Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

920K 31.5K 20.8K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 34

10.1K 344 55
By JosevfTheGreat

Chapter 34: Approaching Dissonance

#DittoDissonanceWP

Read this note: Hi! Mula sa chapter na 'to at sa mga susunod pang mga chapter, hindi na 'yon revised. I focused on the first arc of this story to emit some words that were too much for me as well.

I hope you can enjoy the story now. I hope you appreciate what I did for this story. But either way, this is your call, if you'll appreciate it or not. Nevertheless, no matter how widely I explain this story, it will always depend on how you perceive it.

Enjoy! Don't forget to vote. Thank you!

PS: Kapag gulo-gulo 'yung chapters, i-remove ninyo lang sa library ninyo 'yung Ditto Dissonance, then add ninyo ulit. Refresh mo library mo.

If ayaw pa rin, mag-log out ka at mag log-in ka ulit. Then refresh mo lang library mo.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

It felt like he was uncomfortable. I tried to wave subtly to make him feel that everything was fine, but he just gave me a much more uncomfortable smile and then just turned away. I was left. . . confused. I thought we'd be good after I explained and apologized for my behavior. But I understand him if he was uncomfortable. It's not my call to tell him what he has to feel. What matters is that I think we're fine, and I apologize for everything.

I expressed everything that had to be expressed. Tanggap ko naman na naging uncomfortable si Zern sa naging sitwasyon, ang hindi ko lang maintindihan kung bakit parang hindi pa rin kami okay after naming mag-usap. Nago-overthink ako na baka may hindi pa ako nasasabi o nae-express kaya siya naging uncomfortable. Baka may nasabi pa akong mali noon na na-hurt siya nang sobra at kung mayroon man gusto kong humingi rin ng sorry, kaso hindi ko naman sigurado kung mayroon ba o kung anuman 'yon.

Matapos naming kumain nina Magnus at Mishael, humiwalay na sa amin si Mishael dahil magsha-shower na rin daw siya. At habang naglalakad kami nang mabagal ni Magnus, biglang nabuksan ni Magnus ang topic tungkol ulit kay Zern.

"He looks nice though," sabi ni Magnus kaya napalingon ako sa kaniya.

"Zern?" I clarified.

Magnus smiled and nodded. "Yeah, 'yung sinabi niya tungkol sa pagiging mabait, he has a point. No'ng nakuwento mo 'yong trauma mo sa amin noon, na paniguradong ako na lang ang nakakatanda, naisip ko rin 'yung sinabi ni Zern that time. Na sana piliin mo pa ring maging mabait kahit ang gulo at maraming masasama sa mundo. Kaso ayaw kong ma-feel mong dinidiktahan ko ang nararamdaman mo. Kaya hinayaan kita sa kung ano ang gusto mo, dahil somehow do'n mo mas nararamdaman ang sarili mo. Alam ko namang as we grow up, mare-realize mo rin 'yung mga bagay na dapat mong ma-realize dahil wise kang tao, Caiden," sabi ni Magnus.

"Thanks, man. That's nice. Minsan lang hindi ko alam kung paano ie-express 'yung nararamdaman ko sa mga na-realize ko kaya lumalabas na parang ang blunt kong magsalita. Ino-overthink ko kanina pa kung bakit ang uncomfortable ng mukha ni Zern no'ng umalis sila ni Ashton. Pakiramdam ko may nagawa pa ako at gusto niyang mag-apologize ako ro'n specifically. Or baka wala naman, baka ino-overthink ko lang. I don't know, man. Naba-bother ako. Gusto ko lang na maging maayos kami nang fully ni Zern," sabi ko.

"Sa sinasabi mo, pre, parang gusto mo na siyang maging kaibigan, e. Gusto mo na siyang maging parte ng buhay mo," sabi ni Magnus kaya nangunot ang noo ko.

