Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

925K 31.8K 20.9K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 42

9.7K 402 291
By JosevfTheGreat

Chapter 42: Full Course Embarrassment

#DittoDissonanceWP

hi! here's chapter 42 <3 enjoooooy!

don't forget to vote this chapter, thank you!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Sunday morning, nagising ako sa ring ng phone ko. Naniningkit pa ang mga mata ko sa antok nang i-check ko kung sino ang tumatawag. I groaned when I saw my Mom calling. Alas-sais pa lang ng umaga. Maaga naman ako nakatulog kagabi, pero pagod na pagod pa ako. Ang aga-aga tumawag ni Mama.

"Yes, Ma?" I answered the phone with a sleepy voice.

"Good morning, Victorino!" maligayang sabi ni Mama.

Tumagilid ako ng higa habang nakapikit at hinayaan ko lang na nakapatong ang phone sa tainga ko. Antok na antok pa ako. Gusto ko pang matulog.

"Nagising ba kita, anak?" sabi ni Mama.

"It's fine, Ma. What's up?" inaantok kong sabi.

"Inaaya ko kasi ang daddy mo magsimba today. Tapos may malapit do'n na mall, kaya puwede tayong mag-family lunch do'n. Anong sa tingin mo?" sabi ni Mama.

Hindi pa nagfa-function ang utak ko nang maayos kaya hindi ako nakasagot agad. Ang naintindihan ko lang ay magfa-family lunch. Wala na akong na-absorb gaano sa sinabi ni Mama.

"Tapos, 'yung friend ko may bagong bukas na salon nearby lang din! Inaaya ko rin si Daddy mo magpunta ro'n. Magpapakulay ako ng hair kasi lumalabas na rin ang mga sumpa. Puwede kayong magpa-hair cut or foot spa," sabi ni Mama.

I groaned. "Alright, Ma. Paki-remind na lang ulit ako later. Inaantok pa talaga ako. May work din ako ng alas-diez at ang tapos ko ay around five pa. So, hindi ako makakasama sa lunch. Dinner na lang at 'yung sa salon," inaantok kong sabi.

"It's okay, anak. Sobrang sipag naman ng Victorino ko na 'yan! Super dedicated sa work! Good 'yan, anak. Sige, ite-treat kita ng foot spa and dinner later. I love you. Sleep ka na ulit!" sabi ni Mama.

Napangiti ako habang nakapikit. "I love you, too, Ma. See you later."

Dumilat lang ako saglit para ilagay sa study table ang phone ko. Nag-alarm naman ako ng 8 a.m. kaya hindi naman ako male-late sa trabaho. As soon as nakapuwesto na ako ng higa ulit, nakatulog agad ako.

Nagising na lang ulit ako ng pasado alas-otso. Bitin na bitin pa ako sa tulog kaya tinulugan ko 'yung alarm ko. Buti na lang kusa akong nagising. Mga alas-nuebe ko na napagdesisyunan bumangon. Hindi naman ako nagugutom. Mamaya na lang ako kakain kapag walang customer.

Sumaglit lang ako ng isang set ng push-up at curl-up bago naligo. Habang naliligo ako, 'saka lang ulit sumanggi sa isip ko 'yung nangyari kahapon. Napapikit na naman ako ulit sa kahihiyan. Tangina talaga. Ang payapa ng isip ko kanina habang nage-exercise, tapos bigla ko na namang maalala.

Vivid pa rin sa isip ko ang hitsura ni Zern kahapon. Napalunok ako nang madiin. He's fucking sexy. How can a guy be that sexy? Fuck damn. I even had a boner. Mahina akong natawa at umiling-iling. Hindi ako makapaniwalang hindi maaalis sa isip ko ang katawan ni Zern. I could even draw it, if I would.

