The Girl who doesn't know how...

By Lovingblue_16

19.4K 154 5

Isang babaeng takot magmahal,isang babaeng di marunong magmahal,takot masaktan kaya lahat hindi sineseryoso p... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28

Chapter 27

9 0 0
By Lovingblue_16

(Russell's Pov)

Lunes ngayon at dalawang araw na lang ay matatapos na ang buwan ng January hayahay kami ngayon sa loob ng classroom dahil walang teacher kase may mga meeting daw sila, idagdag pa na may event din sa school namin ngayon.

Ang ibig sabihin ay mamayang alas singko pa ang klase namin, last subject ng maganda naming Adviser.

Kahit na nakaupo lang at katabi si Macey na busy sa pagse-cellphone ay hindi ko maiwasang lingunin si Jp na abala rin kakapindot sa sirili nitong cellphone.

Anong bang meron sa cellphone?

Nakita kong nagsusulat si Mar sa blackboard kaya tumayo ako at maisipang gumaya din sa ginagawa nya.

Hawak ko ang chalk pero wala akong maisip na pwedeng isulat, habang iniikot ko ang aking paningin ay nahagip nito ang lalaking busy kakalaro sa cellphone, si Jp.

Hilig kasi ni Jp ang maglaro ng Online games lalo na ang Mobile legends. Naisipan kong magsulat patungkol sa kanya, yung patama.

Nagsulat ako ng isa.

"Uy! sino 'yan russell?" tanong ni Mar. Humarap ako sa kanya at sinenyasan na tumingin kay Jp. Mukhang nakuha nya din kaagad ang ibig kong sabihin.

Tumabi sya saken na ngumingisi.

"Sino ba 'yang pinaparingan mo sa sinulat mo?" kunyaring malakas na sigaw na tanong ni Mar sa akin, nakita kong tumingin sa amin si Jp kaya nilakihan ko sya ng mata pero tinawanan lang ako ng baliw.

Hindi na ako tumingin pa kay Jp kase alam kong wala siyang pakialam sa mga ganitong pagpaparinig tungkol sa kanya, kaya minsan naiinis ako sa lalaking 'to eh.

Nang mapansin kong nagsisibalikan na ang iba naming kaklase ay bumalik na ako sa upuan ko mismo.

"Grabe ang daming tao sa baba, wala na daw price para sa mananalo"   - sabi ni Shaliah habang inaayos ang bag.

"Oo nga eh, sabi ko si Kuya na lang na gwapo yung price kapag nanalo ako" -nagtawanan ang dalawa.

"Eh hindi siya pumayag nung makita tayo" pahabol ni Gianna nakakahawa ang tawa ng dalawa kahit si Macey ay natatawa den.

"Mamaya daw aakyat si Ma'am, sabi maglinis na daw yung mga cleaners tapos itapon na yung basura "  - sabi ni Ate Raquelle na mukhang napagod sa pag akyat ng hagdan. Fourth floor ba naman ang classroom.

Unti unti ay nagsisibalikan na ang mga iba naming mga kaklase sa loob at napansin ko naman na si Jairon ay inaasar si Kiara na mukhang napagod din.

Marahas na hinarap ni Kiara si Jairon na ayaw pang ibigay ang gamit nito na kinuha niya sa mesa. Napailing na lang ako sa ginagawa ni Jairon.

Mukhang wala siyang kapaguran.

" Ano ba!? Akin na sabi yang notebook ko Jairon! " - malakas na ang boses ni Kiara pero si Jairon ay wala pa ring tigil sa pang aasar at ayaw talagang ibigay ang gamit nito na pilit ng kinukuha.

" " Huy Jairon, Tigil na baka maabutan ka pa ni Ma'am pinagtitripan mo na naman si Kiara mapagalitan ka pa dyan " - suway ni Macey sa kanya, tinignan niya lang si Macey at nag-bleh lang siya.

Tinawanan lang sya ni Macey sa ginawa ni Jairon, napakakulet talagang lalaki nito kahit kailan.

Nang mahablot ang gamit ni Kiara na kamay ni Jairon ay hinampas nya ito ng notebook sa balikat at sinamaan ng tingin.

" " Tangina mo, bwiset ka. Mamatay ka na! " - galit na sigaw ni Kiara at umupo kung saan ang upuan nya.

Pakiramdam ko ay pinalo ang puso ko kaya parehas kaming nagkatinginan ni Macey sa isat isa, mukhang nagkaintindihan kami. Kahit na galit si Kiara kay Jairon ay wala syang karapatan na sabihin 'yon kahit na biro lang o nadala lang ng emosyon.

Tinignan ko si Jairon na parang nahinto din sa sinabi ni Kiara.

