Game Over

By beeyotch

737K 25.8K 10.5K

(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that g... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapte 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 04

21.4K 711 207
By beeyotch

Chapter 04

Nakaka-adik din pala talaga 'to. Come to think of it, mabuti na lang din pala na virgin lang ako all throughout high school, college, at law school. Baka maaga akong napa-dropout kung sakali. O baka dahil lang kay Lui 'to? Kasi I kissed a couple of guys din naman na dati... but no one made me feel the way he did. They're like... meh. And one was even a terrible kisser that made me stop kissing guys altogether for a period of time.

With Lui? I'm on the ground, on my freaking knees. He could literally text me at 3AM with 'you up?' at talagang magda-drive ako papunta sa condo niya.

Alam ko mukha akong tanga, probably, sa paningin niya... but he's freaking good! What can I do? I'm just a girl!

"Focus, Italia," I told myself while I was reviewing for the Civil Law mock bar. "Yes, hindi mo goal magtop sa BAR, pero kailangan mo pa ring pumasa. You don't want a repeat of this nightmare again next year, right?"

For a while, nagpeptalk lang ako sa sarili ko. Nakaka-pressure din kasi. Ang seryoso ng lahat ng tao sa paligid ko kasi kahit si Alisha ay hindi ko mahagilap. Kapag magkaka-usap kami, nape-pressure ako sa progress nila. Ang layo na nung nabasa nila sa coverage habang ako ay chill lang. For me kasi, mas gusto ko na naiintindihan ko talaga bago ako magmove on sa text topic.

Still, nakaka-pressure kapag nasa ibang subject na sila habang stranded pa rin ako sa mga naunang subjects.

Bahala na nga. Sabi naman nila Tito, basta gawin ko lang iyong best ko sa BAR para if ever, no regrets.

So, for the next few days, nagfocus lang ako sa pagbabasa. At one point ay nagkaroon na ako ng crying selfie dahil pagod na pagod na talaga ako... to think na medyo malayo pa ako sa mismong BAR exam. Paano ako magsusurvive nito?

Thankfully, hindi rin naman nagtext sa akin si Lui. Gusto kong maging thankful talaga na hindi siya nagpaparamdam kasi isang text niya lang ay pupuntahan ko talaga siya... but a small part of my mind was thinking na ano? Talagang hindi ako memorable? Talagang booty call in the middle of a random day of the week lang ako?

Dapat na ba akong magyoga? According sa mga naririnig ko sa mga sis ko, flexibility is a flex daw talaga. May space pa ba sa schedule ko para isingit 'yon?

No, focus, Italia! BAR exam!

At around 11PM, naaantok na talaga ako. Free day ngayon sa review center kasi bukas na iyong mock bar namin. Hindi ko pa naaaral iyong Torts and admittedly, weakness ko talaga siya. Hindi ko siya maintindihan for the life of me. Tapos wala pa pala akong LTD.

I forced myself to get out of my condo. I brought my things with me and went to a study hub in Makati na dati naming pinupuntan nila Alisha kapag may last minute study cramming kami. Open naman 'yon 24/7 plus for sure may mga ibang nagsstudy din kaya hindi ako makaka-tulog.

Nagdrivethru muna ako sa coffee shop bago ako pumunta doon. I was waiting for Kuya to give me my receipt for the payment. I looked around at nanlaki iyong mga mata ko nung makita ko si Lui na nasa isang gilid. He looked very focused (and very sexy) while studying. May suot din siyang reading glasses. Bahagyang kunot iyong noo niya. Ano kaya iyong binabasa niya? May nahihirapan din kaya siyang subject kagaya ko?

"Thank you, Kuya," I replied nung inabot sa akin iyong receipt ko but my eyes were still on Lui. I wanted to sit beside him... but he's obviously studying. Ayoko naman makaabala sa kanya. Saka... kailangan ko ring mag-aral. Bakit ba mas concerned pa ako sa education niya? For sure naman papasa siya kasi galing siyang SCA.

Instead, doon ako sa may likuran na part pumwesto. Okay din naman don though mas preferred ko iyong lighting sa may pwesto ni Lui kasi mas maliwanag. Pero ayos na rin 'to para makapagfocus ako.

