What's your deal Mr. Troublem...

By kathdy8

1.3K 111 21

Troublemaker Series #1 Once a Troublemaker, always a Heartbreaker. Paano kung nagising ka na lang isang araw... More

First Encounter
Trio
Pagkikita
Past
Hero o Piligro?
Poblacion
Poblacion 2
A troublemaker's deal
Ang isang Kenneth Yu
Settled
This is War
Caregiver
Ang Alaga ni Hades
You Don't Know Me
Selos
True colors
Unexpected Guest
Misteryo
Judgemental

Confrontation

43 7 1
By kathdy8

Patakbo akong lumabas ng cr, hindi ko napigilang umiyak. Mabuti na lang dimmed ang lugar at maingay yung crowd. May nabangga ako bigla kakatakbo, hindi ko na napansin.


"Sorry.." sabi ko nang hindi tumitingin 'don sa nabangga ko.

"Ally? What happened?" napatingala ako. Si Nate lang pala. Hinila niya ako palabas ng bar.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyare?" nag aalala niyang tanong. Hindi pa rin ako tumitigil. Siraulo kasing Hades yon! Naninikip yung dibdib ko sa inis.


Hinila niya ako at niyakap.

"Shh, it's okay. Calm down now." pinatahan niya ako. Wala siyang pake kahit pa nababasa ko na 'yong t-shirt niya. Medyo gumaan yung pakiramdam ko, napatigil ako sa paghikbi pero tumutulo pa rin yung luha ko.

Hinawakan niya yung balikat ko tapos tinignan ako. Tinignan niya lang ako sa mata, halata mong naga-alala siya.


"May nambastos ba sayo? Nawala ka kanina kaya hinanap kita." hindi ko tuloy maiwasan mapangiti. Para akong siraulo na iiyak tapos ngingiti, baka isipin niya may sapak ako. Pero hindi ko talaga mapigilan, hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to sakin pero ang swerte ko dahil mayron akong Nate na nar'yan at handang umalalay.



"N-Nate.. pwede ba tayong u-umalis dito.. g-gusto ko nang umuwi.." nauutal kong sabi sa'kanya. Ngumiti siya sa'kin tapos hinila ako papunta sa parking lot.




Pinagbuksan niya ako ng pinto at nag paalam na maghintay ako sandali, magpapaalam lang daw siya sa kasama namin.


Si Eve nga pala.. naku, paano na siya.


Ilang minuto pa at lumabas si Nate kasama si Eve, gumegewang-gewang habang inaalalayan ni Nate. Napabuntong hininga ako, buti naman at hindi niya iniwan 'ron sa mga kaibigan niya. Mahirap na at baka mapano pa siya kapag nagtagal roon. Inalalayan niya lang si Eve sa backseat, sakto namang nakatulog agad siya.


Una muna niyang hinatid si Eve since siya ang pinaka malapit at lasing.


Yung nangyari kanina, hindi ko lubos maisip. Bakit ba ganoon si Hades sa'kin? Parang may matindi siyang galit na hindi ko alam kung saan nagmumula. Hindi naman siya ganon sa'kin noon, hindi niya nga ako pinapansin o hindi niya ako kilala noong magkaibigan pa kami ni Hayley.


Bakit ngayon pa na hindi ko na kasama si Hayley, pa'no niya ko nakilala? Paano niya naiisipan na gawan ako ng ganito? Wala naman akong atraso sa'kanya dahil hindi kami close, ni hindi nga kami nag uusap? Ano bang habol sa'kin ng lalaking 'yon? Bakit ganoon na'lang niya sirain at guluhin ang buhay ko?


Sa pag iisip ko, hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ni Nate, saka' ko nalang napansin nang tapikin niya ako. Narito na pala kami sa tapat ng apartment ko. Bago ko pa alisin yung seatbelt, nagsalita siya.


"May ginawa ba si Hades?"

Tumingin ako sa'kanya. Paano niya naman nalaman?


"Wala siya kanina, kaya malamang dinala ka niya kung saan." naiiyak ako kapag naalala ko.

