Love Café 10: My Everything |...

By write4funlol

2.1K 65 4

The kiss was long, slow, tender, and loving. Nanatili siyang nakapikit kahit tapos na ang halik. Gusto pa niy... More

01
02
03
04
05
06
07
09
10
Epilogue

08

139 4 0
By write4funlol

Chapter 8

Lalo pang ipinikit ni Christian ang kanyang mga mata. He was dreaming. At sa panaginip niya ay kasama niya si Chynna. Nakangiti ito habang nakatingala sa kanya. She was lying on a bed of rose petals and her soft lips were inviting him to join her. Honestly, it was what he had wanted most to do.

Kaya lumapit siya at humiga sa tabi nito. She didn’t need to say anything. He took her in his arms and gently took her lips in his.

Naramdaman niya ang paglalakbay ng mga kamay nito sa katawan niya. Napaungol siya.

“God, sweetheart, you’re so stiff. So ready for me.”

Natigilan siya. Hindi iyon boses ni Chynna.

Dahan-dahang iminulat niya ang kanyang mga mata. And indeed, the woman in his arms was not Chynna. If he were awake, he would have known it was Vivi.

Kumalas siya sa yakap nito at naupo sa kama. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Sumulyap siya sa wall clock at nakitang alas-singko pa lang ng madaling-araw.

Tumagilid sa pagkakahiga si Vivi at hinaplos ng palad ang kanyang hubad na dibdib.

“Wanting to make peace and love with you.” Umisod ito palapit. Sinubukan nitong halikan siya ngunit umiwas siya. “Oh, come on, Christian. Bati na tayo, please...”

Tuluyan na siyang bumangon sa higaan. Tinalikuran niya ito habang isinusuot ang kanyang jogging pants. “Vivi, get out of here. Baka makaramdam ang daddy mo.”

“What? Ayaw mo? Christian, we haven’t had sex for a very long time. You’re so prudish.

Minsan tuloy, hindi ko na maunawaan kung paano tayo naging mag-on.”

“Think back,” sabi niya rito habang isinusuot ang isang T-shirt. “Naging mag-on tayo dahil masyado tayong pamilyar sa isa’t isa.” Pagkatapos isuot ang T-shirt ay humarap siya rito.

Waring walang narinig na iniliyad pa nito ang dibdib para makita niya ang malalim na cleavage nito. “Come on, honey, come back to bed. You won’t regret it, I promise.”

Nasaktan siya dahil hindi man lang nito pinasubalian ang sinabi niya. Come to think of it, when had they ever said “I love you” to each other? He couldn’t remember.

Napabuntong-hininga siya. Humakbang siya palapit sa pinto.

“Christian, damn it!” naiinis na sambit nito. “Where are you going?”

“Jogging,” sagot niya. Isinuot niya ang kanyang running shoes.

“Damn it, Christian! This is unfair!” Bago siya makalabas ng pinto ay nakabangon na ito mula sa kama at nakalapit na sa kanya. Hinila nito ang kanyang braso para mapaharap siya rito.

“What’s happening to you? Hindi ka naman dating ganito kung magtampo.”

“Oh, Vivien, you know why.”

“Oh, yes. But for goodness’ sake, you know I can’t stand him. Ayoko rito. Ayokong nakikita siya. Ayokong nakadarama ng awa sa kanya. I hate him.You manipulated me into coming,

Christian. You can’t expect me to just do everything you wanted me to do!”

“You don’t,” sang-ayon niya. “Do whatever I want you to do. You have a free mind. Hindi ko sinaklawan kahit kailan ang isip mo, Vivi.”

Halatang guilty ito nang mapatitig sa kanya. “Christian...”

“I want to ask you something, Vivi. Do you love me?”

“Of course.”

“No. I mean, do you honestly love me? Do you want to marry me if I ask you to?”

“O-of course.”

“Like tomorrow?”

“You’ve gone crazy.”

Bumuntong-hininga siya. “That’s all I wanted to know.”

“Oh, no. Christian!”

Hindi na niya pinansin ito. Tuluy-tuloy na siya sa paglabas.

Mahigit isang oras pagkatapos, basang-basa sa pawis ang halos buong katawan na nagbalik siya sa bahay. Sa labas pa lang ng gate ay natanaw na niya ang mga bisita ni Vivi sa patio.