"Uh. . . not really, man. Gusto ko lang ma-feel 'yung ease na okay na talaga siya at hindi na niya 'yon dadalhin. Na-realize ko lang din kasi 'yung nararamdaman niya lalo, baka na-feel niyang na-bully ko siya which is 'yun talaga 'yung nagawa ko. Kaya gusto kong maging sure na okay talaga siya," sabi ko.

Tumango-tango naman si Magnus bago ako tinapik sa braso. "That's for you to find out, pre. Kung gusto mo talagang ma-make sure na okay na si Zern, you should ask him or minsan kasi. . . mas magandang hayaan mo na lang. Stop overdoing things. Baka kasi mas lumala at mas nakaka-trigger para sa tao. Just let him process, man. He'll be fine," sabi ni Magnus.

Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Magnus. He has a point. Siguro, hayaan ko na lang muna siya. Mukhang kaya naman niyang alagaan ang sarili niya. For now, ang iisipin ko na lang ay maayos na kami at na-clear ko na lahat ng dapat i-clear. He agreed with everything that I said, I'll just let him process everything. Like Magnus said, he'll be fine. I hope he will be.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Nginitian ko agad si Mishael 'pagkapasok niya.

"Paalis ka na?" sabi ni Mishael at naglakad papunta sa desk niya.

Tumango ako. "Oo, may work ako. Sa Tafiti's. 10 a.m. ang schedule ko. Nagkwentuhan pa kayo nina Caiden?" sabi ko.

Umupo siya sa upuan na nasa tapat ng table niya. "Oo, he was nice. But I'm sorry if I made you uncomfortable, Zern. Akala ko it would be nice na biruin kayong dalawa about being friends. Baka na-trigger kita or something. I was irresponsible of my actions. I'm really sorry. Sana okay ka lang, and sana hindi no'n maapektuhan ang buong araw mo. I hope you still smile and have a great day ahead," sabi ni Mishael at maamong ngumiti.

Napangiti rin ako sa sinabi niya. "Yeah, I'm really fine. You didn't make me uncomfortable. Hindi rin ako siguro naging uncomfortable kay Caiden. It's just. . . I have to process things first. And 'yung situation kung nasaan ako kanina, it's too much and somehow triggering for me. Na-anxious lang ako and normal lang 'yon sa akin dahil hindi naman ako sanay sa bagong tao. But I was not offended," sabi ko.

"Sorry pa rin. But either way, I'm glad that you cleared everything with Caiden. I was glad as well that he apologized to me. At least ipa-process na lang natin 'yung nangyari. Wala na tayong dadalhing bigat or uncomfortable situation sa dibdib natin. Kapag naalala natin ulit 'yung bagay na 'yon, ngingitian na lang natin," sabi ni Mishael.

Tumango ako. "Yeah, nonetheless. But one thing's for sure, I won't be friends with Caiden. I can't. I don't want to be friends with him. That's final. I think 'yun 'yung uncomfortable sa akin na idea. It's uncomfortable for me to be friends with him. I still don't like him, and that's what I call boundaries. We cleared everything out, but it doesn't mean we have to be friends. In-anxious lang talaga ako dahil kailangan ko i-process lahat. But that's all. Inulit ko lang lahat sabihin for conclusion," sabi ko at mahinang natawa.

"I understand, Zern. You should head out. It's already nine," sabi ni Mishael at ngumiti.

Tumango lang ako bilang sagot bago tumayo at kinuha ang bag ko.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

'Pagkarating ko sa Tafiti's, nando'n na rin si Jopay. Binati ko lang siya bago nagsimulang tumulong sa pagpupunas ng mga lamesa at counter. Napag-usapan naming siya na ang magwawalis at magma-mop kaya ako na lang ang nagwalis sa labas at maglilinis ng wall glass ng mismong cafe.

Inabot na ako ng alas-diez nang matapos ako. Wala pa namang customer kaya nag-ayos na lang ulit kami ni Jopay ng mga kakailanganin kung sakaling may dumating na customer.

"Nagustuhan ni Ma'am Joana ang sinabi mo sa kaniya. Kaya baka bukas daw sisimulan niya ang promo natin para mas madali mo raw ma-market if ever na i-advertise mo 'yung Tafiti's sa university mo," sabi ni Jopay.

