KILL YOUR HEART

Von limmymunez

343 190 17

love doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love. Mehr

PROLOGUE
A NIGHTMARE PAST
DISTANCE BETWEEN YOU AND ME
MEET AGAIN
EMERGENCY
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

CHAPTER 8

16 9 1
Von limmymunez

APRIL 5, 2000

"FELIX ELEMENTARY SCHOOL"

Ito ang araw kung saan nandito ako sa school namin kasama ang tatlo kung kapatid at ito rin ang araw kung saan bully ako at birthday ng mama ko, magka-iba naman kami ng room ng mga kapatid ko kaya hindi kami magkasama ngayon.

Uwian na matapos magturo ang mga guro sa amin, nagsilabasan narin ang mga kaklase ko, maliban sa apat na nag-aabang sa akin. Hindi ko maiwasang patingin-tingin sa kanila habang pinasok ko ang notebook sa bag ko.... wala naring tao maliban sa amin. Patayo na ako ng nilapitan nila ako!

"Ano? nasaan na yun pera namin! sabi nong isa habang sinapak ako sa braso.

"wala akong pera ngayon! hindi ako binigyan ni mama. Ni wala nga akong ulam ngayon ehh...  tahimik na paliwanag ko kasabay ng takot at walang kalaban laban.

Tinawanan lang nila ako, dahil hindi sila naniniwala sa akin.

"Magsinungaling ka pa!? Ilabas mo nalang ng hindi ka namin sasaktan! sabi naman ng leder-lederan nila.

"wala nga! sabi ko naman habang yakap-yakap ang bag ko.

"Nakalimutan mo na ba yung sinabi namin kahapon!? pag di mo yan ibibigay ang pera mo!? ikukulong ka talaga namin sa madilim at nakakatakot na room na yun! nananakot niya sa akin.

"Ano? ibigay mo na! sabi naman nong isa habang tumatawa.

"Wala nga akong pera! pamimilit ko pa, Sa totoo lang meron talaga akong pera, at di ko kayang ibigay sa kanila at hindi pwede ngayon. dahil birthday ng mama ko ngayon, may bibilhin sana ako na paborito niya. tatlong araw ko pa naman tong pinagiipunan tapos ganito lang ang mangyayari, kukunin lang nila sa akin ng walang awa. Lagi rin nilang ginagawa to sa akin tuwing lunch break. kaya wala akong magagawa dahil wala rin naman akong kalaban laban.

Namimilit ako na makaalis pero tinulak ako nong isa at natumba ako, Sinuntok ako sa tiyan ng leder-lederan nila at pinagtatawanan lang ako, Dahil wala akong maibigay binugbog nila ako hanggang sa kinuha nila yung bag ko.

Nakita nila ang pera sa lagayan ko pero di nila kayang buksan yun dahil na sa bulsa ko ang susi.

"akala ko ba wala kang pera! sabi niya.

"Akin na yan! para sa mama ko yan! tumayo ako at gustong agawin ang alkansiya ko pero wala akong magawa ng bigla niyang pinasa sa kasama niya at natumba uli ako...

Pilit ko itong hinabol pero sa maliit at mahina kong galaw wala akong magawa kung hindi ang mahirapan ako sa pinang-gagawa sa akin.

"Kung sinabi mo sana sa amin kaagad di sana hindi kana mahirapan pa! anga pa na sabi Niya.

Napaiyak naman ako.

"Eh paano yan, ang hirap buksan ng alkansiya niya! metal ata at mahihirapan tayong basagin yan. sabi pa nang kasamahan niya.

"marami namang paraan para mabuksan yan. dagdag ding sabi nong isa.

"matagal pa yan!? bilisan niyo diyan.... sabi din nang isa habang nagbabantay sa pintuan.

"mabubuksan natin to!.... kung ibibigay niya ang susi! sabing napatingin sa akin.

"susi? anong gagawin natin sa susi!? tanong nong isa na tila nagtataka.

"bobo ka ba!? ehh malamang para mabuksan natin toh! sabi niya na parang galit pa.

"Hanip pala yung alkansiya niya. disusi.
napatawang sabi nong isa.

"ano? ibigay mo na!

"Anong ginagawa niyo sa kapatid ko! Napalingon kaming lahat ng marinig namin ang boses ng kuya kong si Zoren pagkatapos niyang bogbogin ang isa don sa pintuan. Parang wala ng malay at duguan pa.

"kuya!?

