Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 26 : SET UP
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 45 : FIGHT

26.8K 1K 329
By Khira1112

#SAT9S

DEDICATED TO : Janine Therese Abrasia Fernandez

CHAPTER 45 : FIGHT

There comes a long moment of silence. I stared at him, bewildered and unable to understand what he meant. There was something in his reaction that I couldn't apprehend. Even his choice of words are braced by great self-restraint. Mahigpit niyang hinawakan ang pulso ko at inalis ang aking kamay sa pagkakahawak sa kanyang kwelyo. Tumingin ulit siya sa akin.

"Go get her if you want. That's not my business anymore." Malamig niyang tugon.

Patuya akong natawa. "How could you say that, huh? You've been with her for years. Pagtapos ano? Ganyan lang? Wala kang pakialam? Tinatrato mo siya na parang wala kayong pinagsamahan?"

"Tapos na kami." Matalim niyang sagot na mas lalong nagpaalab sa nararamdaman ko.

"With no proper closure. Sana naman binigyan mo siya ng magandang rason. You cheated. You didn't even chase her-"

"I cheated? I don't know if your misinformed or what." Bahagya siyang natawa. "Chase? I'm done with that."

"For a year? Sapat na 'yon sayo?"

"Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa isang taon na 'yon. Wala ka ro'n." Mas naging malamig ang kanyang tingin. "Mas lalong hindi mo alam kung ano ang nangyari pagtapos no'n kaya huwag kang makisawsaw. That was not your issue, Coby. It's already done. And I don't need to explain myself to anyone who's not involve. Who are you anyway?"

I took a step while clenching my fists. "Pinagkatiwala ko si Rhea sayo."

"Pinagkatiwala ko rin ang sarili ko sa kanya." Sagot niya nang hindi umiiwas ng tingin. "At hindi ko kailangan ng opinyon mo at ng ibang tao lalo na kung hindi niyo alam lahat. Put all the blame on me if that satisfies you. That's one common act for stupids like you."

"Damn you." I hissed.

"Hindi ko kailangang makipag-usap sayo. Kunin mo na siya." Tumalikod siya at akmang lalabas ng pinto.

"Wala ka na ba talagang pakialam sa kanya?" Pahabol ko na nagpatigil sa kanya.

"Sa kanya, meron. Sa mga tulad mo, wala."

I gritted my teeth. "You're a coward, Ren."

"Then, what the term left for you? Chicken?" He let out a snickered laugh. "Ilayo mo siya kung gusto mo. I'm not desperate like you."

"Sana hindi mo 'to pagsisihan. Matatauhan ka rin, Ren."

"Matagal na akong natauhan."

Tuluyan na siyang nakaalis pero nanatili akong nakatingin sa pinto. He doesn't look like he regrets anything. I don't know what to think anymore. The thought of him abandoning Rhea seems surreal but he just did, right? He just did. He's giving her away na parang wala na sa kanya kung kanino mapunta ang babaeng minsan niyang minahal. His actions adds more fuel to my rage. His words, too. Him, accusing me for being desperate was baseless! I just want to help Rhea. Taking her away was never my option since I don't have any rights aside from being her confidant. I don't get his point.

Napatingin ako kay Rhea na nasa couch. May jacket na nakabalot sa kanya at may benda ang kanyang kamay. I frowned. What happened? Paano siya napunta rito? Sinadya niya ba si Ren dito? Nagkausap ba silang dalawa? Questions quickly fill-up my head.

After a moment of thinking nonsense, I sighed deeply. Tinungo ko si Rhea sa couch at binuhat nang dahan-dahan at maayos. Even in her sleeping image, I could tell that she's in distress. Her psychiatrist's hypothesis is accurate. Trauma wasn't curable unless the patient overcomes her own issues. May epekto pa rin si Ren kay Rhea at binabalik lang nito ang sakit na pilit binabaon ng huli.

Nasa byahe na kami nang makita kong gumalaw si Rhea at tila naalimpungatan.

"Ren. . ."

Napahinga ako nang malalim. Really, Rhea? Even in your dreams, you still think of him? Bumagal ang pagtakbo ng sasakyan ko at wala sa loob na hininto ko 'yon sa gilid ng daan. Nang lingunin ko si Rhea ay nakabukas na ang kanyang mga mata at nililibot niya ang kanyang paningin.

