Isla Fontana Series #4: Ruthl...

By RosasVhiie

830K 28.2K 3.4K

Title: Ruthless Slave (Isla Fontana Series 4th Installment) Genre: Romance, Erotica, Drama, Violence, Mature... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1 (Slave)
Chapter 2 (Borrow)
Chapter 3 (Touch Me)
Chapter 4 (Scar)
Chapter 5 (Calm)
Chapter 6 (Blood)
Chapter 7 (Dangerous)
Chapter 8 (Enchanted)
Chapter 9 (Scared)
Chapter 10 (Knives)
Chapter 11 (Flesh and Blood)
Chapter 12 (Belt)
Chapter 13 (Fall In Love)
Chapter 14 (Creepy)
Chapter 15 (Don't Look Back)
Chapter 16 (Break Up)
Chapter 17 (Tears)
Chapter 18 (Jealousy)
Chapter 19 (Regret)
Chapter 20 (Surrender)
Chapter 21 (One and Only Dream)
Chapter 22 (Fight With Her)
Chapter 23 (Basement)
Chapter 24 (The World is Too Cruel)
Chapter 25 (Savior and Salvation)
Chapter 26 (Promise)
Chapter 27 (Heavy Rain)
Chapter 28 (Tame the Beast)
Chapter 29 (Invade)
Chapter 30 (Healed)
Chapter 31 (Don't Go Home)
Chapter 32 (Give Up)
Chapter 33 (Stay By Your Side)
Chapter 34 (Save Me)
Chapter 35 (You're Not The Devil)
Chapter 36 (Buried)
Chapter 37 (Broken Pieces)
Chapter 39 (Warmth, Care, Protection, and Love)
Chapter 40 (You Deserve So Much Better)
Chapter 41 (Destiny)
Chapter 42 (Warm Heart)
Chapter 43 (Love Wins. Love Is Powerful)
Chapter 44 (Passed Out)
Epilogue
PUBLISHED BOOK‼️🖋️📚

Chapter 38 (His Own Flesh and Blood)

11.4K 546 85
By RosasVhiie

CHAPTER 38

"SIR, do you want me to drive you home now or you want to stay a little bit more?"

Napatingin siya kay Jaxon na nasa driver's seat. Ilang minuto na ang lumipas mula nang makapasok si Seiranel sa loob ng condominium building. Kung siya ang masusunod ay sinundan na niya ang kasintahan at sumama sa condo nito. He wants to stay in the same place with her. Ilang minuto pa lamang itong nawala sa paningin niya pero hindi na siya mapakali.

Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Paano niya nakaya ang pitong taon na wala ito sa tabi niya? Those seven years was like a hell. Ilang libong beses niyang pinigilan ang sarili na huwag itong hanapin at puntahan─ kahit alam niya kung saang bansa ito. 

Mahina siyang napabuntong-hininga. Kanina pa niya iniisip kung sino ang ipapakilala ng kasintahan sa kaniya. Her bothered and worried face bothers him. Parang hindi ito mapakali kanina habang pabalik sila sa Maynila.

"Let's stay a little bit more," mahinang sabi niya kay Jaxon.

Tumango ito.

"Do you want some water, Sir?" tanong naman nito.

"Don't bother. I'll buy it myself," sabi niya nang makita ang convenience store malapit sa building.

He wants to stay a little bit more. For some reason, except that he wants to stay here for a while because of Seiranel, there's something that's keeping him to stay. Lumabas siya mula sa kotse at naglakad patungo sa convenience store. Habang papasok siya roon ay hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa. 

Seiranel sent him a message. It made his heart thump.

From: Love

Take care on your way home. See you tonight. I love you!

He type a reply.

To: Love

I miss you and I love you, love.

After he sent his reply, someone bumped into him. Dahil mas malaki siya ay ito ang tumilapon. Awtomatiko itong napahandusay sa sahig. Mabilis ang mga kilos na binulsa niya ang cellphone at dinaluhan niya ang batang tumilapon.

"Are you okay? I'm sorry," sabi niya at hinawakan sa braso ang bata para alalayan itong makatayo.

"I'm sorry. I bumped into you. It was my fault," nakayukong sabi nito.

"Are you hurt? Can I have your permission to check you?" he asked.

