Oxford

By cultrue

36.5K 1K 78

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 42

747 28 0
By cultrue

Sa sumunod na araw ay sumunod maaga akong pumunta sa bahay ng S sisters dahil may pinapasuyo sa akin si Nanay kasi may ginagawa pa daw siya at hindi siya makakaalis agad sa apartment namin.

Pagpunta ko sa kanilang bahay ay sumalubong sa akin ang dagsang tanong ng tatlong matatandang magkapatid. Ang dalawa sina Safara at Skan ay tahimik lang na nakikinig sa amin.

"So yung Cassidy Reyes na yun ay siyang tunay na Nanay ni Nillie? Napakasalbahe naman niya para gawin yun sa bata." Hindi makapaniwalang sambit ni Sack.

"Eh kasi image niya ang importante kaysa sa bata. Kapag malaman na may anak siya edi pwede siyang malaos niyan. Yan kasi ang mahirap sa ibang ambisyosang socialites ngayon. Mas importante pa ang fame kaysa sa ibang mas importante." usad naman ni Santi at nanganghulugang tumingin kay Skim.

Skim just crossed her arms. But I knew she's on my side because we're friends since then. Kahit pa man may mga kaibigan siyang socialites ay hindi parin niya nakakalimutang kung sino ang mga tanggap kung sino siya.

Skim was just so ambitious kaya minsan ay nag-aaway sila ng mga kapatid niya dahil sa pagiging ambisyosa niya.

"Actually may lakad kami ngayon ni Oxford kasama ang mga bata. Naisip niyang ipasyal ang mga bata para daw hindi masyadong napipirme sa apartment." sambit ko.

"Family day?" ani Santi.

Tumango ako.

Nakakalokong ngiti ang umapaw sa labi ni Safara habang lumalapit siya sa akin.

"So you're really into a relationship now huh, dati ay mga bata mo lang ang inaatupag mo pero ngayon ay kasama na si Oxford." I thought about it as a compliment.

Isang hiyang ngiti ang aking pinakita sa kanya. I was embarrassed. It's just came out all of the sudden from her.

"Pero kapag magkita kayo ng Cassidy Reyes na yan ulit, sabihin mo lang sa akin kung mang-agrabyado sayo dahil talagang makakatikim yun sa akin." sabi ni Sack.

Napailing nalang ako sabay tawa.

Hindi ako nagtagal sa kanila dahil nagtext si Oxford sa akin na nasa apartment na daw siya kasama ang mga bata at si Nanay ay hindi daw makalugar dahil maraming trabaho sa likod. It's probably her laundry again.

Bago pa ako makaalis kina Santi ay sinundan ako ni Skim na kanina pa tahimik simula nang sabihin ko sa kanila yung tungkol kay Cassidy at sa iba pang nangyari noong isang araw.

"Bill."

Lumingon ako sa kanya at sinalubong siya ng ngiti.

"May kailangan ka ba?" tanong ko.

Malungkot siyang ngumiti sa akin habang binubulsa ang kanyang kamay sa suot niyang pantalon.

"Wala lang. Gusto ko lang na sabihing... sorry."

"Sorry? Para saan?"

Nagkibit-balikat siya. "Dahil hindi ako palaging nasa tabi mo. Hindi ako minsan nakakausap niyo kapag may problema."

Bumuntong-hininga ako at winagayway ang kamay ko. "Wala yun no. Alam ko naman na may iba kang buhay bukod sa shop, sa mga kapatid mo at sa akin na kaibigan mo. Alam ko na gusto mong makihalubilo sa mga mayayaman kagaya ni Cassidy Reyes pero sana... huwag kang magbago."

Umiling siya. "Hindi na ako sumasama sa mga kagaya nila. At mabuti nalang at hindi kami talagang nagkakilala ng lubos ni Cassidy Reyes kasi kapag magkakilala talaga kami ay susugurin ko siya sa ginawa niya sa inyo. Pati yung pinsan mo, susugurin ko rin para makita niya ang hinahanap niya."

Napangisi ako saka tinapik ang kanyang balikat. "Huwag kang mag-alala dahil sa susunod na guluhin niya kami ay ikaw ang pagsasabihan ko."

Huminga siya ng malalim at saka tumango. Tinapik niya rin ang likod ko saka nagpaalam na.

