First Fall of Snow

By Chencheniah

44 2 0

December... A month when everyone wanted to feel the coldness of winter and witness the beauty of snow. But t... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1 - Glad To Meet You!
CHAPTER 2 - Thank You, Pads!
CHAPTER 3 - Finally Hold Your Hand!
CHAPTER 4 - Getting Closer!
CHAPTER 5 - Friend?!
CHAPTER 6 - Meet his friend
CHAPTER 7 - Back To Strangers?
CHAPTER 8 - My Own Doctor
CHAPTER 10 - Hide and Seek
CHAPTER 11 - Big Brother
CHAPTER 12 - Christmas!
CHAPTER 13 - Official Savior
CHAPTER 14 - Turned-Off
CHAPTER 15 - Back To School

CHAPTER 9 - Savior!

1 0 0
By Chencheniah

CHAPTER 9

SNOW'S POV

Wala nang paglalagyan ang excitement na nararamdaman ko. Finally, Year End Party na namin. Nalilito na nga ako kung anong susuotin ko. Dapat daw kasi may white and red ang isusuot namin. It's either dress, shirts, skirts, jeans, o kahit ano raw basta komportable kang suotin iyon. Basta huwag lang daw iyong masyadong revealing to the point na pwede ka nang bastusin.

Napili ko itong red long maxi fitted sleeveless strappy dress with slit na hanggang gitna ng hita. Soft and comfortable siya at talagang party dress ang dating. Nagsuot rin ako ng 7cm rhinestone strappy white high-heeled and open-toed fairy sandal. Then with party bridal midnight florence clutch hand bag. Syempre, hindi rin papahuli itong silver white luxury shining inlaid long tassel earrings ko and itong shiny butterfly tassel romantic necklace na sobrang nipis na bigay sa akin ni Daddy noong 18 birthday ko.

Sa make-up, hindi rin ako masyadong naglagay ng mga kung anu-ano sa mukha ko. Inilungay ko lang rin ang hanggang baiwang na wavy hair ko. Ginamitan ko lang ng hair spray para hindi bubuhaghag mamaya. Simple lang naman pero iyong may powers na makahatak ng atensyon sa kung sino man. Kumbaga, head turner ang target natin for today's ganap.

"Snow?" rinig kong tawag sa akin ni Mommy at sinabayan pa ng katok sa pinto.

"Yes po?" sagot ko rin habang tinitingnan ang kabuoan ko sa salamin.

"Nandito na si Nick. Escort mo raw siya. Sinusundo ka na," sabi ni Mommy at napatigil naman ako sa kakaikot. Escort? Wala namang ina-announce kahapon na may escort dapat kami, ah?

"O-Opo," nauutal na sagot ko na lang saka kinuha ang hand bag ko. Muli ko pang tiningnan muli ang sarili ko at in fairness ang ganda! Charz!

Habang pababa ako ay talagang nakangiti na si Mommy sa akin habang nakaupo sa sofa. At ito namang si Nicky ay mukhang tangang nakatitig lang habang nakatayo. Escort daw pero hindi man lang ako inilalayan rito sa hagdan. Mataas pa naman itong heels ko.

"You're so gorgeous," wika ni Nicky at taas-kilay ko naman siyang nginitian.

"Thank you," sabi ko at inilahad sa kanya ang kamay ko. "Escort kita 'di ba?" dugtong ko pa at nakangiti naman siyang tumango-tango saka hinawakan ang kamay ko at inilagay niya sa kanyang braso.

"Oh, Nick, ikaw na bahala sa anak ko ha?" sabi pa ni Mommy.

"Opo, tita. Makakaasa po kayo," confident pang sagot nitong si Nicky.

"Don't be too flirtatious with my sibling, okay? Just stick to holding hands. Don't go overboard," biglang sulpot ni kuya at Tiningnan pa ako ng masama. "Dapat before 10:00pm nandito ka na sa bahay. Kapag lumagpas-sa labas ka matutulog," dugtong pa niya saka pumunta sa itaas.

"Wala namang curfew si Mommy!" sigaw ko pa kaya napahinto siya saka lumingon sa amin.

"Si Mommy wala, pero ako mayroon." Iyon lang at dumiretso na siya. Inirapan ko pa siya kunwari nakikita niya.

Muli pa kaming nagpaalam kay Mommy at nag-kiss na rin ako bago kami umalis. Pinagbuksan pa ako ni Nicky ng pinto nitong kotse bago siya lumihis at pumasok na rin. Ang gwapo rin niya ngayon sa outfit niya. Naka-red t-shirt lang siya tapos tucked in with his white jeans. Simple lang siya pero bagay naman.

"Gwapo mo ngayon, ah?" compliment ko sa kanya at nakita ko namang napangiti siya.

"Araw-araw naman akong gwapo," aniya at sinabayan pa ng tawa.

Tumango-tango naman ako at pilit hindi matawa. "Oo nga pala," sabay ko na lang.

