Kaeton's Obsession (Blazing S...

By mayerinaya

51.6K 1.2K 653

slow update. "Those years I thought I'm a loser, he made me realized that the success I was chasing is actual... More

Disclaimer
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 26
Kabanata 27

Kabanata 25

92 2 0
By mayerinaya

KABANATA 25: Connection

Isang linggo nang naka stay si ‘Charm’ Leandra rito kasama namin at nagtagal siya dahil sa pagkakaroon at pag-uusap namin sa plano na gagawin upang magawa ang misyon na perpekto.

Ang tatlo na kasama ko rito ay sobrang busy at halos hindi na kami matignan dahil ang kanilang mata ay nakatutok lamang sa laptop. Kami lamang ni Leandra ang natitirang nakatunganga at nag aabang sa kanila na matapos. Though everyone here is so busy, there are moments when I feel bad for her because she has no one to talk to.

Hindi ko naman siya malapitan dahil kung ano-ano na ang aking naiisip. I've just sealed myself in my room and my thoughts have nearly driven me insane. I still find it impossible to shake the thought that Charm is also her name.

Wala si Kaeton ngayon at nasa Manila siya. May inaayos siya at sinabing ‘personal matter’ daw. Ano ba ‘yan! Wala naman kaming label pero lagi akong nag wo-worry!

Hindi na ako nakatiis at tinawagan ko na siya agad-agad.

“Where are you?” tanong ko sa kaniya nang matapos niyang sagutin ang call.

He snickered. “Why did you ask? I'm in a meeting.”

I rolled my eyes. “Aba! Masama ba magtanong?”

Narinig ko ang bahagyang tawa niya na lalong nagpakulo ng dugo ko. Nakakabwiset naman ang lalaking ito!

“Missing me, eh?”

Hoy, ang assuming mo naman!

“Of course not,” I laughed sarcastically.

“Why did you call then? Perhaps missing me?”

“I was just. . .” ano sasabihin ko shet?! Bakit ba kasi tumawag pa ako! Wala na tuloy pumapasok sa utak ko ngayon.

“Speechless, huh.”

“Nasa meeting ka, right? I’ll drop the call now. Sorry for disturbing you.”

Mabilis kong pinatay ang call at napapikit sa kahihiyan. Ano ba itong kamuritang pinaggagawa ko sa buhay. Oo na at nakakaramdam ako ng worry at suspicious kasi si Leandra, e. I was overreacting and overthinking.

Hindi ko lang matansya na ex niya si Leandra tapos same name pa kami. Normal lang naman magkaroon ng kaparehong pangalan sa ibang tao pero seriously na ex pa talaga niya?

What if. . . minahal niya lang ako kasi kapangalan ko siya? Minahal niya lang ako kasi nakikita niya ako kay Leandra? Fuck! What the hell! This is not me, ugh!

When my phone rang, I felt a surge of exhilaration in my chest. I emerged anxious as I glanced at who had called.

“I walked out,” he giggled.

What the?!

“D-Drop the call n-now. Sorry for disturbing you, Kaeton. Focus on your meeting, please. I just accidentally called you earlier, sorry—”

“Hindi iyan ang gusto ko marinig.”

“Huh? Ano naman iyong gusto mong marinig sa akin?”

I licked my lower lip and sighed. Bakit ba ako affected kung kapangalan ko si Leandra? Oh, eh, ano naman? Past is past. Nakalimutan na rin siguro nila ang isa’t isa kaya okay lang ‘yon. Wala na silang feelings at all goods na sila.

Baka. . .

“Do you miss me? Tell me you miss me. . .” mahinahon na aniya. “I miss you so much. I can’t wait to go home. I want to hug you. I want to kiss you.”

Mabilis na nangamatis ang aking pisnge nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Nilibot ko ang aking kamay sa dibdib ko at pinakiramdaman ang mabilis na pintig ng aking puso.

“I know you misses me that’s why you called.”

Ha! Assuming ka!

“Hindi ‘no! Nagkamali lang ako ng pindot kanina kaya pasensya.”

Ang taas ng pride mo, Charm!

“Hmm. Okay!” He chortled. “Hindi pa ako makakauwi kaagad, I need to finish my work here. Stay there, okay?”

