Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

139K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

The Lost Chapter

2.8K 50 26
By kemekemelee

Nathaniel Blaze A. Costana

I pushed the man in front of me away. Ang pangit sumayaw amputa. Naiirita na rin ako kasi masyadong clingy. Hinalikan ko lang tapos hindi na agad makalimot?! Ang OA naman.

Saglit muna akong napaupo. Masyado na yatang marami ang nainom ko ngayon. Idagdag pa yung pinsan ko na kailangan kong bantayan ngayon.

“Ayaw mo na ba sa akin, Nathan?”

Hinilot ko ang sentido ko at umiling. Muntikan ko nang makalimutan si Darlene. Saang lupalop na naman kaya napadpad yung isang iyon?!

“Oo, ayaw ko na sa’yo. Hanap ka na lang ng ibang butas na titirahin,” diretso kong sagot.

“I want your asshole. I like the way it squeezes my cock,” he answered impatiently. Ang isang kilay ay inangat pa niya habang nakangisi sa akin.

“OA mo naman. Isang beses lang ako nagpatira sa’yo tapos hindi mo na makalimutan. Just fuck off because I am done with you.”

Tinabihan naman ako ni Brithany. Lumipat ang tingin niya sa akin at sa lalaking nasa harapan ko na parang ayaw pa ako lubayan.

“Sino iyan? Boyfriend mo?” bulong niya sa akin.

“Hindi, pota ka.”

Nakaramdam na yata yung nasa harapan ko na ayaw ko na talaga kaya umalis na siya sa harap ko. Salamat naman at nilubayan niya na ako! Ayaw ko rin sa kaniya dahil hindi man lang ako binigyan ng maayos na foreplay.

Anong akala niya sa butas ko maluwang agad?!

“I saw Enoch Sandoval awhile ago. Kasama niya rin yung ibang mga alumni ng school nila.”

Muntikan ko nang maibuga ang iniinom ko. Si Enoch ba kamo? Patay na patay pa naman iyon sa pinsan ko!

“Tangina ka. Sure ka ba sa nakita mo?” iritado kong tanong.

She nodded. “Oo, pero mukhang may sarili naman silang mundo. Ang daming babae sa table nila. Nag-uumpukan halos amputa.”

Napatayo ako dahil sa narinig ko. Kinuha ko rin ang phone ko at nakita ko ang iilang mensahe galing kay Simon. Fucking hell. Mukhang hindi naman siya sinabihan ng magaling kong pinsan!

Simon ❤️ Darlene

Nathan, kasama mo ba si Darlene?
I need to know her whereabouts.
Hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Off na ang phone niya.
Damn it.
Galit ba siya sa akin?
Did I do something wrong?

Pasabi naman kung kasama mo siya.
Fuck. Hindi ako makatulog.

You missed a call from Simon ❤️ Darlene.

Halos mapamura ako nang makita kong pasado ala una na nang madaling araw. Around 11 PM pa nang huli kong makita si Darlene. Nawala na rin sa isip ko na kasama ko pala siya.

Simon ❤️ Darlene

Kasama ko siya
Teka lang
Update kita kapag nakauwi na kami

Thank you, Nathan.
Matutulog lang ako kapag nakauwi na kayo.
Salamat sa pagbabantay kay Darlene.

Nakaramdam ako ng konsensya dahil hindi ko naman talaga nabantayan si Darlene ngayon. Agad kong tinago ang phone ko para hanapin ang magaling kong pinsan.

Sana nga lang nagsasayaw siya ngayon na parang baliw. Sana ayos lang siya at walang nangyaring masama sa kaniya.

“Nathan! Pinsan mo iyon hindi ba?”

Kumunot naman ang noo ko nang lapitan ako ng schoolmate ko. Ngumuso siya at mula sa pwesto ko ay nakita ko kung anong ginagawa ng pinsan ko.

“Uy, diba girlfriend siya ni Simon? Bakit kahalikan niya si Enoch Sandoval?”

Tangina. Anong ginagawa mo Darlene Kaye?! Para akong puputok sa galit ngayon. Nakita ko pang ang dami nang nagvi-video sa kanila pero parang wala naman siyang pakialam.

“She’s a slut!” bulong ng babae sa tabi ko.

“I bet she’s good in bed. Nagustuhan ba naman ni Simon at ni Enoch. Sana ako na next,” rinig ko pang bulong ng isang lalaki.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng komentong iyon at agad kong sinuntok yung lalaki.

“Tangina mo! Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo,” bulyaw ko sa kaniya.

“Fuck you, dude. What the hell is your problem?!”

Susuntukin ko pa sana siya pero may humawak na sa braso ko. Marami pa akong narinig na mga komento pero hindi ko na muna inintindi iyon. Ang gusto ko lang ngayon ay malapitan ang pinsan ko para sabunutan siya hanggang sa kumaladkad na ang mukha niya sa sahig.

Kanina pa nag-aalala si Simon sa kaniya tapos makikita ko lang na may ibang lalaki siyang hinahalikan?! Ang malala pa dito ay si Enoch Sandoval iyon!

