Embracing the Troublemaker

By itsaexwrsh

13.6K 692 145

Emrys Jael Travieso stands as an independent woman, striving to prove herself, not realizing that her journey... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Fourthy
Chapter Fourthy One
Chapter Fourthy Two
Chapter Fourthy Three
Chapter Fourthy Four
Chapter Fourthy Five
Chapter Fourthy Six
Chapter Fourthy Seven
Chapter Fourthy Eight
Chapter Fourthy Nine

Chapter Thirty Two

463 28 69
By itsaexwrsh

Jael's Point of View

Kina-umagahan, pag gising ko tumila na ang araw. Ilang beses ako naalimpungatan dahil natatakot ako sa mga kulog at kidlat at malalakas na bagsak ng ulan. Alas kwatro palang ng umaga bumangon na ako dahil ala sais ang pasok nila Levi at Rhys sa school.

"You wake up so early,"

Nagulantang ako sa baritonong boses na nag salita pag punta ko nang kusina. Nakita ko roon si Ross na nag babati ng itlog. Napa hinto ako sandali at prinoseso muna sa utak ko ang nangyayare hanggang sa na realize kong dito ko pala sya pina tulog. Naka limutan ko.

"Ikaw nga 'tong maaga. Mag luluto ka?" tanong ko at sinilip ang kawali na naka salang.

"Yup. Okay lang ba? Gusto ko sana lutuan ng breakfast sila Levi." aniya na agad ko namang ikinatango. "Oo naman, marunong ka ba?" I asked without sounding offensive.

"Of course, silly." He chuckled. "Do you drink coffee?"

Kinuha ko ang takore para mag painit. "Oo. Ikaw ba?"

"Uhm... yes," sagot nito pero bakas ang pag aalinlangan. I smiled secretly. Hindi ko nakikitang umiinom sya ng kape at sa mga food stocks nya sa music room, wala roon ni isang kape at puro chocolate drinks and powdered milk lang.

Usually, nag gagatas sila Levi at Rhys tuwing umaga pero dahil wala kaming stock ng gatas ngayon, lumabas ako para bumili. Hinayaan ko muna si Ross umasikaso sa kusina. Pumunta ako sa  tindahan malaput samin.

"Pabili nga po ng bear brand, tatlo. Yung isa po yung chocolate flavor tapos isa pong kopiko blanca."

Bumalik na agad ako pag tapos ko bumili. Sakto namang kumukulo na yung tubig kaya pinag timplahan ko na sila Levi at Rhys pati na rin kaming dalawa ni Ross.

"Kain ka na, gisingin ko lang silang dalawa." Aalis na sana ako nang biglang hawakan ako ni Ross sa pulsuhan ko. My brows furrowed. "Why?"

"P-pwede bang ako nalang gumising sakanila?" Tanong n'ya. Nag mamaka-awa ang kanyang mga mata. Tumango ako at umupo sa silya, hindi naman ganoon kalayo ang tulugan namin mula dito kaya kitang-kita ko kung paano ni Ross gisingin ang dalawa.

Ngayon ko lang napag tanto ang mga nangyayari, naawa tuloy ako bigla kay Ross dahil ngayon ko lang naisip na hindi nya nagagawa lahat ng 'to sa kapatid n'ya. I can feel his happiness even though hindi n'ya nagagawa ang mga bagay na 'yon kay Rio, hindi nya magawa ang kuya duties sa sarili n'yang kapatid that's why he's healing his self sa mga kapatid ko.

Gusto n'ya rin siguro mag paka-kuya katulad ng Kuya Ephraim n'ya pero hindi nya iyon magawa dahil hindi man lang nga sya kilala ni Rio. Sobrang laki tuloy ng pag tataka ko kung bakit umabot sila sa ganoong punto.

Kahit isang gabi lang namin nakasama si Ross, nakita ko ito bilang mabuting Kuya sa mga kapatid ko, iba yung saya nang dalawa habang nakikipag laro sila kay Ross at grabe yung hands-on nya sakanilang dalawa, pano pa kaya sa sarili nitong kapatid. Sana mabigyan sya ng pag kakataon ni Rio na mabigay yung affection nito sakanya.