Nilatag ko na sa table ko iyong libro ko for torts. May dala din ako na memory aid from my school, but last resort na 'yon. Mas gusto ko kasi na iyong libro talaga ang binabasa ko.

I began reviewing. I was listening to some random Korean drama OST. Ayoko kasi ng English kasi mapapa-sabay ako sa lyrics. Minsan nakikinig din ako sa Arabic love songs. Basta kahit ano na hindi ko talaga alam iyong lyrics.

After nearly an hour of reading, I finally got into my rhythm. Alisha gave me a notebook na naka-pattern sa BAR syllabus kaya iyon ang ginagamit ko para magtakedown ng notes. Sobrang time consuming but I felt like if hindi ko itakedown, hindi ko rin mareretain.

"Oh, god," nagulat na sabi ko dahil paglabas ko sa CR, nakita ko na lumabas din si Lui sa CR na katabi. He was looking at me like he was surprised... but at the same time weirded out. Like what were the chances na magkikita na naman kami? To think na before ko siya makilala sa club, never kami nagtagpo ng landas talaga?

"Are you—"

I rolled my eyes. "Get over yourself," sabi ko sa kanya. "I didn't follow you."

Natawa siya. "Really."

"Really," I repeated. "May mock bar tayo mamaya kaya."

I saw the visible frustration on his face. "Right..." sabi niya. Napa-tingin siya sa table ko. "You're done with the coverage?"

Umiling ako. "Torts pa then LTD," I replied. "You?"

"Dami pa."

I just nodded. Ayoko lang magcomment sa progress niya kasi kanya-kanya naman kaming pacing dito. Besides, alam ko iyong feeling na nase-stress sa progress ng iba, so ang hypocrite ko naman if gagawin ko rin 'yon sa iba.

"You want coffee?" he asked.

This guy has literally seen every inch of my naked body, but him asking me kung gusto ko ba ng kape was making me feel... things. Insane.

"Sure," I replied kahit na halos kalahati pa iyong laman na kape nung tumbler ko.

Iniwan namin iyong gamit namin sa study hub since may guard naman at CCTV don. I didn't know where Lui was taking me, but I knew myself na sasama naman ako sa kahit saan.

"Wait, san tayo pupunta?" I asked kasi sumakay siya sa sasakyan niya. May malapit naman na coffeeshop kaya akala ko maglalakad lang kami.

"To get coffee."

"Yeah, but where?"

"Does it matter?" he asked, his hands on the steering wheel but his head was turned so he was looking at me. It was like he was taunting me dahil alam niya na kahit saan naman ay sasama ako sa kanya.

"Nagrereview ako."

Napa-tawa siya. "Ako rin naman," he replied and then started his car.

Hindi ko talaga alam kung saan kami pupuntang dalawa. It was already 2AM. Wala ng traffic sa daan kaya dire-diretso lang siya sa pagda-drive. Napa-kunot iyong noo ko nung mapunta na naman kami sa BGC. Akala ko ay iuuwi niya ako sa condo niya, but we stopped in a parking lot. Lui got out. I looked around. Wala namang coffeeshop dito.

"Come on," he said nung nasa labas na siya at nasa sasakyan niya pa rin ako.

"Where is the coffeeshop," I uttered to myself as I was unlocking the seatbelt.

Lumabas na rin ako at saka sumunod sa kanya. We were walking until we stopped in front of a Korean convenience store. Pumasok doon si Lui at sumunod naman ako. He walked like he'd been here before at kabisado niya na iyong bawat aisle.

"You want?" he asked while holding a huge cup of ramen.

"Maanghang 'yan, e."

"This," he said tapos ay may kinuha na ibang ramen. "Hindi maanghang."

"Okay," I replied tapos ay sinundan ko ulit si Lui hanggang sa huminto siya sa harap ng chest freezer. He got two plastic cups na may laman ng ice. Then he made me choose coffee pouches. "Here—" sabi ko nung babayaran ko na iyong food ko, but Lui just paid for our food—our food!

Alam ko na ang price mo, Italia—isang ramen.

