Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

192K 3.6K 2K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 36

4.5K 84 61
By kemekemelee

Missed

It was exhausting to exist and be judged all the time. For my looks, personality, the career I chose, and the clothes I wore, even for the choice of words I always use when I was supposed to act more professionally and femininely. I was used to shaking off and ignoring their criticism, but it all accumulated over time, and now I have reached the point where I am tired.

Pagod na ako.

I want to put an end to the relentless struggle of working twice or thrice as hard just to earn the respect that should be inherently mine! Pagod na akong makipaglaban para lang tratuhin nila akong tao, kahit hindi na kadugo.

All I want is to be treated as a human, for I’ve almost forgotten how it feels to be seen as such.

Mula sa sarili kong pamilya na hindi ako tinuring na anak. Hanggang sa kapatid ko na nakita lang ako bilang bagay na gagamitin niya para sa pag-ahon. Idagdag pa sa trabaho ko na para akong sakit na pinandidirian ng lahat dahil lang sa nakaraan ko. Pagod na pagod na ako at gusto ko na lang na patayin ang sarili ko.

But I’ve been fighting all my demons, trying to keep my shit together so my daughter won’t sit by my grave asking herself what went wrong.

“Hindi ba natin pwedeng pag-usapan pa ito? Darlene, kapatid mo pa rin naman siya!” pakiusap ni Mommy sa akin.

Nanatili akong tahimik. Palubog na ang araw at nalaman kong parating na rin ang mga pulis dito para hulihin si Kuya Adam at Ate Celine.

“You want something to drink?” Kuya Caleb asked me. He gently rubbed my back and smiled weakly.

Marahan kong niyakap ang sarili ko at umiling. Ramdam ko pa rin ang matalim na titig sa akin ni Mommy dahil hindi ko pinansin ang sinabi niya.

“Darlene, hindi mo ba ako naririnig?!”

I flinched. “Naririnig ko po kayo.”

“Maybe we can still talk about this. Adam is your brother, and I’m confident there’s a space in your heart to forgive him,” pagsusumamo pa niya.

“Naririnig niyo po ba ang sarili niyo?! Hindi basta basta ang ginawa sa akin ni Kuya! Sinira niya ang buhay ko. Tinanggalan niya ako ng karapatan na buuin ang pamilya ko tapos sasabihin niyo na may lugar pa sa puso ko para patawarin siya? Bakit? Nagkaroon ba ako ng lugar sa puso niya bago niya isipin ang ginawa niya sa akin?!”

I can’t believe her! Nakalahad na nga ang lahat ng ginawa sa akin ni Kuya pero pinagtatanggol niya pa rin?! Paano naman ako?! Anak niya rin naman ako! Ako ang kawawa dito!

“For fuck’s sake that was six years ago! We all make mistakes. You have to move on!”

“You have no right to tell me to forget it and move on!” I shouted angrily.

“You’re being dramatic. Ano bang ginawa ni Adam sa’yo sa nakalipas na anim na taon? Siya ang kumupkop at nag-alaga sa’yo. Mahal ka ng Kuya mo kaya patawarin mo na siya at mag-move forward ka na.”

Pumikit ako dahil ramdam ko na naman ang pamumuo ng luha ko. Bakit kailangan ko palagi na magparaya? Na umintindi? Na magbigay? Bakit lagi na lang ako?

“Maawa ka kay Adam at lalo na sa pamilya niya na sinira mo dahil lang sa kaartehan mo!”

Dumilat ako at matalim ko siyang tinitigan. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko na agad kong pinadapo sa malapit na vase. Buong lakas ko iyong tinulak at nakita ko ang pagkalaglag nito.

Napatalon silang lahat dahil sa tunog na idinulot ng pagkalaglag ng vase. Hindi ko na alam kung saan ko pa ibubunton ang galit na matagal ko nang inalagaan sa puso ko.

“Shut up! You don’t get to tell me to move on! Ang dali lang kasi magsabi sa inyo dahil wala naman kayo sa posisyon ko. Hindi kayo ang nasira sa pagkarami-raming tao! Hindi kayo yung nawalan! Hindi kayo yung pinandidirian pa rin ng mga tao hanggang ngayon!”

