The Innocent Wife

Bởi Kuya_Soju

1.4K 59 27

Akala ni IRENE ay habangbuhay na magiging masaya ang married life niya sa asawa niyang si Hayden. Ngunit nang... Xem Thêm

CHAPTER TWO
CHAPTER THREE

CHAPTER ONE

986 27 11
Bởi Kuya_Soju


CHAPTER ONE





"UMAMIN na ang modelo na si Renz Rivera na nag-cheat siya sa kaniyang ex-girlfriend na si Astrid Mercado kaya sila naghiwalay. Almost three years din ang naging relasyon ng dalawa bago iyon nauwi sa hiwalayan noong nakaraang buwan. Sa panayam ng aming programa kay Renz ay sinabi niya na nagkaroon ng third party sa side niya at nalaman iyon ni Astrid. Sa ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang naging third party sa relasyon nina Renz at Astrid..."

Natigalgalan si Irene nang mapanood niya sa social media account ng isang kilalang showbiz news program ang balitang iyon. Kasalukuyan siyang nasa tabi ng pool ng umagang iyon sa bahay nila ng kaniyang asawa na si Hayden. May isang tasa ng mainit na kape na nakapatong sa table sa kaniyang harapan.

Labis siyang apektado sa balitang iyon dahil kilala niya si Astrid. Hindi lang kilala kundi kilalang-kilala. Bestfriend niya si Astrid. High school pa lang ay magkaibigan na silang dalawa. Isa si Astrid sa kilalang singer sa Pilipinas sa kasalukuyan. Nakuha nito ang kasikatang iyon nang maging first runner up ito sa isang singing contest ng isang TV station. Hindi man nasungkit ni Astrid ang titulo ay umarangkada pa rin ang career nito bilang isang singer.

Malaki rin ang naging bahagi ni Astrid kung bakit niya nakilala si Hayden. Noong nanalo ito sa singing contest at nakuha nito ang premyo nitong three hundred thousand pesos ay isinama siya nito sa pagbabakasyon sa Hong Kong.

Sa pamamasyal nila sa Disneyland ay hindi niya namalayan na naiwanan pala niya sa isang bench ang kaniyang bag kung saan nakalagay ang kaniyang wallet at passport. Hinabol sila ni Hayden para ibalik ang kaniyang bag at napagkamalan pa nga niya itong snatcher. Nataranta na kasi siya nang marealize niyang nawawala ang kaniyang bag...

"Miss, alam kong Filipino ka rin. Hindi ako magnanakaw, okay? Nagmamagandang loob lang ako. Nakita ko na naiwanan mo 'tong bag mo roon sa bench. Hindi agad kita nahabol kasi ang daming tao." Paliwanag noon ni Hayden.

"Bes, mukhang nagsasabi siya ng totoo. Saka sa gwapo niyan... Magnanakaw? I don't think so..." bulong ni Astrid sa kaniya.

"Kahit gwapo, pwede pa ring maging magnanakaw!" sabi naman ni Irene.

"Here. Take your bag! Basta malinis ang konsensiya ko." Inabot ni Hayden ang bag sa kaniya na agad niyang hinablot.

Sa huli ay nagpasalamat pa rin si Irene kay Hayden. Nag-sorry rin siya rito dahil sa napagkamalan niya itong magnanakaw. Bilang ganti sa kabutihan ni Hayden ay tri-neat nila ito ni Astrid ng lunch. Doon ay nagkaroon sila ng pagkakataon na makilala si Hayden.

Gwapo si Hayden, sa totoo lang. Matangkad at matipuno ang pangangatawan. Maganda itong magdala ng damit na akala mo ay isa itong modelo. Mestiso at sa hula niya ay meron itong dugong banyaga. Pinaka nagustuhan niya rito ay ang malalaki nitong mata at makapal nitong kilay. Matangos ang ilong at may kakapalan ang labing natural na mapula. Noong una nga ay inakala niya na isa itong artista na hindi niya kilala.

Ang buong akala ni Irene ay sa Hong Kong na matatapos ang kwento nila ni Hayden. Ilang araw simula nang makabalik sila ni Astrid ng Pilipinas ay finollow siya ni Hayden sa kaniyang Instagram account. Napatulala pa siya noon ng ilang segundo dahil hindi siya makapaniwala.

Nag-follow back siya kay Hayden nang masiguro niya na account nga talaga nito iyon. Nagsimula na silang mag-chat. Nag-aya na itong magkita sila para magkape ngunit noong una ay tumatanggi siya. Nang i-stalk niya kasi ang Instagram ni Hayden ay nalaman niya na isa itong businessman. Mga skin care products para sa mga lalaki ang negosyo nito. Sa madaling salita—ubod ito ng yaman.

