Temporary (Amorist Series #2)

By Psyrche

40.7K 717 148

Amorist Series #2 "I'd rather d'e single than devote myself and suffer in vile temporal relationships." Azari... More

Amorist Series #2
Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 10

1.5K 23 0
By Psyrche

Chapter 10

It's 4:37 in the morning. I turned my phone off.

Kanina pa ako paiba-iba ng posisyon pero hindi ako makatulog. I have lots of thoughts inside my head as I stare at the ceiling, and all of it is about her.

Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga.

I'm so confused. I don't understand why her lack of presence is a big deal to me, usually naman wala akong pake kung mawalan ako ng kaibigan o kasama kasi sanay akong mag-isa. And yet if it is her who'd be nowhere of my sight, I'll feel that I've gone astray.

She became everything that I wonder. 

Maybe I empathized too much, pero tila nadurog ang puso ko matapos namin magyakapan. She didn't even let me see her face when she leave. Ayaw niya ata na makita ko siya sa gano'ng sitwasyon.

Simula no'ng mangyari ang yakapan na 'yon each time I zone out napapaisip ako if she's okay, if she needs me, or she wants to hang-out only to divert her attention. Pero wala akong oras para pumunta sa opisina niya kasi tinutulungan ko si Ches na pagandahin pa lalo ang plates niya.

Hindi na siya ulit nagparamdam but this time I understand. She needs some time for herself but if she ever needs me pupunta ako agad. My ghad anyare sa 'kin!

Stop occupying my mind, Natasha.

Ilang araw na 'kong walang ayos na tulog kahit tapos ko na ang plates. Dapat nga nagpapahinga ako ngayon kasi weekends pero hindi e, ang hirap. 

Maya-maya lang tiyak na gising na si ninong para sa shop. Nag-usap na sila ni Mel, akala ko hindi niya seseryusohin ang sinabing mag-iinvest pero ginawa niya talaga. Manghang-mangha pa nga si Belle nang makapunta siya rito sa shop.

Speaking of Belle, sana maging maayos biyahe nila papunta sa prestigious school which is I doubt, nabasa ko kasi sa newspaper ng univ na bukid ang pupuntahan nila.

Bumangon na ako, marami pa 'kong gagawin at wala na 'kong oras para magpahinga pa, babawi na lang ako mamaya. Inayos ko na ang kama, nag-tungo ako sa banyo para maghilamos, then nag-ipit ako at naisipan na mag-timpla ng kape.

Ano'ng gagawin ko e ang aga-aga pa? Magbasa ng libro? But I'm not in the mood for that right now. I feel exhausted. Should I paint? Kaso tinatamad din akong mag-handa ng mga gamit! Alam ko na! I'll sketch na lang.

Pagkatapos kong mag-timpla agad akong bumalik sa kwarto at sinarado ang pinto.

Nag-stretching ako at umupo, now what? Ano'ng iguguhit ko? Wala naman akong maisip aside from her! 

Napalingon ako sa slime na nasa tabi mismo ng clock ko. I can't help but smile. She healed me in so many ways I can never possibly imagine. Hindi naman creepy kung iguguhit ko siya 'di ba?

Kinuha ko ang blank paper sa drawer pati na ang charcoal na lapis. Hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit niya sinuot ang body con dress sa burol kaya ito na lang ang ginuhit ko.

I want to be by her side to comfort her pero why? Hindi ko na maintindihan sarili ko! Nalulungkot ako para sa kaniya but I know whatever situation she's in, malalampasan niya 'yon, she's strong kaya. Pero my goodness! 

Kadalasan namamalikmata ako na kasama ko siya kahit saan ako magpunta. Minsan dito sa shop, sa daan, at sa university. Kahit saan! Don't tell me self I like her na? No! Mali, naawa lang ako at concern sa kaniya right. Gano'n lang.

Pero paano 'yan? Gano'n din ang naramdaman ni Kath kay Daniel sa palabas na Barcelona, no'ng una naawa siya but in the end she found herself falling for him! But! Sa sitwasyon namin ni Natasha we're both girls. Mali 'to, parang ang delusional ko na, saka iba ang palabas at iba rin nararanasan ko ngayon!

Geez, why am I even overthinking this?

Ilang sandali pa kumatok si ninong. Alas singko na ng umaga. "Jin. . ." pagtawag niya.