Umalis na ako sa bahay nila Skim para umuwi sa apartment namin. Pagdating ko nga sa apartment ay nakaligo na ang mga bata at si Oxford pala ang nag-ayos sa kanila. Tinuro lang ni Nanay ang dapat gawin para bihisan ang mga bata.

Kasama din ni Oxford si Ares at katabi na nito ang mga bata. Bale nasa gitna siya at pareho silang may pinapanood sa cellphone niya.

"Hi." bati ni Oxford sa akin nang makapasok ako sa loob ng apartment.

Hindi ako napansin ng mga bata nang pumasok ako dahil nakatutok talaga sa cellphone ni Ares. Kung ano man ang pinapanood nila ay siguradong nakuha ang atensyon ng dalawa.

Pinatong ko ang aking kamay sa balikat ni Oxford at tipid siyang nginitian.

"Hindi nila ako napansin na pumasok. Ano bang ginagawa ni Ares?"

Isang sulyap lang ang ginawa ni Oxford sa mga bata pagkatapos ay binalik na niya ang tingin sa akin.

"They're playing. We're waiting for you that's why they busy theirselves while we're here." he stated.

"Nandito na ako pero hindi nila napansin na pumasok ako ng apartment." I said, frowning. "Pero sabihin mo nalang sa kanila na nandito na ako. Magbibihis lang ako." sabi ko.

"Can I join you then?" biro niya.

Inismiran ko lang siya.

Pumasok na ako sa kwarto namin at naiwan si Oxford na nakangisi pero naglakad siya pabalik sa mga bata at umupo sa gilid ni Kamp. Kasya silang apat sa sofa dahil maliliit naman ang mga bata.

Agad akong nagbihis. Puro simple lang ang mga damit ko dahil hindi ako kagaya ni Skim na mahilig sa fashion. I loved the simplicity. I loved simple clothes because they defined who I was. Nagsuot din ako ng sapatos.

Nag-aayos ng sintas ng sapatos ko nang pumasok si Kamp sa kwarto namin. Akala ko ay siya lang, sumunod din si Oxford sa kanya. Nakita pala ako ni Kamp na pumasok ng apartment.

"Oh bakit? May problema ba?" Kaagad kong tanong dahil nakita ko siyang nakasimangot.

"Mama, Nillie slapped my arm." Sumbong niya sakin.

"Ha?"

Napatingin ako sa likod ni Kamp, sa Papa niya. Umiling lang ito. He mouthed it's not that hard.

"Look Mama." Pinakita pa ni Kamp yung pinalo ni Nillie sa kanyang braso.

I sighed. Wala naman akong nakitang namumulang parte na pinalo ni Nillie sa kanya.

"Baka naman kasi inunahan mo siya kaya ka niya pinalo." sabi ko at hinimas nalang ang kanyang braso para hindi sumama ang loob niya.

"It's just about my phone." Oxford entered between the conversation me and his son.

Napailing nalang ako. Siguro ay pinahiram niya ang cellphone niya sa mga bata kaya ayun ay nag-away. Ngumiti nalang ako kay Kamp at ginulo ang buhok niya bago tuluyang tumayo kahit hindi pa naayos ang sintas ko.

"Mabuti pa at maghanda na kayo dahil aalis na tayo. Sabihin mo kay Lola na aalis agad tayo pagkatapos kong magbihis." sabi ko kay Kamp.

He nodded with a pouting lips and he stormed out from our room.

Tinanguan ko lang si Oxford bago nagdesisyong kunin ang bag para ilagay ang cellphone ko doon.

Tatalikod na sana ako kaya lang ay napahinto ako nang pigilan niya ako na hawak ang braso ko.

"Bakit?" I asked.

He frowned. "Just wait. Hindi mo inayos ang sintas mo." sagot niya.

Binuka ko ang aking labi para magsalita pero naiwan sa ere ang ilalabas na mga salita nang yumuko siya sa harap ko at diretsong lumuhod. Kinuha niya ang sintas na nabuhol para ayusin.

"Hindi mo na sana yan ginawa pa." sambit ko.

Tiningala niya ako. "But I want to this for you." He only answered which made my heart skipped a beat.

"Sige na nga. Tapusin mo na." utos ko.

He bit his lower lip first before nodding. "Right away madam." he replied teasingly.

