Oxford

By cultrue

83.1K 1.8K 82

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 36

1.4K 34 1
By cultrue

Hindi iniwas ni Oxford ang kanyang tingin sakin hanggang sa nasa harap na namin siya. Doon niya lang binati ang bisita niya pagkatapos niyang tignan ng may kahulugan ang nanay niya. Napayuko nalang ako para wala akong makitang kahit anong reaksyon sa kanila.

Pero napatingin ako kay Oxford nang kunin niya ang kamay ko at hinila papunta sa kanya. Pagtingin ko sa kanya ay tinanguan ako saka inilipat ang tingin kay Cassidy.

"Hey Cassidy, I assume you already know Billie."

Tumikhim si Cassidy at inisang tingin ang Nanay ni Oxford bago pekeng ngumiti sa kanya. "Yeah, tita already introduced me to her. She's quite... simple, you know."

"Well she may be looked so simple but that's where the true elegance occured." Pagbara ni tita Olga sabay ngumiti ng hilaw.

Hindi naman sumagot si Cassidy sa kanya pero naabutan kong napatingin si Oxford sa nanay niya at tinignan na parang may ibig sabihin.

"Well..."

The two other women looked at him when he started to talk.

"Cassidy, hello, can you please stay outside for a minute? I just need to talk to Billie for a moment before we talk." he said.

"That's fine with me. I'm just going to wait outside." Cassidy replied with a venomous smile.

Napatango naman si Oxford. "Thanks. And Mom? Please." sabi pa ni Oxford sa nanay niya bago ako bahagyang kinaladkad papunta sa isang pasilyo.

Habang naglalakad kami ay napuna ko yung pagmamadali niya. Parang importante ang pag-uusapan nila ni Cassidy Reyes.

"Ano bang pag-uusapan niyo?" tanong ko sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Some kind of business." he just replied.

"Maaari ko bang malaman kung ano yun?" sabi ko pa.

Huminto kami sa tapat ng isang pinto papasok na sa dining area. Lumingon siya sakin at tipid na ngiti ang unang natanggap ko mula sa kanya.

"It's actually about some thing important. But I can't tell it to you right now. She asked me not to tell anyone about it." he stated.

Kumirot ang dibdib ko. Parang iba ang naramdaman ko sa importanteng bagay na yan.

"Oxford."

"Not now please. I really don't want to share it right now with anybody because I made a promise. Malalaman no nalang yan kapag sabihin ko sayo." sabi niya na may halong lamig ang kanyang tono.

Tinikom ko ang aking bibig saka hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Mas importante ba yun kaysa sa buhay naming dalawa? Kung ano man yun na hindi pwedeng sabihin sa ibang tao ay sana hindi makasira kung ano ang sinusubukan naming itatag.

"Mauna ka muna sa pagkain sa loob. Susunod ako kapag matapos ang pag-uusap namin ni Cassidy. Hindi ko alam na pupunta siya dito pero dahil nandito siya ay wala na akong magagawa. Can you do that for me?" he asked.

I shrugged then started to slowly nod. Wala akong magagawa kung yun ang gusto niya. Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago nagpaalam na lalabas muna siya.

Napansin ko na mahigpit na nakakuyom pala ang cellphone na hawak ko.

Marahan akong naglakad papasok sa dining area. Binati ako ng isang kasambahay at sinabing pwede na daw akong mag-almusal. Maraming nakahandang pagkain pero ako lang mag-isa ang kakain dahil wala ang ibang tao.

Kumuha ako ng isang tinapay at pinalamanan ng strawberry jam. Yun lang ang pinili kong kainin. Bumalik din sa loob ng dining room ang kasambahay at tinanong kung ano ang gusto kong inumin. I asked for warm milk instead.

Habang naghihintay ako sa kasambahay ay narinig ko ang pagpalatak ng takong ng sapatos na suot ni tita Olga. Lumingon ako sa kanya at binati.

"Good morning po tita." Pagbati ko.

Kumibot ang kanyang labi. "I told you to call me Mom. You're now part of our family, Billie."

Umupo siya sa harap ko at tinawag ang isa pang kasambahay para humingi ng tsaa.

"I'm sorry if Oxford cannot have his breakfast with us because Cassidy Reyes came here. Sabi ko sa kanya ay huwag ng kausapin ang babaeng yun pero matigas ang ulo niya. Ang sabi niya ay may importante daw silang pag-uusapan."

Natahimik ako. I didn't ask her that—yung tungkol sa pag-uusapan nina Oxford at Cassidy.

"Wala ho ba kayong ideya kung ano ang pag-uusapan nila?" tanong ko since siya naman ang unang nagbukas nun at hindi ako.

