Owned By A Cold-hearted Man (...

Par ImaheNasyooon

38.9K 333 35

[O N G O I N G] WARNING: MATURED CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! Plus

PROLOGUE (R-18)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6 (R-18)
CHAPTER 7
CHAPTER 8 (R-18)
CHAPTER 9 (R-18)
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12 (R-18)
CHAPTER 13
CHAPTER 15 (R-18)
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20 (R-18)
CHAPTER 21 (R-18)
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25

CHAPTER 14

710 15 4
Par ImaheNasyooon

edennndd this is for you since ikaw ang palagi kong nakikitang nagcocomment! Hope you like this!😊


CHAPTER 14



N I Ñ A



Abala ako sa pagluluto ng agahan at babaunin ng anak ko nang makarinig ako ng katok sa pintuan ng bahay. Hininaan ko ang apoy para hindi masunog ang niluluto kong pritong manok at naglakad palapit sa pintuan at pinagbuksan ang kung sino man.




"Theros....." Gulat na banggit ko sa pangalan niya nang siya ang mapagbuksan ko ng pinto. "Ang aga mo yata? Halika, pasok."



Naglakad siya papasok at hindi na ako nagulat nang dumukwang siya para halikan ako sa pisngi bago lampasan.




"Wala ka bang trabaho ngayon at nandito ka?" Tanong ko. Dumiretso ako sa kusina pagkatapos ko isarado ang pinto at ipinagpatuloy ang pagluluto.




Naramdaman ko ang pagsunod niya sa likuran ko at yumakap sa bewang ko mula sa likuran saka pinatakan ng halik sa buhok ko.




"Won't you greet me a good morning first?" Tanong niya saka ipinatong ang baba sa tuktok ng ulo ko.





Alam ko namang maliit ako pero sa ginagawa ni Theros ay nagmumukha talaga akong maliit at siya'y matangkad naman.





Natawa ako. "Edi good morning,"





"Napipilitan pa," bulong niya, mas napatawa ako. Nilingon ko siya, tumingkayad at hinalikan siya sa panga.






"Magandang umaga. So bakit ka nga nandito nang ganito kaaga? Wala ka bang gagawin ngayon?"





"Nah, I'm free today,"





"Oh, eh di dapat nagpapahinga ka ngayon," pinatay ko ang gasol at inilipat ang mga pritong manok sa isang malaking tupperware.





"I want to spend my day with you," sabi niya, hinawakan ang panga ko at iniharap sa kanya at mariing hinalikan ang labi ko. "Do you have work today?"




"Papasok dapat ako pero hindi kasi maganda ang pakiramdam ko kaya nagpaalam muna ako sa shop na hindi ako papasok ngayon,"






"What?" Nanlaki ang mata ko at nagulat nang bigla niya akong pinaharap sa kanya at sinuri ang katawan ko, ang berdeng mga mata ay nabahiran ng pag aalala. "What happened? Saan ang masakit? Tell me, love. Do you want me to bring you to the hospital? Tell me." Sunod sunod na tanong niya.






Sandali akong napatitig sa kanya at nang makabawi ay napahagalpak na lang ako sa tawa. Nagsalubong naman ang kilay niya habang nakatitig sa akin, tila nagtataka kung bakit ako tumatawa.





"What the......why are you laughing?" Nagtataka niyang tanong.





Umiling ako at kinagat ang labi para tumigil sa pagtawa. "Wala, wala,"





"Are you.....making fun of me, woman?" Ang pagtataka sa mukha niya ay napalitan ng masamang tingin. Umiling ako at tinalikuran siya.





"Hindi, ah! Bakit kita pagtatawanan?" Mariin kong kinagat ang labi nang gusto na namang kumawala ng tawa ko.





Wala namang nakakatawa pero gusto kong tumawa. Para tuloy akong baliw na nakawala sa mental facility dahil sa pagtawa ko nang wala namang dahilan.





"Then why are you biting your lips?" Pumwesto siya sa gilid ko at sinilip ang mukha ko. Mas kinagat ko pa ang labi. "Love...." Nagbabanta na ang boses niya.






Hindi ko siya pinansin at tinalikuran upang ihanda na ang babaunin ng anak ko.