"It's just a scratch on my elbow but I'm okay, Sir. It's my fault," the child answered.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang bata. Awtomatikong nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Napatitig siya sa bata at maging ito ay napatitig din sa kaniya. Sa hindi malamang kadahilanan ay tila may kung ano siyang naramdaman habang nakatitig sa mga mata nito. This little girl. She looked familiar. She felt familiar. At hindi niya alam o hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Tila may kung anong humaplos sa puso niya habang nakatitig siya sa mga mata ng bata. Maging ito ay tila napatulala rin sa kaniya habang nakatitig sa mukha niya.

Sa pagkabigla niya ay tumulo ang mga luha nito. Tila sinaksak naman ang puso niya nang makita ang mga luha ng bata. Gusto niya itong dalhin sa mga bisig niya. Gusto niya itong yakapin. Gusto niya itong aluhin. At naguguluhan siya sa sariling nararamdaman. 

"Does it hurt?" he worriedly asked.

Umiling ito pero patuloy na umiyak.

"Let me bring you to the hospital," aniya at akmang hahawakan ang bata nang mapagtanto na estranghero siya. Baka matakot ito sa kaniya. "Is it okay to bring you to the hospital? Can you come with me? Can I ask you to trust me?" Sunod-sunod na tanong niya.

May hinugot siya mula sa bulsa. 

"Here. Here's my phone. You can hold it. And these are my identification cards. Look at these. Same face. And check the name. It's Hunter Wright." Nilabas niya lahat ng I.D's niya para ipaalam sa bata na mapagkakatiwalaan siya nito. 

Mas lalo lamang itong umiyak habang hawak ng mahigpit ang mga I.D's at cellphone niya. Hindi ito nag-abalang tingnan iyon at nanatili lamang na nakatingin sa kaniya habang umiiyak pa rin. Parang dinudurog naman ang puso niya.

"Can I hold you?" he asked, asking permission.

Umiiyak na tumango ito.

"I will carry you, okay? Just keep holding my phone and my I.D's. Don't let go of it," malumanay na sabi niya sa bata.

Muli itong tumango habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. Mas lalo lamang lumala ang iyak nito. Parang pinipiga naman ang puso niya sa hindi malamang kadahilanan. Ito na mismo ang nag-angat ng mga kamay, hudyat na nagpapabuhat ito sa kaniya. He carried the child and she automatically cried on his chest.

Sa isip-isip niya ay napapamura siya. Hindi niya kayang nakikitang umiiyak ito. Parang sinasaksak ang puso niya. Nang makita siya ni Jaxon ay walang tanong-tanong na pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse sa likuran. He told Jaxon to bring them to the hospital. Mabilis itong sumunod.

Hindi na umalis ang bata sa kaniya. Ramdam niya ang mahigpit na pagyakap ng maliliit nitong mga kamay sa malaki niyang katawan habang umiiyak pa rin. Alalang-alala siya dahil mukhang malakas ang impact ng pagbangga nito sa kaniya. Iba ang pagtilapon nito kanina.

"Do you have your phone? Can you call your mom or your guardian?" malumanay na tanong niya.

Hindi ito umimik. Patuloy lamang itong umiyak. Nang nasa ospital na sila ay kaagad silang inasikaso sa emergency room at ginamot ang sugat ng bata. Umiiyak pa rin ito habang ginagamot ang sugat nito sa braso. Napansin niyang hindi nito binitawan ang cellphone at I.D's niya na tila ba sa mga iyon nakasalalay ang buo nitong buhay.

Hindi siya mapakali. Tila walang balak tumigil sa kakaiyak ang bata.Kaagad naman niya itong nilapitan pagkatapos gamutin ng doctor.

"May I know your name?" he asked.

Tumingin ito sa kaniya, namumula ang mga mata sa kakaiyak.

"A-Anastacia Khate," the little girl answered, still crying.

"What a very pretty name," he said and smiled at her.

Hindi na niya napigilan ang sarili at pinunasan na niya ang mga luha nito.

"I'm sorry, hmm? Forgive me. I wasn't looking as well that's why you bumped into me. Now, can you call your mom or your guardian?"

