Rouge Series #2: Dazed Moments

By cinnderella

39.6K 1.3K 579

Rouge Series 2 More

Dazed Moments
#DM1
#DM2
#DM3
#DM4
#DM5
#DM6
#DM8

#DM7

1.9K 119 38
By cinnderella

#DM7

"Ah!" I screamed as I woke up from a dream. "Shit! Shit talaga!"

I've been dreaming about Ino with Payne's suka. For days, after that night at Electric Avenue. Damn it! Sa daming puwedeng mapanaginipan, bakit naman 'yon pa?

"So kadiri! Iw!" paulit-ulit kong himutok at pumadyak sa kama.

My gold! I'm probably traumatized by that!

"Ano ba 'yon, Capriana?" ungot ni Diamante sa kabilang side ng kama, hindi makadilat sa kaantukan.

"Ang ingay naman!" reklamo rin ni Fifth na nasa kabilang king-sized bed kasama si Bhaltie.

Nagtakip lang ng unan si Bhaltie sa ulo at muling natulog. Sanay na siya sa ingay ko kahit ano'ng oras pa iyan kaya never siyang nagreklamo.

"Fuck. What time is it?" Arki on the carpeted floor asked sleepily. "Sleep more, Capri. Or let us sleep in peace."

"You can have the hallway to scream all you want," taboy ni Ali na nasa sofa.

"Ano'ng eksena mo, Capri?" si Estong na nag-iinat at nagising sa ingay ko. Naupo siya sa carpeted floor na pinaghigaan niya at sumandal sa sofa kung nasaan si Ali.

We were so drunk. Hindi pa magigising ang mga 'yan anytime soon kung hindi ako tumili. Baka buong maghapon silang tulog ngayon dahil Sunday. Hindi ko naman alam kung sino sa kanila ang may pasok kapag Sunday.

Ali pushed him with his leg as he rolled down to lie on the floor. Napatayo na si Estong at kakamot-kamot sa batok, humihikab.

"Uh! This is better," Ali murmured. "You can have the couch, Ernest."

"Salamat," sarkastikong ani Estong at umupo sa sofa bago ako binalingan. "Ang aga mo mang gambala. May hangover pa ang mga tao!"

I rolled my eyes and climbed off the bed. Dumeretso ako sa banyo at mabilis naghilamos para mahimasmasan mula sa nakakadiring panaginip ko.

"Lalabas ako, gusto mo ba ng kape? O Smirn-off?" tawa ni Estong.

I just groaned. Narinig kong umalis na siya dahil sa pagbukas ng pinto. I sucked in a deep breath and looked at myself in the mirror.

Sa kalasingan namin kagabi ay hindi na nakauwi sa apartment. Dito kami nagpalipas sa isang hotel na malapit sa Nightlite. Isang room lang ang na-occupy dahil wala na ring available room at puno.

Ayos lang naman dahil nagtitipid si Ali at nakabakasyon siya ngayon. Sagot niya kasi ang lahat simula kagabi dahil kakatungtong niya lang ng Manila after so many years.

I still don't know why he went here. Baka bored na sa US o Isla Verde. Doon siya madalas bumisita dahil naroon ang kanyang parents palagi. Bilang lang sa daliri iyong pagpunta niya rito sa Manila. Noong bata pa iyon pero noong nag teenager, sa US na siya.

I wiped my face with tissue before going out. Kinuha ko ang cellphone sa bedside table at binasa ang mga messages.

Tita Shell:
Good morning, Capriana. Ali isn't replying. Si Estong din. Magkakasama ba kayo hanggang ngayon?

Momsy:
Ano na? Kayo na ba ni Estong at masyado kang busy? Hindi ka na nag-reply. Si Callistaire hinahanap ni Shell. Mag-reply ka, o kukurutin kita sa singit pag nagkita tayo?

Napa-reply agad ako. Ginagawa niya kasi talaga iyon! My gold, I'm not a kid anymore!

Ako:
Momsy, ayos lang si Ali. Bagsak pa siya sa floor. He got drunk last night. And no, pass kay Estong. Kagabi niya pa ako nilalait! I feel so ugly na nga.

I also replied to Tita Shell about Ali. Na tulog pa siya at baka mamaya ay makapag-reply na rin sa kanya.

Momsy:
Nilalait ka ni Estong? That's his sign of love for you ever since. Kunwari lang 'yan. Sumama nga daw siya dahil miss ka na niya. Yie!

