Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

141K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Outro
Message
Playlist

Chapter 40

3.8K 70 69
By kemekemelee

Thank you for sticking with me until the end! Next chapter will be from Simon's point of view. In addition, kindly turn on your data or Wi-Fi to view the photos I've included in this chapter.

Harmony

"Happy birthday, bading! Ang birthday gift namin sa'yo ay surprise na quiz sa Histology!"

I wrinkled my nose. "Putangina."

"You're welcome," Ria answered sarcastically.

After a year of contemplation, I finally gave in to my desires and went to med school after passing the NMAT. Hindi rin naging madaling desisyon para sa akin iyon dahil may anak na ako at the same time alam kong mauubos ang oras ko sa med school.

But now, unlike before, I don't have to shoulder the burden alone. I'm surrounded by people who are ready and willing to share it with me.

"Pero seryoso nga? May quiz ba?"

Ria chuckled. "Binibiro ka lang. What are your plans for today? Gimik tayo?"

Umiling ako. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng notes hanggang sa wala na akong maintindihan sa binabasa ko. Totoong kinain ng med school ang oras ko pero mapalad ako sa mga taong nasa paligid ko dahil mahaba ang pasensya nila sa akin.

"Nah. May concert ang boyfriend ko mamaya. Pupunta ako kasama ang anak namin," sagot ko.

"Makakahabol ka ba? 5 pa matatapos ang klase natin."

"Didiretso na lang ako. May ticket naman ako kaya anytime lang pwede akong pumasok at saka boyfriend ko naman ang magko-concert!" pagmamayabang ko pa.

Kung tutuusin ay medyo alanganin nga iyon dahil 5 pa matatapos ang klase ko. Minsan kasi nae-extend pa ang klase kaya ang 5 pm ay pwede ring maging 5:30. Malapit lang naman dito ang concert venue pero kailangan ko pang magbihis at mag-ayos. Kung talagang late ako ay wala na akong choice kung hindi dumiretso doon kahit naka-uniform pa ako.

"Tangina talaga. Ganiyan ang gusto kong flex sa buhay. Boyfriend ko ang performer kaya ayos lang kahit anong oras ako makapunta. Ikaw na talaga!"

Simon cleared my name a year ago. He asked for consent to tell the press about what happened that particular night. The rumors were dispelled, but there are still haters. However, it's fine because I know for a fact that we cannot please everyone. It's just up to them whether they choose to believe us or not. As long as we've told them the truth, then the problem is not ours.

"Right? Tagal kong pinangarap iyan si Simon," halakhak ko.

5 PM na pero hindi pa rin tapos magturo ang professor namin. Tadtad na rin ng chat at tawag ang phone ko dahil 6 PM magsisimula ang concert ng Equinox. Hindi ko rin naman kasalanan na may klase ako ng sabado kaya wala akong choice kung hindi tapusin ito bago ako mag-enjoy mamaya.

"Before I dismiss you, let's have a short quiz."

"Tangina," bulong ko sa sarili ko.

Napakamot na ako sa batok ko sa sobrang inis. Bakit kaya kapag nagmamadali ka saka pa nakikiepal ang lahat? Hindi ba pwedeng sumang-ayon muna sa akin kahit ngayong araw lang kasi birthday ko naman?!

Iritado kong kinuha ang phone ko para silipin ang messenger ko. May missed call pala si Damian sa akin. Magkasunod pa ang tawag nila ni Poppy. Ang sabi ko pa naman kasi ay daanan nila ako pero baka paunahin ko na lang sila dahil may lintek na quiz pa ako.

DC Santillano

Saan ka na?
Nasa labas kami ni Poppy.

Mamaya na ako. Una na kayo.

Bakit?

Tangina may quiz pa kasi kami.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

Gagong 'to. Tinatawa tawa mo d'yan?

Wala naman. Hintayin ka na lang namin.

Ge.

Short quiz daw pero inabot kami ng thirty minutes. Ang laki tuloy ng busangot ko habang nagliligpit ako ng gamit. Gusto pa nga sana niya na i-check namin ang quiz kaso buti na lang may tumawag sa kaniya kaya na-dismiss na rin kami.

"Tanginang iyan. 5:40 na. Anong gagawin ko? Lumipad papunta sa Pasay?"

"Retouch ka na lang tapos huwag ka na magpalit," suhestyon ni Ria.

Bumaba ang tingin ko sa suot kong clinical uniform. Hanggang tuhod ko naman yung skirt tapos itim naman ang sapatos ko. Napabuga na lang ako ng hangin dahil wala na akong choice. Ano naman kung naka-clinical uniform? At least nasa concert ako.

