Crush Me Not (WSS #2) | ✓

By gwynchanha

81.5K 2K 154

STATUS: COMPLETE [Wrong Send Series #2] An Epistolary. "Ay sorry, napindot. I didn't mean to like you, hehe."... More

XX
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
WSS

Epilogue

367 14 16
By gwynchanha

Epilogue.

“PARA MAKUHA ang binary value ng sum ng 'a' at 'b', ganito lang ang gawin n'yo. Punta kayo rito... type "bin", open parentheses...”

Nagdi-discuss sa sarapan ang instructor namin tungkol sa kung paano makuha ang binary ng decimals gamit ang binary operations. Nakatingin ako sa harap, pero ang utak ko, wala sa discussion.

Kagat-kagat ko ang kuko ko sa hintuturo, habang mga tuhod naman ay hindi makalma. Kanina ko pa gustong umalis, pero hindi ako pwedeng umalis na lang basta-basta.

Kahapon, sinabi sa 'kin ni Glenn na aalis na sila papuntang Canada, sasama na sa papa nila at doon na rin titira. By next week na raw ang alis nila, hinihintay na lang ang schedule ng flight.

Hindi ko alam kung susugod ba ako sa airport, o babalik ako mamaya sa bahay nila para kausapin si Flynn. Hindi niya pa rin sinasagot ang mga chats at calls ko. Si Cyd naman, parang ewan ayaw rin magsabi sa 'kin. Walang utang na loob, kung hindi sa 'kin hindi magiging sila ni Ember, 'no!

Napapikit na lang ako at napabuga ng hangin. Napansin ni Ember ang ginawa ko, kaya nag-angat siya ng kilay sa 'kin. Inirapan ko lang siya at bahagyang tinulak ang mukha niya paharap sa instructor.

“Anong nangyayari sa 'yo, 'te?” tanong kaagad ni Ember noong natapos na ang klase namin. “Kagabi ka pang ganiyan, ah. Natutuwa nga akong pumapasok ka na ulit, pero parang wala pa rin naman dito ang utak mo.”

“Baka iniisip na naman ang "ex" niya,” singit naman ni Leanne na papalapit na sa upuan namin. Napabaling naman kaagad ako ng tingin sa kaniya kaya inangatan niya ako ng kilay. “Ano? Ikaw mismo nagsabi na hiwalay na kayo, so ex mo na nga siya.”

Mabilis namang tinampal ni Fely ang braso niya kaya nanahimik na siya. Ako naman ay napabuga ng hangin sabay yuko.

“Ano nga next class natin?” tanong ko.

“Hmm... Principles of 2D, mamayang 3PM pa,” sagot ni Ember sabay tingin sa oras sa cellphone niya kaya sumilip na rin ako. Our next class is 30 minutes from now.

Tumango ako. “Gaano katagal ba ang byahe papuntang... papuntang airport?”

Inangatan kaagad ako ng kilay ni Ember sa malisyosang paraan. “Dipende sa masasakyan mo. Kung traysikel lang, baka matagalan ka pa kas maghihintay pang mapuno. 'Tapos hindi ka pa niyan idederetso talaga sa entrance ng airport, lalakarin mo pa. Kung taxi naman, mas mabilis pero mahal.”

Nakagat ko na lang ang ibabang labi sabay napatango.

“Bakit? Anong gagawin mo sa airport?” tanong ni Leanne. “Ihahatid mo ba pauwi ang papa mo?”

Isinandal ko na lang ang noo sa monitor na nasa tapat ko. Nasa bag ko pa rin ang cookies. Pupuntahan ko ba siya sa airport? O hindi? Magcha-chat ba ako ulit kay Glenn at itatanong kung anong oras flight nila para makahabol ako at makita man lang si Flynn bago siya tuluyang umalis.

Napalunok ako. Kapag iniisip ko na iiwan na talaga ani ni Flynn, sumisikip ang dibdib ko. Ang tanga ko rin kasi, ayaw kong mawala 'yong tao pero gumagawa ako ng rason para mapuno at mapagod sa 'kin.

“Aalis na siya...” wala sa sariling bulong ko habang nag-iisip.

“Sinong aalis?” tanong ni Fely. “Tatay mo ba? Hindi naman kayo close para maging ganiyan ka kalungkot.”

“Baka si Flynn aalis,” pabirong sabi ni Leanne sabay tawa kaya natampal na naman ni Fely ang braso niya.

“Oo,” maagap na sagot ko, dahilan para mapatigil sila. Nag-angat ako ng tingin sa kanila. “Aalis na siya. Sabi ni Glenn, pupunta na raw silang Canada at doon na titira kasama ang papa nila.”

