Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

935K 32.1K 21.3K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 41

10.2K 381 210
By JosevfTheGreat

Chapter 41: Family and Intrusiveness

#DittoDissonanceWP

hello! sorry sa sobrang late na update, sobrang busy ko lang kasi talaga! sorimasen! pero thank you for patiently waiting! enjooooy! bukas try ko ulit mag-update! <3

don't forget to vote! thank you so much!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

"I'm sorry. I didn't mean to see you-here-naked. I was looking for M-Magnus." I tried to speak straight, but fuck, I'm fucking trembling inside.

Namumula ang mukha't leeg ni Zern pero sinubukan niya pa rin ako tingnan deretso sa mga mata. He looks agitated, but I didn't know what to do. I don't fucking know! Ano bang gagawin ko? Tangina. Fuck.

"It's okay. It's fine, Caiden. Ah. . . uh. . . you can. . . uh. . . leave now," sabi ni Zern at umiwas na agad ng tingin.

Tumango agad ako. "I think so, too. Sorry, Zern. I didn't mean to make you uncomfortable. I'm sorry," sabi ko at tipid na ngumiti bago nagmamadaling umalis do'n.

Napapikit ako't napasapo sa noo ko habang naglalakad palabas ng natatorium. Putangina! Fuck. Tangina talaga. Nakakahiya! Kung umalis na lang sana ako agad, hindi na sana niya ako nahuli. Bakit ba kasi ako sumilip pa ulit? Tangina! Nakakahiya. Sana hindi naman 'to maging another reason para maging awkward kami. Tangina naman.

Ramdam ko pa rin ang pamumula ng buong mukha ko 'paglabas ko ng natatorium. What just happened? What did I do? At ano 'yung ginawa kong paninitig sa kaniya? This is too much to take in. Fuck. Nakakahiya talaga.

Hanggang sa shift ko ng ala-una, iniisip ko pa rin nang iniisip 'yung kahihiyan na nagawa ko. Habang nagtitimpla ako ng kape, bigla na lang akong mamumula at mapapapikit. Tangina talaga. Nakakahiya. Gusto kong magtalukbong sa kama hanggang sa mawala 'yung hiya ko. Fuck! Kahit anong gawin kong alis sa isip ko, hindi maalis at hiyang-hiya pa rin ako.

Iniisip ko pa kung nasaan sina Magnus. Hindi ko pa sila nakikita ngayong araw. Ni hindi rin nila ako kino-contact. Ano kayang nangyari ro'n? Bakit hindi pumasok si Titus, at bakit hindi nagre-reply si Magnus? Tangina talaga. Halo-halo na 'yung nasa isip ko. Baka bukas ko na lang kausapin sina Magnus or mamaya after ng work ko. Ewan ko. Fuck. Sobrang gulo ng isip ko. Baka kailanganin ko pa ng ilang oras bago mag-function nang maayos 'tong utak ko.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Napasapo ako sa mukha ko nang bigla ko na namang naalala ang nangyari kahapon. Putangina talaga. Sa lahat ng puwedeng makahuli sa akin na kumakanta at sumasayaw-sayaw, si Caiden pa. Putangina lang talaga opo. Putangina.

Ang mas nakahihiya pa ro'n, nakahubo't hubad ako! Huhu. . . tangina talaga.

Hindi naman first time na may makakita ng buong katawan ko, pero may consent ko kasi 'yon at bading din naman 'yung nakakita kaya walang problema. Hindi nakakadiri para sa kaniya o kung anuman.

Pero kasi ngayon. . . si Caiden! Sa lahat ng tao, si Caiden pa. Puwede naman 'yung hindi ko na lang kilala, at least makakalimutan niya rin ako. Plus, hindi niya rin alam na bading ako. Kaya less awkward, less hiya.

Ano kayang naisip ni Caiden no'ng nakita niya akong nakahubad? Nakakahiya putangina. Baka isipin niya sobrang nakakadiring makakita ng nakahubo't hubad na bading. Kahit naman naging mabait na 'yon sa akin, may mga pangit pa rin 'yon na thoughts. Siyempre, may mga panglalait mode pa rin 'yon for sure.

Buti na lang nakatalikod ako at nakita niya lang 'yung likuran na part ng katawan ko. Mas nakakahiya for me if ever na nakita niya 'yung sa harap. Putangina na lang talaga. Pulang-pula ako no'n no'ng na-realize kong nakita niya lahat at baka siya pa nga 'yung narinig ko.

