Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

917K 31.3K 20.5K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 37

10K 450 445
By JosevfTheGreat

Chapter 37: The Struggle

#DittoDissonanceWP

i think lagpas chapter 50 to T_T anyway, enjoy!

don't forget to vote! tysm <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"So, kailan mo gagawin 'yung activity na in-assign kanina ni Ma'am?" sabi ni Leroy habang naglalakad kami palabas ng BS Architecture's building.

Napanguso ako. "Ewan ko! Ang dami niyang pinagawa tapos deadline bukas agad ng gabi. Pagpupuyatan ko na lang mamaya. Nase-stress ako bigla. May klase pa tayo mamayang alas-singko. Tapos babalik pa ako sa Tafiti's by 9 p.m at hanggang alas-onse ako ro'n. 'Pagbalik ko sa dorm, gagawa ako ng activity. Bukas kasi busy rin ako. Sa umaga nasa school ako, tapos sa hapon hanggang gabi nasa trabaho naman ako," sabi ko at napabuntonghininga.

Leroy chuckled with comfort. "Aww, kawawa naman ang main character kong friend, nase-stress na," sabi ni Leroy.

Napabuntonghininga ulit ako pero kaagad din akong napangiti nang nakita ko si Ashton na hinihintay kami sa labas ng building. Ngumiti rin siya nang namataan na kami ni Leroy.

"Ashton!" maligaya kong bungad 'saka siya niyakap. Nagulat si Ashton pero niyakap niya rin ako pabalik at natatawa pa.

"Stress na ang disney princess natin, Ashton. Kanina pa 'yan nagrereklamo. Ang dami kasing gagawin," sabi ni Leroy at mahinang natawa.

"Aww. . . stress ka na?" sabi ni Ashton sa akin 'pagkahiwalay ko sa yakap.

Tumango ako at muli na namang napabuntonghininga. "Oo, bwisit na 'yan. 'Pag namatay na ako, sisihin ninyo 'yung Tafiti's. Charing," sabi ko at mahinang tumawa.

"Ice cream tayo nina Leroy?" alok ni Ashton.

Tumango naman ako at lumiwanag ang mukha. "Sige! Kaso hindi pa tayo makakatambay dahil may klase pa rin tayong tatlo," sabi ko.

"Yeah, may klase pa ako ng 5 p.m. then ang tapos ko pa ay 7 p.m." sabi ni Ashton at mukhang pagod na rin.

"Kami hanggang alas-otso pa. Tapos babalik si Zern sa Tafiti's ng 9 p.m.," sabi ni Leroy at mukhang na-stress na rin para sa akin.

Mahinang tumawa si Ashton bago ako nilapitan para akbayan. "Tara na. Kain na tayo ng ice cream. Pagkain lang naman nakakapagpawala ng stress ninyong dalawa, e," sabi ni Ashton at hinila rin si Leroy para akbayan.

Mahina rin kaming natawa ni Leroy bago kami nagsabay-sabay maglakad papunta sa bilihan ng ice cream. Kung ano-ano ring kinuwento ni Ashton sa klase niya kanina, at may mga gagawin din siya. Hindi niya sinasabing nase-stress na siya dahil hindi sanay si Ashton na nagve-vent out masyado. Tinatawanan niya lang 'yon pero alam namin ni Leroy na nabibigatan din siya.

Umupo na lang muna kami sa tabi ng daan, sa tapat ng ice cream store habang pinapakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin kasama ng aming soft serve. Tahimik at ilang oras na lang didilim na rin ang langit. Mailap ang mga sasakyan pero may iilang mga naglalakad.

Napangiti ako at nilingon ang dalawa kong kaibigan na busy lang sa pagkain ng soft serve nila. Since katabi ko si Ashton, siya ang napatingin sa akin. Nagtaas siya ng kilay sa akin pero umiling lang ako't ngumiti rin pabalik.

"Why?" sabi ni Ashton.

"Wala naman. Ang cute lang. Naiisip ko lang kasi na magiging stressful ang semester na 'to for me since pinag-apply ulit ako ni Mama mag-work. Kasama pa ako sa council ng organization. Pero thankful lang ako na na'ndito ako kayo ni Leroy. Simple lang 'yung ginagawa natin-kumakain ng ice cream habang nakaupo sa gilid ng daan, pero ang comforting para sa akin. Pakiramdam ko, nasusuportahan ako nang mabuti at alam kong kaya ko," sabi ko at mas lumawak ang ngiti.

Mas lumambot ang ngiti ni Ashton sa akin, at gano'n din si Leroy.