"Kuya mo pala yan!?

nilapitan sila ng kuya ko pero hinarangan siya ng dalawa at nanlaban naman si kuya at pinagsusuntok niya ang mga ito hanggang sa lumabas ang mga dugo nito sa katawan, gusto pang kunin ni kuya ang upuan at ihampas sa mga ito pero napigilan ko siya ng sabihin kong itigil niya yun!

Takot na takot ako, dahil parang hindi ko na kilala ang kuya ko. Parang wala siya pakialam sa lahat na maiisip mong para siyang baliw na walang awa na gusto niyang patayin ang kaklase ko, tila wala na siya sa pag-iisip.

Takot na takot naman ang isa pa na may hawak ng alkansiya ko na siya namang leder-lederan dito. Dahil sa takot niya binigay niya agad sa akin ang alkansiya at humingi ng tawad sa akin tsaka tumakbo pero hindi siya nakalagpas kay kuya at pinagsusuntok siya.

"Sa susunod wag na wag mo na itong gagawin sa kapatid ko. dahil papatayin kita. kahit ano mang oras... sabi ng kuya ko habang pinagsusuntok niya ang kaklase ko at duguan na ang mukha nito...

"kuya tama na! kuyaaa! pagpipigil ko sa kanya at niyakap ko siya habang umiiyak!

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kuya ko, pero naiisip ko lang hindi kaya dahil ito kay papa!!? Nang niyakap ko si kuya parang wala siya sa pag-iisip at takot na takot siya.

Pinatawag agad kami ng principal, at nagrereklamo ang mga magulang sa mga nabogbog ni kuya... Sa tingin ko kay kuya parang hindi na siya normal na tao na parang ibang iba na siya kung kumilos... Ang mabilis na paghinga niya tuwing takot, ang mga mata niyang galaw ng galaw tuwing may nakatingin sa kanya o may katabi man siya o kahit pa kinakausap siya hindi niya ito napipigilan at lagi rin siyang natataranta. "ano bang nangyayari sayo kuya???"

Dumating agad ang ina namin, galing pa sa pagtitinda niya ng bulaklak, nag-aalala siya kung anong nangyayari at agad siyang kinausap ng principal namin habang reklamo naman ng reklamo ang mga magulang ng mga nabogbog ni kuya. hanggang sa hiningi ang paliwanag ng mga ito, pero nasinungaling sila. kaya nagalit ako. Ako naman ang hiningan ng paliwanag at sinabi ko lahat mula sa umpisa hanggang sa dulo. mukhang napaniwala ko naman sila. at galit naman ang mama ko ng marinig niya sinabi ko. habang ang mga magulang sa kabilang side nahihiyaw at wala ng masabi... dahil sinabi rin ng mga anak nila ang totoo. Habang si kuya ganon parin. Hindi narin pinapayagan si kuya na mag-aral sa kahit anong eskwelahan dahil sa pinapakita niyang mga kilos at pag-iisip.

"naawa ako para kay kuya"

                 ************************

"ZELLE POV"

Pauwi na kami at tahimik lang ako, dahil kanina pa ako nababadtrip at walang kasaya-saya ang pamimiling ito, nakakainis lang lalo ng makasama ko ang madilim na ito!

kung hindi niyo alam, yan na ang gusto kong itawag sa kanya!. Madilim! dahil nangingitim ang pagtingin ko sa kanya pag kausap niya ako, na tila bang kinukuha niya ang confidence ko!.

"Parang ang ingay naman 'ata dito!? agad kong baling sa kanya habang nagmamaniho siya at sinabi niya iyon!, tila nagpaparinig siya sa akin... siguro dahil sa tahimik ako at walang kaingay-ingay kaya niya nasabi iyon.

"mag-ingay ka mag-isa mo!... bakit kailangan ko pang mag adjust kung nababagot ka na! ano gusto mo? kumanta ako dito? tumawa kahit walang nakakatawa?"

"Sir Knight? kung nababagot ka pwede ka namang magpatogtog! tahimik namang sabi ni manang kay Knight! 

"Shhht! dibah nagalit si ma'am Zelle kanina? ibig sabihin ayaw niyang makarinig ng kumakanta! pabulong namang sabi ni yaya Mel.

"Ano? saan mo nanaman yan nakuha yang sinasabi mo! inis namang bulong ring sabi ni manang.

"Nako! ganyan talaga si ma'am, pag galit siya ayaw niya ng may kumakanta! patuloy lang silang nagbubulungan. na siya namang pinakikinggan ko!

"Ayan ka nanaman! kung ano-anong sinasabi mo!

