Isla Fontana Series #4: Ruthl...

By RosasVhiie

810K 27.8K 3.3K

Title: Ruthless Slave (Isla Fontana Series 4th Installment) Genre: Romance, Erotica, Drama, Violence, Mature... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1 (Slave)
Chapter 2 (Borrow)
Chapter 3 (Touch Me)
Chapter 4 (Scar)
Chapter 5 (Calm)
Chapter 6 (Blood)
Chapter 7 (Dangerous)
Chapter 8 (Enchanted)
Chapter 9 (Scared)
Chapter 10 (Knives)
Chapter 11 (Flesh and Blood)
Chapter 12 (Belt)
Chapter 13 (Fall In Love)
Chapter 14 (Creepy)
Chapter 15 (Don't Look Back)
Chapter 16 (Break Up)
Chapter 17 (Tears)
Chapter 18 (Jealousy)
Chapter 19 (Regret)
Chapter 20 (Surrender)
Chapter 21 (One and Only Dream)
Chapter 22 (Fight With Her)
Chapter 23 (Basement)
Chapter 25 (Savior and Salvation)
Chapter 26 (Promise)
Chapter 27 (Heavy Rain)
Chapter 28 (Tame the Beast)
Chapter 29 (Invade)
Chapter 30 (Healed)
Chapter 31 (Don't Go Home)
Chapter 32 (Give Up)
Chapter 33 (Stay By Your Side)
Chapter 34 (Save Me)
Chapter 35 (You're Not The Devil)
Chapter 36 (Buried)
Chapter 37 (Broken Pieces)
Chapter 38 (His Own Flesh and Blood)
Chapter 39 (Warmth, Care, Protection, and Love)
Chapter 40 (You Deserve So Much Better)
Chapter 41 (Destiny)
Chapter 42 (Warm Heart)
Chapter 43 (Love Wins. Love Is Powerful)
Chapter 44 (Passed Out)
Epilogue
PUBLISHED BOOK‼️🖋️📚

Chapter 24 (The World is Too Cruel)

8.7K 328 33
By RosasVhiie

CHAPTER 24

HINDI niya alam kung ilang minuto niyang pilit pinapakalma ang sarili. Hindi mawala sa utak niya ang mga nasaksihan. Pakiramdam niya ay tila binabaliktad ang sikmura niya sa tuwing naiisip niya iyon.

Nang medyo naging kalmado na siya ay ni-lock niya ang bakal na pinto. Nanginginig ang mga kamay niya habang ginagawa iyon. Umiiyak pa rin siya. Kaagad niyang pinunasan ang mga luha at humakbang.

Pero napatigil din siya sa paglalakad. Tila hindi niya kayang humakbang pabalik sa loob ng bahay. Parang binabaliktad na naman ang sikmura niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. 

Napahawak siya sa malaking puno nang makaramdam muli ng panghihina. Ilang sandali lamang ay may pares ng sapatos sa harapan niya. Nang tumingala siya ay nakita niya si Jaxon.

"J-Jaxon," anas niya, bahagyang nagulat. 

Ang buong akala niya ay nasa bakasyon ito? Nilahad nito ang palad sa kaniya.

"Let's go, Ms. Seiranel," sabi nito.

Tumingin siya sa kamay ni Jaxon. Dahan-dahan niya iyong inabot. Kaagad naman itong natigilan nang maramdaman ang nanlalamig niyang kamay. Mataman itong napatingin sa kaniya.

Nagpaubaya siya nang alalayan siya ni Jaxon patungo sa garahe. Napatingin siya rito nang binuksan nito ang pinto ng kotse.

"S-Saan tayo pupunta?" mahinang tanong niya.

"Sa Isla Fontana, Ms. Seiranel. Ihahatid kita," tugon nito.

"Pero gabi na," naguguluhang sabi niya.

Tumingin ito sa bahay at kapagkuwan ay napabuntong-hininga.

"You'll be safe in Isla Fontana," sabi nito nang muling tumingin sa kaniya.

Mataman siyang napatingin kay Jaxon. Inutusan ba ito ni Hunter na ihatid siya sa isla ngayong gabi?

"P-Paano si..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin.

Napalunok siya at kapagkuwan ay nakagat niya ang ibabang labi.

"Pasok ka na. Ihahatid na kita. Nakahanda na ang chopper," untag ni Jaxon.

Sandali siyang tumingin sa bahay. Tumingala siya sa bintana. May nakita siya anino roon pero sandali lamang dahil kaagad din iyong nawala. Tahimik na pumasok siya sa loob ng kotse.

Habang nasa biyahe sila ay napakarami niyang iniisip. Halos magkanda-sugat sugat na ang mga daliri niya dahil sa kakapisil niyon. 