"Po?" Binuksan ko ang pinto.

Sumilip si ninong sa kwarto. "Ang aga mo ah?" 

Mostly kasi pahirapan ang pag-gising niya sa 'kin. Kung alam mo lang ninong hindi ako natulog, ay mali hindi ako nakatulog.

"New routine po." Kumunot ang noo niya kaya tinanong ko siya kung ayos lang ba siya, baka may nakita siyang hindi kaaya-aya sa kwarto ko.

"Gumuguhit ka?"

Umusog ako para makapasok siya. "Opo."

"Ayos ka lang 'nak? Stress ka na ba?" Dumiretso siya sa table at tinignan ang ginuhit ko. Malapit na itong matapos, mukha na lang ang idaragdag pero wala akong planong iguhit ang mukha niya, baka kasi kapag may nakakita ang iisipin nila gusto ko siya.

"Ayos lang naman po,"

"Sigurado ka? Pansin kong gumuguhit ka lang ng madaling-araw kapag malalim ang iniisip mo o kaya stress ka na." Pinadikit niya ang ginuhit ko sa pader.

"Stress?"

"Oo." 

Umupo ako sa kama. Sumandal siya sa table. "May tao pong laging nasa isip ko, sa tingin niyo siya po ba ang dahilan ng stress na nararanasan ko?"

Natawa siya. "Stress ba talaga?" 

Maybe a little bit? Napapaisip ako kung ayos lang ba siya. Tumango ako bilang tugon.

"Napupusuan mo na ata siya?" Napasinghap ako, napupusuan?! 

"Hindi ah! Napupusuan?! Bata pa ako para diyan ninong." Nanlalaki ang mata na sabi ko.

"Legal age ka na. . . saka bakit naman nasa isip mo siya? Sige nga, bakit?" 

"I'm concerned about her," 

"Her?" Kumunot ang noo niya.

"Opo," 

"Kaya pala 'di ka magnonobyo. . . nobya pala ang nais." Umiiling na ngumiti siya. 

Kumabog ng malakas ang puso ko.

"Ninong naman! Parehas kaming babae!"

"Bakit bawal ba umibig sa kapwa mo babae?"

"Hindi naman pero ikaw nagsabi na h'wag muna pumasok sa ganiyan. . ."

Ngumiti siya. "Hindi ko naman hawak ang buhay mo 'nak, kung masaya ka, hala sige. Pakatanga ka." 

Grabe naman!

"Ninong! H'wag mo nga sabi ako igaya kay papa!" 

"Biro lang, kausapin mo siya. Tanungin mo kung ano man 'yang mga bumabagabag sa isip mo." Umayos siya ng tayo. Naka-suot si ninong ng polo at pantalon na parang may pupuntahan.

"Bakit po pala ganiyan ang ayos mo?"

"Ipapaayos ko 'tong shop. Pupunta ako sa ibang siyudad, kukunin ko 'yung binili kong materials na gagamitin sa paggawa." Tumango-tango ako.

Dito niya siguro gagamitin ang in-invest ni Mel.

"So ako lang mag-isang magbabantay ngayon?" He nodded. "Ano'ng oras ka nga po pala uuwi?"

"Baka magabihan ako," mapanuring tinignan ko siya, natawa siya. "Hindi na ako dadaan sa mga bar, natuto na ako. Sayang lang sa pera ang masasama kong bisyo." 

"Dapat lang. . ." nalugi kasi itong shop dati dahil sa mga bisyo ni ninong.

"Nais mo palang maging fashion designer?" He turned to the drawing again.

"Hindi po, iginuhit ko lang 'yung suot ng kakilala ko."

"Kakilala?" He eyed me intently, I nodded. "Siya ba nasa isip mo?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi, baka isipin ni ninong na gusto ko nga siya!

"Opo. . ."

"Eto? Kanino galing 'tong laruan?" Tukoy niya sa slime. "Alam kong hindi ikaw ang bumili nito 'nak. Bihira mo lang paggastusan ang sarili mo."

"Sa kakilala ko rin po."

"Ah. . . kakilala. . ." mapanukso siyang ngumiti.

"Ninong naman." I pouted.

He laughed. "Kakilala na pala ang tawag ngayon sa magiging kasintahan—"

"Uulan mamaya ninong, umalis ka na po baka mabasa ka." Pagtaboy ko, mas napahalakhak siya sa tuwa.