After paying, sinundan ko si Lui dahil mukhang alam niya naman na ang gagawin dito. Huminto kami sa may parang dispenser ng hot water. Una niyang binuksan iyong ramen ko at saka nilagyan ng hot water. Tapos ay iyong sa kanya naman.

"Ako na," I said nung kinuha niya both iyong ramen. Medyo mahirap kasi sila hawakan dahil malaki sila.

"Yan na lang hawakan mo," he said, pertaining to the two iced coffee.

Ang simple lang ng ginagawa namin, but this is what I want! I just want a guy who'd take charge. Nakakapagod kapag mag-isip most of the time. Minsan, I just want to turn off my brain.

"Okay lang kumain sa car mo?" I asked kasi pumasok siya sa loob habang hawak iyong food.

Tumango siya. "Basta 'wag ka magkakalat."

I immediately nodded. "Okay."

We got inside his car. Naka-patong doon sa may dashboard iyong ramen while we're waiting na maluto sila. Lui opened the radio pero mababa lang iyong volume. Then he reclined his seat for a bit. Pinikit niya iyong mga mata niya. Matutulog ba siya?

"Stop watching me," he said with his eyes still closed.

"Feeler, ah."

Then he opened his eyes. "Weren't you watching me?"

I just gave him a look tapos ay sinandal ko rin iyong ulo ko sa headrest. I closed my eyes din. Grabe... nakaka-pagod din pala talaga. I had been studying nonstop this week dahil sa dami nung cover na subject ng Civil Law. I didn't really stop.

"Thank you," I said.

"For what?"

"The ramen."

"You're welcome," he replied. I briefly opened my eyes and saw na naka-pikit pa rin iyong mga mata niya.

"I didn't think that I needed this quick break," sabi ko nung naka-pikit na ulit ang mga mata ko. "Nababaliw na ako sa civil."

He didn't really reply. Baka ako lang ang nahihirapan. Kasi naman bakit napaka-chill ko buong law school life ko. Ngayon na ako binabalikan ng motto ko na 'basta walang bagsak.'

"Sure ka na hindi 'to maanghang," I said nung kinuha na namin iyong ramen.

"It's not," he replied while he was using his chopsticks. He looked at me and saw me hesitating. Ayoko kasi talaga sa maanghang. Hindi ako nag-iinarte. I have an incredibly low tolerance when it comes to spicy food—unless gusto niya ako makita na naiiyak na dahil sa anghang.

"Fine," I said as I got a sip of the broth first. Napa-tingin ako sa kanya.

"See?" he asked, being annoying because he was right.

"Whatever," I replied as I began eating my ramen. Narinig ko lang na natawa siya habang kumakain na siya nung ramen niya.

Lui and I really didn't talk about anything profound. A song played on the radio and I mentioned that I really wanted to see the band after ng BAR. Then napunta iyong usapan sa mga bansa na gusto naming puntahan after. I mentioned Japan sa kanya. He's been there a couple of times, but he mostly prefers Tokyo. I argued na mas maganda sa Osaka. Iyon lang ang pinag-uusapan namin hanggang sa maubos namin iyong malaking bowl ng ramen.

"Thanks," I said when we're finally back sa study hub.

"No problem," he replied. "What?" he asked nung mapansin niya na naka-tingin lang ako sa kanya. He's just... so gwapo. I didn't know how else to describe him. Filipino na Filipino iyong dating niya. So gwapo.

"Nothing," I said, shaking my head while smiling. "Study well," I continued before I got out of the car at saka pumunta na kami sa kanya-kanyang pwesto namin sa study hub.

* * *

Hindi ko alam kung ano iyong effect nung ramen sa akin pero natapos ko rin iyong LTD and naka-second read pa ako nung notes ko.

Nung 8AM na, lumabas na iyong mock bar questions. Sumilip ako at nakita ko na nandon pa rin iyong gamit ni Lui, pero wala si Lui sa pwesto niya. I went outside at saka nakita ko siya sa isang gilid. He was talking to someone on the phone tapos may hawak siyang sigarilyo sa isang kamay niya. He looked a bit frustrated sa kung sinuman ang kausap niya that I immediately felt the need to leave him be... kaso ay napa-tingin na siya sa gawi ko.

