Never Let Me Go (Embrace Seri...

By MsKindGirl

716K 15.2K 38.3K

Embrace Series #2 More

Never Let Me Go
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue (part one)
Epilogue (part two)
Note

Chapter 2

19.8K 475 1.1K
By MsKindGirl

Chapter 2

“Hindi mo kami sasamahan ni Hillary?” biglang tanong ni Dwyne nang makitang hindi pa ako nakahanda.

“Kasama ako?” gulat kong tanong.

“Of course,” aniya. “My daughter needs you…”

Nilingon ko si Hillary na nasa loob ng crib niya. Nabihisan ko na siya ng pink na dress. May headband din siya sa ulo na ang design ay ribbon. Ngayon ang checkup niya sa Doctor. Sakto naman na walang trabaho si Dwyne kaya may oras siya para sa bata.

Hinanda ko na rin ang mga gamit na kailangan ni Hillary. Mula sa diaper, wipes, milk, water, at pati na rin ang pamalit niya. Pinagsama ko ang lahat ng iyon sa lagayan ng mga gamit niya para hindi ako mahirapan na hanapin.

“Maghahanda lang ako…”

Mabilis akong nagdiretso sa kuwarto at naghanap ng masusuot. Nasa living room ang crib ni Hillary. Binabantayan ni Dwyne ang anak niya kaya kampante ako na wala ako sa tabi ng bata. 

Ito ang unang beses na lalabas ako na kasama sila. Wala akong ideya kung may pupuntahan pa kaming iba. Baka ipasyal na rin ni Dwyne si Hillary. Bihira na rin niyang nailalabas ang anak niya.

“Okay na siguro ‘tong suot ko?”

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng denim jumper dress. Ang partner ay long sleeve na white. Habang sa paa naman ay white rubber shoes para hindi ako mahirapan sa paglalakad.

Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. Inilagay ko ang mga kailangan ko sa maliit kong shoulder bag. Hindi na ako nagtagal sa loob ng kuwarto at agad ding lumabas.

Natanaw ko si Dwyne na buhat-buhat si Hillary. Hinalik-halikan niya ang pisngi ng bata. Natatawa na lang si Hillary sa ginagawa ng kanyang ama.

Kahit si Dwyne, sobrang clingy kay Hillary. Kaya ganoon na lang ang habol ng bata sa kanya. Kung wala lang trabaho si Dwyne, baka mawalan ako ng trabaho dahil ang lalaki ang nag-aalaga sa anak niya.

Kumuha siya ng nanny para may mag-alaga kay Hillary kapag nasa work siya. Kahit na nandito ako, halos si Dwyne pa rin ang nag-aalaga kay Hillary. Hindi niya inaasa sa akin ang responsibilidad niya sa bata.

“Tapos na ‘ko…” pag-agaw ko sa atensyon nila. “Sorry kung medyo natagalan…”

Nilingon ako ni Dwyne. Habang si Hillary naman ay idinipa ang mga braso na para bang pinaparating na gustong magpabuhat sa akin. Pinagbigyan naman agad siya ni Dwyne.

Pagkabuhat ko kay Hillary ay ibinaon niya agad ang mukha niya sa balikat ko. Baka mayamaya lang ay tulog na naman siya. Maaga pa naman siyang nagising kanina.

“Hindi mo na favorite si Daddy?” nagtatampong tanong ni Dwyne kay Hillary.

“Momiee…” tugon ni Hillary.

Napailing na lang si Dwyne sa anak niya. Hindi ko naman mapigilan si Hillary na sabihin iyon. Nang matutuhan niya ang salitang iyon, palagi na niyang binanggit. Lalo na kapag nakikita ako.

Napilit ni Dwyne si Hillary na sumakay ng stroller. Mahihirapan ako kung magdamag na magpapabuhat sa akin si Hillary. Sobrang bigat na niya, at siguradong mangangalay ako.

“Let's go na…” sabi ni Dwyne.