Naiilang siyang sumama rito dahil napakalayo ng agwat ng kanilang buhay. Nagtatrabaho noon si Irene sa isang kumpanya bilang HR staff. Nabubuhay na siya nang mag-isa dahil matagal nang patay ang kaniyang tatay. Ang nanay naman niya ay may iba nang pamilya at ayaw na niya itong gambalain pa. Ang nag-iisa niyang kapatid na lalaki na mas matanda sa kaniya ay may pamilya na rin.

Kilig na kilig noon si Astrid nang ikwento niya rito na nagkaka-chat sila ni Hayden. Ito pa ang nagsabi na may gusto sa kaniya si Hayden ngunit hindi niya iyon pinaniwalaan.

Hanggang isang araw ay sinet-up siya ni Astrid ng isang romantic dinner date kay Hayden. Sinabi ni Astrid sa kaniya na magpapasama ito sa isang event kaya dapat ay magsuot siya ng magandang damit. Dahil sa wala siyang damit na babagay sa event na iyon ay pinahiram siya ni Astrid.

Ganoon na lang ang pagtataka ni Irene nang dalhin siya ni Astrid sa isang fine dining restaurant. Iniwanan siya nito sa isang table. Nagpaalam ito na may kukunin lang ito sa sasakyan ngunit hindi na ito bumalik.

Laking gulat niya nang umupo si Hayden sa kaniya. Inamin nito na kinausap nito si Astrid sa Instagram at nakiusap ito sa kaibigan niya na i-set up silang dalawa ng date.

Sa date nilang iyon ni Hayden ay mas nakilala niya ang lalaki. Kahit ubod ito ng yaman ay very humble ito. Walang ere sa katawan. Hindi nga nito ipinagyabang ang negosyong meron ito.

Dumating na sa punto na naging madalas ang paglabas nila ni Hayden hanggang sa manligaw na ito sa kaniya. Alam ni Irene sa kaniyang sarili na may nararamdaman na rin siya kay Hayden dahil sa magagandang katangian na taglay nito. Natatakot lamang siya na sagutin ito dahil baka tumutol ang pamilya nito dahil hindi siya kasing-yaman ni Hayden.

Masyado na kasi siyang naimpluwensiyahan noon ng mga telenobelang napapanood niya na kapag mahirap iyong babae at mayaman ang lalaki ay tumututol ang pamilya ng lalaki. Iisipin na gold digger ang babae.

Ngunit nawala ang takot ni Irene nang ipakilala siya ni Hayden sa pamilya nito. Dinala siya ni Hayden sa bahay ng mga magulang nito. Sobrang bait ng daddy at mommy ni Hayden. Nag-iisang anak si Hayden kaya wala siyang nakilalang kapatid nito.

Makalipas ang anim na buwan na panliligaw ni Hayden ay sinagot na ito ni Irene. Wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niyang iyon dahil doon na nagsimula ang pinaka masasayang araw ng buhay niya. Ipinaramdam ni Hayden sa kaniya kung paano ang mahalin ng tapat sa kabila ng malaking agwat ng estado nila sa buhay.

Dalawang taon pa ang lumipas at nag-propose na si Hayden sa kaniya at sumunod na ang kanilang pagpapakasal. Suportado iyon ng pamilya ni Hayden at boto ang mga ito sa kaniya para sa nag-iisang anak ng mag-asawang Carbonel.

Ngayon ay isang taon na silang kasal ni Hayden at wala pa ring nagbabago sa pakikitungo at pagmamahal nito sa kaniya. Dama pa rin ni Irene ang masidhing pag-ibig ng kaniyang asawa para sa kaniya.

"Good morning, hon!"

Nagulat si Irene nang may humalik sa kaliwang pisngi niya.

Sa sobrang lalim ng kaniyang pag-iisip ay hindi niya namalayan ang pagdating ng kaniyang asawa. Halata na kakagising pa lang nito dahil magulo pa ang buhok nito. Ganoon pa man, ubod pa rin ito ng gwapo.

"H-hon! Good morning!" ganting bati ni Irene.

"Bakit ganiyan ang mukha mo? May nangyari ba?" tanong ni Hayden matapos nitong umupo sa upuan na nasa tapat ni Irene.

Ipinakita niya ang napanood niyang video ng interview sa ex-boyfriend ni Astrid. "Hindi ko alam na iyan ang reason kung bakit nakipag-break si Astrid kay Renz. Ang sabi niya ay na-fall out of love lang siya. May mas malalim palang dahilan. Anong klaseng kaibigan ako, hon? Bakit hindi ko na-sense na may matinding pinagdadaanan ang bestfriend ko?" Malungkot niyang wika.

"Hon, don't blame yourself. Maybe, choice ni Astrid na huwag sabihin sa iyon. Kung anuman ang reason niya, you have to respect her."