Hindi ko naramdaman ang pagsunod niya. Palihim ko siyang sinilip sa gilid ng mata ko at nakita ko siyang parang model na nakasandal ang likuran sa lababo namin at nakatitig sa akin.






Kahit hindi ko siya diretsong tignan ay kitang kita ko pa rin kung gaano siya kagwapo sa pwesto niya. Ang mga braso ay magkakrus sa dibdib niya, halos pumutok na tuloy ang manggas ng itim niyang polo.






Napakagat ako nang labi nang bigla akong matakam sa kanya. Iniwas ko na lang ang tingin at nagpanggap na hindi apektado sa intensidad ng tingin niya sa likuran ko.






"Tito Sungit!" Napalingon ako nang marinig ang hiyaw ng anak ko. Mukhang tapos na niyang bihisan ang sarili dahil naka uniform na siya. Napangiti ako nang makitang tama ang pagsuot niya uniform.





Pinanood ko siyang magtatakbo palapit kay Theros na nasa kanya na ang atensyon at nakangiti nitong sinalubong ang anak ko.





"Tito Sungit, ikaw ba po ang maghahatid sa 'kin sa school?" Ngiting ngiti nitong tanong. Magsasalita na sana ako para sumabat nang sumagot si Theros.





"Gusto mo ba?" Hinawi niya ang bangs ng anak kong tumutusok na sa mata nito. Ang malamig nitong boses ay naging malambot at malambing.





Sunod sunod na tumango ang anak ko sa tanong ni Theros. "Opo," nagsalubong ang kilay ko nang bigla itong ngumuso at lumungkot ang mga mata. "Naiinggit ako po sa mga klasmeyt ko po, Tito Sungit,"





"Why, hmm?"






"Kasi sila po nihahatid ng mga tatay nila, ako po, walang tatay na naghahatid," natigilan ako at napatitig sa anak ko.





Nakita ko ang pagsulyap sa akin ni Theros pero hindi ko siya nagawang tignan dahil natuon lang ang tingin ko sa anak kong nakanguso at malungkot ang mga mata.






"Do you want me to send you to your school?" Tanong ni Theros at tumango naman ang anak ko. "Okay, hahatid ka ni Tito Sungit. Don't be sad anymore, baby. Smile for me, come on." Pang-e-engganyo ng boyfriend ko sa anak ko kaya sa huli ay napangiti na rin ang anak ko. "There you are. You are more beautiful when you smile, like your Mama,"






Namula ang pisngi ko nang sulyapan niya ako at nginisihan.





"Talaga po, Tito Sungit?"






Tumango si Theros. "Of course, princess."






"Tito Sungit......" Ngumuso na naman ang anak ko pero hindi na malungkot ang mga mata niya.





"Yes, princess?"





"Payag ba po ikaw na maging Papa ko?"






Pareho kaming natigilan ni Theros nang marinig ang tanong ng anak ko. Napakurap kurap ako. Napatingin ako kay Theros na tila natulos yata sa pag upo sa harapan ng anak ko, ang mga mata niya ay kumukurap kurap at naka awang ang labi niya habang nakatitig sa anak ko na nakatingin din sa kanya at puno ng pag aasam ang mga mata.





"Thania, anak?" Tawag pansin ko rito. Nag-squat ako sa harapan niya para pantayan ang height niya. Inayos ko ang uniform niya at tiningnan sa mata. "Hindi mo dapat tinatanong si Tito Sungit ng ganyan,"





"Pero Mama......gusto ko po maging tatay si Tito Sungit," nanlaki ang mga mata ko. "Bawal po ba, Tito Sungit?" Baling niya sa nobyo ko na tila nagugulat pa rin.






Hindi ko alam kung bakit at paano naiisip ng anak ko ang ganito. Gusto niya maging tatay si......Theros? Ayos lang naman sa akin, kung ako ang tatanungin. At tulad nga ng sabi ni Theros noon, tanggap niya ang anak ko at willing siya maging ama ng anak ko pero.....hindi ba masyadong mabilis?






Tumikhim ako. "'Nak, pwede ko bang malaman kung bakit gusto mo maging tatay si Tito Sungit?"





Ngumuso siya at tinitigan si Theros. "Kasi po gwapo siya,"





Napanganga ako sa sagot niya. "Dahil lang sa gwapo siya, gusto mo ng maging tatay?"





"Mama, hindi po."





