Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

136K 2.8K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 31

2.8K 63 23
By kemekemelee

Solstice

I feel so pathetic. Pakiramdam ko ako na lang ang naiwan sa nakaraan. Lahat ng tao sa paligid ko umuusad na habang ako nasa parehas na lugar pa rin. Hindi man lang makaahon at parang walang balak na umahon.

Mapakla akong napangiti. Ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ganito na lang ang kinahinatnan ko.

Edad ko lang yata ang nadadagdagan. Balat ko lang ang kumukulubot pero ang puso ko naiwan pa rin sa garden ng mansyon namin. Humugot ako nang malalim na hininga bago ko pinunasan ang luha ko.

Six years na ang nakalipas pero hindi ko pa rin magawang maihakbang ang mga paa ko.

“Nakarating ka na ba Darlene?” tanong ni Kuya Adam mula sa kabilang linya.

Nanatili ang tingin ko sa malaking poster na nasa harapan ko.

“Yes, dito na ako. Frankfurt na kanina pa.”

“Are you sure you’re going to be okay?”

Natawa naman ako. “Ano bang tingin mo sa akin? Mukha ba akong 17 years old? Ayos lang ako. I can manage.”

“Sol is still sleeping. Sasabihan ko na lang na babalik ka rin agad. Napuyat pa naman iyon para surpresahin ka.”

“Just tell her I love her,” nangingiti kong sagot.

I ended the call after a few reminders. Saglit muna akong kumain sa malapit na coffee shop para hindi ako gutumin.

This is what I love in European countries. Hindi yata ako magsasawa sa iba’t ibang bread and pastries na natitikman ko. Perks of traveling almost every month.

Binuksan ko ang camera ng phone ko para i-record ang sarili ko. This is what I do most of the time. I love recording everything. Miski maliit na bagay ay kinukuhaan ko pa ng litrato. Natatakot lang kasi ako na baka dumating ang araw na makalimutan ko na ang lahat ng ito at wala man lang akong matitingnan na alaala.

I posted a few snaps on my private Instagram account. Bilang lang din ang mga tao na pinayagan kong makaalam ng buhay ko. Ayaw ko lang na magkaroon pa sila ng access sa akin tulad ng nangyari noon.

Patapos na akong kumain nang mapansin ko ang isang lalaki na titig na titig sa tinapay na nasa harapan niya. Pasimple ko siyang sinulyapan bago niya kinagatan ang tinapay. Agad naman siyang napangiwi kaya natawa ako.

“Putangina anong pagkain ito?!” rinig kong reklamo niya.

Confirmed. Kababayan ko pala. Napailing na lang ako at niligpit ang pinagkainan ko.

Humanay na ako papasok sa isang indoor arena dito. Nilahad ko ang ticket ko bago nila ako pinapasok. Dumiretso ako sa pinakamalayong upuan at agad na naupo.

General Admission lang ang pinili kong tier kahit alam kong kaya kong i-afford ang VIP. Hindi ko lang talaga gustong ipaalam sa kaniya na pinanonood ko pa rin siya hanggang ngayon.

“Sold out pala hanggang dito. Lakas talaga ng Equinox!” rinig kong komento ng nasa tabi ko.

“Syempre sila na iyan. Asahan mong sold out talaga kahit saang bansa pa iyan,” sagot pa ng isa.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Proud na proud talaga ako sa kaniya. Sobrang layo na ng narating niya. Masasabi kong tama lang talaga ang ginawa kong desisyon noon.

Ilang minuto lang na dumilim na ang buong arena at napuno na iyon ng sigawan. Hudyat na magsisimula na ang concert nila.

“Equinox! Equinox! Equinox!”

Halos mabingi na ako sa sigawan ng fans habang unti-unti silang lumalabas galing sa backstage. Ako naman ay nanatiling tahimik dahil iisang tao lang naman ang inaabangan ko.

“Good evening everyone!”

Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya. Anim na taon na ang nakalipas pero ganito pa rin ang epekto niya sa akin.

“I hope you guys are having a good time,” he casually said.

Sa malaking screen ko lang nakikita nang maayos ang itsura niya ngayon. Gone is the long-haired Simon I knew. Hindi ko na rin nakitang pinahaba pa niyang muli ang buhok niya. Bumagay pa rin naman sa kaniya iyon.

