Ang Alalay Kong Astig! ( Publ...

By Sweetmagnolia

26.5M 620K 144K

Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl... More

ANG ALALAY KONG ASTIG
[1] MAY POGI SA KALSADA
[2] THE ASSIGNMENT
[3] HI KLASMEYT!
[4] ANG BAGUHAN
[5] TROPA
[6] BAGONG ALIPIN
[7] CALL OF DUTY
[8] BOY OR GIRL
[9] ATTACK OF THE ENEMIES
[10] PATIENCE 101
[11] WHO'S THE BOSS?
[12] DRAMA QUEEN
[13] WARM WELCOME
[14] MORE DO'S & DON'TS
[15] IKAW SI SUPERGIRL
[16] TRUE HEART
[17] DATE CRASHER
[19] THREE IS A CROWD
[20] KISSPIRIN
[21] THE CHOICE AND THE CHOICES
[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN
[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE
[24] ADJUSTMENT DAY
[25] THE SET-UP DATE
[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD
[27] BACK TO EARTH
[28] I AM ALEX
[29] IT'S NOT OVER
[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)
[31] PUSH THE LIMITS
[32] I SURRENDER
[33] BECAUSE I LOVE YOU
[34] CROSSROADS
[35] A LOVE TO WAIT FOR
[36] LIKE A REPLAY
[37] THE RISE OF THE RIVALS
[38] CHANCE TO BET
[39] GUT INSTINCT
[40] LIGHTS FADING OUT...
[41] SHOW MUST GO ON
[42] EDGE OF TRIALS
[43] I WILL REMEMBER YOU
[44] RUN TO YOU
[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)
EPILOGUE

[18] MY FULL-TIME SERVANT

524K 13.2K 3.8K
By Sweetmagnolia

                                                   

                                              ***** 

Official holiday.

Si Alex ay walang pasok…sa klase. Ibig sabihin? Buong araw ang duty niya sa tinutuluyang bahay. Ito ang mga panahong obligado siyang gawin ang mga tungkuling napagkasunduan nila ni Blake na kailangan niyang gampanan.

‘Cook at least one dish a day.’

6:30 ng umaga. Kusina. Nakaupo sa harap ng isang mesa si Alex. May hawak na kutsilyo. Namumula-mula ang mga mata. Nangingilid ang mga luha.

“Manang Cora, may nagawa ho ba akong kasalanan sayo?” tanong niya sa matandang katulong na noon ay abala sa pagpiprito ng manok.

“Wala ineng.”

“May sama ho ba kayo ng loob sa akin?”

“Wala naman.”

“May nasabi ho ba akong hindi maganda tungkol sa inyo?”

“Wala rin ineng. Bakit ba?”

Hindi na napigilan ni Alex ang pagtulo ng kanyang mga luha.

“Eh kasi sa dinami-dami ng pwede niyong ituro sa aking lulutuin, bakit naman ang napili niyo ay ang nangangailangan ng ganito kadaming sibuyas. Mahigit sampung malalaking piraso na ho ang natatadtad ko hindi pa ho ba sapat ang mga ito?”

Namumula-mula na rin ang ilong niya at sisinghot-singhot habang gigil na gigil sa pagtatadtad sa sibuyas.

May bumato sa harapan niya ng tisyu.

Natigilan siya sa ginagawa saka tumingin ng masama kay Blake na noon ay nakaupo sa bandang dulo ng pinagtatadtaran niyang mesa habang naglalaro sa ipad. Tumingin din ito sa kanya nang may mapang-asar na ngiti.

“What? I’m just worried baka matuluan ang ingredient na yan or else I won't eat what you cook. Punasan mo yang luha mo and your nose too.”

Kinuha niya ang tisyu, nagpunas siya ng ilong at mga mata at iningusan ang lalaki nang hindi na ito nakatingin. Tahimik na bumalik siya sa seryosong paghihiwa at ilang saglit lang ay lumapit na sa kanya si Manang Cora. Tiningnan nito ang mga nahiwang sibuyas.

“Tama na ito Maya.”

Agad na nagliwanag ang kanyang mukha. “Talaga! Sure kayo manang? Tapos na ang torture?”

“Oo.”

“Maya, you know why Yaya Cora keeps her job for a very long time?” sabat ni Blake nang hindi inaalis ang mga mata sa ipad.

“Bakit?” kunot-noong tanong ni Alex.

“Because she’s very sensible. She can easily tell if a person deserves a punishment or not. Maybe that’s the reason why she gave you that task.”