"Anong promo?" sabi ko at tinigil magbasa ng mga recipe ng kape.

"Coupon ata. Like kapag nakalimang order ka ng kape sa Tafiti's, may free kang kahit anong sweets. At kapag nakasampu naman, may free kang tatlong drinks sa susunod mong order," sabi ni Jopay.

"Ooh. . . maganda 'yon. Try kong i-advertise 'tong Tafiti's mamaya sa council ng org namin. Sabihin ko, kung sakaling mag-meeting ulit, baka gusto nilang um-order dito ng kape or dito na lang kami mag-meeting," sabi ko at napangiti.

"True, tama 'yan. Papalagay ko na kay Cyrus bukas 'yung tarpaulin diyan dahil magkakaroon din ata ng promo si Ma'am Joana next week. Buy 1 Take 1 naman ang naisip niya, para ma-enganyo lalo 'yung mga customer sa coupon," sabi ni Jopay.

Bandang alas-onse, may dumating na grupo ng mga estudyante. Mga SHS siguro sa hindi kalayuang school mula dito. In-endorse agad ni Jopay ang magiging promo next week pati na rin ang coupon na ma-avail nila bukas. Mukhang natuwa naman 'yung mga estudyante, at mukhang babalik sila bukas para kumuha ng coupon. Um-order na sila at tinulungan ako ni Jopay asikasuhin ang mga order nila dahil lima sila.

Hindi pa ako natatapos sa paggawa ng waffle, may dumating na agad na customer at tatlo naman sila kaya inasikaso ulit 'yon ni Jopay. Tinapos ko na lang muna ang lahat ng kape ng limang estudyante habang hinihintay maluto ang dalawang waffle.

'Pagkatapos ko sa limang kape, saktong tapos na rin ang dalawang waffle na niluluto ko. Medyo mabagal pa ako sa paggawa ng kape, dahil nire-recheck ko sa reference kung tama ba ang sukat at dami ng ilalagay ko.

Tinawag ko na ang nasabing pangalan sa kape kaya pumunta na sa counter ang isa sa mga limang estudyante para kuhanin ang order. Gusto ni Jopay na siya na ang gumawa ng tatlo, pero hindi ako pumayag. Gusto ko mas masanay pa. Kaya pinabayaan niya ako at siya na lang ang nag-asikaso ng order na strawberry shortcake.

'Pagkatapos ko sa tatlong kape, siya na ang nagbigay no'n sa customer. 'Saka ko lang biglang naramdaman 'yung pagod agad. Nakakapagod din pala. Walong kape pa lang 'yung nagagawa ko, pero nakakapagod agad. Nakaka-panic din kapag naiiwanan ako mag-isang gumagawa dahil may kukuhanin na namang order si Jopay at madadagdagan na naman 'yung gagawin ko.

Sandali lang akong nagpahinga dahil after ng limang minuto, may dumating na namang dalawang customer. Tinry ko namang ako ang kukuha ng order, in-assist ako ni Jopay sa mga dapat pindutin. Ako rin ang nag-endorse ng promo at coupon sa kanila. Biniro-biro ko lang at mukhang nahulog naman sa marketing strategy ko.

Tig-isa kami ni Jopay. Ako ang sa frappe at siya ang sa kape. Ako na rin ang gumawa ng waffle at siya naman ang nag-prepare ng peanut butter cake. 'Pagkatapos namin sa pag-prepare no'n, saktong dumating naman na si Erica. Siya naman muna ang makakatulong ni Jopay habang nasa klase ako.

Chineck ko ang oras at alas-dose na pala kaya nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Hinubad ko lang ang suot kong apron bago kinuha ang bag ko't umalis do'n.

Habang naglalakad ako, biglang kumirot ang pagitan ng kilay ko. Bigla kong naramdaman ang stress. Unang araw pa lang 'to ng trabaho ko, nai-imagine ko pa lang na araw-araw akong pabalik-balik sa university at sa Tafiti's. Kasama pa sa pagod 'yung lakad at 'yung init.

