Love Café 10: My Everything |...

By write4funlol

3.4K 80 4

The kiss was long, slow, tender, and loving. Nanatili siyang nakapikit kahit tapos na ang halik. Gusto pa niy... More

01
02
03
04
05
06
08
09
10
Epilogue

07

198 5 0
By write4funlol

Chapter 7

Maagang umuwi nang gabing iyon si Chynna. Inihabilin na niya sa staff niya ang pagsasara ng coffee shop.

Sabay-sabay silang naghapunan ng mga kapatid niya. Nakasalo nila si Tita Mildred. Habang kumakain ay napansin niya si Dotie na manaka-nakang napapatingin sa kuya nito. Halata sa mukha nito ang pagkaawa sa nakatatandang kapatid. Iyon marahil ang nagbunsod dito para dalhan ng libro ang kuya nito nang matapos ang hapunan at bumalik na sa kanyang silid si Vincent.

Nang lumabas si Dotie para magbalik sa kuwarto nito, pakiramdam ni Chynna ay maiiyak siya. May blessings din palang dulot ang ganoong klase ng sitwasyon. Lalo silang nagkalapit na magkapatid. Nabigyan sila ng pagkakataon na makapag-usap, magkaunawaan, at magpadama ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Tulog na sina Vincent at Dotie nang maisipan niyang ilabas ang basura. Kukunin iyon ng truck ng basura sa umaga.

Pipihit na sana siya pabalik nang mapansin niya ang kotseng nakaparada malapit sa gate nila.

Pamilyar sa kanya ang kotseng iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay kay Christian iyon.

Ano ang ginagawa ng kotse nito roon? Well, kung may pinuntahan man ito roon, malinaw na hindi siya iyon. Hindi niya masabi kung may tao sa loob dahil patay ang lahat ng ilaw at tinted ang mga bintana. Pero ang hula niya ay wala sa kotse si Christian kundi naroroon sa kung saan man ito dapat naroroon. She doubted if he even knew he parked his car just outside the gates of her house.

Tumalikod na siya at naglalakad na pabalik sa loob nang may marinig siyang bumukas na pinto. Pumihit siya para tingnan kung ang kotse ni Christian ang narinig niya. Natigilan siya nang makitang bumababa ito ng sasakyan. Nakatingin ito sa kanya.

Napakunot-noo siya. Ano ang ginagawa nito sa labas ng bahay niya? Was it presumptuous of her to think that he was there because of her?

Hindi niya gustong paniwalaan ang naisip. Pero pinanood niya ang paglapit nito sa kanya.

“Christian, a-ano’ng ginagawa mo sa neigborhood namin?”

“Hi,” sabi nito nang huminto sa harap niya.

“Anòkako ang ginagawa mo rito?”

“I... I wasn’t sure this was your house. Noong makasiguro naman ako, nahiya na akong kumatok kasi mukhang matutulog na kayo.”

“M-my house? Ano’ng kailangan mo sa bahay ko?”

“You, of course,” nakatawang sagot nito.

“Ano naman ang kailangan mo sa akin?”

Nagkibit-balikat ito. “Talk? I don’t know. Naiingayan ako sa bahay kaya nagpasya akong lumabas. The problem is, I don’t know anyone else here except my girlfriend and her father. And you. Inabutan ko pa sina Helen sa shop at tinanong ko ang direksiyon patungo rito.”

Sina Helen? Patay. Lagot siya bukas.

“If by any chance, nakakaistorbo ako, sabihin mo lang, Chynna. Hindi na lang ako tutuloy.”

“Oh, no, not really,” nag-iinit ang mga pisnging sabi niya. “Nagulat lang ako. Pasok ka.”

Nagpauna siya sa pagpasok sa gate.

“Siguro naman, may available na kape rito sa bahay ninyo, 'no?”

“Oo naman. Libre pa!” sagot niya.

Tumawa ito.

Pumasok sila sa loob at pinasunod niya ito hanggang sa kusina. “If you don’t mind having coffee in the kitchen, that is,” wika niya.

“It’s okay. Kahit saan basta may kakuwentuhan ako.”

“Sige.”

Nagpakulo siya ng kape para sa kanilang dalawa. Naupo naman ito sa isa sa mga silyang nakapalibot sa mesa. “Ang mga bata?” tanong nito.

“Nasa mga kuwarto na nila. Natutulog na.”

“So I was right. Tahimik na kasi.”

“School day kasi bukas kaya kailangang maaga silang matulog.”

“How’s Vincent?”

“Ah. Okay na siya. Mukhang wala nang naiwang effect sa kanyàyong nangyari sa beach. Para ngang walang nangyari, eh.”

“No. I meant, kanina. Nakipagsuntukan daw siya?”

Gulat na napatingin siya rito. “How did you know?”

“Nasa Coffee Crash kasi kami kanina ni Eugene. Nag-merienda kami. Hinanap ka niya at sinabi ni Helen na napatawag ka nga raw sa school dahil nakipagsuntukan si Vincent.”

Naupo siya sa isa sa mga silya roon. “May pasa siya sa panga at isang mata at putok ang labi niya.”

Umiling-iling ito. “Masakit 'yon.”

“He’s trying very hard to hide it. Pero obvious naman dahil kaunti lang ang nakain niya kaninang hapunan. Malamang, masakit ang labi niya. By the way, I grounded him. Nakapag-usap na kami kanina. Hindi siya repentant. Sinabi niyang natuwa siya at nasuntok niya ang

classmate niya. Ewan ko ba.”