Napabuntonghininga ako at ilang beses hinilot ang sentido at ang pagitan ng kilay ko para lang maibsan 'yung hiya na nararamdaman ko. Nakailang buntonghininga rin ako habang pinipilit libangin ang sarili ko. Tumitingin-tingin ako sa bintana ng bus.

Half-day lang ang shift ko, natapos ako ng alas-tres. Bago kami mag-almusal nina Leroy kaninang umaga, nag-pack na ako ng damit ko pauwi. Gusto ko munang makita ang aking munting family dahil sobrang stressing ng buong week ko. Kailangan kong ipahinga ang buong isip ko.

Kinuwento ko na rin kina Leroy 'yung nangyari. Naiinis nga si Ashton. Kung ano-anong sinasabi niyang hindi ko na naririnig. Basta inis na inis siyang sinilipan ako ni Caiden. Hindi raw 'yon tama. At ang sagot naman ni Leroy do'n, bakit naman ako sisilipan ni Caiden kung hindi naman ako babae.

Kung ano-ano pa ang sinabi ni Ashton. Inis na inis siya. Para siyang bata kanina habang kumakain kami. Naiintindihan ko naman siya kaso hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Habang si Leroy tinatawanan siya at inaasar pa. Hindi naman ako na-offend, hiyang-hiya lang ako!

Imposible naman kasi talaga na sasadyain 'yon ni Caiden. Ano namang sisilipin niya sa akin? E lalaki rin naman ako. Kung ano mayroon siya, mayroon din ako. Kaya walang reason para ma-offend ako. Talagang sobrang hiyang-hiya lang talaga si bading. Hindi ko kinaya. Sobra!

Ewan ko putangina! Tama na ang pag-iisip tungkol do'n. Tama na! Huhu. Hindi ko na kaya 'yung kahihiyan. Kailan ba 'to maaalis sa isip ko? Putangina. Parang sa tuwing maaalala ko 'to, palagi akong mapapasapo sa mukha ko. Tangina talaga ng mga nangyayari sa buhay ko.

Alas-kwatro pasado nang nakarating ako sa bahay. Nadatnan ko sina Mama at Papa sa sala. Nanonood sila ng TV habang nagmemeryenda.

"Hi, Mama bear!" bungad ko at saka siya niyakap.

"Grabe ka naman, 'nak! Bigla kang bumibisita. Akala ko sa susunod na linggo ka pa uuwi," sabi ni Mama.

"Na-miss ko na kayo, e. Ang hirap pagsabayin ng acads at trabaho," sabi ko kay Mama bago hinarap si Papa na nakakunot ang noo sa akin kaya kinunotan ko rin siya ng noo.

"Kaya pala nakakaramdam ako na may bading na dadating. Nalaglag 'yung kutsara't tinidor ko kanina, e," sabi ni Papa.

Umirap ako sa ere. "Kumusta naman si Papa bear ko?" sabi ko at umupo sa tabi ni Papa para yakapin siya dahil hindi siya tumatayo para yakapin ako. Nang-aasar na naman.

"Ito, masaya kanina no'ng hindi ka pa dumadating. Ngayon, may bading na naman sa bahay," sabi ni Papa kaya hinampas siya ni Mama.

Humalakhak ako. "Papa, alam mo ba, may nambu-bully sa aking lalaki no'ng unang araw ng linggong 'to," sabi ko kaya mas nangunot ang noo niya.

"Ha? Sino? Anong pangalan? Bukas sasama ako sa university mo. Ituro mo sa akin kung sino. Sinong lalaki?" sunod-sunod na sabi ni Papa kaya napangiti ako.

"Pero nagkaayos na kami. Nag-sorry na siya no'ng nakaraan. Pinatawad ko naman na siya sa puso't isipan ko. Mabait kasi anak mo, Papa," sabi ko at sumandal sa balikat niya.

"Pinatawad mo kasi lalaki. Baka crush mo lang 'yon, 'nak," sabi ni Papa kaya napaayos ako ng upo at hinampas siya sa braso dahilan para mahina siyang matawa.