Saglit pa akong napatitig sa pader ng CR habang hinahayaan lang ang malamig na tubig na dumaloy sa katawan ko. I cannot stop thinking about Zern. I don't know why. Ngayong naalala ko na naman 'yung nangyari kahapon, buong araw na naman siya nasa isip ko. Parang hindi natatahimik 'yung sistema ko kapag hindi ko siya nakikita. Kahit ang dami kong ginagawa, at may mga plans akong kailangan i-meet, palagi pa rin siyang sasanggi sa isip ko nang biglaan. Napabuntonghininga na lang ako 'saka nagpatuloy maligo.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Habang naglalakad ako papunta sa Ginto's, tumunog ang phone ko. It was a message from Magnus. I was not-so glad that he contacted me. Hindi ko na alam kung anong gusto nilang mangyari. Hindi sila nagparamdam sa akin kahapon. Dagdag lang sa iisipin at bibigyan ko ng energy. Alam nilang ang dami-dami ko ng ginagawa, hindi pa sila makisama.

Magnus:

Free ka? Kakausapin ka na raw ni Titus. If may work ka, after na lang ng work mo.

Caiden:

I'll be with my family after my work. Okay na ako kahapon, kakausapin ko na siya. Hindi kayo nagparamdam lahat. Minessage ko kayong tatlo.

Magnus:

Ako ang nagsabi kay Echo na wag kang reply-an. Gusto ko lang munang pahupain nang tuluyan lalo 'yung hangin sa inyo ni Titus.

Caiden:

Marami akong ginagawa, pre. Hindi na ako palaging free katulad ninyo. Makisama rin kayo. Hindi ninyo ako utusan, na kung kailan ninyo lang ako gustong pasundin at papuntahin kung saan, pupunta ako.

Magnus:

Sorry pre. May work ka ba ngayon? Punta na lang kami sa Ginto's. Ikaw na lang puntahan namin.

Caiden:

Oo, 10. Papunta na ako ro'n. If pupunta kayo, pumunta na kayo ngayon. Para wala pang customer.

Magnus:

Sige pre. Punta na kami. Katatapos lang namin mag-breakfast.

Sineen ko na lang ang huli niyang chat. Hindi ko na 'yon kailangan malaman. Ayaw ko ng mag-imbak ng mga walang sense na information sa utak ko. Marami na akong ginagawa at iniisip.

'Pagkadating ko sa Ginto's, nando'n na rin si Georgina. Tinulungan ko siya mag-opening. Nagwalis-walis ako at naghugas ng iilang mga gagamitin. Ilang minuto lang ang lumipas dumating na sina Magnus. Nagpaalam muna ako kay Georgina na kakausapin ko lang muna sila at wala naman siyang naging problema ro'n.

Umupo kami sa isang sulok. Para silang patay tatlo sa sobrang seryoso nila. Magkakatabi pa sila sa isang pahabang couch at ako lang ang nakaupo sa harap nila.

"Should we order something first?" sabi ni Magnus.

"Kayo bahala," simple kong sagot bago humalukipkip.

I didn't welcome them with a good vibe. I'll just react lesser. Ayaw ko ng ubusin 'yung energy ko kakaisip tungkol dito. Wala namang sense. Kung ayaw na nila akong maging kaibigan, so be it.

"Caiden, sorry. . ." sinimulan ni Titus kaya lumipat ang mga mata ko sa kaniya. "I was immature for not considering your situation. Mali ko rin na pinangunahan ako ng emotion ko. Hindi lang din ako vocal sa nararamdaman ko, pero may mga pinoproblema rin ako sa family at sa sarili ko. Nainis lang ako sa ginawa mo, tapos sumabog na ako," sabi ni Titus.

I didn't smile. I maintained my calm and serious face. "It's fine. I apologized din sa pagpapahiya ko sa 'yo kina Zern. Mahalaga kayo sa akin. Pero ngayon, I just don't feel like hanging out with you guys. I'm really tired. Alam ninyo 'yung trauma ko sa tao-'yung paulit-ulit nage-explain tapos hindi pinapakinggan. Kaibigan ko kayo, matagal na. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nagagawa ninyong mag-solo ng usapan. That's childish for me. That's unnecessary," sabi ko.

Walang nakapagsalita sa kanilang tatlo sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nila dahil seryoso lang din naman ang mga mukha nila.