Gising na ang mga ito? Ipinagtaka niya iyon dahil gabing-gabi nang natulog ang mga ito at walang rason para gumising nang maaga. At least, wala siyang alam.

Nang makita siyang parating, isa sa mga ito ang sumalubong sa kanya. “I’m sorry but something has happened,” sabi nito.

Kinabahan siya sa natatarantang tinig nito. “Ano?”

“Isinugod sa ospital ang daddy ni Vivi. He complained that he cannot breathe, then he collapsed and stopped breathing. Kasama si Vivi sa ambulansiya.”

Saglit lang siyang natigilan, pagkatapos ay nagmamadali siyang pumasok sa loob at umakyat sa kanyang kuwarto. Nagmamadali siyang nag-shower at nagbihis, saka bumaba bitbit ang susi ng kanyang kotse. Nakatanaw ang lahat maging ang mga katulong sa pagpapasibad niya ng sasakyan paalis ng bakuran.

Habang-daan ay kinontak niya si Vivi para malaman ang direksiyon ng ospital na pinagdalhan kay Eugene.

“THEY revived Dad in the ambulance on the way here and he is being operated on right now,”

salubong kay Christian ni Vivi nang makarating siya sa ospital. Pagkatapos ay humahagulhol na yumakap ito sa kanya. “God, Christian, I won’t be able to forgive myself if he dies.”

“Sshh, it’s going to be all right. Your father’s a tough warrior. He’ll get through this,” pagpapalubag-loob niya rito. Sinamahan niya ito sa waiting area ng ospital habang hinihintay nilang matapos ang operasyon sa ama nito.

“You were right, you know. I was cruel to him,” sabi nito nang makaupo na sila. “I didn’t want to understand him. Kung hindi pa nangyari ito, hindi ko matutuklasan na mahal ko pa pala ang daddy ko. And the scariest thing when we were in the ambulance, when he wasn’t breathing, was he would die and I will never get the chance to tell him that. God...”

Inakbayan niya ito. “Mahal na mahal ka ng daddy mo.”

“Alam ko. Bakit ba hindi ako nakinig sàyo?” galit sa sariling usal nito. “All my life, he has never treated me unkindly. Ni hindi niya ako napalo kahit kailan. Ni hindi siya nakapagtaas ng boses o kaya ay nagalit sa akin kahit may nagawa akong kasalanan. Ang ikinasama lang naman ng loob ko ay ang ginawa niyang pag-reject kay Mommy.”

“I guess he was obsessed on setting a way of life for you that was different from what he had grown up in. Kinatatakutan niyang maranasan mo ang naranasan niya noong bata pa siya o kaya maranasan iyon ng mga magiging apo niya. Alam mo na, minahal na niya ang mga supling na magmumula sàyo kahit hindi pa niya nakikilala kahit isa. Nakatuon lang ang tingin niya sa future kaya hindi niya napansin agad na napabayaan niya ang present hanggang sa mahuli na ang lahat. I don’t think he meant to hurt your mother.”

“Marami siyang sinabi sàyo. Lagi kayong nagkukuwentuhan. Lagi kayong magkasama,” sabi nito habang iniaangat ang ulo mula sa dibdib niya. Nakikiusap na tumitig ito sa kanya.

“Christian, please. Will you tell me everything?”

“Sure,” nakangiting sabi niya.

TANGHALI na nang mailabas si Eugene mula sa OR. Idiniretso ito sa ICU. Hapon na nang ma-stabilize ang kalagayan nito. He was going to make it. Gabi na nang ipasok ito sa isang pribadong silid.

Pakiramdam ni Christian, pinaka-satisfying na araw na iyon sa buong buhay niya, lalo na nang mapanood niyang umiiyak na humihingi ng tawad si Vivi sa ama nito habang nakaupo ito sa tabi ng kama ng matanda. Napaluha si Eugene habang nakikinig. Hindi pa ito makapagsalita dahil sa sobrang panghihina pero nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya ang bahagyang pagtikwas ng sulok ng mga labi nito para ngumiti.

Gumanti siya ng ngiti at tango rito.

Nang gabing iyon, iniwan niya ang mag-ama sa ospital para masolo ng mga ito ang pagkakataong muntik nang maagaw sa mga ito.

IT HAD been three days since Chynna had last seen Christian. Nabalitaan niya ang nangyari kay Mr. Arguelles at aminado siyang kinakabahan siya sa magiging epekto niyon sa pangako niya rito.