"kung hindi mo alam, pinagalitan ako ni ma'am nong isang araw...habang naglilinis ako daladala ko yung speaker ko yung maliit... pinatogtog ko yun tapos sumasabay ako sa pagkanta, nang makita ako ni ma'am Zelle nagalit siya at binasag yung speaker ko! sabi niya ng paniha ng pahina ang boses niya.

Habang nasa likod nila ako at nakikinig sa pinag-usapan nila napaisip tuloy ako kung may ginawa ba akong ganon kay yaya Mel. parang wala naman 'ata!?

"naririnig mo ba ang sarili mo! inis namang bulong ni manang kay yaya Mel.

"Huh!? ano?

"Nakoh! hindi ako naniniwala sayo! nananaginip ka nanaman 'ata kagabi e kaya mo yan nasabi! ikaw talaga!  sabi ni manang habang kinurot ang braso ni yaya Mel. Napatawa naman ako sa kanila habang napansin kong nakatitig pala sa akin si Knight. kaya napaayos ang upo ko at nanahimik na umiwas sa tingin niya.

"nagsisimula nanaman siya!"

"Hindi naman ako nanaginip ahh! malakas na talagang boses ang sabi ni yaya Mel.

"Tumigil ka na! nababagot namang sabi ni manang.

"Nanaginip nga ba ako?  Ewan ko!?
napaisip na sabi ni yaya Mel. Kinurot naman siyang muli ni manang.

"Tumigil na kayo, wala namang patutunguhan yang pinag-uusapan niyo. tahimik ko namang sabi. Nang biglang pinatogtog ng driver ko yung kanta ni Moira Dela Torre na "babalik sa'yo"

Agad naman akong napalingon at nakasimangot habang tinititigan siya sa likod, at tila napasabay siya ng galaw sa kanta.. Wala akong magawa, Nagustuhan ko rin ang kanta kaya nakinig nalang ako.

Hanggang sa nakauwi na kami sa mahaba naming byahe... Nauna na akong bumaba habang si Knight akmang nakatingin sa akin ng makababa siya akala niya siguro mapagbubuksan niya ako. Tinulungan na lamang niya sina yaya Mel at manang habang pumasok na ako sa loob ng bahay. Sinalubong agad ako ni Franco at hinanap si Knight.

Wala narin lang akong magagawa kung nagugustuhan ng kapatid ko ang knight na yun, Basta hindi muna ako magkakampanti ngayon lalo pa't hindi ko alam kung ano pang mangyayari.

Maya-maya pa may tumawag sa akin agad ko namang kinausap at lumayo papuntang roof tap.

"KNIGHT POV"

Nang makauwi kami wala sa isip ko ang maging masaya, napansin ko kasi na parang malabo natong ginagawa ko. nawawalan narin ako ng gana kung minsan dahil parang hindi naman gumagana yung pagiging positive ko kay Zelle, habang buhay na siguro na hindi na kami mag-aayos. ang dapat na gawin ko nalang ngayon ay magplano habang hindi pa kumikilos ang sino mang may galit sa akin.

Bago ang lahat. Kailangan ko munang gawin ang ano mang nasimulan ko dito dahil parang may kutob talaga ako na hindi ko matatanggap pag nangyari ito.

Habang tinulungan ko si Yaya Mel at manang sinalubong agad ako ng ngiti ni Franco.

"Kuya? If you don't mind, hindi na pala matutuloy yung laro natin ng basketball, nawawalan na rin kasi ako ng gana. And you have your responsibility para kay ate so sorry kung nakakaisturbo ako. agad na sabi niya, ng walang pagdadalawang isip.

"hm! ok lang yun, pasensya narin marami kasi akong kailangang tapusin kaya wala akong time para maglaro tayong dalawa. paliwanag ko naman.

"sigeh kuya, may tatapusin lang akong assignment.

"sigeh.

Pati si Franco nawalan narin ng gana at biglaan naman yung mga sinasabi niya sa akin, akala ko pa naman excited siya ngayon na maglaro kami ng basketball pero parang nanghihinayang siya. Parang nag-iiba na ang lahat, ewan ko ba? parang ako lang yung wala sa lugar dito.

Mag-aalasingko na ng hapon malapit narin ang gabi, naghahanda narin ng pagkain sina  yaya Mel at manang para mamayang gabi. Kaya habang naghihintay pinapanood ko lang si mama na sumasabay sa pagluluto.

Tila napag-isip isip ako na para bang kay saya ng mama ko na wala siyang inaalalang problema, at sa kagustuhan ko na ilayo siya sa kapahamakan ay nagsisimula nang naging maayos at natutupad pero hindi ko alam kung Hanggang kailan ito mangyayari.

