Isla Fontana Series #4: Ruthl...

By RosasVhiie

832K 28.2K 3.4K

Title: Ruthless Slave (Isla Fontana Series 4th Installment) Genre: Romance, Erotica, Drama, Violence, Mature... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1 (Slave)
Chapter 2 (Borrow)
Chapter 3 (Touch Me)
Chapter 4 (Scar)
Chapter 5 (Calm)
Chapter 6 (Blood)
Chapter 7 (Dangerous)
Chapter 8 (Enchanted)
Chapter 9 (Scared)
Chapter 10 (Knives)
Chapter 11 (Flesh and Blood)
Chapter 12 (Belt)
Chapter 13 (Fall In Love)
Chapter 14 (Creepy)
Chapter 15 (Don't Look Back)
Chapter 16 (Break Up)
Chapter 17 (Tears)
Chapter 18 (Jealousy)
Chapter 19 (Regret)
Chapter 20 (Surrender)
Chapter 21 (One and Only Dream)
Chapter 22 (Fight With Her)
Chapter 23 (Basement)
Chapter 24 (The World is Too Cruel)
Chapter 25 (Savior and Salvation)
Chapter 27 (Heavy Rain)
Chapter 28 (Tame the Beast)
Chapter 29 (Invade)
Chapter 30 (Healed)
Chapter 31 (Don't Go Home)
Chapter 32 (Give Up)
Chapter 33 (Stay By Your Side)
Chapter 34 (Save Me)
Chapter 35 (You're Not The Devil)
Chapter 36 (Buried)
Chapter 37 (Broken Pieces)
Chapter 38 (His Own Flesh and Blood)
Chapter 39 (Warmth, Care, Protection, and Love)
Chapter 40 (You Deserve So Much Better)
Chapter 41 (Destiny)
Chapter 42 (Warm Heart)
Chapter 43 (Love Wins. Love Is Powerful)
Chapter 44 (Passed Out)
Epilogue
PUBLISHED BOOK‼️🖋️📚

Chapter 26 (Promise)

8.6K 340 31
By RosasVhiie

CHAPTER 26

HABANG nasa loob siya ng kotse ay nakatingin lamang siya sa malaking bahay na nasa harapan. Halos tatlong oras na siyang nag-aabang doon. Umaasa siya na masisilayan niya si Hunter kahit sandali lamang. Kahit sa huling pagkakataon man lamang bago siya tuluyang sumama sa ama niya. 

Mamayang gabi na ang alis niya papuntang Europe. Ang bansa kung saan nakatira ang ama niya. Isang buwan na ang nakakalipas muna nang magtagpo sila ng ama niya. Pagkatapos nitong mapatunayan na totoong anak siya nito ay inasikaso na ng ama ang mga papeles niya at pinalitan ang kaniyang apelyido.

Lahat ay binigay ng ama sa kaniya. Tila isa siyang babasaging crystal na iniingatan nito ng husto. Napakarami niyang bodyguards na nakabantay sa kaniya. Naiilang siya pero nagpumilit ang ama niya para na rin daw sa kaligtasan niya. Isang business tycoon ang ama niya sa bansang Europe at marami na ang nagtangkang kitilin ang buhay nito.

Ang ama niya ang nagmamay-ari ng isa sa sikat na diamond company sa Europe kaya mas lalo itong ingat na ingat sa kaniya. Ang kompanya ng ama niya ang isa sa pinakamalaking diamond producer at distributor ng diamonds. Sobrang nakakalula kung gaano kayaman ang ama niya. Hindi siya sanay sa magarang buhay pero dahil siya lamang ang nag-iisa nitong anak at siya lamang ang natatangi nitong tagapagmana ay kailangan niyang sumama sa ama. 

Nakausap na rin niya ang mga kapatid at maging ang lola niya. Ayaw man niyang iwan ang Lola Helen niya ay wala siyang magagawa. Ayaw din nitong sumama sa Europe dahil mas gusto raw nitong manatili sa Isla Fontana.

"Young Mistress, we have to go now. Master is waiting for you. You've been staying here for almost four hours now. Master will be worried." Narinig niyang sabi ng driver.