Alam niya ang numero ng cellphone nito ngunit hindi niya alam kung tatawagan niya ito o hindi. Natatakot siya sa maaaring sabihin nito sa kanya kapag nagkausap sila.

“Kailangan ako ni Vivi ngayon. Hindi ko siya puwedeng iwan.” Masasaktan siya kapag sinabi nito iyon.

Pero hindi pa ba siya nasasaktan nito na wala man lang siyang balita tungkol dito?

Kahit paano, napoprotektahan ako ng kaignorantehan ko sa mga nangyayari, piping katwiran niya. Alam niyang higit na sakit ang mararamdaman niya kung tatawag si Christian at sasabihin nito sa kanya ang naisip na niya. Sa kawalan ng alam, kahit paano ay nabibigyan siya ng pag-asa.

“Ate Chynna, magsasara na ba tayo?” tanong ni Jane.

Sinulyapan niya ang suot na relo. Alas-siyete na ng gabi. “Sabihan mo na si Bob na magsimula nang magsara sa labas.”

Tumalima ito.

Tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Si Tita Mildred ang nagpadala ng text message. May sinat daw si Dotie nang ihatid ng school bus pero napainom na raw ito ng gamot at mukhang wala na. Naisip niyang ipagluto ng sopas ang mga kapatid bukas ng umaga para sa almusal.

Ipasyal kaya niya ang mga kapatid niya sa Sabado. Puwede silang magpunta sa Maynila, tutal, may bahay roon si Celine—pinsan niya sa father side. Matagal na nga siyang niyayayang lumuwas nito. Siya lang ang umaayaw dahil abala siya sa coffee shop. Saka baka makatulong din iyon para mabawasan ang pag-iisip niya kay Christian. Hindi pa man ay maghahanda na siya sa posibilidad na hindi na niya uli makikita ito.

“Ate Chynna, 'di ba, kotse ni Kuya Christian 'yon?” tanong ni Helen.

Napaangat ang tingin niya mula sa cash register. “Saan?”

“Sa labas.”

Mula sa kinauupuan niya ay tanaw niya ang pagparada ng kotse ni Christian sa harap ng coffee shop. She held her breath and waited for him to emerge from the car.

Napangiti siya nang makita ito.

“Uuuy, si Ate, biglang sumigla ang mukha,” tudyo ni Fonsy.

“At ang ganda ng ngiti,” segunda ni Helen.

“Kayong dalawa, tigilan n’yo nga ako,” wika niya sa mga ito habang pinapanood ang pagpasok ni Christian sa coffee shop.

“Sir, magsasara na ho kami,” narinig niyang sabi ni Bob kay Christian.

“Ay, tange!” sambit ni Helen. “Sandali, sandali...” Mabilis na nilapitan nito sina Bob at Christian para paliwanagan ang una. Hindi kasi nito kilala si Christian.

Sa wakas ay nakapasok sa loob si Christian. Nakangiti ito habang naglalakad palapit sa counter. “Puwede kang ihatid pauwi?” tanong nito.

“Puwedeng-puwede,” sagot ni Fonsy na nakatayo sa tabi niya.

Binalingan niya ito. “'Di ba, Fonsy, may gagawin ka pa sa loob?”

“Tapos na, Ate,” sagot nito.

“Wala ka na ring ibang gagawin?”

“Wala na, Ate,” sagot uli nito.

“Eh, sa bahay ninyo, may gagawin ka?” sabad ni Helen.

“Marami. Kaya nga magpapaalam na ako kay Ate, eh. Bye, Ate Chynna. Sige ho, Kuya Christian. Kulay-peach na rose ang paborito ni Ate. Pero kung wala, kahit anong kulay na rose na lang. Basta amoy-rose, gusto niya. At saka—”

“Fonsy, puwede ka nang umuwi,” paalala niya rito, hindi malaman kung matatawa o maiinis dito.

Tuwang-tuwang nagpaalam na uli ito sa kanila at kasabay si Jane ay umalis na ang mga ito.

Nagsimula na siyang maghanda sa pag-uwi. Umupo sa isang silya si Christian habang hinihintay siya. Si Helen naman, nang dumating ang kapatid na sumusundo rito gabi-gabi ay umalis na rin. Nang lumabas sila ng shop ni Christian ay ini-lock na ni Bob ang shop. Kumaway na lamang ito sa kanila bago ito sumakay sa motorsiklo nito.