"Hindi kaya! Naiilang nga ako sa kaniya, kaso bumabawi talaga siya. Para na niyang ginagawa 'yung mga ginagawa ni Leroy at Ashton sa akin," sabi ko at ngumuso.

"Pogi ba, 'nak?" sabi ni Mama at ngumiti sa akin nang nakaloloko.

Tumango ako. "Yes! Sobrang pogi niya," sabi ko.

"Kaya mo pinatawad. Bading ka talaga, 'nak," sabi ni Papa kaya inirapan ko siya.

Mahinang tumawa si Mama. "Na-miss ka asarin ng ama mo. Mabuti naman at umuwi ka ngayon. Magluluto ako ng favorite mong sinigang na baboy mamayang hapunan," sabi ni Mama.

"Yes! Na-miss ko talaga kumain ng lutong-bahay. Puro kami kain sa labas nina Leroy. Hindi naman nababawasan 'yung pera ko gaano dahil nililibre ako lagi ni Ashton," sabi ko.

"Baka crush ka ni Ashton, 'nak. Dati lagi ko rin nililibre Mama mo, eh," sabi ni Papa.

Ngumiwi ako. "Gano'n lang talaga kami ka-sweet nina Leroy, Pa. Hindi kami magkakagusto sa isa't isa. Never! Dati nga tumatabi pa ako kay Ashton or kay Leroy sa kama," sabi ko.

"Oo nga, Papa. Ambait-bait na bata no'n ni Ashton, hindi 'yon magkakagusto kay Zern. Maganda taste no'n," sabi ni Mama kaya humalakhak si Papa habang ako ay masama ang tingin kay Mama.

"Ah gano'n, Mama? Kinakampihan mo na si Papa? You're betraying me na. Deserve ko bang apihin nang ganito? Umamin na nga kayo kung ampon lang ako? Kung itrato ninyo ako para akong napulot lang sa labas," sabi ko.

"Ang arte mo talaga, 'nak. Manang-mana sa nanay mo," sabi ni Papa.

"Huy! Para sabihin ko sa 'yo, patay na patay ka sa akin noon pa!" sabi ni Mama.

"Sus! Crush mo nga ako no'ng high school tayo. Sabi mo sa kaibigan ko, ipakilala ako sa 'yo. Parehas talaga kayo ng anak mo, mga feelers at maarte," sabi ni Papa.

Tawang-tawa ako sa sinabi ni Papa. Pero alam kong hindi magpapatalo si Mama. Ganito ako ipagtanggol ni Papa, e. Kailangan talaga may kakampi akong isa sa kanila. Hindi puwedeng wala.

"Maganda naman," sabi ni Mama kaya walang nasabi si Papa at ngumiti-ngiti lang dahil kapag umapila siya sa sinabi ni Mama, sa sala siya matutulog.

"Ayan, talo na si Papa bear," sabi ko at humalakhak.

"Oo, maganda naman si Mama mo, 'nak. Ikaw lang talaga 'yung pangit sa pamilya natin," sabi ni Papa kaya kusang nawala ang ngiti ko.

"Pagkatapos mo akong ipagtanggol kay Mama, binabalik mo na naman sa akin 'yung asar. Porket nood ka nang nood ng mga palabas ni Coco Martin," sabi ko.

"Anong konek, 'nak? Idol ko kaya 'yon si Coco Martin. Galing bumaril!" sabi ni Papa at dinemonstrate pa sa amin kung paano bumabaril ng pistol si Coco Martin.

Natawa na lang kami ni Mama. Ang cute lang ni Papa kapag nadadawit na 'yung gusto niyang mga bagay, nawawala na 'yung pinag-uusapan kanina tapos 'yon na 'yung magiging bukambibig niya. Mamaya manonood na naman 'yan habang kumakain hanggang sa matapos ang hapunan. Pero kapag inaya na siya ni Mama matulog, papatayin na niya agad 'yung TV. Gusto niya kasi lagi sabay sila matulog ni Mama.

Na-miss ko talaga silang dalawa. Kahit nakakabwisit na ako ang palaging target ng asar dito sa pamamahay na 'to. Ramdam na ramdam ko naman 'yung pagmamahal nilang dalawa. Love language na siguro talaga ni Papa, asarin ako nang asarin. Pero maasahan naman 'yan si Papa sa mga serious talk. Minsan!