"Oo nga. Hindi na ako magpapalit," sagot ko.

Muli akong niyakap ni Ria bago niya ako hinalikan sa pisngi ko.

"Happy birthday ulit, Darlene! Enjoy ka!"

I smiled. "Thanks, Ria."

Matapos iyon ay agad kong sinagot ang tawag habang naglalakad ako papunta sa labas.

"Nasa labas pa rin ba kayo, Damian?"

"Diretso ka na sa parking lot. Nandito pa rin kami," sagot ni Damian.

I nodded. "Sige, malapit na ako. Hintayin niyo na lang ako."

I ended the call after that. Sinipat ko ang phone ko pero ni isa ay walang chat galing sa anak ko at sa boyfriend ko. Miski sa dalawa kong pamangkin ay wala rin!

"Baka si Maki may chat sa akin," biro ko habang kunwaring hinahanap ang chat ng aso namin.

Nakarating na ako sa parking lot at doon ko namataan si Damian at Poppy na kanina pa ako hinihintay. Kinawayan ko naman sila habang si Poppy ay agad akong sinalubong ng yakap.

"Happy birthday, Dar!" bati sa akin ni Poppy.

Tinanguan naman ako ni Damian. "Happy birthday."

"Thank you, lovebirds. Pasensya na kayo medyo natagalan. Nagpa-quiz pa kasi yung professor namin tangina ayaw paawat."

"No worries. Papalit ka pa ba ng damit o hindi na?" tanong ni Poppy.

I shook my head. "Hindi na siguro. Halika na para makahabol pa tayo."

Natahimik ako habang nasa sasakyan kami. Isang taon ng kasal si Damian at Poppy habang sila Zero at Euphony naman ay halos dalawang taon na rin. Habang ako naman ay may priorities pa sa buhay kaya ayos lang sa akin kung hindi muna kami humantong sa gano'n ni Simon. Naunawaan niya naman iyon dahil mas nauubos na nga ang oras ko kakaaral. Last year ay ginugol ko pa ang oras ko magreview para sa NMAT.

6 PM nang makarating kami sa venue. Sa labas pa lang ay dinig na dinig ko na agad ang tilian kaya naman mas lalo akong nataranta. Boyfriend ko na si Simon pero iba pa rin ang atake niya as an artist. Akin na siya pero hanggang ngayon ang sarap sarap pa rin niyang tingalain at pagmasdan sa malayo.

"Start na pala. Tara na para maabutan pa natin!" sabi pa ni Poppy.

Mabuti na lang ay nasa royalty kami kaya hindi na namin kailangan pang pumila. May designated na rin na pwesto para sa amin kaya naman may special treatment pa kami sa mga bouncer ng venue.

"Buti nakaabot ka!" bungad sa akin ni Euphony.

"Gago, akala ko talaga hindi ako makakaabot. Tangina ng professor namin ayaw paawat. Dismissal na nga lang nagpa-quiz pa amputa."

"Tanginang bunganga iyan. Iiyak ang araw kapag hindi nakarinig ng mura galing sa'yo," si Zero iyon.

"Tanda tanda mo na epal ka pa rin?" iritado kong sagot.

Mula rito sa pwesto ko ay nasulyapan ko si Vance. Nginitian ko siya pero tinanguan niya lang ako.

"Mag-isa ka lang?" medyo malakas kong tanong.

He nodded. "Oo."

"Nasaan girlfriend mo? Hindi mo kasama?"

Siniko naman ako ni Zero. "Single iyan gago. Bastos mo talaga."

"Ay, hindi nga? Akala ko girlfriend niya yung nasa wallpaper niya."

"Huwag ka na lang magtanong," sagot pa ni Zero.

"Bakit parang alam mo lahat ng talambuhay ng mga tao? Tangina, gawin mo na kayang career pagiging pakialamero."

Zero glared at me. Hinawakan na lang ni Euphony ang braso niya kaya hindi na niya ako sinagot. Talo ka talaga kapag under ka ng asawa mo.

Ngumuso na lang ako at muli kong tinitigan si Vance. Hindi ko mabasa ang expression niya dahil sa salamin na suot niya at lalo na sa cap na suot din niya. Anyway, not my business naman. Malaki ang naitulong niya sa akin kaya naisip ko na ring i-invite siya dito sa concert. Dalawang ticket pa naman binigay ko dahil akala ko isasama niya girlfriend niya.

"Tita!" tawag sa akin ni Odette.

