Love Café 10: My Everything |...

By write4funlol

2K 63 4

The kiss was long, slow, tender, and loving. Nanatili siyang nakapikit kahit tapos na ang halik. Gusto pa niy... More

01
02
03
04
05
06
07
08
10
Epilogue

09

139 3 0
By write4funlol

Chapter 9

Six months later...

Sumaglit muna sa coffee shop si Chynna para siguruhing nasa ayos ang lahat bago siya bumalik sa kotse kung saan naghihintay sina Vincent at Dotie. Luluwas sila sa Maynila. Susunduin nila sa airport si Tita Mildred mula sa pangalawang pagbisita kay Margie sa Davao.

Bukas pa ang dating ni Tita Mildred ngunit nang araw na iyon na sila luluwas para mai-tour siya ni Christian sa mga hotels nito. Nagkasundo silang magbukas ng sangay ng Coffee Crash sa hotel nito. Bukod doon, nangako itong ipapasyal at ipagsa-shopping sa mall ang mga kapatid niya. Puwede sigurong i-postpone ang business part ng trip kung sakaling bumagyo, pero hindi ang pangako nito kina Vincent at Dotie kahit pa lumindol, bumaha, at sumabog ang lahat ng mga bulkan sa buong mundo.

Sa isa sa mga hotels na pag-aari ni Christian sila dumiretso nang makarating sila sa Maynila.

Ang alam niya, hapon pa niya makikita ang kasintahan dahil may business conference ito.

Kaya naman nagulat silang magkakapatid nang sorpresahin sila nito. Dumating ito bago sila makababa sa hotel restaurant para mananghalian.

Bago pa man niya mabati ito ay sinugod na ito ng yakap ni Dotie.

“Yehey! Nandito na si Kuya Christian!” tuwang-tuwang sabi nito.

“Hello, Kuya Christian!” masigla namang bati ni Vincent na nakasalampak sa carpet. Nilalaro nito ang baong remote-controlled race car.

Kinarga muna ni Christian si Dotie at sandaling kinumusta si Vincent. Nang makontento na ang mga bata sa atensiyong naibigay sa mga ito ay saka lamang sila nagkaroon ng pagkakataon ni Christian para batiin ang isa’t isa.

Niyakap siya nito. “How was the trip? Hindi ka ba nahirapan sa pagda-drive?” pabulong na tanong nito.

“Hindi naman. Okay lang.”

“Sana kasi pumayag ka nang ipasundo ko kayo sa driver ko.”

“Christian, sa panahon ngayon, dapat lang na ma-enjoy ng isang babae ang kanyang independence. Iyon nga lang, nangalay ang mga braso ko sa pagda-drive at medyo nakulili ang tainga ko sa ingay ng makukulit kong mga kapatid.”

Pumalatak ito. “Kawawa naman pala ang mahal ko,” pabirong sabi nito.

“Oo nga, eh. Inapi nila ako,” pakikisakay niya sa biro nito.

“Paanòyan? Lahat daw ng hirap, kailangang may reward.”

“Sino’ng maysabi?” tanong niya.

“Ako,” pabulong na sagot nito habang itinutulak siya patungo sa likod ng divider na naghahati sa sleeping area ng hotel suite sa receiving area niyon. Epektibong naharangan sila niyon sa paningin ng mga bata.

“At ano naman po ang reward ko?” pilyang tanong niya.

Lumapad ang ngiti nito. “This.” Dumukwang ito at hinalikan siya sa mga labi. The kiss was long, slow, tender, and loving.

Nanatili siyang nakapikit kahit tapos na ang halik. Gusto pa niyang namnamin ang masarap na pakiramdam na idinulot niyon sa kanya.

“Did you miss me?”

She opened her eyes. “After five days of not seeing you? No. Never,” sagot niya.

“Never?” Lumanding ang kamay nito sa kanyang baywang. May kiliti siya roon.

“Na-miss pala. Na-miss po kita.”

Pero kiniliti pa rin siya nito.