Iniwanan ko na muna sila sa sala dahil magbibihis na muna ako ng pambahay. Magpe-prepare na rin si Mama magluto ng sinigang. Tutulungan ko siyang maghiwa. Ichi-chika ko na rin sa kaniya 'yung nangyari kahapon. Hindi ko 'yon puwede sabihin kay Papa, baka umusok 'yung ilong no'n. Ayaw pa naman no'n ng nababastos ako. Para kay Papa, siya lang ang puwedeng mam-bully sa akin.

"Papa, magwalis ka muna sa labas. Nagkalat ng dahon 'yung puno sa tabing bahay. Kuhanin mo na rin 'yung sinampay at itupi mo," sabi ni Mama habang hinuhugasan 'yung baboy na galing sa freezer.

Habang ako nakaupo sa dining table para magsimula ng maghiwa ng mga gulay na kakailanganin. Tutulong naman si Mama dahil magchichikahan nga kami. Ito-thaw niya lang muna 'yung baboy. Hugas eme tapos hahayaan na niya muna sa lababo.

"Ano ba 'yung chika mo, 'nak?" sabi ni Mama at nagsimula nang maghiwa ng bawang.

Sinimulan kong ikuwento mula no'ng unang araw ng linggong 'to. Pati ang bangayan namin ni Caiden. Nasabi ko rin 'yung constant na pagkakasalubong namin kahit saan. Na parang palaging naka-destined na magkikita kami sa iisang lugar at walang makakapigil no'n.

Nakuwento ko rin 'yung nangyaring pag-uusap namin ng mama ni Caiden. Nainis nga si Mama pero hindi puwedeng lumiwas ang kuwento ko kaya hindi ko siya pinasingit. Hanggang sa dumating na 'yung kuwento ko sa nag-sorry si Caiden. Pati 'yung ginawa niyang pagbawi sa akin. Kinikilig pa si Mama. Parang baliw. Nginiwian ko nga siya dahil never akong nakaramdam ng kilig kay Caiden. Gladness siguro. 'Yon ang pinaka na-feel ko pa lang kay Caiden.

Sinabi ni Mama na baka raw may gusto na si Caiden sa akin. Minsan mas delulu pa 'to si Mama kaysa sa akin. Talagang gustong sakyan lagi 'yung pagiging main character ko, at dala na rin ng kanonood niya ng mga telenovela. Baka mag-end of the world na, hindi pa rin nangyayari 'yung sinasabi ni Mama. Sobrang imposible no'n. Baka puwede pa kami maging super close katulad nina Ashton, pero sobrang labo no'ng sinasabi ni Mama na magkakagusto sa akin si Caiden.

E baka nga isang dosena ang gustong maging anak no'n sa mapapangasawa niya.

Napunta ang kuwento ko sa nangyaring pag-comfort ko kay Caiden. Natuwa si Mama sa parteng 'yon, at may halo pa ring kilig dahil sa pagiging delulu niya. Feeling niya nasa isang telenovela ako at ako ang main character kaya lahat daw possible. Nababaliw na 'to si Mama.

Hanggang sa napunta na sa nakakahiyang pangyayari kanina. Kaya habang kinikuwento ko kay Mama, hiyang-hiya rin ako at ramdam ko na agad ang pamumula ng mukha ko. Palagi ko ng maaalala 'yung pakiramdam na 'yon. Hinding-hindi ko makalilimutan 'yung kahihiyan na 'yon. Core memory ni bading.

"Sobrang nakakahiya talaga, Mama! As in. Hindi ko alam. Feeling ko nilait na ako no'n, Ma! As in!" sabi ko at hindi na naman mapakali sa sobrang hiya.

Humalakhak si Mama. "Kinikilig ako sa 'yo, 'nak. Paano kung crush ka pala no'n! E 'di magkakajowa ka na ng foreigner," sabi ni Mama at ngumisi pa nang nakaloloko. Mukhang mas excited pa siya kaysa sa akin.

"Stop, Ma! Hindi. No. Hindi 'yon magkakagusto sa akin. Never in our imagination. Sobrang lalaki no'n kumilos. Panigurado gusto no'n mag-asawa't anak," sabi ko at naghiwa na ulit ng sitaw.

