Twisted Pairs

By BloodedVeins

837 55 11

An NBSB girl who happened to be a fujoshi, an aloof guy who likes only his family and friends' company, and a... More

SYNOPSIS
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 9

76 4 0
By BloodedVeins

Solen

Nang gabing 'yon ay kinwento sakin ni Dan ang nangyaring sagutan ni Leonel my loves pati ni Rembrandt.

Hindi rin ako makapaniwala na may klase siya sa section A. Ibig sabihin lang nun ay chemistry ang kinuha nyang applied sub. Section A lang naman kase ang pumili ng chemistry as applied sub. Kada term talaga ay isang applied sub ang pwede mong kunin, although pwede ka mag-iba iba ng applied sub per term, mas maganda na ang kunin mong applied sub ay consistent. Kung ano yung kinuha mo dati, ganun din kunin mo, para dika na mahiralan.

Sa Section A, lahat sila chemistry ang kinuha. Tatak na nga nila yon.

I can't believe nag-chem si antipatiko.

Kinabukasan ay sabay ulit kami ni Dan pumasok. Pero nauna siyang pumasok sa gate at ako ay nagpaiwan. Hihintayin ko kase si Leonel at didiskarte ulit ako.

Pero namilog ang mata ko nang may dumaan na Chevrolet sa harap ko saka nag park sa gilid. Official na parking lot ng mga estudyante ang paligid ng University eh.

My god! Kaninong kotse yan?

Nang bumaba ang nakasakay don ay namangha ulit ako. Si Antipatiko.

Ganun sya kayaman?

Bakit naka-tricycle yan nakaraan?

Nang papasok na sya ay nakita nya ako, sa tabe lang rin kase ako. "Hi, sinong hinihintay mo?" ngumiti siya.

"Mukha ba akong naghihintay?" pagtataray ko.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, saka inikot ang tingin sa paligid. "What are you doing then?"

Aba! Eningles ako?!

"Who cares?!" sagot ko saka pumasok na sa gate. Nawalan na ako ng gana maghintay.

Hindi ko alam pero tuwing nakikita ko itong lalaking 'to, kumukulo talaga ang dugo ko. Siguro ay dahil sinabihan nya ako na dumadami na ang tulad namin.

Tulad naming ano? Nagbabasa ng BL?

May mali ba don?!

Naku talaga. Naiinis ako.

"Sandali," rinig kong sigaw nya pero binilisan ko na maglakad.

"Wait! I have something to say!"

Bilisan ko lalo ang lakad ko.

"I wanna borrow your books!"

Nang marinig ko 'yon ay napahinto ako bigla. Saka nanliliit ang mata na pumihit patalikod. "Ano'ng sabe mo?"

Humihingal ito na naglalakad-takbo. Nang makaratin siya sa harap ko ay humawak siya sa magkabilaang tuhod sa tumingin sa akin. "I wanna borrow your books."

Books?

Nangunot ang noo ko. "Yung BL?"

Tumango siya. "Oo."

Bakit?

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Sinuri ko ang kabuohan nya.

Matangkad, malinis ang gupit ng buhok. Makapal ang kilay, matangos na ilong. Mapulang labi. May pagkabrusko ang katawan. Mahaba ang legs.

At higip sa lahat... gwapo.

Tapos, magbabasa ng BL?

"Ginagago mo ba ako?" namewang ako.

Tumayo ito nang tuwid saka kumagat labi. Humawak ito sa batok saka hinimas yon. "Hindi..."

"Eh ba't ka biglang nagkaroon ng interes sa BL? Sa itsura mong yan?" Ngimuso ko ang katawan nya.

Ngumuso ito. "I just gained interest, okay? I wanna know why you like reading it, so I kind of read your books before I turned it to you."

Tumaas ang kilay ko sa sinagot nya. Humakbang ako nang dalawan beses hanggang sa magpantay kami. Actually, magpantay ang mata ko sa dibdib nya. Ang tangkad nya! My god.

Umatras nalang ako nang mapagtantong hindi ko magawa siyang tignan sa ganoong posisyon. Mukha akong vulnerable don.

"Alam mo bang kapag binasa mo ang BL... magmumukha kang..." hindi ko itinuloy. Alam ko namang magegets nya rin ang kasunod dahil diba matalino 'yan?

Kumagat labi ulit sya. "I know. I'm just curious..."

Tumaas ang kabilang kilay ko. "Eh di bumili ka sa mall," pabalang kong sagot saka pumihit na patalikod.

Ngunit napapikit ako nang maramdaman ang kamay nya sa braso ko.

Nanindig ang balahibo ko sa katawan. Iba ang epekto sakin ng pagkahawak nya. Napalunok ako bigla.

Shutabels! Ano 'yon?

Hindi ako humarap sa kanya. Kaya siya ang pumunta sa harapan ko.

Bumungad sakin ang hindi maipintang mukha ni Rembrandt. "Actually, natapos ko na 'yung book 1 kagabe ng The Great War na binili ko. Gusto ko sana basahin 'yung book 2 pero ubos na sa mall."

Napanganga ako nang marinig ko 'yon. Hindi ako makapaniwalang binasa nya ang book 1 ng favorite kong BL manga.

Parang kuminang ang mata ko doon. Ako lang mag-isa ang nagbabasa non, si Larita ay ayaw magbasa ng ganun dahil mas gusto ang k-drama. Si Dan ay hindi mahilig sa BL manga. BL novels ang binabasa nya paminsan-minsan.

