Game Over

By beeyotch

755K 26.3K 10.6K

(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that g... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapte 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 14

19.9K 816 399
By beeyotch

Chapter 14

I went home to the province.

I needed my mom.

I cried in front of her. I cried loudly. She kept on asking me kung ano iyong nangyari sa akin, pero hindi ko magawang sabihin sa kanya iyong dahilan kung bakit ako umiiyak. Kasi kahit sa sarili ko, hindi ko matanggap na isang lalaki iyong dahilan kung bakit ako nagkaka-ganito.

I really was the biggest hypocrite.

I still remember how I silently judged kapag naririnig ko iyong mga kaibigan ko na may iniiyakan silang lalaki. I was always the first one to tell them that they'd be fine... Lalaki lang 'yan. That the pain will one day subside.

Well look at me now.

Look at who's crying.

Kasi iba pala kapag nakikita mo lang na nangyayari sa iba. Iba kapag sa 'yo na mismo nangyayari. Iba kapag ikaw na mismo iyong gagawa nung desisyon.

Because I wasn't dumb.

I always knew the bad calls that I made... but I made them nonetheless. They're bad decisions, yes... but at that point, they made me feel good.

At one point, I really was happy...

"Italia," pagtawag sa akin ni Mama.

I looked at her. Halos 'di ko maibukas iyong mga mata ko dahil sa sobrang mugto sila dahil sa pag-iyak na ginawa ko. Uuwi na dapat din ako kahapon. I just needed to go home and have a good cry. I just needed to cry to my mom... Pero hindi nila ako hinayaan na umuwi. They told me to at least stay for the night.

I was glad I did. It had been a while since I had a good sleep...

"Hindi ko alam kung ano 'yung iniiyak mo... pero nanay mo ako. Kahit anong mangyari, kahit ano man 'yang ginawa mo, always remember that I am in your corner. Always."

I looked at her and smiled. Tumayo ako tapos ay niyakap ko siya. She hugged me, too, and patted my back the way she did nung bata pa ako. It felt comforting.

"Kung tungkol 'to sa BAR, lagi naman naming sinasabi sa 'yo na anuman ang maging resulta, mahal ka pa rin namin."

I smiled. I had really been down the past few weeks... I kept on thinking on how I messed up the relationships in my life... Iyong mga sis ko... Iyong mga kaibigan ko... And it made me feel so shitty. It just felt so good to be reminded that despite everything, I am still loved.

Kaya kakayanin ko 'to.

* * *

They must've been so worried about me kaya naman pinagdrive ako ni Tito papunta sa condo ko tapos ay nagcommute na lang siya pauwi. Pinadalhan din kasi nila ako ng maraming pagkain ulit. Sinabi ni Mama na every Sunday, pupuntahan nila ako para magdala ng pagkain para bawas na sa iisipin ko. Saka sinabihan ako ni Mama na kahit gaano ako ka-busy, 'wag na 'wag akong magsskip ng pagkain.

When Monday came, naka-salubong ko si Cheena.

"Okay ka na?" she asked me.

"Not totally, but I'll be fine," sagot ko sa kanya. She just smiled at me. I handed her the coffee that I got bago ako pumasok. Naka-tingin siya sa akin na parang nagtataka kung bakit binigyan ko siya ng kape. "Just a simple thanks," I said. "I needed that reminder."

That he's just a guy.

That heartbreak is temporary, but title is forever.

And... for urging me to go seek answers for my questions. Ewan ko. Every word he said hurt like hell, but I needed that. Hindi umubra sa akin iyong ghosting—perhaps I needed to be hurt and humiliated like that para talagang masabi ko sa sarili ko na tama na.

Sabay kaming pumasok ni Cheena sa classroom. Doon ako sa pinaka-unahan naupo. I listened to the lecturer and noted down iyong mga bagay na ineemphasis nila sa discussion. After that, dumiretso ako sa office to ask for any mentorship program.

"Wala na pong slot talaga?" I asked.