“Paano ang kotse ko?” tanong niya kay Christian.

“I’ll follow you home,” sabi nito. “Kailangan nating mag-usap.”

Tumango na lamang siya. Hindi siya makapagsalita dahil tila barado ang lalamunan niya.

Binuksan nito ang pinto ng kanyang kotse at pumasok siya sa loob. Binuhay niya ang makina ng sasakyan. Naunang umalis ng parking lot ang kotse niya. Nakasunod ito.

Hindi nagtagal ay nakarating sila sa bahay niya. Hinintay niyang makaibis ito ng kotse.

“Naghapunan ka na ba?” tanong niya. “Masarap magluto ng sinigang na bangus ang tita ko.”

“You’re inviting me for dinner?”

“Yes.”

“Then it’s accepted. Sana, nakapagdala ako ng kahit ano. Sorry. Sa coffee shop kasi ako dumiretso pagkahatid ko sa mag-ama.”

She stared at him. She hoped that by doing so, he would say something.

Ngunit ilang segundo na siyang nakatingin dito ay hindi pa rin nagsasalita ito. Tumalikod siya at humakbang papunta sa front door.

Pinigilan siya nito sa braso. “Chynna?”

Nilingon niya ito. “Bakit?”

“I know how this may look to other people, kapag nalaman nila kung sino ako at kung bakit ako narito sa Catarlan. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko inaasahang mangyayari ito.”

“A-ang alin?” kinakabahang tanong niya.

“Ang ma-in love ako sàyo.”

Tulalang napatitig siya rito. Wala siyang maapuhap sabihin.

Ngumiti ito. “Wala na kami ni Vivi. After meeting you and finally realizing what I feel, may mga aspeto tungkol sa relasyon naming dalawa ang naging malinaw sa isip ko. Magkaibigan kami ni Vivi mula pagkabata. Pareho kaming fatherless for different reasons at siguro, malaki ang naitulong n’on para kailanganin namin ang friendship ng isa’t isa. We could tell each other everything. So when we grew up and we kind of felt we needed somebody to love romantically, we turned to each other. Sobra kaming pamilyar sa isa’t isa at mahal namin ang isa’t isa. Loving each other the way we did, bakit hindi mahirap na mahalin na rin namin ang isa’t isa bilang isang magkasintahan?

“Then I met you and everything went into focus. I just know I don’t feel the same way about her the way I do you, and she doesn’t love, rather, she wasn’t in love with me. Pareho lang kaming nabubulagan sa relasyon namin sa isa’t isa.”

“Paano ka nakakasiguro?”

Tumitig ito sa kanyang mga mata. “If I can only let you enter my heart, feel the way I feel, alam kong makakasiguro ka rin sa nararamdaman ko.”

“Christian...”

“But since you can’t, I’ll let you feel it in a different way. If you’ll give me the chance...”

“Si Mr. Arguelles.”

“I think he knows how I feel about you. Hindi pa siya puwedeng magsalita nang umalis ako pero naramdaman kong ibinigay niya sa akin ang blessing niya nang pisilin niya ang kamay ko kanina sa ambulansiya na magdadala sa kanya sa Maynila. Sa isang private hospital doon siya magpapatuloy ng treatment. Kapag malakas-lakas na siya, aalis sila ni Vivi patungo sa Amerika para magpagamot doon. Vivi wants her father to live a little longer at gusto nilang subukan ang lahat ng paraan para mangyari iyon. Bago sila umalis, nag-usap kami nang masinsinan at pinalaya namin ang isa’t isa. Kailangan kita, at siya, kailangan niyang bigyan ng panahon ang daddy niya.”

Bumuntong-hininga siya. Kung ganoon, bale-wala pala ang naramdaman niyang takot nang nagdaang tatlong araw. Naghintay siya at nagbunga ang paghihintay niya. Nasa tabi na niya si Christian at handang-handa na itong maging parte ng buhay niya.

“Nararamdaman kong kanina pa pasilip-silip si Tita Mildred sa atin. Why don’t we go inside? Para maipakilala kita sa kanya at makita ka ng mga bata. Minsan, tinatanong nila kung makikita ka pa raw nila.”

Lumuwang ang ngiti nito. “From now on, they can see me all they want.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 34.5K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
38.4K 1.8K 22
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...