Ilang minuto ang naging gisingan moments nila dahil medyo mahirap talaga gisingin sila Levi at Rhys, sobrang napapa sarap kase ang tulog. Nag pabuhat pa si Rhys kay Ross at naka akbay naman sya kay Levi na nag kukusot pa ng mata.

"Uuwi ka na po?" Antok pang tanong ni Rhys, naka dukdok pa ito sa balikat ni Ross. Karga-karga pa rin sya nito. Jusko! Napaka bigat pa naman ni Rhys dahil ang lusog-lusog.

"Opo." He answered. Ah! He's so cute.

"Bakit po?"

"Kase po kailangan po ni Kuya mag school," sagot ni Ross habang hinihimas ang likod ni Rhys.

"School po kayo ni Ate?"

"Opo, mag school kami ni Ate."

"Babalik ka pa po?"

Sinenyasan kong ibaba na si Rhys dahil nga buhat-buhat pa rin nya ito, dagdag pa na naka tayo pa sya pero sinenyasan nya lang din ako na okay lang at kumain na kami. Wala na kaming nagawa kaya nauna na kaming kumain ni Levi. Lagi ganon si Rhys tuwing umaga. Nanlalambing.

"Kuya Ross..."

"Hmm?"

"Love mo po ba Ate ko?"

Halos mabulunan ako sa naging tanong ni Rhys, agad naman naman akong inabutan ng tubig ni Levi. Agad akong tumayo at kinuha si Rhys sa braso ni Ross. Potatong Nanay! Hindi ko inaasahan yung ganong tanong!

"Kuya, love mo po Ate ko?" Muli na namang tanong ni Rhys pero this time, naka tingin na sya kay Ross, inaantay nito ang kanyang sagot. Nanlaki ang mata ko at halos gusto kong mag tago sa ilalim ng lamesa. Nakakahiya! Nakakahiya, sobra! Pero bakit ganon, may parte sa puso't isip ko na nag aantay ng sagot n'ya.

"A-ah, ano, Rhys, kain ka muna. B-baka ma-late kayo," I gave them an awkward smile. "I-ikaw din Ross, umupo ka na." Lumunok ako nang ilang beses, nakakainis, na tetense ako.

Ang tahimik tuloy nang hapag kainan dahil sa naging tanong na 'yon, hindi na ako nag tangkang mag salita at hindi rin naman sumagot si Ross sa tanong ni Rhys. Don't expect nga talaga.

Nawala ako sa mood dahil sa nangyare. Hindi ko alam pero bigla ko nalang na feel sa sarili ko na ayaw kong kausapin o kibuin si Ross pero hindi ko alam kung saan yung pinang gagalingan ko, siguro dahil na bad trip ako sakanya na hindi sya sumagot. Umasa pa naman ako, but still, sana man lang sinagot nya si Rhys kahit eme lang na sagot pero di ko rin naman sya masisisi dahil baka nga ayaw nya lang talaga sagutin.

Pero, argh! Naiinis talaga ako.

"Sa school na ako maliligo at mag bibihis," aniya. Hindi ko sya sinagot at tinuloy lang ang pag plantsa sa uniporme nila Rhys at Levi. Kita ko tuloy ang pag salubong ng kanyang kilay habang naka tingin saakin but then, he didn't give a word.

Nag presinta syang sya na ang mag bibihis at mag aasikaso kina Levi kaya pumasok na akong cr para naman maligo. Pag pasok ko, biglang kumirot ang dibdib ko, para akong maiiyak na ewan dahil lang sa naging silent answer ni Ross. Nakakainis talaga, umasa talaga ako.

Pilit kong inalis iyon sa isip ko. Naligo na ko at nag bihis ng uniporme, pag labas ko ng banyo, nakita kong tapos na rin ayusan ni Ross ang dalawa, minemedyasan nya nalang si Rhys.

"Salamat po!"