"Oh, ano pa?"





"Kasi mabait po siya. Hindi po siya tulad ni Tatay Cardo na masama, palagi pa po akong nipapagalitan at sinasaktan kasi pasaway daw po ako."





Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. "Tama.....tama ba ang narinig ko, Thania, sinasaktan ka noon ni Ricardo?"





Tumango siya. "Opo."





Sumama ang timpla ng mukha ko. Bakit hindi ko alam 'yon? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Anong karapatan niya para saktan ang anak ko? Iyon ba ang dahilan kung bakit parati kong nakikitaan ng pasa at sugat ang anak ko? Dahil sinasaktan ng gagong 'yon ang anak ko?





"Mama,"





Tarantado siya! Tatay lang siya pero wala pa rin siyang karapatang saktan ang anak ko!






"Love," napatingin ako kay Theros nang maramdaman ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Sinulyapan ko ang anak ko na naka akbay na ang isang braso sa leeg ni Theros.





"Mama, galit po ikaw?" Tanong ng anak ko.





"Love, calm down,"





Nag iwas ako ng tingin at bumuga ng hangin. Pinapakalma ang sarili. Tumayo ako kaya napatayo rin sila. Tinalikuran ko sila at tahimik na inayos ang baon ni Thania.












THIRD PERSON'S POV


Tahimik lang na pinagmasdan nina Theros at Thania si Niña na walang imik na iniwan sila sa kusina matapos nitong ihanda ang babaunin ng anak.





"Papa, galit ba po si Mama?" Malungkot ang boses na tanong ni Thania. Hindi pa umu-oo si Theros sa pagiging ama kay Thania pero sino ba siya para tanggihan ang bata? Tulad ng sinabi niya kay Niña noon, tanggap niya si Thania at willing siya maging ama rito.




Tumikhim si Theros. Binuhat si Thania at binitbit ang bag na pinaglalagyan ng baon nito at dinala ang bata sa sala.





"Dito ka muna, hmm? Kakausapin ko lang si Mama. Hintayin mo si P-papa, ihahatid kita, okay?"





Tumango ito. "Okay po."





Tinalikuran niya ang bata at nagtungo sa labas ng kwarto nina Niña at Thania. Kumatok siya ng tatlong beses bago nagpaalam na papasok.





Nakita niya ang nobya na nakahiga sa katri, nakaharap ito sa bintana. Isinara niya ang pinto at naglakad palapit dito.





"Love,"





Hindi sumagot si Niña. Pumunta siya sa gilid kung saan kung saan ito nakahiga at naupo sa tabi nito. Inangat niya ang kamay para hawiin ang buhok ng girlfriend saka hinaplos ang pisngi nito.





"Are you mad?" Mahinahon ang boses na tanong niya.





Bumuntong hininga si Niña saka bumangon. Hinawakan ni Theros ang kamay nito nang maupo ito paharap sa kanya.






"Bakit ngayon ko lang nalaman?" Bagsak ang balikat na tanong nito. Nilalaro ni Niña ang mga daliri niya. "Ang tagal naming nagkasama sa iisang bubong, pero bakit hindi ko man lang nalaman kaagad ang ginagawa niya sa anak ko? Sa tuwing uuwi rin ako noon, parati kong nakikitaan ng pasa at sugat ang anak ko pero bakit wala akong alam sa pinaggagagawa sa kanya ng Ricardo na 'yon? Ang sama ko naman para hindi man lang nalaman kaagad ang pinagdaan ng anak ko."






Hindi nagsalita si Theros at hinaplos lang ang pisngi ng girlfriend niya gamit ang isang kamay. Hindi pa siya nagkaka anak at hindi niya rin alam ang nararamdaman ni Niña kaya hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.






"Makita ko lang talaga ang gago na 'yon, ako mismo ang sasampal sa kanya. Gago siya! Alam kong tatay siya ng anak ko, pero wala pa rin siyang karapatang saktan si Thania. Buti na lang umalis siya sa piling naming mag ina."





"Do you want to sue him? I can contact a lawyer for you,"






Umiling si Niña. "Huwag na, baka matalo lang ako sa korte. Atsaka wala akong pambayad."






"Don't mind the money, love, I can pay all the expenses—fuck! What was that for, love?" Takang tanong niya nang bigla siyang hampasin ni Niña sa braso.