Ako:
Who wouldn't miss me? Momsy, I like someone else. Hindi ko na type si Estong ngayon. We're best friends na lang.

Momsy:
Sinong someone else naman 'yan? Kailan mo ipapakilala sa amin ng popsy mo? Boto pa naman kami kay Estong.

Ako:
I don't know yet. Gotta go now, bye! Luv u and popsy!

Mapang-asar si momsy kaya minsan naiinis ako. Lalo kasi akong nilalait ni Estong kapag tinutukso kami na parang luging-lugi siya.

I got used to it na nga. Kapag hindi niya ako nilait, feeling ko magkakasakit siya. Kaya pinagbibigyan ko na lang. Ayaw ko rin siyang laitin pabalik masyado, kasi feeling niya mas pogi siya 'pag ganoon.

It's Estong, his last name is confidence.

Momsy:
Adik siguro yan no! Biglang bye, e.

Ako:
Momsy!!!

Hindi naman adik si Asta. Pabigat lang siya. Pero hindi ko rin sasabihin sa kanya iyon. Asta could change along the way naman.

Wait. Really, huh? Iyon pa rin ang naiisip ko sa sitwasyong 'to? We haven't talked yet. He's sending me messages but I didn't have time to reply. Even though, my irritation already calmed down.

Momsy:
Bahala ka. Malaki ka na pero huwag naman adik, ha. Sige, enjoy. Ipasyal mo sila Ali. Balita ko may sinundan siya diyan sa Manila kaya biglaan.

Namilog ang mga mata ko sa tsismis na nasagap.

Ako:
As in? He's chasing someone? Who?

Momsy:
I don't know, anak. Hindi nabanggit ni Shell. Sabi lang niya na first ex-girlfriend daw ni Ali.

I typed my reply immediately.

Ako:
Ex? May ex pala siya? I thought he was so serious about running their company na kaya wala siyang time mag-girlfriend. At taga Manila pa. LDR? O baka inapi ni mamita kaya sila nag-break! OMG!

My mind works well when it comes to this. I was a fan of romance books when I was in grade school until high school. Madaling hulaan dahil dakilang hadlang daw talaga si mamita noon. She disliked momsy dati and also Tita Shell.

Si Ali pa ang paboritong apo. It's not surprising at all. If ever.

Momsy:
Ikalma mo ang tsismosa mong pagkatao, nak. Nagbago na ang lola mo Carisse. Mamaya makikitsismis ako kay Shell kung ano'ng ganap kaya wag mong kulitin si Ali at hayaan mo siyang dumamoves.

My eyes were still wide open as I looked at sleeping Ali on the carpeted floor.

Still in my outfit last night, I went out of our hotel room. Hindi na ako nagsuot ng slippers o ano. I waited for Estong to come back.

Oh my gold, my tsismosa soul could never wait!

Hindi naman siya nagtagal at nakabalik din. May dala siyang mga paper bags at inumin. His forehead knotted when he saw me waiting outside.

Nilapitan ko agad siya at hinila sa braso.

"Tell me about Ali," deretsa kong sabi.

Hindi ako makakatagal na walang tsismis na nasasagap. Magkakasakit ako dahil part na iyon ng buhay ko. I wanna hear first before momsy!

Napairap si Estong sa kawalan at bumuntonghininga.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" tanong ko uli.

"Huh?" maang-maangan niya.

"Maganda ba?"

Suminghap si Estong.

"Kailangan ba lahat ng ex ni Ali, maganda?"

"So, hindi maganda..." kumpirma ko.

"Ako nga ayaw sayo, e. Hindi kailangang pogi ako bago mo maging boyfriend o ex. Sorry ka, ako ang umayaw sayo."

I gaped. This guy! Pinupuno talaga niya ako! Pinagbigyan ko na siya last night. Hindi pa siya kuntento?

"Nagtatanong ako. And I'm asking about Ali and the girl he's chasing here. Not about me na inayawan mo dati! Gosh, Estong, hindi ka pa maka move on!"

Unli 'yong pagka-delusional niya.

"Ang point ko, wala sa itsura 'yon. Ex pa din ni Ali 'yon kung maganda man o hindi!"

Napakurap-kurap ako. So, he knows something about it! Siyempre, best buddies kaya sila ni Ali!

