Game Over

By beeyotch

760K 26.4K 10.7K

(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that g... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapte 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 17

19.7K 788 503
By beeyotch

Chapter 17

Akala ko talaga mahihirapan akong ipaliwanag sa family ko iyong tungkol sa pagtanggap ko sa offer na magwork sa big firm... but why did I even doubt them? Of course, they were happy for me—proud, even. Sikat kasi talaga 'yung firm na 'yon.

"Congratulations, Tali," sabi ni Tito sa akin.

"Thanks, 'To," sagot ko sa kanya. "Libre ko kayong lahat ng dinner sa first salary ko."

"Aabangan namin 'yan," sabi niya sa 'kin.

"Wala ka bang tips d'yan, Tito?" I asked kasi galing din si Tito sa mga big firm bago siya nagdecide na umuwi sa province to start his own private practice. Hindi naman super laki nung firm ni Tito, but they have a roster of clients. Parami na nga nang parami kaya expected na rin talaga nila na sasama ako sa kanila after. Buti na lang talaga ay naintindihan nila ako.

"Paper works after paper works after paper works," sabi ni Tito. "Tapos paper works ulit."

Natawa ako. "Ganon ka-grabe, Tito?"

Tumango siya. "Lawyering is 80% paper works and 20% court appearance," sabi niya sa 'kin. "Marami kang matututunan don, pero sana mag-enjoy ka rin."

"Sana nga po."

"Pero 'di 'yon gaya sa mga pinapanood mo, alam mo naman 'yon. Boring maging abogado lalo na kung hindi naman criminal case ang hawak mo," sabi niya sa 'kin. "Saan mo ba balak magfocus?"

"Di ko pa po sure," sabi ko sa kanya. "Pero well-rounded naman daw po kapag first year pa lang. Baka doon ko matagpuan ang calling ko."

Ang daming bilin sa akin ni Tito. Very appreciated ko 'yon. Alam ko naman na looking-out lang siya sa magandang pamangkin niya. Kinakabahan naman talaga ako, but I chose to focus na lang sa pagpili ng mga work outfit ko. Alam ko naman na maiistress ako sa trabaho, but might as well look pretty while at it.

Hindi pa ako sumu-sweldo, pero na-advance ko na iyong unang salary ko. Pang fastfood na lang ata ang budget ko sa family dinner namin. Ang dami kong nabiling outfit. Okay lang 'yan. Basta masaya ako.

Sobrang kabado na hindi ako mapakali nung dumating ako sa orientation para sa trabaho. I introduced myself to them. They were nice naman, pero kami iyong mga magiging magka-trabaho. Sana maging close kami.

"How's the first day, Ms. Big Firm?" tanong sa akin ni Alisha.

"Gusto ko na agad magresign," sabi ko sa kanya. Natawa siya. Palibasa siya ay nasa Bali. I was so jealous, pero buti na lang at wala akong social media kaya at least 'di ko nakikita iyong mga posts niya.

"I told you so."

"I know," I said tapos ay nahiga ako sa sahig kasi wala pa akong energy na magpalit ng damit.

Akala ko first day ay magpapa-cute muna kami... Gosh, I was so wrong! Natambakan agad ako ng gagawin. I was so confused. Nahiya akong mag-ask ng question. Iyong mga kasama ko, mga robot ata sila. Paano nila nagawa 'yon? As far as I was concerned, mga top students sila pero may work experience na rin sila kasi nagwork pala sila while working. I mean... paano?

Ni hindi ko namalayan kung anong araw na dahil sa dami ng ginagawa ko. Masyado ata akong na-excite sa starting salary na nalimutan ko na with good salary comes slavery.

"San na 'yung sa draft ng San Luis?" tanong sa akin.

I immediately looked for it in the mountain of papers on my desk. Nang makita ko 'yon ay agad kong inabot kay Pam, iyong isa sa mga paralegal dito.

"Thanks, Tali," sabi niya. "Saka pala sabi ni Atty. Arnaez, pa-prio daw 'yung sa appeal don sa CIAC na pinagawa niya sa 'yo kahapon."

Oh, my god, can somebody just shoot me?!

Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa dami ng ginagawa ko. Nung matapos ko iyong sa pinapagawa ni Atty. Arnaez, agad akong umalis sa cubicle ko. Dumiretso ako sa rooftop nung building. Nagulat ako nung nakita ko si Atty. Serrano na nandon.

"What?" sabi niya nang makita niya iyong reaction ko.

Umiling ako. "Nothing, Sir. 'Di ko lang expected na nagssmoke ka."

He blew a puff. "Comes with the territory," he replied. "Do you smoke?" he asked.

"No, not really..." sabi ko tapos ay nilahad iyong palad ko. "But I will start smoking now."