"Love you, our Disney princess," sabi ni Leroy at mahinang tumawa.

"Andito lang kami, Zern. Palagi naman kaming nandito para sa 'yo. Andiyan ka rin para sa amin. Andito lang ako palagi," sabi ni Ashton.

"Thank you aking mga prince. Bading na prince nga lang 'yung isa," sabi ko at humalakhak.

"Pakyu," sabi ni Leroy at napahalakhak din dahil sa sinabi ko.

"Magiging straight na raw 'yan si Leroy. Manliligaw na 'yan ng babae at magkakaroon ng pamilya in the future. I-invite niya tayo sa kasal niya," sabi ni Ashton para sakyan ang pang-aasar ko kay Leroy.

"Tangina ninyo namang dalawa bigla. Akala ko ba soft hours natin, tapos bigla kayong eeksena ng mga kadugyutan ninyo," sabi ni Leroy at umiling-iling pa kaya mas lalo kaming natawa ni Ashton.

"Love you, Leroy. So much!" sabi ko at nag-flying kiss pa.

"Love you, too, Zern," sabi ni Leroy at nag-flying kiss din pabalik kaya sabay kaming humagikhik.

"Ako, hindi mo ako love?" sabi ni Ashton sa akin at umaakto pang malungkot.

"I love you rin, Ashton. Love ko kayo parehas ni Leroy. Kung wala kayong dalawa, baka matagal na akong depress at sukong-suko sa buhay," sabi ko at mahinang tumawa.

Napangiti naman si Ashton. "I love you, too, Zern," sabi ni Ashton.

Matamis ko lang siyang nginitian bago sumandal sa balikat niya. Inakbayan naman niya ako 'saka na namin nilantakan 'yung soft serve naming natutunaw na kakadaldal namin.

'Pagkatapos naming kumain, hindi na rin kami nagtagal masyado sa pagtambay do'n. Bumalik na kami sa university before mag alas-singko. Humiwalay lang sa amin si Ashton dahil iba ang building niya.

"Hintayin ko kayo mamaya sa labas ng room ninyo. Sabay-sabay na tayo pumunta sa Tafiti's. Gagawa rin ako ng activity ko," sabi ni Ashton.

Tumango naman kami ni Leroy bago kinawayan si Ashton 'saka na niya kami tinalikuran.

Nang naiwan na kaming dalawa, napabuntonghininga si Leroy kaya mahina akong natawa. Nase-stress na rin siya agad dahil nagsisimula na talaga ang kalbaryo namin ngayon semester. Pero ano pa nga ba? Wala rin naman kaming choice dahil pinili naman naming magdusa sa program na 'to. Charing.

・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Napabuntonghininga ako habang nakaupo sa isang bench sa university. Malamig ang simoy ng hangin. Tahimik at mailap ang mga estudyante banda rito sa napwestuhan ko. Sumandal ako sa sandalan ng bench bago napapikit.

Napasapo ako sa noo ko at mahinang tinapik-tapik 'yon bago sinuklay palikod ang buhok ko. Muli akong napabuntonghininga, nagbabaka sakaling mawala ang iritasyon na nararamdaman ko. Hindi ako puwede ma-bad trip, may trabaho pa ako at may a-attend-an pa akong klase.

Nanatili ako ro'n ng kalahating oras. Nakapikit lang at pinapakiramdaman lang ang hangin. Nagsisimula pa lang, pero ramdam na ramdam ko na 'yung struggle. Nafu-frustrate na naman ako. Kung kailan inaayos ko na 'yung problema na nagkaroon kami ni Zern, bigla naman nage-escalate ang kung anong bad blood sa amin ni Titus.

I just don't fucking get him. I don't fucking understand what he was trying to prove. Nakakabwisit na hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kaya nakaka-frustrate isipin.

I checked my wrist watch, and it's almost five. Habang naglalakad ako pabalik sa building binuksan ko na ang phone ko. As soon as I opened my cellular data, Echo's messaged popped.

Echo:

Pre, usap mamaya. Katatapos lang namin mag-usap ni Titus. Pag usapan niyo yan ha? Wag nyo na yan patagalin.

I stared for a second at Echo's message on my notification center. I just sighed deeply before sliding my phone back into my pocket. Umiling-iling na lang ako. Wala pa ako sa mood makipag-usap sa kanila. Gusto ko munang mapag-isa.

Kaya naman buong klase, nasa dulo lang ako't nakikinig. Ni hindi hinanap ng mga mata ko si Titus. Nakahalukipkip lang ako at nagte-take notes kung may dapat i-take note.

