Chapter 1

89 3 0
                                    

After two years….

Hawak-hawak ni Dominic ang isang documento habang nakasandal sa kanyang upuan. He was currently on his office on the City Hall. Pinaikot-ikot niya sa kanyang kamay ang ballpen habang nagbabasa. Monday ngayon at mamaya ay mayroon silang gagawin na meeting. Ganon ang government employee, at bilang mayor ay parte iyon ng trabaho niya.

Bumukas ang pinto at pumasok na doon ang kanyang assistant. Dala-dala nito nag kape at tinapay na nakalagay sa isang platito.

“Here is your coffee mayor” saad pa nito

“Thank You Clarence, paki lapag na lang dito sa may gilid. And also please prepare the hall for the meeting” sabi pa ni Dominic

“Tapos na po sir” sagot pa nito

“Okay mabuti, pakisabi na pumunta na sa hall ang mga taong dadalo sa weekly meeting” utos pa niya ulit

Tumango na lang ang kanyang assistant at lumabas na ng mayor’s office.

Inabot niya ang kanyang kape at humigop. Kumagat din siya sa tinapay habang ang kanyang kabilang kamay ay panay ang pirma sa mga dokumento sa kanyang lamesa. Kailangan niyang matapos iyon dahil kung hindi ay matatambakan na naman siya. Matapos niya itong gawin lahat ay inubos na niya ang kanyang kape at tinapay. Tumayo siya at lumabas na ng kanyang opisina.

Pumunta na siya sa Meeting Hall pagbukas niya ay sumalubong sa kanya ang mga naghihintay niyang konsehal ng bayan at mga iilang opisyales rin ng gobyerno.

“Good morning everyone” bati niya pa

Tumayo naman ang mga ito at binati rin siya.

“Okay, shall we start?” suhestyon niya pa.

Tumango naman ang lahat at nagsimula na ang kanilang meeting. Marami ang napag-usapan sa meeting isa na doon ang tungkol sa TUPAD project na kada buwan isinasagawa, ang mga takbo ng proyekto sa bawat baryo at ang mga paparating pang project.

Nasa kalagitnaan sila ng meeting ng kumatok may kumatok. Pumasok doon ang assistan ni Dominic na si Clarence. Lumapit ito sa kanya.

“Just for a moment” sabi niya pa sa mga tao sa loob at binaling ang atensyon nito sa kanyang assistant. “What’s the problem?” tanong niya pa

Yumuko ito at bumulong sa kanya. His eyes widened a bit pero nakabawi rin iyon.

I almost forgot this was the day pala bulong niya sa kanyang isipan

“Okay sige-sige, Let her in kapag dumating na siya” habilin niya pa rito

Tumawag lang naman si Kathria para ipaalam na hahabol ito sa kanyang meeting para ipaalam sa lahat ang matagal na nitong plano na business sa kanilang syudad.

Naglakad palabas ang kanyang assistant.

“Please continue” sabi niya pa

Nagpatuloy ang kanilang pagpupulong nang maya-maya pa bumukas ang pintuan sa may likuran at pumasok doon ang isang dalagang naka itim ng blouse, with a sunglass on her head and walk like a model towards Dominic.

“Good morning everyone, sorry for the interruptions but can I join the meeting?” kalmadong sambit pa nito

Lahat ng mata at nakatutok sa kanya. Na parang nakakita ng isang magandang dilag. Pinalakpak nito ang mga kamay sa ere upang magising ang mga diwa nito. Maski si Dominic ay napabalik rin sa pagkatulala.

Tumikhim siya para hindi mahalata na napatanga siya rito.

“Hindi uso katok noh?” medyo may pagkasarkastikong saad ni Dominic

HIStory Series #2 : Frosty TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon