilis siyang naglakad palapit sa kanyang sasakyan. Pinanandar niya agad ang makina ng nito at sinuot niya ang kanyang seatbelt. He step on the gas pendulum and hit the road. 

Habang nagbibiyahe hindi niya maiwasang pagalitan ang sarili.

For goddamn sake Dominic! Sa lahat pa talaga nang tatawagan mo eh yung taong bago mo lang nakilala.

Ilang beses niyang natampal ang kanyang noo dahil sa pagkafrustrate. Binabalot siya ng kahihiyan. 

Kung bakit naman kasi nasa dial tone ang number niya eh

Binilisan niya ang kanyang pagmamaneho. Isa lang ang tumatakbo sa isipan niya at iyon ay kung paano niya haharapin ang isang Kathria Elaine Montefalco...



SHYLESSPEN || S.P

Continue Reading

You'll Also Like

76.6K 1.1K 38
[UNEDITED] WARNING | | R-18 || Mature Content Allanah Collins masipag, matiyaga, matalino at higit sa lahat palaban. Wala nang mas babangis pa sa isa...
221K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
21.8K 500 36
Maria Chantal Arellano. Ang pilyang nagtataglay ng magandang mukha. Maraming lalaki ang nabibighani at humahanga sa kanya. Pero paano kung napukaw a...