“Ano ba’ng ginawa ng classmate niya?”

“Sinigawan siyang bakla sa harap ng mga kaklase nila.”

“Ah. Siguro it’s good for him nga na nakipagsuntukan siya sa taong iyon. At least now, wala nang magsasabing bakla nga siya.”

Napatingin siya rito. “Is that a guy’s opinion?” sarkastikong tanong niya.

Tumawa ito. “Yes, it’s a guy’s opinion. What I’m saying is, you should be happy your brother knows how not to be bullied. Ano’ng gusto mo, si Vincent ang maging bully?”

Nalilitong minasahe niya ang kanyang sentido. “Nalilito ako,” pagsasatinig niya ng nadarama.

Muling tumawa ito. “But it’s good you grounded him because it’s not always right to fight back the way he did, lalo na sa school. That way, next time ay mag-iisip siya and try tact. Hindi naman puwedeng laging kamao lang ang gamit.”

“Iyon ang sinasabi ko,” agad na sang-ayon niya.

“I thought so,” nakangising sabi nito.

Napatitig siya rito. He looked so handsome when he was grinning like that.

Pumito ang takurî. Dahil doon ay napagtanto niya kung ano ang kanyang ginagawa. Mabilis na iniiwas niya ang paningin sa mukha ni Christian at lumapit siya sa stove. Kapwa sila tahimik habang nagsasalin siya ng kape sa dalawang tasa. Kapagkuwan ay inilapag niya sa mesa ang garapon ng asukal.

“Thanks. It smells good,” sabi nito habang nilalagyan ng asukal ang kape nito.

“Hmm. Bakit maingay sa bahay ni Mr. Arguelles?”

“Maingay ang mga kaibigan ni Vivi. Nagdi-disco sila sa sala.”

“Hindi mo ba kaibigan ang mgàyon?”

Umiling ito.

Bumuntong-hininga siya. Bakit ba siya nag-uungkat ng tungkol sa personal na buhay nito?

What did she want to know about Vivi? Nothing. Para siyang naghahanap ng martilyong ipupukpok sa kanyang sarili kung ipagpapatuloy niya ang ginagawa niyang iyon.

“Have you ever thought of opening another branch of your shop somewhere else?”

“Saan naman?”

“Like in Manila.”

Napangiti siya. “Hindi na nga ako magkandaugaga sa pag-aasikaso sa isa lang, dadayo pa ako sa Maynila?”

“Tutulungan kita.”

Natigilan siya. So this was why he was actually here, because of business. She should have known he was a businessman. “You’re a businessman.”

“The business are hotels,” sabi nito. “Anyway, pareho kami ni Eugene na impressed sa kape mo at sa pagpapalakad mo sa coffee shop mo. Kung interesado ka, mag-i-invest kami sa negosyo mo.”

Manghang napatitig siya rito.

“Why are you looking at me like that?” tumatawang tanong nito. “Nagsasabi ako ng totoo. You should know your coffee’s very good. Sa tingin ko, binangga mo ako ng kahon noon dahil nilait ko ang kape ninyo gayong hindi ko pa natitikman.”

Tumawa siya. “Ikaw kasi. Hindi mo iniingatan ang lumalabas sa bibig mo.”

“All right. I accept the apology.”

Lalo siyang nakadama ng hiya. Nagbaba siya ng tingin.

“Will you think about it?”

Napilitan siyang mag-angat ng tingin. “Pag-iisipan ko.”

“I’ll give you my number. I hope you’ll call me up.”

“Sige,” nakangiting sagot niya.

Tumingin ito sa kanya. Nagtagal iyon. Pakiramdam niya ay malapit na siyang malunod sa mga mata nito nang biglang magtanong ito. “Can I call you up?”

Dahil nabibingi sa malakas na tibok ng kanyang puso, hindi niya masyadong narinig ang tanong nito. “What?” she asked.

“Will... will it offend you if I call you up sometime?”

Napalunok siya. “Hindi. Depende sa rason ng pagtawag mo,” sabi niya.

“I understand.”

Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Sa iilang hindi direktang salita ay nagkaunawaan sila. He was interested in her. Pero hindi siya puwedeng tawagan nito hangga’t hindi pa ito malayang tawagan siya. Iyon ang kahilingan niya.

Muli ay natahimik silang dalawa. Humigop ito sa kape nito at siya sa kanya.

Nang maubos iyon ay tumayo na ito. “Aalis na ako para makapagpahinga ka na.”

“Oo,” mahinang sabi niya. “Sasamahan na kita sa labas.”

Namayani na naman ang katahimikan habang naglalakad sila palabas ng bahay. Only when they were outside the door did he stop walking.

Humarap ito sa kanya. “Sana pag-isipan mòyong business proposal ko,” sabi nito.

“Oo. I promise.”

“And, Chynna, will you... will you wait?”

Tiningala niya ito. “Wait for what?”

“Wait until I’ve solved my problems?”

“Hanggang kailan?”

“As soon as I can.”

“Sure.”

Abot hanggang tainga ang ngiti ito. “Goodnight then.” Ngunit bago tumalikod ay kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay roon ang calling card nito.

Pumasok lang siya sa loob ng bahay nang hindi na niya matanaw ang kotse nito.

Continue Reading

You'll Also Like

954K 16K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
655K 17.3K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...
20.6K 2K 11
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...