Undeniably Yours (Possessive...

FidelisAmator tarafından

6.4K 242 114

Possessive Series 1 Myou Mina as Khalliah Daniellè Stvn A Licensed Architect, CEO and Owner of a prestigious... Daha Fazla

Author's Note
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
Author's Note
Side Characters
11
13
14
15

12

334 13 10
FidelisAmator tarafından

Chapter 11

_Akhihiera Simoune Ramirez

Bigla nalang akong naalimpungatan, pero parang antok na antok pa ako kaya hindi muna ako nagmulat ng mata, gusto ko pang matulog muna, tsaka sobrang bango ng unan ko at ang lambot pa, kaya mas lalo akong sumiksik dito.

Maya maya'y naramdaman ko ang paghila ng unan sa'kin, nagtataka man ay hinayaan ko lang, hindi pa siguro ako ganun ka gising kaya nai-imagine kong may kamay na ngayon ang unan, parang ang weird naman.

Hinaplos halos ko pa ang hawak kung unan, pero kumunot ang noo ko ng humigpit ang yakap neto, kaya labag man sa loob ko ay binuksan ko na ang aking mga mata, parang dinadaya na kasi ako ng isip ko ehh.

Pero gayun nalang ang gulat ko ng madatnan ng mata ko ang hawak hawak kong unan, tangina si Khali pala. At nakahawak ako sa hinaharap nya, kaya pala malambot gagiii!

Agad kong binawi ang kamay ko, Buti nalang at hindi pa nagigising si Khali kahit pinisil pisil ko pa ang dibdib nya kanina, pag nagkataon isa na namang kahihiyan ang nagawa ko.

Hindi ko alam na tumabi pala sya sa akin, dahil kagabi hindi nya ako pinapansin dahil sa pang aasar ko sakanya, kaya nakatulog nalang akong hinihintay sya, akala ko nga hindi sya tatabi sa akin ehh. Ang pikonin kasi, parang yun lang naasar agad.

Agad na akong umalis ng kama habang tulog pa si Khali, baka sungitan pa ako nun, sobrang aga pa, gusto ko sanang ipagluto sya ng almusal pero hindi talaga ako marunong magluto, kaya napasabunot nalang ako sa aking buhok.

Tanginang buhay kasi eto, wala talaga akong talent sa kahit na ano. Nagtimpla nalang muna ako ng gatas at kape, syempre sa akin ang gatas at kay Khali ang kape, hindi kasi ako umiinom ng kape dahil sobrang pait.

Naalala ko pa nung pinatry sa akin ni Kayle uminom ng kape, naibuga ko sakanya ang iniinom ko dahil sobrang pait kaya simula nun hindi ko na triny ulit na uminom ng kape.

Sobrang nakakatawa ang reaksyon nun ni Kayle, at hanggang ngayon tawang tawa padin ako sa tuwing naalala ko.

"What's funny?" Halos mabitawan ko ang hawak kong baso pagkarinig sa boses na yun, shiit' nakakagulat naman tong si Khali ohh.

Napahawak pa ako sa dibdib ko. Nilingon ko eto at inirapan sya, nakita ko pa ang pagtaas ng kaliwang kilay neto. Inabot ko dito ang kapeng tinimpla ko para sakanya.

"Bat ka ba nanggugulat, Khali. Ang aga aga, papatayin mo ba ako?!" Napailing iling lang eto tsaka humigop sa kapeng binigay ko.

"It's not my fault that you are spacing out, besides I've been here for almost 3 minutes but guess what you didn't even notice my presence." Ayy shiitt, talaga ba? Ganun na ba ako kahindi aware sa surroundings ko para hindi maramdaman ang presensya nya?

"What's for breakfast?" Maya maya'y tanong neto. Wala sa sariling napatingin lang ako sakanya.

"Kinakausap mo na ako? Hindi ka na inis?" Parang batang sambit ko, nagkibit balikat lang eto, hayys ang sungit talaga.

"I don't know how to cook, Khali. Bahala ka na sa kakainin mo." Nakita ko etong nagtungo sa ref, at may kinuhang mga frozen goods.

Naghahanda na eto ng mga gamit para sa lulutuin nya.

"Yea, I noticed. And you're lucky because I am the best cook out there. I'll cook for us from now on. So don't bother yourself in the kitchen, baby." Kumindat pa eto sa akin na syang ikinagulat ko.

"Talaga? Ang yabang mo naman, Khali. Baka naman hindi ka masarap magluto pero marunong lang." Pang aasar ko dito, inirapan lang ako neto, ang pikonin talaga, asar talo talaga eto ehh.

Umakyat nalang ulit ako sa kwarto para maligo na, iniwanan ko na si Khali sa kusina, bahala na syang magluto.

Inayos ko na din ang tinulugan namin dahil iniwanan lang ni Khali na magulo ang kama, kahit ang comforter nasa sahig na, hayyss.

Pagkatapos nun ay naligo na din ako at nagbihis, hindi pa din umakyat ai Khali, minadali ko na din ang pagbihis ko.

Nagsuot lang ako ng crop top at pinarisan ko ng wide leg pants, ayoko munang mag skirt, dahil nakakatrauma, lalo na't si Khali lagi ang madalas kong kasama.

Tinali lang ang buhok ko pagkatapos kong patuyuin at dali daling bumaba na din.

Nasa hagdan palang ako ay narinig ko na ang pagkadigusto sa boses ni Khali.

"What the heck are you wearing?!" Nakapamaywang pa eto habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

Tinignan ako neto mula ulo hanggang paa.

"Ahh, damit?" Hindi ko siguradong sagot. Inukutan ako neto ng mata, hala ang aga aga tumitirik na agad ang mata nya.

"Can you even call that clothes? Go and get changes. You're not going to wear that outside, not on my watch." Tila ba naiirita na netong bulalas.

"Pero, Khaliii. Eto ang gusto kong suutin ehh." Nagpapadyak pa ako habang nakatingin din sakanya. Ang OA naman kasi neto, parang crop top lang ehh'.

"You'll get change or I'll change your clothes by myself, what will it be. Hmm?" Napahawak ako agad sa katawan ko, tangina naman ohh.