Tinanggal ko ang twalya sa buhok ko para masuklyan, humarap ako sa salamin para doon mag suklay.

"Let me," sinamaan ko nang tingin si Ross nang kunin n'ya ang suklay na hawak ko.

"Kaya ko sarili ko," Paalala ko sakanya. Tiningnan ko sya sa may salamin. Sa tuwing titingnan ko ang mga mata nya, para akong nalulunod.

"I know you can. But please, let me."

Parang nanhina ang mga binti ko at biglang lumayas ang pagiging strong independent woman sa katawan ko. Tuluyan ko nang sinuko ang suklay sa kanya at hinayaan na si Ross ang mag suklay ng buhok ko.

"Ganda, Ate ko 'no?" Tanong ni Levi na agad kong kinalingon. Grabe, di pa nga ko nakaka move on sa isa may dinagdag pa, double slay na yung rejection ko na 'to.

"She's very beautiful, Levi." Nag salubong ang mga tingin namin sa salamin. "Your Ate is effortless beautiful in every way." he added that makes me blush.

Wala na, parang nag laho na yung inis ko at napalitan nang kilig dahil sa naging sagot ni Ross.

Hindi na nag abala pang mag asikaso si Ross sa kanyang sarili. Pawis na pawis tuloy ito kaya inabutan ko na nang panyo. Tinanong ko sya kung may extra uniform ba sya sa music room at ang sabi nito ay meron kaya hindi ko na dinala ang uniform na suot nya kahapon para malabhan ko ag mabigay ko nalang kinabukasan.

"Kuya, buhat mo ako." tinaas ni Rhys ang kanyang kamay para mag pabuhat kay Ross na agad namang sinunod ng lalaki.

"Rhys, mapapagod si Kuya Ross mo."

"It's okay, Jael." sagot ni Ross sakin. Ipipilit ko pa sana na ibaba nya si Rhys pero yung mata ni Ross ay nangungusap na sana ay pag bigyan sya kahit ngayon lang.

Gusto ni Ross na ihatid namin sila Levi at Rhys sa school nila bago kami pumasok. Kaya pala maaga itong nagising dahil kagabi nya pa raw ito balak.

Pag labas namin ng bahay, may araw na. Medyo basa ang kalsada dahil sa ulan. Buti nga at hindi bumaha dito.

"Sino 'yan, Jael?" Tanong ni Manang Celia habang naka tingin kay Ross na pinapadlock ang bahay.

"Boyfriend mo?" tanong naman ng isa naming kapit-bahay.

"Ay, hindi po. Classmate ko lang po, naki tuloy kagabi dahil malakas ang ulan." paliwanag ko. Base sa mga mukha nila, hindi sila kumbinsado, tiningnan nila mula ulo hanggang paa si Ross.

"Mukhang mayaman," kumento ni Kuya Roger habang umiinom ng alak kasama ang kanyang tropa. Ang aga-aga naka alak.

Nag lakad na kami palabas ng kalye namin para makahanap ng tricycle papunta sa convenience store dahil doon naka park ang sasakyan ni Ross. Mag aala-sais palang pero ang dami nang tao na nasa labas.

Hindi pa kami nakaka labas ng kalye namin pero may humarang kaagad kay Ross. Napataas ang gilid ng labi ko nang makita ko si Portia. Napairap ako sa kawalan.

"Hello! What's your name? I'm Portia Santos." pakilala nito kay Ross habang ang kanyang kamay ay naka angat para makipag hand shake.

Nag katinginan kaming dalawa ni Levi papunta sakanilang dalawa. Eto talagang si Portia, ayaw paawat. Sa tuwing may mga bagong lalaki kase na dumadayo rito, nag papakilala sya sa pag aakalang magugustuhan ito ng mga lalaki. Maganda naman si Portia, matangkad, tisay at singkit.

"Hoy, Portia! May binibiktima ka na naman d'yan!" Saway ni Dexter. Pinsan n'ya si Portia at isa sa mga tropa ni Seven na halos kaibigan ko na rin.