"Boyfriend kita pero hindi kasama roon ang paggastos mo ng malaking halaga para sa 'kin, Theros."






"Who said it's for free?" Kunot ang noo na tanong niya, hinahaplos ang brasong hinampas nito.






"At ano naman ang magiging kapalit kung sakali?"






Tumitig si Theros sa nobya at ngumisi. Idinantay niya ang mga kamay sa katri at inilapit ang mukha sa nobya na nanlalaki ang mga mata at hinalikan ito sa labi.






"Malalaman mo rin."












"Let's go?" Nakangiting tanong ni Theros kay Thania nang maibaba niya ito mula sa sasakyan.






Malapad na ngumiti ang bata at tumango. Magkahawak kamay silang pumasok sa gate. "Hi po, kuyang guard. Magandang umaga po!" Energetic na bati ni Thania sa guard na ngumiti rin sa kanya.





"Magandang umaga rin, Thania. Mukhang ganado ka ngayon ah?"





"Oo naman po! Kasama ko po ang Pogi kong Papa, eh!"







Napangiti si Theros nang makitaan ng pagkislap sa mga mata ni Thania dahil sa tuwa.






"Ay, sir! Ikaw po pala ang tatay ni Thania, ngayon lang po kayo nagpunta rito ah?" Ngiti ng guard.






Tipid na ngumiti si Theros at tumango. "I don't have work today, that's why."





"Gwapo po ng Papa ko, 'no?" Ani Thania.





"Oo nga, Thania!"





"We have to go. Let's go, princess."






Habang naglalakad ay napapalingon naman ang mga kababaihan kay Theros. Mga guro man, mga nanay o ate ay napapasunod ang tingin sa kanya.





Ramdam ni Theros ang atensyon na ibinibigay sa kanya pero ni isa ay wala siyang nilingon. Sanay na siya sa atensyon kaya hindi na bago sa kanya ang ganitong mga sitwasyon.




"Vergara yan, 'di ba?"





"Si Theros Vergara yan, 'yong may ari ng sikat na Real State Agency!"





"Grabe! Ang gwapo pala talaga niya! Anak niya ba 'yong kasama niya?"





"Hindi yata! Hindi magkamukha eh! Atsaka walang nababalita na may anak na siya!"





"Kung ganun, sino 'yong bata?"





"Baka pamangkin lang!"




"Grabe po, Papa, sikat ka po pala talaga." Nagbaba ng tingin si Theros sa anak nang magsalita ito.





"Don't mind them, princess." Iyon lang ang tanging sinabi niya.





"Okay po."




"Where's your classroom?" Tanong niya rito.





"Doon po, Papa, sa huling pintuan po,"





Tahimik nilang nagtungo sa room ni Thania at tumigil sila sa labas. Naroon na ang ibang mga kaklase ni Thania. Nag-squat si Theros.





"Princess, behave, okay? When something happened, call me or your mama, hmm?" Inayos niya ang buhok nito at uniform.





Kaagad namang ngumiti si Thania at tumango. "Okay po, papa."




Napangiti si Theros. Kanina pa siya nito tinatawag na papa pero nagugulat pa rin siya. "Do you have friends here, princess?"





"Opo, pero papa, niaaway po ako nung iba," sumbong nito sa kanya.





"Why? What's their reason para awayin ka?"





"Wala raw po ako tatay tapos mahirap lang daw po kami ni mama,"






Nagsalubong ang kilay ni Theros at nag isang linya ang labi. "That's it? Just because of that, binubully ka na nila? Nagsusumbong ka ba sa teacher mo?" Tiim ang bagang na tanong niya.





"Opo, pero nibubully pa rin po nila ako," hinaplos ni Theros ang pisngi nito nang makitang nangingilid na ang luha nito.





"Don't cry. You shouldn't cry, Thania, just because of them. You should be strong. Kahit anong sabihin nila sayo, you should not have let them see you cry or affected of what they're saying. Show them that you're not affected of them, of everything. Keep you chin up and show them how strong and brave you are. Are we clear, princess?"





Suminghot si Thania, tumingin sa kanya at ngumiti at tumango. "Okay po, papa."




Napangiti si Theros at bahagyang ginulo ang buhok ng anak. "Very good, princess."