" Ron! Tara na dito, Laro tayo
sipa" -  tawag ng isa sa mga kaklase namin. Lumingon naman si Jairon sa tumawag sa kanya at bago sya lumapit doon ay muli syang tumingin kay Kiara na para bang nagdadalawang isip kung hihingi ba sya ng tawad o hahayaan na lang.

" Ron, ano na tara na! Sasali ka pa ba? " -  sbi ng isa naming kaklase sa labas habang ngumunguya ng bubble gum at may hawak na sipa.

" Oo sige sandali " - sbi nya bago inalis ang tingin kay Kiara atsaka tumakbo palabas ng room kung nasan ang isa naming kaklase.

Ang mga iyon talaga ang hihilig maglaro ng sipa, pag naabutan sila ni ma'am ewan ko na lang talaga.

Habang nakaupo at tulalang nakatingin sa binatana ay narinig ko ang boses ni Jaiel, mukhang tatabi ito kay Jp para makipag kwentuhan.

Napangisi na lang ako dahil hindi naman siya papansin nito kase busy sa laro.

May nakita akong kamay na hawak na panyo at itinakip iyon sa aking buong mukha, ang bango ng panyo.

Nang tanggalin ito ay dahan dahan akong lumingon at si Jaiel ang nakita ko, tumatawa pa ang loko loko.

"Bai" -tawag ko sa kanya at nagtaas ng kilay.

"Ang bango ng panyo mo" -ngumiti ito sabay tingin sa kanyang panyo na ipinantakip sa mukha ko, hindi panlalaki at hindi rin pambabae ang amoy.

Nagsasalita lang si Jaiel pero hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya sa halip ay hinablot ko ang panyong hawak niya at tumakbo sa likod ng room at lumabas.

Pero bago pa man ako makalabas ng pinto namin ay nahawakan na niya ako sa kamay at ang isang braso nito ay nakapalibot sa leeg ko.

"Bai sige na! arborin ko lang panyo mo, ang bango eh" -natatawa na ako sa ginagawa naming dalawa, para saken ay nakakahiya ang ganito pero yung panyo talaga ni Jaiel ang gusto ko.

"Rossell magtigil ka na" -nakangising sabi ni Macey ang, akala siguro nito ay gumagawa ako ng paraan para mapansin ako ni Jp at yung pinsan nyang si Ethan na sobrang sama na ang tingin sa'min.

Mga malisyoso

"Uy Russell! Jowa mo?"  -lumingon ako, kaklase ko nuong grade six ang nagsalita. Buti ay naalala pa ako nito.

Mas humigpit ang hawak ko sa panyo na pilit niyang hinahablot sa kamay ko, kaya kung titignan ay mukha kaming magka holding hands.

"Sus! Sige na Russell, ikaw na" -tumawa ito ng pagkalakas lakas. Isa din pala syang malisyoso pero mas malala sya.

"Amin na kase" - natatawa na rin siya sa ginagawa naming dalawa, hindi na rin ako makahinga.

"Sige, bibigyan kita ng isa bukas kaya bitawan mo na"  -kaagad akong nahinto at tumingin sa kanya na naniningkit ang mata.

Tumawa ito sa hitsura ko, malay ko ba na sinabi niya lang 'yon para mabitawan ko ang panyo niya.

"Totoo nga, bibigyan kita bukas kaya bitawan mo kase may pawis ko 'yan" - napasinghap ako sa sinabi niya kahit na pabulong na iyon. Kaya pala tumatawa ang baliw.

Hindi na muna kmi pumasok sa loob at umupo na lng sa corridor, nagkwento siya tungkol sa nangyari sa baba at panay naman kami tawanan na dalawa

________________   _________________

(Macey's pov)
Nandito pa din kmi ngayon sa classroom tapos na ang event at nandito na din ang adviser naming si Ma'am Banag. Ito na ang katapusan ng third grading namin at bukas ay exam na naman, di pa ko nakakapagreview pero di bale kampante naman ako na makakapasa ako.

" Wala tayong gagawing pagtatalakay ngayon dahil ngayon ang tpos ng third grading nyo, bukas exam nyo na. Pagkatapos non Fourth grading na " -  sbi ni ma'am habang nakangiti sa amin, mukhang good mood si ma'am ngayon ah.