Ang The Great War... ako lang ang alam kong nagbabasa non sa buong University. Nag-post na ako anonymously sa freedom wall dati gamit ang phone ni Dan. Nagtanong ako kung may nakakaalam ng manga na 'yon. Pero walang sumagot sa akin. Puro tukso lang ang inabot ko dahil nagbabasa raw ako ng kabaklaan.

Kaya nang marinig ko ang sinabe ni Rembrandt, parang bigla siyang lumiwanag sa paningin ko.

Lord, is this real? My BL buddy na ba ako?

"T-totoo ba 'yan?" hindi makapaniwalang aniko.

Tumango siya.

Pumikit ako saka humugot ng malalim na hininga. "Sino ang bida doon, kung ganon?"

Pinanalangin ko na sana masagot nya yon.

"Chris and Rio."

Shuta!

Minulat ko ang mata ko saka ngumiti ako nang malawak. Saka ko siya sinuring muli. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang mala-modelong nasa harap ko ay nagbabasa ng The Great War.

My god!

"Fine! Bukas, dadalhin ko ang book." Sambit ko. Ngunit nang maalala ang risks na baka may makaalam sa kahibangan ko, binawi ko ang sinabe ko. "Ihatid mo nalang pala ako mamaya sa bahay namin at ipapahiram ko sayo ang book."

Ngumiti siya. "Talaga?"

"Naka-Chivrolet ka diba? Gusto ko rin ma-experience 'yon no."

Tumango siya. "Sige, Solen."

Parang tumalon ang puso ko nang banggitin nya ang pangalan ko. Weird.

"Okay, Rembrandt!" sarkastikong sagot ko.

"Call me Rem."

"Okay, Rem!"

Matapos nun ay sabay na kami pumasok sa classroom.

Wala rin naman gaanong nangyare. Hindi rin sina Rem nagklase sa chem ayun sa kanya.

Uwian na nang dumiretso ako auditorium at pumasok doon, nagpaalam lang ako sa guard dahil nagpapractice pa rin sina Dan.

"Dan, mauna na ako."

Tumango siya habang nagpupunas ng pawis gamit ang face towel. "Sige, may pupuntahan pa rin ako after nito."

Tumaas ang sulok ng kilay ko roon. Pero hindi na ako nag usisa.

Nasa gate na ako nang makita ko na nag-aantay sa tabe ng Chevrolet si Rem. Angas talaga nun!

"Tara," yaya nya saka binuksan ang wing.

Excited na pumasok ako sa shotgun seat. Saka nya sinara at pumasok sa kabilang wing at naupo sa driver's seat saka yon pinaandar.

Shit! Sarap sa pakiramdam.

Ignorante talaga ako pag dating sa mga ganitong sasakyan. Although may kotse sina mama, hindi 'yon maangas.

Ayaw nila ng ganun. Maarte daw.

Ayaw ko rin magpabili, hindi ko kase pera ang gagamitin.

Matagal na nong nakasakay ako sa ganitong sasakyan. Ka-excite.

"Liko mo sa kanan," turo ko.

"Kaliwa... liko mo ulit kanan..."

Ilang oras lang din ay nakarating na kami sa bahay.

Wala akong pake kung makita ni Rem ang bulok naming bahay. Sino ba sya?

Pumasok na ako sa bahay saka dumiretso sa kwarto. Kinuha ko agad ang book 2 ng TGW saka nagmamadaling bumaba. Excited na akong mabasa nya 'to!

Napamangha pa ako nang makitang nasa sala na ang antipatiko at printeng nakaupo sa sofa.

Hindi ko siya pinapasok!

Pero hinayaan ko na. Total magiging BL buddy ko na 'yan. Haha!

"Oh!" Inabot ko sa kanya ang book. Sinalo nya yon saka sinuri.

Nang sumilay ang ngiti sa labi nya ay nahiwagaan pa ako nang bahagya. Hindi siya ngumingiti. Ngayon lang siya ngumiti!

Parang bigla akong naging prideful sa favorite book ko. Sarap sa pakiramdam.

Binuklat buklat nya yon. Saka sya bumaling sakin bago ngumiti. "Thank you. Ibabalik ko rin after ko basahin.x

Tumango lang ako. "Sige. Alam mo na rin naman ang bahay ko."

Tumango sya at tumayo na. Naglakad na rin sya palabas. Sinundan ko sya.

Nang nasa kotse na sya ay bumaling ulit sya sakin. "Thank you again, I really wanna read this so bad."

Pumasok na sya sa kotse saka pinaandar ang makina. Aalis na sana sya nang may bigla akong maalala.

"Bakit nga pala nag-tricycle ka nakaraang araw? Eh may Chevrolet ka naman?" sumilay ako sa wingshield.

Binuksan nya yon saka dumungaw. "Nasiraan ang sasakyan ko. Kaya ganun."

Tumango-tango lang ako. Ngayon nasagot na ang tanong ko. Bakit ba?

Inalis ko na ang ulo ko sa wingshield kaya sinara na nya iyon. Tinapik ko pa nang dalawang beses ang itaas ng sasakyan bago umandar iyon.

Nang makaalis na si Rem ay hindi ko mapigilan ang mapatanong sa kasarian nya.

Straight ba sya?

Bading?

Bisexual?

Or curious?

Anyway, doesn't matter. Wala na akong pake don. Basta ang mahalaga, may mapagsi-share-an na ako ng kilig ko sa book.  My god!

This is a once in a lifetime opportunity, hindi dapat pinapalampas ang ganito.

Continue Reading

You'll Also Like

830K 27.9K 37
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
275K 15.1K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
941K 32.3K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.