Bubuhatin ko na sana ang bag ni Hillary pero inunahan ako ni Dwyne. “Ako na ang magdadala nito.”

Umiling ako. “Hindi, ako na…”

“No, masyadong mabigat. Ako na ang bahala dito.”

I sighed in defeat. “Sige na nga…”

Itinulak ko na lang ang stroller ni Hillary. Hindi siya malikot dahil umiinom siya ng milk. Sakto naman na kami lang ang sumakay sa elevator. Pagkarating namin sa parking lot ay agad kaming dumiretso sa Ford na sasakyan ni Dwyne.

May sariling upuan si Hillary sa sasakyan. Tumabi naman ako sa kanya. Habang si Dwyne lang ang nasa unahan. Nagsimula nang magmaneho si Dwyne, habang nilalaro-laro ko naman si Hillary.

“I'm sorry,” biglang sabi ni Dwyne.

“Huh? Bakit?” nagtataka kong tanong at napalingon sa kanya.

“I forgot to tell you,” aniya at napakamot sa batok. “May CCTV ang room ni Hillary. Doon ka pa naman nagbibihis.”

Natigilan ako. “Seryoso?”

Tumango si Dwyne. “Para kapag may ginagawa ako, nababantayan ko pa rin siya.”

Bigla akong nakaramdam ng hiya! Maraming beses na akong nagbihis doon. Wala akong ideya na may CCTV na pala. Hindi ko naisip na posibleng may ganoon sa room ni Hillary.

“Don't worry, hindi ko panonoorin,” pagpapakalma niya. “Aalisin ko na rin ang CCTV sa room ni Hillary.”

“Bakit?” tanong ko. “Hindi mo na kailangang gawin ‘yon.”

“What do you mean?”

“Ipinagkakatiwala mo talaga sa isang tulad ko si Hillary?” tanong ko. “Wala pang isang buwan tayong nagkakasama, kaya hindi pa ako pwedeng pagkatiwalaan.”

Napansin ko ang pagtingin ni Dwyne sa akin gamit ang salamin sa unahan. Alam kong hindi ko na dapat pa tinanong iyon. Hindi ko naman magagawang saktan si Hillary. Kahit na wala si Dwyne, ibinubuhos ko ang buong atensyon ko sa bata.

“My daughter likes you,” malumanay niyang sabi. “I know you're a good person, sapat na dahilan ‘yon para ipagkatiwala ko sa ‘yo ang anak ko…”

Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang pansin kay Hillary. Nang tumingin siya sa akin ay bigla niya akong nginitian. Marahan kong hinaplos ang buhok niya.

Maikli pa rin ang buhok ni Hillary. Habang matambok naman ang magkabila niyang pisngi. May dimple rin siya. Sobrang puti niya rin kaya mabilis mamula ang balat niya, lalo na kapag naiinitan.

Kamukhang-kamukha ni Hillary ang Daddy niya. Lalo na sa hugis ng mga labi, at pagkasingkit ng mga mata. Parang batang version ni Dwyne si Hillary. 

“We're here…” biglang sabi Dwyne.

Dumako ang tingin ko sa labas. Nasa tapat kami ng isang building. Nag-park muna si Dwyne bago kami bumaba ng sasakyan. Nagpabuhat si Hillary sa Daddy niya. Habang nakasunod lang ako sa kanila.

Iniwan na namin sa sasakyan ang bag ni Hillary. Mabilis lang naman siguro ang checkup niya sa pedia niya. Walang sakit si Hillary. Kailangan lang talaga niyang tingnan dahil bago ako dumating, nagkaroon ng lagnat si Hillary.

Mabuti na lang maayos na ang pakiramdam niya. Kung napaaga lang ang dating ko, nagawa ko sana siyang alagaan. Siguradong sobrang nag-alala si Dwyne para sa anak niya.