Ngumuso si Alex sa lalaki. “Ikaw, kanina ka pa nandyan pero wala ka namang ginawa kundi mambwisit at mang-irita! Buti sana kung tumutulong ka. Teka, bakit ba kasi nandidito ka? Naglalaro ka lang naman diyan sa ipad mo, bakit di ka maglaro sa kuwarto mo o sa sala? Ang laki-laki nitong bahay niyo tapos nakikipagsiksikan ka sa amin dito sa kusina ni Manang Cora!”

“I’m guarding the food,” kalmadong sagot ng lalaki.

“At bakit kailangan mo itong bantayan?”

“I don’t trust your cooking. Remember I have to eat what you cooked. Ayokong mafood poison.”

Magtataas na sana ulit si Alex ng boses ngunit kinalabit siya ng matandang katulong.

“Maya ikaw na ang magtuloy nitong piniprito ko. Nakalimutan kong may tatapusin pa nga pala ako sa hardin," sabay alis nito nang hindi man lamang hinintay ang sasabihin niya.

Napangangang sinundan niya ng tingin ang papalayong matanda. Anong gagawin niya? Hindi pa siya nakakapagprito ng manok sa tanang buhay niya.

“Ma-manang sandali! Ma-manang ituro mo muna sa akin to!” pahabol na sigaw niya subalit tuluy-tuloy lamang sa paglalakad si Manang Cora. "Haist, ano bang gagawin ko?" napapakamot sa ulong sambit niya.

Tumigil naman si Blake sa paglalaro at tumayo. Bahagya din siyang nataranta nang makitang nagpapanic ang babae. Lalapit sana siya upang tumulong ngunit agad din namang nagbago ang isip niya nang mapagtantong trabaho ito ng babae. Mulis siyang umupo at pasimpleng pinagmasdan na lamang ang aligagagang kasama.

Hinawakan ni Alex ang siyansi at nag-isip kung ano ang susunod na gagawin sa naiwang nakasalang sa kawali. Siguro naman ay wala itong pinagkaiba sa pagpiprito ng hotdog at itlog. Dahan-dahan siyang lumapit sa kalan at binaliktad ang manok subalit nagulat siya nang biglang nagsitalsikan ang mantika.

“Ayyyy! Bakit pumuputok?!” natatarantang tili niya.

Nagulat si Blake. Agad niyang binitawan ang ipad at nagmamadaling lumapit sa dalaga. Hindi niya natantiya ang mga mabibilis na hakbang kung kaya't nabangga niya ang likod ng babae na noon ay naglalakad naman papaatras. Hindi sinasadyang napahalik siya sa ulo nito. Panandalian siyang hindi nakakilos at bigla siyang napapikit habang sinisinghot ang mabangong buhok nito.

Natigilan din si Alex. Napalunok siya nang maramdaman ang pagkakadikit ng katawan nila ni Blake. Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki ngunit tumaas ang kanyang isang kilay nang makita ang nakapikit na hitsura nito.

“Anong nangyayari sayo Blake?”

Agad na nagmulat ang lalaki. Hirap magsalitang napatitig ito sa nakatutok na mukha ng dalaga. “W-Wala lumapit lang ako just want to know k-kung bakit ka nagtititili," kinakabahang sagot nito.

Umirap si Alex. “Umalis ka nga diyan baka mas lalo lang akong mataranta sa pang-iistorbo mo!”

Nagkunwaring kalmadong bumalik sa upuan si Blake at muling dinampot sa mesa ang ipad. Ipinagpatuloy naman ni Alex ang pagbabantay sa niluluto.

“Blake…” seryosong sambit ni Alex makalipas ang ilang sandali ng katahimikan. Nakaharap siya sa kawali habang si Blake ay tutok na tutok sa nilalaro.

“What?”

“Nakaluto ka na ba minsan ng fried chicken?”

“Not yet.”

“Pero nakakain ka na di ba?”

“Of course! Ano ba namang klaseng tanong yan Maya.”

“Natatandaan mo ba ang kulay?”

“I think so.”

“Halika nga. Tingnan mo nga ito kung luto na ang ganitong kulay.”

Lumapit ang lalaki at tumingin sa kawali. “Uhmmm… I don’t think so.”

“Sigurado ka hindi pa ito luto?” tanong ni Alex nang may seryosong mukha.

“I think so,” napapailing na sagot ni Blake.

Ibinigay ni Alex sa lalaki ang siyansi. “Hawakan mo nga ito. Ikaw muna magbantay diyan. Nakita kong binubudburan ng harina ni Manang yung mga ipiniprito niya. Lalagyan ko lang yung natitirang mga piprituhin.”