Mayamaya lang ay kasama na nila ang dalawang bata. Nagsilapitan ang mga ito nang marinig ang pagtatawanan nila ni Christian.

Hindi nagtagal ay tumawag siya ng time-out. Nagpatuloy sa paghaharutan ang mga ito. Siya naman ay naupo sa sofa at pinanood ang mga ito.

Masasabi niyang maganda ang epekto ng presensiya ni Christian sa buhay nilang magkakapatid. Naging makulay ang bawat araw niya. Gumanda ang disposisyon ni Vincent. Si Dotie naman ay umaming “crush” daw nito ang Kuya Christian nito at aagawin daw nito ito sa kanya.

Nagustuhan din ni Tita Mildred si Christian. Magkasundung-magkasundo ang mga ito at kung asikasuhin ito ng tita niya—noong hindi pa nagtutungo sa Davao—tuwing dumadalaw ito sa kanya kapag weekends ay parang isang nagbabalik na anak.

Marami siyang natuklasan sa durasyon ng pagiging magkasintahan nila ni Christian. Hindi lang pala ito basta mayaman. Multimillionaire pala ito. Noong una ay medyo ikinaasiwa niya ang nalaman ngunit unti-unti ay nasanay na rin siya. Hindi naman kasi nito gaanong binibigyang-pansin iyon. Nagkataon lang daw na masuwerte ito sa negosyo kaya maraming pera ito.

Mas nagugustuhan niya ang mga natuklasan niya tungkol sa pagkatao nito. No, he wasn’t in any way judgmental or critical like she had at first thought. Mabait ito, maalalahanin, very sweet, at isang simpleng tao sa gitna ng karangyaang nakapalibot dito. Ang positibong pagtingin nito sa buhay ay nagpapagaan sa kanyang pakiramdam kapag nakaka-encounter siya ng problema sa kanyang maliit na negosyo o kaya ay kay Vincent. Ang mga pagtawag-tawag nito sa kanya sa isang maghapon ay nagpapasigla sa kanya kapag nagsisimula na siyang makadama ng pagod.

He was good inside and out. There were moments when she would wonder what he had seen in her. Minsan ay namamangha siya kapag naiisip niyang ni hindi ito tagaroon, ni hindi niya ito kilala, pero nagtagpo sila. Sa pagtatagpo nila, tinarayan pa niya ito. Pagkatapos ng lahat ng iyon, na-in love sila sa isa’t isa.

What she also liked about their relationship was that they could go on for hours talking and they would never run out of things to say. Nang mga nagdaang Sabado ay laging gabi na ito nakakarating sa bahay niya. Halos madaling-araw na sila nakakatulog dahil hindi sila matapus-tapos sa pagkukuwentuhan. Mapuputol lang iyon kapag naistorbo sila ng ibang tao, dahil inaantok na sila, o hindi kaya ay may ibang bagay na nakatawag sa kanilang interes. Sa bahay ni Tita Mildred ito natutulog kapag nasa Catarlan ito.

Natuklasan din niyang maraming bagay silang pinagkakaunawaan. Kung mayroon mang hindi, hindi sila nag-aaway, nag-aargumento lang sila. She could bring up her opinion to him without being afraid he would criticize her. In fact, pinapakinggan, inuunawa, at tinatama siya nito o kaya ay nagbibigay ito ng counterargument.

Sa kalahatan, ang pakikitungo nito sa kanyang mga kapatid ang nagsasabi sa kanya na natagpuan na niya ang tamang lalaking mamahalin. He was so patient, friendly, and honest with them. And he attracted them like flies to a pie because he would kid with them like crazy.

Pumapasok pa lang ito sa pinto, nakakapit na rito si Dotie. At si Vincent na ang laki-laki na, inaaway pa ang kapatid niya para magkaroon ng parte sa isang balikat nito.

Kung may magtatanong sa kanya nang mga sandaling iyon kung masaya siya, walang pag-aalinlangan siyang sasagot ng “oo.”