Nagtatap pa eto ng paa habang hinihintay ang isasagot ko.

Nakakainis, knowing her hindi eto nagpapatalo at baka totohanin nya pa ang sinabi nya. Labag man sa loob ko ay wala akong nagawa.

"Bastos!" Tanging nasambit ko nalang, bago nagpapadyak na bumalik sa kwarto.

Naiinis ako sobra, pati ba naman sa pananamit ko, papakialaman nya.

Hayyys.

Sa sobrang inis ko nag hoodie nalang ako, siguro naman wala na syang masasabi pa dito eh noh. Bumaba nadin ako agad na may sama ng loob.

Ang init init kasi ng panahon tapos ganito suot ko.

"Much better." Dinig kong sambit neto, inirapan ko lang sya bago umupo sa bakanteng upuan.

Tahimik lang kaming kumakain, kahit nagsasalita sya hindi ko pinapansin. Tuloy lang ako sa pagkain, bahala sya dyan magsalita mag isa. Pagkatapos naming kumain.

Umupo lang ako dito sa sofa sa living room, hinayaan ko syang magligpit ng pinagkainan namin, kahit na parang unfair para sakanya kasi sya na nga nagluto sya pa magliligpit, pero wala naman etong reklamo.

Narinig ko pa ang mga yabag neto ng umakyat sya papuntang kwarto, siguro maliligo na eto.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ako naghintay bago ko marinig ulit ang boses nya.


"Let's go, we're gonna be late." Pag angat ko ng tingin ay bahagya pa akong napatulala, sa sobrang ganda ba naman kasi nya.

Pansin kong mahilig magsuot ng button up polo si Khali, pinarisan nya lang eto ng isang coat, nakalugay lang din ang buhok neto, pansin ko ding hindi sya nagtatali ng buhok dahil hindi ko pa sya nakita ng nakaganun.

Mukha talaga syang sopistikadang CEO, nagkumpas eto ng kamay kaya inirapan ko sya, naalaa kong naiinis pala ako sakanya, nakita ko ang pag smirk neto. Siguro iniisip nyang nagagandahan ako sakanya.

Kahit sa loob ng sasakyan nya ay wala padin akong imik, nakatingin lang ako sa labas ng bintana, kahit ramdam ko ang nag iinit netong tingin sa gawi ko.

"You can't ignore me forever, you know." Malamig netong wika pagkapark ng sasakyan nya.

Pero hindi ko yun pinansin at agad agad na akong lumabas ng kotse nya. Hindi naman na talaga ako naiinis sakanya, nawala na yun pagkita ko palang sakanya kanina.

Pero hindi ko alam kung anong reaksyon ang ibibigay ko sakanya kaya paninindigan ko nalang ang inis ko.

Kaya ngayon tulala lang ako sa klase habang nagdidiscuss ang professor namin, hayyys wala na sigurong bago dito.

"Baka matunaw ako sa titig mo, Ramirez." Bahagya akong nagulat ng marinig ko ang pilyang boses ng professor namin.

Kaya ngayon ay sa akin na naman napunta ang atensyon ng mga kaklase ko.

Nagbaba ako ng tingin dahil sa sobrang kahihiyan. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga sya tinititigan, siguro sadyang sya lang ang nasa tapat ng tingin ko kaya nya nasabi nya yun, kasi sa totoo lang ay malalim ang iniisip ko. At wala sa klase ang atensyon ko.

"S-sorry po Ms. Montefiore" Ngumiti lang eto bago bumalik sa pagtuturo. Kinalabit naman ako ni Kayle,

"What was that?" Dinig kong bulong neto sa akin. Napailing iling nalang ako, tsismosa talaga ang babaetang eto. Nagkibit balikat lang ako.

Pagkatapos ng klase neto ay agad agad na akong lumipat ng upuan, dahil si Khali na ang next professor namin.

Ayoko namang banggitin na naman neto ang pangalan ko para lang paupuin sa harap, kaya inunahan ko na.

Maya maya'y pumasok na din sya na nakasalubong ang kilay, kasabay nun ang pagtahimik ng buong klase, bad mood si Khali ngayon kaya takot silang mag ingay baka masigawan na naman kami, habang ako prenteng nakaupo lang sa unahan, mag isa lang kasi ako sa row na to.

Wala man lang ni isang nagbalak na umupo dito.

Pabalang netong inilapag ang bag na dala nya, at naa-amaze padin ako kung bakit hindi padin nasisira ang laptop nya sa kakaganyan nya eh.

Narinig ko pa ang pagsinghap ng mga kaklase ko, habang ako parang wala lang sakin yun, siguro nasasanay na ako sa ganyang ugali ni Khali.

"Get a whole sheet of paper, we're gonna have a long quiz. This will be a review to all of you since the prelim is nearing." Dinig sa buong klase ang protesta ng mga kaklase ko, kasama na ako dun.

Wala akong na review kahit ni isang lesson nya kahapon.

Hayys, oo nga pala malapit na ang prelim pagkatapos nun ay founding anniversary na ng school. At least pagkatapos ng hirap ay saya naman ang susunod diba.

Hindi ko alam kung may tama ba ako kahit isa sa quiz na yun, pagkatapos ng quiz ay hindi eto nag aksaya ng panahon at nagturo agad eto ng panibagong lessons.

Pagkatapos ng klase nya ay sinadya kong bagalan ang pagliligpit ng gamit ko, Akala ko sasabihin nya ako ulit na mag stay.

Pero gayun nalang ang gulat ko ng hindi man lang ako neto tinapunan ng tingin at dere deretsong lumabas ng classroom na parang wala lang ako sakanya.

Nanibago ako sa inasal neto, dapat ako ang naiinis pero bakit parang nainis din sya? Dapat ba akong humabol at mag sorry sakanya?

Hayyys, nagulat pa ako ng makita ang tatlong asungot na nakatingin lang sa akin mula sa kanilang upuan, Hindi pa pala sila umalis, mabuti nalang at hinintay pa nila ako.

"Bago yun ah, LQ kayo noh?" Mababakas sa boses neto ang pang aasar, kaya inirapan ko eto. Sino pa ba kundi si Kayle ang nagsalita.