"Wala pa ngang alas sais ng umaga anak." Sabi niya habang umiiling. Naglakad na siya tungo sa pinto.

"Mag-ingat ka po sa biyahe."

"Nakapag-saing na ako, ikaw na bahala sa ulam mo. Alam mo na ang gagawin ha? Ikaw na bahala sa shop." Lumingon siya sandali.

"Tapos na kayong kumain?"

"Tapos na, kumain ka na rin." Sinarado niya ang pinto.

Nagtungo ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina. Gutom na 'ko. Nahagip ng mata ko si ninong na nakaupo sa pwesto kung saan nililista ang kailangan ng mga kliyente.

"Ninong akala ko ako magbabantay ngayon? Bakit sarado ang shop? Saka bakit 'di ka pa umaalis?" 

Namewang ako, hawak-hawak ang plato.

"Magbabantay ka, pero hindi ko sinabing bukas ang shop ngayon. Kakausapin ko 'yung supplier ng bulaklak natin, saka hinintay kong tapos ka na maligo at kumain bago umalis, baka may biglang pumasok dito para magnakaw o kaya mamboso sa 'yo." Tumingin siya sa 'kin bago binalik ang salamin sa drawer, pati ang records.

"Salamat po,"

"Aalis na ako, baka may tumawag sa telepono sagutin mo baka isa sa mga kliyente natin 'yan o kaya mga bagong kliyente." Bilin niya. Kahit kasi hindi open ang shop may mga tumatawag pa rin.

"Mag-iingat ka po." Tumango siya, tuluyan siyang pumasok sa sasakyan at nagmaneho palayo.

Ako na naman mag-isa sa wakas! Makakapaglinis na rin ako ng maayos! Ewan ko pero ayaw kong may kasama habang naglilinis, mas gusto kong mag-isa tapos tamang sound trip lang.

***

Sandali lang! Ano ba 'yan inaantok pa ako! Hindi man lang makapag-hintay! Tawag nang tawag!

I took a nap but hindi ko in-expect na alas dos na ng hapon ako magigising dahil sa ayaw paawat na tumatawag.

I reached for the telephone. "Ano po'ng kailangan niyo—"

"Naalala mo ba 'yung kakalibing lang dito no'ng nag-usap tayo tungkol sa university na pinapasukan mo?" Teka boses 'to ni Manong Felix ah?

"Opo bakit? Napatawag po kayo?"

"Tignan mo nga kung ano'ng pangalan ng bumili ng mga gamit sa inyo for burial, tapos pumunta ka rito. Bilisan mo ha?" He ended the call.

Hinanap ko sa drawer 'yung mga papeles ng mga kliyente namin, bakit naman kakailanganin 'yon ni Manong? 

Buti na lang tanda ko pa ang araw na 'yon, paano ko naman makakalimutan e 'yun din ang araw na una kong nakita si Natasha. Napunta na naman sa kaniya ang iniisip ko geez!

I looked for the date, ilang sandali pa nahanap ko na ang papeles. Si Natasha ang bumili at nag-asikaso ng burial. Wait, bakit may info kami tungkol do'n? 'Di ba dapat sa binili niya lang?

I shrugged my thoughts. Kinuha ko 'yung papeles pero 'yung xerox copy lang, dali-dali kong sinara ang pinto ng shop bago pumunta sa sementeryo.

Malayo pa lang kita ko na ang nagkakagulo sa mismong harapan ng libingan ng kamag-anak ni Natasha. May dalawang lalaki na may hawak na pala, nanonood lang sila sa nagtatalo, habang may dalawang babae naman na naka-suot ng magarbong damit. Ang isa sa kanila ay nakikipag-sigawan kay Manong Felix. 

Ano'ng nangyayari? Tumakbo na ako papunta sa kanila. Hindi pa 'ko tuluyang nakakalapit dinig ko na ang sigawan.

"What?! He's my father!" Sabi ng nakakatandang babae. Mala-donya ang aura niya, naka-dress at naka-salamin. Ang dami niya rin alahas sa leeg at kamay.

Habang tila modelo isa. Naka-blazer siya na grey, paired with a grey trouser. Open ang blazer niya dahilan para makita ang dark brassiere na suot. Panay ang paypay niya sa sarili na tila ba nainitan sa sinag ng araw.