“Okay!”

“May problema ba? I know you, Charm. You’ll not call if there’s no problem but you called. We’ll fix it, please. Tell me our problem so we can resolve our matters.”

Damn. Why this guy is very attractive? Even in phone calls! Nakakainis! Boses pa lamang niya, miss na miss ko na!

Hirap hindi kiligin sa guwapo. Automatic ngiti agad kapag may pogi.

“C-Can I ask something?” seryosong tanong ko.

“What is it, hm?”

Huminga pa muna akong malalim bago ko sagutin iyon. Hindi ako mapakali kanina pa at gustong gusto ko na malaman ang lahat ng sagot sa mga katanungan ko.

Rinig na rinig ko ang kaniyang paghinga kaya mas lalo akong kinakabahan. Ano ba iyan! Kahit paghinga niya ay attractive na rin sa akin. What the hell is wrong with me?!

“So you’re ex was Leandra?” bungad na tanong ko sa kaniya. Wala na akong sinayang na oras, direct to the point na agad. Sayang naman ang oras kung magsabi-sabi pa ako ng iba, right?

“Uh-Uh. She was my ex. And I already moved on. I have no feelings for her anymore.”

Ows.

“Weh?”

“Yes, baby.”

Hmmp!

“Paano ako makakasigurado?!” pagalit kong untag.

Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya at nakakainis pa lalo dahil mukhang nang-aasar ang paraan ng kaniyang pagtawa.

It’s not fucking funny!

“Wait me to return home, I’ll show you.”

“Ano naman ang gagawin mo?”

“Just wait.”

Ano na naman kaya ang balak nito?

“Excuse me? Tell me! Prove that! Just. . . just no s-sex involve!”

He giggled. “Do you call that sex?”

My brows furrowed. “What is the right term of that then if it’s wrong?”

“Made love. I want it sweet.”

Sus. Kunwari ka pang sweet-sweet. Baka nga may babae ka na sa work mo, e!

“Oh.” I was so fucking speechless, damn.

He knows how to shut me up.

Narinig ko na naman siyang tumawa sa kabilang linya kaya naasar na ako.

“I’ll drop the call now, bye!”

Hindi ko na siya hinintay na magsalita, mabilis kong pinatay ang tawag at binalibag ang phone ko sa kama. Pasalamat nalang talaga at malambot ang kama! Halu-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Masaya, malungkot, naiinis, naiirita, naguguluhan at iba pa! Bwiset!

I'm thinking too much and can't concentrate. Even though I had circled the mansion multiple times, I got up and started to walk around. I simply don't know what to do, therefore I want to meditate to calm my mind.

Kailan kaya siya uuwi?

Hindi ako nangungulila, wala lang akong kaasaran kaya ganito ako.

Pumasok ako sa isang kuwarto na pinasukan ko noon ngunit lumabas din kaagad kaya hindi ko nalibot nang buo. I was curious though. Ang daming armas na narito at galing sa ibang bansa.

I strolled around the room and looked at the scenery. There are so many weapons in this room that the first thing you could notice when you walk in is the scent of metal. Matakot nalang talaga ako kapag may nakita akong bombs dito. Talagang itatakbo ko itong paa ko kahit na mabagal ako tatakbo, ayaw ko pa mamatay ‘no.

May narinig akong footsteps sa aking gilid kaya mabilis ko iyong nilingon at nakita si Leandra. I was so shocked. What is she doing here?

Nangunot ang aking noo at napapikit-pikit. Paano niya ako nahanap dito? Stalker ba siya? Damn.

“Hi!”

Ang creepy mo! “Hello.”

“Ano’ng hinahanap mo?” ngiting aniya sa akin.

“Hm. Nagmumuni-muni lang ako rito at wala akong hinahanap, why?”

“You seems busy,” she smiled. “I was also curious here, ang daming armas.”

Her eyes are full of amazement and delight at all the equipment she witnessed. She followed my movements, looking around the room. I closed my eyes slightly and examined her closely.

Suspicious.

Inikot ko ang paningin ko at iniwan sa puwesto ko. Naglakad-lakad pa ako at pinagbubuksan ang mga kahon upang tignan ang mga laman at nagulat ako nang makita ko ang baril na nakita ko noon.