I inhaled sharply. “Oo, anim na taon na iyon pero hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako! Nasasaktan pa rin ako para sa anak ko na napalayo kay Simon. Nasasaktan pa rin ako sa mga pangarap namin ni Simon na sinira niyo! Masakit na masakit pa rin kaya wala kayong karapatan na manduhan ako na patawarin siya!”

“God, six years is long enough for you to move on. Ilang taon pa ba ang kailangan mo, Darlene? Isang dekada?!” sagot naman sa akin ni Mommy.

“Tangina!” sigaw ko. Buong lakas kong hinampas yung lamesa at walang habas kong itinulak ang lahat ng plato doon.

“You ungrateful wench! Magaling ka lang talagang ma—”

“Anong akala niyo sa pagmo-move on?! Band aid na kapag itinapal ko okay na?! Magaling na?! Naghilom na agad ang sugat?!” galit na galit kong sigaw.

“Uubusin mo ba ang mga gamit dito sa bahay?!”

I sobbed harder. “Tama na. Ayoko na. Pagod na pagod na talaga ako. Awat na.”

“Common sense na lang po. Sinaktan niya po ako! Ako ang biktima dito. Ako ang kawawa pero bakit lagi niyo na lang pinaparamdam sa akin na ako ang kontrabida?!” sunod-sunod ko pang hikbi.

“Valid ang feelings ko! I am a human, just in case nakalimutan niyo na.” Buong lakas kong tinapik ang dibdib ko. “Nasasaktan din ako. Nadudurog din ako. Hindi po ako bato.”

I covered my face with both of my hands. Hindi ko na rin namalayan na hinila ako ni Kuya Caleb para yakapin. Iyak lang ako nang iyak habang hinahaplos niya ang buhok ko.

The pain overwhelms me, making it difficult to catch my breath, while the taste of salt and tears fills my mouth. Hinahapo na ako dahil sa kanina ko pang pag-iyak kaya kinailangan ko pang hampasin ulit ang dibdib ko.

“Papa, saan po kayo pupunta?” Odette’s soft voice filled my ears.

Nag-angat ako ng tingin sa dalawang bata na ngayon ay kuryoso nang nakatingin kay Ate Celine at Kuya Adam. Hindi sila nagsalita at mabilis nilang niyakap ang dalawa.

“Ano naman pong hapunan natin ngayon?” tanong naman ni Primo.

Kuya Adam cried harder. Mula rito ay kita ko ang pagkibot ng labi niya habang sinusubukan niyang magsalita.

“Mahal na mahal ko kayo mga anak,” sabi ni Kuya Adam.

Ate Celine covered her mouth. Hindi na rin niya magawang makapagsalita dahil sa pag-iyak. Habang pinapanood ko sila ay para rin akong dinudurog. Mahal na mahal ng dalawang bata si Kuya Adam at Ate Celine.

“Bakit po kayo umiiyak? Nag-away na naman po ba ulit kayo?” tanong ulit ni Odette.

Suminghap ako dahil sa pamumuo ulit ng luha ko. Parang mas nadurog ang puso ko sa tanong ni Odette. Nasasaktan ako para sa kanila na walang alam sa ginawa ng magulang nila.

“Basta palagi niyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo,” sabi ni Ate Celine bago siya lumuhod para yakapin ang dalawa.

Namumula na ang mata ni Kuya Adam nang dumako ang tingin niya sa akin. He mouthed “I’m really sorry” pero hindi ako sumagot. Tinabihan ako ni Kuya Caleb nang makita niya iyon.

“Are you leaving?” Primo asked them.

Before they can answer Primo’s question, we already heard the sound of the police mobile. Kumunot naman ang noo ng dalawa nang makita nila ang dami ng pulis na nakapalibot sa bahay.

“Saan niyo po sila dadalhin?” naiiyak na tanong ni Odette.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko habang pinapanood kong pinoposasan si Kuya Adam at Ate Celine. Ilang saglit lang ay humagulgol nang malakas si Odette. Si Primo naman ay naestatwa sa kinatatayuan niya.

“Please, don’t take my parents away. Mabait po sila at hindi po sila masamang tao!” Odette cried out loud.

Hinila ni Odette ang braso ng isang pulis at hinampas niya iyon.

“Bad kayo! Bad kayong lahat! Kinukuha niyo sa amin sila Papa!” sigaw niya.

