Illicit Love

By MissToxotis

253 1 1

WARNING: MATURE CONTENT | RATED 18 "Love conquers all", they say. Is it love when it can possibly destroy wha... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN

CHAPTER TEN

2 0 0
By MissToxotis

ONE WEEK LATER…

PAGKATAPOS NG NANGYARI sa talon, agad akong inayang umuwi ni Kendric. Akala ko nga ay doon na kami magpapalipas ng gabi. Subalit, hindi iyon ang nangyari.

Madilim na nang makarating kami ni Kendric sa mansiyon. Pagkarating na pagkarating namin ay agad kaming sinalubong ng aming mga magulang.

Tinanong kami ng mga ito kung saan kami nanggaling. Ako lamang ang sumagot at sinabing lubos akong nawili sa kapaligiran kaya ngayon lamang sila nakabalik ni Kendric.Bakas naman sa mga mukha nito na nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ko.

Subalit, sa kabilang banda ay napansin ko ang tila pag-iwas at panlalamig ni Kendric. Kanina pa rin itong walang kibo habang lulan kami ng kabayo.

“Halina kayo sa loob para kumain at makapagpahinga na rin kayo.”, saad ni mama.

Tumango lamang ako bilang tugon sa ina. Nauna na rin itong pumasok sa loob ng mansiyon kasama ang ama ni Kendric.

Pumihit paalis si Kendric. Sa tingin ko ay tutungo ito sa kwadra upang pagpahingahin ang kabayo na kanilang ginamit. Kaya ay walang pakundangan at patakbong sinundan ko ang binata.

Naabutan ko itong ipinapasok ang kabayo sa silid nito. Nang pumihit paharap ay ang walang emosyon nitong mukha ang bumungad sa'kin. Lumapit ako sa kinatatayuan nito.

“Why are you being so cold? Maayos naman tayo kanina. Why a sudden changed?”, deretsong nakatingin ako sa mga mata ng binata habang tinatanong ang mga iyon.

“Don’t be too sentimental. What happened to us in the falls was nothing.”, nanuot ang lamig ng tinig nito sa kaibuturan ko.

Ramdam ko ang sakit ng tila pagkawasak ng puso ko ng mga oras na iyon.

----------

ISANG LINGGO na mula ng mangyari iyon. Para akong timang na iniwan doon ng binata. Mula rin nang mangyari iyon, hindi ko na nakita si Kendric. Ang balita ko ay lumuwas ito sa Maynila dahil may importanteng aasikasuhin.

“Senyorita, may ubas pa po dito baka gusto niyo pa.”, si Kathleen, ang labin-limang taong anak ni Mang Jose.

Instead of being bored inside a huge mansion, I decided to roam around the hacienda. Maagang umalis si mama dahil sa appointment nito sa wedding planner para sa kasal nila ni Tito Henry.  Her mother actually tried to convinced her to come along but she hardly refused her offer.

“Thank you, Kathleen.”, nakangiting saad ko dito at kumuha ng ubas sa hawak nitong basket.

Kasalukuyan na nasa ilalim sila ng punong Narra ngayon. Puno ng paghangang pinagmamasdan ko ang kapaligiran maging ang mga magsasaka na patuloy sa pag-ani ng samo’t saring gulay at prutas.

“Senyorita?”, tawag ni Kathleen sa'kin na ikinabaling ko dito.

“Kathleen, Nahli nalang. Naaasiwa ako sa ‘senyorita’e.”

Mula ng magkita kami kanina habang naglalakad siya ay palaging senyorita na ang tawag nito sa'kin. At, kahit agad ko itong sinaway sa pagtawag sa'kin ng ganoon ay hindi pa rin nito magawa.

“Pansensya na po. Pero, pwede po bang “Ate Nahli” nalang ang itawag ko sa inyo?”

“Oo naman, basta wag lang ‘senyorita’, kinikilabutan ako e.”

Natawa kami pareho.

“By the way Kathleen, matagal na ba kayong naninilbihan sa hasyendang ‘to?”

“Opo ate, bakit niyo po natanong?”

“Wala naman.”

Nahihiya akong magtanong dito tungkol sa pamilya ni Kendric.

“Wala po ngayon si Kuya Kendric, di po ba?”, biglang tanong nito habang ngumunguya ng ubas.