"Okay ka lang ba, Ms. Seiranel?" tanong ni Jaxon habang nagmamaneho.

Hindi niya ito tiningnan. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana.

"Tinawagan ka ba ni Hunter?" tanong niya, hindi pinansin ang tanong nito.

"He told me to send you home," tugon nito.

Natahimik siya at nag-isip. Nakarating sila sa lugar kung saan naghihintay na ang chopper na maghahatid sa kaniya sa isla. Hanggang sa loob ng chopper ay sinamahan siya ni Jaxon. Nakakasiguro siya na utos lahat ito ni Hunter dahil hindi umalis si Jaxon sa tabi niya. Si Jaxon ang pinaka-loyal na tauhan ni Hunter kaya alam niya na lahat ng mga sinasabi ni Hunter ay sinusunod nito. Kahit siguro kapag sinabi ng binata na tumalon ito ngayon sa chopper ay gagawin ni Jaxon.

Nakarating siya sa Isla Fontana. Bago nagpaalam si Jaxon ay hinarap siya nito.

"Maputla ka, Ms. Seiranel. Magpahinga kang mabuti. At...huwag kang masyadong mag-isip," sabi nito, may simpatiya sa mga mata.

"Salamat," mahinang sabi niya.

Tuluyan na itong tumalikod.

"Jaxon." Tawag niya rito.

Awtomatiko siya nitong hinarap.

"S-Si Hunter. Marami na ba siyang..." Pinatay at pinahirapan?

Hindi niya magawang isa-tinig ang nasa isip. Hindi niya dapat ito iniisip pero hindi niya mapigilan ang sarili. Napayuko siya.

"He doesn't harm innocent people." Napatingin siya kay Jaxon.

Mataman itong nakatingin sa kaniya.

"He is just collecting debts from them. They owe him a lot. And to you as well.   Buong buhay niya ay nagdusa siya sa kamay ng taong nasa basement na iyon. It would always engraved in his heart. Those sufferings are too much that he is more than willing to go to hell. He won't stop. No one can stop him. At ang taong naglagay sa'yo sa gan'yang sitwasyon ngayon, he will surely send him to hell." Iyon ang mga huling katagang binitawan ni Jaxon bago ito tuluyang umalis.

Dumaan ang halos isang linggo na hindi nagpakita si Hunter sa kaniya. Palagi rin siyang matamlay, halos walang ganang kumain. Nag-aalala ang Lola Helen niya sa kaniya pero palagi niyang sinasabi na maayos lang siya.

Gabi-gabi siyang binabangungot, binabalik siya sa basement na iyon. At binabalik siya sa nakaraan kung paano siyang babuyin ni Darth noon. Gabi-gabi siyang pinagpapawisan ng malamig at nagigising na may luha sa mga mata.

Umabot ang halos isang buwan na hindi sila nagkikita ni Hunter. Inaamin niya na miss na miss na niya ito pero mayroon pa rin sa puso niya na takot siyang makita ang binata. Hindi niya alam kung para saan siya natatakot. Napakarami niyang iniisip at halos hindi na niya alam ang nararamdaman.

Kinabukasan ay sobrang sama ng pakiramdam niya kaya nagpaiwan siyang mag-isa sa bahay. Ang Lola Helen niya ang umalis para puntahan ang puwesto nila sa maliit na palengke. Halos inaapoy na siya sa lagnat. Sobrang init ng katawan niya at nanginginig siya sa sobrang lamig. Nagtalukbong lamang siya ng makapal na kumot pagkatapos niyang uminom ng gamot.

Ilang oras na siyang nakahiga lamang sa papag habang nakatalukbong ng kumot pero hindi pa rin nawawala ang sama ng pakiramdam niya. Tila hindi umeepekto ang gamot na ininom niya. Nahihilong bumaba siya mula sa papag at kumuha ng tubig sa kusina. Hawak na niya ang baso na may laman ng tubig pero nabitawan niya iyon at nabuwal siya.

Hinintay niyang bumagsak siya pero may malalakas na mga kamay ang humawak sa kaniya at binuhat siya. Nahihilo siya, nanghihina, at nanlalabo ang mga mata kaya hindi niya alam kung sino ang bumuhat sa kaniya. Pamilyar ang amoy nito.

Hunter.

Awtomatiko nitong nilagay ang mga braso niya sa leeg nito para makakapit siya. Naramdaman niya itong naglakad, dinala siya sa kung saan. Natagpuan niya ang sariling nakahiga sa medyo malambot na kama.