Sila ang nilapitan ko at tinabihan. Hinawakan ko rin ang buhok ni Primo at bahagya kong ginulo iyon.

"Nasaan si Sol? Kanina pa ba kayo dito?"

Tumango siya. "Si Sol po nasa dressing room. Tulog po kasama si Nanang Lita."

"Akala ko pa naman gusto niya panoorin ang Daddy niya!"

"Pagod po kakalaro kay Maki. Nandoon din po si Maki sa dressing room. Parehas po silang tulog at binabantayan ni Nanang Lita," pagsusumbong din ni Primo.

Humalakhak naman ako bago ko binaling ang tingin ko kay Simon na kasalukuyan na ngayong nagpe-perform kasama ang mga kaibigan niya.

"Hayaan na muna natin si Sol. Enjoy na lang tayo na panoorin ang Tito niyo, okay?"

Ilang saglit lang ay may nilabas na maliit na banner si Primo. Tinaas niya iyon bago siya nag-cheer para kay Simon. Hindi ko naman mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ang dalawa na maging supportive kay Simon.

The truth is Simon never failed to make them feel that they are part of the family. Pakiramdam ko pinapakita niya sa dalawang bata ang kakulangan na hindi niya natanggap sa pamilya niya noon. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit naging malapit ang loob ni Primo at Odette sa kaniya.

"I love your little family," bulong ni Euphony sa akin.

I glanced at her. "Ako rin. Mahal na mahal ko sila."

"Happiness looks good on you. Happy birthday, Darlene! Mahal kita palagi," Euphony greeted me before hugging me.

"Thank you, Euphony. I mean sa lahat na talaga ng naitulong mo sa akin. Hindi ko na mabilang pero salamat talaga."

She giggled. "Got you always. Alam mo naman iyan."

Tumingala ako kay Simon na ngayon ay nakatingin na sa akin. I waved at him. Nakita ko naman ang pagkislap ng mata niya bago siya ngumiti.

Looking back on the memories of my younger self made me realize that my feelings for him haven't wavered a bit. It was still the same—him on the stage, me on the ground, watching and admiring him like a star that my hand would never reach. Because it was meant to be unreachable, admired from afar.

But the possibilities in life have no limits as long as we are breathing. Chances are endless. Even the star within my reach.

"I'm so proud of you!" I mouthed.

He winked at me. Muli niyang binaling ang pansin niya sa crowd na halos magwala na sa performance nila. Hindi ko naman mapigilang matawa dahil kahit anong tili nila, sa akin pa rin uuwi si Simon.

Not the usual outfit. Pinili ni Simon na magsuot ng puting button down shirt at black pants. Bukas ang unang dalawang butones kaya naman kita ang tattoo niya sa dibdib pati na rin ang kwintas niya na kulay ginto. Ang buhok niya ngayon ay medyo mahaba na rin. Abot na iyon hanggang balikat niya dahil sinabi ko sa kaniya na mas gusto ko ang mahaba niyang buhok.

After almost 2 hours of performing. Sandaling nagpahinga sila Simon kaya naman VCR na lang muna ang naka-play ngayon sa malaking screen. Kinuha ko na lang muna ang phone ko at laking gulat ko na lang nang makita ko ang bagong post ni Simon! Ngayon lang iyon habang nagpapahinga siya!

Napansin ko ang bagong layout ng Instagram account niya. Puro black and white na lang iyon. Nine pictures lang ang nasa account niya at puro mukha ko lang iyon at ng anak namin!

sgbenitez

9 posts   27M followers   13 following

musician/band
"endless harmony" out now.
📎 equinox.com/tour and 2 more

"Tangina, ibang klase rin matamaan si Simon!" komento ni Zero na ngayon ay nakatutok din sa phone niya. Mukhang nakita niya na rin ang mga post ni Simon tungkol sa akin.

Sa buong arena rin ay dinig na dinig ko ang bulungan at tilian. Lahat halos sila ay nakatutok din sa phone nila. Sigurado akong nakita na rin nila ang post ni Simon ngayon lang. Binalik ko ang tingin ko sa phone ko at hindi ko maiwasan na mapangiti.

His words... never really failed to make me smile.

sgbenitez: you are the dream i've stopped sleeping for.

sgbenitez: my favorite love song.

sgbenitez: i've never felt more alive than when i'm with you.

sgbenitez: i don't need to go to art museums when i have this view every day of my life.

sgbenitez: so, this is love. siren eyes, a pointed nose, red plump lips, long jet-black hair. i never knew the true meaning until i met you.

sgbenitez: life took on a different hue when you entered the scene. it was like discovering a new favorite song—unexpected, yet instantly familiar.

sgbenitez: my love, every part of me is yours. it's been yours since the day we met, and it'll be yours even if you decide you no longer want it.

sgbenitez: i am endlessly in love with you.

