An Unlikely Victory: Love

By Rye_rye_071315

22 0 0

Chasin Kai, a young secret agent, goes undercover as a high school student to find the lost daughter of his l... More

Chapter 2
Chapter 3

Chapter 1

10 0 0
By Rye_rye_071315

Raels's POV

"Tsk! May pasok na naman. Nakakatamad pumasok!" reklamo ko habang hinahanda ang school uniform ko. Nakalimutan kasi ni mama plantsahin kagabi.

"Rael, bilisan mo diyan! Male-ate ka na, oh!" sigaw ni mama Claire sa baba.

"Opo!"

Hindi ko na tinapos plantsahin yung palda ko kasi hindi naman halata kasi black. Naligo na ako at nag-toothbrush pagkatapos.

Bago ko pa man makalimutan ay isunuot ko na ang ID ko. Palagi ko kasi itong nakakalimutan sa dati kong school kaya lagi akong nag-squat sa harap ng flag pole.

Ang sakit kaya sa kamay at hita no'n. Buti naman sana kung sinong kagalingan sa pagtuturo 'yong nagpaparusa. Samantalang binabasa lang naman niya 'yong mga tinuturo niya.

Anyways, lumabas na ako sa munting kwarto ko para magpaalam kay mama at lalakad na papunta sa school. Hindi na ako humingi ng baon kasi alam ko naman na kapos kami sa pera.

May kinita naman akong one hundred fifty pesos kahapon sa paghuhugas ng mga pinagkainan at pinaglutuhan sa mamihan nila aling Evan na malapit sa bahay namin. Pagkakasyahin ko na iyon hanggang Friday.

Mabuti na lang at naipasa ko ang exam para sa scholarship at libre ang buong bayarin ko sa school hanggang sa maka-graduate ako ng senior high school. Allowance ko na lang ang pro-problemahin ko.

"Ma, alis na ako!" paalam ko sa kaniya. Busy siya ngayon sa paglilinis.

Lumapit siya sa akin at saka ako hinalikan sa noo. As usual may words of wisdom muna siyang sasabihin bago ako pakawalan.

"Basta anak 'wag ka nang magpapasaway sa bago mong school, ha? Basagolera ka pa naman! Grade eleven ka na kaya naman magpakabait ka na, hmm?" paalala niya sa akin.

Totoo ang sinabi niya. Lagi akong napapaaway sa dati kong school kaya napilitan si mama na ilipat ako pagkagraduate. Siguro dahil sawa na siyang laging dumadalaw sa guidance office para kunin ako. Ang dami kasing malalanding babae na lagi akong tinatarget doon. Ang sarap nilang sapakin.

" Opo, ma!" sagot ko sa kaniya saka sumaludo.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit at  saka piningot ako sa tainga.

"Naku! Kung ako talaga ipapatawag mamaya sa guidance humanda ka sa'kin!" gigil niyang sabi sa akin.

'Ang sakit!'

"Aray!" daing ko. "Hindi po 'yon mangyayari, ma. Promise!" pinakawalan na niya ako pagkatapos.

5:49 am pa lang at nagsimula na akong maglakad papuntang school. Medyo malayo kasi ang bago kong school. Hindi kagaya nang dati na 10 minutes lang nandoon ka na, ngayon mahigit 30 minutes pa.

Puwede naman akong mag-trycicle, kaso mabigat 'yon sa bulsa para saakin. Pambili ko na lang ng turon.

Habang naglalakad ako ay bigla ako nagimbal sa aking nakita.

My worst enemy. Ang kinatatakotan ko. Ang kahinaan ko. Aso!

Awayin na ako ng mga malalanding babae dito sa kanto basta wag lang silang magdadala ng aso. Nawawala ang angas ko. Lalo na kapag yung aso ang laki tapos walang balahibo. Yuck!!!

Tila gutom ang aso at may rabis dahil tumutulo na ang laway nito. Binagalan ko ang pag lalakad at tinitigan siya sa mata para hindi niya ako saktan o habulin. Iyan kasi ang turo ni mama sa'kin.

"Hala!" bigla akong napasigaw ng bigla akong habulin nito.