"Oo pero kailangan ng permiso ng nag-asikaso sa burol, may papeles ba kayong maipapakita? Wala naman 'di ba? Illegal ang gagawin niyo baka makasuhan pa kayo dahil diyan. Hindi lang ho kayo ang malalagot, ako rin." Mahinahong sabi ni Manong Felix.

"Stupid old man! He's my father! Why do I need to show you some papers?! The both of you start working!" Lumalabas na rin ang ugat niya sa leeg.

Stupid?! Hindi ko mapigilan na mapikon dahil sa sinabi niya. Wala man lang ka-respe-respeto kay manong! Sumingit ako sa usapan at inaangat ang papel na hawak ko.

"Walang galang na po manang, pero wala kayong papeles saka—"

"Manang?!" Pinanlakihan niya ako ng mata.

Humagikgik ang dalawang lalaki, nakatingin lang sa 'kin ang nakakabatang babae na tila ba inoobserbahan ako.

"Grandma na lang po?" She was about to slap me but pinigilan siya ng mas nakakabatang kasama.

"Mom," anak niya pala ang babae.

"Where's your respect kid?! I'm older than you!"

"And clearly he's older than you too. . . bakit niyo po siya ginaganyan?"

Hindi pa rin nag-uumpisa sa paghuhukay ang mga lalaki, bagkus nakatingin lang sila sa 'min. Sumenyas si manong na kumalma ako pero hindi ko matantya ang ugali ng kaharap ko. Halatang nanghuhusga siya sa 'kin.

"I need the corpse of my father, that old man who's lying there is my father." Nanginig ang boses niya dahil sa inis. She inhaled a huge amount of air.

"Papeles muna." Naglahad ako ng kamay pero hinampas niya lang ito, medyo malakas kaya 'di ko mapigilan na mapadaing.

Aba'y parang bata kung makipag-away.

Kinuha ni manong 'yung papel sa akin, tinignan niya ito bago siya bumulong na kausapin ko na muna sila. 

Hala siya?! Ako lang mag-isa? Laban sa apat?! 

Bumalik na si manong sa guard house habang hawak ang papales, nakasunod lang ang tingin namin sa kaniya. 

"What's your name?" Her daughter asked. Our gazes met, she has these hazel eyes.

"Jian." Ayaw kong ibigay real name ko! Mayaman sila baka ipahanap ako dahil sa nangialam ako sa kanila.

"Jian," she nodded. The sun's light magnified the combination of colors in her eyes. It was yellow, brown, and green. "My mom only needs to check something. Let her be." 

She sounds expensive, may lahi ata sila. She has an Aussie accent and light brown hair. Her lips curved for a second as she saw me zone out.

Iniwas ko ang tingin. Dama ko na ang masamang titig na binibigay sa 'kin ng mama niya, tumatagos na ata ito sa buto ko, grabe ang sakit sa balat. 

"Wala kayong papeles si guard po ang malalagot, saka hindi kayo ang nag-asikaso ng burol. Anak nga po kayo pero bakit—"

"You don't have the rights to interfere in our own family issues." 

I sighed. "Yet you need to show some papers first, makakasuhan kayo kung wala kayong pahintulot sa pamilya ng—"

"How many times should I tell you? Can you even hear me? He's my father!" This time sinalubong ko na ang masasamang tingin niya.

"Oo nga po pero hindi kayo ang nag-asikaso ng burial!" Nauubos na rin ang pasensya ko!

"She's my mother." Her daughter said. Tqng-ina ano ba 'to? Akuan ng kadugo?!

"Wala akong kadugo rito." Her daughter's head titled, kuminang din ang mata nito.

"Nobody asked, now stop bothering us. The both of you start digging his grave." She turned to the men. 

The heck? Kung makasabi ng his grave parang hindi kadugo ah? Ewan ko ba pero ang init ng dugo ko rito sa mama niya.

"No! Kuya sasampahan kayo ng kaso sige! Isipin niyo ang pamilya niyo kapag nakulong kayo dahil sa katiting na perang nakuha niyo sa mag-inang 'to."

"Call me Czarina," she moved a bit para makuha ang atensyon ko. Nasa likod nila ang lalaki pati na ang tomb na huhukayin.

"Why are you introducing your name to her?"

Sige mag-away kayo, take your time, hinihintay ko lang naman na makabalik si Manong. 

"Because I want to." Czarina said, umirap ang mama niya. 

