Chapter 27

635 19 0
                                    

Katahimikan ang bumalot saming dalawa ni Oxford habang patuloy kaming naglalakad paakyat ng bahay niya. May dinaanan kaming mahabang pasilyo at may binuksan siyang pinto na ang hula ko ay isang guest room pero hindi pala.

I just thought ahead of my expectation.

Pumasok kaming dalawa sa isang work room niya. It didn't look like a library in the first place as there were no shelves inside of the room. May isang lamesa siya na mayroong computer. May iisang folder lang na nasa ibabaw at wala na akong ibang nakita pang gamit sa lamesa. May maliit lang na shelf pero puro pagdedesign lang ang mga libro na yun.

"Take a sit, please." Mababang utos ni Oxford.

Umupo ako sa itim na couch na nasa kanang bahagi ng silid.

Umupo din sa kabilang couch si Oxford at saka pinagtitigan ako. Tinukod niya ang dalawang braso sa tuhod. "This is my workroom at home. I constantly am around here if I'm not at my office. And I definitely do all my designs here because this place is more peaceful than my office." he said without sparing a glance into another direction.

Ako naman ay tumingin sa ibang direksyon para hindi mailipat ang tingin ko sa kanya. Nakakailang sa kanya lalo na't kami lang dalawa sa loob ng silid.

Walang ibang desinyo sa loob ng kanyang silid. The accented wall was painted in matte white. Mayroong isang wood art sa likod ng lamesa, sa kabila nun ay yun lang at ang magandang maliit na chandelier at ang dalawang malaking indoor at yung shelf lang ang tanging nagpapatingkad sa loob ng silid.

Kahit nakakailang ay binalik ko ang tingin sa kanya lalo na nung tumikhim siya. Wala akong ibang nagawa dahil talagang mag-uusap kami at yun ang rason kung bakit nandito ako sa mansion niya.

"About the custody of Kamp."

Nanayo ang mga balahibo ko sa lalim ng kanyang boses. Umayos ako ng upo. "Hindi ako papayag kung sakaling kunin mo siya sakin, Oxford."

Nagtaas siya ng kilay. "I'm not that brutal to get my son from you, Billie. I still have a heart."

"If you have a heart then make your decision fair and square. Hindi ko naman ilalayo ang bata sayo, sa katanuyan gusto kong lumaki ang bata na may kinikilalang ama kaya ipanatag mo ang loob mo na hindi ko siya ilalayo pero dapat ay wala kang gagawin na anumang ikakasama ng loob ko."

He smirked. He forced to straight up his forefinger to joint onto his forehead to scratch it. "Will you marry me?"

Natameme ako sa tanong niya. Para akong kinapusan ng hininga nang sambitin niya yun. Halo-halong reaksyon ang nanaig sa mukha ko at hindi ko alam kung alin sa emosyon ang tumitingkayad dahil ang dami kong nararamdaman.

"Ha...?"

Yun lang ang nasambit ko sa kabila nang pagkagulat. Nginisian lang ako ni Oxford at nagkamot ulit sa kanyang noo. Yumukod siya. "See? You can't answer me directly."

Bumalik siya sa pagkakasandal at bumuntong-hininga.

Nakabawi naman ako agad sa pagkagulat at kinalma ang sarili ko mula sa pag-atake niyang mga salitang yun.

"You are such a fraud, Oxford. I don't know if I'd be able to trust with your words."

"If you think I'm deceiving you then your judgment is very low, Billie." Sumeryoso ang kanyang tono.

"Eh ano ba kasi ang gusto mong iparating?"

He shrugged his shoulders. "Forget it." He leaned his back on the couch. "Anyway, as what I have said, I'm not going to get my son away from you—in exchange of you guys living here." sabi niya.

Oxford Where stories live. Discover now