"Sorry, pre. Nahihirapan ako kung sino ang papakinggan ko sa inyo ni Titus. Nag-open up lang din kasi sa akin si Titus tungkol sa family niya. Kaya nanatili lang muna ako sa kaniya. Sa ating apat, tayong dalawa naman 'yung bigger person palagi. Dahil itong dalawa, mahina 'yung loob. Mukha lang silang masiyahin at kalmado palagi, pero bigla na lang silang malulungkot," sabi ni Magnus.

"Naiintindihan ko naman silang dalawa, e. Ayaw ko lang magpaliwanag na. Kung mahalaga 'yung nararamdaman ko para sa inyo, hindi ko na kailangan mag-over explain. Hindi ko kailangan palaging maging bigger person para sa inyong tatlo. Matatanda na kayo. Hindi dapat kayo tumatandang paurong. Man up," sabi ko.

"Sorry, Caiden. Mas naiintindihan ko lang kasi si Titus no'ng time na 'yon. Hindi ko gaano iniintindi 'yung side mo dahil wala naman akong pakialam kay Zern. Pero no'ng in-explain sa akin ni Magnus na gano'n kang tao-mahilig kang bumawi lalo na kung alam mong malaki 'yung naging kasalanan mo. Naalala ko rin bigla na gano'n ka nga pala talaga. Naalala ko 'yung kinuwento mo sa amin no'ng high school-'yung nangyari sa 'yo no'ng bata ka. Na-bully ka kaya hindi ka na naging mabait at caring na tao. Nagiging caring ka na lang kapag mahalaga 'yung tao sa 'yo," sabi ni Echo.

"Mahalaga rin si Zern sa akin, Echo. Hindi ko man siya kaibigan, pero he's so kind. I fucking swear it. Sobrang bait ni Zern. I'll always treasure that kindness, Echo. Alam ko 'yung pakiramdam na hindi na-appreciate, so I'll fucking appreciate him," sabi ko.

Tumango si Echo at tumango. "Ayan nga 'yung sinabi ni Magnus. Mabait si Zern. Kaya hindi ko raw dapat tingnan si Zern na parang wala lang. At hindi ko dapat i-invalidate 'yung pagbawi mo sa kaniya," sabi ni Echo.

"At saka. . . dapat hindi ko sinabing nakakapagod makinig sa 'yo, Caiden. Sorry do'n, pre. Kaibigan mo kami, kaya kami ang magiging kasama mo at katulong mo sa mga bagay na nahihirapan ka," sabi ni Titus at tipid na ngumiti.

"Sorry, Caiden. Hindi ako nag-chat sa 'yo kahapon. Nami-miss ka na namin. Ilang araw na tayong hindi nakakapag-bonding apat," sabi ni Magnus.

Napabuntonghininga ako. "Huwag ninyo na rin pagsasalitaan nang masama si Zern. Ayaw ko ng maririnig na parang wala lang si Zern. I-try ninyo siyang kausapin, para malaman ninyo kung gaano siya ka-gentle at bait na tao. Kaya nga ako sising-sisi, e. Gusto kong bumawi. Hindi niya deserve 'yung ginawa ko. The way his friends treat him makes me understand why's he like that," sabi ko.

Tumango si Magnus. "Oo nga. Sinasabi ko nga sa kanila na mabait si Zern. 'Yon din ang sinabi ni Mishael. Tinulungan siya ni Zern mag-unpack ng mga gamit niya no'ng kararating pa lang niya sa dorm. Kaya nilibre niya si Zern ng dinner sa perya," sabi ni Magnus.

"E 'di kaibiganin natin si Zern! Pati 'yung mga kaibigan niya," maligayang sabi ni Echo.

"Don't be a freak, Echo. Hayaan mo lang maging natural. Baka kasi bigla-bigla ninyo na lang siyang ia-approach. No'ng ginawa ko 'yon, para siyang nahihiya at hindi mapakali. Maybe may na-trigger sa kaniya or. . . maybe he was just weirded out," sabi ko.