He looks more manly now. Mas lalo lang siyang naging wild sa lahat ng performance niya. He likes to perform topless. Napuno na rin ng tattoo ang buong katawan niya.

“Sarap magpasakal kay Simon,” sabi pa ng babae na nasa tabi ko.

“Parang gigibain yung kama sa ganiyang itsura ay!” sagot pa ng kasama niya bago sila magtilian.

Nanahimik na lang ako at kinuha ang phone ko. I want to take a lot of videos. I want to cherish this moment. Sa ganitong paraan ko na lang kasi siya nakikita kaya susulitin ko na.

“I used to know her brother, but I never knew I loved her. ‘Til the day she laid her eyes on me.”

Napapikit ako sa sobrang lamig ng boses ni Simon. Kung anong pakiramdam ko noong unang beses ko siyang nakita sa debut ni Krishna, gano’n pa rin ang pakiramdam ko ngayon.

“Now I’m jumpin’ up and down. She’s the only one around, and she means every little thing to me.”

Minsan may mga pagkakataon na iniisip ko na sana naging selfish na lang ako pero sa tuwing makikita ko siya na ganito. Young, successful, and happy. Alam kong babalik at babalik pa rin doon ang desisyon ko.

“I’ve got your picture in my wallet, and your phone number to call it. And I miss you more whenever I think about you.”

Minulat ko ang mata ko para lang titigan ang nag-iisang lalaki na minahal ko ng ganito. Ramdam kong tumulo ang luha ko na agad ko ring pinunasan. Ang sakit sakit pa rin talaga.

“Happy 8th anniversary to us...” I whispered, as if he could hear me.

“I’ve got your mixtape in my Walkman. Been so long since we’ve been talkin’ and in a few more days we’ll both hooked up, forever and ever.”

“Mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita,” bulong ko ulit.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko na gumawa ng ingay. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong dumako sa pwesto ko ang paningin ni Simon.

Alam ko namang hindi niya ako makikita. Sa sobrang dami ng tao dito at sa sobrang laki ng venue, hindi niya ako mapapansin. Pero hindi rin naman masamang isipin na baka naramdaman niya ako o ang sinabi ko.

Hindi ko na tinapos ang concert. Agad na akong umalis doon para tumuloy sa flight ko. Wala rin naman akong balak tapusin iyon dahil gusto ko lang talaga siyang makita ngayong araw.

“I miss you, mommy. Where are you?”

Ngumuso naman ako nang marinig ko ang boses ni Solstice mula sa kabilang linya. Nagtatampo na ang anak ko kaya kailangan ko na talagang makauwi.

“Mommy is on her way.”

“Please hurry. Pretty pretty please?”

I chuckled. “I’ll be there in an hour or two. So, for now, be a good girl to your Uncle Adam, okay?”

“I’ll wait patiently. I think I’m gonna go watch Barbie with Ate Odette!”

“That’s a great idea, baby. I love you.”

“I love you more, mommy.”

Solstice is my new hope in life. Siya ang rason kung bakit hanggang ngayon pinipilit ko pa rin na magpatuloy. Siya ang bumuhay sa napundi kong ilaw sa buhay na ito.

Almost 10 PM nang makarating ako sa Kraków dito sa Poland. For the past six years, dito kami nanirahan kasama sila Kuya Adam at Ate Celine.

This country is known for its upgraded and innovative pharmaceutical industries. Isa rin sa mga bansa sa Europe na masyadong nakaasa sa drug at over-the-counter medicines.

One of the few things that I noticed. Lalo na dahil laman ng commercials ang mga gamot. 70% ng commercial puro gamot lang ang ina-advertise. All the more reason why Kuya Adam insisted to stay here.

“Nakau—”

“Happy birthday!”

Agad na tumalon si Solstice para yakapin ako nang makita niya ako. Lumuhod naman ako para mas mayakap ko ang anak ko.

“Happy birthday, mommy. What took you so long?” she asked softly.

“Sorry, baby. Did you miss me?”

She nodded cutely. “I waited whole day.”

“Forgive me, baby. How can I make up to you?”

Her small hands reached me. Parang natunaw ang puso ko habang marahan niya akong hinihila patungo sa table. May malaking banner doon na nakasabit at may nakalagay din na greetings.