Agad kong tinakbo ang distansya namin para mayakap ko si Odette. Nagpumiglas siya sa akin habang umiiyak siya.

“Papa! Mama! Huwag niyo po kaming iiwan ni Primo!” she shouted.

Kuya Adam cried. “I love you, kids. Patawarin niyo kami.”

“No, you can’t say sorry. Please, huwag niyo po kaming iiwan!” Odette replied.

Si Ate Celine naman ay nanlaban kaya tumakbo siya papunta sa pwesto ko. May posas na ang mga kamay niya kaya niyakap siya ng dalawang bata. Si Kuya Adam din ay pinakawalan para makalapit sa kanila.

Habang ako naman ay inugat na sa pwesto ko. Unti-unting dinudurog habang pinagmamasdan ko ang pamilyang sinamahan ko sa nakalipas na anim na taon na ngayon ay nagkakahiwalay na.

“Saglit lang ito pero pangako ko sa inyo na babalik kami ng Papa, okay? Magbabakasyon lang kami nang matagal,” sambit ni Ate Celine.

“For how long?” Odette asked weakly.

Kuya Adam smiled. “Secret, para surprise!”

Humalakhak pa si Kuya Adam kahit may mga luha na sa mata niya. Si Primo naman ay niyakap ang kapatid. Hindi na siya nagsalita simula pa kanina pero kita ko ang pamumula ng mata niya.

“Is that a promise?”

Ate Celine nodded. “Pangako, anak.”

Muli pa silang nagyakapan bago sila hilain ng mga pulis. Iyak pa rin nang iyak si Odette habang kumakaway siya sa magulang nila.

Nanatili lang akong nakatayo doon hanggang sa tuluyan nang mawala ang sasakyan sa paningin ko. Napaigik ako nang maramdaman ko ang palad na dumapo sa pisngi ko. Agad akong lumingon at nakita ko si Mommy na umiiyak.

“Look at what you’ve done! Sana masaya ka na na nakaganti ka na. Sana masaya ka na may pamilya kang sinira!” sigaw niya sa akin.

“Hindi naman po ginusto ni Darlene ang nangyari!” sagot naman ni Kuya Caleb.

Yumuko ako para mapantayan ang dalawang bata. Marahan kong pinunasan ang mga luha nila.

“Tita will take care of you,” I assured them.

But to my surprise, Odette pushed me so hard.

“I hate you, Tita Darlene! I hate you so much, and I don’t want to see you again!” sigaw niya.

Nilingon ko si Primo pero umiling din siya.

“Odette, let’s go.” He urged his sister.

Am I really meant... to be the villain? To always be the bad person when all I ever wanted was to be understood?

Hindi ko na kasi maintindihan kung bakit laging ganito ang nangyayari sa buhay ko. Sinusubukan ko naman na gawin ang tama pero bakit laging ganito ang resulta? Ako pa rin ang mali sa paningin ng lahat kahit ano pang gawin ko.

“Kuya, pagod na ako.” I admitted.

“Pahinga ka na muna. Dito ka ba muna o uuwi ka na?” he softly asked.

“Sa Cavite na. Hinihintay na ako ni Sol for sure.”

Kuya tousled my hair. “Hatid na kita.”

Pumayag na lang ako sa gusto ni Kuya. Hindi ko rin kasi alam kung kaya ko pang magmaneho sa ganitong estado. Pagod na pagod na ako at gusto ko na lang na magpahinga. This day is just so... mentally draining. I don’t even have the energy for later.

“Sol... anak ko...” Agad akong humagulgol nang salubungin ako ni Sol. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko habang nakayakap siya sa akin.

“Are you okay? Who made you cry?” she softly asked.

I sobbed harder. “I... am just tired. I just want you to hug me, baby. Is that okay?”

“I love you always, mommy.”

“Mas mahal kita, Sol. Mahal na mahal.”

The next few weeks were more exhausting. I had to undergo interrogations and trials until my brother and his wife were found guilty.

Mas delikado pa pala ang Bliss kaysa sa inaakala ko. A single intake of that drug can totally change a person. May mga halo iyong mga kemikal na masyadong delikado para sa isang tao. Sa tuwing maiisip ko pa lang na dumaloy iyon sa dugo ko habang buntis ako, hindi ko maiwasang magngitngit sa galit.