"Hmm, hindi ako naniniwala, 'nak. Feeling ko crush ka no'n! Nako, ganiyan na ganiyan 'yung Papa mo sa akin no'ng crush na rin niya ako. No'ng crush na niya kasi ako, hindi ko na siya crush kaya hinahabol niya ako. Ganda ko, 'di ba?" sabi ni Mama at humalakhak.

"Sus! Porket parang bumabawi siya sa akin, gusto na niya ako agad. Feeling main character lang ako palagi, Ma. Pero hindi ako ambisyosa. Baka mas may chance pa kami ni Leroy kaysa ni Caiden," sabi ko at umirap sa ere.

"Feeling maganda ka naman, 'nak. Mabait 'yon si Leroy. Hindi ka no'n papatulan," sabi ni Mama at nag-side eye pa sa akin.

"Para kang baliw, Mama. Mas imposible 'yung sinasabi mong magkakagusto sa akin si Caiden. Kung makita mo lang 'yon, baka ireto mo pa ro'n sa anak ni Tita. Para malahian ang lahi natin," sabi ko at nag-side eye rin sa kaniya.

"Sira ka talaga, 'nak. Samahan mo ako mamaya. Papaabot ko 'tong sinigang sa kumare ko malapit do'n sa bayan. Bumili ka na rin ng gusto mo sa Alfamart dahil alam kong matakaw ka," sabi ni Mama at mahinang tumawa.

"Sasama si Papa?" sabi ko.

"Syempre! Paano kung sitsitan ka ng tambay, feeling maganda ka pa naman," sabi ni Mama at humalakhak.

"Lalagyan ko ng ipis 'yung kama ninyo ni Papa mamaya," sabi ko at inirapan si Mama kaya mas lalo siyang humalakhak.

"Biro lang, my angel sweetheart!" sabi ni Mama at tinusok ang tagiliran ko para makiliti ako pero hindi ko naman 'yon ininda.

"Magsama kayo ni Papa. Mag-practice siya bumaril sa 'yo na parang si Coco Martin," sabi ko.

"Dugyot ka talaga, 'nak. Bakit ka ba kasi umuwi, hindi tuloy kami makakapagbarilan ng papa mo," sabi ni Mama at humalakhak na naman.

"Yuck! Mas kadiri pa 'yung sinabi mo, Ma, kaysa 'yung may ipis sa kama ninyo," sabi ko habang nakangiwi.

Kung ano-ano na ang pinag-usapan namin ni Mama habang nagluluto. Natapos na nga rin si Papa sa inutos ni Mama at nanood na siya ng TV. Nakikisali rin si Papa minsan sa usapan namin ni Mama, pero hindi namin pinaparinig sa kaniya dahil aasarin niya lang kami ni Mama.

Hanggang sa natapos na rin kami kumain. Kinuwento ko kina Mama at Papa ang buong week ko-kung gaano ito ka-stressing for me pero kinakaya ko naman. Natuwa si Mama at hinipo pa ang pisngi ko dahil masaya raw siya para sa akin na na-survive ko ang isang week. That gave me a huge boost. Love na love ko talaga sina Mama at Papa.

Napag-usapan din namin si Kuya kaso. . . wala rin naman silang balita at hindi ko rin naman siya nakukumusta. Busy din naman kasi talaga ako. Kumustahin ko na lang siya kapag naalala ko. Baka umuwi rin naman dito 'yon some other day. Nagwo-work din kasi.

Tinulungan ko si Mama magbalot ng tatlong plastic ng sinigang para ibigay niya ro'n sa kumare niya sa palengke. Mahilig kasi magbigay si Mama ng ulam, dahil binibigyan din naman kami ng mga gulay ng kumare niyang 'yon.

Nanghiram si Papa ng bike na may sidecar sa kaibigan niya. Ayaw kasi ni Mama maglakad, at ayaw ko rin.

Mahangin at hindi gaano mabilis ang takbo namin. Marami-rami pa ring tricycle ang nakakalat sa kalye. May mga bata ring naglalaro sa paligid at marami ring nakahelerang mga nagbebenta ng street foods. Ibang-iba ang vibe ng lugar namin sa university kung saan ako nag-aaral.

Inabot din kami ng almost fifteen minutes bago nakarating sa bayan. Nag-park si Papa sa hindi kalayuan at kami na lang ni Mama ang pumunta sa gulayan ng kumare niya.