"Nag papakilala lang naman ako diba, Sir?" Magat labi itong tumingin kay Ross. Tumingala ako para matago ang ngiti ko dahil parang tanga si Portia sa ginagawa n'ya.

"Excuse me, Miss. With all due respect, can you move away? You're blocking our way." Seryosong sabi ni Ross sa babae.

"Eh paano kung ayoko?"

"The fuck?" rinig kong bulong ni Ross kaya agad ko itong sinamaan nang tingin. Hawak n'ya kaya si Rhys! "Look, Miss. I'm trying to be respectful. Again, can you move away?" aniya na may pag ka mahinahon pa rin pero bakas na sa boses ni Ross ang pag ka iritable.

"Eto naman, pakipot ka pa. Hindi ka ba nagagand---" Ross cut her off. Binaba n'ya si Rhys at tinakpan ang tenga nito, tiningnan nya ako at sinenyasan na takpan din ang tenga ni Levi. Umiiling-iling na ako dahil mukhang sasabog na si Ross. Hinihila-hila ko na rin yung tshirt nya. I saw his jaw clenched kaya bago pa sya mag salita, inunahan ko na. Hindi ko pa nakikitang magalit si Ross pero kung hahayaan ko sya ngayon, mukhang makikita ko na.

"Portia, please 'wag ngayon. Mahiya ka naman, nandito sila Levi at Rhys." paki-usap ko ngunit tinaasan lang ako nito nang kilay at tinarayan.

"Anong paki ko sainyo ng nga kapatid mo?"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Portia.

"Portia!" Sigaw ni Dexter at agad hinila palayo saamin. Ilang beses humingi ng pasensya si Dexter.

"Sorry, bro, Jael. Pasensya na talaga." hinging paumanhin ni Dexter saamin. Hindi ako sumagot dahil sobrang sumama talaga ang loob ko.

"Teach her some manners and right conduct. Let's go."

Muli nyang kinarga si Rhys. Hinawakan ni Ross ang pulsuhan ko at sabay kaming nag lakad paalis doon. Hindi pa rin maalis sa mukha ni Ross ang pag ka iritable habang nanliliksi ang kanyang mga mata.

Nag tricycle kami papunta sa convenience store. Nasa labas naka upo si Ross, sa likod ng driver habang kaming tatlo naman ang nasa loob. Pag dating namin ng convenience store, pumasok muna kami saglit sa loob pero nag out na raw si Ate Cath kaya iba na ang naka duty.

"Pwede ko ba sila bilhan ng baon?" bulong saakin ni Ross. "Please?" Alam na alam talaga ang kahinaan ko eh, isang please lang shempre mapapapayag na ako.

Nahihiya pa sila Levi at Rhys mag turo ng mga gusto nila pero si Ross ang nag iinsist sakanila na okay lang at kunin lang daw nila lahat ng gusto nila. Nag papalitan pa nga ng tingin sila Levi at Rhys dahil siguro ay naninibago.

Mukhang hindi na nga rin pang baon lang ang binili ni Ross, para na silang nag g-grocery, lagay lang nang lagay si Ross nang mga pagkain sa lalagyanan hanggang sa makuntento ito. Kulang na nga lang pati yung convenience store bilhin nya. Si Ross lahat ang nag bayad, gusto ko man mag 50/50 kami ng bayad, tumatanggi ito.

"Wow! Sainyo po 'to?" Tanong ni Levi kay Ross habang umiikot ang kanyang tingin sa loob nang sasakyan. "Ang ganda, Ate! Wow!" Tuwang-tuwa ang dalawa.

"Grabe, sana pag big na ako ganito rin sasakyan ko, wow!" Halos mag ningng ang mga mata ni Levi sa mga nakikita. "First time ko lang po maka sakay aa car!"

"Really?" Gulat na tugon sakanya ni Ross. Nag katinginan kami sa rear view mirror. Binigyan ko sya ng tipid na ngiti. Sa passenger seat naka-upo si Levi habang nasa back seat naman kaming dalawa ni Rhys na hindi rin mapakali sa kinauupuan. Lahat nang mga ito ay bago sakanilang mga mata.