Walang reklamong sinunod ni Blake ang utos at matiyagang nagbantay sa harap ng kawali. Tumungo naman ang babae sa mesa at binuhusan ng sandamakmak na harina ang mga natitirang piprituhing hita ng manok.

“Maya I think it’s done.”

“Sure ka?”

“I think so.”

“Ilipat mo na sa plato.”

Bahagyang nakahalata ang lalaki.“Hey! Why would I do that? It’s your job!” mabilis na reklamo nito.

“Ako na nga! Eto naman hindi man lang mapakisuyuan,” sabay agaw ng babae sa siyansi.

"How about a thank you?" sarkastikong ika ni Blake sabay balik sa kinauupuan upang ituloy ang paglalaro. Ngunit hindi pa man lumalapat ang puwet niya sa silya, may utos na naman ang babae.

“Blake pahinging malaking plato.”

Inilapag niya ang ipad at mabilis na sumunod  sa dalaga. Walang reklamong binigyan niya ito ng plato pagkatapos ay bumalik siya sa upuan. Hindi lumipas ang mga sampung segundo, may panibago na namang utos sa kanya.

“Blake iabot mo nga sa akin yung mga piprituhin pa.”

Tumigil ulit sa paglalaro si Blake at dinala ang mga hita ng manok na punung-puno ng harina. Bago ito ibigay ay lihim niya munang pinahiran ng makapal na harina ang kanyang dalawang daliri. Pagkuway itinabi niya ang mga daliri sa pisngi ng nakatalikod na babae.

“Maya,” ngingiti-ngiting tawag niya.

Napalingon si Alex at kaagad na tumama sa mukha niya ang nakaabang na mga daliri ng lalaki. Napaigtad siya sa pagkagulat at may naramdaman siyang kumapit na bagay sa kanyang pisngi. Dali-daling hinawakan niya ang mukha.

“Blake!!!!”

Nang-aasar na dumila ang lalaki. “That’s your penalty for abusing my kindness”…

                                                          ---------

‘Clean at least one portion of the house.’

9:00 ng umaga. Hallway. Tumatagaktak ang pawis sa noo ni Alex. Hawak-hawak niya ang isang mop. Kanina pa siya pabalik-balik sa pagkuskos pero bakit hindi pa rin magmukhang malinis ang sahig. Isinawsaw niya ulit ang mop sa baldeng may sabon at muling pinunasan ang sahig.

Dumaan si Blake.

Huminto sa ginagawa si Alex. Naniningkit ang mga matang sinundan niya ng tingin ang mga paa ng dumadaang lalaki. Bumabakat ang mga marka ng tsinelas nito sa basang sahig.

Binalikan niya ang dinaanan ng lalaki, muli itong kinuskos at saka itinuloy ang paglilinis sa ibang bahagi ng sahig hanggang sa magmukha na ring malinis ang hallway. Napangiti siya sa magandang resulta ng kanyang paghihirap.

Dumaan si Blake.

Sinundan niya ulit ng tingin ang lalaki. May bitbit itong tsitserya. Itinataktak sa bibig ang pagkain habang naglalakad. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga pira-pirasong pagkaing nahuhulog sa sahig. Mabilis na pinagdadampot niya ang mga ito.

“Tingnan mo tong taong ito. Nakita nang may naglilinis dito…” naiiritang bulong niya.

Matapos linisin ang ikinalat ng lalaki ay sinimulan niyang i-mop ang hindi pa nagagalaw na karugtong ng sahig. Ilang beses ulit siyang nagpabalik-pabalik sa pagkuskos at pagpunas bago ito tuluyang nagmukhang malinis.

Dumaan si Blake.

May bitbit itong ballpen at notebook. Nagsusulat habang naglalakad. Pumunit ito ng ilang mga pahina. Pinaggugusot at itinapon sa sahig. Nanggigigil na binitawan ni Alex ang mop at pinagdadampot ang mga papel.

“Isa pa…Isa na lang talaga."

Binalikan niya ang mop at iritableng isinawsaw ulit ito sa balde. Pinigaan at sinimulan ulit ang pagkukuskos. Maya-maya lang ay namataan niya ang papalapit uling lalaki.

“SUBUKAN MO! Subukan mo lang!” hindi na nakatiis na sigaw niya.

Nagulat si Blake at bigla itong napapamaang na tumigil. “B-Bakit?”

“Sige subukan mong dumaan dito at tatamaan ka nitong hawak kong mop. Kanina ka pa ah!”

“Why? Can’t I walk in my own house?”