Lamig-init ang eksena ko nito. Sana hindi naman ako magkasakit.

12:10 p.m. ako nakarating sa Organization Council Room. Nandito na silang lahat at mukhang ako na lang ang hinihintay. Anim kaming nasa room. Lima kaming officer at si Yumiko na sa tingin ko'y maga-assist sa amin.

"Hi, Zern!" sabi ni Yumiko.

"Hello po," sabi ko at tipid na ngumiti.

Pinaupo na niya ako para makapagsimula na ang meeting. Pinangunahan ni Yumiko ang pagpapakilala at sumunod naman kami. Kahit nagpapakilala pa lang, mukhang magkakasundo naman kami sa buong semester. Napuno rin kasi ng biruan at tawanan ang meeting namin.

Sumunod na napag-usapan ang mga kailangan naming gawin bilang officer, kasi after ng meeting namin na 'to, hindi na namin makakasama si Yumiko ulit. Pero kung kailangan namin ng tulong at may tanong kami, 'wag kaming mahihiyang magtanong sa kaniya. At kung wala naman siya maaring kaming dumeretso kay Coach Macapagal at Miss Selecta.

"And finally, the acquaintance party. Hindi naman 'to literal na party, naka-attend naman na siguro kayo ng last year's AP ng org. natin. Usually, kain-kain lang 'to sa isang naka-reserved na restaurant at allowed din naman tayo mag-drink ng liquor, which is good dahil maraming gustong uminom. Marami-rami rin tayo. Mostly, puro boys dahil nga sports and recreational organization tayo. Naisip namin ni Coach Macapagal na sa buffet na lang dahil nga malalakas kumain, pero naisip din naming pwede rin sa Korean BBQ. Ano sa tingin ninyo?" sabi ni Yumiko.

Napagsang-ayunan naming Korean BBQ na lang, dahil baka sobrang nakakabusog kapag buffet at baka hindi na sila mag-enjoy sa iinuming liquor. Or ang masama ro'n, baka hindi na kumain at deretsong inuman na agad. At least kapag Korean BBQ, puwedeng pagsabayin at paniguradong walang male-left out.

12:50 p.m. nang natapos ang meeting. Nagpaalam ako sa kanila na may klase pa ako ng ala-una kaya nauna na akong lumabas at hindi na gaano nakipaghalubilo sa kanila.

Kukuhanin ko pa lang ang phone ko para i-chat si Leroy nang biglang may tumawag sa akin mula sa hindi kalayuan. Nangunot ang noo ko nang lingunin ko kung sino 'yon. Speaking of the devil na pala.

"Paano mo nalaman na andito ako? Icha-chat pa lang kita dahil anong oras na!" sabi ko at nakahinga na nang maluwag dahil kanina pa ako nasu-suffocate sa council room. Ganito 'yung nangyayari sa akin kapag may mga bagong tao, para akong nababalisa. Plus, iniisip ko pa 'yung oras dahil may klase pa nga ako ng ala-una.

Mahinang natawa si Leroy. "Tinanong ko si Ashton. Sinabi mo kaya sa kaniya no'ng after ninyo raw kumain. Nakwento niya rin sa akin 'yung nangyari kanina, no'ng nakasabay ninyo kumain si Caiden," sabi ni Leroy at napanguso.

Tumango-tango naman ako bilang sagot. "Asan si Ashton? Tapos na ata klase niya, ah?" sabi ko.

"May ginawa kasama 'yung mga ka-block niya. Nag-lunch lang kami, then naghiwalay na kami ng daan. Kanina pa kita hinihintay rito. Hindi ka rin kasi nagche-check ng phone mo, since kapag marami kang ginagawa kalat-kalat na 'yung isip mo. Para ka ng hindi mapakali," sabi ni Leroy at lumapit sa akin 'saka umakbay.