"Tell me, anong nangyari Ally."


Napadiin yung hawak ko sa dulo ng dress. Bumuntong hininga ako.


"Bakit Nate? Bakit galit sa'kin si Hades?"

Dumako ang tingin niya sa harap ng sasakyan. Sigurado akong may alam siya e, kaibigan niya si Hades. Impossibleng wala.

"Hindi dapat sa'kin manggaling Ally e, pero pwede kong gawan ng paraan para mag confront kayo sa isa't-isa."

"Para matapos na rin yung pagpapahirap niya sayo." dagdag pa niya.


Curios ako. Gusto kong malaman kung ano 'yon, kaya naman pumayag ako sa plano niya. Hindi pwedeng buong taon ganito ang pagdadaanan ko, masyadong mahirap.

Nagpasalamat lang ako sa paghatid niya 'saka pumasok sa loob. Kailangan mag ready ako para bukas.





**

Hades.


Pag alis ni Ally, naghilamos lang ako. Tanga ko rin e, bakit ko ba ginawa 'yon? Well, I thought mabilis siyang makuha, akala ko sasakyan niya rin yung ginawa ko. Malay ko ba e, babaeng aso siya e. Kaladkarin.




First kiss? Nagpapatawa ba siya? Ibig sabihin wala pang humahalik sa kanya? Kalokohan naman 'yon. Napahawak lang ako sa sink. Inangat ko yung mukha ko at tinignan yung reflection ko.


I don't know pero medyo naawa ako nung tinignan ko siya. I closed my eyes. No. Hindi ako pwedeng lumambot sa'kanya. She's the reason why I even got myself into this. Naghugas lang ako ng kamay tapos palabas na sana kaso bigla namang may humila sa damit ko. She dragged me into one of the cubicles.


Then she starts kissing me, hindi na rin ako pumalag since may tama na rin ako. Need ko rin naman ng malalabasan ng sama ng loob, and even literally na malabasan. Pagtiya-tiyagaan ko na 'tong hustler na'to.


"Hades! Asan ka na bang gago ka!" narinig kong sigaw ni Kenny, ramdam kong pumasok siya. Leche naman oh, palaging abala talaga 'tong ungas na 'to. Binitawan ko yung babaeng hustler tapos binuksan yung pinto ng cubicle. Bumungad naman yung mukha ni gago.



"Tangina, andyan ka lang pala, gumagawa ka na naman ng milagro." tawa niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Mas malala naman siya sa'kin, tss.

"Bakit ba? Anong problema mo?" naghugas ulit ako ng kamay sa sink tapos hinilamusan ko yung bibig ko. Nakita ko naman sa mirror reflection na lumabas yung babae habang kinakabit yung bra niya. Hindi namin pinansin yung pag alis niya sa loob.


Sumandal si Kenny boy sa pader malapit sa'kin tapos nag cross arms.


"E kasi ang boring na e, iniwan na ko nina Eve." maktol niya, trip na trip niya talaga yung babaeng yon e. No wonder bakit nakasimangot 'tong ungas.



"So? Ang daming babae dyan, saka' si Nate kasama mo naman sa labas." parang bata e.


"Yun nga e, nagpaalam na ihahatid na si Ally, ayon' sinabay rin si Eve pauwi. Walang tiwala sa'kin yung kupal." simangot niya.

Kahit kung ako naman maging babae, talagang wala rin akong tiwala sa'kanya e.


Siraulong Nate 'yon, napaka hunghang talaga. Dibale, kung mahulog naman sa'kanya si Ally, masasaktan lang din niya dahil hindi naman sila pwede. Saka' may nakalaan nang babae kay Nate. Psh. Bahala sila sa buhay nila.




***

Ally.



Tanghali na ako nagising, ang sakit nga nang ulo ko, dahil na siguro sa pagkakauntog saka' sa pag iyak. Tumingin ako sa relo ko.



12 PM na

Mga 1 PM pa naman yung class ko, P.E lang rin naman ang schedule ko today. Isang subject lang. Nag ligpit lang ako ng tulugan at inayos ko lang yung mga gamit ko sa bag.

