The Bad Master (SSPG)

Por Amellia_Sin

109K 972 115

Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of r... Más

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Teaser

Chapter 2

4.1K 28 2
Por Amellia_Sin

Nagpapadyak ako ng ibaba ang phone.

"Buwiset!"

Akala ko nong'pumasa siya sa bar exam ay tatantanan niya na ako.Ginagawa niya naman.Nabawasan yong mg tawag at text pero ito na naman siya ngayon.Gusto ko sanang mapag isa pero hindi ko makakailang namiss ko din talaga tong'kuya kuyahan kong kumag.

Isang araw bigla nalang siyang lumitaw at nagpakilala sa akin.Puwede ko daw siyang gawing kuya at nangako siyang hindi niya ako liligawAn.Nagpakilala siya kina mama Belle at dahil napakatalino niya ay agad siyang pinagkatiwalaan.

Mula noon hindi niya na ako tinantanan.Grumaduate ako ng grade 12 with highest honors dahil sa tulong niya.Hindi ako nag ka jowa at walang lalaking naglakas loob na manligaw sakin dahil bantay sarado siya at akala nila mag jowa kami.

Kung ituring ako ni Ruben ,bata.Siguradong sesermunan niya na naman ako.

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid ng tig 1,500 na boarding at na stress ako sa mga kalat.May ilan pang balat ng saging sa ilalim ng kama.

Nakabusangot akong naglinis kahit parang pagod na pagod yong katawan ko.Wala naman akong ginawa kundi humiga at tumulala.Nitong mga nakaraang araw wala akong gana sa kahit ano maliban sa paghinga.

Napilitan akong maglinis.Kunting punas at walis walis.Bahala siya.Alangan ako pa mag udjust.Nang matapos naligo ako at nagsaing.Gaya ng inaasahan ,nakarinig ako ng katok pagkatapos ng ilang minuto.

Hinablot ko yong suklay bago binuksan yong maliit na pintuan at kahit sanay na nabigla parin ako ng makita siya.He's so casual.Nakasuot lang siya ng puting puting t shirt na parang binabad sa tide at napakalinis niyang tignan dahil ang puti puti niya at parang amoy johnsons baby powder lagi.Walang pores at white heads at plakado ang eyeglass at ang pagkasingkit niyang mata sa loob.Ngumiti siya at halos nawala yong mata niya.

"guwapo ba?"

Sinimangutan ko siya.Parang wala lang sa kanya na pinagtitinginan siya ng kapit bahay dahil mukha siyang artista.Agad kong kinuha yong mga take out foods niyang dala at mabilis ng hinila sa loob.Kunwa galit din ako para mabawas ang sermon.

Hindi naman siya nagsalita.Nauna na akong pumasok at kitang kita ko kung paano siya yumuko ng pumasok.Sabi ko na kasing maliit eh.

Agad na nangiwi yong hitsura niya ng makita ang loob kahit pa sa tingin ko naman malinis na iyon.Hardiplex na dingding na may kukurap kurap na ilaw na may maliit na kama ,sofa at lababo.

Inaya ko siyang umupo sa maliit na upuan na may lamesa at agad akong nagprepare dahil gutom na ako.Jollibee na paborito ko ang dala niya at natuwa ako ng makitang halos lahat ng menu nila nandoon.Halos mapuno yong lamesa.Aba dapat lang isang linggo't kalahati din ata kaming hindi nagkita.

Nagningning yong mata ko dahil ilang araw na akong walang matinong kain.Tahimik lang siyang pinagmamasdan ako.

"Kumain ka muna bago tayo mag usap"

Nakangiti siya pero napakalalim ng boses niya.Sa mga ganitong pagkakataon alam kung hindi ako puwedeng magsaya.Muli akong sumimangot.

Maya maya tumayo siya at kinuhanan ako ng plato sa lababo.
Napangiwi ako ng mabangga yong noo niya sa isang kahoy dahil halos ilang inch nalang ang layo ng ulo niya sa bubong.

"Nagbabahay bahayan ka ba ulit at ito ang napili mong dollhouse?"

"Grabe ka sa akin ang mahal kaya ng renta dito"

Umupo siya sa at siya narin ang naghanda ng pagkain ko.

"May bayad ito?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Okay okay kumain ka muna."

Kinuha ko muna yong maliit na stand fan sa gilid ng dingding at itinutok sa amin bago nagsimulang kumain.Magana rin siyang kumain.Siguro hindi padin siya nagbreakfast.

"So tell me,why are you hiding from me--"

Pinasakan ko ng fries yong bibig niya para hindi niya maituloy ang sasabihin.

"Kain muna tayo please.Mamaya ng sermon"

Sinamaan niya ako ng tingin at nagpatuloy naman sa pagkain.Tahimik naman akong napalunok.

Nang matapos kami ay alam kong wala na nga akong takas.Dumighay pa ako ng pagkalakas lakas .Pormal niyang pinunasan ang nguso ko ng ilang sauce ang kumalat doon.Hindi ako makatingin sa kanya .Hindi naman siya makikinig pag'sinuway ko siya.

Hindi pa man naliligpit yong lamesa nagseryoso na siya at walang ngiting tumingin sa akin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"what's happening to you?"
Prangka at direktang tanong niya.Walang intro intro.

Clueless akong napatingin sa kanya.

"Im worried Dhalia"

"For what?"

Malalim ang naging tingin niya sa akin na tila ba inaarok ako.

"You're not like this"

Malungkot akong napangiti.

"Not like what?"

"You know what I'm talking about."

Tumiim yong bibig ko ng biglang hindi na masyadong komportable yong paligid.The tension is real.The respect I have for this man is unmeasured and he knew I don't like explaining.