"Thania, bakit nandito ka pa sa labas?" Sabay silang napatingin nang marinig ang boses ng babae. Tumayo si Theros kaya sa kanya napunta ang tingin ng babae. Sa suot nito ay mukhang teacher ito rito. Nakita ni Theros at pagkislap ng paghanga sa mga mata nito kaya lumamig ang ekspresyon ng mukha niya.





"Hi po, teacher! Papa ko po pala!" Ani Thania. Sinulyapan ng babaeng guro ang bata bago ibinalik ang tingin sa kanya.





"I'm Fiona, adviser ako ni Thania. You are Theros Vergara, right? Nice to meet you." Inilahad nito ang kamay na malamig niya lang tinignan. Nagbaba siya ng tingin sa anak.





"Go inside, princess,"






"Bye, papa!" Kumaway ito sa kanya nang nakangiti. Tipid na ngumiti lang si Theros at tinanguan ang anak. Pinanood itong makapasok sa classroom nito at makihalubilo sa mga kaklase.






"Papa mo, Thania?" Dinig niya pang tanong ng isa nitong kaklase pero hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin.





"So ikaw pala ang papa ni Thania?" Nilingon niya ang babae, nanatiling blangko ang mukha, tinanguan niya ito. "Bakit ngayon ka lang napadpad dito, kung gan—"






Biglang nag ring ang cellphone ni Theros na nasa bulsa niya kaya natigilan sa pagsasalita ang babae. Kinuha niya 'yon at nang makita ang pangalan ng girlfriend ay mabilis niya iyong sinagot.





"Yes, love?"





Mabilis na napawi ang ngiti ng babaeng guro nang marinig ang sinabi ni Theros.





"Pauwi ka na?" Tanong ni Niña.





Sinulyapan ni Theros ang babaeng wala ng imik sa harapan niya at tahimik na nagpaalam dito at tinalikuran.





"Yup. Miss me already?"





Tumawa lang si Niña kaya napangiti na lang siya. "Papabili sana ako,"





"Hmm? What do you want?"





"Gusto ko ng mangga, 'yong maasim,"





"Hmm," he nodded. "Ano pa, love?"





"Bili ka rin ng ice cream, vanilla flavor," kumunot ang noo ni Theros sa pagtataka.





"You want me to buy mangga, 'yong maasim, and ice cream na vanilla flavor?"






"Oo,"




"Hindi kaya sumakit ang tiyan mo nyan, mahal ko?"





"'Yon ang gusto ko eh." Parang bata na usal ng nobya.





"Okay, I'll buy it for you. Ano pa? May gusto ka pa ba?"





"Hmm, gusto ko ng.....gusto ko ng balut!"





Napatigil si Theros sa paglalakad nang marinig ang sinabi ng nobya. Lalo siyang nagtaka sa mga pagkain na pinapabili nito.





"Love?"





"Hmm?"





"Lilinawin ko lang ha?"





"Okay!" Bakas ang tuwa sa boses nito.





"Gusto mo ng mangga na maasim, ice cream na vanilla flavor at.....balut, tama ba?"





"Hmm-mm!"





"Love, baka talagang sumakit ang tiyan mo nyan."





"Pero 'yon ang gusto ko! Ibibili mo ba ako o hindi?"





Tahimik na bumuntong hininga si Theros. "Okay. Ibibili kita."





"Okay! Ingat ka, hintayin kita! I love you!"





Natigilan si Theros at parang napako ang mga paa sa tabi ng kotse niya nang marinig ang sinabi ni Niña.






Did she....did she just said she loves me? Oh fuck!





Nang makabawi sa gulat ay nagmamadali siyang sumakay sa sasakyan at pinaharurot paalis para mabili ang mga pagkain na gusto ng girlfriend niya at nang makabalik kaagad sa bahay.




————————————————————————————:)

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

45.2K 1.4K 12
Book II of The Bride of the Demon series COMPLETED After the death of her baby sister, Y/n is free. She can breathe how she wants, think about what s...
47.5K 343 34
Jade Amethyst Garcia 22 years old she loves cooking food so much, she's just a simple girl who lives in pampanga but when her dad died, her mother ma...
1.5K 125 40
hangang kailan itatago ang katotohan ukol sa nakaraan ? paano kung muli mag krus ang landas nyo ano ang gagawin mo?