"Late ka na rin kasi nagtanong," sabi niya sa akin.

"Oo nga po, e," sagot ko na lang kaysa mag-explain pa ako na sobrang daming nangyari sa aking emotional turmoil kaya nalimutan kong magsignup for mentorship program. "Thank you," sabi ko pa rin since fault ko naman na 'di ako umabot.

I stood there, thinking kung ano ang magiging next move ko. Should I ask Brent kung may slot pa sila? Pero kasi hindi naman ako malakas sa admin don... I doubted if i-aadjust nila 'yon para sa 'kin. Normal na estudyante lang naman ako at hindi BAR bet. Hindi rin ako sigurado kung gusto kong humingi ng tulong sa sorority. I mean, I still use the materials they provide and nakaka-usap ko pa rin naman 'yung BAR buddy ko, but I keep it to a minimum.

At least for this period, I just wanted peace para makapagconcentrate ako sa pagrereview... kasi ito lang iyong kontrolado ko ngayon.

"You need a mentor?"

Napa-tingin ako sa nagsalita. Nakaupo siya sa may couch sa waiting area sa may admin room. He was wearing a short-sleeved barong na para bang kakagaling niya lang sa hearing.

"Ay, ayan, si Atty. Serrano sana kaya lang 'di tumatanggap ng mentee 'yan," sabi nung sa admin.

Natawa iyong lalaki. "Ang dami kasing ginagawa sa trabaho," sabi niya.

Kumunot iyong noo ko. Sino ba 'to? I mean... mukha naman siyang lawyer. Ewan ko. Meron kasing certain aura iyong mga lawyer for me. Siguro kahit naka-casual attire sila, malalaman at malalaman ko na abogado sila.

"Do you know someone po?" tanong ko and added po dahil baka mas matanda siya sa akin. I mean, lawyer na siya samantalang hamak na law graduate pa lang ako.

"Grabe, bata pa naman ako," he replied as he stood up and offered his hand to me. "Lance Serrano," he said.

I accepted his hand. "Italia Hernaez," I replied.

"Magttake ka ng BAR ngayon?" I nodded. "Pwede naman akong maging mentor, pero first time ko kasi," he said tapos tumingin siya doon sa staff ng admin. "Kuya, ano ba'ng ginagawa ng mentro?"

"Sumasagot lang sa mga tanong, Atty. Guide lang sa mga mag-e-exam saka minsan nagchcheck ng way ng pagsagot nila kung tama ba o may pwedeng iimprove."

Tumango iyong si Atty. Lance Serrano. Ibinalik niya iyong tingin niya sa akin. "Kaya ko namang gawin 'yon," he said.

Kumunot iyong noo ko. "No offense, Atty... pero sino po kayo?" I asked kasi sino ba siya?

Narinig ko iyong pagtawa sa akin nung mga tao sa may admin. Tapos biglang sinabi sa akin na lecturer din dito sa review center si Atty. Serrano. And apparently, siya iyong top 1 nung BAR exam 4 years ago.

Oh, shit.

Nakaka-hiya ako!

"Sorry talaga, Atty," sabi ko nung nasa labas na kami. Nakaka-hiya talaga ako. Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko.

"No, it's fine," he replied. "You have no obligation to know who I am."

I bit my lower lip. "Ano'ng subject po tinuturo niyo?" I asked kasi lecturer siya dito, pero ngayon ko lang siya nakita. Ngayong review proper lang ba siya maglelecture? Kasi wala siya nung pre-bar, e.

"Merc," sagot niya.

"Lahat po 'yon?" Tumango siya. "Wow... Ang galing naman."

Ang struggle ko pa naman sa Commercial Law subjects lalo na sa Corporation Law. Ang haba-haba niya rin kasi tapos may mga special law pa na kasama.

"Pwede naman akong maging mentor mo kung kailangan mo pa rin," he said.

"Sure po kayo?" I asked kasi sabi kanina hindi siya tumatanggap non kasi busy siya sa work.