OV HLRGROVTV.

Le Sortilège. The Spell; Charm.

Charming gun.

I raised that gun I was holding. It was smooth and gold, and I was immediately taken aback by its colour. It looks so well loved that it's making me speechless.

“Woah.”

I was startled when I heard someone behind me speak out of nowhere. She walked over to me right away and took a quick glance at the gun. She gazed at it, and it was evident from her expression that her mind was digesting the gun she had just witnessed.

She was serious about it.

“Seems familiar,” she whispered.

Nangunot ang aking noo at nagtaas ng kilay. Familiar siya? Bakit? Sa kaniya ba ito?

Charm. . .

Napakurap-kurap ako at napabalik-balik ang tingin sa kaniya at sa baril. She was his ex. A gun. Charm.

What the hell? Don’t tell me she owned this gun?!

“W-Why are you looking at the gun, Leandra?”

She chuckled. “I once used it.”

Oh, the hell I care!

Pero sa kaniya ba talaga ito? Damn!

I thought it was made because of. . . you know. I am fucking delusional too.

‘Used’ it’s definitely hers!

Okay. Fine. Sa kaniya na ang gun na iyan. This gun is not precious anymore.

“This gun protects me from danger.”

So it’s really hers.

Okay!

Hinayaan kong hawakan niya ang gun na iyon at saka ako tumalikod. Mabilis ako na naglakad at dumeretso sa aking kuwarto. Humiga ako at nagtalukbong, umikot-ikot sa kama at nagpapadyak.

The whole time, akala ko sa akin iyon at ginawa ni Kaeton! Why am I fucking delusional? Huh? It hurts!

Edi sa kaniya na, I will make my own gun!

Okay, I’ll admit it, I was jealous.

Okay lang ‘yon, matagal naman iyang gun na ‘yan. Baka puwede pang gumawa ng bago. Pero syempre hindi gun ang ipapagawa ko, gusto ko ng unique. I want helicopter.

Too pricey but worth it, eh?

Nang mapansin kong gabi na at hapunan na ay bumaba na ako ngunit si Leandra lang ang nakita kong tao sa baba. Wala ang tatlo kaya lumapit ako sa kaniya. Paubos na ang stocks namin dito at halos wala na ngang makuha sa ref kung hindi tubig.

Pinasadahan ko nang tingin ang buong kitchen at ngumiwi. Hindi pa ba sila bababa? Kahit dinner lang kami magkita-kita, oh! Lima na nga lang kaming tao rito sa mansyon tapos hindi pa kami nagsasama-sama. So boring. I missed having fun.

“I cooked.”

Her food looked excellent when I watched her prepare it. Steak made of beef. It smells amazing and has a pleasant texture. The scent merely makes me need food. I hope I could prepare food in such same way.

I really tried, okay?

“Let’s eat na, Charm!” ngiting anyaya niya sa akin.

Nakakainis. Ang bait niya tapos pinag-iisipan ko siyang masama. Sige na nga hindi na.

Umupo ako sa upuan at tinikman ang nakakatakam niyang luto. Masarap nga talaga at halatang may experience siya sa pagluluto dahil mukhang basic lang sa kaniya.

“Isang plastic nalang ang natira sa meat so napagdesisyunan ko na lang na iluto. Anyways, Where’s Avery? Callum?”

Nagkibit-balikat ako yumuko. “Probably at work.”

Masyado nilang binababad ang sarili nila sa trabaho na halos pati pagkain ay nakakalimutan pa nilang gawin.

“Hatid ko lang sa kanila ‘to, okay?”

Bakit parang ang sweet niya? Ganito ba talaga siya sa lahat?

Tumango ako at hinayaan ko siyang umakyat para hatiran ng pagkain ang tatlo. Matapos niyang mawala sa paningin ko ay kumuha ako ng inumin at nilagay malapit sa aking pinggan. I waited for her to return so we can eat. Ang bad ko naman siguro kung mauna akong kumain kaya napagdesisyunan kong hintayin nalang siya.

Nang makita ko siyang bumababa ay may natirang isang pinggan sa kaniyang kamay at saka lumapit sa akin.