Nang matapos siya sa pag-ayos ng suot kong sapatos ay umalis siya sa kwarto ko para hintayin nalang sa labas. Kinuha ko ang cellphone ko at wallet saka ipinasok sa bag. Yung ginamit kong bag ay yung rectangular knitted shoulder bag like na hindi gaanong kahabaan kagaya ng mismong shoulder bags.

Bigay sakin ni Sack noong unang taon. Marami kaming binigyan niya ng ganitong uri ng bag kasi sinubukan lang naman niya na gumawa pero nakagawa siya at maganda din ang kinalabasan.

Sinukbit ko na yung bag ko saka sinuklay muna ang buhok ko para hindi maayos at hindi mukhang pugad ng ibon. Paglabas ko ay nakita kong inaayos ni Oxford ang sapatos ni Kamp.

"Mama!" Nillie exclaimed gleefully.

She ran through me. Nang umabot na siya sakin ay agad siyang yumakap sa hita ko.

"Ba't na naman nagkalat ang buhok mo? Diba ang sabi ko sayo huwag kang maglikot?" saway ko dahil nasira na naman ang pagkakatali ko sa buhok niya.

"Si Kuya!" She pointed her brother.

"No I didn't do it!" sigaw naman ni Kamp.

I rolled my eyes. "Sige na. Aayusin ko nalang yan pero pupuntahan ko si Lola niyo para makapagpaalam tayo na aalis na." saad ko.

Tumalikod muna ako sa kanila para puntahan si Nanay na nasa likod. Naglalaba siya kaya ayaw niyang sumama sa amin. And she said she wanted to give us time to spend together as family.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanya ay inayos ko ang buhok ni Nillie na nagkalat. I just tied her hair in clean bun. It's cleaner that way than pony tail style because of her curls.

"Let's go guys." Oxford announced.

Nagsitayuan naman ang mga bata. Si Kamp ay humawak kay Ares.

Lihim akong napangiti nang makita ang gestures na yun.

Mukhang komportable na si Kamp kay Ares. Dati ay nahihiya si Kamp pero ngayon ay mukhang makikisabay pa siya sa mas matanda kaysa sa kanya.

Sa harap kami ni Oxford umupo. Nauna lang akong sumakay sa likod dahil kinabitan pa ni Oxford ang dalawa ng seatbelt bago pumasok sa driver's side sa harap.

"Dadaan ba tayo sa McDo?" tanong ko kay Oxford.

Walang kakainin ang mga bata kapag hindi kami bumili ng pagkain.

"Don't worry, I didn't invite you guys in this picnic empty-handed. I told my Mom to get ready some food for us."

"Dinamay mo pa ang Nanay mo."

He smirked. "Of course, I'm still new to this that's why I still need her advices." sagot niya.

Huminga nalang ako ng malalim saka tumingin sa labas ng bintana para itago ang ngiti. I never thought he'd do such effort to make everything happened flawlessly.

Dumating kami sa parke at mabuti nalang ay hindi masyadong maraming tao ang nandun. Siguro dahil maaga pa kaya hindi masyadong matao. Agad na naglaro ang mga bata sa slides na kasama si Ares at Oxford. Oxford just sat near the foot of the slides to catch the kids.

Umupo lang ako sa bench na may lamesa habang inaayos ang pagkain na pinahanda ni Oxford. Talagang pampicnic ang inihanda ni tita Olga dahil nakapasok pa talaga sa picnic basket. Dalawang picnic basket ang pinadala. Sa isang basket ay puro drinks at prutas ang laman at yung isa ay ibang mga pagkain.

The kids were playing happily. Hinayaan ko lang sila para mag-enjoy naman sa outdoor. Sa likod ng apartment lang kasi sila palaging naglalaro ng kanilang bisekleta, hindi naman pwedeng sa harap sila dahil malapit sa kalsada at syempre, may mga sasakyan na dumadaan. Kaya pinabayaan ko nalang sila na maglaro hanggang sa mapagod. Kasama naman nila si Oxford.

Lumapit si Ares sa swings. Tumakbo din papunta doon si Kamp at Nillie kaya sumunod si Oxford sa kanila. Pati yung dalawang mas matanda ay nag-eenjoy.

Namangha ako sa kanila habang nanunuod nang magawi ang tingin ko sa may kalsada. May isang itim na mini van na nakaparada at nakabukas ang bintana. May babaeng nakasalamin ang nakatingin sa apat.