Sabay-sabay silang napasinghap at namilog ang mga mata.

Napahawak si Fely sa bibig niya. “Hala, so walang comeback na magaganap kasi magma-migrate na pala.”

Nakagat na lang ni Leanne ang labi para hindi na magsabi ng kung anong magiging dahilan para tamapalin siya ulit ni Fely.

“Ha? True ba 'yan?” ani Ember. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kaniya. “Sabi mo, si Glenn may sabi. True ba 'yan? Baka ginagago ka lang no'n, ah?”

Tumango ako. “Sinendan niya ako ng picture ng passport nila. Aalis na talaga sila, naghihintay na lang ng schedule ng flight nila.”

“Edi ano pang hinihintay natin dito?” sa wakas ay nagsalita na si Leanne. “Hindi ba dapat susugod tayo sa airport o kaya sa bahay nila para pigilan siyang umalis or something?”

I clicked my tongue. “Huwag na nga.”

Napasimangot si Leanne. “'Yan! Ganiyan ka! Hindi ka nage-effort man lang kahit gusto mo! Mas pinapairal mo kasi ang takot palagi! Malay mo, hinihintay ka lang din niyang sumipot para makita ka niya before siya aalis?”

Napatitig ako sa kaniya. “Nagkapalit ba kayo ng kaluluwa ni Ember ngayon? Ingay mo naman—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palabas ng classroom. Napaawang na lang ang mga labi ko. Sumunod naman kaagad sa amin sina Ember.

“May less than thirty minute pa tayo bago magsimula ang susunod na klase...” bulong niya sabay tingin sa likuran namin, “Ember! Pinapahiram ka naman ni Cyd ng kotse niya, 'di ba?”

“O-Oo!” sagot kaagad ni Ember. “Pero hindi ako marunong mag-drive ng kotse at wala akong lisensya—”

“Pwes, ako meron!”

Napakurap na lang ako at napasinghap. “Don't tell me... Ida-drive mo ako papuntang airport?!”

“Ano pa ba? Sawa na ako sa mukha mong mukhang ewan. Mas sanay ako sa Cyndy na mukhang nang-aasar ang mukha palagi.”

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaksyon sa sinabi niya.

Iginiya kami ni Ember papunta sa kung saan naka-park ang kotse na dala ni Cyd. Nakapagpaalam na si Ember kay Cyd, ang sinabi niya lang ay hihiramin dahil babalik kami kina Serenity para kunin ang cookies. Hindi naman ako mabait, pero parang hindi tama na nagsisinungaling kami kay Cyd.

Nagsipasok na kami sa kotse. Ako sa passenger's seat, sina Ember at Fely sa likod. Huling sumakay si Leanne at inabot naman ni Ember sa kaniya ang susi.

“Hoy, seryoso? Pupunta tayong airport?” tanong ni Fely. “Baka magsimula na ang klase.”

“Parang hindi pa kayo sanay mag-cutting,” ani Leanne at binuhay na ang makina ng kotse. “Mag-seatbelt kayo, aalis na tayo.”

“Hindi na--”

Sabay-sabay kaming nagtilian nang biglang apakan ni Leanne ang pedal at humarurot ang kotse paalis. Maraming lilikuan mula sa parking area at palabas ng gate ng campus, kaya kapit na kapit kami sa upuan namin dahil kung mag-drive itong si Leanne akala mo nasa Fast and Furious!

“Ano ba!” halos maiyak kong sabi habang nakakapit sa pinto. “Gusto mo ba kaming ihatid sa aiport o kay San Pedro!?”

“Wala na tayong oras!” aniya at bigla na namang lumiko kaya nagsitilian na na naman kami.

“Mauubos talaga ang oras namin dito sa mundo dahil sa 'yo, 'te!” umiiyak namang sabi ni Fely habang nakahawak sa backseat ng upuan niya at sa driver's seat. “Hindi ako handang i-trade ang buhay ko para sa love life ni Cyndy, please lang!”

“Please! Gusto ko pang ikasal kay Cyd at mag-honeymoon kami sa Maldives, at mag-aanak ng limang mini Cyd! Pangarap ko pang maging ninang ng mga anak n'yo na mamimigay ng ampao tuwing holidays!”

Nagdadasal yata kami buong byahe dahil hindi talaga kami pinapakinggan ni Leanne. Akala ko sa airport niya kami dadalhin, pero nagtaka ako nang sa tapat ng bahay nina Flynn niya kami hininto.