Dismayado akong nagpatuloy sa pagliligpit, pagkatapos nun ay hindi ko na sila hinintay at lumabas na ako agad ng classroom.

"Did you two fight?" Si Ade agad ang unang nakahabol sa akin.

Sa haba ba naman ng biyas nila, kahit siguro malayo na ang naglakad ko ilang yapak lang nila maaabutan agad ako. Imbes na sagutin ang tanong nya ay hindi ko nalang pinansin.

Nagpapasalamat ako at hindi na sila nag usisa pa, siguro naramdaman nilang wala ako sa mood sa pang aasar nila, tahimik lang namin tinatahak ang daan papuntang cafeteria.


Pinag iisipan ko pa nga kung susunod ba ako kay Khali papuntang opisina nya, pero nagdadalawang isip ako, dahil wala naman akong kasalanan sakanya, Ako pa nga ang naiinis eh kaya dapat sya ang maghabol sa akin.

Muntik pa akong matumba dahil sa pagbangga sa akin ni Kayle mula sa likod, kasalanan ko naman dahil bigla nalang akong huminto sa paglalakad, mabuti nalang ay maagap si Ade at nahawakan nya ako agad sa bewang ko, kundi nasubsob na ang maganda kong mukha sa sahig.

Inirapan ko si Kayle dahil sa ginawa nya, mababakas sa mukha nila ang pagtataka dahil siguro sa bigla kong paghinto.

"It's not my fault that you just suddenly stop walking, you know." Nakataas pa ang dalawang kamay neto na tila sumusuko,

"Is there something wrong, Akhi?" Si Ade na ang nagkusang magtanong sa akin.

"Babalik lang ako sa classroom, may naiwan ako eh." Nagtataka silang tumingin sa akin at may pagdududa ang tingin ni Kayle .

"Okay, samahan na kita." Pinigilan ko agad si Ade.

"Hindi na, kaya ko na to, mauna na kayo sa cafeteria, order nyu nalang ako ng pagkain, kahit ano. Kayo na bahala. Saglit lang ako" pagkatapos kong sabihin yun, ay agad agad na akong naglakad palayo.


Hindi ko na hinintay pa ang isasagot nila, at basta basta ko nalang silang iniwanan.

Halos tumakbo na ako papunta sa direksyon ng classroom, nasa kabilang side kasi ang location ng opisina ni Khali, kaya hindi sila magdududa na hindi talaga ako babalik ng classroom kundi pupuntahan ko si Khali sa opisina nya, sa hindi malamang dahilan kasi ay hindi ako mapakali kung hindi ko sya makikita at makakausap ngayon.


Wala sa sariling napangiti ako ng mula sa hindi kalayuan ay nakikita ko na ang pintuan ng opisina ni Khali, pero bigla akong napahinto ng makita ko syang nakangiti, tatawagin ko na sana sya ngunit may napansin akong kasama nya.


Isang magandang babae ang nasa tabi ngayon ni Khali, at masaya silang nag uusap. Napataas ang kilay ko at nagpoprotesta ang buong sistema ko ng halikan sya ng babae sa pisnge.


Bigla na akong lumiko at natatarantang naghanap ng matataguan ng mapansin kong naglalakad sila papunta sa direksyon ko.

Kaya pagkakita ko sa isang pintuan ay dali dali ko etong binuksan at nagpapasalamat akong hindi eto nakalock.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng mapagtantong hindi nila ako napansin.

Napahawak ako sa bandang dibdib ko ng maramdaman ang isang matinding pagkirot, para etong tinutusok tusok at winasak ng pira piraso.

Sa hindi malamang dahilan ng sumagi sa isipan ko ang nasaksihan ko kanina ay naiinis ako at may halong pagtatampo, dahil hindi man lang umiwas si Khali at hinayaan nyang halikan sya ng babaeng yun.

Kahit sa pisnge lang dapat hindi sya nagpahalik. Hindi ko namalayang may luha na palang tumutulo sa aking mga mata.


"Here, use this." Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng mapansin kong hindi ako nag iisa sa loob ng room na to, ng ipalibot ko ang aking tingin ay nasa isang opisina ako.

Inabot ko ang panyong nakalahad sa akin, at dali dali kong pinunasan ang mga luha kong patuloy sa pagpatak at nakakahiya dahil nasamahan pa ng sipon.

Nakakahiya kasi at umiiyak ako sa harap ng ibang tao lalo na't hindi ko eto kilala.

"Thank you." Inabot ko ulit ang panyong ibinigay nya. Pero napatingin lang eto dun.

"Keep it. Sayo na yan." Ang arte naman neto, parang luha lang naman ehh na may konting sipon.

"Arte mo, lalabhan ko nalang muna, Saka ko nalang isusuli. Ms.?" At ngayon ko lang napansin at nakita ang kabuuan neto.

Ang ganda pala nya, sino kaya eto? Isa rin ba etong professor? Bakit ngayon ko lang sya nakita? Hindi ko alam kung gaano ko katagal syang tinitigan bago ko narinig ang pagtikhim neto.

"Salvador. Samuelle Irina Salvador ang pangalan ko." Maya maya'y dinig kong pagpapakilala neto,

"You know if I am just an ice cream, I'll melt with that kind of stare, but if it's you. I don't mind you staring at me for as long as you want" dugtong neto at bigla akong natauhan ng marinig ang sinabi nya.

Agad akong napaiwas ng tingin dahil bigla akong nahiya. Ganun ba ako katagal tumitig sakanya?.

Nadinig ko ang bigla netong pagtawa kaya agad akong napaangat ng tingin. Mas lalo syang gumanda sa paningin ko.

"S-sorry, Hindi ko intensyong titigan ka ng matagal, bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito ehh." Naglakad eto papuntang swivel chair nya at aki nanatili akong nakatayo dito malapit sa pintuan.

"No, I've been teaching here for a year already. Engineering department." Prente lang etong nakaupo at nakahalumbaba pang nakatingin sa akin.

"Ah kaya pala, Architecture kasi ako. Kaya siguro hindi tayo nagkakasalubong." Sa laki ba naman kasi netong university eh.