“Huwag dito. Ang dami-dami mong pwedeng daanan bakit dito ka sa may naglilinis pabalik-balik na namamasyal.”

Ngumisi lamang ang lalaki at muling humakbang. Binalewala ang mga narinig.

“Isa.”

Tumigil si Blake at tumingin sa dalaga. Pinandidilatan siya nito ngunit hindi niya pa rin ito inintindi at muling humakbang.

“DALAWA!”

“Fine! This is unbelievable! I can’t even walk freely in this house anymore!” naiiritang tumalikod siya at galit na binaybay ang ibang daan.

Ngingisi-ngising pinagpatuloy ni Alex ang paglilinis. “Ikaw kaya ang gumawa nito at ako naman ang magfashion show sa harap mo, tingnan ko lang kung matuwa ka…”

                                                          -------

‘Clean the swimming pools once a week.’

1:30 ng hapon. Tirik na tirik ang araw. Ngalay na ngalay na ang leeg at mga braso ni Alex. Natapos niya nang linisin ang isang swimming pool, nasa ikalawang mas malaking pool na siya. Maya’t maya niyang pinupunasan ang mga tumutulong pawis. Napatingin siya sa malaking bahay habang napapabuntong-hininga. Parang mas mahirap pa ang mga pinagdadaanan niya sa lugar na ito kaysa sa mga drills at naging training niya sa pagpupulis.

Napalingon siya kay Blake. Tahimik itong nakaupo sa isang beach bench habang nagbabasa ng magazine. Simula nang naglilinis siya sa area, naroroon na ito at nakatambay. Alam niya ang pakay nito. Gusto siya nitong bantayan kung totoong sinusunod niya ng maayos ang kanilang usapan. Tusong matsing!

Ramdam niya na ang pagod kaya't nag-isip siya ng paraan para makagpahinga nang hindi bubungangaan ng bantay saradong lalaki. Nagliwanag ang kanyang mukha sa naisip. Tumingin siya kay Blake at ngumiti ng nakakaloko.

“Aaaaah! Aray! Aray ko!”

Humawak siya sa kanyang kanang braso at umarteng tila nasasaktan.

“ARAYYYY!!!!”

Narinig ni Blake ang sigaw. Kaagad niyang binitawan ang magazine at nagmadaling tumakbo sa babae.

“What happened? Is there something wrong? Are you hurt?”

“Y-yung sugat ko sumasakit. Saka parang pinupulikat ang braso ko,” kunway napapangiwing sagot ni Alex.

Nataranta si Blake. Marahan niyang hinahawakan ang braso ng babae. “Sabi mo magaling na ang sugat mo! Did you lie? You should have told me earlier!”

“A-akala ko rin magaling na. Napagod lang siguro ako maghapon kaya nanakit.”

Tumingin ang dalaga sa lalaki ng may nagpapaawang mukha. Kinuha ni Blake ang panlinis kay Alex.

“Magpahinga ka na ako na ang magtutuloy nito.”

“Salamat...” may lambing na ika ni Alex habang lihim na napapangiti.

Ipinagpatuloy ni Blake ang paglilinis. Nag inat-inat naman ng likod at leeg niya si Alex saka nakangiting pinagmasdan ang naglilinis na prinsipe.

“Blake ayun oh may dahon pa!” turo niya.

“Blake may dumi pa!”

“Blake doon, doon pa. Kailangan pang linisin ang part na yun!”

“Eto pa Blake oh!”

“Blake ano ba ayusin mo nga!”

Napipikong tumigil si Blake sa ginagawa. Binigyan niya ng masamang tingin ang kasamang walang tigil sa pagmamando.

“Somosobra ka na ha! Inaabuso mo na naman ang pagtulong ko sayo!”

Biglang umamo ang mukha ng dalaga at malumanay itong nagsalita.“Pasensiya ka na… Gusto ko lang namang malinis ng mabuti ang pool.”

Tiningnang maiigi ni Blake ang babae. Unti-unti siyang nagduda sa kakaibang sigla nito samantalang kanina lamang ay dumadaing ito sa sakit. Tumingin siya sa kanang braso nito, naigagalaw naman ito ng maayos. Binitawan niya ang panlinis at nakangiting lumapit sa dalaga. Inamoy-amoy niya ang leeg at buhok nito. Naasiwa naman ang babae at bahagya itong lumayo sa kanya.

“Did you take a shower already?”

“H-hindi pa," naguguluhang sagot nito.

“Well, I guess it’s time for you to take a bath,” sabay tulak niya dito sa swimming pool.

“EEEEE!”