"By the way, kamusta na ang siko mo?" aniya at sumulyap pa sa akin.

Tiningnan ko pa ang kaliwang siko ko at nakita ko namang pagaling na siya. "Okay naman na. Maliit lang naman 'to kaya kaagad ring gumaling."

"Sorry ulit." Tumingin pa siya sa akin pero kaagad ding ibinalik ang paningin sa daan.

"Pang-ilang sorry mo na iyan?" Natatawa pa ko dahil kahapon pa siya sorry nang sorry.

Nagkwentuhan na lang kami habang malayo pa ang byahe. Sinabi rin niya sa akin ang tungkol sa 'escort' kuno. Sinabi lang niya iyon kay Mommy dahil baka ayaw raw pumayag na sumabay ako sa kanya. Natatakot rin siya kay kuya kaya iyon na lang daw naisipan niya.

Nang dumating kami sa venue ay talagang ang gaganda at ang gagwapo nila. Akala ko lang iyong maganda pero marami pala. Charing! Hinatid pa ako ni Nicky rito sa table namin at nakipagkamayan rin siya sa mga kaklase ko. Ang extrovert ng tao na 'to. Parang may planong tumakbo sa susunod na eleksyon.

"Babalikan kita rito mamaya," malakas na sabi pa niya dahil sa lakas ng tugtog. Tinanguan ko siya bilang sagot. "Bye, girls!" paalam pa niya sa mga kasama ko.

"Oy! Anong label na?" usisa pa ni Hannah. "Kaya pala ang ganda mo today kasi inspired!" pang-aasar pa niya.

"Magkaibigan lang kami!" sabi ko naman. Grabe, hindi na ako magugulat kung wala na akong boses bukas. Para na kaming nagsisigawan kapag nag-uusap kami.

"Bongga naman ng friend ko! Maganda na, may escort pa!" sigaw pa ni Trecia kaya napailing na lang ako. "Sana pala niyaya ko si Jerosh na maging escort ko." Parang nalungkot pa siya.

"Bakit naman ikaw ang mag-aya. Babae ka, kaya dapat siya iyong yumaya sa iyo!" seryosong sabi pa ni Rhena.

"Kaya nga," sang-ayon namin at napanguso na lang si Trecia.

Habang ini-enjoy ang party ay nagtitsismisan pa kami. Itong mga kasama ko naman, walang ibang tinatarget kung hindi ang mga taga-ibang department na lalaki. Iyong iba pinupuri nila, pero kadalasan nagmala-judge sila sa suot at mukha. Kesyo daw hindi bumagay. Tsk! Judgemental talaga!

Makalipas ang ilang oras, parang gusto nang magbawas ang katawan ko ng tubig. Kaya nagpaalam ako sa kanila at tinahak ang daan papunta sa restroom. Grabe, nakakapanindig balahibo itong mga nakikita ko sa mga sulok! Naghahalikan lang naman at hindi naman wild masyado pero grabe ang public!

"Ay tangek! Paano naging public, eh nasa sulok nga?" sabi ko na lang sa sarili ko.

Papasok na sana ako ng restroom nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako dahilan para mapaharap ako sa kanya. Hindi ko siya kilala at amoy alak pa. Paano siya nakainom ng alak, eh bawal naman?

"Gusto mo rin bang gawin iyong ginawa nila?" aniya at hinaplos pa ang pisngi ko. Mas masama pa ay hinawakan niya ang baiwang ko at pinisil dahilan para mapaigtad ako. "I can do whatever you want tonight, baby." Akma na sana niya akong halikan nang buong lakas ko siyang tinulak. Mabuti na lang at napagtagumpayan ko kaya tatakbo na sana ako nang mahawakan niya ang aking buhok. "Hindi pa nga tayo nagsisimula-aalis ka na?"

"Aray! Bitiwan mo ang buhok ko! Tulong!" matinding sigaw ko pero patuloy niya lang akong hinihila. Sisigaw pa sana ulit ako nang bigla siyang natumba at nabitiwan ang aking buhok.

"F*ck you!" rinig ko sa boses ng isang lalaki sa isang sulok at batid kong siya ang sumuntok sa lalaking nambastos sa akin. Hindi ko siya masyadong nakikita dahil sa dilim. At ramdam ko rin ang panginginig ng katawan ko kahit iyong ihi ko ay tila nawala.

"Take it easy, bro. Sa iyo na iyan," wika pa ng lalaki saka umalis.

Napasapo na lang ako sa noo ko at habol ko pa rin ang aking hininga. Tila ba'y nawala ako sa pag-iisip at hindi ko na alam kung anong gagawin. Pakiramdam ko, babalikan ako ng lalaking iyon. Natatakot na akong bumalik sa loob dahil baka nandoon siya pero nanatakot rin akong manatili rito dahil baka bumalik siya. Hindi ko na alam!

"Hey," biglang tawag sa akin ng lalaking kanina pa nakatayo sa dilim. Akala ko rin kasi umalis na siya matapos niyang suntukin iyong bastos na lalaki.