“Yes, he’s at Manila.”, sagot ko naman dito habang kumakain din ng ubas.

“Siguro ko po na pagbumalik iyon, kasama niyon si Senyorita Hara.”

Senyorita Hara? Kendric’s girlfriend?

“Girlfriend ba siya ni Kendric?”

“Mapapangasawa po.”

The hell! Hindi nga girlfriend pero mapapangasawa naman! Hayst Nahli, ano ba itong pinasok mo!

“O sina Kuya Kendric, nakabalik na pala siya.”, saad nito habang nakatingin sa may likuran niya.

Nahli, wag kang lilingon!

“Ate, papalapit rito si Kuya.”, sumbong ni Kathleen.

Pagkalipas nga ng isang sigundo ay may humintong kabayo sa gilid ko. Lulan nito ang taong kinasasabikan kong makita.

“Pinapasundo ka ng Mama mo.”, saad ng binata pagkababa ng kabayo.

Hindi ko ito nilingon. Binati ito ni Kathleen, pagkatapos ay nagkumustahan ang dalawa.

“Halika na, malapit na ring mananghalian.”

“Kaya kong umuwing mag-isa.”, walang-kangiti-ngiting sagot ko habang di parin ito hinaharap.

Tila naramdaman ni Kathleen ang tensiyon sa pagitan nina Kendric at Nahli, dali-dali itong nagpaalam sa dalawa at nilisan ang lugar.

Patuloy pa rin sa pagsubo ko ng ubas habang puno ang loob na di inaalintana ang presensiya ni Kendric.

Umupo ang binata sa tabi ko. Mabilis namang tumayo akong mula sa kinauupuan. Subalit, bago pa ako tuluyang makalayo sa lugar na iyon ay pinigilan ako ng binata.

“Get your hands off me.”, asik ko dito.

Kaysa bitawan ako nito ay mas humigpit pa ang kapit nito sa'kin. Matalim ko itong tinitigan.

“Ang sabi ko, bitawan mo ako!”, puno ng lakas na binaklas ko ang hawak nito sa aking braso.

Agad akong pumihit paalis sa lugar na iyon. Hindi ko mapangalanan ang dapat maramdaman. Kung dapat ba akong maging masaya dahil bumalik na ito pagkalipas ng isang linggo o magalit dito dahil sa sinabi nito bago ito umalis o kaya naman ay mainsulto dahil sa kabila ng lahat ay parang wala lang dito ang mga nangyari sa pagitan nila.

Dahil sa samu’t saring iniisip ay hindi ko namalayan na nakasunod sa'kin si Kendric habang mabilis na pinapatakbo ang kabayo. Mabilis ako nitong sinaklop at isinakay sa kabayo habang mabilis ang takbo.

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa nangyari. Mabilis na nagtataas baba ng aking dibdib dahil sa labis na kaba at takot.

Tila nahalata ng binata ang aking takot dahil unit-unti nitong  pinahinto ang kabayo malapit sa puno ng mansanas.

“Are you okay?”, nag-aalalang saad nito habang sinusuri ako.

Hindi ko magawang magsalita dahil sa sobrang takot na aking nararamdaman. Hinawakan ng binata ang aking pisngi at inayos ang pagkakaupo ko sa mga hita nito.

“Hey, Nahli? Baby please, talk to me.”

Hawak pa rin nito ang aking pisngi habang masuyong hinahaplos. Bakas pa rin sa mukha ko ang labis na takot, subalit ng matauhan ay ubod ng lakas kong sinampal ang binata.

Bakas sa mukha ng binata ang gulat dahil sa sampal sa pagsampal ko dito, ngunit hindi ito nagsalita. Puno ng sakit at galit na tinitigan ko ito.

“Don’t you ever dare come close to me again.”, saad ko habang tumutulo ang luha.

Mabilis na umalis ako sa ibabaw ng kabayo at patakbong tinungo ang daan papuntang mansiyon.

JERK!

MissToxotis| RATED 18
Enjoy Reading! ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 294K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
17.5K 857 37
Dakota winces at the pain but let's him clean up the wound. Hank puts a small thing of ice in a ziplock bag, wrapping the wet cloth around it. He app...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...