Hindi sana naging sakitin si Sol. May mga bagay sana ako na hindi ko nagawa na makakasira sa amin ni Simon. Siguro ngayon ay kasal na kami ni Simon at naayos namin ang problema namin noon. Pero wala na akong magagawa sa mga bagay na nangyari na. Mahirap tanggapin pero kailangan ko.

Almost a week before Sol’s birthday. Hindi ko pa rin nakakausap si Simon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang lahat.

Bahala na nga! Nangako ako sa anak ko at hindi pwedeng hindi ko tuparin iyon. Kahit pa lumuha ako ng dugo o lumuhod sa harap ni Simon ay gagawin ko. Isang araw lang ang hihilingin ko sa kaniya.

“Zero, salamat nga pala.”

Tumango siya bago niya tinapik ang balikat ko.

“Hindi namin alam na gano’n pala kahirap ang dinanas mo, and this is the least thing that we can do for you. Sana nakatulong kahit papaano,” sinserong sagot niya.

I wiped my own tears. “Sobrang laki ng naitulong niyo. You made me hope again... na baka pwede pa kami ni Simon... na baka may pag-asa pa si Sol na makasama ang ama niya.”

Huminto kami sa tapat ng elevator. Ito yung diretso na agad sa penthouse ng condominium na tinitirhan ni Simon. Sinamahan ako ni Zero ngayon dahil may pasok pa si Euphony.

“Sasabihin mo na ang lahat sa kaniya? But you need to know this first,” sabi ni Zero.

“A-ano iyon?”

He scratched the back of his head. I raised my brow and urged him to continue. Ilang saglit lang ay bumuga siya ng hangin bago siya nagsalita.

“Simon has lost hearing in one of his ears.”

Kumunot ang noo ko. “Ano?!”

“Hindi ako nagbibiro, Darlene. Hindi na makarinig yung kaliwang tenga ni Simon. Kaya kailangan mo pa siyang lapitan bago niya marinig nang maayos ang sasabihin mo.”

Para akong naestatwa sa narinig ko. Bumalik sa alaala ko ang usapan namin sa rooftop. Kung bakit lumapit siya sa akin para lang kausapin ako at para marinig ang mga sagot ko.

“Like you... he suffered also. He did everything to distract himself from his own thoughts, and it led to him losing his hearing in his left ear,” pahayag pa niya.

“Z-zero... paanong nangyari?”

He tapped my shoulder. “Kayo na lang ni Simon ang mag-usap. Ayusin niyo na iyan dahil alam ko naman na mahal niyo pa ang isa’t isa at ngayon na ang tamang oras para magbalikan kayo.”

“S-salamat talaga.”

“No problem! You deserve it. Ang tagal niyo nang dalawa na nag-suffer kaya deserve niyo ito,” he assured me.

Pinunasan ko naman ang mga luhang namuo sa mata ko. Sabay pa kaming nagkatinginan ni Zero bago kami parehas na natawa. Bihira lang kasi kami mag-usap ng ganito kaya alam kong parehas kaming naninibago dahil madalas kaming mag-away.

Suminghap agad ako nang bumukas ang elevator. Patunay na nakarating na kami dito sa penthouse ni Simon. Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko habang si Zero ay dire-diretsong naglakad papasok.

“Yo, Simon my friend!” natatawang bati ni Zero kay Simon na mukhang kagigising lang.

Nadatnan pa namin siya na nagsusuot ng puting sando. Habang ako naman ay nanatili lang sa elevator dahil hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko.

“What do you want?” tanong ni Simon bago ito kumagat ng toasted bread.

Mukhang hindi pa niya napansin ang presensya ko kaya nanatili pa rin ako sa pwesto ko habang pinapanood ko sila.

“May bisita ka nga pala.” Ngumuso si Zero sa pwesto ko at nakita ko ang pagkagulat ni Simon. Nakagat pa niya yung hangin dahil akala niya may hawak pa siyang toasted bread.

Gusto kong matawa sa nakita ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Tumikhim ako at kumaway sa kaniya. Nakita ko namang inayos niya ang sarili niya.

“Darlene...” marahan niyang sambit.

“Usap tayo,” sagot ko.