Maya maya napadaan ako at nakita ko si Zelle habang pababa siya sa hagdanan, habang pinapanood ko siya ay may napansin akong kakaiba sa kilos niya.

Pinagpatuloy ko ang paglakad para salubongin siya napahinto naman ako ng makita ko ang huling hakbang niya sa hagdan, malapit lang ako sa kanyang katayuan at nagkakatitigan kami ng wala sa emosiyon.

Habang napahawak siya sa cellphone niya, hindi rin kumakurap ang mga mata niya at seryuso talaga siyang tumingin sa akin.

"Tila kakaiba na ang mga nakikita ko at napapansin, na para bang may kailangan akong kilatising mabuti. Ano nga ba?"

"Ano bang ginagawa mo diyan? seryusong sabi niya.

"ah- mm, Nakahanda na yung pagkain.... sabi ko na wala sa pag-iisip kong ano bang sasabihin ko.

"mauna ka na, may gagawin pa ako! pakisabi nalang din kay yaya Mel sumabay na sila sa inyo... sabi niya ng akma siyang patalikod.

"pero hinihintay ka nila--- pigil ko namang sabi.

"Busog pa ako, kaya kung pwede? pakisabi nalang sa kanila! paseryusong paseryuso ang mga sinasabi niya.

Hindi ko alam pero pinagkukutoban ko siya ng mali, pero para talagang may mali.

"Ano bang gagawin mo!? yun nalamang ang nasabi ko sa kagustuhang mapigilan siya at malaman kung anong gagawin niya.

"Wala ka na don! Kaya ko ang sarili ko! sabi niya habang humakbang siyang muli.

"Baka makatulong ako? tanong ko na parang dispirado na.

"Hindi!! seryusong-seryuso na talagang sabi niya.

"baka gutom ka lang talaga at nagsisinungaling ka lang!? pamimilit ko.

"pwede ba!? umalis ka na at kumain ka na don! binubuwesit mo lang ako e! galit nangang sabi niya.

"Galit ka ba? sabi ko na tila seryuso din.

"Ano bang gusto mo para umalis ka na!?

"Anong tinatago mo!? at bakit ayaw mong maikot ko ang bahay niyo?

"bakit ikaw? anong tinatago mo? pabalik niyang sabi sa akin na tila nagpaparinig siya.

"Sagutin mo muna ang tanong ko!?

"sagutin mo rin ang tanong ko? pabalik nanamang sabi niya.

Hindi ko siya matapatan sa tapang niya, pero ako yung nag adjust para umiwas sa kanya.

"Bakit? napipilitan ka bang tumira kami dito? O kaya naman una palang ayaw mo talagang tumira kami dito?

"Wala akong sinabing Ganon!?

"pero sa inasal mo sa akin ay iba sa pakikipagbutihan mo kay mama! ano bang problema mo sa akin?

"wala akong problema sayo!? Sisingilin- oo! galit niya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin!? pagtataka ko.

Humakbang siya ng dalawang beses ng may narinig kaming basag malapit sa dining table kung saan nagsalo-salo sina mama doon!

Bigla kaming nagulat at napalingon kaming dalawa, sabay rin kaming nagkatinginan at napatakbo nalang papunta sa kung saan kami naroon.

"Franco!? sabi niya habang mabilis siyang tumakbo at tila napaiyak siya agad... 'Franco!!!!!!

Nang makarating kami sa hapagkainan ito na ang naabutan namin!

"Subukan niyong manlaban at hindi ako magdadalawang isip na isaksak ito sa batang ito!"

"ate!!!! takot na sabi ni franco sa ate niya.

Wala akong maisip at tila hindi ko alam ang gagawin... hawak nila ang lahat at wala akong magawa para matulungan sila, isang galaw ko lang tila sasaktan nila si mama, o kaya naman tutuluyan na!

"Anong gagawin ko!?

______________________________________________

                     KILL YOUR HEART

                 author by: limuel muñez
______________________________________________

TO BE CONTINUE.....

                          thank you for reading........

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

6.5K 115 6
(Dedication to that_broke_girl for helping me come up with this idea of the story) Amy has finally got to marry her dream man, but she finds out that...
196K 13.1K 30
In a dark and deep land lives young Marjorie, a woman desperate for something more than her conventional life in her tiny village, Core. She aches fo...
40.1K 888 90
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
155K 332 20
just some of my horny thoughts;) men dni