“Darlene!” I called her.

Hindi niya yata ako narinig kaya naman sinuntok ko kaagad si Enoch. Ilang saglit lang ay nakahiga na ngayon si Enoch sa sahig. Nakahawak siya sa panga niya habang nakapikit.

“Bakit niyo sinuntok si Simon?!” bulyaw ni Darlene.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano raw?! Anong Simon?! Wala ba siya sa sarili niya?!

“Putangina niyo naman. Inaano ba kayo at bigla na lang kayong nanununtok?!” dagdag niya pang sigaw.

Hindi ko na inintindi ang sinabi niya. Kinuha ko ang mga gamit niya bago ko siya hinila.

“Fuck. Sino ba itong nanghihila sa akin? Oh, shit. Bakit kayo umiikot guys? Nasa rollercoaster ba ako?” sabi pa ni Darlene na hindi ko na naman naintindihan.

Binitiwan ko lang siya nang makarating kami sa parking lot. Nakatingin lang siya sa kawalan at parang wala na sa sarili. Ilang minuto lang ay bigla siyang humagulgol nang malakas.

“Si Simon! Nawala si Simon. Kasama ko lang siya kanina tapos biglang may sumuntok,” she cried harder. Sinubukan niya pang tumayo pero agad din siyang natumba.

“Anong nangyayari sa’yo?! Hindi si Simon ang kahalikan mo kanina. Si Enoch iyon!”

“Oh, don’t fool me. Mas kilala ko si Simon kaysa sa inyong lahat. Kahit umiikot na paningin ko alam kong si Simon iyon,” sagot niya pa sabay palakpak.

Ilang saglit lang ay humiga na si Darlene sa malamig na semento. Nanatili lang siyang nakadilat at nakatingin sa taas.

“I feel so happy!” she beamed. “Pero bakit lahat kayo umiikot?”

Kaunti na lang iisipin kong high na ang isang ito! Nalalasing naman siya pero hindi na sa ganitong punto na kung ano ano na ang nakikita niya.

“Look there’s a bird pero bakit siya nakasimangot? Hindi ko naman siya inaano.”

Huminga ako nang malalim bago ko siya nilapitan. Dumako ang tingin niya sa akin pero agad ding kumunot ang noo niya.

“Darlene, umuwi na tayo. Masyado ka nang lasing tapos nag-aalala na si Simon sa’yo.”

“Sino ka? Bakit may sungay ka?” kabado niyang tanong.

“Anong sungay sinasabi mo d’yan? Lasing ka na talaga.”

Sinubukan ko siyang hawakan pero bigla niyang kinagat ang kamay ko.

“Ah! Kukunin na ako ng demonyo. Tulungan niyo ako!” sigaw niya pa.

“Sumusobra ka na sa mga lait mo. Umuwi na tayo,” sabi ko pa pero bigla niya akong tinulak.

She started crying out loud. She began pulling her hair and calling out for help. Mas lalo na akong nagtaka sa kinikilos niya ngayon. Ayokong sabihin pero para na siyang nasisiraan ng bait.

Nagwawala siya kapag lasing pero sobra na ito! Hindi na sa ganitong paraan.

“Darlene!” sigaw ko. Bigla siyang nawalan ng malay kaya agad ko siyang binuhat.

My hands were shaking as I tried to contact Kuya Adam. He was the first person I thought of as soon as I saw Darlene pass out. Kinakabahan na ako dahil hindi naman dapat ganito kalala ang epekto ng alak sa kaniya.

“Nathan?”

“Kuya, I need help. Si Darlene she’s acting strange tapos bigla na lang po siyang nag-pass out. Hindi ko po alam ang gagawin ko.”

“Bring her home,” utos ni Kuya Adam.

“Po? Hindi po ba dapat sa hospital? Wala siya sa sarili niya bago siya nahimatay!”

Kuya Adam grunted. “I said bring her home.”

“She needs to go to hospital!” giit ko pa.

“I am a doctor. Bakit mo pa siya dadalhin sa hospital? Nakalimutan mo na ba, Nathan?”

I felt a shiver down my spines. Ngayon ko lang narinig ang boses ni Kuya Adam na ganito. Parang ibang tao... parang nakakatakot... parang malayo sa pagkakakilala ko sa kaniya.

“S-sige po.”

“Good. Hihintayin ko kayo dito,” iyon ang huling sinabi ni Kuya Adam bago niya binaba ang tawag.

Ramdam ko pa rin ang takot ko habang nagmamaneho ako papunta sa mansyon nila Darlene. Sinulyapan ko ulit ang pinsan ko at nakita ko ang pamumutla ng labi niya. Mas lalo kong binilisan ang pagmamaneho ko.

Sinalubong ako ni Ate Celine sa gate nang makarating ako. Nagtaka naman ako dahil gising na gising pa silang mag-asawa kahit pasado alas tres na ng umaga.

“Sumunod ka sa akin,” Ate Celine said.

Binuhat ko si Darlene habang sumusunod ako kay Ate Celine. Dumiretso kami sa kwarto ni Darlene at doon ko nakita si Kuya Adam na naghihintay sa amin.

