What's your deal Mr. Troublem...

By kathdy8

1.3K 111 21

Troublemaker Series #1 Once a Troublemaker, always a Heartbreaker. Paano kung nagising ka na lang isang araw... More

First Encounter
Trio
Pagkikita
Past
Hero o Piligro?
Poblacion
Confrontation
A troublemaker's deal
Ang isang Kenneth Yu
Settled
This is War
Caregiver
Ang Alaga ni Hades
You Don't Know Me
Selos
True colors
Unexpected Guest
Misteryo
Judgemental

Poblacion 2

47 6 3
By kathdy8

Natapos na ang whole period. Nagkita kami ni Eve, inaya niya kong dumiretso sa'kanila at pahihiramin niya nalang raw ako ng dress niya. Hindi naman ako nakatanggi, alangan naman 'ron ko sa apartment siya patuluyin, nakakahiya sa'kanya.



Bumungad sa'min ang isang Toyota Fortuner. Ang yaman rin ng isang 'to. May driver pa siya. Pumasok lang kami 'ron at agad naman pinaandar nung mamang' driver yung sasakyan. Mabuti nalang at hindi ga'nong traffic.



Pumasok naman ang sasakyan sa loob ng subdivision, malapit lang rin pala sa school ang bahay nila. Medyo may kalakihan rin ang bahay nila Eve, may nag bukas ng gate para makapasok at makapag park ang kotse. Bumaba na kami tapos dumiretso sa loob nila.


"Ally, sorry ah, it's still messy and not big enough but I hope you feel at home."


"Nagpapatawa ka ba, Eve? E, mas malaki nga 'to kaysa sa apartment at bahay namin ng lola ko."


Pabiro niya lang akong hinampas tapos hinila na niya ako paakyat sa mahaba nilang hagdan. Dumireto lang kami sa dulo tapos pumasok sa kwarto niya. Ang luwag non, siguro apat na apartment na 'yon na tinutuluyan ko.


Nagpaalam lang siya na mag shower kaya napaupo nalang ako sa sofa na katabi ng malaking glass window. Pinagmasdan ko lang yung room, ang minimalist at cozy pero may pagka pink. Girly na girly tignan.



Ilang minuto lang at natapos na siya, half bath lang yung ginawa niya. Nagbihis na rin siya tapos bumaba na kami.


"Hey Ally, what food you want to eat?"


"Ah.. kahit ano okay lang, hehe." hindi naman kasi ako mapili sa pagkain. Tumango lang siya tapos nag request na siya sa yaya nila na magluto. Ang dami niyang nirequest na pagkain, talagang matakaw nga siya. Sakto rin naman na wala akong masyadong kain, pano ba naman kasi, inagaw nung mokong na 'yon ang breakfast at lunch ko. Ke-yaman yaman niya, hindi siya makabili ng kanya.


Tinapos lang namin ang pagkain, at grabe. Busog na busog ako, parang sasabog na yung tyan ko sa dami kong nakain. Si Eve naman parang nakulangan pa, nakakatawa nga e, ang cute kasi haha.


Napatingin ako sa phone ko dahil nag buzz 'yon.



From: Nate

Text me your address, sunduin ko na kayo.


Napangiti ako na parang tanga, pag talaga si Nate hindi ko mapigilan yung kilig ko e. Tinext ko naman sa'kanya kung nasan kami. Maya-maya pa, narinig na namin yung busina ng kotse niya. Bumaba na kami at sinalubong siya. Pinagbuksan niya naman kami ng pinto ng kotse. Ang gentleman talaga e, kaya gustong gusto kita e.



Nasa front seat kami ni Nate tapos nasa likuran namin si Eve. Kilig na kilig naman ang gaga, nakakahiya tuloy kay Nate. Habang nagda drive si Nate papunta dun sa location, nagsalita si Eve.


"You must be Nate, right? I'm Ivy, but you can call me Eve for short." energetic niyang sabi kay Nate.


Ngumiti naman si Nate pero sa daan ang tingin, nagmamaneho kasi. "Ah, yeah. Nice to meet you, thanks to you at nakipag friends ka kay Ally. I'm glad." sagot ni Nate.


"I've heard boyfriend ka ni Ally! You look sweet kasi e, both of you." hala, si gaga. Uminit tuloy pisngi ko, pakiramdam ko namumula na 'ko.


"You're mistaken but why not?" pabiro at natatawa niyang sagot.

PAANO AKO MAKAKAPAG SALITA KUNG KINIKIKIG AKO ABER? Itigil niyo na yan huhu.


Nagpaalam naman si Nate na magpa soundtrip kaya ayon, natahimik na ang lahat. Mabuti naman, maiihi ako sa kilig eh punyemas!

Ilang minuto pa ang nakalipas, nakarating na kami sa pobla. Nag park lang si Nate tapos sabay sabay na kaming lumabas, kinausap lang ni Nate yung parang taga handle ng entrance tapos nagpakita lang kami ng I.D to confirm na hindi kami underage. Bago pa kami pumasok, sinabihan kami ni Nate na dumikit lang sa'kanya. Ang protective talaga ng mahal ko hehe. Chos.

Pagpasok namin e' andaming tao, medyo siksikan, malamig rin don, naka disco lights at maingay ang speaker pati mga tao. Ganito pala sa mga bar. Dumiretso pa kami kahit medyo nababangga kami nang mga nagsasayawan.


Natanaw namin sina Kenneth at mokong. Kanina pa ba sila nandyan? May babae na naka pulupot dun sa dalawa, may mga nakalagay na rin na Bacardi at Hennessy sa mesa. Nagbatian lang sila ni Nate tapos, inalalayan kami ni Nate na umupo ron' sa pabilog na vip lounge seats.