“Ayaw open ni Chaos ang door. He’s very busy. I called him but he ignored me.” malungkot ang kaniyang tinig at bahagyang nadismaya.

Hindi pa kumakain iyon, ah?

“Si Avery and Callum. . . ni hindi ako matignan dahil tutok na tutok sa trabaho. Ano’ng oras ba sila nag sleep, Charm? Mukhang nakakapagod ang work nila.”

“They were enjoying it, Leandra. That’s why serious sila sa work nila ngayon.”

“Oh, okay. But I’m concerned because of Chaos. Kanina pa siya hindi kumakain.”

Tumayo ako sa aking kinauupuan at kinuha ang dala niyang pinggan. Nagpaalam ako kay Leandra na ako na lamang ang maghahatid at baka may way pa para mapilit ko siya.

I turned and headed directly for the stairs. I stepped upstairs and was met right away by a lengthy hallway. I moved to the far side of the room and knocked on it.

Hinihintay kong buksan niya ito ngunit wala pa rin siyang response. Narito ba talaga siya o wala? Pero wala akong nabalitaan na umalis siya kanina kaya posibleng narito siya.

“Chaos?” I called after I knocked. “Chaos. Dinner?”

Naghintay ako nang ilang minuto at hindi pa rin tumigil sa pagkatok sa pinto. At nang sa wakas na nabuksan niya iyon ay may dala-dala siyang laptop sa kaniyang kamay.

His expression did not reveal any vulnerability to me. He shifted his gaze from me to the laptop he was holding. Without further discussion, I gave him his food. I smiled at his welcome.

“Eatwell!” masayang ani ko sa kaniya.

He bowed his head. “Thank you,” mahinang aniya sa akin.

“Are you okay?” nakangiti pa rin ako habang tinatanong ko iyon.

Kung oobserbahin mo si Chaos, mukha siyang lost. Tila ba wala sa sarili at saka namumutla.

“I am okay, go ahead. Thank you again, Charm.”

Tumalikod siya sa akin at nagpaalam na isasara na raw niya ang pinto. Naglakad ako patalikod at pinanood siyang magsara ng pinto. He’s too serious.

Hindi pa rin ako umaalis sa harapan ng kaniyang pinto at nag-isip pa. May sakit ba siya? He looks unwell.

Napaawang ang aking labi nang bumukas ang kabilang pinto at namataan si Callum doon. Napatingin siya sa akin at malaki ang kaniyang ngiting iginawad

“Good evening, Miss Charm!”

“Hi!” lumapit ako sa kaniya at nakipag apir. Bakit siya mukha namang goods, bakit iyong kasama niya ay mukhang lost?

“Pasensiya na, Miss Charm. Sobrang busy namin ngayon na halos hindi na kami makalabas ng kuwarto dahil tutok na tutok na ginagawa.”

“Oh, it’s okay! Where’s Avery?”

“Patulog na siya niyan, Miss Charm. Nagpaalam na siya kanina, eh. Mukhang maaga siyang inantok. Ako mamaya pa ako kasi malapit na naming matapos iyon.”

“Uhm, kailan matatapos ang work ni Kaeton?” curious na tanong ko.

May sumilay na nakakalokong ngiti sa kaniyang labi kaya namula ako.

“Ayon! Miss na si Boss!” tumawa siya. “Ang alam ko Miss Charm, next week pa. Natatagalan ka na po ba?”

Suminghap ako at umiling. “Hindi ‘no! Tinanong ko lang.”

“Aysus! Indenial ka pa Miss Charm.”

“Hindi talaga, Callum.”

“Aminin mo na Miss Charm!” halakhak niya sa akin.

Biglang bumukas ang pinto sa kanan at nagulat nang lumabas si Avery. Siguro’y naingayan sa tawa ni Callum. Ang ingay nga naman kasi niya.

Iritado siyang lumalapit sa amin at kinurot ang braso ni Callum. Nagreklamo ang lalaki at lumayong bagya kay Avery.

“Aray!”

“Ang ingay mo tumawa!” madiin na niya na parang pikon na pikon.

“I can’t control my laugh, Avery! Ang sakit naman!”