"Uminom ka daw kagabi?"

Pinasigla ko yong boses .

"Hindi naman ako nalasing"

"You never drink"

Nagsimula akong kabahan sa tono niya.Naging malikot na yong mata ko.Ayokong magpaliwanag at ayokong pag usapan namin ang tungkol sa akin at kung anong nangyayari sa akin dahil hindi ko din alam.Nagising nalang ako isang araw na ganito na yong tinatakbo ng buhay ko.Wala akong gana sa lahat.

"Napagod lang siguro ako at gusto kong magpahinga"

Lumamlam yong mata niya.He cares so much and I appreciate that .Walang ibAng taong gagawa nito para sakin kung hindi siya at si mama Belle.Ayoko sana silang mag aalala pero imposible iyon.Pero nalilito din ako.

Napakadami niyang gustong sabihin at pag usapan o itanong sa akin.I can sense that by the way his eyes roam all over me.But knowing me,na never nag explain ng kahit ano,mukhang pilit niya ring hinahamig ang sarili para isaboses iyon.Maya maya isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya.Medyo mas may kulay na yong boses niya ng muling magsalita.

"I wont ask anything,but I need to make sure you're okay.That you still plan to finish your studies.It's okay for me if you wont enrol this sem"

Nagtubig yong magkabilang gilid ng mata ko sa narinig.Naiintindihan niya ako.

"Isaac.."

Well may dalawang tawag ako sa kanya.Ruben kapag nababanas ako at Isaac pag diko ma explain yong nararamdaman ko.Binalik ko yong atensyon sa kanya.Buti naman at hindi na namin kailangang mag usap.Ano naman ang isasagot ko?na bigla nalang akong sinaniban na burarang kaluluwa at biglang nag change personality.

"I understand you.You need rest"

Napakalaking bagay.Hindi ko kailangan ng kausap at makikinig.Ang pinaka kailangan ko lang ay yong tahimik na makakaintindi .How is he so perfect when it comes to this?

"Salamat"

Napangiti narin siya pero hindi umabot sa mata. Yong hindi mapagkakatiwalaang ngiti.

"But move in with me"

Nasinok ako kahit hindi naman ako uhaw sa sobrang gulat..

"Ruben naman!walang ganon chong"

Napataas na naman yong kilay niya.Nag cross yong legs niya at muli nag aalalang tumingin sakin.

"So hindi mo na ako tinatawag na kuya ngayon?";

Ngumuso ako."eh paano mukang kaedad lang kita eh"

Napailing iling siya at tila mas lalo siyang nakumbinse kung bakit kailangan nilang mag aalala.

"Lipat ka sa condo ko.Doon komportable ka at wala kang ibang aalalahanin kundi ang magpahinga.I'll provide everything.Doon mababantayan kita kahit paano.Doon panatag ako.."

"Kuya ..Ayaw ko..kaya ko naman.."

Muli niyang inilibot ang tingin sa paligid.

"Talaga ba?"

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"You just resign from your part time job"

Sabi na nga ba ..Knowing him,mukhang alam niya na ang bagay bagay bago pa kami mag usap.Alam ko kung gaano siya ka busy pero eto siya't pinaglalaanan ako ng oras.

Nabura yong saya ko kanina.Ilang araw palang ako sa bahay na ito pero kahit paano I feel secured and ang homey-kahit hindi ganon kaganda.Naadjasan ko na yong athmostphere at mawawalan ako ng privacy pag sumama ako sa kanya.Mahihirapan na naman yong mental state ko kapag lumipat na naman.

Pinatigas ko yong boses.

"Ayoko."

Yon lang ang lumabas sa bibig ko.Nag aantay siya ng iba pa pero ayoko nga ng nagpapaliwanag.

The lawyer in front me seems like playing mind games with me.Im hard headed and never like explaining-well his a tapnotch lawyer who read me like a book. Ngayon lang ako nagrebelde ng ganito sa hindi malamang dahilan at wala na akong pakialam sa iisipin niya.Sana lang at huwag siyang magsumbong kay Mama Belle dahil ayokong masira yong tiwala at tingin nila sa akin.

"You know the consequences woman"

Nagsimula akong mag alala at nagsimula ng magmakaawa sa kanya.

"Please naman Ruben..Ngayon lang.After this babalik na ako sa dati.Hayaan mo lang muna akong mag isa"

"You know I wont do that.Especially now"

He said as serious as he can.Bumababa ang tingin nito sa palapulsuhan ko at muling binalot ng pag aalala.Doon palang alam ko na.Kahit na wala na akong balak ulitin iyon sa sarili ko.

"Kainis naman!"

"Lagi din naman akong wala sa condo kasi busy ako.So basically ikaw lang mag isa doon maghapon.Okay na sakin yong nakikita kita araw araw"

"That wont convince me"

"You don't have a choice"

Minsan gusto kong pagsisihang nakilala ko tong'kumag na to'.Napaka overrr!

Nag ngingit ngit yong kalooban.Ganito narin lang yong gusto niya puwes..

Well I have a choice.

"Ayokong pumunta doon I swear.Mausok doon at maalikabok.Kung gusto mo akong bantayan eh di dito ka tumira.."

Napanganga siya at tahimik naman akong nangiti.Ang saya din minsan pag naiisahan mo ang isang abogado.Let's see how long he'll last.

Muli nitong nilibot ang tingin sa barong barong ko at maya maya'y bigla ngumisi ang lalaki at napatitig sakin. Nagtaka ako sa reaksyon niya.

"Fine with me..lipat ko na gamit ko mamaya"




-----///----

Seguir leyendo

También te gustarán

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
1.7M 9.7K 42
#01 LgBt series spg #lgbt #lovewins
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...