Tsaka ibang department ang tinuturuan nya kaya impossible talaga at suntok sa buwan kung maglalandas ang tadhana namin.

"So, what made you cry like that? Is it a boyfriend thingy? Or is it a family matter?" Hindi ko alam kung anong isasagot ko, dahil wala sa choices na ibinigay nya ang problema ko.

"Ahh. Ano, Wala lang yun." Bakas sa mukha neto na hindi eto kumbinsido sa naging sagot ko.

Pero hindi ko na yun pinansin bagkus ay nagpaalam na ako sakanya.

"Salamat pala dito ah, kaylangan ko na palang umalis, kanina pa naghihintay ang mga kaibigan ko sa cafeteria, baka katayin na ako ng mga yun ng buhay. Ciao." Dali dali na akong lumabas ng opisina nya without waiting for her reply.

Sa ikalawang pagkakataon ay napahinga ako ng malalim. At nagtungo na lang sa cafeteria.

Nakakunot ang noo ng mga kaibigan ko ng makita ko sila sa usual spot namin dito sa cafeteria.

"Akala ko kinain ka na ng classroom sa sobrang tagal mong bumalik. Ano, nahanap mo ba ang naiwan mo?" Hindi pa man lang ako nakakaupo ay  tanong na agad ang sumalubong sa akin.

"Relax, paupuin nyu muna ako pwede?" Pinaikutan lang ako ng mata ni Gayle.

Siguro ay naiinis eto at gutom na gutom na dahil pansin kong hindi pa sila nagsisimulang kumain.

Inantay talaga siguro nila ako.

Kaya nakaramdam ako ng konting guilt kasi kung nagkataong naderetao ako sa opisina ni Kh- nevermind (mabigat sa loob kong banggitin o isipin man lang ang pangalan nya.) ay siguradong baka hindi na ako napabalik agad, baka mamamuti mata nila kakahintay sa akin.

"Sorry na, hindi ko naman sinabing hintayin nyu ako ehh" irap lang ang naging sagot sa akin ni Gayle.

Natatawa lang naman ang dalawa and with nagsimula na din kaming kumain. And as usual wala akong gana at pinipilit ko lang ang sarili kong maging magana.

"Akhi, we saw Professor Stvn kanina papuntang parking lot, may kasama syang babae, sino yun?" Maya maya'y tanong ni Kayle sa akin.

Naalala ko na naman ang ginawang paghalik ng babaeng yun sa pisnge ni Khali. Argggh!

Tahimik lang akong naglalaro sa pagkain ko, ni hindi ko nga eto sinusubo dahil nasusuka ako sa bigat ng pakiramdam ko.

"Correction, magandang babae kamo." Dugtong naman ni Gayle na syang nagpairap sa akin.

"You're murdering the food, Akhi. And you two stop asking Akhi about that. The woman is not that beautiful, you two are exaggerating." Dinig ko namang sambit ni Ade.

"Aba malay ko dun, wala akong pake sa kanila. Kahit magsama pa sila papuntang impyerno." Napatingin naman silang tatlo sa akin sa naging sagot ko.

"Talaga ba? Bat parang may nahihimigan akong selos sa tono ng pananalita mo, Akhi?" Pang aasar ni Kayle sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Selos? Me? Seryuso ka ba sa pinagsasabi mo Kayle, kahit kelan hindi ako magseselos noh, lalo na kung sya ang dahilan!." Hindi ko napansing bahagyang tumaas ang boses ko kaya napatingin sa side namin ang iilang katabi naming table.

Kaya inirapan ko ang mga eto at dali daling nagsi iwas ng tingin.

"Oh, kalmahan mo, masyado kang napaghahalataan eh, defensive masyado." Sa sobrang inis ko dahil sa naghahalo halong emosyung nararamdaman ko ay hindi ko na napigilang mapatayo.

"Hindi nga sabi ako nagseselos ehh!" Dinig ko ang pagsinghap at ang biglang pagtahimik ng buong cafeteria.

Nakita ko ngang nailuwa ni Gayle ang juice na iniinom nya dahil siguro sa gulat sa biglaan kong pagsigaw.