"You know the girl?"

"Oo, at hindi siya pangit. Hindi ko pa siya kilala in person pero mukhang mas mabait naman kaysa sayo kahit sosyalera. Nandoon 'yon, nasa ugali dapat!"

Grabe talaga siya sa akin. Pasalamat siya at tipsy na ako last night noong dumating sila ni Ali sa Nightlite. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan iyong mga panlalait niya sa akin. Parang ako na iyong pinakapangit at pinakamasamang ugaling babae na nakilala niya.

Nagkatinginan kami at saglit natahimik bago sabay na tumawa sa sinabi niya. I hit his chest before I gave him one tight hug.

"I missed you too, Estong gunggong!"

I missed him. Matino kasing kausap si Estong kapag seryoso na ang topic. Madalas lang siyang manglait pero entertaining siya kausap. Hindi rin siya kaguwapuhan talaga pero panis ang sense of humor ng ibang mas guwapo sa kanya.

"Miss din kita, Capri maarti!" aniya.

We both laughed again before we went back inside the hotel room. We quietly talked about Ali and his ex-girlfriend here. Estong didn't mention her name because he expected I was gonna stalk Ali's ex. He didn't want that. Sabi niya, malalaman na lang daw namin iyon at hayaan na lang muna si Ali. 

Tama na muna iyong nasagap kong tsismis. At least, I know something now. Kaya pala biglaan din ang pagbabakasyon ni Ali rito. He wanted to win his ex back. I think it will work out since they were each other's first love naman daw. 

I helped him with the food. My cousins and twin brother were all still in peace.

"Musta naman 'yong kinakabaliwan mong bago? May pagbabago ba? Kayo na ba?" usisa ni Estong habang inaayos ang mga binili niya sa lamesa.

Umiling ako at ngumisi. To be honest, I still feel kilig everytime I remember his confession.

"Nope. Though, he confessed that he likes me too."

Nakakainis lang talaga si Asta, hindi maganda iyong ugali niya last time kaya ayaw ko pang makipag-usap.

"Sus. Na-motivate lang 'yon dahil nahalatang may gusto ka sa kanya," basag ni Estong sa kilig ko.

"How can you say that?"

"Simple lang. Obvious ka kasi lagi. Ikaw 'yong nagbibigay motibo at nag f-first move kapag may gusto kang tao."

"Excuse me?! Hindi kaya! I'm always friendly, Estong! Gano'n ako makitungo kahit kanino-"

"Oo nga pero motibo pa din 'yon para sa ibang tao na malisyoso. Iisipin nila may gusto ka sa kanila. Partida pa na hindi mo sila gusto. Paano pa kaya kung gusto mo talaga? First mover!" buska niya sa huling binanggit.

He's partly right. I do the first moves. Lalo na kapag gusto ko iyong tao at walang interes sa akin, kasi paano magkakaroon ng progress kung walang first move?

Naniniwala akong ayos lang mag first move, basta may chance na nakikita. Well, I always see my chance whenever I like someone. Kasi maganda ako. I feel like it's one of the advantages of having a pretty face.

Hindi ko lalahatin pero iyon ang obvious sa mga tao sa Pilipinas. Kapag maganda o guwapo ka, love at first sight agad.

I sighed while thinking deeply.

Maganda ako pero masama naman daw ang ugali ko, laging sinasabi ni Estong. Maybe it was the reason why I felt like nobody had ever pleased me. Nobody satisfied my expectations from the list of boyfriends I had.

I learned to believe that men were born to please women—or that they need to meet women's standards to be deserving of their love and trust. 

Wala namang nawawala sa mga lalaki pero karamihan pa sa kanila ang madalas mangloko. Sa mga babae ay napakaraming nawawala, marami pang hindi sine-seryoso at tini-take for granted lang. It is really unfair. 

Who am I to talk about this?

Kinahapunan na nang nagising ang karamihan sa amin. I slept again kanina after eating with Estong. Papalubog na ang araw noong nagpasya kaming mag-check out at sabay-sabay na umalis ng hotel room para bumaba na sa parking area at kunin ang mga sasakyan. 

Medyo maingay kami dahil sa mga bagay na napag-usapan habang nasa car park. Tawa nang tawa sina Fifth dahil sa mga kuwento ni Estong tungkol sa mga ganap sa buhay niya at mga kaibigan sa Isla Verde. 