"Opo! Grabe talaga, Kuya Ross! Napaka astig po ng sasakyan mo!"

Puring-puri ni Levi ang sasakyan, buong byahe walang ibang salita ang lumabas sa kanyang bibig kung hindi gaano sya kamangha sa sasakyan. Mahilig kase sa mga sasakyan na laruan silang dalawa ni Rhys kaya dream come true na rin siguro na naka sakay sila sa sasakyan.

"Ang saya 'non, Ate!" Wika ni Levi nang makababa kami nang sasakyan dahil nakarating na kami sa school nila.

"Study well, Levi and Rhys." Ginulo ni Ross ang buhok nilang dalawa. Inakay namin maka pasok ang mga bata sa gate. Sobrang laki nang ngiti nila sa labi habang kumakaway kay Ross.

"Thank you ah?"

"For what?" Tanong nito.

I shrugged. "For making them happy."

"Dapat ako yung nag papasalamat, Jael." He looked at me. I tapped his back.

Nang masigurado namin nasa loob na nang paaralan sila Levi, agad na rin kaming umalis para mag tungo sa school. Naka schedule pa naman ngayon ang kuhaan ng card at recognition namin.

"Ross, ang insensitive ba kung itatanong ko kung bakit hindi kayo close ni Rio?" I genuinely asked him. He gave me a quick glance.

"No, not really." Tumikhim ito. "But can I answer that once I'm ready?"

"Oo naman. Na curious lang ako, sorry, hehe."

"It's okay."

Saglit lang ang naging byahe namin para makarating nang school. Nauna akong pumasok dahil mag p-park pa si Ross at dederetso pa sya ng music room para maka ligo at makapag palit ng uniporme.

"Jael!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Cypress kasama sila Clarence. Bago pa man ako maka lapit, nag isip na ako nang idadahilan sakanila kung sakaling mag tanong sila kung bakit na naman ako na MIA kahapon.

"After awardings pa raw mag rerelease ng grades si Ma'am." ani ni Clarence. "Nakita mo ba si Ross? Nag announce kanina yung department."

"Bakit daw?"

"Hindi ako sure, pero pati yung tatlong tropa ni bossing pinapatawag."

Pinapunta na kami ng adviser namin sa gymansium dahil doon magaganap ang awardings. Hindi pa na r-release yung grades namin kaya hindi kami sigurado kung pasok ba kami sa honor o hindi basta ang sinabi lang n'ya ay kailangan namin pumunta.

"Sayang din, dagdag audience." Biro nito.

Sabay-sabay kami ng mga kaklase kong pumunta ng gymnasium. Pag pasok namin marami nang senior high schools ang naka upo na. Dahil STEM strand kami, we had to sit in the front row. May mga assigned seats kami dahil bawat chairs ay may naka lagay na pangalan. Katabi ko si Ivy at bakante naman ang nasa kabila ko pang gilid. I looked at the seat next to mine and saw a name tag that said "Ross".

The gymnasium was decorated with banners, balloons, and flowers. It looked like they had spent a lot of time and money on it. Ang hands on talaga ng mga student officials sa mga ganitong event, sobrang bongga.

I scanned the crowd and spotted Bishop, may kausap itong studyante. I approached Bishop and asked him to message Ross about our presence. He agreed, and with a quick thank you, I returned to my seat.

It was 8:30 a.m. and the awarding ceremony was supposed to start at 9:00 a.m. There were so many students entering the gymnasium, filling up the seats, when I saw Ross entering the gymnasium. He had a serious expression on his face. Kumaway ako sakanya para makita nya ako kaya agad naman itong lumapit saakin. I asked him what happened as he took the seat beside me. His tired eyes and half-smile spoke volumes, but he remained tight-lipped about the situation.

Hindi ko na sya kinulit pa dahil mukhang ayaw nya rin pag usapan. The awarding ceremony started with a short message from the head teacher, followed by the announcing of the honorable students. It started from the GAS strand, the students who got honors were given a certificate and a medal.

