Oxford

By cultrue

38.4K 1.1K 78

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 28

636 24 3
By cultrue

Paghinto ng kotse sa harap ng apartment ay narinig ko ang paghinga ng malalim ni Oxford. Nasa pinto na ang kamay ko at handa na akong lumabas pero hindi agad ako kumilos dahil hinintay ko siya na maging maayos bago pa man sumenyas na lumabas na kami.

Binuksan ko ang pinto, sabay din na lumabas si Oxford sakin. Yumuko siya at pinalabas si Ares mula sa likod. Binuksan ko ang gate at naglikha ng matinis na ingay ang bakal. Pagbukas ko ay humakbang ako papasok.

"Pasok kayo." Marahan kong sabi sa dalawang lalaking kasama ko.

Hinawakan ni Oxford sa balikat si Ares at pinauna itong pumasok. Hindi nakaligtas sakin ang mukha ni Oxford na mukhang kabado.

Sinarado ko muna ang gate bago kami tuluyang naglakad papunta mismo sa tapat ng pinto. Pagdating namin sa harap ay kumatok ako.

"Nay!" tawag ko mula sa labas.

Hindi ko man tinapat ang tenga ko sa pinto para marinig kung ano ang nangyari sa loob ay alam ko ng hindi pa natutulog si Nanay dahil bukas ang TV. Bukas din ang ilaw sa loob kaya alam kong gising pa siya.

Narinig kong humakbang siya papunta sa pinto at narinig ko yung pagkalansing ng susi para mabuksan ang pinto.

"Nay." sabi ko na agad siyang nakita.

"Mabuti at nakauwi ka. Diyos ko hindi pa nakakatulog si Kamp." Marahang reklamo niya.

"Nasaan ba siya?" tanong ko.

"Nasa sala, binuksan ko ang TV para makalimutan ka na wala dito sa apartment pero ayun, sige sa pag-iyak."

Huminga lang ako ng malalim sa sinabi niya. Lumingon ako sa dalawa kong kasama na tahimik na naghihintay. Napatingin din si Nanay sa mga kasama ko at bahagyang nagulat.

"Oh... may mga kasama ka pala." sambit niya.

Tumango ako at may pag-alinlangan akong ngumiti sa kanya. "Kasama ko po si Oxford 'nay pati ang kanyang inaanak." sabi ko. Lumingon ako kay Oxford na tahimik paring pinagmamasdan kami ni Nanay. "Oxford, ito yung Nanay ko." Pakilala ko.

Tinanguan naman ni Oxford si Nanay at ngumiti ng tipid. "We actually met earlier to ask her kung okay lang na nasa bahay ka."

"Pumunta ka dito sa apartment?" gulat kong tanong.

Sumabat si Nanay. Tinapik niya ang balikat ko. "Oo pumunta siya dito pero saglit lang para magpaalam na kung pupwede ay sa bahay ka lang muna niya ngayon pero ito nga, hindi ko mapatigil si Kamp sa kakaiyak."

"Okay lang 'nay dahil nandito naman ho ako." sabi ko.

Papapasukin na sana kami ni Nanay nang biglang narinig namin ang malakas na pagtawag ni Kamp sakin. Pumasok na ako para magpakita sa bata. Ngumiti ako sa kanya pero yung puso ko ay nadurog nang makitang basa ang mukha niya sa luha.

Naglakad ako papunta sa kanya pero inunahan niya ako. Tumakbo siya palapit sakin. Kinarga ko siya nang makalapit sakin.

Bumuntong-hininga ako. "Bakit ka naman umiyak anak? Uuwi naman si Mama eh." Pagtahan ko.

Umiling lang siya saka umiyak. Huminga ako at naglakad papunta sa sala para umupo.

"Tignan mo, basa na ang damit mo dahil sa luha sa kakapunas. Nakakahiya tuloy kay Papa, anak. Nandito si Papa." bulong ko sa bata.