"Oo nga. Natural lang. Kumbaga puwedeng kaibiganin muna natin si Ashton, since kasama natin siya sa org. Ayain natin kumain, gano'n. Tapos isama niya si Zern," sabi ni Echo.

Parang baliw na 'tong mga kaibigan ko. Naging desidido na rin silang kaibiganin si Zern. Samantalang ako, nakatatak pa rin sa utak ko ang nangyari kahapon. At hindi ko alam kung matatakasan ko ang thought na 'yon.

Mahina akong natawa. "Ngayon naging interesado na kayo kay Zern. Hindi ko naman sinabing maging kaibigan ninyo siya. Just be nice. Pero kung kakaibiganin ninyo talaga si Ashton para maging kaibigan ninyo rin si Zern, kayo bahala," sabi ko.

Ngumiti sa akin si Magnus kaya unti-unti rin akong napangiti. Nakahinga na rin ako nang maluwag. Kasi kung gagawin pa nila 'tong mas komplikado, baka lumayo na lang ako sa kanila. Wala akong choice kundi hayaan na lang sila. Wala na akong oras para intindihin pa ang kung anong problema nila.

Nang may dumating ng customer, hinayaan ko na sila ro'n. Um-order din naman sila ng desert at kape. Mukhang tatambay pa sila rito. Pero hindi ko naman sila masasamahan kung sakaling ayain nila ako umalis after ng shift ko, gawa ng may lakad din ako.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Hindi naman naging matao ngayong linggo. Siguro dahil walang pasok. Alas-singko pasado na rin ako nakapag-out. Sumabay na rin sina Magnus sa akin. Pero mukhang may pupuntahan silang tatlo. Dumeretso sila pa-highway, dumeretso naman ako pabalik sa university. Mag-aayos ako ng gamit ko, para deretso pasok na lang ako bukas. Hindi na ko dadaan sa dorm.

Doon kasi ako patutulugin ni Mommy sa bahay for sure. At saka, gusto ko rin sila makasama. It'd be nice to see them. Nakakapagod 'yung isang week. Isang week pa lang ang nakalilipas, pero pagod na pagod agad ako. Ang daming nangyari.

'Pagkarating ko sa dorm, nag-text ako kay Mommy na mag-ayos lang ako ng gamit ko then punta na ako sa bahay.

Naging mabilis naman ang pagkilos ko dahil kaonti lang naman ang kailangan kong damit. At kung need ko ng extra, may mga damit pa rin naman ako sa bahay.

Habang nasa biyahe, nadaanan ko ang mall malapit sa highway. Bigla na namang sumanggi sa isip ko si Zern. I would like to eat there, too. I wonder if he likes that restaurant. Napasinghap ako habang nagmamaneho. Ngayong sinimulan ko na naman siya isipin, hanggang mamaya nasa isip ko siya.

Tinry kong magpatugtog, pero pinatay ko rin agad. Mas gusto kong tahimik. Mas nakakahinga ako ng maluwag. Sumasanggi sa isip ko ang mga gagawin ko kinabukasan, pero bigla ulit lilitaw si Zern sa isip ko. I cannot stop it. Lahat na lang nagfa-flash sa isip ko. Lalo na 'yung naliligo siya. Parang naka-tattoo na sa utak ko 'yung katawan niya. Natatawa na lang ako at nahihiya talaga.

Mahina akong natawa habang nagmamaneho. Putangina. I wonder where he was today. Did he go home? Hindi ko siya napansin sa Tafiti's kanina. Or hindi ko lang siya nakita. I checked it no'ng nag-out ako. Ano kayang magiging reaction ko kapag nakita ko siya sa Monday? I kind of miss seeing him.

Alas-sais pasado na rin nang nakarating ako sa bahay. Nadatnan ko si Mommy sa dining area habang si Daddy ay nanonood ng TV sa living room. They're probably waiting for me. Nakabihis na kasi sila.

"Hi, Ma," sabi ko at humalik sa pisngi ni Mama.