Muntik na niya ko mahalikan..

Pero impossible na gagawin niya 'yon, nandidiri nga siya sa'kin diba? Erase!

Nag shower lang ako tapos kumain. Pinababa ko lang yung kinain ko ng ilang minuto tapos lumabas na 'ko para sana maglakad.

May bumungad sa tapat ko na mamahaling kotse. Ang bongga dahil naka MK4 Toyota Supra pa, pero kanino naman 'yan? Impossible naman yatang pagmamay-ari ng ibang rumerenta sa apartment.



Nakita kong binaba yung tinted window ng saskyan. Nanlaki yung mata ko, anong gingawa ni Nate dito? Saka' bagong sasakyan niya ba yan? O, siguro marami lang silang collection ng kotse, ano pa nga ba?



Nginitian niya 'ko tapos lumabas siya. Lumapit naman ako.


"Let's go?" aya niya. As usual, pinagbuksan niya ko nang pinto ng sasakyan niya.


Ang swerte nang magiging girlfriend niya, puro princess treatment talaga sa'kanya, sana ako nalang 'yung babaeng para sakanya. Hehe. Ang assuming ko.


Mga 5 minutes lang yata nasa campus na kami. Paano ba naman, ang bilis ng sasakyan niya pero safe naman yung pagma-maneho niya. Nag park lang siya sa basement kung nasan ang parking lot. Tapos lumabas na kami at sabay na dumiretso sa elevator.


"Ah, t-thank you ulit Nate, sa lahat."


Ginulo niya yung buhok ko tapos nginitian lang ako. Hulog na hulog na 'ko sa ngiti niya palang e, pero ayoko namang umasa na may gusto siya sa'kin. Malabong maging girlfriend niya 'ko. Gesture niya siguro 'to dahil naaawa siya sa'kin dahil sa pagpapahirap ng kaibigan niyang abno.


"Wala 'yon." nakangiti niyang sagot sa'kin. Pagpasok namin sa elevator, pinindot ko kung saang floor ako, ganun rin siya.


"Oo nga pala, mamaya, itext mo ko pagtapos ng class mo."

Tumango naman ko at saktong nasa 2nd floor na 'ko. Nag thank you ako sa'kanya at nagpaalam na. Sa 3rd floor pa kasi siya kaya hindi na siya lumabas nang elevator. Nagtungo lang ako sa room at umupo sa designated seat ko.


Hindi ako masyadong makapag focus sa class, inaalala ko yung magiging confrontation mamaya. Paano ba ang dapat kong gawin? Paano ako haharap sa abnormal na 'yon? Hindi ko rin alam dahil naguguluhan rin ako. Magra rant siguro si Hades o ano. Kinakabahan ako, puro sakit sa ulo at drama nalang ang nangyayari e.


Natapos na yung whole period nang wala man lang akong naintindihan, paano e, ang utak ko lumipad na kung saan.


Nag text muna ako kay Nate na tapos na yung class ko. Dumiretso muna ako sa cr. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle tapos umupo ako sa naka close na toilet. Huminga ako nang malalim.


Maya maya pa, may mga pumasok sa loob ng comfort room. Ang ingay nila pag pasok.

"Hoy! Teka, alam niyo na ba?" sabi nung isang babae.

"Sis hindi pa, wala nga kaming idea kung anong ichi-chismis mo!" pamimilosopo nung bakla.

"Che! Anyways, ito na nga. Kasi bali-balita na inaakit raw nung babaeng ahas yung tatlong Prince ng Saint Benilde!"

"What do you expect? Malandi talaga yung babae e, noong una sa teacher, ngayon naman sa mga asawa natin?" napakagat labi ako.

Ano ba 'tong mga 'to? Makiki chismis na lang, maling impormasyon pa yung kinakalat.

"True mi, hindi na 'ko magtataka kapag nabuntis na naman siya at magpalaglag! Kurutin ko yung matres niya e, puro siya kalandian sa katawan!" sampalin ko kaya 'tong mga 'to?