Umiling lang siya. "I want Mama." he only said.

Hindi ko alam kung narinig yun ni Oxford pero ako yung napiga dahil sa sinabi ni Kamp. Pero siguro ay inaantok lang ang bata kaya niya yun nasabi. Pinunasan ko ang kanyang mukha para hindi matuyo ng luha yung pisngi niya.

Inasikaso naman ni Nanay sina Oxford para paupuin sa sala. "Naku pasensya na kayo sa apartment namin. Makalat dahil sa mga laruan ng mga bata." sabi ni Nanay habang isa-isang pinupulot niya ang mga laruan na nasa sahig.

"Okay lang po." sagot naman ni Oxford saka umupo.

Nasa tabi niya si Ares na inililibot ang tingin sa kabuuan ng apartment namin. Wala siyang reklamo pero alam ko na hindi sanay ang bata sa maliit na pwesto gaya ng apartment namin dahil lumaki siyang nasa puder ni Oxford.

"Sandali lang, bibihisan ko lang si Kamp." Pagpaalam ko sa kanila pero si Nanay ang sumagot.

"Hindi ako nalang. Ipagtimpla mo nalang sila ng kape." utos ni Nanay.

Kinuha niya mula sakin si Kamp para pumasok sila sa kwarto namin at bihisan ang bata. Nagtanong din ako kay Nanay kung tulog na si Nillie. Ang sabi niya ay nakatulog daw sa kakaiyak at nasa kwarto namin.

Pinahid ko ang aking mga palad sa suot na pantalon. "Gusto niyo ba ng kape?" tanong ko sa dalawa.

Tumango naman si Oxford bilang ganti. "Yes please."

Sumagot din si Ares. "Ma'am, can I have milk—"

Siniko siya ni Oxford kaya hindi natuloy ang sasabihin.

Nagtaas ako ng dalawang kilay sa dalawa. "Bakit? Ano bang gusto mo?"

"Hindi na. Okay na sa kanya ang kape."

"Pero Uncle." bulong ni Ares.

"Hindi ba siya umiinom ng black coffee? May gatas naman kami dito." I prompted.

Tumingin lang muna si Ares sa ninong niya. Uncle pala ang tawag ng bata kay Oxford at hindi ninong. Kung walang may nakakarinig kay Ares na tinatawag si Oxford na Uncle ay pagkakamalang mag-ama pero mukha talaga silang mag-ama.

"A milk for him please." Mahinahong request ni Oxford.

"With no sugar ma'am." dagdag ni Ares.

Tumango naman ako saka ngumiti. Naglakad na ako papunta sa kusina para magtimpla ng kape at gatas para sa dalawa. I thought Ares wasn't allowed to drink coffee because he's still young. Nasa fourteen o fifteen palang siya kaya dapat lang na hindi siya uminom ng para sa mga matatanda.

Pagbalik ko ulit sa sala ay nakita ko si Nanay na inuudyok si Kamp na pumunta sa Papa niya. Nahinto ako sa kinatatayuan ko. Nahihiyang yumakap si Kamp kay Nanay pero hindi niya iniwas ang tingin kay Oxford. Nagkita naman silang dalawa kaya alam kong pamilyar si Kamp sa itsura ng Papa niya. Hindi lang siguro makapaniwala na yung kasama namin noong isang gabi na kumain sa restaurant ay Papa niya.

Tumalon ang dibdib ko nang lumapit sina Nanay kay Oxford at sinasabing hindi dapat matakot sa Papa niya.

"Sige na. Papa mo yan, diba gusto mong makita si Papa mo? Nandyan na. Maghello kalang kay Papa mo." ani Nanay kay Kamp.

A simple hello couldn't get into Oxford's heart. Gusto ni Oxford na yakapin ang bata pero pinipigilan niya lang ang sarili na hindi magpadalos-dalos na kumilos para hindi matakot ang bata sa kanya. Hindi lumapit sa kanya si Kamp dahil nahihiya, mabuti nga yung hindi siya natatakot para mas madaling makapalagayan ng loob.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.