“Flynn!” sigaw agad ni Leanne pagkababa niya ng kotse at saka tumakbo papuntang gate. “Flynn! Glenn! Nandiyan ba kayo? Tao po!”

“Mag-doorbell kayo!” sigaw ni Ember at saka nilabas ang ulo sa bintana.

“Walang doorbell, 'te!”

“Edi kalampagin mo ang gate!”

At kinalampag nga ni Leanne ang gate habang sumisigaw. Nabulabog na pati ang mga kapitbahay kaya pinagtatahol na kami ng mga aso.

Napabuga ako ng hangin at saka bumaba ng kotse. “Leanne, tama na 'yan. Nakaalis na yata sila.”

“Mga ineng, ang iingay n'yo,” sabi ng matandang kalalabas lang muna sa katabing bahay. “Kung hinahanap n'yo ang mga nakatira d'yan, umalis na sila kahapon pa.”

“May dala po bang mga bagahe?” tanong kaagad ni Ember.

Tumango ang matanda. “Oo, may mga maleta.”

“Sa airport na tayo! Bilis! Bilis!” ani Fely kaya mabilis na tumakbo pabalik ng kotse si Leanne.

“Hindi pwedeng umalis si Flynn nang hindi kayo nagkakaayos, Cyndy Ghaile!” determinadong sabi ni Leanne at pinaharurot niya na naman ang kotse paalis.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kung kanina nagdadalawang-isip pa ako at pinlano pang hayaan na kang umalis si Flynn, ngayon nalaman kong totoong aalis na nga siya, mas gusto ko nang puntahan siya at kahit mag-sorry na lang ako sa personal.

Tama si Leanne. Hindi pwedeng aalis ang leche na 'yon nang hindi ko man lang nakakausap.

Pakiramdam ko ang bagal ng oras at mas mabagal ang pagpapatakbo ni Leanne. Baka hindi na namin maabutan sina Flynn sa airport, mamumuhay talaga akong may pagsisisi hanggang kamatayan.

Kaya naman noong nakarating na kami sa airport, pinababa nila kaagad ako dahil gusto nilang maabutan ko si Flynn, habang sila ay maghahanap pa ng pwedeng parking-an.

Mabilis ang takbo ko papasok ng airport, pero nahinto kaagad ako nang makitang ang daming tao. Hindi ako matangkad, kaya baka mas lalong hindi ko kaagad mahanap si Flynn.

Pero hindi ako susuko. Hahanapin ko siya.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Halos mahilo na ako kakaikot habang tumatakbo. May nababangga pa ako. Napunta na ako sa may departure area, pero wala sila ro'n. Bumalik sa pinanggalingan dahil baka nakaligtaan ko lang, pero wala pa rin.

Hinihingal ako nang huminto ako sa tapat ng board at tumingala para tingnan ang lahat ng flight schedules ngayong araw. Isa-isa kong binasa ang bawat nakasulat doon.

At noong nakita kong lahat ng flight papuntang Canada ay nakaalis na, bumagsak ang balikat ko at parang nanghina ang mga tuhod ko. Naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

Nakaalis na siya.

Napapikit ako at napaupo na lang sa sahig, sapo-sapo ang mukha, at nagsimulang humikbi. Pakiramdam ko ay dinurog ang puso ko nang ilang piraso, at ang taong tanging makakabuo lang nito ulit, ay nakaalis na. Iniwan na nga niya talaga ako.

“Cyndy?”

Natigilan ako at napasinghap nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Kaagad akong tumayo at pumihit paharap sa nagsalita.

Parang tumigil ang mundo nang makita ko si Flynn na nakatayo sa harap ko, nakasuot ng denim na jacket at itim na pants, at parehong gulat at nagtataka na nakatingin sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko, pero iba na ang dahilan.

“Anong ginagawa mo dito? At... bakit ka umiiyak--”

Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil inisang hakbang ko ang pagitan namin, at saka pinulupot ang mga braso ko sa bewang na, mahigpit na mahigpit.

Suminghap siya. “C-Cyndy, hindi ako--”

“I'm sorry!” sabi ko kaagad, nanginginig pa ang boses. “I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry...” paulit-ulit kong sabi.

“Okay, gets, pero--”

“I'm sorry dahil mas pinairal ko ang emosyon kasya pakinggan ang paliwanag mo. I'm sorry dahil hindi ko man lang iniisip na may problema ka. I'm sorry dahil ang selfish ko. I'm sorry dahil parang wala akong tiwala sa 'yo. I'm sorry dahil iniisip kong baka hindi mo naman pala ako mahal. I'm sorry dahil pinuno kita. I'm sorry dahil... dahil nasaktan kita...”