"Yeah, it's fine," he replied.

"Baka busy po kayo sa work."

"It'll be fine kung ikaw lang naman mag-isa," he said.

Nahihiya talaga ako after nung blunder ko kanina, but I really needed a mentor now. Time's ticking na rin kasi talaga. I had less than 3 months to review. Parang ang haba pa, pero ang igsi na non. Nape-pressure na talaga ako, but I kept on telling myself to take this review one day at a time.

"Okay po. Thank you. I really appreciate it," I told him. Nilahad niya iyong kamay niya. Napa-tingin ako sa kanya na naka-kunot ang noo.

"Your phone," he replied. "I'll give you my number." Naka-kunot pa rin iyong noo ko. "How else will you contact me?"

Nanlaki iyong mga mata ko.

Right.

Oh, god, sobra na atang bagal magprocess ng braincells ko because of everything that happened the past few months.

I stood there, embarrassed, habang nilalagay niya iyong number niya sa cellphone ko. He handed me my phone back nung tapos na siya. Tapos ay tumingin siya sa relo niya.

"Thank you po ulit," muling sabi ko. Baka may lecture class siya ngayon o kung anuman tapos inaabala ko siya.

I thanked like thrice bago ako umalis at saka naglakad papunta sa may sasakyan ko. Dumiretso ako sa pabalik sa condo. Nagsaing ako ng bigas tapos ay nilabas ko iyong dinner ko ngayon para i-microwave. While waiting for my dinner to be done, I took a bath. I watched a few episodes of Schitt's Creek while eating my dinner. I washed the dishes, did my night routine, then went back to the couch and fell asleep while watching.

That had been my routine for the whole week. It was tiresome, but I was getting the hang of it.

'Hi, Atty! This is Italia—yung sinabihan niyo po na pwede kayong maging mentor. I have a question lang po if pwede ko po i-send sa inyo 'yung answers ko sa mock bar.'

Medyo nagulat ako nung nagreply agad siya. Baka hindi busy kasi Saturday naman ngayon.

'Sure, but we can meet for brunch so I can read it now.'

'Okay po. San po kayo?' I asked kasi ako na nga iyong humingi ng favor, of course pupuntahan ko siya kung saan man siya naka-tira.

'Origin café in BGC.'

Shit.

Ang lapit nun sa condo ni Lui... but I shouldn't think about him. Kailangan kong ma-meet si Atty. Serrano ngayon para sa exam ko.

'Okay, sir. I will be there in 30 minutes po."

I took a quick half-bath and then fixed myself up. I wore my straight maong pants na lumuwag na sa akin kaya naman nagsuot din ako ng belt. I also wore a white boxy shirt na naka-tuck in and white sneakers. I cut my hair into a long bob kaya naman 'di ko na siya masyadong inayos pa. I applied very light makeup para lang matakpan iyong eyebags ko at saka naglipbalm lang ako and I sprayed my Dior blooming bouquet perfume.

Pagdating ko sa may café, diretso lang akong naglakad papasok sa loob without looking elsewhere. I immediately spotted Atty. Serrano. He was reading something on his phone while also holding a small cup of probably a shot of espresso.

"Good morning po, Sir," sabi ko nung maka-lapit ako sa kanya.

Napa-tingin siya sa akin. He looked a bit surprised to see me dahil bahagyang napaawang iyong labi niya. Why, though? Siya kaya nagpa-punta sa akin dito.

He cleared his throat before he gestured na maupo ako doon sa may upuan sa harapan niya. I took a seat. Nilagay ko doon sa bakanteng upuan sa tabi ko iyong gamit ko.

"Nagbreakfast ka na?" he asked.

Umiling ako. "Ikaw po, Sir?"

"Wag ka ng magsir. Pakiramdam ko ang tanda ko na," pabirong sabi niya.

I just smiled. "Mas matanda ka naman talaga sa 'kin, Sir."

"Fine, fine," he replied and then handed the menu to me. "Breakfast muna tayo before anything else."