"Oy huwag kang tumakbo Kamp!" My mother warned.

Pero tumakbo si Kamp palapit sakin para tumago sa likod ko. Binaba ko muna ang dinala kong dalawang tasa para sa dalawang bisita namin. Hinawakan ko ang braso ni Kamp para paharapin pero hindi siya humarap dahil nahihiya siya sa dalawa.

"Pasensya na kayo, ganyan lang si Kamp pero kapag tumagal ay baka hindi na yan humiwalay sa inyo." sabi ni Nanay.

Tumango naman si Oxford sa sinabi ni Nanay. Lumapit ako kina Oxford at Ares para umupo sa tabi nila dahil may ispasyo pa naman para sa isang tao.

"Hala, iiwan ko lang muna kayo dito para makapag-usap." Pagpaalam ni Nanay.

"Sige ho 'nay." Magalang kong sagot.

Hininaan ni Nanay ang volume ng TV para magkarinigan kami pero hindi naman malakas yung volume, sakto lang. Pagkaalis ni Nanay ay tahimik kaming apat sa sala. Hinimas ko ang likod ni Kamp. Nakakandong siya sakin at nakahilig ang kanyang katawan sakin pero nakaharap sa dalawang tao.

Isang matamis na ngiti ang inilabas ni Oxford sa anak.

"Hi." he finally said to his son after a minute of silence. "I'm Papa." he continued.

I found his approach cute when he introduced himself as his son's father. Ares snorted with the back of his hand covered against his lips. Oxford only elbowed the teenage boy but he didn't avert his eyes from his son.

Kinuha nalang ni Ares ang tasang may gatas para sa kanya para inumin.

Hindi siya pinansin ni Kamp pero umusog ang bata at tumingala. Dinantay niya ang isang kamay sa likod ng leeg ko. Akala ko ay maglalambitin na naman siya sa leeg ko pero yun pala ay pinalapit niya ako sa kanya para bumulong.

"Mama, why does he have tattoos on his arms?"

Natawa ako sa binulong niya. Inipit ni Kamp ang ibabang labi gamit ang ngipin sa taas at nahihiyang sumandal ulit sakin. Nagkamot lang siya sa noo. Napansin ko yung ginawa niyang pagkamot sa noo. Kaya pala may naalala ako kay Oxford nang magkamot siya sa noo dahil ginagawa pala yun ni Kamp.

The resemblance was really strong. Kamp was really the younger version of Oxford.

Binalik ko ang tingin kay Oxford na natatawa. "Ang sabi niya ay bakit ka daw may tatu sa braso." sabi ko saka binuntutan ng tawa.

Muntik nang matapon ang iniinom ni Ares dahil sa sinabi ko. Mabuti nalang at nilunok niya yun kaagad kundi ay mababasa siya. Natawa din siya sa sinabi ko kaya sinabayan ko na siya.

Oxford bit his bottom lip sexily that I diverted my eyes away from him. I swallowed the carnal thought to the pit of my brain because my body started reacting weirdly.

Huminto na sa pagtawa si Ares pero sumandal siya sa ninong niya na may ngisi sa labi. Hawak niya parin ang tasa, natakot ako na baka mahulog yun dahil sa pagtawa niya. Ilang segundo lang ay tumawa ulit siya. Natawa nalang ako dahil na-emphasize talaga yung hahaha niya. Cute.

Napangisi narin si Oxford sa inaanak niya. Nakita kong hindi inaalis ni Kamp ang tingin sa Papa niya. I nodded my head to whisper him.

"Lapit ka na kay Papa." I said.

Tumingala siya sakin. Tumingin lang siya. Hindi ko masiguro kung ano ang laman ng isip niya at kung anong mensahe niya sakin gamit ang kulay tsokolateng mga mata na minana niya sa Papa niya.