NANG mapagod ang mga bata sa pakikipagharutan, nagpaakyat na lang ng pagkain si Christian mula sa restaurant sa ibaba. Nilapitan ito ni Chynna para ayusin ang nagusot na kurbata nito.

Lukot ang polo nito at magulung-magulo ang buhok.

Hindi nagtagal ay nakarinig sila ng mga katok sa pinto. Lumapit doon si Christian. Isang waiter na may dalang trolley ang napagbuksan nito.

Masayang pinagsasaluhan nila ang pagkain nang may kumatok na naman sa pinto. Mabilis na tumayo si Vincent para buksan iyon.

Nang magbalik ito ay kasama nito ang isang tauhan ng hotel na nahihiyang nagmagandang tanghali bago sinabi ang pakay.

“Tumawag ho kasi ang executive manager ninyo, Sir. Kailangang-kailangan daw ho kayo sa meeting.”

“Goodness! Couldn’t she take the hint? In-off ko na ang cellphone ko.” Umiling-iling si Christian, pagkatapos ay tinanguan ang hotel staff. “Salamat. Pakisabi sàbaba, next time na tumawag si Cerie, sabihing umalis na ako.”

“Yes, Sir.”

Nang makaalis ang hotel staff ay nagpatuloy sa pagkain si Christian. Hindi kakikitaan ng pagmamadali ang kilos nito.

“Hindi ka pa ba babalik sa opisina?” nagtatakang tanong niya.

“Not yet,” sagot nito. “I’m not really needed in there. Kayang-kaya na ni Cerièyon.”

Tumango na lamang siya, saka nagpatuloy sa pagkain.

Cerie’s name was already familiar to her. Ilang beses na rin niyang nakausap ito sa telepono sa nagdaang anim na buwan. Pero hindi pa niya ito nakikita nang personal.

Bigla ay naalala niya ang naging pag-uusap nila ni Vivi minsan. Naging kaibigan na rin niya ito.

“I love your boyfriend like a best friend and I want you to know that I’m very happy for both of you. Gusto kong linawin na hindi ka magkakaproblema sa akin, Chynna. Kung magkakaproblema ka man, malamang dahil sa bruhang executive manager ni Christian. Ginugulo ba kayo ni Cerie?”

“Hindi actually ginugulo. Madalas lang siyang tumawag kapag narito si Christian para ipaalala ang mga appointments nito.”

“Watch out for Cerie,” paalala nito. “I know she’s obsessed with Christian in a way na hindi ko masiguro. Ewan ko ba. When you meet her in person, mararamdaman mo rin siguro iyon.”

“Akala ko ba may-edad na ang babaeng iyon?”

“When you finally see her, hindi mo mahahalata that she’s forty.”

“May boyfriend na ba si Cerie, Christian?” biglang naitanong niya sa kasintahan.

Tumingin ito sa kanya. “I don’t know. Why?”

“Wala. May asawa na siya?”

“Single pa siya. Hindi ko alam kung makakapag-asawa pa ang babaeng iyon. Masyado siyang obsessed sa trabaho. Mas matagal pa siyang nasa opisina kaysa sa akin, eh,” natatawang sabi nito. Pagkatapos ay natigilan ito. “You’re not jealous of her, are you?”

“Paano ako magseselos sa isang babaeng hindi ko pa nakikita?”

Binitiwan nito ang hawak na kutsara at hinawakan ang kanyang kamay at pinisil. “She doesn’t mean anything to me but an employee. Wala kang dapat ipag-alala sa kanya. Natural na talagang makulit ang babaeng iyon. Malapit na sigurong mag-menopausèyon.”

“If that’s what you say. May tiwala naman ako sàyo.”

“I remember na na-threaten din si Vivien sa kanya. Talo pa raw ni Cerie ang mommy ko kung magbantay sa akin. She always disturbs us when we’re on a date.”

“Gano’n? Mabuti pa, bumalik ka na sa meeting para hindi niya tayo istorbohin mamaya,” napapangiting sabi niya.