Naglaho ang ngiti ko nang makita si Cassidy na nakadungaw kina Oxford. I hadn't recognized well her expressions because she's hiding also behind her aviator sunglasses.

Kaya din kami pumunta sa parke para sa kanya na masilip si Nillie. Hindi naman siya bumaba ng sasakyan para lapitan ang bata. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa sinarado ang bintana at unti-unting umalis ang sasakyan.

My eyes landed on Oxford when he sat beside me. Karga niya si Nillie at naiwan ang dalawa na nasa swing. Agad akong kumuha ng towelette para punasan ang pawis ni Nillie sa leeg at noo.

"Gusto mo ba ng sandwich anak?" tanong ko kay Nillie.

Tumango siya. "Yes Mama."

"Oh huwag kang tumayo sa may bench." Pagbabala ko dahil tumayo siya sa bench para silipin kung ano ang laman ng mga basket.

"Let her be. I'm here to catch her by the way." sabi naman ni Oxford.

Kinunutan ko siya ng noo. "Kunsentador ka talaga." puna ko.

"And you're contradicting me, sweetheart. Let the kids do what they want because they're just kids." he responded.

I rolled my eyes once again then I diverted my attention upon Nillie.

Kumakain si Nillie at naglalaro pa ang dalawa sa swing nang lumingon ako agad kay Oxford.

"Nakita ko si Cassidy Reyes. Hindi siya bumaba ng mini van." bulong ko sa kanya.

He rubbed the stubble on his chin. "That's our deal before she goes back to France again. As what I told you, Cassidy loves her spotlight so much. She cares her status as socialite than most important matters in this world. Pati pamilya niya ay wala ng pakialam kay Nillie. Hence, my mother was really mad at them and because of that, Nillie would become part of this family forever."

Pinatong ko ang aking kamay sa kanya. Muntik na akong maluha dahil sa sinabi niya. "Paano si Ares? Sinabi mo ba sa kanya na may kapatid siya sa ama?"

"I told him about it last night and... he's cool about it. Wala siyang ibang reaksyon pero alam ko na alam naman niya. He's not that showy boy but I know he's glad that he has a sister. Hindi nga lang magiging apelyido nila ang gagamitin ni Nillie dahil sa akin ang gagamitin niya."

Tinukod ko ang aking mukha sa kamay na nasa ibabaw ng lamesa habang nakangising nakatingin sa kanya. Yung puso ko ay parang matutunaw sa init. Damn this guy for making my heart warmer.

"Seryoso ka na ba sa amin?" tanong ko.

"Of course, bawal ang atrasan dito. If you back out, I'm still going to chase after you until you get tired of running and just decided to rest in my arms."

Inayos ko ang aking pagkakaupo at inabot ang kanyang mukha. Hinaplos ko yun ng pino. Napapikit siya sa ginawa ko.

"Just give me time to fully love you, Oxford. Then I'm going to give my rest to you." I said with my heart pounding in my ribcage.

He nodded. "I understand. I know the kids are important and I also give my best to them and the rest for you. I will give my all to you guys because that's my way of saying I love you."

"You love us?"

"I love you." he said without pushing the brake. He grabbed my hands and caged them with his large ones. "I love the kids, I love Ares and the rest of our family. And I... love you." He breathed out those words.

He raised his hands with my hands in it and he showered tiny kisses on my fingers.

Lumapad ang ngiti ko nang magdiwang ang puso ko sa narinig mula sa kanya. Umusog ako ng upo para mayakap siya. Gumanti din siya ng yakap. Inihilig ko ang aking mukha sa kanyang balikat sa harap ng kanyang tenga.

"Thank you." I whispered against his ear.

Continue Reading

You'll Also Like

75.9K 3.6K 32
Love becomes a poison for her. But with her broken heart, she can be anything the world wants her to be. Under the rainbows of limelights and on the...
152K 5.8K 31
Elusive and hard to read. But Mylene always adored him. The man in her walls. The man whose struggles exceeds far human means and becomes god inside...
49.5K 1.2K 53
Isang magaling na doctor si Dr. Jaxon Philip De-Gracia and he is one f the Bachelor too. Devotion and Care to bring Healing. Comfort and Hope ang kan...
60.8K 3.3K 38
Isang malusog na sperm. Ito lang ang kailangan ni Virgou sa lalaking nakitaan niya ng katangian para maging ama ng kanyang anak. Si Zerriko Gray. E...