"Sure ka, okay ka lang?" Muli kong tanong kay Ross dahil sa sunod-sunod nyang pag hinga ng malalim.

"I'm fine, don't worry about me." He said, shaking his head.

Tumango ako at nanahimik kahit nagugulo nito ang isip ko. Kanina lang mukhang okay ang mood ni Ross. I sighed. Hayaan na nga lang.

"Eliseo Justin Austria, with high honor." Palihim akong napalingon kay Quintana na unbothered makipag harutan sa lalaking nasa likuran n'ya. Ibang lalaki na naman.

"Apollo Zhang, with honor." Wika ng guro na nasa stage. Natuon lahat ng mata namin sa lalaking tumayo at mayabang na nag lakad papunta sa gitna. Napa-ismid ako.

"Akalain mo 'yon, kahit gago, naka sabit pa sa honor." Bulong ni Ivy, agad ko naman itong sinaway dahil baka may maka rinig.

Kay Apollo nag tapos ang awardings sa GAS kaya TVL na ang sumunod. Kasama na lahat doon, ICT, HE at kung ano pang inooffer na sakop ng TVL. Huli pa ang nasa STEM kaya taga palakpak kami sa mga estudyanteng tinatawag.

Sumasakit na yung palad ko pero hindi pa natatapos yung sa mga TVL, ang daming honor students!

"Stop clapping, namumula na yung kamay mo." wika ni Ross, napalingon tuloy sakanya si Ivy.

Kahit na sinaway na ako ni Ross, hindi pa rin ako tumigil sa pag palakpak, deserve kaya ng mga students 'yon!

Sa wakas ay natapos din ang mga nasa TVL, sinundan iyon ng ABM at HUMSS.

"Bishop Grey Rios, with high honor."

"Elmore Kai Sandoval, with high honor."

"Roscoe Ford Medina, with high honor."

Palakpak na may kasamang sigaw nang sunod-sunod banggitin ang mga pangalan nila. Grabe, akala ko patulog-tulog lang sa klase ang mga 'to. Pa red carpet pang nag lakad si Elmore papuntang stage, feel na feel yung recognition na natatanggap n'ya habang may malaking ngiti sa labi. Nakikipag apir pa ito sa mga lalaking kakilala n'ya kaya dumidistansya sila Roscoe at Bishop sa lalaki sa hiya.

"Batak pala mga 'yan eh," kumento ni Ivy habang nakiki palakpak na rin.

"Your hands are swollen, stop clapping na please," wika ni Ross habang pumapalakpak din sa mga kaibigan. Napanguso ako habang pinag mamasdan ang palad ko na mag kulay pula na.

So far, wala pang nakakapag kamit ng with highest honor kaya todo abang ang apat na section ng STEM sa announcement.

"The most awaited! Tayo naman ay dumako sa Science, Technology, Engineering and Mathematics strand." Nabuhayan kaming lahat dahil after 4 strands, it's our turn. Pinag hahampas ako ni Ivy sa sobrang pag kasabik. Sa STEM 4 muna nag simula hanggang STEM 1, save the best for last tuloy ang atake.

"John Psalm Bermudez, with honor."

"Jean Liliene Acosta, with honor."
  
"Shanelle Grace Bautista, with honor."

"Radleigh Atienza, with honor."

I gave my classmates a slow clap. "Congrats!" bati ko sakanila bago sila mag lakad papunta sa harapan.

"Georgianna Quintana, with high honor."

"Oh My God!" tili ni Georgianna. Kaya nag katinginan kaming tatlo nila Cypress at Ivy.

"Pati sya nagulat na kasama sya sa honor roll, cheater naman." bulong ni Ivy.

"Eloise Elixid Urbina, with high honor."

Binigyan ko nang malaking ngiti ang mahiyaing babae na nag aalangan pa tumayo pero pinilit ito ni Cypress. I gave her a big thumbs up nang tingnan n'ya ako. Sobrang bihira ko sya maka interact dahil sobrang tahimik nga nito at 'di mahilig makipag socialize pero isa sya sa pinaka magaling na estudyante saamin, i must say deserve!