Bumuntonghininga ako at nagsimula na kaming maglakad. "Oo, putangina. Nase-stress na ako kanina pa. Nasu-suffocate pa ako kanina dahil hindi ko sila kilala lahat. Nababalisa ako na ewan. Basta, alam mo naman ako kapag may ibang tao. Biglang ina-anxious. Kahit okay naman sila, after ng meeting bigla akong in-anxious," sabi ko.

Humalakhak lang si Leroy. "Kaya mo 'yan, Zernibels. Ikaw pa. Andito lang naman kami ni Ashton, kung kailangan mo ng mapagbubuntungan ng stress mo. Pero syempre, 'wag ka gaanong nagpapa-stress," sabi ni Leroy.

Huminga ulit ako ng malalim para ilabas lahat ng bigat sa dibdib ko. Ang safe bigla sa pakiramdam dahil andito na si Leroy. Pakiramdam ko may kakampi na ako at hindi ko na kailangan mag-worry. Nami-miss ko na rin tuloy agad si Ashton kahit magkasama lang kami kaninang umaga.

Palabas na sana kami ng gym nang biglang tumambad sa entrance si Caiden pati ang isa pa niyang kaibigan. Ito ata 'yung ballpen 'yung pangalan. Hindi ko sigurado kung ito 'yon, pero mukhang siya dahil natatandaan ko 'yung height niya.

"Oh. . . Zern. . ." gulat na sabi ni Caiden nang nakita ako.

Hindi ko alam kung paano sasagot sa kaniya. Kawawala pa lang ng anxious feeling ko, tapos ngayon bubungad sa akin si Caiden. Putangina naman. Paano ko 'to sasagutin ngayon? Bakit niya kasi ako kailangan batiin?

"BS Architecture ka, 'di ba?" sabi ni Caiden sa mababang boses.

Tipid lang akong tumango.

"May meeting daw 'yung department natin. BSFA and BS Architecture," sabi ni Caiden at nananatiling seryoso ang mukha niya.

Patago akong humugot ng malalim paghinga bago tipid na ngumiti sa kaniya 'saka tumango bilang sagot.

"May kukuhanin lang si Titus sa locker niya, sabay-sabay na tayo. Dito lang din 'yung room na pagme-meeting-an," sabi ni Caiden at titig na titig sa mukha ko.

Bakit ba siya nakatitig sa mukha ko! Ina-anxious na naman tuloy ako. Hindi ko pa gaano masabayan ang pag tingin ni Caiden. Naiilang ako. Tangina! Hindi ko rin alam kung paano sasagot sa mga sinasabi niya. Sobrang casual niya.

"Sige, samahan mo na 'yung friend mo. Hintayin na lang namin kayo rito," sabi ko at umiwas na agad ng tingin.

Hindi rin naman namin alam 'yung room, at wala akong maisip at lakas ng loob tumanggi sa alok niya. Nakatatak na kasi sa isip niya na okay na kami, which is true naman. Naiilang lang ako at hindi ko talaga kayang mag-entertain ng panibagong tao sa buhay ko. I feel invaded. Parang pasok lang sila nang pasok sa space ko kahit hindi ko naman sila ina-allow.

Kahit paulit-ulit ko pang sabihing hindi naman namin kailangan maging kaibigan, pero kung palagi naman kami nagkakasalubong at ganito ang approach niya, para na rin niyang ini-invade ang space ko. And nakaka-drain 'yon. Hindi ako sanay. Introvert girlie kasi si bading kaya halos mamatay na sa suffocation.

At saka ano na naman ba kasi 'to! Bakit na naman may meeting? Ano na naman 'tong biglaang meeting na 'to, tangina. Lahat na lang meeting. Puro meeting.

Nase-stress na ako, ha. Stress overload na. Hindi ko na kinakaya. Kalahating araw pa lang ang lumilipas, parang pang next week na 'yung pagka-drain ko. Tangina talaga. Gusto ko tuloy ng ice cream.


Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)

Continue Reading

You'll Also Like

346K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...
Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...