"Rhea." Marahan kong tawag. She turns her head on my direction.

"Coby. . ."

"Yes, it's Coby." That recognition brought a pang of bitterness inside me. Did she expect Ren to be with her instead of me? I could sense her disappointment.

Maybe because I'm not a good replacement. I couldn't tell if I'm too good or not even as good as Ren. Hindi ko alam kung hanggang saan ba ako.

I smiled bitterly. No. Of course, that's another lie. I know where I belong. I have boundaries. I'm just her special friend, though I treated her more special than the rest of the girls I've known. She's not off-limits but she set an invisible wall between us. She's available but she reserved herself into just one man, her first love. Where do I have to stand? Yes, I can offer more but what can do if she's not willing to accept any of my efforts aside from friendship?

"Nasa'n tayo?"

"Iuuwi na kita. Nakatulog ka sa opisina ni Tito Loren." I wanted to ask her what happened but I held all my questions. This isn't the right time to throw it.

"Ayoko umuwi." Tumingin siya sa bintana. "Take me anywhere. Huwag lang sa bahay."

Tinitigan ko siya nang matagal bago napabuntong hininga. "Okay. In my unit?"

Nang tumango siya ay pinaandar ko ulit ang kotse. The air is filled with silence. Walang nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami ng building.

"Are you hungry? The offer for our supposed-to-be-dinner-night still stands." Ngumiti ako.

Ngumiti siya pabalik. "Pwedeng mag-take out na lang tayo?"

"Sure." Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto sa kabila.

"Thank you." Nang bumaba siya ay parang wala siyang lakas. Inalalayan ko siya sa likod.

"You okay?"

Tumango siya at pilit na ngumiti. "I'm fine."

Obviously, she's not. How stupid of me to ask the obvious. Aside from that, she's starting to deny what's evident. Again. Nababahala ako sa sitwasyon.

Dumaan muna kami sa restaurant na nasa ground floor bago kami umakyat sa taas. Tahimik pa rin siya at nakatulala sa harap namin. Napapikit ako. This is one of the signs. Bumabalik na naman ba ang depression niya?

I cussed silently. I have to call her psychiatrist as soon as possible. Going back to Phil is never a good idea. She should've stayed in NZ. May pakiramdam akong sinadya ang pagpapapunta sa kanya rito sa Pilipinas. Hindi ko lang matukoy kung sino ang may pakana. If this is a plan, there's a little possibility left that Ren was the one who plotted this. Kahit pinapakita niyang wala siyang pakialam, nagagawa ko pa ring pagdudahan siya. Pwede ring si Tito Robi, since he offered Rhea to work here. Or maybe Tito Loren since he was the one who appointed Rhea to work on his institute. Their fathers might be playing cupid.

Pero paano kung hindi? What if it's pure coincidence? Mahirap paniwalaan pero paano kung wala talagang nagplano? I whisked the thoughts out of my head.

"Uhm, Coby." Nagsalita lang si Rhea nang nasa loob na kami ng unit.

"Yes?"

"Wala pala akong damit."

"Don't worry. Magpapadala na lang ako ng damit."

"Kanino?"

"Sa secretary ko."

"Gabi na, Coby."

"It's only quarter to seven, Rhea. Nasa office pa si Faith. Maaga lang talaga akong umalis."

"Ohh." Umupo siya sa couch at tinanggal ang kanyang sapatos. Kinuha ko naman ang phone ko para tawagan ang secretary ko. "My feet hurts."

Tumabi ako kay Rhea. "Stilettos are not practical shoes. You can't even run with this." Kinuha ko ang isang sapatos niya at sinipat. "And it looks deadly. Why are you so fond of this style anyway?"

"I used to call it deadly weapon before." She chuckled. That laugh took all my unnecessary feelings away. I smiled in relief. "But I got used to it. Who says I can't run wearing heels?"

Tumaas ang gilid ng aking labi. "Can you?"

Tumango siya at tumawa. "Saan mo nga pala pakukuhanin si Faith ng damit?"

"I almost forgot." Nag-dial ako ng number. Dalawang ring bago sumagot ang secretary ko.

"Sir?"

"Faith, are you still in the building?"