Naramdaman niya ang kung anong malamig sa noo niya at buong mukha. Pinupunasan siya ng kung sino man ito. Pilit niya itong inaninag. At sa nanlalabong mga mata ay nakita niya si Hunter. Si Hunter nga ba ito o imahinasyon niya lamang?

"Lola, ayos lang po ako," mahinang sabi niya at dumaing.

Patuloy siya nitong pinunasan ng basang bimpo. Unti-unti siyang nakakaramdam ng kaginhawaan dahil sa ginagawa nito. Inabot niya ang kamay nito kaya napatigil ito sa pagpunas sa kaniya. Niyakap niya ang kamay nito.

"Lola, salamat po," mahinang sabi niya at kusang tumulo ang mga luha. "Salamat, lola. Salamat po," patuloy niya habang umiiyak. "Pero, 'la..." Dinala niya ang kamay nito sa dibdib niya. "Ang sakit-sakit po nito, 'la. Sobrang sakit po." Lumakas ang iyak niya. "Mahal na mahal ko siya pero natatakot ako sa kaniya. Gustong-gusto ko siyang makita at mayakap pero natatakot pa rin ako, 'la. Anong gagawin ko? Mahal na mahal po siya, lola. Pero, 'la. Pareho po kaming may malalim na sugat. Hindi ko po ito kaya, lola. Hindi ko po kaya." Naging hagulhol ang iyak niya. Sobrang sakit ng dibdib niya habang umiiyak. Walang kasing sakit.

Tahimik lamang itong nakikinig sa kaniya at tahimik na pinunasan ang mga luha niya.

"Lola, paano po kaming dalawa? Hindi po ba puwedeng magmahalan na lamang kami at mamuhay ng masaya, 'la? Bakit kailangang ganito? Bakit sobrang lupit po ng mundo sa'min? Bakit napakalupit po ng mga tao? Bakit po nilagay nila kami sa ganitong sitwasyon, 'la? Bakit po pareho kaming nagdurusa? Bakit po?" Sinuntok-suntok niya ang sariling dibdib.

Hinawakan nito ang mga kamay niya para awatin siya sa ginagawa. Pinagdikit nito ang mga noo nilang dalawa habang...lumuluha. Naramdaman niya ang likidong tumutulo mula sa mga mata nito. Tahimik itong umiiyak kasabay ng pagdampi ng labi nito sa labi niya. Ramdam niyang nanginginig ang mga labi nito dahil sa mga luha.

"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal din kita. But, love. The world is too cruel for us to be happy and just love each other. I can't heal myself and I'm sorry. I'm so sorry, love. I'm sorry." Tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha nito.

Muli nitong sinakop ng halik ang labi niya sa mabagal at maingat na paraan. 

"Hindi ako ang nararapat na lalaki para sa'yo. You deserve better. Hindi ako ang tamang lalaki para sa'yo dahil masama akong tao. I am already in hell. And I don't want you to drag into that hell. I will still protect you and punish those people who ruined you, love." Muli siya nitong pinatakan ng magaang halik sa mga labi pagkatapos magsalita. 

"I will never forget this kind of love. Thank you for letting me feel this kind of love, Sei. I will forever cherish this. You will forever engraved in my heart. Palagi kang may puwang sa puso ko. Salamat sa pagmamahal na binigay at pinadama mo sa'kin. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin sa kahit na kaunting panahon na tao pa rin pala ako." Iyon ang mga huling katagang narinig niya mula sa binata bago siya nito unti-unting binitawan.

To be continued...

AUTHOR'S NOTE: ANG SAKIT NG DIBDIB KO SA DALAWANG ITO.

These lines hurts me so bad.

SEI:  Hindi po ba puwedeng magmahalan na lamang kami at mamuhay ng masaya, 'la? Bakit kailangang ganito? Bakit sobrang lupit po ng mundo sa'min? Bakit napakalupit po ng mga tao? Bakit po nilagay nila kami sa ganitong sitwasyon, 'la? Bakit po pareho kaming nagdurusa? Bakit po?

HUNTER:  Mahal na mahal kita. Mahal na mahal din kita. But, love. The world is too cruel for us to be happy and just love each other. I can't heal myself and I'm sorry. I'm so sorry, love. I'm sorry.

Continue Reading

You'll Also Like

289K 4.3K 42
What will happen when James and Lily Potter return from the dead?
1.5M 102K 70
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
3.4M 146K 48
As the first Lady Knight of Monrique, Juliette Van Helsing regularly deals with criminals who threaten the peace and security of her country. When a...
2.9M 93.7K 51
Pierce Lockland's reputation as a playboy and all around ladies man is hard earned. With a massive muscular build and a panty-dropping smile, Pierce...