Ano ba tong pinasok ko? Yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko, si Eve naman chill out lang tsaka parang hindi niya first time. Tumulis yung tingin ko kay Kenneth nang bigla siyang tumabi kay Eve, iniwan niya yung babae na lumilingkis sa'kanya, ayon tuloy umalis tapos umirap.

Hinayaan ko lang sila uminom, hindi naman kasi ako nainom.


"Huwag kang boring, uminom ka." sabay abot ni Hades ng shot glass. Hindi ko 'yon kinuha kaya parang nairita siya. Bahala ka r'yan, magmukha kang tanga.

"Hayaan mo na siya, Hades. Uminom ka na lang dyan, tsaka ini-entertain ka ng babae, yan nalang pagka abalahan mo." pag awat ni Nate, kinuha niya yung hawak ni Hades na dapat sa'kin at siya ang uminom. Pasalamat nalang talaga ako kay Nate.


"Shut up, Nate. Bakit ka ba nangingielam? Don't tell me, may gusto ka sa babaeng yan?" natatawa pa niyang sabi. Bwisit talaga siya.


"So what? Just enjoy this night."


"Eyo! Chill mga pre, we're here to party." sabat ni Kenneth.

"Kaya nga! Oh, oh! C'mon, Ally! Let's dance!" aya ni Eve. Nakaka tatlong shot na rin pala siya, kupal kasi 'tong si Kenneth. Talagang nilalasing si Eve.


Hindi pa man ako nakaka-hindi e hinila na niya ko sa gitna. Takte, nahiya tuloy ako. Yung mga sumasayaw lang naman e yung mga may tama na, saka' yung confident. Para tuloy akong tanga nakatayo 'ron habang siya humahataw. Sumunod naman si Kenneth samin nung may mga lumalapit kay Eve. Gusto yatang bantayan yung territoryo niya, e hindi naman sa'kanya si Eve, pero okay na rin 'yon, kesa naman hindi namin kilala ang lumapit.



Nagulat ako nang may biglang humila sa'kin palayo sa dance floor. Hindi ko masyado makita kasi madilim, tsaka puro disco lights lang at mga nakapaligid samin ang nakikita ko.



Teka? Bakit niya ako diniretso sa comfort room? Walang tao roon at pinasok niya ko isa sa mga cubicle. Nang titigan ko siya, si Hades pala.. Sandali, ano bang ginagawa niya? Saka' bakit niya ko dinala dito nang kami lang? Don't tell me, may masama s'yang balak?!


Iniharang niya yung kaliwang kamay niya sa may pader kaya na corner at napa atras ako. Kaso pader na yung nasa likod ko kaya wala na kong maaatrasan, nilapit niya yung ulo niya sa'kin. Sobrang lapit.


Bumibilis yung tibok ng puso ko, para akong aatakihin sa puso. Sa sobrang lapit nang mukha niya sa'kin, naamoy ko yung tapang ng alak sa hininga niya, pero mabango siya, yung pabango niya parang lumalapit rin sa'kin. Napakurap ako.


"A-ano bang g-ginagawa mo?" tinutulak ko siya pero ang tigas ng katawan niya.




"Bakit? Natu-turn on ka ba?" ngumisi siya tapos unti-unti niyang nilapit yung mukha niya, parang 1 inch nalang at magdadampi na yung labi namin.


Ano ba kasi binabalak niya? Huwag mong sabihin ito ang sinasabi niyang ibabayad ko sa utang ko sa'kanya? H-hindi! Hindi ako papayag na sa'kanya mapupunta yung first kiss ko!



Tumalon ako kaso wrong move pala yon, nagka-untugan kami. Epic fail but still gumana.


"WTF." napahimas kami pareho sa ulo namin. Kahit ako nasaktan 'no! Ano ba kasing iniisip niyang gawin?! Huhu, ang sakit. Parang nabawasan ako ng braincells.


"Ano bang katangahan ang ginagawa mo?! Dumbass." parang natanggal yung lasing niya at bumalik sa ulirat. Buti naman!

"Eh, ano rin ba kasing kalokohan ang gagawin mo?!" sigaw ko sakanya, parang nahilo ako, alog na alog utak ko e.


"Stupid ka talaga! Akala mo ba hahalikan kita?"

"E, ano pa sa tingin mo? Nilalapit mo kaya yung mukha mo sa'kin! No way na magiging first kiss kita! Kadiri!"


"What? Are you out of your mind? Hindi ka kasali sa mga type ko, at hindi mababa ang standards ko sa babae. I was just teasing you kaso may pagka engot ka pala talaga e no? First kiss? As if namang virgin ka pa-"


Sinampal ko siya, tapos tinulak ko siya gamit buong lakas ko. Gago pala s'ya e. Bakit niya ba ko inimbita? Para bastusin at maliitin?


Imbes na mag thank you ako, wag na pala. Isang malaking kalokohan ang mag pasalamat sa kagaya niyang patapon. Kung anong ikina gwapo niya, yun naman ang kina-pangit ng budhi niya! Hindi ko pinupuri yung pagka ma hitsura niya, sadyang sayang at sa'kanya pa napunta ang ganong mukha!


Ano ba kasing naisip ko at sumama pa 'ko rito? Ang stupid ko rin e, si HADES FERNANDEZ 'yon! Isang mayabang, walang puso at trouble maker.

Continue Reading

You'll Also Like

273K 17.1K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.1M 98.9K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
563K 6.4K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024