Matatawa sana ako kung nasa ibang sitwasyon lang eto dahil umuubo ubo pa si Gayle sa biglaan nyang pagkasamid eh.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan, at walang lingon likod na nagwalk out sakanila. Naririnig ko pa ang pagtawag sa akin nina Ade pero hindi ko na eto pinansin pa.

~~~~~~~~~~~

Nakakunot ang noo ko habang paulit ulit na binabasa ang tanong sa test paper na hawak ko, ilang beses ko na etong binasa pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko eto maintindihan, halos malukot na eto sa higpit ng pagkakahawak ko.

Exam week na nga pala namin ngayon.

Sa sobrang bilis ng pagdaan ng araw ay hindi ko na namalayan.

Pagkatapos ng nangyari sa araw na yun ay iniiwasan ko na si Khali, halos mag iisang linggo na din.

Maayos naman kami nina Kayle, Gayle at Ade kahit nakakaramdam ako ng inis sa tuwing binabanggit nila ang pangalan ni Khali.

Pagkatapos ko kasing magwalk out sakanila ay agad din naman silang sumunod at nag sorry sa pang aasar nila akin na kesyo concern lang daw sila sa akin.

Syempre hindi ko sila matitiis dahil mga kaibigan ko sila, nag sorry din ako sa inasta ko at sinabing stress lang ako sa paparating na exam kaya ako nag burst out ng ganun.

Hindi ko na sinabi sakanila ang totoong dahilan ng pag outburst ko at ng nakita ko sa labas ng opisina ni Khali dahil baka sugurin nila ang isang yun.

And speaking of Khali, isang linggo ko na din syang iniiwasan kahit ilang beses syang nagtangkang kausapin ako ay pilit ko syang iniiwasan.

Hindi ko pa sya kayang harapin at kausapin, dahil nakakaramdam padin ako ng sakit at kirot sa tuwing naalala ko yun.

Inaagahan ko na nga lagi ang paggising ko para hindi nya ako maabutan sa umaga at hindi na din ako nag aalmusal sa bahay nya para hindi kami magkasabay pumasok sa school.

Pero kahit na ganun ay lagi etong nakatabi sa akin matulog, sa gabi kasi maaga akong natutulog at sa sofa ako sa living room natutulog para hindi ako mapalitang kausapin sya pero sa tuwing magigising ako ay laging nasa kwarto na at katabi sya.

Kaya ibig sabihin ay gabi gabi nya akong binubuhat papuntang kwarto. Medyo kinikilig ako sa part na yun, pero kung hindi ba naman sa katangahan nya kung gusto nya talagang tumabi sa akin, hindi nya na kaylangan pang buhatin ako gabi gabi at sana tumabi nalang sya sa sofa, Diba? Pinahirapan nya pa sarili nya.

Hayys, Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagpatuloy sa pagsasagot, pagkatapos ng ikalawang exam namin for this morning ay napagpasyahan na naming pumunta sa cafeteria dahil sobrang drain na drain na ang mga utak namin.

Simula din ng araw na yun, hindi na ulit ako nakakapunta sa opisina nya, kahit minsan inuutusan nya akong mag stay at pumunta sa office nya ay hindi ko sinusunod, o kaya naman laging ako ang unang umaalis pagkatapos ng klase nya para hindi nya ako matawag.

"Akhi, anong sports ang sasalihan mo this time? Malapit na din ang sports fest ehh" Dinig kong tanong ni Gayle, himala at sya ang nagtatanong ngayon. Tahimik lang naman ang dalawa habang kumakain.

"Sa archery padin, why?" Tumango tango lang eto,

"I thought magtatry out ka for volleyball or table tennis." luhh, volleyball? Sa liit kong to' baka ako pa ang maging bola sa laro.

Pinaka ayaw ko ang masyadong physically draining na sports.

"Eh Ikaw Ade?" Sumubo muna si Ade ng pagkain bago sinagot ang tanong ni Gayle sakanya.

"Still Archery. " Maikling tugon neto.

"Tinanong mo pa, eh loyal yan, ano ka ba." Sabat naman bigla ni Kayle na syang ikipinagtataka ko. Umirap lang sakanya si Ade.

"By the way, Akhi. Bat pala pansin ko iniiwasan mo si Ms. Stvn, LQ padin kayo?" Halos pabulong na tanong ni Kayle at nilapit pa talaga ang mukha nya sa akin.

At kahit sa simpleng pagbanggit lang ng apilyedo nya, nasasaktan na agad ako. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko, dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko sakanya.

"Hindi ahhh, busy lang talaga kami pareho dahil sa exams noh. Kung ano ano iniisip mo." Sagot ko nalang ng mapansing nakatitig lang eto sa akin, tila ba hinihintay talaga nya ang isasagot ko.

"Weeh, talaga ba? Oyyy si Ms. Stvn oh!" Agad akong napalingon sa dereksyong itinuro ni Kayle,

Gayun nalang ang pagkadismaya ko ng wala namang Khali akong nakita. Kaya marahas kong sinapak si Kayle sa braso nya, tawang tawa lang naman eto.

"Uyyy, hinahanap nya!" Inikutan ko lang eto ng mata pero tawang tawa lang sya.

Bahala sya dyan, mabulunan sana sya kakatawa nya. Wala namang nakakatawa dun ehh.

~~~~~~~~~~~~~~

"Hey wake up, we're gonna be late, baby." Naramdaman ko ang mahinang pagtapik neto sa braso ko.

Pero ayoko pa munang gumising, sobrang inaantok pa ako. Kaya hindi ko pinansin ang mga kamay netong humahaplos sa mukha ko.

Nanatili akong nakapikit lang.

Late na kasi ako nakatulog kagabi, hinintay kong makauwi si Khali, dahil late syang umuwi, hindi ko na nga namalayan kong anong oras ba sya nakauwi dahil hindi ko nakayanan ang antok at nakatulog din ako.

As usual, nandito na naman ako ulit sa kwarto nya. Paniguradong binuhat na naman nya ako kagabi.

Maya maya'y naramdaman ko ang isang mainit na bagay na dumampi sa noo ko, pero hindi ko na eto pinansin.

Hindi nagtagal ay narinig ko ang pagpihit ng siradura at ang pagbukas sara neto.

Bago ko iminulat ang aking mata ay pinakiramdaman ko muna ang paligid kung nakaalis na nga ba talaga sya.

Kaya't dahan dahan kong iminulat ang aking mata nang mapagtanto kong wala na nga akong kasama sa kwarto, hayyss. Mabuti nalang at umalis din sya.

Hindi ko padin talaga alam kung paano sya haharapin.

Pero sa totoo lang ay miss na miss ko na talaga sya kahit magkasama kami sa bahay at kahit nakikita ko sya sa school araw araw, iba padin kasi ang nakakausap mo talaga ehh.

Hinihintay ko lang naman na magpaliwanag sya tungkol dun sa nakita ko pero hanggang ngayon ay parang clueless padin eto.

Kaya mas lalong nadadagdagan ang inis ko sakanya, at ayoko din naman na ako ang unang mag-a approach sakanya kahit na araw araw naman nyang tinatry na kausapin ako.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan namin ay naligo na din ako, pagkalabas ko ng bathroom ay agad napunta ang tingin ko sa orasan na nasa side table ng kama.

Halos lumuwa ang mata ko ng makita kung anong oras na, Shiiittttt 9:30 na, hindi na ako about para sa opening remarks ng founding anniversary ng school.

Kaya dali dali akong nagbihis, pero ganun nalang ang pagtunog ng cellphone ko habang nagbibihis pa ako, sinagot ko eto without bothering to see kung sino ang tumatawag.

"Late na ako nagising, nagbibihis lang ako, pupunta na ako agad dyan Ade.!" Natataranta kong wika dahil paniguradong mainit na naman ang ulo ng captain namin sa Archery lalo na't first day ngayon ng founding anniversary tapos late ako.

"Ikaw na bahalang magrason kay captain kung bakit ako late, Ade haa, thanks." Dugtong ko pa, nagtataka akong bakit hindi nagsasalita si Ade, gayung ni-loud speaker ko naman ang phone ko ng sagutin ko eto.

"Don't panic, I'll handle that." Nanindig ang balahibo ko sa katawan ng marinig ang boses ni Khali sa kabilang linya.