"Ang bango ng anak ko. I'm proud of you, Caiden. Hindi ko 'yon nasabi sa call. Ayaw ko i-text, kaya hinintay ko na lang ang pag-uwi mo," sabi ni Mama at hinalikan pa ako ulit sa pisngi.

I chuckled. "Thank you po. Pagod lang talaga, pero kaya ko naman," sabi ko.

"Kinuwento ko nga si Daddy mo. Natutuwa siya at the same time, 'wag daw akong maging too hard sa 'yo. Pero kita mo naman, ang ganda ng naging effect sa 'yo. Hindi ka na naglalasing. Hindi ka na puro babae. Natutuhan mong mag-focus sa studies and work, right?" sabi ni Mama at halatang proud talaga siya.

Tumango ako at mahina ulit na natawa. Tumayo si Mama para yakapin ako. I hugged her back tightly. I miss my mother.

"Let's go na pala, Victorino. Kanina pa tayo hinihintay ng ama mo. Kakatapos ko lang kasi magbihis, kasi nanood ako ng K-Drama kanina," sabi ni Mama at humalakhak.

Napatingin si Daddy sa amin nang sabay kaming naglalakad ni Mama papunta sa kaniya. Nag-side eye siya kay Mama at ngumiti sa akin.

"Hi, Daddy," sabi ko at tumayo naman si Papa para yakapin ako.

"It's nice to see you, Caiden. Let's have a dinner later, and talk about you," sabi ni Daddy at tinapik-tapik ako sa balikat.

Pinatay na niya ang TV at kinuha ang phone niya sa coffee table. Dumeretso na kami sa labas. Walang maiiwan sa bahay dahil day-off lahat ng tauhan, kaya ni-lock ni Mommy ang bahay. Si Daddy naman ay inilabas na sa garahe ang Fortuner.

Akala ko sobrang layo ng pupuntahan namin, pero hindi naman pala gaano. Maraming tao ang nakakalat sa paligid 'pagdating namin do'n. Sobrang ingay at gulo ng paligid kahit madilim na. Huminto si Daddy sa tapat ng mall.

"You guys go ahead. I'll catch up. Ipa-park ko lang ang kotse sa mall. I don't feel safe parking anywhere nearby," sabi ni Daddy.

"Okay, hon. Alam mo naman na 'yung salon, right? Doon lang sa helera ng mga bike," sabi ni Mama.

"Yes, darling," sabi ni Daddy at humalik pa kay Mama sa labi kaya mahina akong natawa.

Hindi talaga kumukupas ang pagiging sweet nilang dalawa. Palagi pa 'yan nagde-date kung saan-saan. Nagtataka nga ako bakit hindi na ako nasundan. Hindi ko naman na tinanong. Baka mahirap na rin para kay Mama.

'Pagbaba namin ni Mama ng kotse, 'saka ko lang naamoy ang usok at iba't ibang nilulutong street foods. This place is so chaotic. Hinawakan ko si Mama sa balikat dahil baka madukutan siya at mabangga.

Banda naman do'n sa sinasabi ni Mama na helera ng bike, hindi na gaano matao. Pero marami-rami pa ring nakahelerang mga nagbebenta ng mga pinritong manok at mga pinritong mani.

Mula sa labas, halatang kabubukas nga lang ng salon na sinasabi ni Mommy dahil may mga puti at dilaw na lobo na nakapuwesto sa gilid ng entrance.

'Pagkapasok namin, binati agad kami ng isang bading. Saglit lang siyang tumingin kay Mommy at kaagad na lumipat ang mga mata sa akin. Napalunok agad ako. I tried not to feel anxious. Hinawakan ako ni Mommy sa braso para ilayo sa bading na nasa harap namin. Siya ang humarap dito at tipid lang na nginitian.

Nangunot ang noo ko nang parang may sinisipat si Mommy na babaeng may kausap na isa pang babaeng kinukulayan ang buhok.

"Oh! Melecia, right?" sabi ni Mommy sa babaeng tinutukoy niyang Melicia.