Tumango-tango si Irene habang nakatitig sa kawalan. "Hon, okay lang ba na puntahan ko si Astrid sa condo unit niya? Gusto ko siyang makausap."

"Sure. Sumabay ka na sa akin mamaya. Ako na ang maghahatid sa iyo."

"Thank you, hon..."

Hindi alam ni Irene kung ano bang kabutihan ang ginawa niya para ibigay ng Diyos sa kaniya ang kagaya ni Hayden. Isang responsable at mabait na asawa. Bonus na lang na gwapo, matipuno at mayaman ito.

Isang bagay na lamang ang kulang sa kaniya at iyon ay ang anak. Ngunit hindi sila nagmamadali ni Hayden. Kung kailan ikakaloob ng nasa Itaas ang anak na gusto nila ay handa silang maghintay sa tamang panahon para roon.


-----ooo-----


"IRENE!" Gulat ang rumehistro sa napakagandang mukha ni Astrid nang pagbuksan nito ng pinto si Irene.

Hindi na hinintay ni Irene ang papasukin siya ng kaibigan sa condo unit nito at siya na ang kusang pumasok. Mahigpit niya itong niyakap at ipinaalam niya na napanood niya ang interview ng ex nito sa social media.

Walang buhay na tumawa si Astrid. "Yeah. Renz cheated on me with a girl na hindi ko kilala at wala na akong balak kilalanin." Naglakad ito at umupo sa sofa.

Tumabi si Irene sa kaibigan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Ano ka ba? Ang saya-saya mo kaya ng time na iyon kasi kakakasal niyo pa lang ni Hayden. Ayokong makasira sa moment na iyon. And besides, okay na ako ngayon, bes. Don't worry..."

"Pakiramdam ko kasi nag-fail ako bilang bestfriend mo kasi hindi ko naramdaman na ganoon katindi ang pinagdadaanan mo. I am sorry, bes."

"Alam mo, 'yan ang baguhin mo. Masyado kang apologetic! Maiba tayo. Kumusta kayo ni Hayden? May nabubuo na ba riyan sa..." Inginuso ni Astrid ang tiyan niya.

Hinaplos ni Irene ang tiyan. "Wala pa nga, e. Nagta-try naman kami pero hindi pa siguro time."

"Darating din iyan. I-enjoy niyo muna ni Hayden ang buhay ninyo na kayong dalawa lang. Pero excited na akong maging ninang ng anak mo, bes!"

"Ikaw kaya ang mag-asawa na at magkaanak para ako muna ang magni-ninang!"

Itinirik ni Astrid ang mga mata. "After nang nangyari sa akin kay Renz? Hindi ko pa kayang magtiwala sa mga lalaki sa ngayon. Magfo-focus muna ako sa singing career ko. Magkakaroon na naman kasi ng bagong season iyong singing contest na sinalihan ko. Madadagdagan na naman ang mga singer. Hindi ako pwedeng mawala sa spotlight. Ayokong malaos!"

"Malabong malaos ka, bes! Sa talent na meron ka? Duda ako na mawawala ang kinang mo!"

"Kaya bestfriend kita, e! Ang galing mong mambola!"

"Hoy, never kitang binola!"

"Anyway, nasa'n pala si Hayden? Bakit hindi mo siya kasama?"

"Nasa office na niya. Siya ang naghatid sa akin dito."

"Iyang asawa mo—masyadong busy magpayaman. E, ang yaman-yaman na niya. I mean, ninyo pala."

"Hayaan mo na. Mas okay na sa business siya naka-focus at hindi nambababae."

"Subukan lang niyang lokohin ka. Ako ang makakalaban niya!" Sinuntok ni Astrid ang sarili nitong palad na parang handa na itong makipagbasag-ulo.

Natawa naman si Irene sa sinabi at ginawa ng kaibigan.

Bukod kay Hayden ay si Astrid din ang itinuturing niyang isang napakalaking blessing na ibinigay ng Diyos sa kaniya.


-----ooo-----


HINDI nagtagal si Irene sa condo unit ni Astrid dahil kailangan nitong umalis. May TV guesting kasi ito sa isang noontime show. Nag-commute siya pauwi kahit pwede siyang magpasundo sa isa sa driver ni Hayden. Matagal na siyang hindi nakakasakay ng bus at jeep. Minsan ay nami-miss pa rin niya ang mga bagay na dati ay araw-araw niyang ginagawa. Ngayon kasi ay talagang umikot ng 360 degrees ang buhay niya simula nang maging isa na siyang Carbonel.

Naglakad lang siya papasok sa exclusive subdivision kung saan sila nakatira. Sinadya niyang bagalan ang paghakbang upang namnamin ang sikat ng araw na tumatama sa kaniyang morenang balat. Ang kaniyang makapal, itim at hanggang balikat na buhok ay hinahayaan niyang isayaw ng hangin.