Natawa siya sa akin. At saka tinawanan na naman niya ako nung maubo-ubo ako dahil hindi naman ako sanay talaga na manigarilyo. Iba pala kapag nakiki-langhap ka lang ng secondhand smoke compared sa kapag ikaw na iyong source ng secondhand smoke. It took me quite a while before I got the hang of it.

"Is it really worth it, Sir?" I asked him. "I mean, the money is good, but I think mamamatay ako dito."

Natawa lang ulit si Atty. Serrano sa akin. "Ganyan talaga kapag first year associate."

"Mas madali ba later on?"

"Not really," sabi niya. I frowned. "It doesn't get easier—but you will get better at it."

I just nodded as I blew few more puffs of smoke. Saang parte dito iyong nakaka-relax? Parang hindi naman.

Atty. Serrano and I stayed there for a few more minutes before he told me na kailangan na naming bumalik sa trabaho. Boo. Workaholic.

* * *

The next few months, I was just drowning in work. Nung una ay naiinis pa ako na 1AM na ako umuuwi sa condo... hanggang sa nasanay na ako na ganong oras ako umuuwi. Uwi ba ng tao 'yon? Dapat bang i-add ko na iyong last name ko sa pangalan nung firm? Tiga-pagmana ba ako?

"Where ka tomorrow?" Alisha asked.

"Ha?" I asked, confused.

"Tomorrow na 'yung release nung results."

Napa-tigil ako sa ginagawa ko. Shit. She's right. Nabanggit na nga rin sa 'kin 'yon, but nawala sa isip ko sa dami ng ginagawa ko... I'd been doing this for months. I thought it would get easier kagaya nung sinabi ni Atty. Serrano. Maybe I was the problem. Sobrang daming ginagawa kaya natatambakan ako. Hindi ko alam if mabagal lang ba ako or what. Ang dami ko kasing beses na basahin ulit kasi ayoko na siyang ulitin. Kaya kapag nagpass ako ng pleadings for approval, usually wala ng changes needed.

"Do you want na sabay tayo or busy ka sa work?" Alisha asked.

I looked at the mountain of paperwork on my desk. "I'm not sure..." I told her. "If matapos ko 'yung deliverables ko for tomorrow, I'll message you."

I didn't know if it was a good thing or not na sobrang busy ko na 'di ko na naisip iyong sa BAR results. Hindi rin ako kinakabahan... a small part of me was telling me kung hindi man ako papasa, I'd have a reason to leave this firm kasi feel ko talaga mababaliw na ako. I mean, yes, sure the money's nice and marami talaga akong natututunan but I couldn't breathe sa dami ng ginagawa.

But Atty. Serrano recommended me to this job that I didn't even qualify for in the first place... kaya siguro sobrang nag-e-effort din talaga ako against my will. Buti sana if ako lang mapapa-hiya, e... Madadamay din kasi siya.

"Bakit nandito ka?" tanong sa akin ni Pam nung pumasok ako sa work kinabukasan.

"Bawal ba?" I asked, confused, sa tanong sa akin.

"Hindi naman... pero naka-leave ngayon lahat ng underbar," sabi niya sa akin. Still, I didn't understand kung ano iyong gusto niyang sabihin sa akin. Nagmamadali pa naman akong pumasok kanina dahil may pinapaayos sa akin for CIAC arbitration.

"Dito ka maghihintay ng results?" Pam asked.

Para akong early 2000s computer na naghihintay ng processing. I thought about it, and looked around me. Oh, shucks, oo nga! Dito ako maghihintay ng results? What if bumagsak ako? Gosh, 'di ko ata kaya na nandito ako, surrounded by everyone!

Natawa si Pam nang makita niya iyong reaksyon sa mukha ko.

"Dapat ba... umabsent na lang din ako?"

She shrugged. "Depende sa 'yo..." she replied pero parang hindi naman depende sa akin!

I cannot, in good conscience, just leave my workload behind kaya naman dala-dala ko pa rin sila pabalik sa sasakyan ko. I sent a quick e-mail sa HR na hindi ako makakapasok today. Feel ko naman ay papayagan nila ako.

I wanted to call Alisha, but decided against it. Ayoko pala ng may kasama today. Nagsisimula ko ng ma-feel iyong nerves. I decided din na patayin muna iyong cellphone ko dahil kada magnonotify ay parang tatalon mula sa dibdib ko iyong puso ko.

"Where should I go..." I uttered while drumming my fingers against the steering wheel of my car.

I didn't want to go too far dahil may pasok naman ulit ako tomorrow. Ayoko rin na around here lang kasi higher chances na may maka-salubong ako na kakilala ko. Ayoko rin na umuwi kasi lalo akong mase-stress. Supportive iyong family ko, I know, pero syempre what if bumagsak ako? Malulungkot sila. Ayoko makita 'yon ngayon, if ever.

