Be My Endgame

By Miss_Terious02

10.8K 264 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... More

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 30

259 6 0
By Miss_Terious02

Enjoy reading!

Kinabukasan, maaga pa lang ay ginising na ako ni Mama. Halata talagang excited sila na ipakikilala ako sa kanilang mga staff.

"Maligo ka na at magbihis dahil sabay na tayo ng Papa ko kakain sa baba." Wika ni Mama.

"Sige po, Ma." Turan ko at tuluyan ng bumangon at inayos ang higaan ko.

Pagkatapos ay agad na akong pumunta sa damitan ko upang maghanap ng pwede kong suotin ngayong araw. Nang matapos ay naglakad na ako patungo sa banyo.

Hindi ako sanay makihalubilo sa ibang tao dahil hindi ko alam kung paano ko ba sila kakausapin. Kaya minsan ay pinipili ko na lang na mag-isa o 'di kaya ay magbasa na lang ng mga libro. Ngunit nang mag college ako ay sinusubukan ko rin namang makipag kaibigan at pumunta sa mga party o iyong sa maraming tao. Ngunit hindi rin naman ako makatagal.

Kaya kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko alam kung paano ba ako makikisama sa mga empleyado ng mga magulang ko.

Nang matapos akong maligo ay agad na akong nagbihis at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto.

Nang makarating ako sa kusina ay nadatnan ko roon si Mama at Papa na abala sa paglalatag ng mga plato sa mesa. Nang makita nila ako ay agad silang ngumiti sa akin.

"Good morning po, Mama, Papa." Pagbati ko sa kanila.

"Good morning din, Ki. Maupo ka na at kakain na tayo." Turan ni Mama. Tumango lang ako at agad ng umupo sa katabi niyang upuan.

"Ready ka na ba mamaya?" Tanong ni Papa habang kumakain kami.

"Opo. Pero, Pa pwede po ba sa mababang pwesto po muna ako? At kung pwede po huwag niyo na po ako ipakilala sa mga staff." Wika ko.

Agad silang nagkatinginan at para bang pinag-iisipan pa ang sinabi ko.

Ayokong magkaroon ng special treatment sa sarili naming negosyo. Alam kong anak ako ng may-ari ngunit gusto ko rin maranasan maging isang simpleng empleyado muna dahil wala rin naman akong karanasan pa pagdating sa pagnenegosyo.

"Are you sure, Anak?" Tanong ni Papa.

"Opo, Pa." Nakangiti kong sabi.

"Pero, Ki, ikaw rin naman ang magmamana ng negosyo natin. Bakit kailangan pang nasa mababang pwesto ka?" Wika ni Mama na halatang hindi sang-ayon sa sa gusto ko.

"Hayaan mo na ang anak natin. Iyan ang gusto niya." Turan ni Papa. At sa huli ay wala ring naggawa si Mama kung hindi ang sumang-ayon sa kagustuhan ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad na rin kaming nag-asikaso ng mga gamit namin at sabay-sabay na umalis ng bahay.

Ilang taon na rin akong hindi nakakapunta sa opisina nina Papa at Mama. Hindi rin naman kalayuan ito sa bahay namin ngunit hindi naman nila ako sinasama noon.

Sa halos kalahating oras na biyahe namin ay huminto ang sinasakyan naming kotse sa dalawang palapag na gusali. Ito ang pinaka main ng grocery store. Dito dinadala lahat ng mga products na ide-deliver sa mga braches ng grocery store namin.

Nang lumabas ng kotse si Mama at Papa ay agad na rin akong lumabas. Nauuna silang maglakad at nakasunod lang ako sa kanila.

"Good morning po, Ma'am and Sir." Pagbati ng security guard kila Mama at Papa. At halatang nagulat pa siya nang makita akong nakasunod.

"Good morning po." Mahina kong pagbati.

"Good morning din po, Ma'am." Turan niya. Ngumiti lang ako at nagpatuloy na muli sa paglalakad.

Lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa akin at napapayuko na lang ako dahil hindi ako sanay na tinitingnan nang maraming tao.

Napahinto lang ako sa paglalakad nang may kinausap si Papa na isang lalaki. Tumango naman ang kausap niya at tiningnan ako saglit bago umalis sa harapan namin.

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa opisina nina Mama at Papa. Hindi man ganoon kalawak ang opisina nila ngunit malinis at organisado sa loob.

"Ki, okay lang ba sa 'yo na ilagay kita sa Quality Control?" Tanong ni Papa nang umupo siya sa kaniyang upuan.

"Yes po, Pa. Walang problema po 'yon sa 'kin." Sagot ko.

"Sigurado ka ba, Anak?" Nag-aalalang tanong ni Mama.

"Yes, Ma." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.

Nahinto lang ang pag-uusap namin nang may kumatok sa pinto at pumasok ang isang lalaki kanina na kausap ni Papa.