Nagpalipat-lipat sa aming dalawa ang tingin ni Zero bago niya kami tinanguan.

“Maiwan ko na kayo. Hinatid ko lang talaga si Darlene dito,” sagot niya bago niya kami kinindatan.

Pinagmasdan ko muna si Zero na pumunta doon sa private elevator landing. Ngumisi siya bago nagsara iyon. Ilang segundo akong nakatitig doon bago ko hinarap si Simon na ngayon ay parang nauubusan din ng sasabihin.

Nilibot ko naman ang tingin ko sa penthouse na tinitirhan ni Simon ngayon. Nagsusumigaw sa bawat muwebles at mga gamit dito kung gaano na siya kayaman ngayon. Maraming nakasabit na vinyl records tulad ng condo niya noon. Ang pader ay kulay dark gray, hanggang sa racks, tables, at pati na rin sa mga lamp. Hindi ko rin maiwasang mamangha lalo na sa collection niya ng vinyl records.

“You live here alone?” I asked him.

He nodded abruptly. “Yeah, but I am out of the country most of the time.”

Dumako ang tingin ko sa mukha niya at agad kong napansin ang kaliwang tenga niya. Mukha namang normal iyon kung hindi ko lang sana nalaman na hindi na pala siya nakakarinig doon.

“May oras ka ba ngayon? Can we talk?”

“I heard about what happened to your brother. Are you okay?” bigla niyang tanong.

“A-ayos lang ako.”

Napalunok ako. Laman ng balita iyon kaya hindi na rin ako nagtaka na nalaman ni Simon ang tungkol sa nangyari kay Kuya Adam.

“Kumain ka na ba? May gusto ka bang inumin?”

Umiling ako. “Ayos lang ako. Gusto lang talaga kita kausapin ngayon kung free ka.”

“I am free...” he said like it has an underlying meaning.

Sumunod ako sa kaniya bago kami naupo sa isang couch. May katapat iyon na couch pero pinili kong umupo sa tabi niya. Para mas marinig niya ang sasabihin ko.

“I honestly don’t know where to start,” I chuckled nervously.

He remained silent. Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya bago niya ako nilingon.

“Tungkol saan ba?” he asked.

“About that night... six years ago...” napapaos kong sagot.

Nakita ko ang pagtagis ng panga niya pero hindi siya umimik. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako nagpatuloy.

“I was drugged that night... by my brother... at hindi ko agad nalaman iyon.”

“H-hindi ko alam na wala pala ako sa sarili ko noong mga gabi na iyon kaya... kaya... kaya ko nagawa iyon...” Napahikbi ako. “At hanggang ngayon kinakain pa rin ako ng konsensya ko dahil sa ginawa ko.”

Simon let out a low growl. “He did what?!”

“N-nagsisimula pa lang si Kuya na i-develop ang Bliss noon. H-he used me as his test subject...” pag-amin ko pa.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamao ni Simon na ngayon ay nakakuyom na.

I swallowed harder. “And that time... hindi ko rin alam na buntis ako.”

“Tangina,” rinig kong mura ni Simon.

“K-kaya naapektuhan yung anak natin... naging sakitin siya dahil sa drugs na nainom ko habang buntis ako...” I sobbed.

“Anak natin?” tanong niya sa mababang boses.

Naiiyak akong tumango. Humarap siya sa akin at nakita ko ang galit at lungkot sa mga mata niya.

“May anak tayo, Darlene?” pag-uulit pa niya.

“M-meron.”

Simon inhaled sharply. Agad kong napansin ang pamumuo ng luha sa mata niya pero pansin na pansin pa rin ang pagiging kalmado niya sa kabila ng mga narinig niya.

“That night... noong pinuntahan kita... alam mo na bang buntis ka?” nahihirapan niyang tanong.

Hindi ako agad nakasagot.

“Darlene, alam mo na ba?!” Halos mapatalon ako sa bigat ng boses niya.

“O-oo, alam ko na.”

“B-bakit hindi mo sinabi sa akin?” paiyak niyang tanong.

“D-dahil ayaw kong masira ang career mo... dahil lang sa amin ng anak mo... nag-uumpisa ka pa lang at ayaw na kitang dalhin pa paibaba...”

Yumuko si Simon at halos sabunutan ang buhok niya dahil sa sagot ko.