Mag-ina talaga sila? Mukha kasing magkapatid e, kahit na tinawag kong manang 'yung mama niya 'di mapagkakaila na parang nasa 30s pa rin ang mukha nito pati na ang pangangatawan.

"Start digging already!" Utos niya ulit.

"Sige! Masasampahan talaga kayo ng kaso." Pananakot ko, palipat-lipat tuloy ang tingin ng dalawang lalaki sa amin ng mama ni Czarina.

"I didn't pay you to listen to her!"

"Ma'am ikaw na lang kaya maghukay? Para ikaw lang makasuhan." Kamot sa ulong sabi ko.

Alam kong nagpipigil lang 'yung mama ni Czarina na sampalin ako, napipikon na rin ako e, walang papeles na ipapakita tapos maghuhukay lang ng puntod basta-basta?!

"Back off!"

"You need to show some papers muna kasi! You don't even have any permission to dig your own father's grave."

"I need his corpse." She crossed her arms.

"Why?" Bakit naman niya kakailanganin? 

"It's none of your business!"

"Maybe for some autopsy." Someone said from behind, it's Natasha's voice! 

Kahit hindi ako lumingon alam kong siya 'yon, na-conscious tuloy ako sa suot! Naka-white t-shirt lang ako and jogging pants since I'm out of shorts. Kakagising ko lang din galing sa nap baka mabaho hininga ko!

Tinapik ako ni manong. Nagtago ako sa gilid niya, ayaw kong makatabi si Natasha, iba ang aura niya e, nakakatakot.

Ngayon magkaharap na silang tatlo, nasa gitna kami ni manong, hinaharap mismo ang araw. 

Sh't, ang silaw.

Natasha's wearing some plain black t-shirt tapos jogger na kulay black and gold, then ang sapatos niya kulay black din.

Simple lang pero ang lakas ng dating. 

Professor ba talaga siya? Mapapagkamalan na model siya ng brand na suot niya. What a swag.

It's not always what she wears that makes her attractive—it is how she portrays herself.

"Am I right? Diana?" Diana pala name ng mama ni Czarina. 

"Alis na tayo manong. . ." bulong ko.

"Bakit? Kailangan tayo rito." Bulong niya pabalik.

"Ang expensive nila tignan parang dust na lang tayo sa earth."

"Ano?"

"Wala po,"

"He didn't die because of cardiac arrest Natasha, I know you did something wrong. You k*lled him, you k*lled my father! For what? For money? For money right?!" Magkaharap lang sila pero panay ang sigaw niya.

Hindi ako naniniwala sa pinagsasabi niya, I know hindi 'yan magagawa ni Natasha.

"How do you say so?" Natasha tilts her head as she smirks. Her eyes glow. Ang init na kanina pa pero ngayon lang ako nauhaw. She's smoking with a simple expression.

"Oh? Between us you're the one who inherit a lot, now I'm wondering if he really d*ed due to heart attack or it's because you k*lled him." Gigil na asik niya.

"Aww. . . what a sound of jealousy. . ." Natasha chuckled. Czarina's eyes flickered.

"No one was there the moment he d*ed, you're the primary suspect of his deqth!" Diana pointed to her with such arrogance. Bakit may pa-suspect?

Natasha clapped her hands. "What a great story, you should try writing a novel Diana. The both of you, leave before I call the police." She turned to the men. Kumaripas sila ng takbo bitbit ang pala.

"There's a chance for you to do that Natasha. You even sued your own father for rqpe even though it is not true. You're a great manipulator." Diana laughed out of amusement.

Mas lalong umininit ang ulo ko, parang ang sarap manapak nangangati kamay ko. And rqpe?! Did something happen before? I'm curious about her pero hindi kinakaya ng utak ko ang narinig.

"Alis na tayo," bulong ni manong. Tumango ako bilang tugon. Family issue na 'to wala na kaming karapatang makinig at makialam.

"Arin stay." Natasha turned, nagtatakang tumingin sa 'kin si Manong Felix. 

"Arin? You said your name was Jian?" Czarina asked, lahat sila lumingon na sa 'kin.

"May gagawin pa po ako—"

"Stay. . ." Natasha meet my gaze, tila nakikiusap siya gamit ang mata. Wala na 'kong ibang nagawa kundi magbuntong-hininga na lang.