Halos magpapadyak ako dito, nang I check ko kung sino nga ba ang tumawag, ay pangalan nga talaga nya ang nakalagay, hayyys.

Nakakainis naman oh. Ayoko syang kausapin ehh.

"Still there, wife? I'm still here downstairs, waiting for you." Shiiittttt, wife daw!!!

Bigla nalang akong humiga sa kama at nagpagulong gulong, arrggh ano ba yan pinigilan ko pang huwag mapasigaw dahil baka marinig nya ako mula sa baba,para akong bulateng binudburan ng asin sa inasal ko.

Akala ko pa naman nauna na syang umalis ehh, hinintay pa talaga nya ako.

Bakit ba ako affected at kinikilig, parang tinawag lang naman nya akong wife ehh. Ano namang nakakakilig dun.

"Are you okay? Should I check up on you?" Dinig ko ang pag aalala sa boses neto.

At naririnig ko na din ang mga yabag neto mula sa kabilang linya, dahil dun ay natauhan ako at tumikhim muna bago nagsalita.

"N-no need. Nagbibihis pa ako, dyan ka lang sa baba, malapit na akong matapos." Taranta kong tugon, at dali daling ni lock ang pinto, in case pumasok nga talaga sya.

"Oh, okay. I'll just wait for you, then." Tumigil na din ang mga yabag neto,

"Yea, I'll hang up now." Enend ko agad ang tawag nya bago pa sya makapagsalita.

Hayys, ano na ang gagawin ko neto? Ibig bang sabihin ay mapipilitan akong kausapin sya at makasabay?

Ilang minuto pa ang ginugol ko bago ko maisipang bumaba na. Nakita ko agad si Khali na nakatayo sa paanan ng hagdan, mataman lang etong naghihintay, hindi mababakas sa mukha neto ang pagkainip.

"Let's eat breakfast first before going to school." Agad ako netong iginiya papuntang kusina, at pinaghila ako ng upuan.

Hinayaan ko lang eto at walang imik lang na nagpatianod, nilalagyan din neto ng pagkain ang plato sa harap ko, at ako na nga ang nahiya dahil pinagsisilbihan nya padin ako sa kabila ng hindi ko pagpansin sakanya.

"Ako na, Khali. Kaya ko na. Umupo ka na din at kumain." Inagaw ko mula dito ang sandok pero iniiwas lang neto.

"Let me do this, please." Kaya hinayaan ko na lang. Ngumiti naman eto ng malawak sa akin ng hayaan ko sya.

Ano ba naman yan Khali, Hindi ako marupok kaya dapat hindi ako matinag sa ngiti nyang yan.

Kaya agad akong umiwas ng tingin dahil naaapektuhan na din ako sa ngiting pinapakita nya.

Kumain na din ako agad at tahimik lang kaming dalawa habang kumakain.

Pero kahit hindi ako nakatingin sa gawi nya ay ramdam na ramdam ko ang intensity ng titig neto, kaya medyo nailang din ako dahil nga kumakain pa ako.

"Kumain ka na nga lang dyan, Khali. Stop staring at me." Suway ko sakanya ng mapansin kong nakatitig padin eto imbes na kumain.

"But I love staring at your beautiful face. Besides this is the first time since that day that we got to eat again together, because for some unknown reason you started avoiding me." Nahimigan ko ang tampo sa boses neto.

At talaga bang wala syang kaalam alam kung bakit hindi ko sya pinapansin? Kung makapagtampo sya parang walang ginawang kasalanan ehh, taksil!.

Nang mag angat ako ng tingin ay magkasiklop ang dalawang kamay neto at mataman lang na nakatitig sa akin.

Nagbukas sara ang bibig ko upang umalma pero walang salitang lumabas sa bibig ko.

"Nevermind, anyway. I already contacted the captain of Archery and excuse you for this morning line up. So there's no need to worry about it." Iba talaga pag may koneksyon ka, lahat nagagawan ng paraan.

Sigurado akong tuwang tuwa pa yung captain namin dahil tinawagan pa talaga sya ni Khali para lang ma excuse ako, hindi naman kasi lingid sa aking kaalaman kung gaano kasikat at kadaming nagkakandarapa dito kay Khali, parang halos lahat yata ng makasalubong ko ay kilala sya at lagi nalang may gusto sakanya o crush sya.

Kung alam lang nilang may asawa neto, ano kaya magiging reaksyon nila, tapos ako pa ang asawa baka namatay ang mga eto sa inggit.

Hindi nalang din ako nagsalita dahil wala namang lumalabas sa bibig ko ehh, nagpatuloy lang ako sa pagkain at hinayaan ko nalang si Khali sa kung ano man ang ginagawa nya.

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na kami agad sa kotse nya, at Isang nakakabinging katahimikan lang ang namagitan sa amin habang tinatahak namin ang daan papuntang school.

Hindi naman sya nagsasalita kaya hindi nalang din ako umimik pa.

Maya maya'y nakarating na din kami sa school premises, at agad akong nag alis ng seatbelt pagkahinto nya sa sasakyan.

"Let's eat lunch together, baby." Hinawakan ako agad neto sa braso bago pa ko pa mapihit pagbukas ng pinto ng sasakyan nya.

Hindi ko alam ang isasagot ko, papayag ba ako or mag rarason ako na busy ako? Which is it? Lord please help.

At dahil wala yatang balak na bitawan ako ni Khali ay tinanguan ko nalang sya bilang pagsang ayon sa gusto nya, para din makaalis na ako dito.