Babae ang driver niya at maging ang kaniyang mga bodyguards. Dahil nagpupumilit ang ama niya na bigyan siya ng maraming bodygurads ay personal niya ng hiniling sa ama na babae ang ibigay sa kaniya dahil doon siya mas magiging komportable.

Nanghingi siya ng isa pang oras para maghintay. Pero lumampas na ang isang oras ay walang Hunter na lumabas mula sa bahay na iyon. Malungkot siyang napayuko.

"Young Mistress? Should we go now?" tanong ng driver.

Ilang sandali siyang hindi nakatugon bago tuluyang tumango sa driver. Sa huling pagkakataon, sinulyapan niya ang bahay ni Hunter habang dahan-dahang tumatakbo ang kotse. Napatingala siya sa bintana ng bahay at doon ay napansin niya ang isang anino.

Babalik ako, Hunter. Babalik akong buo at hilom na. Babalik ako sa'yo at pinapangako ko na ako mismo ang mag-aalis sa'yo mula sa madilim mong mundo. Aalisin kita mula sa libingan mo. Babalik akong malakas at matapang. Balang-araw, ako ang magiging lakas mo. Ako ang poprotekta sa'yo. Hintayin mo ako. Babalik ako sa'yo. Pangako.

Pinangako niya iyon sa sarili habang unti-unting lumiliit ang bahay sa paningin niya. Pinunasan niya ang mga luha kasabay ng pagguhit ng malungkot na ngiti sa mga labi. Dahan-dahan niyang hinawakan ang sariling tiyan at nagpakawala ng buntong-hininga.

Kinabukasan ay handa na siya sa pag-alis papuntang Europe. Hindi na siya nagpakita pa sa mga kapatid at sa lola niya dahil alam niya na kapag nakita niya ang mga ito, uurong siya. Gagawin niya ito para sa sarili, hindi lamang dahil sa kagustuhan ng ama. Para ito sa sarili niya. Babalik siyang matapang at malakas. Babalik siyang wala nang takot sa puso. Pangako niya iyon sa sarili.

Bago siya tuluyang umakyat sa pribadong eroplano ng ama ay tumingin siya sa paligid. Naramdaman niyang tila may nakamasid sa kaniya pero wala siyang nakita. Guni-guni niya lamang siguro.

Tuluyan siyang pumasok sa eroplano at tuluyang bumiyahe patungong Europe kasama ang ama niya. Marami silang napagkuwentuhan ng ama niya. Napakarami nitong ikinuwento tungkol sa ina niya. Marami rin itong sinabing plano para sa kaniya. Nakikinig lamang siya sa ama.

Masaya siya na kasama na niya ang sariling ama. Pero ang puso niya, mananatiling may kulang. Kasabay ng pag-alis niya sa Pilipinas ay ang pag-iwan niya ng sariling puso sa taong minahal niya at patuloy na mamahalin sa pagdaan ng panahon. Habang wala ang ama ay nakangiting hinimas niya ang sariling tiyan sa napakasuyong paraan.

Nang makarating siya sa Europe ay napakaraming nagbago sa buhay niya. Lahat ay bago. Nangangapa siya. Nalulula. Nalulungkot. Nangungulila. Halo-halong emosyon ang naramdaman niya.

Naging napakarangya ng buhay niya sa piling ng ama. Tila isa siyang prinsesa kung ituring ng mga tao sa paligid niya. Hindi pa rin siya sanay. At hinding-hindi siya masasanay. Ang lahat ng plano ng ama para sa kaniya ay tinupad nito.

Pinag-aral siya nito. Dinala siya nito sa pinakamagaling na doctor. Binigay nito ang lahat sa kaniya kahit hindi niya hinihiling. 

Umabot siya ng pitong taon sa Europe. Nakatapos siya ng pag-aaral. Nagkaroon ng mataas na posisyon sa kompanya ng ama niya. Marami siyang naging kaibigan. Lumawak ang mga naging kaalaman niya. Lumawak ang mga naging koneksyon niya. Nag-iba ang klase ng pananamit niya. Nag-iba rin ang klase ng pananalita at mga kilos niya. Malayong-malayo na siya sa dating Seiranel sa dami ng mga nagbago sa buhay niya. 