Ilang sandali itong tumitig sa kaniya bago inilabas ang cellphone. Tila nag-aalangan naman ito kung tatawag ba ito o hindi. Baka nahihiya ito dahil nasa harapan siya nito.

"Take your time. I will just go there and settle the bill, okay?" Walang kasing-lambing ang boses niya.

Tumango ito. Sandali niya itong iniwan para bayaran ang hospital bill. Kinausap din niya ang doctor na umasikaso sa bata.

"Is she really okay? Wala ba siyang ibang nararamdaman or any damage? She keeps crying and I'm worried," sabi niya sa doctor.

"She's okay, Sir, don't worry. Gasgas lamang. Walang ibang damage," nakangiting sabi ng doctor.

Tumango siya at akmang magsasalita ulit nang may mahagip ang mga mata niya. Nakita niya ang babaeng hindi inaasahang makikita rito. Humahangos ito papasok ng emergency room habang kasunod naman nito ang isa pang babae na naalala niyang assistant secretary nito. He saw how worried her beautiful face is and she's paled.

Ni hindi man lamang siya nito nakita. Dire-diretso itong pumasok at kaagad na nilapitan ang batang dinala niya rito sa ospital. Mabilis nitong niyakap ang bata habang lumuluha.

"Anastacia. Oh god...love. What happened, hmm? Are you okay? Tell me." Kitang-kita ang matinding pag-aalala sa magandang mukha nito.

"I...I'm okay, mommy." Iyon ang narinig niyang sagot ng bata.

Dahan-dahan naman niyang nabitawan ang hawak na papel at halos matulala siya sa dalawa. Mommy. Tinawag itong mommy ng bata.

"Someone brought me to the hospital, mommy," si Anastacia na awtomatikong tumingin sa direksyon niya.

Tila napako naman siya sa kinatatayuan. Tumingin si Seiranel sa direksyon niya at ganoon na lamang ang gulat at pamumutla nito nang makita siya.

"H-Hunter..."

Nakatitig lamang siya sa dalawa. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon. He's too stunned to speak right now. Awtomatikong napako ang tingin niya sa batang dinala niya rito sa ospital. That little pretty girl. She...looks like him.

"Tangina," mahina siyang napamura at napatakip sa sariling bibig.

Mabilis siyang nilapitan ni Seiranel. Akmang hahawakan siya nito sa kamay nang umiwas siya. Hindi niya namamalayang tumutulo na pala ang mga luha niya.

"Hunter..." anas nito.

"Tangina, Sei," mahinang sabi niya.

"Let me explain first. I─"

"Let's not talk here," he cut her off. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, kino-kontrol ang sariling emosyon. "Let's not talk here, please. Not here. Not in..." Tumingin siya sa batang nakaupo sa hospital bed. "...not in front of her. Please." Nakiusap siya sa kasintahan habang tila pinipiga ang puso niya.

Kaagad itong tumango habang mas lalong namumutla. Nakita niya ang pagdaan ng takot at pangamba sa mga mata nito. Inutusan nito si Samantha, ang sekretary nito, na kunin si Anastacia.

Tahimik na sinundan niya ng tingin ang bata habang papalabas ito kasama si Samantha. Lumingon ito sa kaniya habang may luha sa mga mata. His heart almost dropped when he saw the fear in Anastacia's eyes. A fear that he might not acknowledge her. Seeing her like that hurts him. Kaya hindi niya napigilan ang sarili.

Awtomatiko siyang humakbang papalapit dito at paupo itong hinarap para magpantay ang mga mukha nilang dalawa. He took his time to stare at this child's beautiful eyes. Those eyes. It's a reflection of his own eyes.

"Listen..." he said and held her small hands. "I want you not to feel any fear, you hear me?" mahinang sabi niya sabay punas sa mga luha nito. Nilapit niya ang bibig sa tainga nito at bumulong. Sinadya niya na ito lamang ang makakarinig.

Nakita niya ang dumaang kislap sa mga mata nito at kaagad na tumango. He suddenly felt empty as soon as he let go of her small hands. The connection between this beautiful child and him, it's too strong. He doesn't need to do anything to prove that this child is his own flesh and blood. All he just want now is a confirmation.