“Dada,” pagbigkas ni Hillary. “Momiee…”

Buhat-buhat pa rin siya ni Dwyne. Naglalakad na kami papunta sa clinic ng pedia ni Hillary. Nasa likuran nila ako. Sa katangkaran ni Dwyne, halos hindi ko na makita ang daraanan ko.

Hanggang sa makarating na kami sa tapat ng clinic. Dumako ang tingin ko sa pinto. May nakakapit doon kung saan nakalagay ang pangalan ng pedia ni Hillary.

Dr. Kaius Warner Legaspi…

Hanggang sa tawagin na si Hillary. Hindi ko alam kung sasama rin ako sa loob. Ayos lang naman kung maiiwan ako sa labas. May mauupuan ako at hindi ako mangangalay sa paghihintay sa kanila.

“Let’s go, Yehirah,” sabi ni Dwyne.

Napasinghap ako. “Sasama rin ako sa loob?”

“Yes,” he nodded. “Para may ideya ka rin sa sasabihin ng doktor.”

Sumama na nga ako sa loob ng clinic. Natulala na lang ako nang makita kung gaano kaguwapo ang doktor. Halatang malapit ang loob ni Hillary sa lalaki.

Kung ang ibang bata ay natatakot na pumunta sa doktor, si Hillary naman ay tuwang-tuwa dahil nakita niya ang lalaki. Binigyan pa ni Dr. Legaspi si Hillary ng teddy bear.

Nagsimula na mag-checkup si dok. Tinimbang din si Hillary. Nadagdagan ang timbang niya. Healthy na naman si Hillary kaya napanatag na si Dwyne.

Nang matapos ang checkup ay lumabas na kami ng clinic. May nakasalubong pa kaming magandang babae. Lumabas si Dr. Legaspi ng clinic at sinalubong ito. Mukhang asawa ni dok ang babaeng nakasalubong namin.

“Uuwi na ba tayo?” tanong ko pagkapasok ko ng sasakyan.

Iniupo ni Dwyne si Hillary sa upuan nito. Yakap-yakap ng bata ang bigay na teddy bear sa kanya ni Dr. Legaspi. Sobrang nagustuhan niya talaga ang bagay na natanggap niya.

“Mamamasyal muna tayo,” tugon ni Dwyne at hinaplos ang buhok ni Hillary. “Right, baby? Gagala tayo?”

Hillary giggled. “Lalaaa!”

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Kahit na nahihirapan pa ring magsalita si Hillary, pinipilit niyang tumugon sa Daddy niya. Kapag lumaki na si Hillary, baka mas lalo siyang maging malambing kay Dwyne.

Sumakay na si Dwyne at agad na pinaandar ang sasakyan. Humingi ng milk si Hillary kaya agad ko siyang binigyan. Ilang saglit lang ay nakatulog na naman siya.

“May gusto ka bang puntahan?” biglang tanong ni Dwyne.

I shook my head. “Wala naman, hindi ako pamilyar dito sa Manila…”

Tumingin ako sa labas. Nagtataasang mga building ang nakikita ko. Humahanga na lang ako sa natatanaw ko. Nakikita ko rin ang paglipad ng eroplano mula sa himpapawid. Medyo malapit kami sa NAIA.

Hindi na umimik pa si Dwyne. Mabuti na rin iyon dahil busy na ako kay Hillary. Inihiga ko siya sa mga bisig ko para hindi siya mangalay. Hanggang sa makarating kami sa isang malaking mall. Nag-park muna si Dwyne bago kami bumaba.

Isinakay namin sa stroller si Hillary na gising na gising na. Natutuwa siya sa maliliwanag na nakikita niya. Tulak-tulak ni Dwyne ang stroller. Nakasunod lang ako sa kanilang mag-ama.

“Let’s eat first…” 

Tumango ako dahil nakararamdam na rin ako ng gutom. Humigop lang ako ng kape at kumain ng tinapay kanina. Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant. Hinayaan kong si Dwyne ang mag-order ng kakainin ko dahil hindi naman ako pamilyar sa mga pagkain.

“Dwyne, pare?” boses ng isang lalaki.