Hinila ako ni Mommy malapit sa likuran niya habang tuwid ang tingin sa kay Melicia. Nangunot ang noo ni Melicia bago unti-unting naliwanagan kung sino ang nanay ko. Baka siya 'yung may-ari ng salon? Siya ba?

Napanguso ako't nilibot ang tingin ko sa buong salon. Bahagyang nangunot ang noo ko nang nakita ko si Zern. Is that Zern or namamalikmata lang ako? Sandali ko pang pinroseso at. . . si Zern nga talaga 'yon. Napalunok agad ako at umiwas ng tingin.

Wait. . . tama bang iniwas ko ang tingin ko? Dapat ba nginitian ko siya at kinawayan? Fuck. Tangina. This is so fucking awkward. Naa-anxious pa ko sa bading na nasa gilid namin ni Mommy dahil nakatingin siya sa akin. Kunwari pa siyang nakikinig kina Mommy pero nakikita ko sa gilid ng mata kong tumitingin nang tumitingin sa akin.

Muli kong binalikan ng tingin si Zern pero nakatungo na siya sa phone niya. Anong ginagawa niya rito? Lumipat ang tingin ko sa katabi niyang lalaking nagpapa-foot spa nang bigla siyang kalabitin nito. Oh. . . maybe that's his boyfriend. Ang cute naman ng date nila, sa salon.

"Uy! Divine, 'di ba? Papa-salon ka?" sabi no'ng Melicia.

"Yes! Kasama ko ang asawa't anak ko. This is Caiden. Ito 'yung one and only son ko," sabi ni Mommy at inurong ako sa gilid niya, mas palayo ro'n sa bading na nakaaligid sa amin.

"Hello po," sabi ko.

"Hi, tawagin mo na lang akong Tita Melicia. Napakaguwapong bata naman niyan, Divine! Kasama ko rin 'yung anak ko," sabi ni Tita Melicia at nilingon ang puwesto ni Zern.

Umangat ang magkabila kong kilay sa gulat at pagtataka. . . what? By any chance, is this Zern's mother?! What the fuck!

"Zern! Halika rito. Papakilala kita sa bago sa simbahan namin," sabi ni Tita Melicia.

"Oh. . . Zern. . ." sabi ni Mommy at maligayang napangiti.

Hindi alam ni Zern kung tatayo siya o hindi. He was awkwardly half-standing then sitting again. Itinago niya pa ang pagpikit niya nang mariin pero pare-parehas lang namin 'yon nakita. Bigla rin akong nahiya. Tangina.

Nakaiwas ng tingin si Zern habang naglalakad papunta sa amin. Pero unti-unti rin siyang nag-angat ng tingin kay Mommy.

"Hello po, Tita," sabi ni Zern at nahihiyang ngumiti.

"Hi, Zern! Nice to see you again. Ikaw pala ang anak ni Melecia. Sobrang bait at welcoming ng mother mo. Kaya pala sobrang bait mo ring bata," sabi ni Mommy at hinipo pa si Zern sa balikat.

Nagtataka naman si Tita Melecia sa inakto nilang dalawa. "Ooh. . . magkakilala na pala kayo?" sabi ni Tita Melecia.

"Yes! Magka-same lang sila ng school ni Zern. Na-meet ko na si Zern no'ng bumisita ako kay Caiden no'ng nakaraang araw pa," sabi ni Mommy.

Nagkatinginan sina Tita Melecia at Zern. Para silang nag-communicate gamit ang mga mata nila. Kusa na lang napatango-tango si Tita Melecia habang nakaawang ang bibig na para bang may na-realize.

"Magpapa-salon din ba kayo ni Zern?" sabi ni Mommy.

"Ay hindi, pinuntahan lang namin 'tong friend kong si Mersi. Pero uuna na rin kami," sabi ni Tita Melecia kaya ngumiti naman kay Mommy ang kaibigan ni Tita Melecia.