“Ilapag mo na siya sa kama,” utos ni Kuya Adam.

“S-sige po. Ano po palang gagawin niyo sa kaniya?” tanong ko.

Napansin ko namang may kinuhang notes si Kuya Adam bago niya ako sinulyapan.

“Anong nangyari kay Darlene bago mo siya ihatid dito?”

“She’s acting strange simula pa kanina. Hinalikan niya si Enoch dahil akala niya raw si Simon iyon then kanina lang bago kami umuwi. Sabi niya may sungay daw ako tapos bigla siyang sumigaw. Kukunin na raw siya ng demonyo. Nabahala ako kasi kung ano ano na lang ang nakikita niya,” dire-diretsong kong paliwanag.

Kuya Adam nodded. He started writing something on his notes. Matapos niyang gawin iyon ay may kinuha siyang syringe.

“I see. Thank you for telling me,” sagot niya.

“Ayos lang po ba siya? Hindi naman kasi normal sa kaniya iyon kapag lasing siya.”

“She’s fine. Nasobrahan lang sa alak.”

“Po? Kung nasobrahan siya sa alak, bakit niyo po siya tinuturukan?!” tanong ko.

“She needs this.”

It feels so wrong! Ang pagsusulat ni Kuya Adam sa notes niya matapos niyang turukan si Darlene. Pati ang pagche-check niya sa vital signs nito. Pakiramdam ko may mali sa lahat!

“Kuya Adam, sigurado po ba kayo sa ginagawa niyo sa kaniya?”

Napaatras ako nang makita ko ang madilim na tingin ni Kuya Adam sa akin.

“Wala ka bang tiwala sa akin, Nathan?”

I slackened my jaw. “M-meron naman po. Nagtataka lang po ako kasi tinurukan niyo po siya kahit sabi niyo nasobrahan lang siya sa alak.”

“Just trust me, Nathan. Makakalimutan niya nga lang ang ginawa niya ngayong gabi pero ayos na rin iyon. Mas mabuti pang hindi niya maalala ang lahat ng ginawa niya.”

Napalunok ako sa sinabi ni Kuya Adam. Muli kong sinulyapan ang pinsan ko na ngayon ay mahimbing nang natutulog.

“Don’t tell her about this, Nathan. Lahat ng ginawa niya kanina huwag mong sasabihin sa kaniya,” dagdag pa ni Kuya Adam.

“She needs to know about this! Ang halikan nila ni Enoch. Sure akong kakalat iyon sa social media.”

“Maliban d’yan. That is inevitable, pero ang mga sumunod na nangyari. Huwag mo nang sabihin sa kaniya.”

“Bakit po?” tanong ko.

“Masasaktan si Darlene kapag kumalat ang video nila ni Enoch. Sure akong magkakagulo sila ni Simon. Sa tingin mo ba makakatulong ka kung sasabihin mong para siyang nawala sa sarili? Mas lalo mo lang siyang ilulubog, Nathan.”

“P-pero...”

“Kung may pakialam ka sa pinsan mo, makikinig ka sa akin. It will break her heart for sure. Huwag na nating dagdagan iyon. Let’s keep this a secret, okay?”

Hindi ako nakasagot. Naguguluhan ako sa kung anong dapat kong gawin pero alam kong may punto ang mga sinabi sa akin ni Kuya Adam.

“Nathan, maaasahan ba kita?” ulit pa ni Kuya Adam.

I slowly nodded. “O-opo, hindi ko po ito sasabihin kay Darlene.”

“Darlene is now okay. Bantayan mo na lang siya hanggang sa magising siya.”

Ngumiti naman si Kuya Adam bago niya kinuha ang mga gamit niya. Sunod din na tumayo si Ate Celine para sabayan ang asawa. Muli pang sumulyap si Kuya Adam sa akin bago niya tinapik ang balikat ko.

“It will be a disaster, so please be there for my sister. She will need you from now on.”

Hindi na ako nakasagot dahil nakaalis na ang mag-asawa. Huminga na lang ako nang malalim at tinabihan ang pinsan ko. Marahan kong hinaplos ang buhok niya bago ko siya tinabunan ng comforter.

“Kuya Adam is right. Magiging magulo ang lahat simula ngayon, pero hindi kita iiwan.”

Continue Reading

You'll Also Like

16.8K 490 44
Clev Valle, an undercover agent, is tasked with finishing an operation, so he pretended to be an employee of a small company in a small town in the p...
121K 2.9K 46
Gaano ba kahirap tumanggi at unahin ang sarili? Yung halos hayaan mong pag-malupitan ka na ng mga tao. Yung pagbayad sa mga utang na hindi naman ikaw...
99.7K 3.5K 33
4/6 Saint Series. Such a cliche story of the two broken hearts that met each other. A cliche story of two broken hearts that mend each other. But why...
176K 6.4K 33
2/6 Saint Series. Elle escaped from her father's house because she can't obey his order to marry someone who she doesn't know.She'll meet Jacos at St...