"Lumabas na 'yong mock bar," I said nung lumakad siya papunta sa gawi ko. Tinapon niya rin iyong sigarilyo na hawak niya.

"Ah, right. Thanks," sabi niya.

"Dito ka magttake?"

"Ikaw?" he asked.

Naka-tingin lang ako sa kanya... Didn't he already know na yes ang sagot ko sa kahit na anong tanong niya?"

I nodded. He shrugged. "Okay," he replied.

"Wait, dito ka rin magttake?"

Tumango siya. I grinned to myself. Ang swerte ko naman ata masyado. "Tabi tayo," sabi niya. Nanlaki iyong mga mata ko. Natawa siya. "For accountability," he added.

"Ah..." sabi ko na nakaramdam ng hiya dahil ang assuming ko naman masyado!

Pumasok na kami sa loob. Medyo nagulat ako nung sumunod sa akin si Lui sa table ko tapos ay tinulungan niya akong kunin iyong mga gamit ko. Nilagay niya iyon sa may table niya rin kasi malaki iyong table na gamit niya.

"Wait lang," sabi ko tapos ay pumunta ako sa CR habang pa-simple na dala-dala ko iyong pressed powder ko. Inayos ko muna iyong sarili ko kasi magkaharap kami! Nakaka-stress naman kasi feel ko bawat galaw ko e makikita niya kahit for sure hindi niya naman ako titignan.

I tied my hair into a high ponytail tapos ay suot ko ulit iyong salamin ko kasi sumasakit na iyong eyes ko sa dami ng binabasa namin.

"Ready," I said. "What?" I asked nung mapansin ko na naka-tingin lang siya sa akin.

Umiling siya. "It's just... distracting."

Kumunot ang noo ko. "What is distracting?"

"Your ponytail," he replied and my face immediately felt hot when I realized what he was pertaining to. But Lui just chuckled like he was enjoying making me feel flushed. Kainis.

I rolled my eyes at him and then binuksan na namin iyong laptop namin at saka nagsimula na kaming mag-take ng mock bar. I kept on breathing deeply kahit na nakaka-stress dahil naka-ilang skip na ako sa questions kasi hindi ko alam iyong sagot sa iba. Ni hindi ko magawang tumingin kay Lui dahil stressed enough na ako sa sarili kong exam.

After roughly three hours, Lui closed his laptop. Hindi siya nagsalita pero umalis lang siya sa pwesto niya. Napa-tingin ako habang palabas siya sa study hub. Gusto ko pang sundan iyong galaw niya, but I had my own exam to worry about. May anim na question pa ako na hindi nasasagutan.

At one point, naglelegislate na ako ng sarili kong batas, but better kaysa wala akong sagot at all. May logic naman ata mga pinagsasabi ko. Bahala na nga.

Nung natapos ako, napa-tingin ulit ako sa labas at nakita ko na naninigarilyo pa rin si Lui... 'Di ba siya worried sa baga niya or something? I mean, hot niya tignan kapag naninigarilyo siya pero hot pa rin ba kung may lung cancer na siya?

"Hirap," sabi ko nung maka-lapit ako sa kanya.

Tumango lang siya saka humithit ulit nung sigarilyo niya. We'd been here for half a day na rin pero gosh... ang gwapo-gwapo niya pa rin.

"May gagawin ka ba ngayon?" he asked.

"Bakit?" I asked back.

"Elyu," he said.

"Elyu?"

Tumango siya. Naka-tingin sa akin. Iyong sigarilyo sa bibig niya. Iyong amoy ng pabango niya.

"Okay," I replied... kasi susundan ko naman talaga ata siya kahit saan.

**

This story is already at Chapter 09 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email beeyotchpatreon@gmail.com for assistance :) Thank you! 

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 149K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
1.2M 9.8K 1
(Game Series # 3) Avery Brienne Eliseo never wanted the 'normal' life. Ever since she was born, she already knew that the life she'd lead would be fa...
2.2M 97.3K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
737K 25.8K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...