"Friend ko kasi 'yung may-ari nito! Kaya naisipan kong bumisita. Dapat kanina pa, mga lunch kaso gusto ko kasama si Caiden. May work pa kasi siya, at ngayon lang siya nakauwi. Magpa-color ka na rin ng hair mo, Melecia! Treat kita. At siyempre, treat ko na rin si Zern. May utang pa ako sa kaniya. Sakto magpapa-foot spa si Caiden. Bakit hindi ka na rin magpa-foot spa, Zern?" sabi ni Mommy.

Natigilan si Zern pati si Tita Melecia. Hindi ata sila sanay sa ganitong eksena. Parehas na parehas silang mag-ina. Cute. Parehas silang natitigilan kapag hindi nila alam ang isasagot.

Ngumiti naman ako kay Tita Melecia para hindi siya mahiya. "Oo nga po, Tita Melecia. Para po makapagkuwentuhan din po kayo ni Mommy. Kuwentuhan din po kami ni Zern," sabi ko na lang kahit hindi ko alam kung magandang ideya 'yung sinabi ko. Gusto ko lang na hindi mahiya si Tita Melecia.

Nilingon ako ni Mommy at nagulat sa sinabi ko. Nagtataka siguro siya na. . . ako ang nag-initiate makipagkuwentuhan kay Zern. Hindi pa niya naman alam 'yung naging sitwasyon namin dalawa. Ikuwento ko na lang sa kaniya pag-uwi.

Lumipat ang tingin ko kay Zern. Ngumiti ako sa kaniya nang nahuli ko siyang nakatingin din sa akin, pero nag-iwas lang siya ng tingin. I know that he's still embarassed about yesterday, because I am too. But hey, I'm trying not to think about it! Tangina. . . alam kong mamaya mahihiya ako sa mga ginagawa kong desisyon ngayon.

"Gusto mo ba Zern magpa-foot spa?" sabi ni Mommy.

Tumango si Zern. "Sure po, Tita. Chikahan na rin po kayo ni Mama," sabi ni Zern at matamis na ngumiti kay Mommy.

I saw him smile. Bigla na namang sumanggi sa isip ko ang gabing nakaupo kami sa bench. His sweet and pure smile that I'll never forget.

"Nice! Sige, magkuwentuhan na rin kayo ni Caiden," sabi ni Mommy at may kung ano siyang pinapahiwatig sa tono ng boses niya. Pakiramdam ko, gusto rin talaga ni Mommy na maging magkaibigan kami ni Zern.

Nagpa-request na si Mommy ng magfo-foot spa sa amin ni Zern at ng maga-assist sa kanila ni Tita Melecia para sa buhok nila. Hinanap din ni Mommy ang kaibigan niyang may-ari ng salon kaya tinawag 'yon no'ng bading sa isang room banda sa dulo.

Sandali pa silang nag-usap. Nananatili lang akong nakatayo sa gilid ni Mommy. Habang si Zern ay nakapuwesto na sa couch at si Tita Melecia naman ay inaasikaso na rin. Nilingon ako ni Mommy bago niya mahinang ni-request sa kaibigan niyang babae ang mag-assist sa akin at mukhang na-gets naman agad ng kaibigan ni Mommy ang gusto niyang sabihin.

Pinatabi na ako ni Mommy kay Zern. Lumapit na sa amin ang dalawang babaeng may dalang foot spa basin. Babae rin pala ang inilagay kay Zern. That's better.

May kung ano-anong powder silang inilagay sa basin at tinurn-on 'yon. Nagsimula 'yon mag-vibrate at parang nagbo-boil na ang tubig. Ipinalagay nila ang mga paa namin do'n 'saka nila kami iniwanan muna.

Napabuntonghininga ako't napatingin kina Tita Melecia at Mommy na magkatabi ang vanity table. Maligaya silang nagkukwentuhan. Kami kaya ni Zern? Paano ko siya kakausapin?

Dahan-dahan kong nilingon si Zern at nakatungo lang siya sa phone niya.

"Zern. . ." I silently called him.

Unti-unting niyang ginalaw papunta sa akin ang gawi niya. Ngumiti siya at parang hindi na nahihiya. I know he's pretending not to be awkward.