"Matthew Louis Pascual, with high honor."

"Marshall Kiyoshi Clarence Alcomendras, with high honor."

Napuno nang tawanan ang paligid namin sa sobrang haba nang pangalan ni Clarence. Napa kamot tuloy ito sa kanyang ulo. "Nag pa special request pa ako na kahit Clarence Alcomendras nalang eh," aniya na parang luging-lugi.

"Ang arte naman ni Marshall Kiyoshi Clarence Alcomendras." Natatang asar sakanya ni Cypress.

"Oh, talaga ba, Theodora?" tugon naman nito.

Napuno nang palakpakan at tawanan ang buong gymnasium dahil halos mag takip ng mukha si Clarence sa stage. Pati si Ross napapangiti.

"Theodora Cypress Lucenzo, with high honor."

"Hazel Ivy Castillo, with high honor." Halos mapatalon kaming dalawa ni Ivy sa sobrang saya. Umusog ako nang bahagya para makadaan si Ivy sa gilid namin.

"Ang galing nila," bulong ko habang pinapanood sila Ivy at Cypress na sabitan nang medal at bigyan ng certificate sa stage. Halos lahat sila natawag na maliban saamin ni Ross.

"Baka di ako pasok sa honor roll," Wala sa sarili kong sabi.

"You're overthinking too much." Wika ni Ross at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Trust your self, Ja."

"Emrys Jael Travieso, with high honor!" Masiglaw sigaw ng emcee.

Binalingan ko nang tingin si Ross. "I told you," he whispered and I'm getting emotional. Tumayo ito para makalabas sa seat row namin. Para akong maiiyak habang nag lalakad papuntang stage. Sinabitan ako nang dalawang medal ng mga guro at inabutan ng certificate. "Congratulations, keep it up."  ani ng head teacher saakin.

Nag pasalamat ako sakanila isa-isa at kinanamayan bago pumunta sa harap para makunan ng litrato ngunit ibang tao ang hinahanap ng mata ko. Kita ko mula rito si Ross na patuloy pa rin sa pag palakpak habang may ngiti na naka ukit sa kanyang mga labi. May nilabas ito na kung ano sa kanyang bulsa hanggang sa nakita ko nalang na kinukunan n'ya ako ng litrato kaya imbes na sa photographer ako naka tingin, sa camera ng cellphone ni Ross ang atensyon ko.

Bumaba kaagad ako nang stage at lumapit kina Ivy at Cypress, niyakap ko silang dalawa pati na rin si Clarence hanggang sa makarating ako kay Ross. He opened his arm like he's waiting for me to hug him.

Inambahan ko sya nang yakap. "Congrats, Jael. Congrats. You deserve it, you deserve all of this." bulong nito habang hinahaplos ang likod ko.

"Congrats, Pres!" Bati naman saakin nang iba ko pang mga kaklase.

Umupo ako muli sa seat ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa mga guro na nasa stage, tapos na ba? Pero hindi pa natatawag si Ross! Wala ba sya sa honor roll?

Puno nang pag aalala kong tiningnan ang lalaki pero wala itong paki sa nangyayari sa kanyang paligid dahil busy ito na tingnan ang kanyang telepono. Bahagya kong sinilip kung ano ang ginagawa ni Ross, nakita kong he's looking at my picture.

"You're so beautiful," pinakita ni Ross saakin ang litrato ko sa stage na naka peace sign.

"So, save the best for last. I want to call the person who got the highest honor,"

"Percival Ross Alaric, please up come on the stage to receive your medals and certificate."

Continue Reading

You'll Also Like

133 72 14
Yzah, A young woman sent by her parents to a province to live with her Aunt Adora. At first she was forced to live there because she grew up in the c...
2.3M 71.5K 90
He was said to be one of the most dangerous Alphas on the face of the planet. He was said to have killed his mate and hurt those around him that go a...
181K 8.9K 54
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
690K 2.6K 65
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!