“Tama lang sa ‘yo ‘yan! Bwisit kang tao ka!”

“Ano ba, Avery. Nandito si Miss Charm, oh!”

Nang matapos niyang irapan si Callum ay humarap siya sa akin at saka ako binati. Ganoon din ang ginawa ko sa kaniya pabalik.

“Pasensya na po, Madame. I was distracted lang kay Callum.”

Umiling iling ako at ngumiti.

“Okay lang, Avery.”

Mukha tuloy nasagabal ko ang kanilang pagt-trabaho kaya gusto ko na umisip ng way para mapapasok ulit sila sa kanilang kuwarto at mag focus na sa work ngunit nakakahiya kung ipagtabuyan ko sila ngayon gayong ngayon lamang sila lumabas dahil maghapon silang walang ginawa kung hindi tumutok sa laptop nila.

“Nagtanong lang si Miss Charm kung kailan uuwi si Sir Kaeton kaya natawa ako. Baka miss na ni Miss Charm, eh.”

Iritadong binalingan ni Avery si Callum at kinatukan sa ulo.

“Aray! Kanina ka pa, ah!”

“Normal lang ma-miss ni Madame si Sir Kaeton, siyempre, may something sa kanila. Ikaw nga, wala man kayong something ni ano pero lagi mo siyang hinahanap-hanap, oh ano? Wala ka masabi? Guilty? Ikaw kaya ang tawanan ko ngayon? Ang OA mo mag react!”

“Excuse me? May something din kami no’ng tao na iyon!”

“May something kayo pero ikaw lang nakakaalam tapos siya, unaware?” Avery laughed at him.

“Hoy, grabe ka sa akin. I am not delusional and assuming. Totoo kaya na mayroon kaming something.”

“Something went wrong,” pang-aasar ni Avery.

Pinanood ko lang silang mag-asaran kaya nakikisabay ako sa tawa nilang dalawa.

Namiss ko ang ganitong bonding, ayaw ko ng tahimik sa mansyon. Gusto ko maingay at punong puno ng tawa naming lahat.

“Bully ka masyado, Avery. Parang hindi ka naman nagkagusto sa kuya ni Miss Charm!”

Nanlaki ang mata ni Avery at mariin na kinurot ang tagiliran ni Callum kaya nagreklamo na naman ang lalaki.

“Kanina ka pa, Avery, ang sakit mo na!”

“Your mouth!”

Ngumisi ako at napailing na lamang sa kanilang dalawa. Kahit anong deny pa iyan, alam ko namang si kuya Isaiah iyan.

“Osige na, baba na ako. Focus on your work, guys.” paalam ko sa kanila.

Naabutan kong nakatunganga si Leandra sa baba kaya mabilis akong naglakad. She waited. Ngumiti ako at marahan na umupo sa tabi niya. Ayaw kong umupo sa kaniyang harap dahil ang awkward kumain kung magtitinginan kaming dalawa kaya mas pipiliin ko na lamang na sa tabi niya ako pumwesto.

Hindi ko kayang kumain nang nakakaramdam ng awkwardness. Mahihiya lamang ako at uurong ang gutom na nararamdaman ko.

“Kaeton’s too serious about his work too. I wonder where he is.”

Bakit siya curious kung nasaan si Kaeton? Pupuntahan ba niya?

“He’s a good man, though. His next girl would be so happy.”

Natahimik na lamang ako at nakinig sa kaniya habang ngumunguya. Ayaw kong magsalita at baka kung ano pa ang masabi ko na hindi ko dapat sabihin.

Hindi siya aware na mayroong something sa amin ni Kaeton.

“Ikaw? How’s your life?”

“Okay lang.”

She smiled sadly. “I envy those people who experienced happiness. Actually when we broke up, hindi na ako nakaramdam ng saya no’n. My life became dark.”

Bakit ba niya sinasabi sa akin ito? Is she aware? O hindi? Out of nowhere stories?

“He’s a big help for me to experience those things because I learned a lot. Sadly, we need to cut our connection for our family matters.”

I understand their story. Kahit masaya kayo, kung kayo ang para sa isa’t isa, sisirain talaga kayo ng mundo para mapaghiwalay.