Hindi ko na lang namalayan na tapos na ang klase. Umupo ako ng ilang oras sa klaseng 'to na hindi ko namamalayan na alas-otso na. Tatlong oras na lumulutang ang isip ko. Sinabi ko sa sarili kong hindi ako magpapaapekto sa nangyari, pero naba-bad trip na ako ngayon at walang-wala na sa mood.

Nang naalala ko na naman ang ikinaka-frustrate ko kanina, mahina akong napamura habang inaayos ang gamit ko. Fucking hell. Nabibwisit na naman ako. I cannot fucking regulate my emotion damn well. That's much more frustrating for me. Tina-try ko na ngang ayusin 'yung emotion ko, e. Putangina talaga. Tapos may dadating na namang ganitong sitwasyon.

Napabuntonghininga ako bago isininukbit ang shoulder bag ko sa balikat ko at dere-deretso na lang lumabas.

Nadatnan ko sina Echo at Magnus sa labas ng room namin. Echo probably told Magnus about Titus' fucking whining. Nafu-frustrate agad ako kapag nai-imagine ko pa lang na ipapaliwanag ko sa kanila 'yung nangyari. Putangina. Nakakabanas. Gusto ko na lang munang mapag-isa.

"Caiden," Magnus called me but their eyes went down beside me, that's when I saw Titus walking past me.

"Magnus, I don't want to talk. Talk to your fucking friend. I don't have my fucking energy," madiin kong sabi at tinalikuran na sila.

Baka masapak ko lang 'yung mukha ni Titus kapag kinausap ko siya. Kakampihan lang 'yan nina Magnus. Para sa kanila, wala lang naman 'yung ginagawa ko para kay Zern. Nakikinig lang sila sa akin dahil kaibigan nila ako, pero hindi nila ako naiintindihan kung bakit gusto ko 'to gawin para kay Zern. Mas magiging mahalaga para sa kanila 'yung nararamdaman ni Titus.

'Paglabas ko ng building, napapikit ako saglit habang naglalakad 'saka inunat ang leeg ko. I still have to work. Pag-uwi ko may gagawin akong activity na binigay kanina sa last subject. Putangina. Paano ako kikilos nito kung nabibwisit ako?

Napatingin ako sa nagtatawanan sa hindi kalayuan, it was Zern. He and his friends are walking happily together. I guess he's fine. Baka ako lang 'yung nagwo-worry sa wala. Kung ano-ano pang ginawa ko, mukha naman siyang okay. He got his friends-he has support and someone to lean on.

All of a sudden, I felt lonely as I watch them walking together. But it's my choice to be alone right now. Wala pa akong energy i-deal si Titus. May mga gagawin pa ako, hindi ko sasayangin 'yung lakas ko kakapaliwanag sa kaniya.

It's just. . . for the first time again, I felt lonely. Na-feel ko na naman 'yung na-feel ko noon no'ng bata pa ako. Which I don't want to feel ever again, but here I am.

The constant feeling of being drained trying to explain yourself to someone who can't understand you, but you were still hoping that they might actually understand you.

Umiling-iling na lang ako't mahinang natawa. Tangina naman. Ngayon pa ba ako malulungkot, kung kailan kailangan kong magtrabaho at humarap sa mga tao. Halo-halong frustration, stress, pagod, antok, galit, at lungkot na ang nararamdaman ko. This is too much for me.

Kaya ayaw ko na lang maging mabait, e. Kapag nagiging mabait ako, nafu-frustrate lang ako lalo. I always do more for other people, because I care about them. I understand their situation. That's why I'm being like this for Zern. Tapos makikita ko lang siya na masayang-masayang kasama ang mga kaibigan niya.

I overextend my kindness to Zern, and clearly, he was rejecting it. Hindi naman niya kasalanan, at hindi naman niya kailangan tanggapin 'yung binibigay kong kabaitan. It's just. . . for once, I wanted to feel that being nice isn't something that I should regret doing. I was hoping he could appreciate what I was doing for him. 'Yon lang naman 'yung gusto ko.

In-open ko kina Magnus 'yong nararamdaman ko, 'yung wino-worry ko, mukha namang naiintindihan ata nila. Nagbigay pa nga sila ng advice, pero ang hindi ko maintindihan kung bakit naging gano'n si Titus. Alam naman niya 'yung sitwasyon ko, alam nilang tatlo. Pero sa hitsura nina Echo at Magnus kanina habang nakatayo sila sa labas ng room namin, halatang kakampihan lang nila si Echo.