Nang tuluyang makalayo si Anastacia kasama si Samantha ay hinarap niya si Seiranel. Awtomatiko niya itong hinila. Kaagad itong nagpaubaya. When Jaxon saw both of them, he automatically got out of the car and handed him the key of his car. Wala na siyang kailangang sabihin pa kay Jaxon dahil alam na alam na nito ang gagawin sa unang tingin pa lamang sa kaniya.

Tahimik siyang nagmaneho habang walang imik din ang nasa tabi niya. Dinala niya ito sa bahay niya at tahimik itong dinala sa loob ng kaniyang kuwarto. Hinarap niya ito pagkatapos niyang isara ang pinto.

"H-Hunter..." Kumikislap ang nagbabadyang luha sa mga mata nito.

Seryoso niya itong tiningnan.

"Anastacia is my child," he said, it wasn't even a question, it's a statement.

Tumango ang kasintahan.

"How old is she?" he asked again.

"She...will turn seven this year," she answered.

Tahimik niya itong tiningnan sa mukha. Napatitig ito sa kaniya habang tila pinipigil ang sariling huwag mapaluha sa harapan niya.

"Sei, I─"

"It's okay if you cannot accept Anastacia yet. I understand. I can wait, Hunter. We will wait until you'll accept her into your life. I am not forcing you to accept her and to do anything. Pangako, maghihintay ako." Mabilis itong nagsalita at nagpaliwanag.

"Seira─"

"And Anastacia will wait for sure. She's smart and understanding and she's very matured in her young age. Kung hindi mo pa kayang maging ama sa anak natin, it's okay. Kung hindi mo pa siya kayang tanggapin o makita man lamang, we can go back to Europe and─"

"Tangina, Sei. Listen to me," mariing sabi niya sabay hawak sa magkabila nitong balikat.

He felt her trembling. She's nervous. Seryoso niya itong tiningnan sa mga mata.

 "Anastacia is my child. How I can never accept or be a father to that child? Tangina, anak ko 'yon. Anak natin 'yon. Anak nating dalawa, Sei," mariing sabi niya.

Kaagad naman itong natigilan at napatitig sa kaniya.

Kusang tumulo ang mga luha niya habang nasasaktan ang puso. "Hahayaan ko ba na mawalay kayong dalawa sa akin, huh? Fuck no. Never. Kahit anong mangyari, mananatili kayong dalawa sa tabi ko, you understand?" Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ng kasintahan dahil sa sinabi niya.

Parang dinurog ang puso niya habang nakatingin sa magandang mukha nito. 

"Oh god, Sei..." Dinala niya ito sa mga bisig niya. "I'm really sorry for letting you raise her alone. I wasn't there for you. I'm sorry. I'm really sorry. I'm so sorry, love." Hinalik-halikan niya ang ibabaw ng ulo nito habang mahigpit na yakap si Seiranel.

Sa tabi niya ay may hinugot siya at ipinasok iyon sa daliri ng kasintahan.

Before he let go of Anastacia at the hospital earlier, he whispered and said, "I will come running to you. I'll bring mommy to you with a ring on her finger. I promise."

Napatigil sa pag-iyak ang kasintahan nang maramdaman ang ginawa niya. Awtomatiko itong napatingin sa mga kamay at gulat na napatitig sa singsing na suot nito. He should've done this a long time ago. He kept this ring with him for a long time and now it found its rightful owner.

She cupped Seiranel's face and said, "Marry me, Seiranel Entrina. Please, marry this broken and imperfect man. Allow me to be your husband and to be a father to our Anastacia." 

He became emotional. With tears in their both eyes, Seiranel nodded.

"I will. I'll marry you, Hunter. Oh god...I will," emosyonal na sabi nito sabay sakop ng halik sa labi niya.

His tears flowed down on his cheeks. This time, it's not a painful tears from his painful past. It's a happy tears with his future with the woman he love the most. And another little girl that he will surely cherish for the rest of his life.

To be continued...

A/N: I LOVE HUNTER AND SEI SOOOO MUCH!!!

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 127K 77
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
289K 4.3K 42
What will happen when James and Lily Potter return from the dead?
15.2K 121 7
this is a joke stop readjng this please
3.4M 146K 48
As the first Lady Knight of Monrique, Juliette Van Helsing regularly deals with criminals who threaten the peace and security of her country. When a...