'Scam ka naman, mama!'

"Tulong!" sigaw ko habang mabilis na tumatakbo.

'Gagi yung aso nakakatakot! Wala siyang balahibo!'

Wala pang masyadong tao sa kalsada kaya halos mawalan na ako ng pag-asa.

Ma's bigla akong na takot ng maramdamang kong dumadami ang humahabol sa akin kaya naman mabilis akong lumingon. At, bhe, guess what, apat na sila!

Naiiyak na ako at pagod na sa kakatakbo. May ilang nakakakita sa akin at sinusubukang paalisin ang mga aso pero ayaw talaga nila.

"Tama na, oh! Hindi naman ako masarap, e!" pagmamakaawa ko na parang maiintindihan naman nila.

May nakita akong puno ng mangga sa tabi kaya dali dali akong umakyat para iligtas ang aking sarili. Sa bilis ng takbo ko tanaw ko na yata ang school gate. Grabe ba! Sa mahigit 30 minutes na papuntang school nakarating ako ng 20 minutes. Astig no'n, pre! Pero yung mga aso nasa baba pa rin ng puno!

Ang lakas ng pintig ng puso ko at halos mawalan na ako ng hininga.

"Mama!" paiyak kong sabi habang nakatingin sa galit na mga aso sa baba.

"Ginagawa mo diyan?" biglang tanong ng isang lalaking may kulay brown na buhok at berdeng mga mata. May lahi ito. For sure.

"Yung aso," sabi ko habang tinuturo ang mga aso.

"Eh," sabi niya na parang hindi makapaniwala.

Kumuha siya ng mahabang stick at ginamit ito para mapaalis ang mga aso. Wala pang isang minuto ay umalis na sila.

"Takot ka sa aso?" curious niyang tanong.

"Obvious ba?" maldita kong sagot habang bumababa sa puno.

"Ayy, ang sungit. Wala man lang thank you diyan, miss?" sabi niya habang naka pout.

"Thank you," sabi ko at ngumiti siya sakin. In fairness ma's gumagwapo siya kapag ngumingiti.

"Okay, libre mo ako recess, ha?" ginulo niya ang buhok ko at saka umalis sakay ng bike niya.

"Wait!" sinubukan ko siyang pahintuhin pero parang wala siyang naririnig at may pasipol-sipol pa.

'Aba! Wala akong pera!'

Dahil wala na ang mga aso ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Yung akala kong gate ng school yung kanina gate lang pala ng malaking mansion.

Dahil sa chismosa ako ay sinilip ko muna ang mansion mula sa gate. Ang ganda at ang laki ng mansion. Kita ko din ang mga nakaparadang sasakyan. Ang astig!

"Kailan kaya kami makakatira sa ganiyan ni mama?" tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa malaking mansion.

Minsan naawa na ako sa sitwasyon namin ni mama. Hirap na siyang maghanap ng trabaho kaya pinaghuhusayan ko sa school. Nagbubunga naman ito ng maganda kasi ako ang laging valedictorian sa mga previous school ko.

Marami ang nangbu-bully sa akin dahil doon. Hindi ko daw deserve kasi hampas lupa lang ako. Lagi akong napaaway nang dahil doon.

Siyempre lalaban tayo. Ang Sarap kayang makaganti.

Nang nakarating ako sa gate ay marami nang studyanteng pumapasok. Akala ko ay magiging okay na ang lahat, pero may isang motor na biglang humarurot at dahil sa gulat ng mga tao ay natapon sa akin ang kape ng katabi ko.

Buwisittttt!!!

"Hala! Omg, I'm so sorry!" tarantang sabi niya habang pinupunasan ang puti kong uniform gamit ang panyo niya.

"Wait, I have wipes here." kinalkal niya ang bag niya at inabot sa akin ang wipes.

"I am really sorry," sabi niya ulit.

"Okay lang," sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan.

"Uhmm, I'm Lethicia Maurine Swift. You can call me Letti." nilahad niya ang kanyang kamay.