"Bitaw na, malilate na ako, Khali." Binitawan naman ako agad neto, kaya dali dali na din akong lumabas at naglakad palayo.

~~~~~~~~~~~

At katulad ng sinabi ni Khali ay bakante ako buong umaga, at talagang pinalayas pa ako ng captain namin sa sarili naming booth.

Hayys.

Kaya eto ako ngayon naglibot libot nalang ako sa buong university, triny ko ngang I contact ang tatlong asungot sa buhay ko pero ring lang ng ring, bahala sila sa buhay nila. Wala man lang paramdam ang tatlong yun, tsk.

Dahil sa katangahan ko ay bigla nalang akong nabangga sa isang tao, nakatingin kasi ako sa phone ko habang naglalakad dahil chinicheck ko kung may message ang mga kaibigan ko.

Kaya ayun tuloy naibuhos sa akin ang malamig na soft drinks ng taong nagkabanggaan ko, hayyss.

Wala pa naman akong dalang pamalit, like malay ko bang mabubuhusan pala ako ngayon. Arrggh, tanginang buhay to.

"Oh gosh, I'm so sorry honey, my bad. I wasn't looking to where I'm going!" Isang matinis na boses ang narinig ko

At teka bakit parang pamilyar ang boses nya? Pilit netong pinapapag ang damit kong basang basa na.

Inilayo ko ang sarili ko dito dahil naiilang na din ako,

"Okay lang, kasalanan ko din dahil hindi din ako nakatingin sa dinadaanan ko eh." Sambit ko bago mag angat ng tingin, ganun nalang ang gulat ko ng mapagtanto kung sino ang taong kaharap ko.

"Wait, it's you?"

"Ikaw?!"

Magkasabay naming sambit, and yes it's Ms. Salba? Salve? Ano nga yung apelyido nya?

Shiiittttt nakalimutan ko na. Ang babaeng nagpahiram sa akin ng panyo na nakalimutan ko ding isauli.

"Gosh, what are the odds, Ikaw pala yan. What's your name nga? You didn't introduce yourself to me the last time we saw each other." Natatawang wika neto. At hinampas pa ako ng marahan sa braso.

"Ahh, I'm Akhi nga pala, from the archi department, Ms ?" Napakamot pa ako sa ulo ko dahil hindi ko talaga maalala ang pangalan neto.

Humawak eto sa may bandang dibdib nya at tumingin sa akin na para bang may pagtatampo.

"Uyy' rhyme yun. You're witty huh. And once again, I am Samuelle Irina Salvador, don't ever forget that kundi magtatampo na talaga ako." Ahhh, oo nga pala Samuelle Irina Salvador pala ang pangalan nya.

"Uhh, sorry marami kasi akong iniisip ehh." Paumanhin ko nalang, magpapaalam na sana akong umalis dahil nalalagkitan na ako sa suot kong basang basa ng soft drinks.


"Halata nga, anyway come with me. I have an extra shirt in my office. You can have it, and sorry ulit at natapunan ka pa talaga." Ayoko sanang sumama dahil nakakahiya naman.

Uuwi nalang sana ako eh para makapagpalit pero bago pa ako makapagprotesta ay inilingkis neto ang kamay nya sa braso ko at hinila na ako agad neto.

Leaving me no choice but to let her drag me to her office.


Habang tinatahak namin ang daan papuntang opisina nya ay kaliwa't kanan naman ang tinging nakukuha namin.

Agaw atensyon sa mga kapwa ko studyante ang damit kong basang basa, lalo na't isang magandang professor ang kasama ko at nakalingkis sa braso ko.

Naiilang ako sa ganitong sitwasyong, at gusto ko na talagang umuwi pero mahigpit ang kapit neto sa akin na tila ba ayaw akong pakawalan.

Mabuti nalang at nakarating na din kami sa office nya sa wakas, hayys. Dali dali naman etong nagtungo sa table nya at may kinuha sa drawer nya mula dun.

Inabot neto sa akin ang isang white shirt na saktong sakto naman sa akin ang size, nagtataka ako dahil hindi naman kami magkasing laki dahil sobrang tangkad neto kesa sa akin, kaya paanong mayron syang ganitong size ng damit? Gusto ko sanang itanong yun pero nahihiya ako kaya hinayaan ko nalang.


Huhubarin ko na sana ang damit kong suot ng mapansin kong nakatitig eto sakin, nakaramdam ako ng kaba at ilang.

"Uhm, magbibihis po ako, pede po bang tumalikod ka?" Hindi ko alam pero tila nakakaramdam ako ng pagkailang dito.

"Why? We're both women, naman." Hindi ako makapaniwala sa naging sagot neto.

"Kidding, you can get changes inside the bathroom, honey." Dugtong neto, siguro napansin nyang nailang ako.

Napahinga ako ng maluwag sa sinabi neto, shit may bathroom pala dito, bakit hindi ko yun naisip, hayys.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako agad, magpapaalam na sana akong aalis na ngunit pinigilan ako neto.

"Can you have lunch with me? Wala kasi akong kasama eh" nagdadalawang isip ako dahil naka oo ako kay Khali, pero nakakaawa naman ang isang to dahil mukhang wala syang kakilala dito.

Saka si Khali may mga kaibigan na pedeng makasama nya sa pagkain kaya hindi naman siguro sya magagalit kung samahan ko ang isang to.

Kaya kahit na nagdadalawang isip ako ay pumayag akong samahan si Ms. Salvador mag lunch.

Samahan ko lang sya kahit saglit tapos nun puntahan ko na si Khali, hindi naman siguro mapapansin ni Khali kung matagalan ako.

Masigla etong tumayo at naglakad patungo sa akin at inilingkis ulit neto ang kanyang kamay sa braso ko.

Nawiwierduhan na ako sa inaasta neto, feeling close kasi sa akin samantalang ikalawang beses palang naman kami nagkita.

"What do you wanna eat? Sa labas tayong university, I know this new open resto that I really wanna try but I don't have someone to go with." Mahabang lintanya neto.

Nagpatianod na lang ako, pero sa totoo lang ay nagsisisi na akong pumayag pa ako, ang clingy pala neto, nakakailang.

Pagkarating namin sa parking lot at pinagbuksan pa ako neto ng pinto, agad din naman kaming umalis at tinahak ang daan papuntang resto na tinutukoy neto, at ang daldal pala neto, medyo nakakarindi sa tenga ang boses nya.

Mabuti pa si Khali maganda sa pandinig ang boses, hayyys sana pala hindi ko na sinamahan to, pero nagtataka ako dahil halos kalahating oras na kami nagbabyahe hindi padin kami nakakarating sa tinutukoy netong resto.