Dumako ang tingin ko sa lalaki. Lumapit siya kay Dwyne at nag-manly hug sila. Nag-usap pa sila, habang nilaro-laro ko naman si Hillary na nasa stroller pa rin. Napansin ko kasi na hindi siya sanay na makakita ng ibang tao.

Para bang gusto niyang magwala. Kaya bago pa mangyari iyon, itinuon ko na ang pansin niya sa akin.

“Kasama mo pala ang inaanak ko,” sabi ng lalaki at nilapitan si Hillary. “Hello, baby, naaalala mo pa ba ‘ko?”

Marahang hinaplos ng lalaki ang buhok ni Hillary. Hanggang sa humikbi na ang bata. Lumapit agad si Dwyne sa anak niya at kinarga ito. 

“Tinakot mo ang anak ko,” ani Dwyne.

Natigilan ang lalaki. “Wala naman akong ginagawa, ah…”

Hanggang sa dumako ang tingin sa akin ng lalaki. Guwapo rin siya, at halatang mayaman. Mukhang kaibigan siya ni Dwyne. Nahahalata sa kanilang dalawa na close sila.

“Hi,” nakangiti niyang bati. “I’m Zedrick Millanes, or Zed na lang…”

Nilahad niya pa ang kamay niya. Kahit na hindi ako kumportable, tinanggap ko pa rin iyon. Mukha naman siyang mabait.

“Yehirah…” pagpapakilala ko.

Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. Hanggang sa lumapit na sa amin si Dwyne. Ipinabuhat niya muna sa akin si Hillary, bago niya hinila palayo si Zed.

“Hindi mo sinabing may kilala kang magandang babae?” rinig kong sabi ni Zed.

Iniwas ko na ang tingin sa kanila at itinuon ang pansin kay Hillary. Kumalma na naman siya, pero nahahalata pa rin ang takot sa mukha niya nang dahil sa rami ng tao na nakikita niya.

Ilang saglit lang ay may lumapit na naman sa amin na lalaki. Kasunod niya pa ang isang babae na mukhang asawa niya. Wala akong ideya kung kilala ba sila ni Dwyne.

Hindi pa rin bumabalik ang lalaki na siguradong kausap pa si Zed.

“Hi, baby,” masayang bati ng lalaki kay Hillary. “Gusto mo ba ng candy?”

“Stop it, Zion,” suway ng babae. “Baka matakot sa ‘yo ang bata.”

Pilit na hinihila ng babae ang asawa niya pero nagmatigas ito. Nagulat na lang ako nang ilahad ni Hillary ang kamay niya. Para bang gusto niyang tanggapin ang candy.

Ngumiti ang lalaki at agad na binigay ang lollipop kay Hillary. Hindi ko silala kilala, pero ramdam ko na mabuti silang tao.

“Don't worry, safe ‘yan na kainin,” sabi ng lalaki sa akin.

“Say ‘thank you’,” sabi ko kay Hillary.

“Enkyu,” ani Hillary.

“What's your name, baby?” tanong pa ng lalaki sa bata.

Dumako ang tingin ko sa asawa niya. Napapangiti na lang siya. Mukhang sanay na siya na ganito ang husband niya. Na halatang malapit sa bata. Kahit si Hillary, makikitang kumportable siya sa lalaking kaharap niya kahit hindi niya naman kilala.

Hindi makasagot si Hillary, kaya ako na lang ang umimik.

“Hillary ang pangalan niya,” I replied.

“I’m Zion Miguel,” pakilala ng lalaki. 

Lumapit siya sa asawa niya at yumapos sa baywang nito. “She’s Caleena, my beautiful wife…”

Hanggang sa magpaalam na sila. Sakto naman na dumating na si Dwyne. Nang madala ang order ay kumain na kami. Sinusubuan ko ng pagkain si Hillary.