Ngingisi-ngisi siyang tumalikod at naglakad papalayo.

“Blake! Blake ! Tulungan mo ako! Hindi ako marunong lumangoy!”

Tumigil siya at nilingon ang babae. Lulubog lilitaw ito habang kakaway-kaway. Nakataas ang isang kilay na pinagmasdan niya ito. Nakakakutob siyang umaarte lamang ito.

“B-Blake t-tulong! T-tulong!”

Unti-unti siyang kinabahan. Tila totoo ngang nalulunod ang babae.

“B-Blake!”

Unti-unti itong lumubog hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang mga paningin.

“Maya!”

Mabilis niya tinalon ang swimming pool. Sinisid niya ang nakalubog na dalaga. Iniangkla niya ang isang kamay sa beywang nito at kaagad itong iniangat.

“Maya! Maya wake up!” nininerbiyos na sabi niya habang tinatapik-tapik ang pisngi ng walang malay na babae.

“Maya! Wake up!”

Biglang nagmulat ng mga mata si Alex sabay ngiti at belat. “Akala mo maiisahan mo ako ha? Pwes, dalawa tayong maligo ngayon!”

Napanganga si Blake at pansamantalang nablangko. Hindi alam  kung magagalit o matatawa sa biro. Halos sumabog ang dibdib niya sa kaba tapos arte lang pala ang lahat. Nang matauhan ay mahigpit na ipinulupot niya ang kamay sa beywang ng babae. Kinabig niya ito at idinikit sa kanyang katawan pagkuway binigyan niya ito ng mapang-akit na ngiti.

“Okay. No problem let’s take a bath…to-ge-ther.”

Tinitigan niya ng nakakaloko ang dalaga. At napalunok siya nang di inaasahang ginantihan din siya ng mga titig nito nang hindi man lang kumukurap. Kahit nakababad sa tubig, ramdam niya ang unti-unting pagbalot ng init sa kanyang buong katawan. Tinitigan niya ng maigi ang mukha ng babaeng kayakap hanggang sa mapadako ang mga mata niya sa mapupulang mga labi nito.

“M-Maya gusto mo bang bumawi ako sa first kiss mo?”

Hindi sumagot ang dalaga sa halip ay nanatili lamang itong nakatitig sa kanya.

Iniawang niya ang mga labi at dahan-dahang lumapit sa babaeng blangko ang mukha. Wala siyang balak ituloy ang halik subalit kung hindi ito pumalag, hindi niya matitiyak ang susunod na mangyayari dahil sa mga sandaling iyon ay nadadala na rin siya ng sariling biro.

Kasabay ng paglapit ng mga labi ni Blake ay siya namang pagkilos ng isang kamay ni Alex. Dahan-dahan niyang iginapang ang isang kamay paakyat sa balikat ng lalaki....paakyat sa leeg....paakyat sa tenga...paakyat sa ulo. Hinawakan niya ng malakas ang ulo nito at nanggigil na inilubog ang lalaki sa pool. Gigil na gigil at walang habag na idiniin niya ang lalaki sa tubig. Hindi siya tumigil hanggang sa kumakampay-kampay na ito at pilit nagpupumiglas sa malakas niyang pagkakahawak. Ilang minuto muna ang pinalipas niya bago ito bitawan, gusto niyang tiyaking nahirapan nga ito. Pagkabitiw dito’y sisinghap-singhap na nag-angat agad ito ng ulo.

“CRAZY WOMAN! Are you going to kill me!!!?”

“HULING TANONG, HULING SAGOT! Uulitin mo pa ba ang malaswang pagbibiro?” matigas na matigas na pagkakasabi niya habang pinandidilatan ang lalaki.

“H-hindi na…” kinakapos ng hiningang sagot nito.

Continue Reading

You'll Also Like

21.4M 412K 68
[The Walkers Trilogy #1] Simple at tahimik ang pamumuhay ni Kisha Louise Madrigal hanggang sa makilala niya ang ubod ng manyak na bampira na nangngan...
21.7M 362K 54
Aragon Series #3 : Dianneara Aragon is a goddes of beauty.. while Art is a goddes of ocean? huh? ano daw? in short sya ay mermaid.. in tagalog.. isa...
24M 406K 46
This is the second book of ANG ALALAY KONG ASTIG. A continuation of the love story of the most eligible billionaire bachelor Blake Monteverde and the...
5.7K 557 50
Let's say, pumunta ka sa isang 'di kilalang probinsya para puntahan sana ang boyfriend mong ka-LDR mo. Ang effort mo naman! But only realizing later...