Pagdating niya sa harapan ng gate ng kanilang bahay ay may isang puting persian cat ang lumapit sa kaniya. Idinikit nito ang katawan nito sa binti niya na parang naglalambing.

Isang malaking ngiti ang pinakawalan ni Irene. Yumukod siya para kargahin ang pusa. "Snow! Ang aga mong maglambing!" Hinalikan pa niya ito.

Tumunog ang bell sa collar ni Snow nang gawin niya iyon. Gawa sa ginto ang collar ng pusa.

"Irene. Good morning!" Isang may edad na ginang ang nakita niyang naglalakad palapit sa kaniya.

Maliit na babae ito at payat. Naghahalo na ang puti at itim nitong buhok. Naka-ponytail ang buhok ng babae. Kahit may kulubot na ito sa mukha ay hindi maitatanggi na maganda ito noong kabataan.

"Tita Florence! Good morning din po."

Ibinaba ni Irene si Snow at kusa itong lumapit kay Florence. Si Snow ay pagmamay-ari ni Florence. Nakatira ito sa malaking bahay na nasa kaliwa nila. Noong lumipat sila roon ni Hayden ay ang matanda ang naging una niyang ka-close. Kumbaga, ito ang nag-welcome sa kanila.

Mag-isa sa buhay si Florence. Wala itong kasama sa bahay nito kahit 68 years old na ito. Nakakaya pa rin nito ang mga dapat nitong gawin sa araw-araw. Ayon dito, mas gusto nito ang mag-isa at si Snow lamang ang kasama. May kaniya-kaniya nang pamilya ang mga anak nito na minsan lang bumisita sa bahay ni Florence.

Sa maikling panahon ay naging palagay na ang loob ni Irene kay Florence. Nagtataka nga ang ibang homeowner sa subdivision na iyon kung paano niya naging kaibigan si Florence dahil ayon sa mga ito ay ubod ng sungit si Florence. Matagal na raw itong nakatira roon ngunit kahit isa sa mga ito ay wala itong naging kaibigan.

Para kay Irene, mahiwaga talaga kung paano nagiging malapit ang dalawa sa isa't isa sa kabila ng malaking pagkakaiba ng kanilang ugali.

"Kumusta po kayo? Kumusta ang bakasyon ninyo sa Singapore last week?" tanong ni Irene.

"Hindi okay. Nag-away ba naman ang mga anak ko kung kanino mapupunta itong bahay at lupa ko rito kapag nawala na ako. Ang mga hinayupak! Parang gusto na akong mamatay!"

"'Wag po kayong magsalita ng ganiyan. Matagal pa po kayong mabubuhay, tita. Makikita mo pa ang baby namin ni Hayden."

"Sana nga, maabutan ko pa iyon, Irene. Basta, kapag may nangyari sa akin. Ikaw na ang bahala kay Snow. Hindi naman ito mahirap alagaan."

"Tita, 'wag kang magsasalita ng ganiyan—"

"Lahat tayo ay darating sa kamatayan. Hindi nga lang natin alam kung kailan at paano. Maiba ako, may bisita ka. Nakita ko siya kanina na nakatayo sa harap ng bahay ninyo. Pinapasok ko muna sa bahay ko kasi alam kong wala ka at nakita ko kayo ni Hayden na umalis kanina."

"Sino po?"

"Mas maganda kung ikaw na ang humarap sa kaniya."

Tumalikod na si Florence at naglakad papunta sa bahay nito.

Sandaling napaisip si Irene. Wala siyang inaasahang bisita sa kaniya o pwede siyang bigyan ng surprise visit. Kung mommy o daddy man iyon ni Hayden, papasok na lang ang mga ito sa bahay nila at hindi na magpupunta kay Florence.

Upang masagot ang katanungan na tumatakbo sa isip niya ay sumunod na siya kay Florence. Nang makapasok na siya sa bahay nito ay may nakita siyang babae na nakaupo sa sofa na kumakain ng cake. Nagulat pa ito nang makita siya.

Natigilan si Irene habang nakatingin sa kaniya ang babae. Nag-init ang gilid ng mata niya at nagbabadya ang pagpatak ng luha roon.

"Irene! Anak!" Inilapag ng babae ang cake sa center table. Tumayo ito at sinugod siya ng isang mahigpit na yakap. "Miss na miss na kita, anak! Ang tagal na nating hindi nagkita!"

Ang babaeng iyon—walang iba kundi ang kaniyang ina.






PLEASE SUBSCRIBE ON MY YOUTUBE CHANNEL PARA SA MGA KWENTO NG KATATAKUTAN!

ANG PANGALAN NG YOUTUBE CHANNEL KO AY: KAKABAKABOO



Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
25.9M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
Psycho next door Bởi bambi

Bí ẩn / Thriller

4.3M 204K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...