Pareho na kaming natahimik. Pinapakinggan niya lang akong magsalita at umiyak.

“M-Maiintindihan ko kung... kung ayaw mo akong patawarin...”

He sighed. “Cyndy...”

His voice was soft when he called my name, and I felt like something inside me felt at ease after hearing him call my name after a long time. Na-miss kong marinig ang pangalan kong lumabas sa bibig niya.

“Pero... gusto ko lang mag-sorry sa 'yo. Hindi ko alam kung kailan ka pa babalik ng Pilipinas, kaya mas mabuting masabi ko na sa 'yo ang lahat kaysa magsisi ako. Flynn, I'm so sorry. Kung bibigyan mo ako ng chance--”

“Wait, wait...” aniya at saka ako bahagyang tinulak papalayo. “Anong sabi mo?”

“S-Sabi ko, kung bibigyan mo ako ng c-chance--” humihikbi pa ako habang nagsasalita at pinupunasan ang mukhang nabasa ng luha.

He sighed at natigilan ako nang inalis niya sa mukha ko ang mga kamay ko, at siya na mismo ang pumahid sa mukha ko gamit ang likod ng palad niya. Pinipiga pa lalo ng guilt ang puso ko habang tinitingnan siya, dahil kahit sinaktan ko na siya, mabait at caring pa rin siya sa 'kin.

“Ano ba 'yan, sabi ko hindi kita papaiyakin eh, pero umiiyak ka naman dahil sa 'kin,” aniya habang pinupunasan ang mukha ko.

Nakagat ko ang ibabang labi. “I'm sorry.”

Sumimangot siya. “Stop. Banned na muna ang mga salitang 'yan ngayong araw.”

“I'm--”

“Ssh!” Inipit niya ang mukha ko, dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita niya. “Banned na nga, eh. Kulit mo naman, Loml.”

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko nang marinig kong tawagin niya ako sa call sign na 'yon. Lom-muhl. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang epekto sa 'kin ng jejemon na call sign na 'to.

Tumawa siya. “Tama na kakaiyak, baka isipin ng mga tao na inaano kita dito, eh.” Marahan niya akong hinila papalapit sa kaniya, at saka niya ulit ako niyakap. “Pero bakit ka muna nandito sa airport?”

Suminghot ako. “Kasi sabi ni Glenn na aalis na raw kayo papuntang Canada. Doon na raw kayo titira, kasama ang Papa n'yo.” Yumakap ako sa bewang niya. “Please, pwedeng 'wag ka na lang umalis? Ayoko.”

Ilang segundo siyang natahimik kaya napaangat na ako ng tingin sa kaniya. Nakita kong ilang segundo siyang nagtataka, bago biglang tumawa at naihilamos ang palad sa mukha.

“Ampotang Glenn 'yon,” bulong niya kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

“Bakit?”

Yumuko siya at saka niya ulit kinulong ang mukha ko sa mga palad niya. Ngumisi siya. “Oo, Cyndy, hindi ako aalis. Hindi kita iiwan.”

“Talaga?

Tumango siya. “Oo. Kasi hindi naman ako aalis papuntang Canada.”

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “Huh? Pero ang sabi ni--”

Tumawa siya. “Naniwala ka naman. Nakalimutan mo na yatang magkapatid kami no'n. Hindi ako aalis papuntang Canada. Gawa-gawa ng kwento, ampota.”

Napaawang ang mga labi ko. I scoffed, at tinulak na ang sarili papalayo kay Flynn dahil pakiramdam ko nagmukha akong tangang umiyak dito sa aiport pero hindi naman pala totoong aalis siya.

“Loko naman pala siya, eh!” Napahawak na ako sa noo ko. “May sinend pa siya sa 'king passport, kaya naniwala ako! Bwiset!”

Tumawa siya. May dinukot siya mula sa bulsa niya. “Ito ba?”

'Yon ang passport na pinakita ni Glenn sa 'kin. “Oo!”

Binuklat niya ang passport, at napaawang na lang ang mga labi ko nang makita ang laman.

“Wedding... Invitation,” basa ko sa nakalagay ro'n.

Tumango siya. “Oo. Wedding invitation. Invited ako sa kasal ng highschool batch mate ko na isang piloto, kaya passport ang design ng wedding invitations nila.

“P-Pero sabi no'ng matandang kapitbahay n'yo umalis daw kayo na may dalang mga maleta at bagahe!”

Tumango ulit siya. “Oo, kasi hinatid namin si Mama kina lolo't lola sa probinsya dahil doon muna siya titira para iwas siya sa stress.”