“I loved him so much.”

Parang may punyal na tumarak sa aking dibdib at nakaramdam ng bagyang kaba sa mga sinasabi niya.

“It’s better to cut our connection than to stay, right? Wala nang patutunguhan ang relasyon namin and we deserved it.”

“Ang tagal niyo pala.” sa wakas, nagkaboses na rin ako.

“Oo,” natawa pa siya at parang inalala pa ang kanilang nakaraan. “Ang saya noon. I was very genuine. Sayang.” panghihinayang niya.

Kahit ako rin ay masasayangan kung ganoon kami katagal.

Fucking nine years.

“Sa loob ng nine years na iyon, I am still a virgin.”

Napabuga ako ng hangin at naubo-ubo dahil sa narinig. Kailangan pa bang maging aware ako sa kaganapan nila noon? What the hell!! Pero wow.

“He respected me a lot.”

Natawa ako sa aking kalooban. Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Ang tanggal nila pero posibleng mangyari ang ganoon. I was very amazed.

“Sa loob ng nine years, never pumasok sa utak namin na gawin ang bagay na iyon. We only focused on ourselves. Alam mo. . . hindi kami iyong couple dati na sobrang dikit sa isa’t isa. May minsan pang hindi kami nag-uusap ng ilang buwan dahil sa away namin. It’s not normal though nalagpasan namin. Pero. . . sadyang malabo lang talagang maging kami hanggang sa dulo. I know, Charm. He is not for me. I am aware.”

I'm unable to talk again. All I want to do is hear everything she says. The stuff she told me now just piqued my interest in their past connection.

“Yes, we were very toxic before. Parang wala nga lang kaming dalawa. I was serious siyempre pero sometimes I feel empty. Magkaiba kami ng mundong ginagalawan kaya hindi kami madalas magkasama, ang masakit pa no’n, sa loob ng isang buwan, apat na beses lang kami magkita because of our family matters. It’s so tiring.”

“Paano niyo natitiis ang ganiyan katagal na hindi magkita dati?”

“Hindi ko kaya actually. Pero pinipilit kong kayanin. Ngunit wala pa rin. We were meant to be broke up. Wala kaming magawa dahil iyon na ‘yon. . . wala na. Ganoon lang kami natapos. It’s because of our family.”

I am exceptionally thankful towards Kaeton's family. The fact that I am by Kaeton's side made them pleased. I have nothing to say about my family. But my brothers know are aware. The only thing at risk in this situation is our own choice of whether continuing on, give up, or let fate have its way.

Walang problema na mangyayari.

“Ikaw? Nagkaroon ka na ba ng ex?”

Ngumiti na lamang ako at umiling. Wala akong makwento sa kaniya kaya hindi ko nalang sasagutin dahil ayaw ko naman siyang magtanong nang magtanong sa akin about sa mga ganiyang bagay.

“Oh,” iyon na lamang ang nasagot niya sa akin.

Kinuha ko ang baso ko at uminom. Nang matapos akong uminom ay nagbuga ako ng hininga at saka siya hinarap.

“I am in love,” sagot ko.

Napalingon siya sa akin nang may ngisi sa kaniyang labi.

“But it’s private so I’ll not tell you who it is.”

She shrugged and nodded. “Okay, I respect your decision.”

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at saka tumayo na. Tapos na ako kumain at ganoon din siya, nag presinta na akong maghugas ng mga pinagkainan namin. She agreed and left.

Pumikit ako nang mariin at nag hilamos, come on, Charm. Wake up. You need to be calm down.

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 489 51
COMPLETED Dangerous Man 1: Edwyn Patterson Edwyn has a perfect family that he always wished for the rest of his life to feel peaceful and happy with...
1.8K 270 50
Villanueva Series #2 "Caleb Wyven Villanueva" is a prosecutor who is willing to do everything for his loved one, recognizing nothing, but what is in...
168K 2.5K 47
(DEVRIAN BROTHERS SERIE 2) Kadmiel Ace Devrian "I won't let you leave me alone again, I won't let you get out of the chain of my love. Whoever gets i...
278K 7.9K 38
Date Start:June 6 2021 Date Finished:July 29 2021