Hindi ba nila naririnig mga sarili nila? Kung makapang husga akala mo ang lilinis ng pagkatao! Saka' malandi? Sino kaya ang fangirl at patay na patay ron sa mga prinsipe nila kuno?




Narinig kong nag tawanan sila habang papaalis, ang iingay nila, mga akala mo nasa palengke e. Sakto naman nag buzz yung phone ko. Pinapapunta ako ni Nate sa gym court. Lumabas naman agad ako at baka mamaya bumalik pa yung mga chismosa.

Pagkarating ko sa court andon s'ya.. Asan si Nate? Teka, kaming dalawa lang ba ang nandito? Walang tao since wala pa namang announcement ng varsity players.


Nakatalikod siya na parang may ka text. Pinapunta siguro siya ni Nate pero wala naman siya, huhu sinet-up niya nang kami lang. Kinakabahan tuloy ako dahil wala siya. Baka may gawin na naman 'tong mokong na'to sa'kin.


Naglakad na 'ko palapit, narinig niya siguro yung yabag ng sapatos ko kaya humarap siya. Nagulat siya pero bigla niya kong tinaasan ng kilay. Nagtataka siguro kung bakit ako yung nandito.


Nang makalapit ako sa'kanya, nag cross sya ng arms. Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita. Takte, paano ba?



"Ano.. I just want to ask.. kung bakit ano.. bakit ka galit sa'kin?" lakasan mo ang loob mo, Ally! Tao lang yang kaharap mo, kaso may pagka demonyo, wala lang sungay, tsk.


"You really wanna know?" malamang, kaya ko nga tinanong tsk. Slow din 'tong mokong na 'to e.


"O-Oo, para matapos na!" napalakas yata yung pagkasabi ko.


Nag pamewang siya tapos nag head tilt.


"Akala mo ganon kadali? You really are a stupid. Sige kung gusto mo malaman." hindi ako nag salita, hinintay ko lang siya kahit na kinakabahan ako.

Umupo siya sa bench tapos nag crossed legs, hindi niya pa rin inaalis yung tingin niya sa'kin. Parang ang lungkot ng mata niya o namamalikmata lang ako, ang hirap kasi basahin. Wala siya masyadong emosyon na pinapakita sa'kin.


"It all starts because of your Dad, siguro wala ka nga talagang alam. Kabet ang walanghiya mong tatay, Ally. And guess who kung kaninong family ang sinira niya? Of course, kami." kita ko yung panggigigil sa boses niya.



Wait, ano? si Papa? Teka, ang labo niya. Saan niya naman nakuha 'yung ganong information? Naguguluhan ako.




"Nagulat ka ba? Siguro, you think that your father is so perfect na hindi niya kayang manira ng pamilya? Pwes, gumising ka. I have all the evidence and pictures na palihim silang nagsasama, sakit niyo na ba yung ganyan?"


"Alam mo na ngang mali pero ginaya mo pa, and that's why kaya hindi ako tumitigil para sirain ang buhay mo."


Para 'kong nanigas, hindi ako makapag salita o makagalaw. Natulala lang ako sa mga sinabi niya. Pero, mahal na mahal kami ni papa..



"Ano? Nagising ka na ba sa katotoohanan? If your dad really cherishes and respect you as his daughter, hindi niya magagawa 'yon di'ba?"


I can't speak.



Gusto kong umiyak pero para akong nag loading..

Si papa? Isa ba 'iyon sa reason ni mama kung bakit hindi niya na nakayanan? Gusto kong siyang sigawan na hindi magagawa ni papa 'yon pero parang..


It all makes sense now.. kung bakit palagi niyang inuuna ang work niya kesa sa'min noon..



Yun siguro yung pagkakataon niya para makasama yung mama nila Hayley.. alam ba 'to ni Hayley? Kaya rin ba niya ko kinamumuhian?



Ibig ba sabihin, siya ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay ko?



Sarili kong papa?


Continue Reading

You'll Also Like

174K 6.9K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
175M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
2.1M 98.8K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
156K 9.4K 21
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...