The Bad Master (SSPG)

By Amellia_Sin

109K 971 115

Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of r... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Teaser

Chapter 3

3.5K 28 0
By Amellia_Sin

Gusto kong magsisi na niyaya ko siya.Narealize ko lang ang lahat ng muli siyang dumating at may dala ng malaking back pack na may lamang kung ano ano.Tila nauna't lahat ng buhok ko sa ulo.

"T-teka hindi tayo magkakasya dito"

"You suggest this"

Nagpapadyak na ako ng inilagay niya ang bag niya sa isang corner.

"Putang ina.."

Tinignan niya ako ng masama.

"Iyang bibig mo"

Ngumuso ako.

Nakita ko kung paano siya napulunok ng mapatitig doon.

"Hindi naman na siguro kita kailangang itour dahil kita mo naman na.Banyo,lababo ,sala at kama"

Itinuro ko ang mga corner kung nasaan ang mga iyon.

Nanatili itong tahimik at hindi nagsalita at sinundan lang ang kamay ko.Lumabas ito kanina at may kinuhang bag sa kanyang kotse at muling pumasok sa loob.Halatang lumaking boy scout.

"Aiiissst"

Mukhang wala na talaga akong magagawa kundi maki ride on na naman sa nangyayari.

Tahimik parin si Ruben at umupo sa sofa.

"Ayaw mo ba ako dito?"

Wala itong tono at masugid na nakatingin sa akin.

Bigla akong natahimik.

"H-hindi naman sa ganon kuya"

"So?"

"Seryoso ka talaga..na titira ka dito?"

Nagbabakasakali parin akong magbabago yong isip niya.Ako naman nabibigla parin sa mga nangyayari.

Clueless itong nakatingin sa akin at kumportable ng nakasandig sa sofa at medyas nalang ang suot dahil tinanggal na nito ang sapatos sa pinto kanina.

"Im already here"

Bigla ay gusto kong mahiya.Jusko,malay ko bang seseryosohin kasi niya.Kainis naman.

Alas singko na ng hapon at hindi naman ako puwedeng tumunganga lang at magluto nalang ng pansit canton pag' nagutom dahil may ibang tao na dito.Kailangan naming mamalengke ng makakain ng maayos.

"Dyan ka lang.Tutok mo sayo electrifican at relax relax kalang muna.Youtube ganon,maliligo lang ulit ako"

Kitang kita ko ulit kung paano siya natigilan.Hindi siya sumagot at Inilagay niya ang braso sa mata at pumikit.Sa totoo lang hindi siya talaga pala salita.Parang may limit lang yong words niya at naubos na ata kanina.Yeah..He spite money so why waste words.

Pumasok na ako sa banyo at agad na naligo.Pinagpawisan ako kanina kahit nakatutok yong electrifan dahil sa sobrang init ng panahon.Buti pa si Ruben kahit maalinsangan fresh at amoy jhonsons padin.

Punong puno ng mumunting isipin yong ulo ko habang kumakaog ng tubig sa tabo.Gusto ko sanang magpa ka emo muna sa buhay ko pero paano ko gagawin iyon kung bantay sarado ang engot.Agad akong nagbanlaw ng maalalang mamalengke pa kami.

"Shit"

Sa sobrang frustrated ko hindi ako nakapagdala ng damit.Nakatapis lang ako ngayon ng tuwalya at napapakagat ng labi habang nag iisip.Dahan dahan kong binuksan yong pintuan at sinilip siya doon.Mukhang tulog naman na siya.Hindi man lang nagbago ang ayos niya mula ng huli ko siyang iniwan doon.

Hinigpitan ko ang hawak sa tuwalyang nakabalot sa katawan ko at nagbilang ng tatlo bago lumabas.Dahan dahan yong kilos ko at ayaw ko siyang magising.Ang balak ko ay kukuha lang ng damit at babalik ulit sa cr .Malapit na ako sa orocan ng mag ring ang cellphone ko sa lamesa.Pumuno ang ringtone nito sa buong kuwarto.

Napangiwi ako at mabilis na dumapo ang mga mata ko kay Ruben.Kitang kita kung paano siya kumilos at nagmulat ng mata at nabungaran niya ako sa harap niya.Nasa side kasi ng sofa yong orocan kung saan siya nakahiga.

"What the fuck?!--

Agad ko siyang tinalikuran pra hindi na makita yong reaksyon niya at namumula ang pisnging naglakad ako papunta sa mesa kung nasaan ang phone at sinagot iyon.Ramdam ko parin ang panlalaki ng mata niyang nakatingin sa akin pero umasta akong wala lang kahit hiyang hiya na ako.

"Sino to?!"
Nangigigil ako sa kung sino mang tumawag.

"Si Rose to'.Malapit na ako sa inyo .Yong utang mo kay mama pinapapuntahan niya nalang sakin"

"Punyeta ,aunty Detdet naman oh..Kala mo naman tatakbuhan"

"At ikaw pa may ganang magalit ngayon,eh ikaw na 'tong may utang!"

"Tae san ka na ba?! Bilisan mo babayaran ko pati buhay mo!"