"What happened to your girlfriends, Tong?" si Bhaltie na curious sa love life ni Estong. 

"Girlfriends talaga? Ang hot naman ni Estong!" panunuya ko.  

Umismid si Estong. "Girlfriends 'yon. Ang daming nagkakagusto sa akin, eh. Sinagot ko lahat."

Fifth and Arki laughed. 

"You're the man! Sana all, pinipilahan!" ani Arki. 

"Gusto mo ba, Arki?" mayabang na tanong ni Estong. "Ikaw na sumagot ng iba. Pagod na ako kakasagot sa mga assignments nila. Tang-ina, 'yon lang ang habol nila sa akin!"

Lalo kaming nagtawanan. 

"Ang dami kong problema. Kunin n'yo na 'yong iba, please lang!" Estong added. 

"Gago!" malakas na tawa ni Dia sabay hampas sa braso ni Estong.

"'Yan tayo, eh. Simpleng tsansing ka din sa akin, Diamante! Si Capriana ang nagturo niyan sayo, sigurado ako!"

"Fuck you, Estong!" I laughed more. 

"Sira-ulo!" Dia shook her head. 

"Huwag kang makinig sa pinsan mo. Hindi tama 'yang lagi kayong tsansing sa akin porke miss na miss n'yo ako!"

"Can we just continue this at the apartment?" Ali asked with a chuckle. He went to his car and opened the door to get in the driver's seat. "Tara na, Estong. Capri, Dia?"

Estong made a face as he slid into the passenger seat. Kumaway kami ni Dia sa kanya.

"Kita na lang tayo do'n!" sambit ko at sumakay na rin sa sasakyang dala ni Dia. 

Si Fifth sumakay na rin sa sasakyan ni Arki. Bhaltie patted Arki's car before he followed me and Dia. Si Bhaltie ang magda-drive sa amin. 

"Let's bring one car, next time. This is so hassle. Sayang pa ang gas," Dia said suggestively. She hooked her arms around my waist and leaned her head on my right shoulder. 

Bhaltie nodded while maneuvering the steering wheel. 

"Bakit pala biglang nawala sina Zac last night?" tanong ko kay Bhaltie at inihilig ang ulo ko sa tuktok ng ulo ni Dia. 

"Jace's manager called daw."

"So? Ba't si Zac?"

"I don't know. I didn't ask."

Dia chuckled. "Kay Jace o Zac ba 'yong blue Jaguar? I just remember something."

"Zac's. Why?"

"Really? Hmm..." Dia tilted her head as if she was thinking. "Sabagay, Laurent hates Jace."

Napatuwid ako ng upo at binalingan siya. "Excuse me! What's the chika? Where did you see Zac's Jaguar? Sa house n'yo ba?"

Humalakhak siya. 

"I saw Ante went out of his car when I visited home two weeks ago. Ngayon ko lang talaga naalala, eh."

"Huh? Zac and Brillante? As in?"

"Baka same car lang," Bhaltie intervened then chuckled. "I don't think Ante's Zac's type. He likes jolly and socialite girls. And Ante doesn't like anyone except Troi—because she hates all of us na maiingay."

My eyes squinted while imagininig Ante and Zac in one car. I cringed. I shook my head. 

"Oh, gold! Bhaltie's right! Zac with Ante in one car is really hard to imagine! Nanginginig ako!"

"Grabe ka naman!" Dia laughed. "Bagay naman sila, if ever. Zac's friendly and nice, Ante doesn't give a fuck. Opposite attracts, believe me."

"Bakit kayo ni Dwyght, parehas kayong malandi. How did you attract each other, then? I don't believe that!"

Dia's mouth dropped open as if she was surprised and offended at the same time by what I blurted out. Bhaltie laughed, shaking his head.

"I don't believe that, too."

Hindi ako naniniwala roon lalo na sa case nina Brillante at Zac. I don't think Zac can attract or melt Brillante. God, all of us tried so hard to break it when we were kids. Dinaan ko na lang iyon sa pang-aasar noon dahil hindi ko talaga makuha ang pansin niya para maki-bonding sa amin ni Dia.

She was so stiff and cold. I'd never seen her laugh. Minsan ko lang siyang nakita tumawa pero tipid pa iyon at parang sarcastic. Nakikita ko siyang nakikipag-usap kay Troi pero parehas lang silang boring.