Kaya naisipan ko ng magtanong dahil baka kung saan na ako neto dalhin.

"Malayo pa ba tayo? Kaylangan ko din kasing bumalik agad sa university, baka hanapin ako ng captain ng booth namin." At baka hanapin din ako ni Khali, o baka nga hinahanap na ako nun.

"Malapit na tayo, don't worry much, I'll talk to your captain nalang if ever malate ka." Tumango tango nalang ako.

Pero nagtataka ako kung bakit hindi pa yun tumatawag nagtext man lang, nang maisip ko yun ay bigla ko nalang naalala ang cellphone ko.

Agad ko etong hinanap at kinapa ang bulsa ng suit kong pants pero dismayado ako ng mapagtantong wala dito ang phone ko.

Shiiittttt naiwan ko siguro sa CR ng office neto nang magbihis ako kanina, hayyys. Kung hindi ka ba naman tanga self!.

"Are you okay? May problema ba?" Napansin siguro neto ang pagkabalisa ko kaya hindi na nya napigilang magtanong.

"Yung phone ko kasi, naiwan ko yata sa office mo, baka kasi may tumawag sa akin at hindi ko masagot." Nalukot na ang mukha ko dahil sa sobrang inis sa sarili ko.

"Is that really important? Should we go back nalang?" Napailing naman ako agad, dahil nakakakonsensya kung babalik lang kami, ang layo na din ng nabyahe namin para bumalik lang.

"Wag na, pagkabalik nalang natin. Malayo na nabyahe natin ehh." Binigyan ko nalang eto ng tipid na ngiti.

" You sure?" Tumango lang ako bilang sagot.

At katulad ng inaasahan ko, nasa gitna ako ng nag enjoy na hindi, dahil hindi ako mapakali sa isiping hinihintay ako ni Khali.

Masyado kaming natagalan sa lugar na pinuntahan namin ni Ms. Salvador, inabot na kami ng hapon bago makabalik sa university.

Nang makarating kami ay halos takbuhin ko na ang opisina ni Ms. Salvador para Kunin ang phone kong naiwan, hindi ko na nga sya halos hinintay at agad agad akong bumababa ng kotse nya.

Nakasalubong ko pa ang tatlong asungot na walang paramdam sa akin kaninang umaga habang tinatahak ko ang daan papuntang opisina ni Ms. Salvador.


Siguro kung kasama ko sila kanina Hindi mangyayari to, shiit' it's my fault and yet I'm blaming them, arghh.

Agad akong hinawakan ni Kayle sa braso dahil nga tumatakbo ako.

Mababakas sa mukha nila ang pag aalala.

"Where the hell were you?! Alam mo bang hinahanap ka kanina sa amin ni Ms. Stvn? We're so fucking worried, we thought something bad might've happen to you?!" Halos pasigaw netong sambit.

"I'm so sorry, where's Khali? I'll explain later.!" Mababanaag ang pagmamadali sa boses ko.

"Honey, wait for me." Marahas akong napapikit ng marinig ang boses neto sa may di kalayuan, fuck! This is all her fault.

Nagtatakang napalingon dito ang tatlo, pero bago pa nya ako maabutan ay iniwan ko na sina Kayle at dere deretsong tumakbo papuntang opisina nya.

Narinig ko pa ang pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na yun pinansin.

Pagkapasok ko palang sa loob ay agad kong hinanap sa loob ng CR ang cellphone kong naiwan.

Pero nagtataka akong wala yun dun, lumabas ako agad dahil wala akong oras na pedeng aksayahin.

Lalabas na sana ako ng office nya ng mapansin kong nasa ibabaw ng office table nya ang cellphone ko, nagtataka ako kung bakit napunta dito yun, samantalang hindi ako nakalapit sa table nya kanina.

Pero wala na akong oras para isipin pa yun, agad na akong lumabas ng office nya dahil sigurado akong nag aalala na si Khali sa akin.

Pagkabukas ko palang ng cellphone ko ay, tadtad ng miss calls at messages ng mga kaibigan ko at ni Khali ang phone ko, shiit', more than 500 miss calls at almost 700 text messages ang natanggap ko, fuck! Most of it came from Khali!

Halos takbuhin ko na patungo sa office ni Khali, triny ko etong tawagan pero cannot be reached eto, walang ano anong binuksan ko ang pinto ng office nya, pareho pa kaming nagulat sa impact ng pagkakabukas ko.

Nadatnan ko si Khali na nakayuko kanina at si Ms. Montefiore na parang kinocomfort si Khali, pagkakita sa akin ni Khali ay agad etong tumayo at tumakbo papunta sa akin.

Isang mahigpit na yakap ang iginawad neto sa akin na tila ba takot na takot eto.

"Where have you been? I've been searching the whole school premises just to find you.! I thought something bad happened to you, I couldn't contact you, I couldn't get a hold of your whereabouts. Please baby, don't ever do this again." Nahimigan ko ang takot sa boses neto, na ngayon ko lang narinig mula sa kanya.

Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata neto ng pakawalan nya ako mula sa pagkakayap nya sakin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil parang naiiyak din ako.

Hindi ko aakalaing makikita ko syang umiyak, and to think na ako ang dahilan ng kanyang pag iyak burdens me.

Parang pinipiga ulit ang puso ko habang pinagmamasdan ang napakaganda nyang mukha nya na may bahid na ng luha, pero kahit na ganun ay maganda padin sya kahit na umiiyak.

Shiiittttt, how could I do this to her? I made her worried for nothing. I made her cry for something not worth the reason.

Hindi ko dapat piniling samahan si Ms. Salvador over her, paano ko nagawang saktan ang katulad ni Khali?


Fuck, I am so stupid talaga arghh..

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

704K 54.9K 35
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
228K 8.2K 52
𝘞𝘪𝘯𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘧𝘧 __________________________________________ "You Bangs my tri!" "I, what!?" "Sabi ko you bangga bangga my tricycle!" Di lang tricy...
600K 40.8K 73
I walked down the dark hallway, my eyes scanning the rooms on my way.The door was slightly ajar as I reached the end of the hallway, my hands pushing...
12.9K 1.1K 29
A demon cast away from the depths of hell, for a reason she couldn't comprehend. To live in the human realm in this beastly form. This was Son Chaeyo...