Ibinagsak ko yong cellphone sa sobrang inis.Humarap ako at muntil ko nang makalimutang nandito si Ruben.Nag iwas siya ng tingin sa akin.

"M-magbihis ka muna"
Naiilang na sabi niya.

Napakagat ako ng labi.Sumulyap siya sa akin at napatingin pataas sa labi ko.Kita kong nagpunas siya ng pawis bago muling nag iwas ng tingin.

Pabalik na ako sa orocan ng sunod sunod na katok ang narinig hanggang sa naging lagabog na iyon .Tumalim yong mata ko.

"Tang ina ka Rose ,hindi ka makapag antay?!"

"Dhalia your mouth..shit change first!"

Huli na dahil dali dali akong humakbang papunta sa pinto at pabalagbag na binuksan iyon.Nabuwibuwisit talaga ako dito sa pinsan pinsanan kojh bruhilda na kaaway ko since grade 7.Masyado kasi siyang malungkot sa mundo at ako ang laging napagtritripan.Pero hindi na ngayon.

Pinagmasdan nito ang kabuuan ko at tsaka umirap.Halatang insecure.At sino bang hindi.Maliit lang ako pero confident naman ako na kung mag aayos ako ay gaganda ako.Eh siya,bukod sa dry na rebonded niyang buhok at dry skin wala na siyang maipag mamalaki sa akin.

Itinihaya niya ang kamay sa pagmumukha ko na tila nang iinsulto at agad akong siningil.

"500"

Tinitigan ko yong kamay niya at napakuyom ako ng kamao.Para sa 500 dadayo pa talaga .

"Ruben..Bigyan mo nga muna ako ng 500 ng matigil na 'tong pangit na to'"

Nagkukumahog ang lalaking naghanap ng pitaka at agad na lumapit sa akin.Tumayo siya sa likod ko at inabot ang 500.

Nang muli akong humarap kay Rose hindi na mahitsurahan yong mukha niya.Insecure parin pero mas lamang na ang inggit.Napa tsk ako ulit.Pag inggit pa naman sayo ang tao imposibleng hindi ka niya itsismis.

"N-nag lilive in na pala kayo.."

Hindi makapaniwalang saad ng babae.Nang judge na agad.Ano pa nga ba?Hindi naman kaila sa kanila at kilala nila si Ruben bilang boyfriend ko.

Napairap ako sa hangin..

Inilagay ko sa kamay niya yong 500 at itinaboy na siya dahil kailangan ko ng magbihis.Masyado ng naexpose ang katawan ko sa bacteria.

"Alis na..sabihin mo kay ante salamat."

"K-kaya ka ba galit kasi naisturbo ko kayo?"

Sinamaan ko na siya ng tingin.Napakamot naman sa batok yong lalaki sa likod ko.

Maya maya'y ngumisi narin ang babae na tila nakabawi na ng pagkabigla.

"Kaya pala di' ka na nag aral.Nag asawa kana pala.Kunin mo nalang akong ninang ah.Atlis guwapo napangasawa mo at nagkatuluyan kayo."

"Di ka ba tatahimik?Alis na .Bawal pangit dito.Tsaka sinong may sabing kukunin kitang ninang..hindi tayo close"

Bumusangot ang mukha nito.

"Atlis di ako laspag katulad mo"

Abay akmang susugurin ko na siya ng pinigilan ni Ruben yong braso ko.Tinitigan niya ako na tila ba nag susugest na e explain ang sitwasyon namin .Pero never nga akong nag explain.Bahala siya sa gusto niyang isipin.

"Wala ka pang anak losyang kana!"

"Bitawan mo ako ,taranta to'gusto ata ng away eh.."

"Magbihis ka muna"

Napatingin ako sa tuwalyang suot ko at bumaba pa iyon ng kunti dahil sa paggalaw ko.Pulang pula na yong mukha ni Ruben dahil sa nangyayari at patuloy parin sa pagsasalita si Rose.

"Losyang .Laspag!"

"Atlis lumalaspag sakin guwapo!Kaya kahit mag sex kami magdamg walang problema.Guwapo na magaling pa sa kama!Abogado pa!eh ikaw!Lahat ng pumapatol sa yo pangit na nga mga tambay pa !Palamunin din katulad mo ..tang ina mo rin!

Agad akong hinila ni Ruben at malakas nitong isinara ang pinto para matigil na ang bangayan namin.Hindi ko mabasa yong hitsura niya dahil sobrang seryoso niya at binalutan siya ng pawis.

Hinawakan niya ako ng mahigpit sa magkabilang braso at Pinakatitigan niya ako.Muli kong napansin iyon.Umalon yong adams apple niya at napatitig sa labi ko.Hindi naman ako nakapagsalita dahil nagtataka ako at malakas pa yong paghinga ko dahil sa gigil kay Rose.

Nakita ko siyang mariing pumikit at bigla nalang tumalikod sa akin.

"shit.."

Naging malikot yong mata ko..

"Ah pasensya na--

"Magbihis ka na"
Seryoso niyang sambit.

"Magbihis ka na bago pa magdilim yong paningin ko.."














Continue Reading

You'll Also Like

27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
43.9M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
357K 18.4K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...