“Tangina, alam mo namang mahal kita! Kaya kong isuko ang lahat para sa’yo. Anim na taon iyon?! Anim na taon!”

Humikbi ako. “Sa tingin mo ba kaya kong makita iyon?! Na mawala ang lahat sa’yo dahil lang sa akin?! Alam kong mahal mo ang ginagawa mo at ayaw kong tangayin sa’yo iyon!”

“Bullshit!” sagot niya. “Kailan ba naging mas mahalaga ang career ko?! It’s you over anything, Darlene! At kung nalaman ko lang na may anak tayo noon, kayang-kaya kong talikuran ang lahat ng nasimulan ko para sa tahimik na buhay kasama kayo!”

“P-pero paano ko magagawa kung tinanggalan mo na agad ako ng karapatan sa anak natin?” dagdag pa niya na mas lalong nakapagpadurog sa akin.

“Tingnan mo naman ang sarili mo... successful ka na... mayaman ka na... sikat na sikat ka na. Kahit papaano ay worth it naman ang lahat ng iyon,” nanginginig kong sagot.

“Darlene...” hikbi ni Simon.

“Alam ko naman na selfish na desisyon iyon kaya pasensya ka na, Simon. Pasensya na sa ginawa ko. Sa mga panahon na iyon ang naisip ko lang talaga ay lumayo sa’yo dahil kamalasan lang naman ang hatid ko sa inyo.”

“Bakit ba ganiyan ang tingin mo sa sarili mo?” tanong niya.

“I only know how to ruin things, Simon. That’s where I’m good at. That’s why I understand if people are having a hard time understanding me... loving me... because no matter what I do, I will always be a villain in their eyes.”

“That’s not true,” Simon said. He closed the distance between us and gently cupped my cheek.

My skin immediately reacted to his touch. I couldn’t help but close my eyes as I felt his hand softly brushing against my cheek. Like a feather—soft and gentle.

“Loving you was the easiest thing I’ve done in my life. It felt natural... like breathing... blinking my eyes... like it’s always been a part of me...”

Agad na kumawala ang mga luha ko sa mata. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi ko pero sa lambot ng boses ni Simon pakiramdam ko sinasamba niya na ako ngayon.

“S-sorry...” I sobbed again.

“Tell me about the things I missed.”

Simon pulled me for a hug. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya pabalik.

“A-anong pangalan niya?” tanong ni Simon.

“Solstice,” I answered.

“She’s just like you. Magaling kumanta at marunong mag-piano. A female version of you,” dagdag ko pa.

Nanatili pa ring nakayakap sa akin si Simon. Ramdam ko ang panginginig ng balikat niya kaya sigurado akong umiiyak din siya ngayon.

“M-more...” he requested.

“Sumasayaw rin siya. Big fan of Barbie. She loves chocolates the most. Ayaw niya rin ng pasas sa salad at mani sa chocolate.”

Simon sighed. “P-pwede ko ba siyang makita?”

“O-oo naman. Gusto niya na.”

Bumitaw naman si Simon sa pagkakayakap sa akin. Namumula pa rin ang mata niya

“I want to meet her now,” nanghihina niyang sagot.

Inangat ko naman ang kamay ko para punasan ang luha niya. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko pero ngumiti ako. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan niya iyong hinalikan.

“I am so proud of you, Darlene. For raising her without me, for holding on despite the words they keep on throwing at you.”

Simon leaned and pressed a kiss on my forehead.

“For being here despite everything... surviving is an achievement. You deserve all the good things in the world, Darlene.”

Continue Reading

You'll Also Like

125K 2.9K 40
She's an innocent girl. He's a pervert. She's popular. He's the international playboy She's rich. He's rich sorry panget tong description ko ahh pero...
24.1K 1.1K 50
Batchmate Series 1 Vanity & Kirk [under revision] They called Vanity brainy, appealing, and honorable. Yet, despite these flattering remarks, Vanity...
117K 2.4K 43
Montereal Series #3 Amara Daphne Villada is the spoiled princess of her family. Growing up in New Zealand, she had everything she wanted. Her status...
185K 3.6K 43
Montereal Series #1 Asteria Margaret Elizalde has always wondered how her life would turn out in the future. All she wants is to achieve her dreams...