Hindi ko pa tuluyang napa-process ang captions niya nang marinig ko ang mahinhin na boses ng anak ko sa buong arena. Hinaluan din iyon nang malambing at namamaos na boses ni Simon.

Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sa LED screen na unti-unting umaangat. Iniluwa no'n si Simon at si Sol na magkahawak ng kamay. Parehas silang kumakanta habang naglalakad. Bakit hindi ko alam ito?!

Mas lalo pa akong nagtaka nang maglabas ang mga nasa tabi ko ng blue roses. Pati na rin si Primo at Odette. Nilingon ko sila Euphony na nakangisi lang habang pinapakita sa akin yung blue rose na hawak nila. Umangat ang tingin ko sa ibang tier at pati sila ay may hawak din! Parang nagkaroon ng wave ang lahat ng kulay asul na rosas.

"I remember what you wore on the first day. You came into my life and I thought, hey you know this could be something."

Kinawayan ako ni Sol nang makarating sila ni Simon sa center stage. Sumunod din sa likod nila si Jagger, Felix, at Levi. Ano bang nangyayari? Bakit parang nagkaroon sila ng usapan na hindi ako kasali?! I feel so out of place!

"'Cause everything you do and words you say. You know that it all takes my breath away, and now I'm left with nothing."

Nagulat na nga lang ako nang hawakan ni Primo at Odette ang magkabila kong kamay.

"Tita, sama po kayo sa amin!" Primo said.

"S-saan tayo pupunta?"

Odette giggled. "Basta po sumama na lang po kayo!"

Clueless akong nagpahila sa dalawa. Laking gulat ko na lang nang dumiretso sila sa hagdan paakyat sa stage. Kasabay din ng pag-akyat namin ay ang pagsulpot ni Maki galing sa backstage! Tumakbo pa ito diretso sa paanan ni Simon at dinilaan ang kamay niya.

"Ano ba talagang nangyayari?" tanong ko pa ulit sa dalawang bata.

"So maybe it's true that I can't live without you. And maybe two is better than one."

Humarap si Simon sa pwesto namin habang nakatingin sa akin. Sa magkabilang kamay ko pa rin ay hawak ako ng dalawang bata. Malaki ang stage kaya aabutin pa siguro ako ng isang minuto bago makarating sa pwesto nila ni Sol.

"But there's so much time. To figure out the rest of my life, and you've already got me coming undone. And I'm thinking two is better than one."

Sunod naman kaming pinuntahan ni Maki kaya binuhat siya ni Primo habang naglalakad kami patungo kay Simon. Nang makarating ako doon ay inabot ni Simon ang kamay ko. Tangina talaga! Nasa stage ako ngayon at nakasuot pa ng clinical uniform ko.

"Tangina, anong trip ito?" pabulong kong tanong kay Simon.

"Mommy!" si Sol bago ako niyakap.

Humalakhak lang si Simon bago ako hinila. Ang awkward naman tangina talaga.

"Darlene..." he chuckled.

Narinig ko naman ang tilian ng fans kaya napatakip ako sa tenga ko.

"I know you are wondering and probably asking yourself tangina ano na naman kayang trip ni Simon ngayon?" he tried to mimic me kaya naman nagtawanan ulit ang lahat.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang ang tingin ko sa kaniya kahit nanginginig na ang tuhod ko ngayon sa sobrang dami ng taong nakatingin sa amin.

"But before anything else, happy birthday to you my love." He swiftly kissed my lips making me lose my senses once again. Natauhan nga lang ako dahil sa tilian.

I pouted. "Thank you, but what the heck is this?!"

"The very first time I met you, all I could think about was that you were unreachable."

"Huh? Ako dapat ang nag-iisip niyan!"

Narinig yata ng lahat ang sinabi ko kaya nagtawanan ulit sila.

"You are a social butterfly. Lahat yata kaibigan mo. Lahat sila may gusto sa'yo at kahit ilang beses mo na akong na-meet hindi mo pa rin ako natandaan."

Kumunot ang noo ko. "Huh? First meeting natin ay doon sa debut ng pinsan ko!"

"No." Umiling siya. "See? Hindi mo naalala."

"Pinagsasabi mo d'yan? Imposibleng hindi kita matandaan eh ang pogi mo noong highschool tayo."

Stand up comedian ba ako ngayon? Lahat kasi ng sinasabi ko tinatawanan ng mga tao ngayon. Nagsasabi lang naman ako ng totoo!