Ngayon ko lang din napansin na may mga suot pa silang party hat at may bitbit na party poppers. Sigurado akong si Solstice ang may ideya nito at pinagbigyan lang nila.

“Inaantok na ang bata. Bakit kasi ang tagal mo?” bulong sa akin ni Kuya Adam.

“Sorry na. Nakahabol naman ako.”

“Still, pinaghintay mo ang anak mo. Iiyak na dapat iyan kung hindi ka pa nakarating.”

Tumayo si Solstice sa upuan bago niya tinanggal ang cover ng cake na kanina ko pa talaga napansin. Napangiti naman ako nang makita kong nilagyan niya ng strawberry yung cake. Si Primo ang nagsindi ng kandila bago nila ako nilingon.

“You can make it up to me by celebrating with us. Please be happy, mommy.”

Parang nadurog ang puso ko nang marinig ko ang sincerity sa boses ni Sol. Hindi ko maikakaila na matalinong bata talaga siya. Siguro ay nahalata niya na ang lungkot ko tuwing dumadating ang birthday ko.

So I tried to smile. Nakita ko kung paano nagningning ang mata niya nang makita niya ang ngiti ko.

“You look more beautiful when you smile, mommy.”

I winked at her. “That’s why I love you, baby.”

“Shall we sing first?” si Kuya Adam iyon.

Pumalakpak naman ang anak ko kaya inalalayan ko siya habang kinakantahan nila ako.

“Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you!”

I chuckled. “Salamat sa inyo. Grabe nag-effort pa kayo!”

“Idea itong lahat ni Sol. You should thank your daughter,” sagot ni Ate Celine.

“Is that true?” I asked Sol.

She nodded. “Opo!”

“Thank you so much, baby.” I kissed her cheeks.

“Make a wish! Make a wish!”

I closed my eyes. All I want is what’s the best for Solstice. Iyon lang at masaya na ako. Dumilat na rin ako para hipan ang kandila.

“Yehey! Happy 27th birthday, mommy!”

27th.

It feels surreal. Pakiramdam ko 21 years old pa rin ako. Third year Biology student. May secret relationship sa vocalist ng Equinox. Life was so good back then.

“I love you, baby. Thank you for this. Natuwa ang mommy sa surprise mo.”

Her face lightened up. “Really? Are you happy po ba?”

“Sobra.” I pinched her cheeks.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Pinanood ko naman siyang kumuha ng icing sa cake bago niya ako pinahiran sa pisngi.

“I have noticed that you are always sad on your birthday, mommy. I just don’t like seeing you sad, so I hope we made you feel better today.”

I almost cried when I heard what she said. Solstice really brought the colors back into my life. She inspired me to start living again, and I promised myself that I’ll do anything to give her the life she deserves.

“I love you so much, baby. Masaya ako ngayon. Sobra. Mahal na mahal kita.”

“Then let’s eat na po!” she chuckled.

I nodded. “Sure, ano bang hinanda niyo sa akin?”

“Uncle Adam cooked for us. He called this Menudo. Sabi niya po favorite niyo raw po iyan. Is that true?”

Sinulyapan ko naman si Kuya Adam na natatawa habang nakatingin sa amin ni Sol.

“Yes, baby. Favorite ko iyan.”

“Edi favorite ko na rin po ito. Let’s eat na po!” nangingiting sinabi ni Sol.

Solstice and I have been living under the same roof with Kuya Adam and Ate Celine. Hindi rin naman nila ininda iyon dahil parang iisang pamilya na rin kami. Parang magkakapatid na nga si Primo, Odette, at Sol.

Dito ko rin tinuloy ang pag-aaral ko and after a year nagkaroon na rin ako ng trabaho sa isang zoo dito. Blame Lola Ana for giving me ideas. Na-enjoy ko rin naman na magtrabaho sa zoo.

“This is my new favorite. You cook so good Uncle!” komento ni Sol.

“Lahat naman favorite mo Sol,” natatawang sinabi ni Primo.

Sol glared at him. “I am just telling the truth!”

“Sol, hurry up. Sabi mo manonood pa tayo ng Frozen,” sabi naman ni Odette.

“Ate, wait for me!”

Napangiti naman ako habang pinapanood ko silang tatlo na nagkukulitan. Bunsong kapatid na nila kung ituring si Sol.

“I have snacks here, Sol. Tara na!” ulit pa ni Odette.