"Pasensiya na po sa istorbo. Okay na po, Sir." Wika ng lalaki.

"Okay. Salamat, Oliver." Pagkatapos sabihin ni Papa iyon ay agad na rin siyang lumabas.

"Let's go? Ipapakilala na kita sa mga kasamahan mo sa trabaho." Wika ni Papa at agad na tumayo. Nauna silang maglakad ni Mama habang nakasunod ako sa kanila.

Bumaba muli kami sa ground floor at tumungo kami sa isang pintuan. Binuksan iyon ni Papa at tumambad sa amin ang mga nagtataasang mga karton ng iba't ibang produkto.

Abala ang lahat sa pag check ng mga products nang pumasok kami.

"Oliver, ito pala si Kiera. Bunsong anak namin. Ikaw na ang bahala sa kaniya rito." Wika ni Papa sa lalaking nagngangalang Oliver.

"Okay po, Sir." Turan ni Oliver at tuminysa akin at ngumiti.

"Good luck sa unang araw mo, Ki. Iiwan na kita kay Oliver at siya na ang magtuturo sa 'yo sa mga gagawin dito." Sabi ni Papa.

"Thank you po, Pa." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.

"Good luck, Anak. I-enjoy mo lang ang pagtatrabaho mo rito." Wika ni Mama at niyakap ako.

"Sige na. Oliver, ikaw na ang bahala." Sabi ni Papa at sabay silang naglakad ni Mama palabas.

"Ready na po ba kayo, Ma'am?" Biglang tanong ni Oliver.

"Huwag niyo na po akong tawaging Ma'am. Kiera na lang po." Turan ko.

"Baka po magalit sina Sir at Ma'am." Sagot niya.

"Huwag po kayo mag-alala. Ako na po ang bahala kapag pinagalitan po kayo." Turan ko at ngumiti sa kaniya na ikinangiti rin niya.

"Sige. Ito nga pala ang susuotin mo bago kita turuan sa mga gagawin mo rito." Sabi niya at iniabot sa akin ang isang apron, hairnet, plastic gloves at facemask.

Agad ko namang iniabot iyon at isa isang isinuot.

"Ilalagay kita sa mga bread products. Titingnan mo lang kung kailan ang expiration at kung may mali ba sa pagkakagawa nila." Pagpapaliwanag niya habang patungo kami sa mga tinapay. Tanging tango lang ang sinasagot ko sa mga sinasabi niya.

"Nicole, ito nga pala si Kiera. Bunsong anak ni Sir Fredrick at ni Ma'am Karen." Pagpapakilala ni Oliver sa akin.

"Hello po. Magandang umaga po." Pagbati ko sa kaniya.

"Magandang umaga rin po, Ma'am Kiera. Ang ganda niyo po." Nakangiti niyang sabi at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Salamat po." Nahihiya kong sabi.

"Nics, ikaw na ang bahala kay Kiera. Kapag may kailangan kayo ay tawagin niyo lang ako." Wika ni Oliver. Tumango naman si Nicole.

"Sige po, Sir. Ako na po ang bahala kay Ma'am Kiera." Nakangiting sabi ni Nicole.

Agad na ring nagpaalam si Oliver dahil meron pa siyang trabaho na gagawin kaya naiwan kaming dalawa ni Nicole.

"Ma'am Kiera, dito po tayo." Tawag niya sa akin.

"Pwede po bang huwag niyo na lang po akong tawaging Ma'am? Kiera na lang po." Sabi ko na ikinahinto niya.

"Sigurado ka ba? Baka mapagalitan ako ni Sir Oliver at ng mga magulang mo. Ayokong matanggal sa trabaho." Natatakot niyang sabi na ikinangiti ko.

"Huwag po kayong mag-alala ako ja po ang bahal sa kanila. Hindi lang po ako sanay na tawagin ng ganiyan," turan ko.

Agad siyang ngumiti sa akin. "Alam ko na mabuting tao sina Sir Fredrick at Ma'am Karen dahil maayos ang pagpapalaki niya sa 'yo."

"Thank you po, Ate Nicole." Sabi koat ngumiti lang siya sa akin.

Pagkatapos nang pag-uusap naming iyon ay tinuturuan niya na ako sa mga dapat at bawal kong gawin.

Masaya siya kasama dahil minsan ay nagpapatawa siya kaya hindi rin naging boring ang unang araw ko sa pagtatrabaho.

At pagsapit nang tanghali ay kaniya-kaniya silang punta sa maliit na canteen.

"Kiera, saan ka kakain?" Tanong ni Ate Nicole.

"Sa opisina na lang po ni Papa." Sagot ko habang tinatanggal ang suot kong apron.

"Sige. Kita na lang ulit tayo mamaya." Paalam niya at nauna ng lumabas. Nang matapos akong magtanggal ng apron ay agad na rin akong naglakad palabas upang tumungo sa opisina ni Papa.