"Yes, Sir. Pauwi palang."

"Can you please go to the nearest mall and buy some clothes for Rhea? Any nightwear and two casual. Small sizes lahat. Uhm, and underwear." Pinalo ni Rhea ang braso ko at natawa ako. "Use my debit card. Pakidala na rin rito sa unit ko ngayong gabi rin."

"Sige po, Sir."

"Thank you, Faith." Nang lingunin ko si Rhea ay masama ang tingin niya sa akin. Natawa ulit ako. "What?"

"What? Nakakahiya kay Faith."

"It's her job."

"Kainis ka. Ang bossy mo sa mga empleyado mo. Bigyan mo nga sila ng increase." Napailing si Rhea.

"You mad?"

"Nah." Inalis niya sa pagkakabun ang mahaba niyang buhok. Bahagyang kumulot 'yon sa matagal na pagkakatali. "Sorry nga pala kung hindi natuloy ang dinner natin."

I shrugged my shoulders. "It's fine, Rhea. I'm still with you anyway."

"I'm glad you're here." Napalingon ako sa sagot niya. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi umabot 'yon sa kanyang mga mata.

"I'm always here." Bulong ko sabay sandal sa sofa. "Do you have something to tell me?"

"Marami." Tumawa siya nang walang kabuhay-buhay. "Hindi ko nga alam kung ano ang uunahin ko." Huminga siya nang malalim. "Pakiramdam ko ang gulo-gulo ng buhay ko. I don't know what to do anymore."

Silence came. Wala rin akong masabi pabalik. Walang ibang maririnig kundi ang paghinga naming dalawa hanggang sa ipalo niya sa akin ang throw pillow.

"Kumain nga muna tayo. Gutom na ako." Tumayo siya at sumunod ako.

Nag-uusap naman kami habang kumakain pero maliliit na bagay lang. Walang kinalaman sa mga nangyari kanina. Hindi ko pa rin siya nagagawang tanungin tungkol ro'n. I want her to open it up. Yung hindi sa akin manggagaling ang tanong. Ayokong pwersahin siya. Gusto ko man malaman ang buong detalye, mas gusto kong kusa niyang ilabas ang hinaing niya tungkol kay Ren. I'm willing to listen. Kahit pa umabot kami ng umaga sa pag-uusap, I won't mind.

Nang matapos kaming kumain ay saka dumating si Faith dala ang paper bags na naglalaman ng mga damit. Pinapasok ito ni Rhea sa unit habang nagtatanggal ako ng polo sa kwarto.

"Thank you, Faith. Kumain ka na ba?" Rinig kong tanong ni Rhea.

"Hindi pa po pero pauwi naman na po ako kaya okay lang."

"Pasensya na. Naistorbo ka pa ng boss mo."

Natawa ang secretary ko. "Trabaho ko naman po 'yon, Miss Rhea."

"Rhea na lang. Di bale, nasabihan ko na siya na bigyan ka niya ng increase."

Napailing ako at do'n naisipang lumabas.  "Miss Taylan, you can go now."

Nanlaki ang mata ng secretary ko at namula ng todo ang mukha. Sinamaan naman ako ng tingin ni Rhea. Natatarantang nagpaalam si Faith. "S-sige po, Sir. Miss Rhea, u-una na po ako."

Tango lang ang tugon ni Rhea dahil nagmamadaling lumabas si Faith. Nang lingunin niya ako ay napailing siya. "Ba't ka kasi lumabas na walang suot na pantaas? Naghyperventilate ata ang secretary mo. Lumabas tuloy agad. And you're rude. Mamaya mawalan ka na naman ng secretary."

Sabi niya sabay sipat ng mga damit sa paper bag. Tumungo naman ako sa kanya. "I'm not rude, Rhea. Some of my previous secretaries are simply unprofessional, so I fired them."

"Because you're too handsome and hot, so they can't help but fall in love with you." Balewala niyang sagot. "Can't blame them, though."

"Purely physical." Napapailing kong sagot. "That's disgusting."

"Do'n naman nagsisimula 'yon, di ba? You admire someone because she's physically attractive."

"Not all the time." Tinungo ko ang mini ref at tinignan ang laman no'n. "Want some drinks?"

"May wine ka?"