Binilisan naman ni Sol ang pagkain kaya halos magkanda-ubo ubo na siya. Hinaplos ko naman ang likuran niya bago ko siya inabutan ng tubig.

“Slow down, baby. Odette is just teasing you.”

“Is it alright if I sleep beside Ate Odette?” Sol asked me.

Natawa naman ako nang mapansin ko na sinubukan niya pang magpa-cute para lang payagan ko siya.

“Alright. Basta matutulog kayo nang maaga. Just finish the movie, and go to sleep.”

Sol kissed my cheek. “I love you po!”

Humagikhik naman si Sol bago tumakbo papunta sa kwarto ni Odette. Napailing na lang si Primo habang pinapanood sila.

“Oh, Primo? Nood ka rin ng Frozen,” biro ko.

“Tita, para sa girls lang iyon.”

I chuckled. “Nanonood ka nga ng Barbie noon.”

“Tita!” He looks embarrassed. “I am fine with my playstation.”

Kaming tatlo na lang nila Ate Celine ang naiwan sa dining room. May kaniya kaniya na rin kasing ginagawa ang mga bata.

“Hanggang kailan mo kaya gagawin iyan sa sarili mo?” tanong sa akin ni Kuya Adam.

I sighed. “Ang alin?”

“You are stuck. Hanggang kailan mo ba papahirapan ang sarili mo?”

“This is how I choose to live. I am fine.”

“No, you’re not.” I heard him sigh. “Please, help yourself. Kahit para na lang kay Solstice.”

“Maayos naman ako. Buhay naman ako. Ano pa bang kailangan kong gawin, Kuya?”

Umiling siya. “You call this living?”

Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko. Nag-init ang mata ko at para na naman akong dinudurog nang paulit-ulit.

“Darlene, you have to move on. May ibang buhay na si Simon. Matagal mo nang tinapos ang relasyon niyo. Please naman kahit para na lang sa anak mo.”

“Paano kung ayoko? Paano kung ganito lang ang gusto ko?”

I swallowed harder. “I have no plans of moving on. Ayaw kong kalimutan si Simon.”

“At kailan ka magmo-move on? Kapag may bago na siya? O kapag kinasal na siya?”

Maisip ko pa lang iyon para na akong pinapatay. Hindi ko kayang makita iyon. Pakiramdam ko mamamatay ako kapag nalaman kong magpapakasal na siya.

“Patayin niyo na lang ako bago ko gawin iyan.”

“Hindi mo pwedeng gawin ito sa sarili mo. Anim na taon ka nang ganito. Please, free yourself.”

I bit my lip. “N-no. Hindi ko kaya.”

Umupo si Kuya sa harapan ko. Pagod niya akong tiningnan bago niya hinawakan ang kamay ko.

“I hate seeing you like this.”

“Pasensya ka na, Kuya. Mahal ko lang talaga. Ang hirap niya kasing kalimutan.”

Tumango si Kuya bago niya ako hinatak para yakapin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na umiiyak na naman. He knows what to do. Si Kuya lang naman kasi ang nakasaksi ng kahinaan ko sa mga nakalipas na taon.

“I just want to see your smile again.”

I lost it six years ago.

“Matutulog na ako, Kuya. Pagod ako ngayon.”

Pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga. I removed my coat. I changed my clothes as well. Umupo ako sa kama ko at binuksan ko ang phone ko para panoorin ang lahat ng videos ko kanina.

Napangiti ako nang makita ko ang videos na kinuha ko kanina. Ang saya saya niya tingnan sa stage. Ito lang naman talaga ang gusto ko para sa kaniya.

“Proud na proud ako sa’yo,” nabasag ang boses ko at nakita kong napuno ng luha ang screen ng phone ko.

Binaba ko na ang phone ko dahil baka hapuin pa ako kung hindi ako titigil sa pag-iyak. Tulala akong napatingin sa bintana.

If love ever knocks on my door again, I wish it’s still him standing here. I hope it’s the same set of brown eyes and the same echo of laughter. I hope it’s still Simon.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa tawag ni Euphony. Sa tingin ko ay miss na naman ako ng isang iyon. Matagal na rin kasi ang huli kong dalaw sa Pinas.

“Morning! Umaga na ba d’yan?” she asked me.

Huminga muna ako nang malalim bago ko siya nginitian. Pwede na akong maging artista sa sobrang galing kong umarte na ayos lang ako.