Umiling siya at pinalatak ang kanyang dila sabay kuha ng tinapay at yung bread knife. "No hija, but to tell you honestly, hindi ko man alam pero parang tungkol ito sa namayapang kaibigan namin. You know Ares right?" she asked, I nodded.

Napalunok ako. Ano bang kinalaman ng tatay ni Ares?

"His father was like a family to us that's why we treated that child as our own too, Oxford became the legal guardian of Ares and we're not oppose of it. Ang kinaiinisan ko lang ay pumupunta ang babae na yan dito sa pamamahay ko na parang hindi niya binastos ang pangalan namin dahil sa kawalangyaan niya."

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Nalilito kong tanong.

She shrugged her shoulders as she spread the honey on her bread. "That woman cheated on my son with Ares' father." she revealed.

I was stunned because that's not what the press said when the two broke up. I read about them couple of moons ago and I still couldn't get over it but it looked like they broke up because of the cheating issue. At babae pa talaga ang gumawa nun.

"At ano po ang connect ng ama ni Ares sa kanilang dalawa?"

She munched her bread first and swallowed it. She grabbed the table napkin and tapped it on her lips. Binaba niya ang nakagat na tinapay bago ulit nagsalita.

"Because the man who's cheating on with that manipulative woman was Ares' deceased father." sagot niya.

Nabigla ulit ako sa rebelasyong sinabi niya. Napaawang ang labi ko at hindi ako nakapagsalita para sa susunod na tanong. It's indeed chafe.

Bumalik ang kasambahay ni tita Olga para ilagay ang tsaa niya sa harap niya. Hinintay munang papasukin sa kasunod na kwarto ang kasambahay bago siya nagsalita.

"Alam mo tanggap siya ng pamilya ko dahil kahit maarte ang babae na yun ay gusto ng anak ko. Wala akong magagawa sa affair ng anak ko dahil malaki na siya para magdesisyon pero dahil sa eskandalo na ginawa ng babaeng yun ay hindi parin mahupa ang galit ko sa kanya dahil sa paghila niya sa pangalan namin sa publiko. Good thing that woman's family has money to covered up her scandalous affair. And we also covered some part of it too because our son was dragged into her mess."

Kung pakisamahan ng maayos si tita Olga ay walang problema. Madaldal siya para sa isang supestikadang babae. Ngumiti ako sa kanya at binaba ang tingin sa pagkain. Kumuha ako ng kutsara at nagsandok ako ng kanin. Inabot niya pa sakin ang ham pati ang sauce.

"Pero matagal na silang hiwalay. Ang alam lang ng mga tao ay silang dalawa pa dahil minsan na silang nagkasama sa ibang okasyon. But my son, I know he won't wage again to give another chance to Cassidy. She cheated and she'd do that again because of her unstoppable itchiness." Maanghang niyang dagdag.

Uminom ako ng gatas na tinimpla ng kasambahay. Pagkatapos ay nagsimulang kumain. Nagsimula ding kumain si tita Olga—ang hirap niyang tawaging Mommy dahil hindi ako sanay saka nakakahiya. Hindi pa naman kami mag-asawa ni Oxford para tawagin siyang Mommy. For now, I had to call her tita because I was comfortable calling her that.

Wala ng relasyon ang dalawa pero pumupunta parin si Cassidy sa bahay nila. Masyado akong nakuryuso sa importante nilang usapan. Tungkol ba sa ano ito? Naiinis ako dahil hindi nalang sabihin sa akin ni Oxford kung ano yung favor ni Cassidy sa kanya.

Umahon na naman ang inis ko. Maybe I was getting jealous over it, it looked like it came out naturally.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam muna ako kay tita Olga na lalabas para tawagan si Nanay at ipalam na bisitahin muna ang shop dahil mahuhuli ako ng punta doon. Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa hardin ng bahay.

Nakatawag naman ako ng maayos. Tinext ko din si Sandy kung ano ang lagay ng shop. Mabuti nalang at sabi niya ay wala na namang nagpapatahi ng marami. I texted Sandy notifying her that I was going there late but my mother would visit there this morning for me.

Pinatay ko na ang cellphone ko at saka tumalikod para pumunta sa loob ng bahay at hanapin si Oxford, napahinto ako sa paglakad dahil nakita kong naglalakad palapit sakin si Cassidy.

Hinintay ko siyang huminto sa tapat ko. Sa tingin ko ay ako ang sadya niya dahil walang ibang tao sa hardin kundi ako lang. At imposible din na magpipitas siya ng bulaklak, isa pa wala pang maayos na sibol ang mga namumulaklak na mga halaman.