"H-Huwag kang lalapit," nanginginig na sabi ko nang mapansin kong gumalaw siya at parang lalapit pa rito sa akin. Nanginginig ang mga tuhod kong humakbang patalikod. Dahil sa panginginig ay hindi ko na masyadong mabalanse ang paghakbang ko kaya ako natapilok. "Huwag po, please!" Hindi ko na mapigilan pa ang paghikbi at pumipikit na lang ako dahil hindi ko na kaya pang ipaglaban ang sarili ko.

"Snow," sambit ng lalaki kaya napaangat ako ng tingin at mas nagsiunahang lumabas ang mga luha ko nang malamang si Dustin pala ito. "Sshh... Nandito na 'ko. It's all right, okay? Tahan na," aniya at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapayakap sa kanya.

Hindi na ako nahihiya pang humagulhol at hinayaan niya lang ako hanggang sa wala nang luhang mailabas ang mga mata ko. Kumalas ako sa yakap at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Presko pa rin sa isip ko ang nangyari at kahit tumingin ako sa pwesto kung saan ako hinatak ay tatayo ang mga balahibo ko.

"I'll take you home," sabi pa niya at napatingin naman ako sa kanya nang hubarin niya ang kanyang coat at inilagay ito sa likod ko. Inayos pa niya ito para matabunan ang balikat ko. Pati hibla ng buhok ko na humarang sa mukha ko ay inayos niya rin. "Let's go?"

Bumuntong-hininga pa ako saka muling umangat sa kanya ng tingin. "Si Nicky kasi iyong maghahatid sa 'kin," sabi ko at hindi man lang niya ako sinagot. Tinititigan niya lang ako pero kaagad ding nag-iwas.

"Okay, I'll accompany you to Nick." Tumayo pa siya at inilahad sa akin ang kamay niya. Tinanggap ko naman ito at inilalayan niya akong makatayo.

Medyo nahihirapan pa akong maglakad dahil sa sakit ng paa kong natapilok kanina. Minsan pa niya akong tiningnan pero sinabi ko lang na okay ako. Hindi na rin kami dumaan doon sa madilim na parte at dito na lang kami sa kabila papunta sa mesa nila. Pero nang paliko na kami ay eksaktong tumambad sa amin hindi ko inaasahang makita.
Nakatitig lang ako kay Nicky habang may kahalikang babae. Hindi ako nagsalita o gumalaw man lang. Hanggang sa humarang sa akin si Dustin at tanging likod na lang niya ang nakikita ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba itong harangan ako o ano.

"B-Bro?" rinig kong sambit ni Nicky.

"I'm going home now, Nick. I'll also take Snow home. Don't worry, she's safe with me." Iyon lang at marahan na akong hinila ni Dustin palabas nitong venue.

Hindi na rin ako umalma pa nang makarating kami rito sa tapat ng sasakyan niya't pinagbuksan ako. Habang nasa byahe ay wala kahit isa sa amin ang umimik. Nasa bintana lang ang atensyon ko at siya naman ay sa pagmamaneho. Hanggang sa makarating kami ng bahay ay wala pa ring nagsalita.

Bumuntong-hininga ako saka lumingon sa kanya nang huminto ang kotse. "Salamat," sinserong sabi ko at tumingin naman siya sa akin.

"Are you okay?" aniya at tumango naman ako saka pilit na ngumiti. "You're not," dugtong pa niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil alam kung alam niyang hindi ako okay. Paniguradong nababasa niya ang emosyon ko. "Here." Napatingin naman ako sa kanya at gustong itanong kung para ano itong card na inabot niya. "Just in case you need someone to talk to. You can call this number. I'm open kahit anong oras."

"Thank you," sabi ko saka tinanggap ito. "Ingat ka," dugtong ko pa at tumango naman siya.

Bumaba na ako at hindi ko na siya hinintay pang umalis. Diretso akong pumasok ng bahay at si kuya lang ang nadatnan ko rito sa sala. Nagco-computer siya at siguro may ginagawa. Tiningnan lang niya ako pero dumiretso lang ako papunta rito sa itaas at pumasok ng kwarto. Nag-text pa ako kay Trecia na nakauwi na ako para hindi siya mag-alala. Pagkatapos, hindi ko naman alam ang gagawin. Parang nawalan ako ng lakas at pati pag-iisip. Ang daming nangyari!

Continue Reading

You'll Also Like

3M 195K 89
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
4M 195K 101
โœ… "We always long for the forbidden things." ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐จ๐ฉ๐ข๐š๐ง ๐ง๐จ๐ฏ๐ž๐ฅ โ†ฏ โš”๏ธŽ ส™แดแดแด‹ แดษดแด‡ แด€ษดแด… แด›แดกแด แด„แดแดส™ษชษดแด‡แด… โš”๏ธŽ ...
1.8M 115K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. ๐Ÿ”ฅ** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
3.9M 158K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...