Ngayon ko lang napansin na may berdeng mata din siya kagaya ng lalaking tumulong sa akin kanina. Maganda siya at maputi ang kutis. Simple at malinis siyang tignan. Nahiya tuloy ako sa itsura ko.

"Ahh, sige, Letti. Nice to meet you!" nakipagkamay ako sa kaniya. Aalis na ulit dapat ako pero hinawakan naman niya ngayon ang bag ko. Muntik pa akong natumba.

"Ay, napalakas yata" nag peace sign siya sa akin at nahihiyang ngumiti.

"I have extra shirt here if you want," kinuha niya sa bag niya ang puting t-shirt at inabot sa akin.

"Hindi na. Matutuyo din ito mamaya." pagtanggi ko.

"But the stain," tiningnan niya ang uniform ko. Medyo hindi naman halata kaya oks lang.

"Hindi naman masyadong halata,"

"Are you sure? I'll treat you na lang as pangbawi," sabi niya ulit.

Okay 'yon, a! Pero hindi na. Mataas pride ko. Char!

"Hay nako, wag na. Hindi mo naman kasalanan talaga, e. 'Yong nakamotor. Nagulat ka din tulad ko." nginitian ko siya at tinapik sa balikat at naglakad paalis.

Hindi na siya nagsalita.

Hindi ko man siya ka-close pero masasabi kong mabait si Letti kumpara sa mga mayayamang kaklase o schoolmates ko dati. Puro sila mayayabang. Bobo naman.

Medyo nakalayo na ako sa kaniya nang may bigla akong naalala.

'Haysst! Bakit ba hindi ko naalala kanina?!'

Dali dali akong tumakbo ako pabalik sa kaniya. Nakita ko siyang nakikipag-usap sa guard. Lumapit ako sa kaniya saka ko siya tinapik sa balikat para mapansin ako.

"You're here," gulat niyang sabi sabay ngiti.

"Letti, 'di ba?"

"Yes? Tatanggapin mo na ba yung offer ko?" naka ngisi niyang tanong.

"Uhmm, oo. Pero, hindi sa akin sana.... Kung okay lang." nahihiya kong sabi.

"Sure! Basta makabawi ako. Sino ba siya?" ma's lalong lumawak ang ngiti niya.

'Yes!'

"May lalaki kasing tumulong din saakin kanina. Sabi niya ilibre ko daw siya para makabawi kaso... alam mo na," awkward akong tumawa.

Siguro naman gets niya yon.

"Ahh,"

"Gets mo?" tanong ko.

"Yeah,"

"Kaso hindi ko pa siya kilala, e."

"Akong bahala. Magaling akong mag embistiga. Sabihin mo na lang yong characteristics niya."

'Ayown!'

Sinabi ko sa kaniya ang itsura ng mukha niya at kung gaano siya katangkad pati ang kulay ng buhok niya at mata niya.

"Okay, I think I know who is it na." wow ang bilis, a.

"Salamat, ha?"

"You're welcome," sabi niya sabay ngiti.

Nag suggest pa ako ng plan pero sabi niya siya na daw ang bahala.


Okay. Decision mo 'yan.

We talked and talked hanggang sa narinig na namin ang bell. Late na pala kami!

"Okay! Everything' s good now. Mauna na ako. Hahanapin ko pa kasi yung classroom ko."paalam niya sa akin sabay kaway.

Nagpasalamat ulit ako sa kaniya at saka siya kinawayan pabalik.

Magandang kausap si Letti at laging nakingiti. Mapapansin mo din sa pagsasalita niya na lumaki siya sa magalang at mabait na pamilya. Ang akala ko nga noong una ay mahinhin lang siya. Madaldal din pala siya.

Dahil sa kaniya ay wala na akong pro-problemahin mamaya. Salamat sayo Letti! Babawi ako sa iyo. Promise!

Ang gagawin ko na lang ngayon ay ang tumakbo papunta sa room namin.

Wait! Hindi ko pa pala alam kung nasaan!

Waaaaaaah!!!

(End of chapter 1)

Continue Reading

You'll Also Like

1M 54.6K 35
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...
242K 6K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ ΰͺœβ€βž΄ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 π‹πˆπŠπ„ .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
863K 40K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...