She crossed her arms over her chest, rasing her brow, she started to say to open a conversation with me.

"So you're the woman who's tita Olga keep talking about, huh. I didn't know Oxford has a taste over some..." She eyed me from my legs up to my head. "Cheap chick."

Blanko ang tingin ko sa kanya.

"Wala ka bang ibang kailangan bukod sa pang-iinsulto mo sakin?"

She smirked. She stepped a little closer to me. "I pity you, you know Oxford and I had a special relationship so I know more a lot about him than like you do. Itatapon ka lang niya kapag magsawa siya sayo."

Kinurot ko ang aking balat para pigilan ang sarili ko. "Yun lang ba? Kung yun lang ay aalis na ako." sagot ko, hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil baka masampal ko siya.

Ayoko ng eskandalo lalo na nasa ibang bahay ako. Lalagpasan ko siya pero nagsalita siya.

"Nagpabuntis ka lang ba kay Oxy dahil mayaman siya? Ang tindi talaga ng pangarap mo." she insulted me.

Huminto ako at umatras ng isang beses para pantayan siya ng tingin. I was still taller than her. Hanggang bibig ko lang yata siya kung walang suot na heels.

"Isipin mo nalang ang gusto mong isipin, at least I didn't cheat on my partner." Matapang kung sagot.

Matalim ang kanyang tingin sakin at naghiwalay ang dalawang braso niya. Matigas ang kanyang mukhang pinantayan ako ni Cassidy. No wonder Oxford got her before because she's so pretty and classy but he was unlucky he got someone who had no shame.

"Careful with your words, darling. Lumugar ka dahil kung ano ang kalagayan mo ngayon ay baka bumagsak ka."

Parang patalim na tumarak sa dibdib ko ang sinabi niya. Umalis siya bago pa ako umalis sa hardin. Napakurap ako. Hindi ko alam na pigil ang hininga ko.

Yumuko ako at kinurot ang aking balat para hindi ako umiyak. I wasn't going to cry. Never within this household.

Ilang beses muna akong huminga ng malalim bago dahan-dahang pumasok sa bahay. May parte sa sinabi niya ang nagpababa sa sarili ko. Nakaramdam din ako ng takot. I was panicking inside too. Kagustuhan kong pumasok sa isang relasyon pero bakit hindi ko kinaya ang sinabi niya na baka iwan ako ni Oxford. Inisip ko na yun noong una pero bakit ang sakit?

My head was down but my mind was somewhere else that I didn't notice I had bumped onto someone.

"Hey!"

Hinawakan ako ni Oxford sa braso ko para hindi ako matumba. Napahawak din ako sa kanya dahil nanlambot ang aking tuhod.

"Are you okay? You're so pale." He cupped my face and inspect it.

Nakahawak ako sa kanyang pulso. "Ayos lang ako. Malamig lang dito sa labas kaya namumutla ako." Agad kong sagot.

"Kumain ka ba ng maayos?" he asked, worriedly.

I nodded and wetted my lower lip with my tongue.

"Cassidy and I just got finished talking and I started to search on you inside, nandito ka lang pala sa labas. Let's go, samahan mo ako sa loob."

Inakbayan niya ako at dahan-dahan kaming umakyat sa hagdan papunta sa front door. Para akong nakalutang sa hangin dahil nawawala ang isip ko.

Damn that evildoer of a woman.

"I'm sorry that I sounded cold earlier. I didn't mean to sound like that but... I just want you to understand that I don't want to share it to you just yet. If okay na ay sasabihin ko sayo. Ikaw pa ang unang taong pagsasabihan ko." he opened up about that talk again from earlier.

I nodded and showed a thin smile. "It's okay. Sorry dahil parang mapilit ako kanina."

"No, it's alright. Babawi ako sayo. Samahan mo muna akong magbreakfast okay?"

I snorted. "No problem." I answered.

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 129K 37
Amelia Montgomery is one of Rosewood High's cheerleaders along with her best friend Stella Hayes. Her and Stella have been friends ever since kinderg...
1.1M 91.2K 86
{WATTY'S 2020 WINNER & EDITOR'S PICK.} Hopeless romantic and aspiring writer Mare Atwood has fallen madly in love with her childhood correspondent...
24.4M 1.1M 61
Now available in paperback! "I LOVE IT!" - CarniaHolmes "I'm going to break your nose, because I don't like your face," Carter said. She pointed...
5.8M 274K 58
#1 in Romance (23.05.20) A WATTPAD ROMANCE FEATURED STORY. "So the kiss was just a mistake?" "Yes." she nodded her head as if just the words weren't...