Habang nasa loob siya ng sariling opisina ay napatingin siya sa sariling pinto at bumungad sa kaniya ang matangkad na batang babae. Patakbo siya nitong nilapitan at kaagad siyang hinalikan sa pisngi.

"Mommy, do I look pretty today?" Umikot-ikot ito sa harapan niya habang pinapakita ang bago nitong dress.

Mahina naman siyang natawa at pinisil ang makinis na pisngi nito.

"Of course, baby. You're very pretty," nakangiting sabi niya.

"You bought me this dress so I am very excited to wear this!" Masayang sabi ng anak .

Muli ay natawa siya.

"Okay, mommy is still busy so behave for now, okay? I will just finish my work and then we'll have dinner with grandpa, hmm?" Ginulo niya ang napakaganda at mahabang buhok nito.

Nakangiting tumango ito.

"I will behave, mommy, while waiting for you. I promise!" anito at itinaas pa ang kanang kamay na tila nangangako.

Napailing na lamang siya at hinatid ang anak sa labas. Tinawag niya ang bodyguard nito. Bumalik siya sa loob ng opisina. Sakto namang dumating ang assistant secretary niya.

"Do you have some more information?" Kaagad na tanong niya.

Inayos nito ang suot na salamin at nakangiting tumango. May binigay itong black folder sa kaniya. Ilang sandali niya iyong tinitigan bago iyon tuluyang binuksan at binasa ang nilalaman niyon.

"If you won't mind me asking, Madam. Is he your daughter's father?" Awtomatiko siyang napatingin sa assistant niya sabay sara ng folder.

Napangiwi naman ito nang makita ang kaseryosohan sa mukha niya. 

"Isn't he handsome?" tanong niya na halatang ikinabigla nito.

Ang buong akala siguro nito ay magagalit siya.

"Yes, madam. He's very handsome. Your daughter's eyes took after him," nakangiting sabi nito kahit hindi pa naman niya kinu-kumpirma kung ito ba talaga ang ama ng anak niya.

"So, what's your plan now, madam?" Her assistant asked.

Nilaro-laro niya sa mga kamay ang hawak na ballpen at muling tumingin sa folder. Habang nakatingin sa folder na iyon ay halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. It's already seven years. Her heart doesn't change. That man still owns her heart. Marami ang nagtangka, marami ang gustong makuha at masungkit siya. But she rejected all of them. She never accept any man in her life because her heart only belongs to that man. Ito pa rin talaga. Ito pa rin hanggang sa huli.

Tumayo siya mula sa kinauupuan.

"Book me a flight going to Philippines," utos niya sa assistant.

"Right away, madam!" Sumaludo ang assistant niya sa kaniya habang nakangiti.

Kaagad na itong nagpaalam. Nang nasa pinto na ito ay tinawag niya ito.

"Book me three tickets. You'll come with me," seryosong sabi niya.

Halata naman ang gulat sa mukha nito.

"Oh, okay, madam. And for the other one? Who's coming with us?" tanong nito.

Tumingin siya sa picture frame na nasa harapan niya. Namilog naman ang mga mata ng assistant niya.

"Your pretty daughter is coming with us! Wow." Kumislap ang mga mata nito.

Napailing na lamang siya nang excited na itong umalis para gawin ang inuutos niya. Muli siyang tumingin sa folder at masuyo iyong hinawakan.

"I'm coming home, Hunter," mahinang sabi niya.

She will fulfill her promise seven years ago.

To be continued...

A/N: A new Seiranel y'all. Happy reading!


Continue Reading

You'll Also Like

201K 3.9K 43
Wednesday Addams x Enid Sinclair arts 🖤 © Art Credit Goes To The Rightful Owners Cover Art: @/notholaenas (on IG)
Mystique Flower By shy

General Fiction

19.7K 1.1K 24
Fascination Series 2nd installment. Can you handle her thorns and poison?
3.4M 146K 48
As the first Lady Knight of Monrique, Juliette Van Helsing regularly deals with criminals who threaten the peace and security of her country. When a...
4.8K 71 20
hey guys this is my AU of muitetsu. At the AU: muichiro is 16 and kotetsu is 13. the fight of muzan was defeated and all of them got to live peacefu...