"No, unang beses tayong nagkita noong hiphop dance competition ninyo. Hindi mo lang ako naalala kasi iba ang crush mo that time," may bahid pa ng pagseselos iyon.

Hala parang tanga talaga itong lalaking ito. Siya magbubukas ng usapan tapos ngayon tunog nagseselos na.

"Bahala ka d'yan. Inunahan mo iyan kaya hindi ako manunuyo kahit magselos ka."

He smirked. "Bakit ako magseselos? Alam ko namang ako lang gusto mo."

The crowd cheered again. The heck?! Dapat binabayaran din ako dahil sa libre naming live show!

"Saksi ako kung gaano kabaliw si Darlene sa'yo Simon!" I heard Zero's voice from the crowd. Muntik ko na siyang pakyuhan kung hindi ko lang naalala na nasa stage ako.

"White rose is spiritual love. Red roses are for passion. Yellow is recognition and admiration, and blue rose is a symbol of achieving something that is impossible," Simon almost whispered the last words.

"Sa lahat ng nangyari sa mga nakalipas na taon akala ko imposible ka na. Imposible na makita kitang ulit. Imposibleng marinig ko ulit ang boses mo. Imposible na maging akin ka ulit."

Nangilid ang luha ko nang paunti-unti siyang lumuhod sa harapan ko. Inabot din sa kaniya ni Sol ang isang kulay itim na box. Napuno ang venue ng tilian pero sa oras na iyon, mas nangibabaw sa akin ang tibok ng puso ko at ang boses ng lalaking nag-iisang minahal ko sa buong buhay ko.

"Thank you for coming back to my life again... for accepting me... for loving me..."

Nakita ko rin ang pangingilid ng luha niya kaya pinunasan ko rin iyon.

"For giving me a chance to live a life with you, with our daughter, with Maki, and with the two kids... thank you so much."

I smiled. "You deserve all the love in the world, Simon."

Mas lalo akong napaluha nang buksan niya na ang box. This time, hindi na iyon chocolate. Singsing na ang laman no'n!

"For the final step of achieving the impossible... will you marry me, Darlene Kaye Alcazar?"

I immediately nodded. Bumuhos ang luha ko habang paulit-ulit akong tumatango. Kasabay din noon ay ang hiyawan ng lahat ng tao.

"Yes, I'll marry you!" I answered with conviction.

Bumuhos na rin ang luha ni Simon habang nanginginig niyang isinuot sa kamay ko ang singsing. Matapos niyang isuot iyon ay agad niya akong hinila para yakapin.

"I love you so much, Darlene. Thank you. Thank you," he whispered.

I cried again. "I love you more, Simon. Thank you rin."

Then I realized how special my birthdays had been in the past few years. On my 18th birthday, he rejected me and told me that friendship is all that he could offer. On my 19th birthday, we made things official. A decade later, as I turned 29, I finally embraced the moment and said yes to spending the rest of our lives together.

"Thank you for always making my birthday special," I added. October 7 will always be memorable for the both of us.

He smiled and leaned in before kissing my lips. Even with thousands or even millions of people watching, at that point, I knew we both didn't care at all. And the way we claimed each other's lips, our hands reaching out for each other in harmonious sync, it was clear to me that we are meant to be, that I am made for him. And our love for each other will always be endless—even death couldn't conquer us because we belong to each other.

Alam kong kahit paglayuin pa kami ng mundo. Paglayuin man kami sa kahit gaano pa katagal na panahon. Mahahanap at mahahanap pa rin naman ang isa't isa dahil nakatali na kami sa isa't isa.

Pagkatapos niya akong halikan ay niyakap niya ulit ako. Sumali na rin sa yakapan namin ang tatlong mga bata pati na rin si Maki na ngayon ay tahol na rin nang tahol.

"I am endlessly in love with you," I whispered before kissing him again.

Continue Reading

You'll Also Like

463K 9.6K 43
LOUISIANA SERIES #2 Maria Leiana is an ambitious young woman. Being an exceptional manager of the biggest chains of hotel made her established and se...
19K 1K 39
Date Started: September 14, 2021. Date Ended: November 01, 2021. - Lumaki sa mayamang pamilya kaya lahat ng gusto niya ay nakukuha niya pero hindi na...
99.9K 3.5K 33
4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two broken hearts that mend each other. But why...
306K 5K 43
"Matandang Mayamang Maagang Mamamatay." That's what the retired Lieutenant and multi-billionaire Frederick San Lorenzo is known for. Despite his weal...