"Gusto mo malasing?" Natatawa kong tanong. "That's a bad idea. Tayong dalawa lang ang nandito. I'm a guy at pag nalasing tayong dalawa-"

"I trust you." Kinuha niya ang ilang damit sa paper bag at tinungo ang banyo. "I'm gonna take a shower. Pahiram ng towel, ah?"

Tumango ako. Ngayon lang siya napunta rito sa unit ko pero komportable na agad ang pakiramdam ko. Normal na lang. Hindi nakakailang. I bet she also feels the same way. I want to us to stay like this but in a whole new level. Kung pwede lang talagang lumagpas sa linya ng pagkakaibigan.

Nagbihis ako ng sando at boxer shorts. Binuksan ko ang tv at nilapag sa table ang wine at chips. Ngayon ko lang siya makakasama sa isang overnight na kaming dalawa lang. Dito na lang siguro ako sa couch at do'n siya sa kama mamaya.

Nang lumabas siya ng banyo ay nakabihis na siya ng pajama. Umupo siya sa tabi ko habang pinupunasan ang buhok niya. Halata pa rin ang pamamaga ng kanyang mata. She cried too much, I think. Napabuntong hininga ako. I have to control my anger towards Ren. Baka mapagbuntunan ko pa si Rhea.

"Bakit ayaw mo umuwi?"

Kinuha niya ang chips at binuksan 'yon. "Hindi ko matatago kina Papa ang sitwasyon ko."

"Sa akin rin naman." Inabot ko ang wine at nilagyan ang dalawang shot glass.

"At least, you understand. I don't have to explain further." Sagot niya at kinuha ang isang shot glass. Inisang lagok niya lang 'yon kasabay ng pagngiwi.

"Masyado ka atang sinanay ni Shinn sa alak."

"Nah." Huminga siya nang malalim. "Marunong na akong uminom. Hindi lang talaga madalas. Shinn is wild. What do you expect from that guy? Sana nga hindi na siya pumunta rito."

"You don't wanna see him?"

"I don't have a spare time to entertain him. Marami akong trabaho."

"Working under the Delgados is unfavorable to you. You should go back to NZ and turn the whole project down." Sabi ko habang sinisimsim ang alak.

"Now, that's unprofessional."

"Professionalism be damned. Ano na lang ang mangyayari sayo pag natapos ang project na 'yan?"

"E di tapos." Nilapag niya ang shot glass. "Wala naman akong magagawa. Kakapasa ko lang ng kontrata kanina. I can't turn down the project. Nakalimutan mo atang abogado si Tito Loren."

"But they can't trap you in that project." Frustrated kong sabi.

"Hayaan na." Sumandal siya sa sofa. "Hindi pa nga ako nakakabawi sa mga nangyari kanina, idadagdag pa natin 'yan." Nilingon niya ako. "Paano ako napunta sa sasakyan mo?"

"I called you. Susunduin na sana kita for dinner. Iba ang sumagot ng phone mo." Nilingon ko siya at nakita kong natigilan siya. "You're with Ren. Nag-usap kayo?"

"Ibinigay ko lang yung kontrata sa kanya." Napatitig siya sa kamay niyang may benda.

"What happened to your hand?"

"Naputol ko yung binder." Kinagat niya ang kanyang labi. "Siya yung gumamot sa kamay ko."

Ako naman ang natigilan. So, he still cares? A little effort that defines what he truly feels for his ex. Pero sapat na ba 'yon? Wala pa 'yon sa kalahati ng atraso niya. He can fix the wounds outside. What about Rhea's trauma?

"Hindi pa rin siya nagbabago." Sabi niya paglipas ng ilang sandali.

"Nagbago siya, Rhea. Don't be blind."

Umiling si Rhea. "No. Siya pa rin si Ren." Niyakap niya ang kanyang tuhod. "Ang pinagkaiba lang, nakuntento siya nang wala ako. Na wala yung mga taong dating dinidependehan niya. He found a new nature sa katauhan ng iba."

"And that's fine with you?" Tanong ko habang tutok na tutok ang mga mata sa TV kahit hindi ko naiintindihan ang palabas.

"Masakit pala." Huminga ulit siya nang malalim. "Masakit pala yung pakiramdam na pinamimigay ka sa iba."