Unti-unti siyang tumingin sa Papa niya. Inalis niya ang pagkakasandal sakin. Nakatutok naman sa'ming dalawa si Oxford. Sinusundan niya kaming pareho ng tingin.

"Baby." he said but I didn't know whom he was referring to because he was eyeing us with gentle in his eyes.

Parang nagsusumamo si Oxford. He stretched out his hand to get his hand.

"Come here."

Nagsimulang mamuo ang mga luha sa mga mata ni Kamp. Medyo nataranta ako dahil nag-uumpisa na naman siyang umiyak. Dahan-dahang lumapit si Oxford. There's something flickered in his eyes then slowly a tear rolled down on his face. Ang bilis lang ng pangyayari na yun. I never seen him looking so vulnerable. Lumapit pa siya sa'min, nahawakan na niya ang bata.

Para akong nabunutan ng tinik nang hindi inilayo ni Kamp ang kanyang sarili. Pumalahaw siya ng iyak at sa wakas... tinawag niyang Papa si Oxford.

"Papa." Umiiyak siyang lumapit sa Papa niya.

"My baby." Oxford carefully embraced his son.

May pag-iingat niyang ginawa yun dahil para siyang takot na baka masaktan niya si Kamp dahil sa malaman niyang brasong may tatu niya.

Parang may humaplos sa puso ko sa nakita. Pinigilan ko lang na hindi umiyak dahil ayokong makisabay sa anak ko. I was happy for them. At last, they met. Ito yung pinangarap ko para sa anak ko, yung makita niya ang Papa niya.

Hindi ako yung klase ng babae na tinatago ang anak dahil ayokong magkaroon ng drama sa buhay ko. Kung alam ko lang dati yung mukha ni Oxford ay matagal ng alam niya na may anak siya at hindi sana lalaki si Kamp na walang Papa sa limang taon. Pero ngayon ay masaya silang dalawa. Yun lang naman ang importante sakin. Ang magkita sila.

Tumayo ako para iwan sila saglit. Hindi naman lumingon sakin si Kamp kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto namin. Pagod akong umupo sa kama. Ang himbing ng tulog ni Nillie. Hindi siya gaya ni Kamp na kapag antukin ay matutulog kahit pa man wala ako sa tabi niya.

Si Kamp ay kahit inaantok na ay hindi parin matutulog kung wala ako sa tabi niya. Gaya nga ng sabi ni Nanay ay Mama's boy daw pero hindi pwedeng ganun siya lumaki. It was okay if he grew up as a Mama's boy but I wanted him to be also attached with his father. Pero malay ko kung magbago siya kapag lumaki at sumunod sa Papa niya lalo na't nagkita na sila.

I knew my son he loved his father. It was his dream to be with his Papa. Ang dami nga niyang nakitang modelo o artista sa magazine o TV na tinatawag niyang Papa—si Easton nga ay tinawag niyang Papa. Mukha siyang desperado. At ngayon nga ay nakita niya si Oxford at nalaman na ito ang ama niya.

Sinuklay ko ang buhok ni Nillie at inayos ang kumot na nakatakip sa kanyang katawan.

Kung ano man ang magiging kapalaran namin, haharapin ko basta hindi lang umabot ito sa korte.

Continue Reading

You'll Also Like

88.8K 1.8K 34
The quiet girl named Salisha is the Governor's Obssession.
628K 19.8K 50
When push comes to shove Seth is willing to do anything for the sake of money. Money has become his master for such a long time that he didnt even kn...
153K 5.8K 31
Elusive and hard to read. But Mylene always adored him. The man in her walls. The man whose struggles exceeds far human means and becomes god inside...
342K 7.4K 82
Touch her,I will kill you- Xander MAJOR EDITING!! (I'm a big fan of MY HUSBAND IS A MAFIA BOSS by YANALOVESYOU, this story inspired of that masterpie...