Matapos kumain ay namasyal kami. Dinala rin namin si Hillary sa Kidzoona. Tuwang-tuwa siyang maglaro. Kahit si Dwyne ay nakikipaglaro sa anak niya. Habang nasa isang tabi lang ako, at tahimik na pinapanood silang mag-ama.

“Be careful, baby,” sabi ni Dwyne at agad na inalalayan si Hillary.

Bigla na lang natumba ang bata nang makatapak ng maliit na bola. Sa halip na umiyak, tumawa pa si Hillary. Hindi naman siya gaanong nasaktan dahil malambot ang binagsakan niya.

Natapos ang araw na sobrang nag-enjoy si Hillary. Pauwi pa lang ay natutulog na ang bata. Napagod siya sa kalalaro. Minsan lang naman mangyari iyon kaya hinayaan na ni Dwyne.

Nang mga sumunod na araw ay naging busy na naman si Dwyne sa trabaho niya. May bago siyang ginagawang blueprint. Bumibisita rin siya sa site. Ang pahinga niya na lang ay sa tuwing kasama niya si Hillary.

Ngayon ay nandito kami ni Hillary sa garden. Sa may ibaba, sa labas ng building. Inaalalayan ko siya sa paglalakad. Nilagyan ko naman siya ng knee pads kaya hindi siya nasasaktan kapag natutumba siya.

“Kaya mo ‘yan, baby…”

Marahang humakbang si Hillary papalapit sa akin. Maikli lang ang agwat naming dalawa. Baka kapag lumayo pa ako, mahirapan siyang makalapit sa akin. 

Nagpaalam pa ako kay Dwyne na ilalabas ko si Hillary. Hanggang dito lang naman kami. Mayamaya lang ay babalak na uli kami sa condo. 

“Yera!” boses ng isang babae.

Dumako ang tingin ko sa tumawag sa akin. Natanaw ko si Eva na kasulukuyang papalapit sa akin. Hindi siya nagsabi na pupuntahan niya ako.

Umupo kami sa bench. Habang inilagay ko sa stroller si Hillary na mahimbing na ang tulog. Napagod siya sa kalalakad kanina. 

“Kumusta?” bungad ni Eva. “Okay ka lang ba?”

“Okay lang,” tipid akong ngumiti. “Hindi naman ako gaanong nahihirapan sa pag-aalaga.”

Tinitigan ko si Hillary. Sa tuwing nakikita ko siya, gumagaan ang pakiramdam ko. Ganoon din siguro ang nararamdaman ni Dwyne. Kahit na pagod siya sa trabaho, nagagawa niya pa ring bigyan ng oras ang anak niya.

“I mean…” huminto saglit si Eva.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Nababakas sa mukha niya ang pag-aalala. Bukod sa magpinsan kami ni Eva, magkaibigan din kaming dalawa. Halos magkasabay kaming lumaki. Nakipagsapalaran din siya dito sa Manila para sa pamilya niya.

Alam niya ang nangyayari sa buhay ko. Kung may mapagsasabihan man ako ng problema ko. Walang iba kundi si Eva na iyon. Lumuluwas pa nga siya sa Pampanga para lang damayan ako.

Dito na siya nakatira sa Manila dahil nandito ang trabaho niya. Umuuwi naman siya sa Pampanga para bisitahin ang pamilya niya. Mayroon na siyang boyfriend, pero wala pa siyang balak na mag-asawa.

“Ano pala ang ginagawa mo rito?” pag-iiba ko ng usapan.

“Binibisita ka,” tugon niya at niyakap ako. “Sabi ko, tawagan mo agad ako kapag nagkaproblema ka.”

“Wala namang problema,” I replied. “Ginagawa ko ito para sa pamilya ko.”

“Tama!” pagsang-ayon niya. “Siguradong namimiss ka na ng pamilya mo. Lalo na ang mga kapatid mo.”

Nanikip ang dibdib ko. Hindi mawala sa isip ko ang pamilya na naiwan ko. Para sa kanila naman ang ginagawa ko. Malapit-lapit ko nang makuha ang sahod ko. 