" Mga anak, Konti na lang matatapos nyo na ang baitang na ito. May gusto lang sana ako ipagawa sa inyo, kumuha kayo ng 1/8 sheet of paper at isulat nyo doon ang pangarap nyo" -

" Ma'am para saan po yan? "  - tanong ng isa naming kaklase

" Ang mga papel na yon, ay itutupi nyo at ilalagay dito sa bote na hawak ko atsaka ibabaon ko sa lupa. Magiging time capsule ito, pagkalipas ng sampung taon ay babalik kayo babalikan natin ang mga ito at babasahin, doon makikita nyo kung natupad na nga ba ang mga pangarap nyo " -  sbi ni Ma'am atsaka naglakad papuntang likod kung nasaan ang table at gamit nya.

Shete wala akong papel, naubos na pala yung papel ko nung nakaraan di pa ko ulet nakakabili ng bago.

" Ate pahingi ako isa "  - sbi ko sa ka row ko sa upuan na si Ate Charzel. Binigyan naman nya ko atsaka nagpaalam muna kay ma'am na lalabas para magcr.

" Ma'am cr lang po ako "  - pagpapaalam ni Ate Charzel kay ma'am atsaka lumabas.

Pagkalabas ni Ate Charzel ay nakita ko namang kinuha ni Jairon ang papel nya atsaka nagtawag para ipamigay pa sa iba.

" O sinong walang papel? " - malakas na sabi ni Jairon nagsilapitan naman ang mga kaklase naming wala ding papel sa knya at humingi.

" Ron, ako pahingi "

" Ako din pahingi "

" Ako pahingi dalawa baka magkamali ako, imbis na malagay ko pangarap ko maging pulis malagay ko pangarap ko maging criminal"  - pabirong sbi ng isa naming kaklase, tarantado talaga. Natawa na lang kmi sa sinabi nito

" O sige ito para sayo, boto nyo ko ah " - pabirong sbi nya habang nagpapamigay ng papel sa bawat isa naming kaklase na walang papel at nanghihingi.

" Boto nyo ko sa halalan, Jairon for president o para sa inyo " - pabirong sbi nya pa ulet, natatawa namang nagpasalamat ang mga kaklase namin at pabiro dinv sumagot

" Oo boto kita, Woy dito kay Jairon hingi kayo papel boto nyo sa darating na halalan. Wag nyo kalilimutan Jairon for President " - pabirong malaks na sabi ng isa naming kaklase

Natatawa na lamang ang ilan dahil sa mga kalokohan nila lalong lalo na ni Jairon napakatarantado talaga.
Lokoloko talaga ito lakas ng loob magpamigay di naman kanya lagot ito mamaya kay Ate Charzel.

Mayamaya pa ay dumating na si Ate Charzel, nakita naman ito ni Jairon at dali daling binalik ang halos mangalahati na ang bawas na papel sa table ni Ate Charzel.

" Tangina, anong nangyari sa papel ko?Sino kumuha ng papel ko?ayos kayo ah dami dami pa nito kanina di kayo nagpapaalam?! " - galit na sabi ni Ate Charzel

" Sino kumuha ng mga papel ko?! " -  malakas na sigaw nito na halata mong galit dahil halos mangalahati na nga ang bawas ng papel. Samantalang si Jairon naman ay pinipigilan ang tawa habang nagsusulat sa papel.

Tumingin naman si Ate Charzel sa likod at nakita nya na nagpipigil ng tawa si Jairon kaya naman nahalata nyang ito ang bumawas sa papel nya.

" Hoy Jairon, ano na naman ginawa mo " - nanggigil na sabi ni Ate Charzel  habang tila ba nakahanda na ang kamao na suntukin si Jairon.

" Wala ah "  - natatawang sbi nito

" Anonv nangyari sa papel ko?!" - sabi nito habang masama na nakatingin kay Jairon

" Iyan o si Ron, pinamigay yung papel mo tapos sabi pa iboto sya" - natatawang paglalaglag ng isa naming kaklase na si Cliff.

" Nilaglag pfft " - natatawang sbi ng isa pa

" Oo yan si Ron, kinuha papel mo tas pinamigay. Di nagpapaalam "  - natatawang sabi ng kaklase naming si Adrian

" Ron!!! " - sigaw ni Ate Charzel napasign of the cross naman si Ron na tila ba biglang napadasal dahil nasa bingit na ng kamatayan bago tumakbo at habulin ni Ate Charzel.

Naghabulan sila at parang nagpatintero pa pero dahil sa bigla silang sinaway ni ma'am kaya naman di na ulet nakatakas pa si Jairon at nahuli sya ni Ate Charzel atsaka sya malakas na sinapak sa balikat at hinampas ng notebook.

" A-aray! Aray sorry na " - sbi nito habang naka taas ang dalawang kamay na parang susuko na.

" Pakyu ka, tangina mo " - inis na sabi ni Ate Charzel habang hinahampas ng notebook si Jairon.