Nakakapagod ipaliwanag 'yung sarili ko. Kung nag-usap na sina Echo at Titus kanina, at kung naiintindihan talaga ako ni Echo, siya mismo ang magpapaliwanag kay Titus na mali siya. Pero sa inakto ni Titus kanina, parang parehas lang sila ng naging perspective ni Echo. At dahil parehas lang ng side sina Echo at Titus, 'yon lang din ang magiging take ni Magnus.

Haha. . . putangina, naiintindihan ba nila ako? O niloloko ko lang 'yung sarili ko. Putangina talaga. Hindi ko na lalo alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. My mind is a mess right now. Gusto ko lang ng moment na hindi ko na kailangan ipaliwanag 'yung sarili ko nang sobra-sobra. 'Yung hindi naman ako kailangan kampihan, pero somehow naiintindihan ako fully kung saan ako nanggagaling. At imbis na maging violent, piliin na lang akong intindihin. Kaibigan ko sila, e. Kaibigan ko nga sila, tapos sila pa 'yung hindi makakaintindi.

Habang papalapit ako nang palapit sa Ginto's, biglang tumunog ang phone ko. It was a text from Magnus.

Magnus:

Caiden, wala ka sa mood makipag-usap, I know. Pero sana kausapin mo naman nang maayos si Titus. Kaibigan mo si Titus, pre. Sana naiintindihan mo 'yung nararamdaman niya. Puwede mo naman kasing sabihin sa kaniya nang maayos. Hindi mo siya kailangan ipahiya sa harap nina Zern. Hindi porket bumabawi ka kay Zern, kailangan mong gawin 'yon.

"What the fucking hell?" I cursed and scoffed.

Putangina? For real? Sabi ko na nga ba, e. Pare-parehas lang sila ng magiging point of view. Kaibigan ko si Titus, kaya dapat daw naiintindihan ko siya. Kaibigan din naman nila ako, ah? Bakit hindi nila ako naiintindihan? Putangina talaga. What the fuck! Magte-text pa para lang sabihin 'yung isang walang kwentang paragraph na mababasa ko sa buong araw na 'to. Fucking asshole.

Nagbuga ako ng malalim na paghinga at napapikit sa sobrang frustration. Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa bago sinuklay ng dalawa kong kamay ang buhok ko. Bahagya ko pang sinabunutan ang buhok ko para mailabas nang kaonti ang putanginang frustration na 'to. Putangina! Tangina! Tangina talaga.

E 'di putangina, hindi na ako babawi kay Zern. Putangina talaga. Hindi na rin ako sasama sa kanila, wala ata akong kwentang kaibigan, e. Namamahiya ako at hindi ko naiintindihan si Titus. Okay? Putangina pala nila, e. After all the rants and worry that I've told them, kunwari pa silang naiintindihan ako pero no'ng naging ganito na 'yung sitwasyon, wala na silang naiintindihan sa side ko. Putangina! Mga putangina.

Putangina talaga! Gusto kong pagsusuntukin 'yung puno na nakikita ko hanggang sa magsugat 'yung kamao ko nang malala. Putangina!

They knew how much frustration I was experiencing right now. I have to fucking work. I have to attend fucking classes. I have to make it up to my mother. I have to comply with my subject's requirements. And I still fucking chose to be fucking kind. I apologized to Zern, I apologized to Mishael, I apologized to my mother, and I'm earning Zern's comfort space so that I can make him feel that I'm truly sorry. I'm fucking making the most out of everything.

Napatingala ako habang naglalakad dahil sa malalang frustration na nararamdaman ko. Nangingilid na ang luha ko sa sobrang galit. Nanginginig ang paghinga ko. Pero umiling-iling ako para mawala ang pagbagsak ng luha ko. I shouldn't fucking cry. Tangina. Putangina.

Nang namataan ko na ang Ginto's, I cleared my throat and took a deep breathe kahit nararamdaman ko pa rin 'yung urge sa sistema ko na umiyak dahil hindi ko alam kung paano ilalabas lahat ng nararamdaman ko.

Napatingin ako sa kabilang gilid ng kalye, at saktong kasabay ko pa sina Zern. Papasok na rin ata siya. Napatingin din siya sa akin. He looks calmer, and bright. I cannot fucking smile, so I just looked away. Binilisan ko na ang lakad ko para hindi ko na siya makita.

Nadatnan kong maraming tao sa Ginto's, kaya nagmamadali akong pumunta sa counter para makatulong agad. Andito na si Paras. Dumating na si Georgina kanina bago ako umalis.