Kung kay Zac nga iyong nakita ni Dia, marahil ay may dahilan. Pero hindi dahil nag di-date sila.

Dia glanced at Bhaltie, she raised her middle finger up.

"Fuck you, both! I'm talking about Ante and Zac. Naniniwala din ako do'n pero hindi ko sinabing all the time gano'n lang ang mag ki-click!" depensa niya sabay tawa. "And you are also a flirt! Flirt na paasa!"

Bhaltie laughed louder this time. I glared at him.

"Nice comeback. That's so on point!"

"Gago ka, ah!" malakas na sabi ko. "I thought we were magkakampi!"

"We're solid. I just agreed with what she said 'coz it's a fact."

"Letse kayong dalawa!" asik ni Dia.

Hindi mahaba iyong biyahe at nakarating din kami agad sa apartment. Boses na agad ni Estong ang narinig namin doon. Pagkapasok, naabutan namin sila sa sala na nag-uusap usap.

Troi was on the single sofa. Arki was standing behind while sipping on a Chuckie. Wala na siyang T-shirt. Si Fifth nakaupo sa armrest malapit kay Estong, at si Ali naman ay abala sa kanyang cell phone.

"Gago kasi 'yon, siniko ba naman ako sa mukha. Wala naman akong kasalanan."

"Bakit ka siniko kung wala kang kasalanan?"

"Hindi ko alam. Sabi ni Papa, naguwapuhan daw sa akin. Gano'n daw siya no'ng kabataan niya, eh. Takaw siko sa mukha kasi guwapo!"

Sumalampak agad si Dia sa isa pang sofa na mahaba sabay tawa nang malakas dahil sa narinig kay Estong. Tumabi si Bhaltie roon, saka naghubad ng kanyang T-shirt at inihilig ang batok sa sandalan. Tatawa-tawa rin.

"Tang-ina!" napamura na lang ako bago dumeretso sa fridge at kumuha ng maiinom. "Hindi ko kayo kinakaya ni Tito Bentong!"

Troi chuckled. Mukhang paniwalang-paniwala sa kuwento ni Estong dahil nakikinig siya at himala iyon.

Arki almost choked because of that, he was coughing. Tinakpan niya ang bibig gamit ang braso at yumuko dahil sa pag-ubo.

Tumingin si Ali kay Arki. "Are you up to another night out?"

Umiling-iling si Arki habang umuubo pa rin. Mabilis akong lumapit sa likuran ni Ali pagkatapos sumimsim sa baso ng tubig.

"Ako, sama ako!" I volunteered.

Kailangan ko ng full tsismis. Pero hindi ko naman siya kukulitin. Gusto ko rin naman talagang sumama uli dahil siguradong libre lang naman. Sabi nila mas okay na sinusundutan ang hangover para mawala.

Also to forget Asta for the meantime. Text kasi siya nang text at ayaw ko sanang basahin muna kaya kailangan ko ng pagkakaabalahan. Isa pa, minsan lang nandito si Ali.

Ngumiwi si Ali. "Chinismis na ba ako ni Estong?"

Halos matawa ako nang sulyapan si Estong na mukhang guilty. Ngingisi-ngisi siya habang kumakamot sa batok.

"Hoy, hindi!" giit ni Estong. "Slight lang!"

I clicked my tongue. "Who's your ex?"

"Capri!" tawag ni Estong.

"Ano'ng ex 'yan? May ex ka pala?" usisa ni Dia.

"Magsitigil kayo, mga marites kayo!" buska ni Estong. "Hayaan n'yo siya! Hindi pa nga sure kung magkakabalikan sila! Mamalasin pa sa inyo si Ali!"

Napatingin kami sa kanya dahil sa litanya niya.

Sira-ulo, mas mukha pang mamalasin dahil sa pinagsasabi niya. Baka mausog.

Lumapit ako sa kanya at binatukan siya. Kumamot siya sa ulo at bumungisngis.

"Sa'yo mamalasin si Ali, eh. Huwag kang bumuntot sa kanya at baka sayo ma-attract 'yong ex niya 'pag nakita ka! FO talaga kayo niyan!" tuya ko.

"Fuck, Capriana!" Fifth and Arki laughed loudly.

"Why does it sound sarcastic?" Troi asked with a little confusion written on his face. Nakasandal lang siya at nakatingala sa ceiling pero halata ang pagkalito dahil sa nakakunot na kilay.