" A-aray, Sorry na aray ko aah
Aray! "  -

" Ssh Charzel, Jairon ano ba yan tama na yan " - pagsaway muli ni Ma'am muli sa likod kung nasaan ang table nya. Malakas naman na muling hinampas ni Ate Charzel si Jairon bago umupo.

" Tapos na ba kayo? "  - tanong ni ma'am mula sa likod

" Ma'am di pa " - sabi naming mga di pa tapos magsulat.

" Okay bilisan nyo,ilang minutes na lng bago mag uwian yung mga tapos na hawakan nyo muna mga papel na yan iikot ako dyan hawak yung bote tpos ilagay nyo na sa loob yung papel "  sbi ni ma'am atsaka sya naglakad at pumunta sa bawat row at pinahulog sa loob ng bote ang mga papel ng tapos na.

Natapos ko na ang akin, inilagay ko doon na magiging doctor ako.

Bata pa lang ako pangarap ko na maging doctor, i want to help people. I want to save lives pero kung di papalarin siguro ako na lang pasyente choss.

Natawa na lng ako sa naiisip ko atsaka tinupi ang papel at inilagay na sa bote saktong sakto lang ako na natapos dahil nasa amin na ulet umiikot si ma'am.

" Yung mga tapos na pwede na lumabas, mag-iingat kayo mga
anak " - nakangiting sbi sa amin ni Ma'am

Nagpaalam naman na din kming mga tapos na atsaka lumabas ng room.

" Woy Macey, Hantayin mo ko " - rinig kong sbi ni Russell na nagmamadali na palabas. Hinantay ko naman si Russell makalabas.

Kasunod naman sa knya si Jp, di nya ata napansin kaya mahina ko syang siniko at tinignan ng yung-crush-mo nasa-likod-mo-look.

Kaya naman saglit syang napatigil sa paglalakad. Kinalabit naman sya ni Jp at taas kilay naman nya itong hinarap kunwari masungit, akala mo hindi kinikilig.

" Russell, naiwan mo notebook mo sa math " - sbi ni Jp, sabay bigay sa knya ng notebook. Nanlaki naman ang mata nya atsaka agad na kinuja ang notebook nya na hawak ni Jp.

" Bakit nasayo ito? may nabasa ka ba? " -  sbi nya habang nakayakap sa notebook nyang na kanina ay hawak ni Jp.

" Naiwan mo nga, nakita ko lang kaya binalik ko sayo bakit?may hindi ba dapat ako mabasa na nakasulat dyan? " - sbi ni Jp habang nakangisi at nakahawak ang isang kamay sa backpack na sa isang balikat lang nakasukbit.

" W-wala b-aka lang kase may p-inakialaman ka o may napunit dito " -  medyo mautal utal pa nyang sagot. Nako besh medyo halata ka na ah.

" Nga pala sino yung pinaparinggan mo kanina sa blackboard nabasa ko iyon " - nakangising sbi nito

" Wala echoss echoss lang yon " - sbi ni Russell sabay irap kay Jp habang nakayakap pa din sa notebook.

" Sus, ako ata pinaparinggan mo e. Sabihin mo lang Rivera kung may gusto ka sa akin " - pang- aasar ni Jp sabay kindat.

" Kapal ng mukha nito, bakit ikaw lang ba nage-ml? " -

Di na sumagot si Jp sa sinabi ni Russell at natatawa na lang syang umiling iling matapos non ay nauna na syang maglakad pababa ng hagdan.

" Besh, Kahiyaaaaa" - sbi ni Russell sabay takip ng mukha gamit ang notebook at napapadyak padyak pa.

" Haynako, Tama na yan masyado ka na kinikilig tara na " - natatawa kong sbi sa kanya.




A/N: Hello readers! Kumusta na kayo?Pasensya na ngayon lang ulet nakapag update. Pero nakabawi naman ako diba? Pinagpuyatan ko ito at nang kaibigan ko HAHAHA Shoutout sayo besh Russell Testa, Thank youu sa pagtulong sa akin para magawa itong chapter na ito, labyu<3

Anyway, To my beloved readers
wag kayo mag-alala titiyagain ko na ito matapos. Sorry na kung nabibitin kayo kse every year lang ako nag uupdate tapos konti pa HAHAHAHA. Sorry na, lab u all
don't forget to vote<3 Enjoy sa pagbabasa.Ingat kayo kung nasaan man kayo
Mwa<3

Continue Reading

You'll Also Like

117K 4.9K 198
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
29.3K 967 21
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
142K 11K 12
Her şey bana gelen mektupla başlamıştı. Ufacık bir not kağıdında yazan şeyler büyük olaylara ve hayatımın değişmesine yol açmıştı. Ben kendimden emin...
409K 11.5K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?