Napalingon ulit ako sa kanya. Hindi siya umiiyak pero wala akong makitang emosyon sa kanyang mukha. Gustong magpanik ng sistema ko. Mas magandang umiiyak siya para nailalabas niya ng paunti-unti ang sama ng loob. Hindi yung ganito.

"Nagawa ko 'yon sa kanya dati. Yung time na pinapauwi ko siya. Ang sabi ko bumalik na lang siya kay Georgia at magsama silang dalawa. I didn't mean it. Siguro dala lang ng pinagsama-samang selos, insecurity, galit at sama ng loob. Pinagtatabuyan ko siya at halos ipamigay ko na sa iba kasi sirang-sira na siya sa akin, eh." Mahina siyang tumawa nang walang kabuhay-buhay.

"Alam mo ba kung ano ang sabi niya sa akin kanina? Si Georgia na yung priority niya. Mahahanap ko rin daw yung akin." Mapait siyang ngumiti. "Coby, tanggap na niya."

"Rhea. . ."

"Nakakainis siya, Coby." Pumikit siya ng mariin. Sa pagpikit niya, do'n nalaglag ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. "I was expecting him to condemn but he didn't. Okay lang daw na mapunta sa kanya lahat ng sisi. Hindi niya dinipensahan ang sarili niya. He. . .moved on. Totally moved on from our break-up."

"That means you have to move on, too." Kinuha ko ang kamay niya. "Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin 'to pero hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Don't ruin your life. Don't waste your time waiting for someone who already moved on from you."

"Believe me, Coby. I want to." Sinubsob niya ang kanyang mukha sa kanyang tuhod. "Pero sising-sisi talaga ako na pinakawalan ko siya. I was once his priority. Alone. Hindi ko matanggap na may iba na sya ngayon. Naiinsecure ako kay Georgia. Naiingit ako sa kung anong meron sila. Kasi dapat kaming dalawa ni Ren 'yon. Ba't siya lang yung masaya? Bakit ako naiwang ganito?"

I hate to hear these from Rhea. Kulang na lang ay takpan ko ang tainga ko dahil hindi ko matanggap na naiinsecure siya sa iba. Damn Ren for making her feel this way. God, she was the most amazing girl that I knew. Along with her flaws, insecurities and all. Her imperfections made her stand out. Hindi dapat siya mainsecure sa iba.

Lumapit ako sa kanya at inangat ang kanyang mukha. I'm tired of seeing her cry. I'm tired of hearing her sobs. Para akong pinapatay. Paulit-ulit. Nakakasawa pero heto siya, nagtitiis pa rin. Pinunasan ko ang luha niya.

"Masyado mong minahal si Ren. Nakalimutan mong mahalin ang sarili mo."

Umiling siya. "No, Coby. He was the one who taught me how to love myself. Masyado kong minahal yung sarili ko nung nag-away kami. Nakalimutan ko lahat ng nagawa niya para sa akin. Ngayon lang bumabalik kasi ngayon lang ako natauhan. I'm losing him, Coby. That means I'm losing myself. I'm losing it all."

Hinapit ko siya. No. This can't be happening. I won't let her self-destroy. I don't care if I'll get wounded after this. Gusto ko siyang iahon. I won't let her drown in misery. I'll find a way, even if it kills me.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Basang-basa ng luha ang kanyang mukha. "You still have the other option, Rhea. Don't concede. Fight."

"I don't have enough strength to fight." Mahina niyang sagot na tila sukong-suko na sa mga nangyayari.

Umiling ako. "Then, I'll do it for you. Just let me, Rhea. Just let me."

My lips touch down on hers. Consequence are immaterial at this moment. I won't think about it unless Rhea stopped me. As I felt her lips move, kissing me back, I lose all my control. I know I won't be able to quit what I've started.

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 208 13
Hindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, w...
1.1K 58 10
Louiscito Pedrico Borromeo III... Loui for cute. A one of a heck babaero. Abusado sa kagwapuhang taglay. But ironic as he is, hopeless romantic iyan...
868 80 41
In a collision of worlds, Callie's nine-year crush unsettles Kaja's studious life as an aspiring doctor. Despite Kaja's initial resistance due to pas...
55M 775K 57
She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books while he'd be in the crowd, playing for...