“May payo ako sàyo, sweetheart. Kung ayaw mong magulo tayo, don’t even think about her when we’re together. Kasi si Cerie, pagdating sa trabaho, ang galing-galing. Kapag may sinabi siya tungkol sa negosyo, usually very sound. Kaso, magaling din siyang makialam sa personal na buhay ng may buhay. I usually don’t let her affect mine, you know. Kasi kaming mga lalaki, kailangan ding may certain aspects in our lives na independent sa inyong mga babae.”

“Ah. So you want to be independent from me?” tanong niya sa tinig na may bahagyang pagtatampo.

“Hindi ikaw, sweetheart. Kay Cerie.”

“Good answer,” sabi niya, saka dumukwang para halikan ito.

“Ah, si Kuya Christian, under!” pang-aalaska ni Vincent mula sa kabilang mesa.

Nagkatawanan sila.

INIP na inip na si Christian at pinipigil lamang niyang maghikab. Kasalukuyang nasa conference siya na binuo ni Cerie para matawag daw ang kanyang pansin. Ayon dito, nagiging negligent na raw siya sa kanyang mga responsibilidad sa kompanya. Kailangan daw siyang gisingin habang hindi pa iyon napapansin ng iba.

Naalala niya ang naging pag-uusap nila noong kinukumbinsi siya nitong pamunuan ang conference na iyon. Nangyari iyon noong araw na paalis siya para magpunta sa Catarlan.

“You know that anyone of the major stockholders in the corporation would kill for your position. Sinuwerte tayo at bata ka pa, nakuha mo nàyan,” sabi nito.

“Sinuwerte ako dahil bago mamatay ang ama ko, nabili niya ang halos eighty percent of the stocks, Cerie,” pagtatama niya rito.

“Because I dared him to take the risk.”

Napabuntong-hininga siya. He had heard of this from her so many times, he didn’t want to go into an argument about it. “Don’t make this my problem now. Kung sa palagay mo ay kailangan ang conference nàyan, set it up yourself. For now, I am going to take a break.”

Tinungo niya ang pinto bitbit ang kanyang maleta.

“Okay. Basta siguruhin mong pagbalik mo, present ka sa conference.”

“I can’t promise, so don’t make me preside it myself. Aalis na ako.”

“At sino’ng magpe-preside?” medyo iritado na ring tanong nito.

“Ikaw,” sagot niya, bago siya tuluyang lumabas ng pinto.

Cerie was a sucker for responsibility so even if he knew they didn’t need that conference yet—not until at least another month—he had let her organize it. It would get her off his back for a while.

Ngayon ay nagsa-suffer siya sa desisyong iyon. Minsan ay iniisip niya kung bakit hinahayaan niyang manipulahin siya nito. Siguro dahil kasama ito sa minana niya sa kanyang ama. Executive manager ito ng kanyang papa. Besides, at that time, she knew more about the business than he did. Pakiramdam niya ay may utang-na-loob siya rito.

Pero nakakairita na minsan ang paglampas nito sa boundaries. Hindi lang sa negosyo siya pinakikialaman nito kundi pati na ang personal na buhay niya. Madalas na ireklamo noon ni Vivi na talo pa raw ni Cerie ang mommy niya. And he would, although quietly, agree with her.

Dinukot niya ang kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon. Hindi pa rin nagte-text si Chynna.

Isang oras na ang nakalipas nang makatanggap siya ng text message mula rito na nagsasabing handa na ang mga ito at hinihintay na lang ang kanyang pagbalik sa hotel.

Bumaling siya kay Cerie. “You know, I really gotta go.”

Hindi ito tumingin sa kanya. “Hindi pa tapos ang conference, Sir.”

Nairita siya sa tono nito. Kapag ginagamit nito ang salitang “sir” bilang pantawag sa kanya, nagmumukhang pantawag iyon sa isang walang alam na bata. “Then hold the fort for me,” sabi niya sa malamig na tinig. “That’s what you’re here for, isn’t it?” Saka siya umahon mula sa kanyang silya at tahimik na lumabas ng conference room.

Continue Reading

You'll Also Like

217K 3.9K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
172K 5.6K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...