At saktong pagdating ko sa opisina ay nadatnan ko roon silang dalawa na abala sa palagay ng pagkain sa maliit na mesa.

"Ki, tara na at kumain." Sabi ni Mama nang makita akong pumasok ng pinto.

"Kumusta ang unang araw?" Tanong ni Papa.

"Okay naman po. Masaya." Sagot ko at ngumiti sa kanila.

"Mukha ngang nag-e-enjoy ka, Anak." Sabi ni Mama at binigyan ako ng pagkain.

At dahil gutom na rin ako ay agad akong umupo at sinimulan na ang pagkain. Nakita ko ang pagngiti nina Mama at Papa habang nakatingin sa akin.

At dahil isang oras lang ang lunch break namin ay saglit lang akong nagpahinga sa opisina ni Papa. At bago mag ala-una ay nakabalik na ako sa trabaho at nadatnan ko roon si Ate Nicole na nakaupo. Napatingin siya sa akin nang makita niya ako.

"Ang aga mo naman bumalik. Dapat ay nagpahinga ka muna." Wika niya.

"Ilang minuto na lang ay ala-una na, Ate Nicole. Sayang ang oras." Sagot ko.

"Grabe, ibang iba ka talaga. Kapag ako anak ng may-ari ay kahit anong oras ko na lang gusto mag trabaho." Wika niya na ikinangiti ko na lang.

Nang sumapit ang saktong ala-una nang hapon ay agad na kaming nagsuot ng muli ng dapat suotin.

Medyo mabagal pa rin ako sa trabaho at minsan ay may itinatanong pa kay Ate Nicole na hindi ko alam. Unang araw ko pa lang naman kaya normal lang na mabagal. At kapag nagtagal ay sigurado ako matututunan ko rin lahat.

Ilang oras din kami sa ganoong ginagawa at nang oras na nang uwian ay kaniya-kaniya muling ayos ng mga sarili.

"Ate Nicole, salamat ulit." Wika ko.

"Wala 'yon. Mabilis ka naman turuan. Bukas ulit, Kiera. Ingat kayo pauwi." Paalam niya at naglakad palabas.

Nang matapos kong ligpitin ang mga gamit ko ay agad na rin akong naglakad palabas ng warehouse. Ngunit bago pa man ako makaakyat ng hagdan ay narinig ko pagtunog ng selpon ko kaya agad kong tiningnan kung sino ang nag text sa akin.

From: Mama

Nandito na kami sa parking lot.

Pagkatapos kong mabasa iyon ay agad akong bumalik at tinungo ang exit.

"Bye po, Ma'am. Ingat po kayo." Magalang na sabi ng security guard kaya ngumiti ako sa kaniya.

At nang makarating ako sa parking lot ay agad kong tinungo ang kotse ni Papa na nakahinto hindi kalayuan. Mahina kong kinatok ang kotse at binuksan ang back seat.

"Hi, Ma, Pa." Bati ko sa kanila. Tanging ngiti lang ang isinagot nila sa akin. Hindi ko alam pero naninibago ako sa kanila. Parang okay pa naman kami kanina habang kumakain ng tanghalian?

Kahit nagtataka ay hindi na rin ako umimik pa. Kaya habang bumabiyahe ay para akong mabibingi sa katahimikan sa loob ng kotse.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi pa rin sila nagsasalita. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang makita ang kotse ni Kuya Edward at ni Jack Jendrick sa garahe.

Kunot noo akong naglakad papasok sa loob ng bahay at napahinto ako nang madatnan ko roon si Kuya Edward kasama si Caila habang kalong ang anak nila. Habang sa kabilang upuan ay naroon si Jack Jendrick at diretsong nakatingin sa akin.

"Magandang hapon po, Tita at Tito." Bigla niyang sabi at agad na tumayo at lumapit kay Mama at Papa at nagmano.

"Maupo ka, Jack. Ikaw rin, Kiera." Wika ni Papa.

Kahit may kaba na sa dibdib ko ay sinunod ko ang sabi ni Papa. Umupo ako sa tabi ni Mama na nakaharap kay Jack Jendrick. Nakita ko ang paghinga nang malalim ni Jack Jendrick bago tumingin sa akin at pagkatapos ay kay Papa at Mama.

Ano ba talaga ang nangyayari? Anong ibig sabihin nito? Naguguluhan ako at kinakabahan sa maaaring sabihin niya at ng mga magulang ko.

••••

Thank you so much for reading!

Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

3.2K 1.4K 43
🔹Action, Rom-Com, Drama, Young Adult🔹 "You can fool me by your mask, but not my heart." SERIES 2: Meet Suzy Raine Hernandez, a simple girl with a s...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
199K 3.1K 28
Si Grayson Pritzker ay may ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa. Kaya naisipan niyang maghanap ng kasambaha...