"Sige diyan ka na muna, tawagin niyo ako ma'am kapag may kailangan kayo." Manong Felix said to Natasha. 

Tumango lang si Natasha bilang tugon after that bumalik na si manong sa guard house. She pulled me closer then crossed her arms to face Diana, ngayon kaharap ko na rin si Czarina.

"We need the corpse. We need autopsy Natasha, why are you stopping us? What are you hiding?"

"Stop making a scene. . . stop acting Diana!"

"Acting? Do you think I'm only acting?"

I feel like I'm a spectator of a battle of elegancy; ang tingin, pagtataray, at tawa nila para silang nag-uusap lang kung ano susunod na gagawin para mapalago ang palasyo.

"Yeah, like you're in primary grade theatre." 

"I'm not act—"

"What are you up to then? Autopsy? Why? For you to manipulate it? The way you always manipulate the media?"

"Oh, manipulation? You're the one who's great in that. We were expecting for a grand burial! A great mausoleum for him, but what? You buried him on the ground! On this d*mn grass!" Pumadyak siya at sumipa ng damo.

"You really don't know him. . ." dismayadong sabi ni Natasha habang umiiling.

Palipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa pero naramdaman ko ang tingin na pinupukol ni Czarina. Why is she staring?

"I don't have to, that's what a family is like. Living in the same roof without knowing each other."

"Your philosophy about family is an unexamined thought, like how your mind screams mediocrity, it's not even worth of my face muscles moving."

Napakagat ako sa labi. Ang ganda ng linyahan nila. Para akong nasa novella.

"I just want to reveal the truth that you're hiding."

"I'm not hiding anything. . ." they shot deqth glares towards each other. Ang lalim ng hatak ng titig ni Natasha, kumpara kay Diana.

I turned to Czarina na kanina pa nakatingin sa akin, akala ko iiwas siya pero hindi, sinalubong niya mismo ang mga tingin ko. 

What is she thinking? Ang weird, parang malalim ang iniisip niya. Her brows is furrowed like I'm a code to her. Yet, eventually. . . she smiled. E?! 

"Then let us have some autopsy—"

"That's disrespectful! I won't let anyone touch his body!" Natasha shouted, napatalon ako sa gulat.

"You're hiding something. . . I knew it." Diana taunted, smiling.

"I'm not, now leave before I call the police." 

"I know you. . . you're a liar, you even sued your father even though he never touched you. You're only after the money, all you want is money." Kita sa mata at pananalita niya ang galit.

Pero tila hindi apektado ang isa. She keep her stoic expression. "I'm not like you—"

"You even seduced your father! My poor brother! You don't deserve to be named Guerrero! You're like your mother. A manipulator and a slvt—"

Dumampi ang kamay ni Natasha sa pisnge niya, it made a loud noise. Parang hinampas na bola ng volleyball ang tunog.

My mouth awed.

Sa sobrang lakas ng sampal napaikot talaga ang isa at muntik na rin ma-out balance kung hindi lang umalalay si Czarina.

"She's still your Aunt Natasha!" Czarina shouted, pero hindi nagpatinag ang katabi ko.

Ano ba 'tong nasasaksihan ko? Hindi ako handa! Gusto kong malaman ang whereabouts or past ni Natasha pero hindi 'yung ganito na biglaan.

"Leave." Nanginginig ang boses na sabi ni Ash.

Nang maka-recover, agad kong hinawakan ang kamay niya na nakakuyom para pakalmahin siya. Marahan ko itong pinisil.

"Like mother like daughter." Diana mocked.

Hawak niya ang pisnge kita rito ang bakas ng kamay ni Ash. Masyado itong mapula.

Inalalayan siya ni Czarina papasok sa kotse nila na nasa pinakadulo pa, para siyang naka-inom at sobrang lasing sa paraan ng paglakad, naalog ata ang utak niya. After that nagmaneho na sila palabas ng sementeryo.

Nakasunod lang ang tingin namin sa sasakyan nila. Mabigat ang paghinga ni Ash. Nag-aalala ako, I wonder how she feels but it's obvious she's not alright.

I thought she'll have some mental breakdown pero mali ako, ngumiti siya sa akin na tila ba walang nangyaring sampalan kanina.

Her smile is genuine. She looks happy while I'm confused of her actions, I'm concerned about what she currently feels. 

"Do you have some alcohol?" She asked matapos niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Why? Sa shop meron."