Tinuruan ko naman si Miyah kung paano kumuha ng pera sa Palawan Express. Doon na lang ako magpapadala. Alam kong kakaunti na ang perang hawak nila, kaya ipadadala ko sa kanila ang lahat ng sahod ko.

Nagkuwentuhan pa kami ni Eva. Hindi rin nagtagal ay umalis na siya. May trabaho pa siya. Isa siyang agent, pero bago iyon marami na siyang napasok sa na trabaho. Humahanga na lang ako sa kasipagan ni Eva.

Bumalik na ako sa condo. Inihiga ko si Hillary sa crib niya. Hindi pa rin siya nagigising kaya minabuti ko na maglinis na lang. Napasok ko na ang isang silid, tama nga ako na puno iyon ng mga bagay na hindi na ginagamit.

Ang hindi ko pa lang nakikita ay ang loob ng room ni Dwyne. Hindi naman ako pwedeng pumasok doon. Hindi ko tuloy malinis ang loob. Kahit na wala si Dwyne, hindi ko magagawang pakialaman ang pagmamay-ari niya.

“Wala pa rin ang Daddy mo,” sabi ko kay Hillary na humihikbi na dahil hindi pa rin umuuwi si Dwyne.

Malalim na ang gabi. Ito ang unang beses na na-late siya ng uwi. Wala pa naman akong natatanggap na message sa kanya. Nahihirapan akong pakalmahin si Hillary dahil hinahanap na talaga niya ang Daddy niya.

“Dada…” Hillary pouted.

Hinaplos ko ang buhok niya. “Uuwi na ang Daddy mo mayamaya lang…”

Yumakap siya sa akin. Para malibang ay binuksan ko ang TV at hinayaan siyang manood. Hindi rin nagtagal ay nakaramdam siya ng antok.

Pinainom ko si Hillary ng milk at pinatulog sa mga bisig ko. Nang mahimbing na ang tulog niya ay inilapag ko na siya sa crib. Tumambay ako sa living room. Hinayaan kong bukas ang pinto ng room ni Hillary para mabilis kong marinig kung umiiyak siya.

“Nasaan na kaya ‘yon?” I asked myself. “Baka magising si Hillary, at hanapin na naman siya.”

Hindi naman sa hinihintay ko si Dwyne, pero kailangan niyang umuwi dahil hahanapin siya ni Hillary. Kahit na close na kami ng bata, mas habol pa rin siya sa kanyang ama. 

Kung hindi lang inantok si Hillary, baka hanggang ngayon ay nagwawala siya. Nasanay siya na nagbo-bonding silang mag-ama. Kapag umaga naman, nakakaya ko siyang libangin kaya hindi niya hinahanap si Dwyne.

Ilang saglit lang ay narinig kong bumukas ang pinto. Natanaw ko si Dwyne na nahihirapang maglakad. Mukhang nag-inom siya, at ngayon ay lasing na lasing ang lalaki! 

Hindi niya pa rin ako napapansin. Muntikan na siyang matumba kung hindi lang siya mabilis na napakapit sa dingding. Mabilis ko siyang nilapitan. Aakayin ko na sana siya nang bigla niya akong yakapin.

Nasubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya. Naamoy ko sa kanya ang amoy ng alak. Kaya siguro siya ginabi dahil nag-inom pa siya.

“D-Dwyne…” nauutal kong sabi.

Pilit ko siyang itinutulak palayo pero nagmatigas siya. Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin. Ibinaon niya pa ang mukha niya sa balikat ko. 

“Selena…” halos pabulong niyang sambit. “B-balik ka na sa ‘kin, oh… H-hinahanap ka na ng anak natin…”

Continue Reading

You'll Also Like

38.1K 2.5K 40
In our world full of desires, countless wishes are made and greediness may occur. It may be done out of selflessness or with ill intent. Do you beli...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.9M 46.1K 40
TO BE PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #4: Audrey Deana Valdez
530K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...