Tsk.

Magddraft na ba ako ng resignation? Kasi what if bumagsak ako? Nakaka-hiya talaga. Ano ba 'tong pinasok ko?

Ang tagal-tagal kong nagdecide kung saan ako pupunta... until I just found myself inside a church. It was the middle of the day. Merong ibang mga tao na palagay ko ay kagaya ko rin na naghihintay ng resulta ng BAR exam. May mga naka-upo lang; may mga naka-luhod. Pero lahat kami ay ramdam ko na kinakabahan.

'Lord, I did my best naman po talaga. Kayo na ang bahala,' I included while I uttered my prayer.

After praying sa Binondo church, nagdecide ako na mag-ikot-ikot muna dito. Hindi na ako makapagtrabaho dahil sa sobrang kaba ko. Kailangan ko na lang aliwin iyong sarili ko talaga. Super dami kong nakain. Dito ko na ata dinaan lahat ng stress ko.

"Okay," I said to myself nung maka-balik na ako sa sasakyan ko. Panay iyong paghinga ko nang malalim. My hands were even trembling dahil sa sobrang kaba. Sigurado ako naka-labas na iyong resulta ngayon.

"Kapag bumagsak, e 'di mag-exam ulit," I told myself as I was waiting for my phone to turn on. Hawak-hawak ko lang iyong kamay ko habang pinapanood ko iyong paglitaw nung apple logo.

'CONGRATS TALI OMG KA!!!!!'

'CONGRATS LEGEND'

'Anak congrats proud na proud kami sa yo magpapa-lechon tayo at inom sa buong barangay!!!!'

Nanlaki iyong mga mata ko habang binabasa ko iyong sunud-sunod na pagdating nung notif sa phone ko. The notification just kept on coming. Bigla ding dumating iyong tawag ni Mama.

"Pasado po ako?" I asked kasi baka joketime lang silang lahat.

"Hindi lang pasado, anak!"

"Super pasado?" I asked, confused. Gusto ko lang naman malaman na pumasa ako. "Ma? Pasado ba? Ma? Hello? Please paki-confirm—"

"Top 1 ka, anak! Hindi ka ba nanood nung announcement?" tuluy-tuloy na sabi ni Mama na parang nagblackout ako at wala na akong naintindihan.

I checked on the message.

What the heck?

Huh?

Pinagttripan ba ako ng mga 'to?

I checked sa maps at malapit lang iyong Supreme Court dito. Pumunta ako doon. Ang daming tao sa paligid. Ang daming nag-iiyakan. May mga dalang bulaklak pa iyong ibang tao.

"Excuse me po," I said as I tried to get in the middle of the crowd. Gusto ko lang makita iyong screen kasi feel ko talaga pina-prank ako ng mga tao sa paligid ko.

But then it was like the whole world stopped.

HERNAEZ, Italia Reign

1st place

Brent University

91.98%

What... the fuck?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naka-tulala doon at kung paano nalaman nung mga reporter na ako iyong Italia Reign... I mean that's me, right? Ako lang naman iyong Italia Reign Hernaez na tiga-Brent. Wala namang ibang ganong nagtake from Brent, right?

I was so confused!

"Ano'ng pakiramdam mo na ikaw ang pinaka-unang topnotcher mula sa Brent?" tanong sa akin.

My heart was still beating quickly in my chest.

Shit.

"Humbled. Proud. Confused. I'm still processing everything," I said, unable to process my thoughts dahil totoo ata talaga 'to at hindi ako pinagttripan.

A lot of question was thrown my way. Hindi ko sila masagot lahat dahil sabay-sabay silang magsalita. I kept on looking around kung may kakilala ba ako na pwedeng sumaklolo sa akin. I was starting to feel suffocated dahil sa lahat ng mic, camera, at ilaw na nasa mukha ko.

But then I saw a face that I hadn't seen in a while.

"Meron ka ba'ng gustong mensaheng sabihin?" the reporter asked me.

My eyes were on him. He was staring at me. Did he want to congratulate me as well? Did he pass? He must pass. After all, the pain I felt must've been worth it.

"Thank you," I said while my eyes were still on him. Then I drew a deep breath and faced the cameras. "To my family, my friends, my sorority, my school. Thank you."

When the interviews ended, I looked around for him, but he's nowhere to be seen. Instead, tumayo ako sa harap ng screen at pinanood iyong pagdaan ng mga pangalan ng successful BAR examinees.

Valladares, Luisito Ruiz

I stared at his name until it disappeared from the screen. He passed. At least, I didn't get hurt for nothing. 

**

This story is already at Chapter 25 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you! 

Continue Reading

You'll Also Like

760K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
201K 11.1K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
2.2M 97.4K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...