I didn't want to discuss this further kaya naman pumili na lang ako ng breakfast. I chose eggs benedict for light breakfast saka iced Americano. Atty. Serrano ordered a traditional Filipino breakfast na garlic fried rice, beef tapa, sunny side up eggs, at isa pang cup ng black coffee.

We ate in silence kasi ano naman ang pag-uusapan namin? After eating, I handed him a printed copy of my answer sa mock bar exams ko. Para akong masusuka sa kaba habang tinitignan ko iyong expression sa mukha niya.

"What's your goal for this exam?" he asked me.

Kumunot ang noo ko. "Pumasa?"

"That's it? Pumasa lang?"

"Ang hirap na pumasa pa lang, Sir."

"Don't you want to top the BAR?" he asked. Natawa ako. "Why? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

Mabilis akong umiling. "Wala naman, Sir," sagot ko. "Never ko lang na-imagine na magttop ako sa BAR."

"Why?"

I shrugged. "Just because," I said. "I just want to pass then probably work with my family," I continued. "Obvious naman sa mga sagot ko, Sir, na hindi ako topnotcher material."

"Your answers are actually good. I mean, they can improve, but I see the potential," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko.

Muling natawa ako. "Seryoso, Sir?"

He nodded, still looking serious. "I see the potential, but of course, if you want to top the BAR, you'll have to work extremely hard," he replied. Napaawang iyong labi ko dahil sa sobrang seryoso niya na parang totoo iyong sinasabi niya. "A lot of doors open for people who top the BAR exam, Italia. I mean, if you'll take the exam either way, why not at least try to give it your best shot, right?"

Hindi ako naka-sagot kasi pakiramdam ko ay niloloko lang niya talaga ako. Never pa ako nagtop kahit sa mga exam namin sa school. Sobrang average student lang ako.

But... he's right. I was taking the exam, anyways. And it wasn't as if may iba akong pinagkakaabalahan.

"Okay, Sir," I said. "But how do you propose that I do that?"

We stayed in the café for few more hours that we ordered iced Americano again. Atty. Serrano made me a study calendar and told me that I needed to follow it religiously. He also told me to print the syllabus and make sure na kabisado ko lahat nung naka-lagay doon. He also said na humingi ako ng kopya ng cases ng BAR chairman and read them full text but to ask my BAR buddy to make me digests for each subjects. I was also required to read all the BAR question for the past 10 years and then answer per year every night para ma-practice ako.

"That's it for now," sabi niya sa akin. Para akong nahilo sa dami ng pinapagawa niya sa akin. "If you have any question, just text me."

Tumango ako. "Thank you, Sir."

"Practice again kung paano ka magsagot sa questions," he said. "You know the answers, but you just have to present them better."

Tumango ulit ako. "Yes, Sir," I replied.

Dumating iyong waitress at inabot sa amin iyong receipt.

"Ako na, Sir—" I said nung aabutin ko iyon para ako na iyong magbayad.

"I got this," he said, smiling at me na para bang kanina ay hindi siya sobrang seryoso sa dami ng pinapagawa niya sa 'kin.

"Thank you, Sir..."

"It's fine," sabi niya. "Libre mo na lang ako kapag abogado ka na rin."

I just smiled back at him. I didn't know what he saw in me para magtiwala siya nang ganito sa akin. But I was just grateful to have someone who believes in me lalo na ngayon.

Sabay kaming naglakad palabas ni Atty. Serrano nung biglang bumilis iyong tibok nung puso ko nang makita ko na makaka-salubong namin si Lui. I could hear the loud beating of my heart na para bang tatalon na palabas ng dibdib ko iyong puso ko. My chest began to tighten at the mere sight of him.

But I kept on walking and didn't look back—life goes on. 

**

This story is already at Chapter 22 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you! 

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 52.5K 43
Nadia de Marco knew what she wanted in life and that is to be the most powerful woman in the country. Growing up in the Philippines, she knew that it...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
195K 10.6K 24
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.