"My hand might caught some bacteria from her greasy face." She giggled. 

I want to ask her if she's okay but it's obvious na ayaw niya pag-usapan, kumikirot ang puso ko dahil sa sitwasyon niya. 

"Natasha. . ." I softly called.

Akala ko umiiyak siya nang mapansin ang tubig sa pisngi niya, pero bigla na lang bumuhos ang ulan.

Napatakip kami sa ulo at tumakbo. May araw pero umuulan?! Ang lakas pa!

"Saan kotse mo?" Tanong ko habang patuloy na tumatakbo.

"I was in a rush! I commuted!" Nahihirapang sabi niya.

"Sa shop muna tayo!"

"What?" She almost shouted. Hindi na kami nakakarinig ng maayos dahil sa buhos ng ulan.

"Sa shop!" Sigaw ko.

Bakit kasi ang layo-layo ng gate!?

"Shop? Why?" Malamang magpapasilong muna siya!

"Coffee!"

"Great!" Hinawakan ko ang kamay niya patungo sa guard house ni manong.

"May payong ka po?" Hingal na sabi ko.

"Wala. . . basa na rin naman kayo maligo na lang kayo." Manong Felix said. 

Sinara niya na ang pinto, grabe si manong parang hindi kami close ah? Tumayo muna kami sa gilid ng pinto para kahit paano ay makasilong.

"I'm wet because of you. . ." Natasha said with her honeyed voice. Ngumiti siya na parang may kababalaghan na naman na gustong ipahiwatig.

"Tatawid na lang naman tayo. . . kita mo 'yan? Shop ni ninong 'yan."

"Where's your ninong?"

"Umalis,"

"So it's only us?" She asked, tumango ako bilang tugon dahilan para mas lumawak ang ngiti niya. "Let's go."

"Umuulan pa."

"Basa na rin naman tayo, maligo na lang tayo." She said which made Manong Felix laugh from inside. Nakikinig pa rin pala siya sa usapan kahit sarado ang pinto.

"Ayaw ko,"

"Let's go, I'm freezing." Her lips quiver.

I sighed. "Fine,"

"Let's dance! Then let's sing the song Binibini!"

"Ayaw ko lagnatin! Mag-solo ka." I held her hand. 

Nagpaalam kami kay manong bago tuluyang naglakad. Masyado na rin madilim ang kalangitan.

"I prefer the sun but I'm starting to love the rain." 

Your presence makes me irritated, but now I'm starting to look for it. That's what I really want to say, but I decided not to.

"Really? That's good to know then," her eyes luster with so much delight.

Gets niya agad?

"I'm talking about the rain." I rolled my eyes.

"Yeah, you sure are." She smirked.

Nasa harap na kami ng pedestrian lane. "May sinabi pa ba ako?" 

Umiling siya pero parang naka-jackpot siya kung maka-ngiti. "Nothing, I guess time flies so fast." 

She sighed, tumingala siya sa ulap at pumikit, dinaramdam niya ang ulan. Sige na nga maliligo na lang ulit ako.

"It is that's why you must treasure every moment you have with someone 'cause you never know, you may never have a chance to repeat it." I eyed her the entire time.

Nagmulat siya ng mga mata sabay tingin sa akin.

"I want to spend a lifetime with you. . ." she said with such sincerity. 

My heart pounded loudly.

"A lifetime?"

"Not unless you want to be with me 'till deqth."

"Cheesy mo." Umirap ako, napatawa siya. 

Kailan ba kami tatawid? Wala namang sasakyan na dumadaan.

"Let's go?" Pinisil niya ang kamay ko.

"I want it though. . ." sabi ko dahilan para matigilan siya, napakunot din siya ng noo.

"Being with you 'till deqth. . . that would be fun." 

"I might be the cause of your deqth." She joked.

"Tumawid na kayo!" Sigaw ni manong.

Hawak-kamay, tumatawa kaming tumawid. Her warm delighted smile is enough for my worries to disappear.

Yet I want her to know that not only in silence, I know how to console.

She can snap all she wants, and I'll stay by her side.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 101K 41
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
2.9M 67.6K 21
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
3K 252 2
Disclaimer: This is a wlw story! And it will be written in taglish. - Cianjei Azriquel Archilles, she's a college student who's been born deaf. Becau...
838K 69.8K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...