"Mersi!" tawag ni Mama pero ang namataan niya ay ang anak ni Aling Mersi. "Neng, ang mama mo? Paki bigay kamo itong sinigang! Niluto ko kanina," sabi ni Mama at kinuha sa akin ang isang plastic na may lamang tatlong plastic ng sinigang.

"Salamat po. Nasa salon po si Mama kasama si Kuya Jay. Bagong sahod po kasi ni Kuya, libre niya raw po si Mama ng salon," sabi no'ng batang babae.

"Ay sige, puntahan ko na lang. Saan bang salon?" sabi ni Mama.

"Doon po sa malapit sa Hontanes Mall. 'Yung helera po ng mga bilihan ng bisekleta. May malapit po ro'n na bagong bukas at magandang salon," sabi no'ng batang babae.

Nagpasalamat si Mama ro'n sa bata bago namin binalikan si Papa. Hindi naman malayo ang Hontanes Mall dito. Kaya ngang lakarin, pero medyo nakakapagod. Sa pagkakataon lang na 'to, si Papa lang ang mapapagod. Hahaha!

'Pagkarating namin do'n, bukas pa ang mall at marami pang tao sa loob. Marami ring jeep ang nag-aabang ng pasahero. Nag-park lang ulit si Papa sa malapit sa bilihan ng mga bike. Kami na lang ulit ni Mama ang nagpunta sa bagong bukas na salon.

"Ooh. . ." mangha kong sabi nang nasilayan ko ang bagong bukas na salon. Maganda nga rito. Chineck pa namin ni Mama ang mga presyo sa labas. Libre ko rin si Mama rito kapag nakapag-ipon ako.

"Yes, Ma'am?" bungad sa amin ng bading na naggugupit ngayon ng babae.

May lumapit sa aming babae, pero sinabi lang ni Mama na hinahanap niya lang 'yung friend niya. Namataan niya ang lalaking anak na sinasabi no'ng batang babae kanina, si Jay. Nakaupo siya sa isang couch at nagpapa-foot spa. Habang si Aling Mersi naman ay nagpapakulay ng hair. Taray!

"Mersi!" sabi ni Mama kaya napalingon agad si Aling Mersi.

"Oh! Melecia! Paano mo nalamang andito ako?" maligayang sabi ni Aling Mersi.

Umupo muna ako sa couch dahil makikipagchikahan muna si Mama diyan. Kinuha ko na lang ang phone ko dahil mga ilang minuto pa riyan si Mama. Chikadora ng bayan 'yan si Mother Dear, e.

"Hi, papa-salon ka?" napatingin ako sa isang bading na employee rito at mukhang wala siyang ginagawa.

Umiling ako. "Hindi po. Sinasamahan ko lang po 'yung Mama ko," sabi ko.

"Ampogi mo naman," sabi niya kaya tinago ko ang pag ngiwi ko.

Kung alam niya lang na pogi rin hanap ko. Nginitian ko na lang siya at binalingan ang phone ko. Matangkad kasi ako at maputi kaya mabilis akong nahahagip ng mga mata. Hindi nila alam isa akong barbie sa dream world.

Umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.

"Anong facebook mo, kuya?" sabi niya.

Gets ko na si Caiden kung bakit siya galit sa ibang bading, pero 'wag naman niya lahatin. Kasi may mga ganito talaga. 'Yung aggressive at namimilit. Sakalin ko kaya 'to. Chariz.

Sakto namang may pumasok na customer kaya napatayo si bading para i-welcome ang mga 'yon. Nakahinga ako nang maluwag at napailing. Nag-scroll na ulit ako sa Facebook. Mabait ako ngayon. At naiintindihan ko ang pagkahayok niya sa hotdog, pero hindi kami talo.

"Oh! Melecia, right?" Napatingin ako sa babaeng biglang tinawag ang nanay ko.

Nangunot pa ang noo ko kung tama ba ang nakikita ko. Is that. . . Tita? Lumipat ang mga mata ko sa nasa likuran niya.

Tangina!

Andito rin si Caiden! Putangina talaga opo. Ang ganda talaga ng timing ng mundo. Kung kailan gusto kong ipahinga ang utak ko, biglang may gagambala ngayon!

Napalunok ako nang nagkatagpo ang mga mata namin. Shet talagang-talaga naman!


Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)

Continue Reading

You'll Also Like

Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.8K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
269K 14.9K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.