Tumawa si Estong. "Ay, naku! Talaga! Mahirap na at baka ma-insecure pa sa akin ang pinsan mo, Troilus! Saka alam mo namang may gusto sa akin si Capriana kaya nagseselos siya ngayon!"

Troilus nodded in belief. "Oh, that's why..."

Pumikit ako nang mariin. "Estong, gusto mo ng kotong?"

Humalakhak siya.

"Real talk lang!"

Ali shook his head while chuckling as he stood up. He ran his fingers through his hair before he started stepping out of the living area.

"I'll just take a shower."

Tumango lang kami sa kanya at hinayaan siya. He seemed a bit uneasy today. Parang kinakabahan siya at hindi ko sigurado kung dahil lang ba iyon sa ex niya o may iba pang dahilan.

Tawanan lang kami habang nag-uusap. Sina Bhaltie at Fifth ay aliw na aliw naman kay Estong. We also talked about sports and some past adventures. Nagp-plano na nga ring bumalik sa Isla Verde para sa bakasyon sa susunod na holidays.

Umakyat na muna kami ni Dia sa kuwarto namin dito. May mga gamit pa rin kami ni Dia rito kaya ayos lang kahit na mag-stay kami rito.

Magkatabi kami sa kama habang abala na sa aming mga cell phone.

Asta:
Are you going to Nightlite tonight?

Halos mabitawan ko ang cell phone ko nang tumunog iyon sa call niya. Mabilis akong dumapa sa kama at inilapag ang cell phone ko. Tinitigan ko lang iyon habang nagri-ring hanggang sa matapos.

Kunot ang noo ni Diamante, may multo ng ngisi sa labi. "Oh, badtrip ka pa rin sa kanya? Paano na 'yong dream commitment mo with him?"

"Gago." Umirap ako at pumangalumbaba. "Hindi ko alam. Ayaw ko pa siyang makausap, eh." Suminghap ako nang may naalala. "Anyway, did you already see Ino?"

Her one brow shot up. Iyong pagkaabala niya sa cell phone ay tinigilan niya saglit para titigan ako.

My face heated. "I'm just curious!"

Lalong tumaas ang kilay niya. Mula sa kanyang pagkakasandal sa headboard, umupo siya at tumitig sa akin.

"Curious nga ba o worried?"

I rolled my eyes as I brought my back on the bed and looked at ceiling.

"Whatever, Diamante. Huwag mo nang sagutin kung mang-iisue ka lang. Ganyan ka naman, eh. Lahat na lang—"

"You wanna see Ino?"

My eyes moved to look at her. I saw her grinning evilly. Napairap ako uli at iniling ang ulo, saka pumikit.

I won't bite that! Kilalang-kilala ko na siya, alam kong may kasunod na namang issue iyan.

Mali pa yatang nagtanong ako dahil curious ako. I was just really curious. Nabangasan siya at nasukahan pa ni Payne. It was a terrible experience for someone who doesn't usually hangout. Ganoon pa talaga ang narasanan.

"I know where he's working," she said. I could almost hear the excitement in her voice.

No. Don't fall for it, Capri.

Pinigil ko ang sarili kong maglabas ng reaksyon.

"Plano ko sanang magpasama sayo kasi may kukunin ako sa condo ni Dwyght. Ino lives with him."

I tried so hard to keep my face straight for a minute of her silence. Mayamaya pa ay nagmulat ako ng mga mata at matalim siyang tiningnan.

She was still grinning. I immediately sat up and messed my hair up.

"Fuck you, Diamante Villareal! Let's get what you need to get now!"

"Hala!"

"Shut up! You really know na hindi ako makakatanggi sayo, eh! Alam na alam mo kung paano ako kunin!" I said to save my face.

"Now, I learned a new way to bring you with me kahit hate mo si Dwyght." She let out a satisfied laugh while shaking her head. "Hindi ka pala talaga badtrip kay Asta..."

---

Continue Reading

You'll Also Like

233K 14.2K 45
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
484K 13.4K 36
Fern Winterson is a troubled girl who has been sent to the beautiful town of La Push to undergo her probation period under the supervision of Sue Cle...
1.5M 132K 64
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
408K 16.1K 48
Vikram, a senior officer, prioritizes his duty above all else, much like his father, ACP Rajendra. He has three siblings: one is an officer, and the...