“Binati mo na nga ako. Syempre umaga na dito!”

She frowned. “Galit agad. Ito naman! Kailan ba balik mo dito? Miss na kita.”

“Babalik ako kapag break na kayo ni Zero.”

“Edi for good ka na niyan sa Poland?”

Sabay naman kaming humagalpak ng tawa. God, I really miss her. Mabuti na lang din at naka-recover na siya sa nangyari. Sobra rin talaga akong nag-alala noon kaya ginawa kong kapitbahay ang Pinas para lang madalaw siya.

“Ang tagal na nang huli mong dalaw dito. I think four years na? Balik na please.”

I sighed. “Uuwi na rin naman ako.”

Nanlaki naman ang mata niya. Hindi ko pa sana sasabihin pero dahil napag-usapan na namin kaya ipapaalam ko na lang.

“Hala! Kailan?!”

“Next month. For good na rin. Aasikasuhin ko yung zoo ni Lola Ana d’yan.”

She chuckled. “Sasabihan ko si Zero.”

“No!”

Kumunot naman ang noo niya sa reaksyon ko.

“I mean huwag. Sa atin na lang muna.”

She arched her brow. “Hindi niya naman sasabihin kay Simon at kung masabi niya naman. Ano namang gagawin ni Simon eh matagal na naman kayong break?”

“Still, mas prefer ko na sa atin na lang.”

“And speaking of Simon. Madalas siya dito. Close na close talaga sila ni Zero.”

I chuckled. “Lahat naman close ng gagong iyan.”

“I really miss you, Darlene. Sabihan mo ako ng exact date. Magpapa-party talaga ako.”

Masaya akong makita na okay na si Euphony. Kahit naman palagi kaming nag-aaway ni Zero alam ko namang gagawin niya ang lahat para lang protektahan ang bestfriend ko.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan ni Euphony bago ko binaba ang tawag. Hindi pa alam ni Solstice na lilipat na kami ng Pilipinas. Lola Ana is already on her death bed. Ito lang ang pakiusap niya sa akin kaya uuwi na rin ako.

Surprisingly, nawala ang lahat ng news tungkol sa cheating issue ko noon. Hindi ko rin alam kung paanong nangyari iyon. Burado na kasi sa kahit saang online news outlet.

Not that I care. May kasalanan din naman ako pero tulad ng issue na madaling maluma. Nakalimutan na rin ng mga tao ang nangyari. Nakabalik naman ako ng Pinas noon nang hindi ako kinukuyog ng mga tao.

“Good morning, baby!”

I immediately hugged Solstice. Kanina pa pala siya gising at kasalukuyan siyang nakain ng pancake ngayon.

“Morning, mommy! I slept early and woke up early,” she proudly said.

“Good girl. And because of that I have a gift for you,” I winked at her.

Her eyes twinkled. “What is it, mommy?”

“That’s a surprise.”

Humalakhak naman ako bago ko ginulo ang buhok ni Sol. Nakita kong ngumuso siya bago niya kinagatan yung pancake.

“Fine. I’ll wait patiently.”

Tunog nagtatampo pa rin iyon kaya niyakap ko ang anak ko.

“You and I will go to Philippines,” bulong ko sa kaniya.

“Really?” she asked me.

I nodded. “Yes, baby.”

“Can we meet daddy then? You told me he’s working there!” she excitedly said.

Kumirot ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang anak ko na tuwang-tuwa na pag-usapan si Simon.

Sandali akong natahimik. Nakita ko rin ang pag-aalangan sa itsura ni Ate Celine kaya naman nginitian ko ang anak ko.

“Yes...” I answered hoarsely. “Your daddy is working hard there.”

“I can’t wait to meet him, mommy! What is he like?”

“H-he’s... he’s great... and hardworking... and handsome...” I chuckled.

“You love him, mommy?”

Natahimik ako dahil sa tanong niya pero agad din akong tumango.

“I do. I always do, baby.”

Tumayo naman siya para yakapin ako.

“I love him too, mommy. I can’t wait to meet him.”

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
365K 11.6K 44
LOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal fait...
2.6M 45.7K 53
Galvez series #2 (Completed) Autumn had a difficult time growing up due to the constant bullying she faced because of her appearance, personality, a...
65.4K 1K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...