Sa buong natitirang shift ko, mas naging dagsa ang customer. Mabuti na lang ako ang taga gawa ng order, hindi ko na kailangan gaano humarap sa customer. Tumutulong si Paras sa akin, at siya na rin ang nagtatawag ng customer kapag puwede ng i-claim ang order nila.

Ni hindi ko nagawang ngumiti o hayaang maging maaliwalas ang mukha ko. Ang natural kong seryosong mukha ay mas naging madilim. Hindi ko naman close sina Georgina, kaya wala rin nagtangkang magtanong. Sumasagot naman ako kapag kinakausap nila ako, pero hanggang doon na lang 'yon.

Alas-onse pasado nang nag-out ako. Sina Georgina ang closing ngayon. Pagod na pagod na ang katawan ko. Gusto ko ng humiga. Sobrang sakit ng likod ko at kumikirot na ang sentido ko sa sobrang antok.

I checked my phone, no one messaged me. Nasa notification center pa rin ang message ni Magnus kanina. I swiped to delete it. Wala na rin akong lakas magalit. Pagod na ako. Buong araw na akong kumikilos. Pagod na pagod na 'yung katawan ko.

Malalim akong napabuntonghininga. 'Yung pagbuga ko pa ng hininga ko ay may kasamang boses. Wala rin namang tao, kaya ayos lang.

Habang naglalakad ako pabalik sa university, nakaramdam na naman ako ng lungkot. May lakas pa ba ako gumawa ng activity? Wala na rin akong time bukas. Baka madagdagan pa 'yung gagawin ko bukas kung hindi ko gagawin ngayon 'yung activity na mayroon ako. Baka maipon pa. Kaso sobrang sakit na ng ulo ko.

'Pagkapasok ko sa university, naagaw ng mata ko ang isang bench. Wala ng tao sa campus, kaya naisipan ko munang umupo ro'n. Muli na naman akong napabuntonghininga habang tinitingnan ang madilim na kalangitan. Gusto ko sana tawagan si Daddy, kaso baka tulog na siya. Sa kaniya lang naman ako palaging nago-open, or kina Magnus.

Mapait akong natawa. Ganito ba 'yung resulta ng pag-try kong mas maging mabait? Kapalit no'n, mararamdaman ko ulit 'yung ayaw ko ng maramdaman ulit.

Napatungo ako habang nakapikit. Kakayanin ko ba 'tong semester na 'to? Ang buong plano ko lang no'n, maging masaya at i-enjoy 'tong semester na 'to habang nag-aaral pa rin nang mabuti. Hindi ko inaasahan na hindi pa natatapos ang unang linggo, pagod na ako agad.

'Pagkadilat ko, nangunot ang noo ko nang nakakita ako ng ice popsicle sa tapat ng mukha ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang nakita ko si Zern.

"Ice cream?" sabi ni Zern habang matamis na nakangiti sa akin.

My lips then slowly formed a smile bago kinuha ang iniaabot niyang ice popsicle. I can't stop myself from chuckling softly as I stare at it. Cute. It was flavored strawberry, my least favorite flavor.

Napatingin ako kay Zern ulit nang umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya sa kamay ko ang ice popsicle at siya ang nagbukas no'n para sa akin. Nakangiti niya 'yong ibinalik sa akin. I licked my lips and I cannot contain my smile.

"Thanks," I whispered.

Binuksan niya rin ang ice popsicle niya. It was chocolate. He must like chocolate or not?

Tinitigan ko pa saglit ulit ang ice popsicle na hawak ko. Kahit pagod na ako, malawak akong napangiti. Dahil sa isang popsicle, nagagawa kong ngumiti. Or dahil nandito si Zern out of nowhere?

We were just silent sitting and eating popsicles together beneath the cold night. And for a moment, I felt someone understood what I was feeling. It's funny to think that he just gave me a strawberry-flavored popsicle, which is my least favorite flavor, but my mind relaxed. My soul was touched. My breathing became calmer. The rock standing tall on my chest collapsed. And the scorching frustration that I was feeling turned ice cold.

I took a glance at Zern once more, he was just enjoying his popsicle. My lips parted when he looked back at me, his hair danced along with the wind, and his lips slowly formed a sweet smile making his eyes disappear.

I think I will love strawberry from now on. Haha. . .


Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
171K 931 125
In this book, you will see Taylor Swift's songs with lyrics. This was purposely made for Swifties. Support this book by voting and adding this to you...
32.9K 1.7K 76
ONLINE LOVE DUOLOGY #1 An Epistolary (Chat Fiction) Landiang nabuo't nagsimula online, mauuwi kaya sa totohanan?
2M 79.9K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.