“Eh anong ginagawa mo rin dito sa airport kung hindi naman pala kayo aalis?!”

“Kasi sinabi sa 'kin ni Cyd na ang GPS ng kotse niyang ginamit ninyo ay nandito sa airport, akala niya kung saan na kayo pupunta. At since malapit lang ako rito kasi pabalik na sana ako sa amin, sinabihan niya akong puntahan kayo rito.”

Mariin akong napapikit at pakiramdam ko sasabog ako sa galit. “Gagong Glenn 'yon, nasaan ba siya? Bigwasan ko siya, isa lang! Ginigigil niya ako, ah!”

Tumawa siya. “Kalimutan mo na ang panget na 'yon. Halika rito.” Hinila niya ulit ako papalapit at saka niyakap. “I'm sorry rin dahil imbes na intindihin kita, mas pinairal ko rin ang emosyon ko.”

“Pero may pinagdadaanan ka na mas mabigat kaysa sa 'kin.”

Tumango siya. “Hmm. Pero ako ang nagpumilit na pumasok sa buhay mo, kaya dapat lang na intindihin kita palagi.”

Napanguso ako. “Pero... hindi mo naman pinapansin ang mga chats ko, pati calls ko.”

Tumawa siya. “Sinubukan ko lang maging hard to get, baka sakaling bagay sa 'kin.”

Kinurot ko siya sa tagiliran at tumawa lang siya. “Loko ka pala, eh!”

“Pasensya na,” aniya. “Alam mo namang hindi talaga kita matitiis. Marupok ako pagdating sa 'yo, 'no.”

I clicked my tongue. “Nabubwiset na ulit ako sa 'yo.” Tinulak ko siya papalayo. “Ewan ko sa 'yo!”

Nagmartsa na ako paalis, at sumunod naman siya sa 'kin habang natatawa. Tinatawag niya ako, pero hindi ako lumilingon. Bahala siya d'yan! Habang nasasaktan at nagmumukmok pala ako kasi akala ko ayaw niya na talaga sa 'kin, nagbibiro lang pala siya!

“Cyndy, Loml, harap ka sa 'kin.”

Hindi ako lumingon.

“Loml, 'pag tumingin ka, akin ka.”

Hindi pa rin ako lumingon.

“Cyndy Ghaile Alfonte!” biglang sigaw niya na para bang may ginawa akong nakapalaking kasalanan. “Ganoon na lang 'yon? Aalis ka na lang pagkatapos ng lahat? Paano na ang mga anak natin? Sino na tutulong sa 'king mag-alaga sa limang anak natin? Sino na ang magtuturo kay Junjun sa math dahil bobo ako sa math? Sino na maghahatid kay Maria sa kindergarten? Sino na ang magluluto sa paboritong sunog na cookies ni bunso? Ako? Paano na ako kung iiwan mo ako?”

Napaawang ang mga labi ko at mabilis akong humarap sa kaniya. “Flynn!”

Feel na feel niya ang page-emote, may pahawak pa sa dibdib niya, kaya kumbinsido tuloy ang mga taong may kasalanan nga ako sa kaniya!

Tumakbo ako papalapit sa kaniya. “Flynn! Ano ba! Tumigil ka nga--”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya, at saka niya dinampi ang mga labi niya sa mga labu ko. Mabilis lang 'yon, pero nararamdaman ko pa rin ang mainit niyang labi sa 'kin.

Ngumisi siya. “'Wag mo nga kasi akong iwan. May lima na tayong anak.”

Napasimangot ako at kinurot ulit siya sa tagiliran. “Bwiset ka! Tumigil ka!”

Sinapo niya ang mukha ko at saka niya ulit ako pinatakan ng mababaw na halik sa labi. “I love you, Loml. Mahal kita. So much. Very much.”

Napairap na lang ako, pero hindi ko matago ang ngiti sa mga labi ko at ang pag-iinit ng mukha at dibdib ko dahil sa sobrang tuwa. “Ewan ko sa 'yo.”





...END...

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.6K 101 23
Kendra is known as a mature academic achiever and a great leader. She's a class president, and she hates childish people. At her age, she believes th...
2.4K 600 48
[ UNDER EDITING ] Naging masaya si Jackie sa kanyang bagong paaralan at nag karoon ng tunay na kaibigan. Ngunit hindi niya alam na sa pag tungtong ni...
4M 68.9K 43
Rohan has been meaning to find the perfect distraction for him whose life is empty. After suffering the death of his ex-girlfriend, he totally lost t...