"You live nearby?" sabi ko. 'Yon lang ang naisip kong puwedeng sabihin.

Tumango siya. "Oo, malapit lang kami dito. Kasama ko sina Mama at Papa. Ay hala! Oo nga pala si Papa nasa labas," gulat na sabi ni Zern at balak sanang tumayo kasi nakalublob na ang paa niya sa tubig.

"Ma! Si Papa pala. Papasukin na natin," sabi ni Zern.

Oh, right. Si Daddy din pala wala pa. Mukhang naalala rin ni Mommy si Daddy. Pina-assist na lang niya ulit sa staff na ipatawag ang lalaking nakaupo sa bike na may sidecar at kapag may nakitang matangkad na foreigner, that would be my Dad.

Ilang sandali lang ay pumasok na ang sa tingin kong Papa ni Zern. Matangkad din 'yon at maputi. Sa likuran niya ay nakasunod si Daddy. Buti nagkasabay na sila. Dumeretso sila sa mga asawa nila at mukhang nagpakilalanan na rin dahil nilingon nila kaming dalawa ni Zern. Do'n sila umupo sa couch malapit sa vanity table.

"That's your father?" sabi ko kay Zern at nginuso ang katabi ni Daddy.

Tumango siya. "Oo, parehas kaming maputi ni Papa. Kaso mas maputi si Mama," sabi ni Zern at ngumuso habang nakatingin sa mga tatay namin.

Inurong ko ang foot spa basin ko palapit kay Zern para makaurong ako palapit sa kaniya. Buti na lang hindi niya 'yon napansin.

"Sino-sinong kasama mo? Mama at Papa mo lang?" sabi ko.

"Oo, ikaw?" sabi ni Zern at napatingin sa akin. Nagulat siya at mukhang napansin na na lumapit ako. "Bakit ang lapit mo?" dagdag niya.

"Ay. . . hindi kasi kita marinig," sabi ko at mahinang tumawa.

Umurong siyang nang kaonti dahil isang urong na lang magkadikit na ang hita namin. Fuck that was awkward. Gusto ko lang sana mas nakadikit sa kaniya.

"So. . . hindi mo kasama 'yung nasa tabi mo?" sabi ko at nginuso ang nasa tabi niya.

Saglit niya 'yon nilingon at saka umiling. "Hindi. Anak siya ni Aling Mersi. 'Yung kaibigan ni Mama," sabi ni Zern at hindi na ako nililingon.

I want him to look at me. Why's he not looking back at me? Nakapirmi ang mga mata ko sa kaniya.

"Akala ko boyfriend mo," bulong ko at napangisi naman ako nang nakakunot-noo niya akong nilingon.

"Hoy!" madiin niyang bulong. "Hindi, buang," sabi ni Zern kaya mahina akong tumawa.

"Oo nga pala, single ka pala, 'no?" I whispered back.

Kinunotan niya ako ng noo. "Inaasar mo ba ako?" bulong niya.

Umiling agad ako. "Hindi, ah. Tinatanong ko lang kasi wala akong masabi," sabi ko at mahina ulit natawa.

Hindi na niya iniiwas ang tingin niya sa akin kaya natititigan ko nang mabuti ang mga mata niya. Itong mukhang 'to 'yung palaging naga-appear sa isip ko out of nowhere. I'm glad to see him, and I'm sitting beside him. Again.

After this day, kailan ko kaya siya ulit makikita? Bigla ko tuloy naisip. . . minsan kaya sumasanggi rin ako sa isip ni Zern? It would be awkward to ask him that, right?

"Zern. . ." I called him silently.

"Ano?"

Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya at hindi makapagsalita. Nangunot ang noo ni Zern. Unti-unting uminit ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin. I can't say it. Hindi ko masabi. 'Wag ko na rin siguro itanong.

"Huy, bakit?" sabi ni Zern kaya lumingon ulit ako sa kaniya.

Umiling ako at ngumiti. "Nothing. I was just. . . kind of wanted to hang out with you," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Fuck. . . I can feel my blood rising to my cheeks and ears.


Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...